Chapter 5
KALILA MADISON RAMIREZ
NAGHUHUGAS ako ng kamay dito sa Comfort Room. Iniwan ko muna sandali si Lorelei sa canteen pagkatapos naming kumain para pumunta rito.
Nang matapos na akong maghugas, lumabas na ako ng girl's cr. Pagkalabas ko, may nakita akong lalaki sa tapat ng boy's cr na katabi lamang din sa pambabae. Nakatalikod ito sa akin at may kausap sa cellphone. Habang naglalakad, hindi ko sinasadyang marinig ang sinasabi ng lalaki dahil malakas ito.
"What?! Do I have to go there?!... Damn! Why do they blame me?... We already broke up and it's not my fault if she killed hersel—Shit!"
Iyon ang narinig ko galing sa kanya dahil hindi pa ako masyadong nakakalayo. Napapitlag ako nang may marinig na sunod-sunod na kalabog.
Tumigil ako sa paglalakad para tingnan ang gawi ng lalaki. Kaya naman pala, sinusuntok nito ang pinto ng cr at tantya kong malapit nya na itong masira.
Nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya para sawayin dahil baka mabutas iyong pinto o aalis na lang. Pero hindi pwedeng hahayaan kong masira ang pinto. Kawawa naman ang mga lalaki kapag gumagamit ng cr dito.
Ilang segundo akong nag-isip hanggang napagdesisyonan kong lapitan na lang talaga siya.
"O-Oy! Tigilan mo 'yan. Baka masira mo ang pinto," sita ko sa lalaki.
Napatigil ito sa pagtatadyak at pagsususuntok sa pinto saka humarap sa akin. Kunot ang noong tinitigan niya ako.
"Sino ka naman?" tanong niya habang pinadagan ang mga daliri sa maitim at kulot niyang buhok, pagkatapos ay sinabunutan ng mahina. Halatang frustrated ito.
"Hindi na importante kung sino ako. Nilapitan lang kita para patigilin ka sa ginagawa mo. Concern kasi ako sa pinto." Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang paalis ngunit dalawang hakbang pa lamang ang nagawa ko ay pinigilan niya na ako.
"Ba't ba nangingialam ka? Pwede kong sirain lahat ng gusto kong sirain! 'Wag kang makialam!" nangangalaiting sigaw niya sa akin.
Nakakatakot ang itsura nito. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata ng lalaki. Parang ilang sandali lang, kakainin niya ako nang buhay.
Masama ito. Kung hindi ko lang sana siya sinita. Mukhang mas lalo itong nagalit at hindi ko gusto ang pangangatog ng tuhod ko sa kaba. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko.
Napaigik ako sa sakit kaya bago pa ako masaktan ng todo ng lalaking ito, inipon ko ang aking lakas at saka itinulak siya. Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat nang tumama sa pader ang likod nito dahil sa lakas ng pakakatulak ko sa kanya.
Akala ko magagalit siya pero hindi. Napasabunot lamang siya sa sariling buhok.
"I-I'm sorry. I was... I was just—" Napa-facepalm ang lalaki. Nanlalambot ang itsurang tumingin siya sa'kin. "I'm sorry. Pasensya ka na."
"Okay lang—" Naputol ang aking pagsasalita nang may tumawag sa aking pangalan. Agad na nilingon ko ang may-ari ng boses.
"Lorelei!" bulalas ko. Mukhang nainip siguro ito sa kahihintay sa akin kaya naparito siya.
Akmang lalapitan ko na sana siya ngunit napatigil ako nang makita ang mukha niya. Madilim ang anyo nito at parang nag-aalab ang mga mata nito sa... galit? Pero bakit?
"Philip," mahina ngunit mariing sabi nito.
Sinundan ko kung saan nakatutok ang mga mata niya. Umikot ako para makita ang tinititigan ng lalaki sa likod ko na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata sa gulat.
Philip?
Sandali, magkakakilala sila?
"Kilala mo siya Lorelei?" naguguluhang tanong ko.
"She's my ex." Si Philip ang sumagot na naging sanhi upang ang mga mata ko naman ang lumaki sa gulat.
Ex? Naging sila ni Lorelei?
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Pagkasabi ni Philip na ex niya si Lorelei, lalong dumilim ang anyo niya. Ngumisi lang ang lalaki. Magsasalita pa sana ako ngunit tinalikuran na kami ni Lorelei at naglakad papalayo sa amin. Binalingan ko muna ng tingin si Philip bago sumunod kay Lorelei.
