Share

RED ROSE IV

Author: Unbreeeykable
last update Huling Na-update: 2020-08-28 15:03:48

Chapter 4

KALILA MADISON RAMIREZ

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Parang may kagulahang nagaganap. Inabot ko ang aking cellphone na nasa bedside table upang tingnan ang oras. 5:32 pa ng madaling araw. Bakit kaya ang ingay na sa labas?

Hinawi ko ang kumot at tumayo na sa kama. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa baba. Pumunta ako sa kusina.

Walang tao...

Asan kaya si Nanay Belinda? Kapag kasi mga ganitong oras nasa kusina na siya at nagluluto samantalang si Mommy ay nasa sala na at busy sa pagla-laptop. Pero ngayon, ang tahimik dito.

Naisipan kung lumabas. Dahil nasa lahi na namin ang pagiging curious, lumabas ako ng bahay upang makita ang kaganapan sa labas. Baka kasi masumpungan ko rin sila doon na naki-usisa.

Pagkalabas ko ng gate, nakita agad ng mga mata ko ang kumpulan ng mga tao sa labas ng bahay nina Tita Perla at Passy. May nakita din akong ambulansya at mga rescuer. Hindi ko masyadong maaninag ang nangyayari sa loob dahil natatakpan ng mga tao ang gate nila. May narinig akong mga kapitbahay namin na nag-uusap kaya 'di ko maiwasang pakinggan ang mga sinasabi nila. Nagpanting naman ang tenga ko sa narinig.

"Nagpakamatay daw 'mare. Kinain lahat ng mga gamot at tabletas nila sa bahay," sabi ng ginang na may mga curler pang nakasabit sa buhok.

"Ano raw ang dahilan ng pagkamatay niya 'mare?" tanong naman ng isa pang nasa bandang apatnapu ang edad.

"Depressed daw kasi ito. Ayon sa nakasulat sa suicide letter, iniwan ng nobyo. 'Yun lang alam ko 'mare eh," sagot ng kausap.

Suicide? Sino kaya ang nagpakamatay?

Nagsitabihan ang mga tao nang lumabas ang mga rescuer buhat-buhat ang isang stretcher. May takip ng puting tela ang katawang nakahiga rito. Pagkaraan, hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang nakalabas na payat nitong kanang kamay sa tela. May mga dugo pa sa palad nito. Napangiwi ako sa aking nakita.

Nang ipinasok na ito sa loob ng sasakyan, doon lang ako may napagtanto kung sino ang maaaring nagpakamatay. Nanlaki agad ang aking mga mata sa posibleng tao na aking naisip.

Payat na kamay.

Hindi pwedeng si Tita Perla dahil malaki itong tao. Bukod pa riyan, naaalala ko rin iyong usapan ng mga kapitbahay kanina.

Possible kayang si Passy 'yun?

Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng pagtawag sa aking pangalan. Boses iyon ni Mommy kaya nilingon ko na. Nakasunod sa likod ni Mommy si Nanay Belinda.

"Kalila! Ba't andito ka sa labas?" tanong ni Mommy. Napairap tuloy ako dahil sa tanong niya.

"Obviously My, nakiusisa rin," sagot ko.

"Tigil-tigilan mo ko sa irap mong 'yan Kalila." May halong pambabanta sa boses niya. Sus! Di ako matitinag sa ganyan ni Mommy. Close kaya kami!

"Halika na. Pumasok na tayo," dagdag nito.

Naunang pumasok sa gate si Nanay Belinda at saka sumunod si Mommy.

"'To naman si My! Nagising kasi ako dahil sa ingay. Saka, wala kayo pagkababa ko kaya naisipan kong lumabas nalang baka kasi andito kayo," pagpapaliwanag ko nang makapasok na sa gate.

Akmang papasok na sana ako sa loob ng bahay nang mapatigil ako sandali. Naalala ko kasi ang nakita't narinig ko kanina.

Sandali lang...

Bakit may dugo sa palad ng bangkay kung gayong na-overdose siya sa gamot na ininom niya? At higit pa riyan, bakit nanggagaling ang kaguluhan sa loob ng bahay nina Passy?

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Sa kabila nito, humakbang pa rin ako papasok sa loob ng bahay namin.

