SA isang probinsiya gaya ng San Felipe, mga piling tao lang ang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay.Iilan sa mga piling taong ito kung hindi galing sa pamilya ng mga haciendero ay nagmula naman sa angkan ng mga pulitiko.Ang karaniwang mamamayan ang mga tagapagsilbi o mas kilala bilang mga utosan o katulong. Tinitingala ang mga mayayaman dito, ginto ang kanilang oras at langit kung sila'y pangarapin.Sa kanila lamang nakalaan ang hustisya, minsan maging ang edukasyon.Kaming mga itinuring na mahihirap tumatanda na lang, nananatili pa ring tagapagsilbi.Iyon ang pilit kung binabago na buhay ng mga kapatid ko. Naniniwala ako na kahit mahirap may karapatan pa rin kaming umangat sa buhay. Hindi man maging kasing yaman nila pero kahit kaunting pag-angat lang sa buhay ay ayos na sa akin.Hindi ko alintana ang mga lait at panghahamak ng ibang tao, mapag-aral ko lang ang aking mga kapatid. Kung kailangan kung gumapang sa putik ay gagawin ko para maibigay lang sa kanila ang
Last Updated : 2020-07-30 Read more