Share

 Red Rose [Filipino/Tagalog]
Red Rose [Filipino/Tagalog]
Author: Unbreeeykable

PROLOGO

Author: Unbreeeykable
last update Last Updated: 2020-08-28 14:22:20

SA ILALIM NG GABING MADILIM, may nakatirik na maliit na bahay na gawa sa tabla at kahoy. Nakapuwesto ito malapit sa kakahoyan sapagkat ang lugar ay probinsiya. Tahimik. Napakalayo ng distansya ng bawat kabahayan kaya malabo ang iyong maririnig na kahit na anong tunog galing sa kapitbahay. Subalit, sa loob ng bahay na iyon, mauulinigan ang mga palahaw ng isang batang babae, kung saan sumasalungat ang ingay na nagawa nito, sa kapayapaan ng gabi. Ang batang babaeng iyon ay may napakapait na buhay.

"'Nay tama na po. Pakiusap—"

Hindi na nito nagawang tapusin ang kaniyang sinasabi dahil pinalo ulit ng sariling ina ang kaniyang likod, gamit ang kahoy.

"Tumahimik ka! 'Wag na 'wag mo akong tawaging inay dahil kailanman, hindi kita ituturing na anak! Anak ka ng gago! Ng demonyo! Ng rapist!" sigaw ng isang babaeng ang edad ay nasa bandang trenta. Kahit bahagyang nagusot at nagulo ang napakalumang damit na suot ay halatang maganda ang babae noong kadalagahan.

"Inay tama na..."

Patuloy lamang sa pag-iyak ang batang babae habang walang tigil na sinasaktan ng ina. Palo, kalmot, sampal, tadyak at kung anu-ano pa ang natanggap nito mula sa kaniya. Ang walang kalaban-laban at walang kasalanang bata ay patuloy lamang sa pagngawa hanggang sa tumigil na lamang siya sa pagsasasalag ng mga pasakit ng ina. Matapos ang lahat ay marahas na hinawakan siya nito sa baba.

"Buwisit ka! Simula ngayon, ayoko nang makita ang pagmumukha mo!" huling sabi nito bago pumasok sa makipot na kwarto na walang pinto at tanging kurtina lamang ang nakatabing.

Kinabukasan, walang awang iniwan ang batang babae ng kaniyang ina doon sa kaniyang tiyahin. Nasa patag ang bahay nito. May isang anak na babae at mabisyong asawa. Iniwan siya rito na wala man lang ibang sinabi kung hindi ay aalis papuntang siyudad upang makipagsapalaran at doon na manirahan. Walang ibang nagawa ang batang babae. Masakit man sa kaniya, pilit niya paring sinusuksok sa kukote na babalikan siya nito kahit hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman na wala nang pag-asang mangyari ito.

Katulad ng buhay sa kanila, ganoon pa rin ang nangyayari sa kaniya sa puder ng tiyahin. Ginagawang utusan, tagalaba at ni minsan nang siya ay napunta rito, hindi man lang siya nakaranas ng kalayaan. Palagi rin siyang sinasaktan at inaaway ng pinsan, pati na ng mga kaibigan nito.

"Hoy Rosa! Umalis ka nga diyan sa duyan. Maglalaro kami ng mga kaibigan ko!" sigaw ng pinsan na si Pacita.

Hindi siya umimik subalit tumayo na lamang at akmang aalis na sana nang tumawag ulit sa kanya ang kaedad na pinsan.

"Tsaka Rosa, bumalik ka na sa bahay. Hindi ka bagay dito. Doon ka at magluto na. Hinahanap ka na ni Nanay. Alis!" At pinagtabuyan na siya nito.

Ilang araw, buwan, hanggang sa lumipas ang apat na taon, ganoon pa rin ang pakikitungo ng mga kamag-anak sa kaniya. Ginagawa siyang alila. Inaalipusta. At sa murang edad, ang katawan nito ay tila ba nahubog na lamang ng pang-aabuso mula sa kamay ng mga taong nakapaligid sa kaniya.

