Chapter 2
KALILA MADISON RAMIREZ
UNANG ARAW pa lang pero pakiramdam ko parang isang linggo na ang lumipas. Kasi naman, ang mga teachers dito, pumapasok lahat. Present sila at bawat isa ay may kani-kaniya nang pinapagawa sa amin.
Akala ko, katulad sa eskwelahan namin dati na kapag nagpapakilala kaming lahat, nauubos na ang buong oras para sa subject. Dito kasi, hindi halos lalagpas ng limang minuto at natapos na kami kaya medyo naninibago ako. Marahil ay dahil ito sa kakaunti lang ang bilang namin dito sa loob. Ang seksyon kasi namin ay may dalawampu't limang studyante lang. Medyo hindi ako sanay sa ganitong kakaunting tao sa loob ng silid.
"Class dismiss," narinig kong sabi ng Physics teacher namin. Lumiwanag ang mukha ko.
Tamang-tama, tanghalian na. Gutom na rin kasi ako. Nakakalungkot lamang dahil wala akong kasamang kumain sapagkat wala pa naman akong naging kaibigan dito. May nakakausap naman ako pero masyado lang talaga akong mapili pagdating sa kaibigan. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang ako magtiwala sa kanila. At isa pa, hindi ako ang unang nakikipag-usap. Naghihintay ako kung sino ang unang lumapit sa akin bago ko sila kakausapin.
Kaniya-kaniyang nagsilabasan ang mga estudyante habang ako, nagliligpit pa sa aking mga gamit. Akmang aalis na sana ako nang matapos, ngunit napalingon ako sa gawing kanan. Bahagya akong nagtaka dahil hindi pa rin gumagalaw ang katabi kong si Lorelei. Nakaupo pa rin siya sa upuan niya habang nakatingin sa sahig. Natatakpan na naman tuloy sa mahahaba't bagsak niyang buhok ang mukha niya.
Hindi ba siya kakain ng tanghalian?
"Uhm... Lorelei," pagtawag ko sa pangalan niya. Ngunit kagaya kanina, wala na naman itong kibo.
"Lorelei, wala ka bang balak kumain? Gusto mo sabay tayong kumain?" masiglang tanong ko na sinabayan ko pa ng malaking ngiti.
Medyo naaawa ako sa kaniya kasi wala siyang kasama rito sa room kung aalis na ako rito. Nagtataka tuloy ako kung kagaya ko ba siya na transferee rin dahil napansin kong wala siyang kaibigan. Wala pa kasi akong nakikitang estudyante o kaklase namin na lumalapit sa kaniya.
"Iyan ay kung ayos lang sa'yo. Wala rin kasi akong kasabay kumain," nahihiyang dugtong ko. Napakamot ako sa ulo.
Pansin niya sigurong panay ang pagsasalita ko at marahil naiisip niya na kaming dalawa lang ang tao dito–at malamang siya ang kausap ko–kaya umangat siya ng tingin.
"Why are you talking to me?" mahina ngunit may diin na pagkakasabi niya. Ganunpaman, wala akong nakitang kahit anong emosyon sa mukha niya.
Gusto ko lang namang maging friendly. Sa eskwelahang 'to, tingin ko, hindi magandang basta-basta ka na lang magtiwala sa mga tao rito kaya iyong mga kaklase ko kaninang nagyaya sa akin na sumama sa kanila, tinanggihan ko lahat. Ewan ko ba! Hindi naman lingid sa kaalaman ko na parang may pagka-weirdo itong si Lorelei ngunit iyong sarili ko, hindi ko mapigilan. Kating-kati na talaga akong kaibiganin siya. May kung ano sa kanya na gusto kong tukuyin.
Bukod pa riyan, parang hindi ko ramdam na makipaghalubilo sa iba. Dahil siguro sa ugali nila. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay nanghihinayang na ako sa pagpunta dito sa Gatewood. Hayaan na, unang araw pa lang naman. Baka masasanay din ako.
Napatigil ako sa pag-iisip nang tumayo na siya. Tinalikuran niya ako at akmang hahakbang na sana nang pinigilan ko ito.
"Sandali!" pagpipigil ko kay Lorelei. Napatigil siya pero hindi pa rin lumilingon. "Gusto sana kitang maging kaibigan!" lakas loob kong dugtong. Dahil dito, napalingon siya sakin.
"What?" Ang napakainosente't walang emosyon nitong mukha ay nabakasan ng kaunting gulat. Mukhang gusto niyang ulitin ko pa.
