GULONG GULO ang utak ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa mga sinasabi ni Jazz sa akin ngayon. Samahan pa ng reaksyon niya kaya nadadala na rin ako sa pagiging balisa. Pabalik-balik ang tingin ko sa kinakagat-kagat niyang kuko sa kaliwang kamay at mga mata niyang lumilinga sa kabuohan ng comfort room, tila ba hinahanap ang sa tingin niya'y nagmamasid."Jazz, hindi kita maintindihan. Kumalma ka muna," sabi ko habang marahang hinawakan ang dalawang pisngi niya upang ipaharap sa akin ng maayos."Sabi mo mag-iingat ako sa taong nakasalamin. Ibig mo bang sabihin, kilala mo na kung sino ang may gawa nito sa'yo? Estudyante ba siya ng Gatewood?" sunod-sunod na t
Last Updated : 2020-09-21 Read more