Gaya kanina, lumilipad lang ang utak ko habang patuloy na nagsasalita ang guro sa harap. Ang dami kong katanungan. Pakiramdam ko, may mali talaga. Una, iyong naganap kanina tungkol kay Passy. Napakaimposible kasi para sa akin ang nangyari sa kaniya. Isama pa iyong nakita kong mga dugo sa palad niya na nakita ko kanina.
Isa pa iyong vice-president namin na si Steve. May parte sa akin na nagsasabing huwag akong mapapalapit sa kaniya. Napakamisteryoso kasi nitong tingnan. Ibang-iba ang mga titig nito kanina. Para bang may pinapahiwatig siya pero hindi niya masabi-sabi. Ngunit may parte rin sa akin na gustong makilala siya.
Napakagulo!
Lahat ng 'yan ang bumabagabag sa akin kanina at ngayon nadagdagan pa. Iyong Philip na muntik na akong mapagbuntungan ng frustration ay ex-boyfriend kuno ni Lorelei. Akala ko ba walang lumalapit sa kaniya dahil mailap ito? Iyon kasi ang sabi ni Steve. Mas lalo tuloy akong nacurious kay Lorelei. Hindi kasi kapani-paniwala.
Masyado na akong nababagabag sa mga pangyayari ng ibang tao ngayon. Naku! Baka maapektuhan ang grades ko nito.
***
NASA IBANG SILID kami ngayon para magsimula nang magpractice sa gagawin naming cake. Lahat kami ay nakasuot na ng apron at hairnet. Nasa harap namin ang mahabang lamesa kung saan nakalagay ang mga kakailanganin namin. Ang dalawang kagrupo ko, as usual, hindi ko na naman mabasa kung ano ang nasa isip.
Diretsong nakatingin lang ang katabi kong si Vaughn kay Mrs. Gutierrez samantalang si Lorelei na nasa kaliwa ko ay nakayuko lamang at nakatingin sa lamesa. Simulang lunch pa ito walang imik.
"I'll be giving you an hour. So, you can now start," sabi ng guro saka pumalakpak hudyat para magsimula na.
Tahimik lamang kaming nagtatrabaho. Si Vaughn ang nag-aabot ng mga utensils na gagamitin namin dahil hindi niya naman binasa ang recipe namin. Hindi ako masyadong makapag-focus sa paghahalo dahil naiilang ako. Ramdam na ramdam ko kasing titig na titig si Vaughn sa ginagawa ko.
"What's next?" tanong nito.
"Pakiabot na lang nung mixing bowl, please," sambit ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.
"Do you like baking?" tanong na naman nito.
Wala talagang ibang ginagawa ang lalaking 'to kundi magtanong kapag wala akong pinapaabot sa kaniya. Hindi ko inaasahang maingay siya ngayon. Todo english pa.
"Hmm. Hobby ko na kapag bored ako sa bahay." Naramdaman kong tumango lang ito. Tinignan ko siya at bahagya akong nagulat nang nakatitig din pala ito sa akin.
Nagtama ang mga mata namin. Pakiramdam ko, na-lock yata ang mga mata ko sa kaniya at para akong nalulunod sa napakaitim nitong mga mata. Samahan pa ng bilis ng pagtibok ng puso ko.
Ano itong nangyayari sa'kin?
Nang matauhan ako, ako na mismo ang naunang umiwas ng tingin. Nakita ko pa ang pag-angat ng labi niya.
Ilang minuto pa at nagdedesenyo na kami. Na-curious siguro si Vaughn kaya nakisali siya sa pagde-design. Mocha cake ang ginawa namin. Ako ang naglalagay ng cookies samantalang sina Vaughn at Lorelei ang naglalagay ng icing.
"Time's up! Now I'm going to rate your performance," ani ng guro namin.
Habang busy sa pagbibigay ng iskor sa ibang pares si Mrs. Gutierrez, kinuha ko muna ang phone ko saka kinuhanan ng litrato ang ginawa namin. Ganito naman kasi ang ginagawa ko lagi pagkatapos.
Napansin ako ng isa sa mga kaklase ko at kinuha niya rin ang cellphone niya upang kunan din ng litrato ang ginawa nila, hanggang halos lahat na ng mga estudyante ang kumukuha ng litrato at 'yung iba pa ay nag-post sa kani-kanilang mga account.
Napakasaya ko ngayong araw dahil kami ang nakakuha ng napakataas na rate. Iyong ginawa nga namin, naubos agad dahil nasarapan daw ang ibang mga guro na tumikim.
Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa labi ko habang naglalakad kami ni Lorelei patungong parking area. Nang malapit na kami, may bigla na akong naalala.