"I want you to be my friend," pag-uulit ko sa lingguwaheng ingles. Baka kasi hindi siya nakakaintindi ng tagalog at talagang english-speaking 'to.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa at lumapit na agad ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na palabas ng silid. Hindi naman siya nagpupumiglas. Naglakad lang din si Lorelei saka nagpatianod sa paghila ko sa kanya.
Pagkarating namin ng canteen, sakto namang may bakanteng table pa sa bandang sulok. Doon kami umupo.
"So, anong gusto mo? Treat ko na. Don't worry, para sa'kin friend na kita!" magiliw kong sabi. Pero si Lorelei, wala pa ring kibo. Nanatili lang itong nakatingin sa lamesa. Parang ang lalim ng iniisip niya.
"Sige na," pangungulit ko pa. "Anong gusto mo Lorelei?"
Ilang segundo ang dumaan bago ko siya narinig na sumagot.
"Spaghetti," mahina't tipid nitong sagot.
'Yun lang ba gusto niya?
"How about drinks?" suhestyon ko.
Hindi na siya sumagot. Mukhang ako na ang pipili ng maiinom namin. Umalis na ako sa table namin para bumili ng makakain. Habang naglalakad, kapansin-pansin ang titig ng mga estudyante dito sa akin. Para bang nagtataka sila. Hindi ko na lamang ito pinansin.
Bumalik na ako sa table namin matapos bumili. Inilapag ko na ang mga pagkain namin at binigay kay Lorelei ang spaghetti at drinks niya. Nagsimula na akong kumain subalit hindi pa rin ginagalaw ni Lorelei ang kanyang pagkain. Ramdam ko rin na parang may tumititig sa amin. Sa ngayon, tiningnan ko na ang paligid.
Bahagya akong nagulat nang makitang kadalasan sa mga studyanteng kumakain dito ay nakatingin pala sa amin. Nagbulong-bulongan pa sila.
Anong meron?
"Don't mind them." Nagitla ako nang magsalita si Lorelei. Kumakain na rin pala ito. Hindi ko man lang napansin.
Ang dating pagtataka ay napalitan ng pagkamangha dahil sa nakita. Hindi ko maiwasang hindi ito ipakita. Paano ba naman, ang hinhin niyang kumain pero may poise siya habang sumusubo ng spaghetti. Kung kumain siya, para bang isa siyang prinsesa sa sobrang pormal. Iyon nga lang, tumatabon pa rin ng kaunti sa mukha niya ang kaniyang buhok.
Dahil sa pagkamangha, nakalimutan ko nang hindi pala ako komportableng kumain dahil sa mga titig ng mga tao dito. At gaya ng sinabi niya, hindi ko na lamang sila pinansin. Nagpatuloy kaming kumain. Habang sumusubo, bigla akong may naalala.
"Transferee ka rin ba rito?" paninimula ko ng usapan. Nakapagtataka lamang kasing wala siyang kasa-kasama kaya nagtanong na ako. At saka, gusto ko ring makilala siya ng lubos.
Tumigil muna siya sa pagsubo saka tumitig sa mga mata ko. Wala na namang kahit anong bahid ng emosyon ang mga mata nito. Bahagya siyang umiling.
"Hindi ka transferee?" nagtataka kong tanong.
Naalala ko iyong pagkikita namin kanina. 'Yung tinanong ko siya kung saan ang fourth year building at alam niya kung nasaan ito. Dahil dito, napagtanto ko na hindi nga siya transferee.
"So, matagal ka na palang student dito?" tanong ko pa. Hindi niya ulit ako sinagot kaya napasampal ako ng noo sa isipan. Tinignan niya lang ako tapos bumalik na sa pagkain niya.
Ang tahimik niya masyado. Kaya siguro wala akong makitang mukhang kaibigan niya dahil masyado siyang tahimik. Siguro walang nakakatiis sa kaniya kaya hindi sila lumalapit o nakikipagkaibigan dito.
Iwinakli ko muna ang iniisip saka nagpatuloy na lamang sa pagkain. Habang sumusubo, nabaling ang atensyon ko sa dumating na grupo ng mga babae.
Sina Cassidy iyon, kasama ang mga kaibigan niyang kaklase ko rin. Papunta sila sa lamesa na nasa kabilang sulok kung saan nakaupo mag-isa ang isang babaeng nakasuot ng makapal na salamin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang takot sa mukha niya nang makita ang grupo nina Cassidy.
"Hi there, nerd!" narinig kong sabi ni Cassidy.
Umupo siya sa kaharap na upuan ng babae. Iyong tatlong kasama niya na sina Jazz, Alyssa at Stephanie ay nakatayo lang. Nakahalukipkip, nakapamewang at nilaro-laro ang buhok–iyan ang pustora't ginagawa nila.
