Share

Chapter 2

Author: Blu Berry
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

BUONG araw kong pinag-isipan kung paano sasabihin sa aking dalawang kapatid ang nangyari kanina sa Hacienda Catalina.

Paano ko ipapaliwanag na ilang beses na akong palihim na kumukuha doon ng mga isda at 'yon ang pinagkakakitaan ko para may panggastos sa kanilang pag-aaral?

Kaming tatlong magkapatid na lang ang naiwan simula nang namatay ang tatay namin. Maglilimang taon na rin ang nakalipas.

Nasa high school ako nang namatay si Nanay dahil sa sakit. Sakit na hindi na nagamot pa dahil wala kaming pera pampa-ospital. Sakit na nagsimula sa pambobugbog sa kanya ni Tatay.

Impyerno ang naging buhay namin dati dahil kay Tatay. Umuuwing lasing at pinagbubuhatan ng kamay si Nanay at pati kami sinasaktan din.

May namana si Nanay na maliit na lupa mula sa kanyang pamilya pero nalulong ang Tatay sa sugal at alak hanggang sa unti-unti itong nabenta at ang naiwan na lang ay ang kinatatayuan ng bahay namin.

Maraming pinasok na trabaho ang Nanay para mabuhay kami. Labandera sa umaga, tagahugas sa isang kainan tuwing tanghali at tindera sa palengke tuwing hapon. Pag-uwi niya sa gabi sinasaktan pa siya ng abusado naming ama.

Ilang beses na ring naglabas pasok ang Tatay sa kulungan dahil sa pambubugbog kay Nanay at minsan naman ay pinapakulong ng pinagkakautangan niya.

Ilang taon din tiniis ni Nanay ang lahat ng iyon hanggang tuluyan na siyang sumuko.

Masakit para sa amin ang pagkawala ni Nanay.Kung saan-saan ako lumapit para may matino siyang burol at dahil na rin siguro sa awa marami ang tumulong sa amin.

Sa kabila ng nangyari kay Nanay hindi pa rin nagbabago ang tatay namin. Araw-araw siyang lasing. Kung sino-sinu ang pinagkakautangan para may maipangsugal.

Pagka-graduate ko sa high school hindi na ako tumuloy sa college. Kailangan kung magtrabaho para sa mga kapatid ko. Kung ano-anung trabaho rin ang aking pinasok para may mapagkakakitaan lang. Ang mga kapatid ko na lang ang pinag-aral ko.

Hanggang isang araw umuwi si Tatay na sobrang nanghihina. Nahihirapan siyang huminga. Halos hindi na makagalaw. Ilang araw lang ang lumipas nawala na rin siya. May sakit pala ang tatay sa atay dahil sa pag inom. Nagkakomplikasyon hanggang tuluyan ng bumigay ang katawan niya.

Ilang buwan ang nagdaan mula ng mawala si Tatay nakita ko ang palaisdaan sa Hacienda Catalina na binabantayan ni Mang Tasyo. Kailangan kong kumita ng malaki sa araw na iyon dahil may sakit ang bunso naming si Kikoy. Simula sa araw na iyon malaya na akong nakakakuha ng mga isda na binibenta ko sa labas ng bayan. Minsan dinadalhan ko ng pagkain si Mang Tasyo bilang pasasalamat ko sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na iyon kahit hanggang sa mapagtapos ko ng senior high ang kapatid kong babae pero hindi pala. Dahil kaninang umaga lang nahuli mismo ako ng may ari.

Kailangan kong manilbihan sa kanya kapalit ng ilang taon kung pagnanakaw.

Tumingala ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mata.

Huminga ako ng malalim pero naiiyak pa rin ako.

Mabuti na lang at ako lang mag isa dito sa bahay dahil pumasok na sa paaralan ang mga kapatid ko.

Hindi na kami nagkita kaninang umaga.. Siguro maaga silang umalis dahil maglalakad pa iyon papuntang eskwelahan.