"Uuwi ka na naman mag-isa?" tanong ko sa kaniya.
Nanatili lamang siyang nakayuko habang patuloy lang kami sa paglalakad. Kahapon kasi, niyaya ko siyang sumabay na lang sa'kin ngunit tumanggi siya. Akala ko nga may susundo sa kaniya pero wala. Nauna na lamang akong umuwi kahit pa pinilit ko siyang sumabay na lang.
Napapaisip tuloy ako.
Katulad ko kaya si Lorelei o katulad siya sa mga kaklase namin na sobrang yaman? Sa nakikita ko kasi sa kaniya base sa pisikal na anyo, hindi siya mukhang mahirap o iyung may kaya lang katulad namin. Mukhang alagang-alaga kasi talaga ang sarili nito.
"Sumabay ka na lang kaya sa'kin? Is it fine?" yaya ko rito.
Hindi siya sumagot.
Napabuntong hininga na lamang ako. Wala talaga akong maaasahang sagot galing sa kaniya. Napakamahal ng bawat salita.
'Di ko na siya napilit pa at pumasok na lang sa loob ng kotse saka nagpaalam. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng aming bahay. Bumaba si Kuya Henry upang buksan ang gate. Nasa loob lang ako at hinihintay si Kuya Henry na mabuksan ito. Binaba ko muna ang tinted na bintana para makita ng maayos ang tapat ng bahay nina Passy.
Ano na kaya ang nangyari doon?
Napansin kong may itim na kotse palang nakaparada sa harap ng bahay nila.
Kanino kaya iyon? Wala naman kasi silang kotse kaya nakapagtataka lang.
Pumasok na si Kuya Henry ngunit hindi ko ito pinansin at nanatiling nakatuon lang sa labas ang atensyon ko. Pinaandar niya muli ang kotse.
Sino 'yun?
Napako ang tingin ko sa taong lumabas. Nanliliit ang mga matang tinitigan ko ang lalaking kakalabas lang ng gate nina Passy. Patungo ito sa itim na kotse na sa tingin ko, siya ang may-ari. Sakto namang pagkabukas nito ng kaniyang sasakyan ay napunta ang atensyon niya sa direksyon namin at naging pagkakataon ito upang makita ko ng maayos ang mukha niya.
Nanlaki agad ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino iyun.
Huwag mo sabihing...
Sana mali ang kutob ko. Pero bakit galing siya kina Pacita? Anong ginagawa ng lalaking iyon sa kanila?
Habang bumababa ako ng kotse, nakatulala lamang ako at lumilipad ang isip.
Hindi ako nagkakamali sa nakita. Sigurado akong ang lalaking iyon ay ang lalaking sinita ko sa cr kanina. Siya 'yung nagsasabing ex niya si Lorelei. 'Di ko na matandaan ang pangalan niya. Ano nga ba 'yon?
Philip? Oo tama! Philip iyong pangalan niya!
Ngunit... ano kaya ang ginagawa niya doon?
TO BE CONTINUED
Chapter 6ROSA REYESKASALUKUYAN akong nakaupo sa harapan ng salamin at nagsusuklay. Sinusuklayan ko ang aking magagandang buhok habang humuhuni. Tutok na tutok lamang ang aking mga mata sa repleksyon ng aking mukha sa salamin. Kalaunan, bigla na lamang akong napatawa ng pagak hanggang sa ang tawang iyon ay naging isang malakas na halakhak. Kitang-kita ko sa salamin kung paano nag-iba ang aking magandang mukha sa paraan ng aking pagtawa.
Chapter 7KALILA MADISON RAMIREZSABADO NGAYON. Tirik na tirik na ang araw nang bumangon ako. Niligpit ko ang aking higaan at agad na bumaba."Tanghali na Kalila. Kumain ka na rito," bungad sa akin ni Nanay Belinda.Pumasok na siguro si Mommy dahil h
Chapter 8KALILA MADISON RAMIREZ"WE DECIDED to let you go home as of today because of the situation, however, once you step outside the school premises, do not ever mention a single thing regarding the incident." Inayos ng principal ang kaniyang kurbata bago tumikhim at tumuwid ng tayo. "Am I clear students?"Sabay-sabay na sumagot ang kadalasan sa mga kakl
Chapter 9KALILA MADISON RAMIREZBakit ang tahimik?Nasaan ang mga tao? Ang mga kaklase ko? Nasaan sila?Pinasadahan ko ng tingin ang kabuohan ng silid pero wala akong mahagilap ni isang anino ng mga kaklase ko.