Akmang tatayo na sana ang babaeng tinutukoy ni Cassidy na nerd pero pinigilan niya ito.
"Hep hep! Saan ka pupunta? Tatalikuran mo na ba ako, dukha?" mataray nitong sabi.
Marahas na binawi ng babae ang kamay niya na hinawakan ni Cassidy. Eksaheradang nagulat si Jazz. "Oh my! Lumalaban na siya Cass oh."
'Yung mga estudyante, napapatingin na rin sa kanila katulad ko. Ngunit base sa mga reaksyon nila, parang matagal na silang sanay sa nakikita. May iba ngang nagkibit balikat na lang at bumalik sa pagkain.
Nanlaki ang mga mata ko nang itinulak ni Cassidy ang babae. Nawalan ito ng balanse kaya sumubsob sa sahig.
"Ano ba!" sigaw ng babae. "Pwede ba, tigilan mo na ako Cassidy! Wala naman akong ginawa sa'yo, ah?!" Iritable na ito.
"Ngayon sumasagot ka nang dukha ka? Akala mo kung sinong mayaman. You're just a scholar here! Without the help of my Dad, you won't be able to enter this school. You gold digger!" singhal ni Cassidy habang dinuro-duro ang babaeng inaalipusta.
"Hindi ako gold digger. At alam kong alam mo 'yan," sabi nito. Nanatili pa rin siyang nasa sahig.
"Really, huh?" Inayos muna ni Cassidy ang blonde nitong buhok bago nagsalita. "You know why I hate you Ericka. You're not my sister nor my relative. We're not even blood related pero paborito ka ni Dad? Anak ka lang naman ng katulong namin, which is gold digger din."
"Yeah. Like mother, like daughter," sabat naman ni Stephanie. Nagtawanan ang dalawa pang kasama.
Kinuha ni Cassidy ang juice na nasa lamesa saka ito dahan-dahang binuhos sa ulo ng babae na nagngangalang Ericka. Lalong lumakas ang tawanan ng mga kaibigan niya.
Gusto kong tumayo at puntahan ang babae pero huli na dahil tumakbo na ito papalayo. Nakita ko pang lumuluha ito dahil siguro sa hiya na natamo.
Nanggigigil ako.
Hindi ko gusto ang eksenang nakita ko. Unang araw pa lang ng pasukan, pero may ganito nang pangyayari? Ngayon, alam ko na palang ganiyan ang ugali ni Cassidy. Alam kong hindi magandang husgahan ko siya pero hindi naman siguro tama ang ginawa niya sa babae kanina. Mabuti na lang pala't hindi ko tinanggap ang alok niya sakin kanina na makipagkaibigan. Baka mahawa lang ako sa ugali nila.
"That nerd. She's really kadiri," sabi pa ng kasama niyang si Alyssa.
"Whatever. Let's go girls," anyaya ni Cassidy sa mga kasama.
Naglakad na sila papunta sa bakanteng lamesa na nasa gitna, na parang walang nangyari.
Bumalik ang atensyon ko kay Lorelei nang makita kong tumayo na siya. Dali-dali naman akong tumayo at itinapon ang mga basura ko sa malapit na basurahan.
"Sandali lang Lorelei," sabi ko nang lumalayo na siya mula sa direksyon ko. Mabilis ang mga hakbang niya habang nakatungo pa rin. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa classroom namin.
Anong nangyayari sa kaniya?
TO BE CONTINUED
Chapter 3KALILA MADISON RAMIREZNASA BAHAY AKO ngayon at nagfi-facebook sa laptop. Nang makauwi ako kanina, agad akong nagbihis at heto't dumiretso sa pagla-laptop. Kahit pumasok lahat ng subject teachers, wala pa naman silang pinapagawa sa amin kaya malaya akong sinusulit ang maluluwag na oras.Wala pa si Mommy sa bahay dahil alas siete pa naman ang uwi ni
Chapter 4KALILA MADISON RAMIREZNagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Parang may kagulahang nagaganap. Inabot ko ang aking cellphone na nasa bedside table upang tingnan ang oras.5:32pa ng madaling araw. Bakit kaya ang ingay na sa labas?Hinawi ko ang kumot at tumayo na sa kama. Lumaba
Chapter 5KALILA MADISON RAMIREZNAGHUHUGAS ako ng kamay dito sa Comfort Room. Iniwan ko muna sandali si Lorelei sa canteen pagkatapos naming kumain para pumunta rito.Nang matapos na akong maghugas, lumabas na ako ng girl's cr. Pagkalabas ko, may nakita akong lalaki sa tapat ng boy's cr na katabi lamang din sa pambabae. Nakatalikod ito sa akin at may kausap sa cellphone. Habang naglalakad, hindi ko sinasadyang marinig ang
Chapter 6ROSA REYESKASALUKUYAN akong nakaupo sa harapan ng salamin at nagsusuklay. Sinusuklayan ko ang aking magagandang buhok habang humuhuni. Tutok na tutok lamang ang aking mga mata sa repleksyon ng aking mukha sa salamin. Kalaunan, bigla na lamang akong napatawa ng pagak hanggang sa ang tawang iyon ay naging isang malakas na halakhak. Kitang-kita ko sa salamin kung paano nag-iba ang aking magandang mukha sa paraan ng aking pagtawa.
