"Aries Timothy De Guia." Nagkamayan kaming dalawa, pero siya ang unang bumitaw. Tumingin ako sa paligid, kung may iba pa bang tao na nandito, maliban sa amin dalawa. "Tayong dalawa lang ang nandito," biglang sabi niya na parang nabasa niya ang nasa isip ko. Taka ko siyang tinignan, "Bakit?" Kumunot naman ang noo niya at namulsa, "What do you mean, 'bakit'?" "I mean," bumuntong hininga ako, "Bakit tayong dalawa lang ang nandito? Saka, ano ba itong lugar na ito?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga matatayog na puno. Nag kibit balikat lang siya, "I also don't know," sabi niya at nag lakad siya, kayas sinundan ko siya, "Basta ang alam ko, pagkamulat ng mata ko, nandito na ako," dagdag niya at bigla akong napatigil. "Ako rin!" Sigaw ko at pumalkpak pa ng isang beses, dahilan para lingunin niya ako, "Nahilo lang ako, tapos pag mulat ko, aya
Huling Na-update : 2020-08-05 Magbasa pa