Pagkapasok ko, nagsiset-up na si Mommy sa laptop niya at si Nanay, mukhang nagluluto na sa kusina. Hindi ko napigilan ang kuryusidad ko kaya tinanong ko na si Mommy tungkol sa nangyayari sa labas.

"My," pagtawag ko kay Mommy. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa. "Yes?" maikling aniya.

"Si... Si Passy ba 'yong nagsuicide?" nag-aalangang tanong ko.

Napatigil si Mommy at umangat ang tingin sa akin dahil nakatayo ako habang nasa couch naman siya nakaupo.

"Oo, Kalila," sagot niya saka tinutok na agad ang atensyon sa laptop, kung saan nakalagay sa center table. Umupo ako sa isa pang single couch na paharap kay Mommy.

"Ano raw ang rason, My?" seryoso kong tanong. Sa kabila niyan, sobrang lakas pa rin ng kabog ng puso ko dahil sa nalaman.

"Hindi pa masyadong malinaw ang rason. Ang sabi lang sa'min ni Perla habang pinapatahan namin siya, nakita niya raw kanina na bukas ang kwarto ni Pacita kaya tinawag niya muna ito bago pumasok."

Huminto muna si Mommy at nagtipa ng kung ano sa laptop bago nagpatuloy. Nakinig ako ng mabuti sa mga sinasabi niya.

"Pero laking gulat niya nang makitang nasa sahig ito at nakatirik ang mga mata habang nakabukas ang bibig na bumubula. Wala na itong buhay. Tantya niyang naoverdose ito dahil may hawak-hawak pa itong lalagyan ng mga gamot nila sa kaliwa niyang kamay. May mga gamot pa ngang nagkalat."

Pumikit ng mariin si Mommy na para bang may lumabas sa isip na hindi niya nagustuhan. Ako naman, napapanganga sa narinig.

"Nakakita siya ng sulat na nasa kama. Sinasabi ro'n kung gaano siya kalungkot nang iwanan siya sa boyfriend niya at hindi pinanagutan ang magiging anak sana nila." Natutop ko ang aking bibig dahil sa sinabing iyon ni Mommy.

Magkakaanak na sana sila ng boyfriend niya pero hindi siya pinanagutan nito? Pero, napakabata pa niya para maging ina! Isa pa, napakalaking kasalanan ang nagawa ni Passy. Hindi lang sarili niya ang pinutulan ng buhay kung hindi pati na rin ang napakainosenteng sanggol na nasa sinapupunan nito.

"Bakit niya nagawa iyon? Samantalang, maayos pa nga kaming nagkausap noong isang araw," sabi ko kay Mommy.

"Hindi natin alam ang takbo ng utak ng isang tao, Kalila. Marahil plano niya na talagang gawin 'yun dahil masyado na siyang nilamon ng kalungkutan. Pakiramdam niya, mag-isa na lang siya at wala nang solusyon ang kanyang problema," seryosong wika ni Mommy.

Naalala ko tuloy ang nakita namin ni Lorelei kahapon. Umiiyak si Passy noon habang may kausap sa cellphone sa kanilang bakuran. Malungkot din ito at kitang kita sa mukha kung gaano ka problemado. Hindi ko akalaing huling kita ko na pala sa kaniya iyon.

Nakakaawa ang sinapit niya pero hindi naman kasi nasusulosyonan ang problema niya sa pagpapakamatay. Hindi tuloy ako makapaniwala dahil ang Pacitang kilala ko ay matapang at palaaway. Hindi ito titigil hangga't hindi siya nananalo. Masyadong warfreak itong si Pacita sa klase namin noon.

"Naku, maligo ka na lang Kalila. 6:45 na oh." Napukaw ako sa aking malalim na pag-iisip nang magsalita si Mommy.

"Hala!" Natupok ang kabang bumalot sa aking puso nang mapagtanto ang oras. "Bakit hindi ka nagsabi, My? Sige, maliligo na ako," natatarantang sabi ko at umakyat na papuntang kwarto ko. Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit saka pumasok na sa banyo para maligo.

Habang naliligo, bigla ko na namang naalala ang nangyari kay Passy. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting takot. Akmang aabutin ko na ang shampoo nang bigla akong napaisip.