Chapter 10KALILA MADISON RAMIREZKAY BILIS NG TAKBO ng panahon. Huwebes na ngayon at bukas ay balik-eskwela na kami. Parang kahapon lang nangyari ang karumal dumal na bagay sa paaralan dahil sariwa pa ito sa isipan ko."Hija, sigurado ka bang ikaw na ang bubuhat niyan?" tanong ni Nanay Belinda.
Chapter 11KALILA MADISON RAMIREZMay pasok na ulit. Bawat estudyante ay nakapagtatakang pumasok nang hindi man lang nababahiran ng kaba dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Hindi katulad ko na nagdadalawang isip pa kung babalik pa ako rito. Sa huli, wala akong mapagpilian dahil kinakailangan ko namang makapagtapos. At saka, baka magtaka na si Mommy at Nanay Belinda. Hindi pa nga ako nakakaisang buwan dito tapos umaakto na ako na parang pinapahirapan ako rito.
Chapter 12KALILA MADISON RAMIREZPAGKABALIK sa classroom, may natira pa kaming anim na minuto bago magsimula ang klase. Mabuti na lang at umabot kami. Naihatid na rin namin si Ericka sa silid nila. Dahil dito, nalaman kong ang seksyon niya ay iyong silid na nasa pinakadulo.Habang naglalakad papuntang upuan namin ni Lorelei ay kapansin-pansing ang mga titig
Chapter 13ROSA REYESNAKAUPO AKO sa harap ng salamin habang nagsusuklay ng buhok. Sa bawat hagod ng suklay sa aking ulo ay siya namang paglapad ng mga ngiti sa aking labi, dahil sa wakas, tagumpay ang plano."Ang sama mo, Rosa," nakangisi kong sabi sa sariling repleksyon. "Pero mas masama sila." Humalakhak ako, walang pakialam kung umalingawngaw ang boses s
UNBREEEYKABLE'S NOTESa wakas! Naabutan mo na rin ang pinakadulo ng kabanatang ito at natapos mo na ring basahin ang buong kwento. Maraming maraming salamat po sa paglaan ng inyong oras, paglilikom ng bunos points para lamang mabuksan ang ibang kabanata ng RED ROSE at ang pag-iwan ng review. Nagaganahan akong i-update hanggang sa matapos dahil sa mga effort na ibinigay ninyo. Sana ay may napulot kayong mga aral mula sa kwento ko na ito at naisasaisip ninyo ang kahalagahan ng pagkakaibigan, pagiging maintindihin sa kapwa, pagiging mapagkumbaba, pagmamahal sa pamilya at iba pa. Sana ay hindi rin kayong magsawang suportahan ako dahil marami pa akong kwentong gagawin na aking ibabahagi sa GoodNovel. Muli, maraming, maraming salamat sa mga nagbabasa at sa hindi pagsasawang subaybayan ang updates ko :) Nawa'y ibahagi niyo rin sa kapwa mambabasa ang nobela kong ito upang mas marami pang makakapansin nito. Isa na rin iyang paraan upang matulungan ako sa aking mga pan
Mahigit limang taon na ang nakararaan... Nakatulala sa kawalan ang isang batang babae habang nakasakay sa duyan na nasa hardin. May pulang rosas na nakapatong sa ibabaw ng hita niya. Humuhuni man, hindi nababahiran ng kahit na anong emosyon ang kaniyang inosenteng mukha. Sa hindi lamang kalayuan ay may isang lalaking nakatayo't nakatitig sa kinaroroonan ng babae. Puno ng pagkamangha ang kaniyang mga mata habang tutok na tutok sa direksiyon ng babaeng nasa bakal na swing. Kahapon, nakita niya na ang batang babae sa parehong puwesto. Naisipan kasi siyang isama ng mommy niya sa bahay ng uncle nang malamang may inampon raw silang batang babae. Kaya noong nagliliwaliw siya sa hardin ng mansyon ng mga Jefferson, natagpuan niya ang babaeng tingin niya'y kasing edad niya lang.