Isang gabi, nagising si Rosa sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog nang maramdamang parang may nakadagan sa ibabaw nito. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Gayun na lamang ang pagkakagulat niya nang masilayan ang kaniyang tiyuhin na humahalik sa kanya.

"Tulo—mmmpp!"  Hindi siya makasigaw dahil agad na tinakpan nito ang kanyang bibig. Malakas ang kaniyang tiyuhin kaya wala siyang sapat na lakas upang lumaban, samahan pa na lasing na naman ito.

Walang ibang nagawa si Rosa kung hindi ay impit na iyak at mahinang hagulhol na lamang sapagkat pinangungunahan siya ng takot at kaba. Pagod na rin siya sa trabaho kanina kaya hindi na niya magawang manlaban pa. Tahimik siyang umiiyak habang ang walang modong tiyuhin ay patuloy lamang sa pagpapakasaya. Nang makuha nito ang hinahangad, agad itong tumayo at nag-ayos pagkatapos ay lumabas ng kwarto na parang walang nangyari.

Si Rosa, nakatulala lang. Walang emosyong nakatitig sa bubong. Hindi niya inaasahang sa murang edad na labindalawa, ay hindi na siya puro. Naisipan niya sanang magsumbong ngunit napagtanto niya na wala namang maniniwala sa mga sinasabi niya. Paniguradong pagtatawanan lamang siya ng mga tao sa oras na gagawin niya ito.

Nagising siya kinabukasan dahil sa malakas na sigaw ng kaniyang tiyahin sa ibaba.

"Rosa, ano ba?! Gumising ka nang tamad ka at bumaba na rito! Bilisan mo!"  Napalakas na ang boses nito nang tawagin siya sa pangatlong pagkakataon.

Nagdadalawang isip siya kung bababa ba siya upang makapagsaing na, o hindi na muna at baka andoon pa ang tiyuhin nito na walang awang nanggahasa sa kaniya kagabi. Sa huli, mas pinili niya ang una. Bumaba nga siya at sakto namang nakasalubong niya ang matabang si Perla na umuusok na ang ilong.

"Ba't ang tagal mo?" mataray na tanong nito.

Napatungo siya bago sumagot. "Pasensya na po tiya..."

"Tsk! Pwede ba?! Ikaw, magbihis ka na lang at mag-empake para makaalis ka na sa pamamahay na 'to! Bilis!" Bakas sa mukha nito ang pagmamadali habang kinumpas-kumpas ang mga kamay.

Hindi naman siya sumuway. Sa halip, sinunod niya ito. Nalaman niyang pinaampon pala siya sa isang mayamang babae na matagal nang walang anak. Malaki ang binayad ng pamilyang iyon sa Tiya Perla niya kaya't madali lamang itong sumang-ayon.

"Mabuti't wala nang pabigat. 'Wag kang mag-alala at yayaman ka naman. Akalain mo? Ang laki ng halaga mo, maswerte ka. Huwag mo kaming kalimutan," bulong ng tiyahin sa kaniya at saka binigyan siya ng makahulugang tingin. May kakaunting pag-uusap na naganap at pagkatapos ay pinapasok na si Rosa sa loob ng magarang kotse.

Kung ano man ang susunod na mangyayari sa kanya, nakapagdesisyon na siya. Wala na siyang pakialam at sasabay na lamang sa agos.

Tutal, wala naman nang saysay ang buhay ko, sabi niya sa isipan.

Dalawang linggo matapos pinaampon si Rosa, ganoon na lamang ang pagluluksa ni Perla at ng anak na si Pacita, nang makita ang asawang nakabigti sa noo'y kwarto ni Rosa. Saktong papaalis na sana sila sa bahay para doon tumira sa bago. Nakahanda na nga ang dalawa sa may pinto at hinihintay na lamang nila na bababa ito, ngunit isang oras na ang lumipas, hindi pa rin nila ito masilayan. Hanggang sa umakyat na sila sa taas upang padaliin ito. Subalit, laking gulat ng dalawa nang makita ito sa pinakamalalang sitwasyon.