Naoverdose sa maraming gamot si Passy, pero ano iyong nakita ko kanina? Iyong nakalabas niyang kamay na may dugo? Bakit kaya may dugo iyon, eh gamot naman ang ginamit niya?

Napakamot ako sa ulo kong may shampoo. Ba't 'di ko naitanong ni Mommy? Ayan, umaandar na naman ang kuryusidad ko.

Matapos kong maligo, magbihis, kumain, magsipilyo at maghanda, nagpaalam na ako sa kanila. Inihatid na rin ako sa wakas ni Kuya Henry.

Ilang minuto pa at nakarating na ako sa paaralan. Pagkapasok ng classroom, agad na hinanap ng mga mata ko si Lorelei pero bigo ako dahil nakita kong wala pa ang bag niya sa kaniyang upuan. Nilapag ko na lang ang bag ko at umupo. Sinubsob ko ang aking mukha sa lamesa. May apatnapu't limang minuto pa kasi bago mag-umpisa ang klase.

Ilang minuto ang nagdaan bago ko maramdaman ang pagdami namin sa loob ng silid-aralan. Narinig ko na ang grupo ni Cassidy na maingay na nag-uusap at iyong ibang kaklase ko ay paniguradong busy sa gadgets.

Maya-maya lang, nakaramdam ako na parang may umupo na sa upuan ni Lorelei. Dali-dali akong nag-angat ng ulo dahil umaasa akong siya na iyon. Ngumiti pa ako. Pagtingin ko sa gawing kanan, napawi ang aking ngisi nang malamang hindi si Lorelei iyon.

"Hi," sabi ng lalaking prenteng nakaupo sa upuan ng aking kaibigan. Nakaharap ito sa akin. May pagkasingkit ang mata nito at matangos ang ilong samantalang mahaba ang mukha nito. Nakatagilid ang buhok niya. Para siyang Koreano dahil narin sa napakaputing balat nito.

Naalala ko siya pero nakalimutan ko kung ano ang pangalan niya. Basta, siya iyong vice president namin.

"Uhm, hi?" alanganin kong bati pabalik.

"Kalila right? I'm Steve. Steve Park."

Tama nga ako. Koreano siya. Nakalahad ang kamay niya kaya naman tinanggap ko ito at nikapagkamay.

"Yeah." Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang siya ngumiti pabalik. Pero infairness, ang lambot ng kamay. Gwapo rin pala ang isang 'to.

Binawi ko na ang kamay ko.

"So, close na pala kayo ni Lorelei," aniya sabay na humalukipkip. Hindi ito patanong.

"Hindi naman masyado," kiming sagot ko. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Hindi kasi ako komportable sa mga titig nito sa akin. Seryosong seryoso ang mga mata niyang nakatutok sa akin.

"You know what? Ikaw ang unang taong nakita kong nakakasama sa kaniya. And I'm a bit shocked how you convinced her to be her friend." panimula niya. Bahagya namang napakunot ang noo ko. Hindi ko kasi inaasahang makikipag-usap siya ng matagal sa akin.

Nakatingin lamang ako sa kaniya habang nagpatuloy siyang magkwento tungkol kay Lorelei na hanggang ngayon, hindi pa dumadating.

"We're classmates since first year but I never saw her with someone. Maraming lumalapit sa kaniya pero hindi rin nakakatagal dahil sa sobrang tahimik at misteryoso nito, but you?"

Inilapit niya ang mukha niya sa akin sanhi para mapaatras ako ng kaunti. Nakaupo kami habang napakalapit ng mukha sa isa't isa. Naamoy ko tuloy ang panlalaki nitong pabango. Tinitigan niya ako ng diretso sa mata saka nagsalitang muli.

"She's interesting. Right?" Ngumisi siya. Lumiit tuloy lalo ang singkit nitong mga mata.

Ilang sandaling nakatitig siya sa'kin pagkatapos ay lumayo na siya. Samantalang ako, napatulala lang. Hindi ko kasi alam ang ire-react ko kaya ilang segundo rin akong natahimik. Napapitlag lamang ako nang tumikhim siya.

"I like your eyes." Iyon lang at bumalik na siya sa totoo niyang upuan na nasa harapan.