Chapter 7KALILA MADISON RAMIREZSABADO NGAYON. Tirik na tirik na ang araw nang bumangon ako. Niligpit ko ang aking higaan at agad na bumaba."Tanghali na Kalila. Kumain ka na rito," bungad sa akin ni Nanay Belinda.Pumasok na siguro si Mommy dahil h
Chapter 8KALILA MADISON RAMIREZ"WE DECIDED to let you go home as of today because of the situation, however, once you step outside the school premises, do not ever mention a single thing regarding the incident." Inayos ng principal ang kaniyang kurbata bago tumikhim at tumuwid ng tayo. "Am I clear students?"Sabay-sabay na sumagot ang kadalasan sa mga kakl
Chapter 9KALILA MADISON RAMIREZBakit ang tahimik?Nasaan ang mga tao? Ang mga kaklase ko? Nasaan sila?Pinasadahan ko ng tingin ang kabuohan ng silid pero wala akong mahagilap ni isang anino ng mga kaklase ko.
Chapter 10KALILA MADISON RAMIREZKAY BILIS NG TAKBO ng panahon. Huwebes na ngayon at bukas ay balik-eskwela na kami. Parang kahapon lang nangyari ang karumal dumal na bagay sa paaralan dahil sariwa pa ito sa isipan ko."Hija, sigurado ka bang ikaw na ang bubuhat niyan?" tanong ni Nanay Belinda.
UNBREEEYKABLE'S NOTESa wakas! Naabutan mo na rin ang pinakadulo ng kabanatang ito at natapos mo na ring basahin ang buong kwento. Maraming maraming salamat po sa paglaan ng inyong oras, paglilikom ng bunos points para lamang mabuksan ang ibang kabanata ng RED ROSE at ang pag-iwan ng review. Nagaganahan akong i-update hanggang sa matapos dahil sa mga effort na ibinigay ninyo. Sana ay may napulot kayong mga aral mula sa kwento ko na ito at naisasaisip ninyo ang kahalagahan ng pagkakaibigan, pagiging maintindihin sa kapwa, pagiging mapagkumbaba, pagmamahal sa pamilya at iba pa. Sana ay hindi rin kayong magsawang suportahan ako dahil marami pa akong kwentong gagawin na aking ibabahagi sa GoodNovel. Muli, maraming, maraming salamat sa mga nagbabasa at sa hindi pagsasawang subaybayan ang updates ko :) Nawa'y ibahagi niyo rin sa kapwa mambabasa ang nobela kong ito upang mas marami pang makakapansin nito. Isa na rin iyang paraan upang matulungan ako sa aking mga pan
Mahigit limang taon na ang nakararaan... Nakatulala sa kawalan ang isang batang babae habang nakasakay sa duyan na nasa hardin. May pulang rosas na nakapatong sa ibabaw ng hita niya. Humuhuni man, hindi nababahiran ng kahit na anong emosyon ang kaniyang inosenteng mukha. Sa hindi lamang kalayuan ay may isang lalaking nakatayo't nakatitig sa kinaroroonan ng babae. Puno ng pagkamangha ang kaniyang mga mata habang tutok na tutok sa direksiyon ng babaeng nasa bakal na swing. Kahapon, nakita niya na ang batang babae sa parehong puwesto. Naisipan kasi siyang isama ng mommy niya sa bahay ng uncle nang malamang may inampon raw silang batang babae. Kaya noong nagliliwaliw siya sa hardin ng mansyon ng mga Jefferson, natagpuan niya ang babaeng tingin niya'y kasing edad niya lang.