Nakabigti ang asawa ni Perla mula sa bubong!

Hindi lang iyan. Nakatirik din ang mga mata at bahagyang umiitim na ang leeg nitong mahigpit na itinali sa lubid! Nakanganga pa ang kaniyang namumuti nang bibig! Sa walang buhay naman nitong kamay ay may nakatusok na isang bagay.

Pulang Rosas...

Hindi na napigil sa pag-iyak si Perla na parang kinakatayng baboy samantalang si Pacita naman ay natatarantang bumaba para makahingi ng tulong.

Related chapters

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE I

    CHAPTER 1KALILA MADISON RAMIREZLUNES NA NG UMAGA. Unang araw ng klase ngayon kaya naman, todo handa ako sa mga gamit ko pang-eskwela kahapon. Maaga akong nagising ngayong araw kahit dati naman, lagi akong late gumigising at pumapasok sa paaralan. Nakasanayan ko na ang bagay na ito, kaya't nakapagtatakang ngayon ay maaga ako. Masyado lang siguro akong excited.

    Last Updated : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE II

    Chapter 2KALILA MADISON RAMIREZUNANG ARAW pa lang pero pakiramdam ko parang isang linggo na ang lumipas. Kasi naman, ang mga teachers dito, pumapasok lahat. Present sila at bawat isa ay may kani-kaniya nang pinapagawa sa amin.Akala ko, katulad sa eskwelahan namin dati na kapag nagpapakilala kaming lahat, nauubos na ang buong oras para sa subject. Dito kas

    Last Updated : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE III

    Chapter 3KALILA MADISON RAMIREZNASA BAHAY AKO ngayon at nagfi-facebook sa laptop. Nang makauwi ako kanina, agad akong nagbihis at heto't dumiretso sa pagla-laptop. Kahit pumasok lahat ng subject teachers, wala pa naman silang pinapagawa sa amin kaya malaya akong sinusulit ang maluluwag na oras.Wala pa si Mommy sa bahay dahil alas siete pa naman ang uwi ni

    Last Updated : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE IV

    Chapter 4KALILA MADISON RAMIREZNagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Parang may kagulahang nagaganap. Inabot ko ang aking cellphone na nasa bedside table upang tingnan ang oras.5:32pa ng madaling araw. Bakit kaya ang ingay na sa labas?Hinawi ko ang kumot at tumayo na sa kama. Lumaba

    Last Updated : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE V

    Chapter 5KALILA MADISON RAMIREZNAGHUHUGAS ako ng kamay dito sa Comfort Room. Iniwan ko muna sandali si Lorelei sa canteen pagkatapos naming kumain para pumunta rito.Nang matapos na akong maghugas, lumabas na ako ng girl's cr. Pagkalabas ko, may nakita akong lalaki sa tapat ng boy's cr na katabi lamang din sa pambabae. Nakatalikod ito sa akin at may kausap sa cellphone. Habang naglalakad, hindi ko sinasadyang marinig ang

    Last Updated : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE VI

    Chapter 6ROSA REYESKASALUKUYAN akong nakaupo sa harapan ng salamin at nagsusuklay. Sinusuklayan ko ang aking magagandang buhok habang humuhuni. Tutok na tutok lamang ang aking mga mata sa repleksyon ng aking mukha sa salamin. Kalaunan, bigla na lamang akong napatawa ng pagak hanggang sa ang tawang iyon ay naging isang malakas na halakhak. Kitang-kita ko sa salamin kung paano nag-iba ang aking magandang mukha sa paraan ng aking pagtawa.