Tinutukoy niya kaya ang kaliwang mata ko na may maliit na nunal sa ibaba nito? Marami talaga kasing nagsasabi sa'kin na maganda raw ang mata ko at nagpadagdag pa daw ang nunal na'to.

Ngayon lang pumasok sa utak ko ang sinabi niya kanina tungkol kay Lorelei. Sabi niya, interesting ang kaibigan ko. Kung ganon, katulad ko interesado rin siya kay Lorelei? Pero sabi niya pa matagal na silang kaklase. Kung interesado siya rito, matagal na siyang lumalapit kay Lorelei.

Umiling ako dahil sa aking mga naisip.

Maya-maya'y dumating na ang katabi kong si Vaughn at ilang sandali naman ay si Lorelei. Tinawag ko siya nang saktong umupo na.

"Lorelei!" Umangat siya ng mukha. Hindi man siya sumagot, alam kong isa itong pagbati niya pabalik. "Sabay tayong magluch mamaya?"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya bagkus ay tumayo na lamang upang bumati sa papasok na guro.

Buong klase, lumilipad lang ang utak ko. Masyado akong nababagabag sa nangyari kay Passy kanina at pati na rin sa mga sinasabi sa'kin ng class vice president na si Steve. Malaki kasi ang pakiramdam ko na may mali.

Ang daming katanungan na nabubuo sa utak ko. At lahat ng iyon ay nagsisimula sa... bakit?

TO BE CONTINUED

Kaugnay na kabanata

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE V

    Chapter 5KALILA MADISON RAMIREZNAGHUHUGAS ako ng kamay dito sa Comfort Room. Iniwan ko muna sandali si Lorelei sa canteen pagkatapos naming kumain para pumunta rito.Nang matapos na akong maghugas, lumabas na ako ng girl's cr. Pagkalabas ko, may nakita akong lalaki sa tapat ng boy's cr na katabi lamang din sa pambabae. Nakatalikod ito sa akin at may kausap sa cellphone. Habang naglalakad, hindi ko sinasadyang marinig ang

    Huling Na-update : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE VI

    Chapter 6ROSA REYESKASALUKUYAN akong nakaupo sa harapan ng salamin at nagsusuklay. Sinusuklayan ko ang aking magagandang buhok habang humuhuni. Tutok na tutok lamang ang aking mga mata sa repleksyon ng aking mukha sa salamin. Kalaunan, bigla na lamang akong napatawa ng pagak hanggang sa ang tawang iyon ay naging isang malakas na halakhak. Kitang-kita ko sa salamin kung paano nag-iba ang aking magandang mukha sa paraan ng aking pagtawa.

    Huling Na-update : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE VII

    Chapter 7KALILA MADISON RAMIREZSABADO NGAYON. Tirik na tirik na ang araw nang bumangon ako. Niligpit ko ang aking higaan at agad na bumaba."Tanghali na Kalila. Kumain ka na rito," bungad sa akin ni Nanay Belinda.Pumasok na siguro si Mommy dahil h

    Huling Na-update : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE VIII

    Chapter 8KALILA MADISON RAMIREZ"WE DECIDED to let you go home as of today because of the situation, however, once you step outside the school premises, do not ever mention a single thing regarding the incident." Inayos ng principal ang kaniyang kurbata bago tumikhim at tumuwid ng tayo. "Am I clear students?"Sabay-sabay na sumagot ang kadalasan sa mga kakl

    Huling Na-update : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE IX

    Chapter 9KALILA MADISON RAMIREZBakit ang tahimik?Nasaan ang mga tao? Ang mga kaklase ko? Nasaan sila?Pinasadahan ko ng tingin ang kabuohan ng silid pero wala akong mahagilap ni isang anino ng mga kaklase ko.

    Huling Na-update : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE X

    Chapter 10KALILA MADISON RAMIREZKAY BILIS NG TAKBO ng panahon. Huwebes na ngayon at bukas ay balik-eskwela na kami. Parang kahapon lang nangyari ang karumal dumal na bagay sa paaralan dahil sariwa pa ito sa isipan ko."Hija, sigurado ka bang ikaw na ang bubuhat niyan?" tanong ni Nanay Belinda.