KALILA MADISON RAMIREZ Hindi naging madali para sa aming lahat ang naranasan. Pagkatapos ng gabing iyon, alalang-alala ang mga magulang ko nang puntahan nila ako sa ospital kung saan ginagamot din ang sugat ko sa ulo dulot ng paghampas ni Steve sa akin ng baril. Walang sinabing masasakit na salita si Mommy kung hindi ay umiyak lang siya samantalang si Nanay Belinda at Kuya Henry ay tahimik din. Alam nilang lahat na hindi ko kailangang pagsabihan dahil hindi ko naman piniling malagay ako sa sitwasyon na iyon kaya't hindi na kailangan. Kinabukasan matapos ang insidente ay dumating na rin si Daddy at katulad nila, sobrang nag-alala rin ito sa akin. Noong sinalubong niya pa ako ng yakap, ramdam na ramdam ko kung gaano ito kahigpit. Samantala, tungkol naman sa imb
Brace yourself for this is a looooong chapter. Happy reading ❤️ Chapter 41 KALILA MADISON RAMIREZ Nakita namin lahat ng ginawa ni Vaughn. Magmula sa pagtusok niya sa mata ng driver nina Rosa hanggang sa pagsaksak niya rito sa leeg, nakita namin iyon. Gusto kong makapa ang takot sa dibdib ko nang makita ang ginawa ni Vaughn, pero wala akong naramdaman. Isang matapang at nakakakilabot na Vaughn ang nakita ko pero hindi man lang ako kinabahan. Sa halip, chini-cheer ko pa nga siya para lang makatakas siya sa kamay ng halimaw na iyon. Nakakainggit. Kung kaya ko lang ding labanan ang tatlong taong natitira rito, ginawa ko na sana.
Chapter 40 VAUGHN LEIGHTON GATEWOOD God, I'm furious. Because of the extreme anger I'd felt after she said that Dad's here, I wasn't able to process everything. I lose my wits for how many minutes not until I found myself standing inside an elevator, together with this crazy man. He who was holding me tightly, in case I might do something that would obstruct their stupid game. I had to be calm. I need to formulate a plan before we arrive at the floor where he was supposed to bring me. Think, Vaughn. Think! While I was desperately ransacking my mind for a possible way to get rid
Chapter 39 STEVE PARK Ruthless. Cruel. Monsters. That's what I've seen right now. Ang dalawang taong nasa harapan namin ngayon ay nag-iiba na sa paningin ko. Hindi na sila tulad namin. Hindi na sila tao. "Ngayon, sino na naman kaya ang susunod?" nakangiting wika ni Rosa sa amin. I should have been thinking of a plan how to escape pero bakit wala akong magawa ngayon? Heto na ang hinihintay ko 'di ba? Ang malaman kung sino ang may kagagawan ng lahat? Hindi ba't dapat magagalit ako dahil sa nakikita? Lorelei, my cousin, was the real murderer. She was also known as Rosa Reyes. That's actual
Chapter 38KALILA MADISON RAMIREZMabigat ang aking katawan nang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Pagkamulat ko ng mga mata, napansin kong nasa ibabaw pala ako ng malambot at malaking kama na may pulang bed sheet."Nasaan ako?!" bulalas ko pagkatapos maalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay.Bumalikwas ako sa kama ngunit mabilis din akong nahila pabalik dahil sa mga kamay kong nakatali sa headboard gamit ang lubid.Nagsimula na akong mataranta. Sinubukan kong tanggalin ang dalawang kamay na nakagapos. Ngunit kahit anong subok ko, mahirap itong tanggalin."My alter's bestfriend finally
Chapter 36 VAUGHN LEIGHTON GATEWOOD "I wanted to file a divorce, Vaughn. I hate your Dad. I wanted to leave him," my mom from the other line said. I was taken aback. I don't know what to feel after hearing those words coming from her mouth. I tried to compose myself and asked her, "Mom, are you drunk?" For sure she is. Sa paraan pa lang ng pananalita niya at noong nalaman ko kaninang umaga na hindi siya pumasok sa trabaho, sigurado akong naglalasing siya. "Am I?" She laughed. "Oh, my dear son! Why would I be drunk? I just took a little sip, anak. You know, I wanted to celebrate because finally, may tamang rason na ako para iwan ang Dad mo! I'm tired of this loveless marriage, Vaughn," she b
Chapter 35 KALILA MADISON RAMIREZ "L-Lorelei..." Nang maibigkas ng aking bibig ang pangalan niya ay sakto namang naputol ang kabilang linya. Nataranta ako. Nanginginig ang aking kamay kaya naman muntikan ko nang mabitawan ang cellphone. Napamura ako sa aking isipan nang mas lumapit pa sa akin si Lorelei. Anong gagawin ko? "It's been awhile, Kalila." Matapos niya itong sabihin ay mabilis namang sumilay sa kaniyang mapupulang labi ang mumunting ngiti. Wala na ang nakakakilabot na tinging pinupukol niya sa akin kanina. Sandali akong napakurap-kurap.