    Last Updated : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE VII

    Chapter 7KALILA MADISON RAMIREZSABADO NGAYON. Tirik na tirik na ang araw nang bumangon ako. Niligpit ko ang aking higaan at agad na bumaba."Tanghali na Kalila. Kumain ka na rito," bungad sa akin ni Nanay Belinda.Pumasok na siguro si Mommy dahil h

    Last Updated : 2020-08-28
  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE VIII

    Chapter 8KALILA MADISON RAMIREZ"WE DECIDED to let you go home as of today because of the situation, however, once you step outside the school premises, do not ever mention a single thing regarding the incident." Inayos ng principal ang kaniyang kurbata bago tumikhim at tumuwid ng tayo. "Am I clear students?"Sabay-sabay na sumagot ang kadalasan sa mga kakl

    Last Updated : 2020-08-28

Latest chapter

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   AUTHOR'S NOTE

    UNBREEEYKABLE'S NOTESa wakas! Naabutan mo na rin ang pinakadulo ng kabanatang ito at natapos mo na ring basahin ang buong kwento. Maraming maraming salamat po sa paglaan ng inyong oras, paglilikom ng bunos points para lamang mabuksan ang ibang kabanata ng RED ROSE at ang pag-iwan ng review. Nagaganahan akong i-update hanggang sa matapos dahil sa mga effort na ibinigay ninyo. Sana ay may napulot kayong mga aral mula sa kwento ko na ito at naisasaisip ninyo ang kahalagahan ng pagkakaibigan, pagiging maintindihin sa kapwa, pagiging mapagkumbaba, pagmamahal sa pamilya at iba pa. Sana ay hindi rin kayong magsawang suportahan ako dahil marami pa akong kwentong gagawin na aking ibabahagi sa GoodNovel. Muli, maraming, maraming salamat sa mga nagbabasa at sa hindi pagsasawang subaybayan ang updates ko :) Nawa'y ibahagi niyo rin sa kapwa mambabasa ang nobela kong ito upang mas marami pang makakapansin nito. Isa na rin iyang paraan upang matulungan ako sa aking mga pan

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   SPECIAL CHAPTER

    Mahigit limang taon na ang nakararaan... Nakatulala sa kawalan ang isang batang babae habang nakasakay sa duyan na nasa hardin. May pulang rosas na nakapatong sa ibabaw ng hita niya. Humuhuni man, hindi nababahiran ng kahit na anong emosyon ang kaniyang inosenteng mukha. Sa hindi lamang kalayuan ay may isang lalaking nakatayo't nakatitig sa kinaroroonan ng babae. Puno ng pagkamangha ang kaniyang mga mata habang tutok na tutok sa direksiyon ng babaeng nasa bakal na swing. Kahapon, nakita niya na ang batang babae sa parehong puwesto. Naisipan kasi siyang isama ng mommy niya sa bahay ng uncle nang malamang may inampon raw silang batang babae. Kaya noong nagliliwaliw siya sa hardin ng mansyon ng mga Jefferson, natagpuan niya ang babaeng tingin niya'y kasing edad niya lang.

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   EPILOGO

    KALILA MADISON RAMIREZ Hindi naging madali para sa aming lahat ang naranasan. Pagkatapos ng gabing iyon, alalang-alala ang mga magulang ko nang puntahan nila ako sa ospital kung saan ginagamot din ang sugat ko sa ulo dulot ng paghampas ni Steve sa akin ng baril. Walang sinabing masasakit na salita si Mommy kung hindi ay umiyak lang siya samantalang si Nanay Belinda at Kuya Henry ay tahimik din. Alam nilang lahat na hindi ko kailangang pagsabihan dahil hindi ko naman piniling malagay ako sa sitwasyon na iyon kaya't hindi na kailangan. Kinabukasan matapos ang insidente ay dumating na rin si Daddy at katulad nila, sobrang nag-alala rin ito sa akin. Noong sinalubong niya pa ako ng yakap, ramdam na ramdam ko kung gaano ito kahigpit. Samantala, tungkol naman sa imb

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XLI

    Brace yourself for this is a looooong chapter. Happy reading ❤️ Chapter 41 KALILA MADISON RAMIREZ Nakita namin lahat ng ginawa ni Vaughn. Magmula sa pagtusok niya sa mata ng driver nina Rosa hanggang sa pagsaksak niya rito sa leeg, nakita namin iyon. Gusto kong makapa ang takot sa dibdib ko nang makita ang ginawa ni Vaughn, pero wala akong naramdaman. Isang matapang at nakakakilabot na Vaughn ang nakita ko pero hindi man lang ako kinabahan. Sa halip, chini-cheer ko pa nga siya para lang makatakas siya sa kamay ng halimaw na iyon. Nakakainggit. Kung kaya ko lang ding labanan ang tatlong taong natitira rito, ginawa ko na sana.