    Huling Na-update : 2020-08-31
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XI

    Chapter 11KALILA MADISON RAMIREZMay pasok na ulit. Bawat estudyante ay nakapagtatakang pumasok nang hindi man lang nababahiran ng kaba dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Hindi katulad ko na nagdadalawang isip pa kung babalik pa ako rito. Sa huli, wala akong mapagpilian dahil kinakailangan ko namang makapagtapos. At saka, baka magtaka na si Mommy at Nanay Belinda. Hindi pa nga ako nakakaisang buwan dito tapos umaakto na ako na parang pinapahirapan ako rito.

    Huling Na-update : 2020-09-02
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XII

    Chapter 12KALILA MADISON RAMIREZPAGKABALIK sa classroom, may natira pa kaming anim na minuto bago magsimula ang klase. Mabuti na lang at umabot kami. Naihatid na rin namin si Ericka sa silid nila. Dahil dito, nalaman kong ang seksyon niya ay iyong silid na nasa pinakadulo.Habang naglalakad papuntang upuan namin ni Lorelei ay kapansin-pansing ang mga titig

    Huling Na-update : 2020-09-04

Pinakabagong kabanata

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   AUTHOR'S NOTE

    UNBREEEYKABLE'S NOTESa wakas! Naabutan mo na rin ang pinakadulo ng kabanatang ito at natapos mo na ring basahin ang buong kwento. Maraming maraming salamat po sa paglaan ng inyong oras, paglilikom ng bunos points para lamang mabuksan ang ibang kabanata ng RED ROSE at ang pag-iwan ng review. Nagaganahan akong i-update hanggang sa matapos dahil sa mga effort na ibinigay ninyo. Sana ay may napulot kayong mga aral mula sa kwento ko na ito at naisasaisip ninyo ang kahalagahan ng pagkakaibigan, pagiging maintindihin sa kapwa, pagiging mapagkumbaba, pagmamahal sa pamilya at iba pa. Sana ay hindi rin kayong magsawang suportahan ako dahil marami pa akong kwentong gagawin na aking ibabahagi sa GoodNovel. Muli, maraming, maraming salamat sa mga nagbabasa at sa hindi pagsasawang subaybayan ang updates ko :) Nawa'y ibahagi niyo rin sa kapwa mambabasa ang nobela kong ito upang mas marami pang makakapansin nito. Isa na rin iyang paraan upang matulungan ako sa aking mga pan

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   SPECIAL CHAPTER

    Mahigit limang taon na ang nakararaan... Nakatulala sa kawalan ang isang batang babae habang nakasakay sa duyan na nasa hardin. May pulang rosas na nakapatong sa ibabaw ng hita niya. Humuhuni man, hindi nababahiran ng kahit na anong emosyon ang kaniyang inosenteng mukha. Sa hindi lamang kalayuan ay may isang lalaking nakatayo't nakatitig sa kinaroroonan ng babae. Puno ng pagkamangha ang kaniyang mga mata habang tutok na tutok sa direksiyon ng babaeng nasa bakal na swing. Kahapon, nakita niya na ang batang babae sa parehong puwesto. Naisipan kasi siyang isama ng mommy niya sa bahay ng uncle nang malamang may inampon raw silang batang babae. Kaya noong nagliliwaliw siya sa hardin ng mansyon ng mga Jefferson, natagpuan niya ang babaeng tingin niya'y kasing edad niya lang.

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   EPILOGO

    KALILA MADISON RAMIREZ Hindi naging madali para sa aming lahat ang naranasan. Pagkatapos ng gabing iyon, alalang-alala ang mga magulang ko nang puntahan nila ako sa ospital kung saan ginagamot din ang sugat ko sa ulo dulot ng paghampas ni Steve sa akin ng baril. Walang sinabing masasakit na salita si Mommy kung hindi ay umiyak lang siya samantalang si Nanay Belinda at Kuya Henry ay tahimik din. Alam nilang lahat na hindi ko kailangang pagsabihan dahil hindi ko naman piniling malagay ako sa sitwasyon na iyon kaya't hindi na kailangan. Kinabukasan matapos ang insidente ay dumating na rin si Daddy at katulad nila, sobrang nag-alala rin ito sa akin. Noong sinalubong niya pa ako ng yakap, ramdam na ramdam ko kung gaano ito kahigpit. Samantala, tungkol naman sa imb