KALILA MADISON RAMIREZ Hindi naging madali para sa aming lahat ang naranasan. Pagkatapos ng gabing iyon, alalang-alala ang mga magulang ko nang puntahan nila ako sa ospital kung saan ginagamot din ang sugat ko sa ulo dulot ng paghampas ni Steve sa akin ng baril. Walang sinabing masasakit na salita si Mommy kung hindi ay umiyak lang siya samantalang si Nanay Belinda at Kuya Henry ay tahimik din. Alam nilang lahat na hindi ko kailangang pagsabihan dahil hindi ko naman piniling malagay ako sa sitwasyon na iyon kaya't hindi na kailangan. Kinabukasan matapos ang insidente ay dumating na rin si Daddy at katulad nila, sobrang nag-alala rin ito sa akin. Noong sinalubong niya pa ako ng yakap, ramdam na ramdam ko kung gaano ito kahigpit. Samantala, tungkol naman sa imb
Brace yourself for this is a looooong chapter. Happy reading ❤️ Chapter 41 KALILA MADISON RAMIREZ Nakita namin lahat ng ginawa ni Vaughn. Magmula sa pagtusok niya sa mata ng driver nina Rosa hanggang sa pagsaksak niya rito sa leeg, nakita namin iyon. Gusto kong makapa ang takot sa dibdib ko nang makita ang ginawa ni Vaughn, pero wala akong naramdaman. Isang matapang at nakakakilabot na Vaughn ang nakita ko pero hindi man lang ako kinabahan. Sa halip, chini-cheer ko pa nga siya para lang makatakas siya sa kamay ng halimaw na iyon. Nakakainggit. Kung kaya ko lang ding labanan ang tatlong taong natitira rito, ginawa ko na sana.
Chapter 40 VAUGHN LEIGHTON GATEWOOD God, I'm furious. Because of the extreme anger I'd felt after she said that Dad's here, I wasn't able to process everything. I lose my wits for how many minutes not until I found myself standing inside an elevator, together with this crazy man. He who was holding me tightly, in case I might do something that would obstruct their stupid game. I had to be calm. I need to formulate a plan before we arrive at the floor where he was supposed to bring me. Think, Vaughn. Think! While I was desperately ransacking my mind for a possible way to get rid
Chapter 39 STEVE PARK Ruthless. Cruel. Monsters. That's what I've seen right now. Ang dalawang taong nasa harapan namin ngayon ay nag-iiba na sa paningin ko. Hindi na sila tulad namin. Hindi na sila tao. "Ngayon, sino na naman kaya ang susunod?" nakangiting wika ni Rosa sa amin. I should have been thinking of a plan how to escape pero bakit wala akong magawa ngayon? Heto na ang hinihintay ko 'di ba? Ang malaman kung sino ang may kagagawan ng lahat? Hindi ba't dapat magagalit ako dahil sa nakikita? Lorelei, my cousin, was the real murderer. She was also known as Rosa Reyes. That's actual
Chapter 38KALILA MADISON RAMIREZMabigat ang aking katawan nang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Pagkamulat ko ng mga mata, napansin kong nasa ibabaw pala ako ng malambot at malaking kama na may pulang bed sheet."Nasaan ako?!" bulalas ko pagkatapos maalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay.Bumalikwas ako sa kama ngunit mabilis din akong nahila pabalik dahil sa mga kamay kong nakatali sa headboard gamit ang lubid.Nagsimula na akong mataranta. Sinubukan kong tanggalin ang dalawang kamay na nakagapos. Ngunit kahit anong subok ko, mahirap itong tanggalin."My alter's bestfriend finally
Chapter 36 VAUGHN LEIGHTON GATEWOOD "I wanted to file a divorce, Vaughn. I hate your Dad. I wanted to leave him," my mom from the other line said. I was taken aback. I don't know what to feel after hearing those words coming from her mouth. I tried to compose myself and asked her, "Mom, are you drunk?" For sure she is. Sa paraan pa lang ng pananalita niya at noong nalaman ko kaninang umaga na hindi siya pumasok sa trabaho, sigurado akong naglalasing siya. "Am I?" She laughed. "Oh, my dear son! Why would I be drunk? I just took a little sip, anak. You know, I wanted to celebrate because finally, may tamang rason na ako para iwan ang Dad mo! I'm tired of this loveless marriage, Vaughn," she b
Chapter 35 KALILA MADISON RAMIREZ "L-Lorelei..." Nang maibigkas ng aking bibig ang pangalan niya ay sakto namang naputol ang kabilang linya. Nataranta ako. Nanginginig ang aking kamay kaya naman muntikan ko nang mabitawan ang cellphone. Napamura ako sa aking isipan nang mas lumapit pa sa akin si Lorelei. Anong gagawin ko? "It's been awhile, Kalila." Matapos niya itong sabihin ay mabilis namang sumilay sa kaniyang mapupulang labi ang mumunting ngiti. Wala na ang nakakakilabot na tinging pinupukol niya sa akin kanina. Sandali akong napakurap-kurap.