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XL

    Chapter 40 VAUGHN LEIGHTON GATEWOOD God, I'm furious. Because of the extreme anger I'd felt after she said that Dad's here, I wasn't able to process everything. I lose my wits for how many minutes not until I found myself standing inside an elevator, together with this crazy man. He who was holding me tightly, in case I might do something that would obstruct their stupid game. I had to be calm. I need to formulate a plan before we arrive at the floor where he was supposed to bring me. Think, Vaughn. Think! While I was desperately ransacking my mind for a possible way to get rid

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXXIX

    Chapter 39 STEVE PARK Ruthless. Cruel. Monsters. That's what I've seen right now. Ang dalawang taong nasa harapan namin ngayon ay nag-iiba na sa paningin ko. Hindi na sila tulad namin. Hindi na sila tao. "Ngayon, sino na naman kaya ang susunod?" nakangiting wika ni Rosa sa amin. I should have been thinking of a plan how to escape pero bakit wala akong magawa ngayon? Heto na ang hinihintay ko 'di ba? Ang malaman kung sino ang may kagagawan ng lahat? Hindi ba't dapat magagalit ako dahil sa nakikita? Lorelei, my cousin, was the real murderer. She was also known as Rosa Reyes. That's actual

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXXVIII

    Chapter 38KALILA MADISON RAMIREZMabigat ang aking katawan nang bumangon ako mula sa pagkakahiga. Pagkamulat ko ng mga mata, napansin kong nasa ibabaw pala ako ng malambot at malaking kama na may pulang bed sheet."Nasaan ako?!" bulalas ko pagkatapos maalala ang nangyari bago ako mawalan ng malay.Bumalikwas ako sa kama ngunit mabilis din akong nahila pabalik dahil sa mga kamay kong nakatali sa headboard gamit ang lubid.Nagsimula na akong mataranta. Sinubukan kong tanggalin ang dalawang kamay na nakagapos. Ngunit kahit anong subok ko, mahirap itong tanggalin."My alter's bestfriend finally

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXXVI

    Chapter 36 VAUGHN LEIGHTON GATEWOOD "I wanted to file a divorce, Vaughn. I hate your Dad. I wanted to leave him," my mom from the other line said. I was taken aback. I don't know what to feel after hearing those words coming from her mouth. I tried to compose myself and asked her, "Mom, are you drunk?" For sure she is. Sa paraan pa lang ng pananalita niya at noong nalaman ko kaninang umaga na hindi siya pumasok sa trabaho, sigurado akong naglalasing siya. "Am I?" She laughed. "Oh, my dear son! Why would I be drunk? I just took a little sip, anak. You know, I wanted to celebrate because finally, may tamang rason na ako para iwan ang Dad mo! I'm tired of this loveless marriage, Vaughn," she b

  • Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXXV

    Chapter 35 KALILA MADISON RAMIREZ "L-Lorelei..." Nang maibigkas ng aking bibig ang pangalan niya ay sakto namang naputol ang kabilang linya. Nataranta ako. Nanginginig ang aking kamay kaya naman muntikan ko nang mabitawan ang cellphone. Napamura ako sa aking isipan nang mas lumapit pa sa akin si Lorelei. Anong gagawin ko? "It's been awhile, Kalila." Matapos niya itong sabihin ay mabilis namang sumilay sa kaniyang mapupulang labi ang mumunting ngiti. Wala na ang nakakakilabot na tinging pinupukol niya sa akin kanina. Sandali akong napakurap-kurap.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status