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XLI

    Brace yourself for this is a looooong chapter. Happy reading ❤️ Chapter 41 KALILA MADISON RAMIREZ Nakita namin lahat ng ginawa ni Vaughn. Magmula sa pagtusok niya sa mata ng driver nina Rosa hanggang sa pagsaksak niya rito sa leeg, nakita namin iyon. Gusto kong makapa ang takot sa dibdib ko nang makita ang ginawa ni Vaughn, pero wala akong naramdaman. Isang matapang at nakakakilabot na Vaughn ang nakita ko pero hindi man lang ako kinabahan. Sa halip, chini-cheer ko pa nga siya para lang makatakas siya sa kamay ng halimaw na iyon. Nakakainggit. Kung kaya ko lang ding labanan ang tatlong taong natitira rito, ginawa ko na sana.

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XL

    Chapter 40 VAUGHN LEIGHTON GATEWOOD God, I'm furious. Because of the extreme anger I'd felt after she said that Dad's here, I wasn't able to process everything. I lose my wits for how many minutes not until I found myself standing inside an elevator, together with this crazy man. He who was holding me tightly, in case I might do something that would obstruct their stupid game. I had to be calm. I need to formulate a plan before we arrive at the floor where he was supposed to bring me. Think, Vaughn. Think! While I was desperately ransacking my mind for a possible way to get rid

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXXIX

    Chapter 39 STEVE PARK Ruthless. Cruel. Monsters. That's what I've seen right now. Ang dalawang taong nasa harapan namin ngayon ay nag-iiba na sa paningin ko. Hindi na sila tulad namin. Hindi na sila tao. "Ngayon, sino na naman kaya ang susunod?" nakangiting wika ni Rosa sa amin. I should have been thinking of a plan how to escape pero bakit wala akong magawa ngayon? Heto na ang hinihintay ko 'di ba? Ang malaman kung sino ang may kagagawan ng lahat? Hindi ba't dapat magagalit ako dahil sa nakikita? Lorelei, my cousin, was the real murderer. She was also known as Rosa Reyes. That's actual

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXXVIII

    Chapter 38KALILA MADISON RAMIREZMabigat ang aking katawan nang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Pagkamulat ko ng mga mata, napansin kong nasa ibabaw pala ako ng malambot at malaking kama na may pulang bed sheet."Nasaan ako?!" bulalas ko pagkatapos maalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay.Bumalikwas ako sa kama ngunit mabilis din akong nahila pabalik dahil sa mga kamay kong nakatali sa headboard gamit ang lubid.Nagsimula na akong mataranta. Sinubukan kong tanggalin ang dalawang kamay na nakagapos. Ngunit kahit anong subok ko, mahirap itong tanggalin."My alter's bestfriend finally

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXXVI

    Chapter 36 VAUGHN LEIGHTON GATEWOOD "I wanted to file a divorce, Vaughn. I hate your Dad. I wanted to leave him," my mom from the other line said. I was taken aback. I don't know what to feel after hearing those words coming from her mouth. I tried to compose myself and asked her, "Mom, are you drunk?" For sure she is. Sa paraan pa lang ng pananalita niya at noong nalaman ko kaninang umaga na hindi siya pumasok sa trabaho, sigurado akong naglalasing siya. "Am I?" She laughed. "Oh, my dear son! Why would I be drunk? I just took a little sip, anak. You know, I wanted to celebrate because finally, may tamang rason na ako para iwan ang Dad mo! I'm tired of this loveless marriage, Vaughn," she b

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXXV

    Chapter 35 KALILA MADISON RAMIREZ "L-Lorelei..." Nang maibigkas ng aking bibig ang pangalan niya ay sakto namang naputol ang kabilang linya. Nataranta ako. Nanginginig ang aking kamay kaya naman muntikan ko nang mabitawan ang cellphone. Napamura ako sa aking isipan nang mas lumapit pa sa akin si Lorelei. Anong gagawin ko? "It's been awhile, Kalila." Matapos niya itong sabihin ay mabilis namang sumilay sa kaniyang mapupulang labi ang mumunting ngiti. Wala na ang nakakakilabot na tinging pinupukol niya sa akin kanina. Sandali akong napakurap-kurap.

DMCA.com Protection Status