Iilang katok ang narinig ko mula sa labas kasabay ng pagtawag sa aking pangalan. Kilala ko ang tumatawag sa akin. Si Cindy na pinakamatalik kong kaibigan. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Matagal ka yatang nakauwi ngayon?" tanong niya pagpasok ng bahay.

Dahil sa dami ng gusto kung sabihin hindi ko alam kung ano ang uunahin.

Lumingon siya dahil hindi ako sumagot at nakatulala lang.

"Hoy, anong nangyayari sayo?" Sabay kalabit sa'kin.

"Cindy, may problema akong napasukan," sumbong ko sa maliit na boses. Tiningnan niya ako ng nakakunot ang noo at may bahid ng pag-aalala.

Kaya sinabi ko na sa kanya ang lahat ng nangyari kaninang umaga.

"Ano? Paano ngayon 'yan?!" hestirikal na sigaw niya pagkatapos kong magkwento.

"Hindi ko alam Cindy kung anong gagawin ko. Kung hindi ko susundin ang Natividad na 'yon baka ipakulong niya ako," nanghihina kong sabi.

"Diyos ko Sabrina! Alam mo bang malupit 'yang Natividad na bumalik? Ang usap-usapan bigla raw dumating ang lalaki kagabi. Siyempre hindi nakapaghanda ang mga kasambahay kasi ang alam nila sa susunod na linggo pa ang dating niya. Kahit kalagitnaan ng gabi hindi nagdalawang isip na sumigaw. Para siyang nagwawalang leon kung magalit," kwento ni Cindy.

"Parang ayaw ko ng magtrabaho sa kanya," natatakot kong saad.

"Iwan ko ba kung anong trip ng lalaking 'yon. Naku Sabrina may binabalak iyan. Dios ko paano na 'to? Baka alilain ka niya. Baka buong araw kang hindi magpapahinga?" Mas takot pa yata siya kaysa sa akin.

"Cindy, paano ang mga kapatid ko? Stay in ako doon eh,"

"Ano? Susmaryosep kang babae ka! Anong mangyayari sa'yo doon?"

"Cindy ang mga kapatid ko," tuluyan na akong umiyak.

"Hindi ka naman dapat mag-alala sa mga kapatid mo. Pwede namang sa bahay sila matulog kapag gabi kasi kami lang namang dalawa ni Nanay doon. Si Tatay minsan na lang sa isang linggo makakauwi dahil sa dami ng inaalagaan nilang hayop. Seryoso yata talaga silang paunlarin ulit ang Hacienda."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Cindy. Siguro hindi ko muna poproblemahin ang sahod ko. Ang importante hindi na ako mag-aalala sa mga kapatid ko kapag gabi kung sa mansiyon na ako mananatili.

"Pero ikaw ang inaalala ko. Likas na istrikto ang Natividad na 'yan. Ano na lang ang gagawin niya gayung nahuli kang nagnanakaw sa kanyang lupain? Dahil din sa kanyang ugali walang babaeng nakakatagal sa kanya. Marami ang nagsasabing parang siya ang may-ari ng lahat ng galit at sama ng loob sa mundo. Hindi rin daw siya marunong magseryoso."

Natigilan naman ako sa sunod nitong sinabi. "Tingin ko bakla siguro yang Natividad na 'yan."

Naalala ko ang kanyang hitsura. Imposible na ang mga ganoon ka tikas at ganoong klase ng tindig ay magiging bakla.

Siniko ako ni Cindy. "Tingin mo? Bakla siya? Sobrang taray ba ng kilay niya? Ano ba kasing hitsura ng Natividad na 'yon?"

"Matangkad tapos gwapo," sagot ko.

Hindi siya nakapagsalita kaya nilingon ko siya.

Nagkatinginan kami. Parang hindi siya naniniwala sa akin.

"Talaga? Totoo? Papalicious pala ang Natividad na 'yan? May karapatan pala talaga siyang maging istrikto." Biglang nagbago ang pananaw niya kay Lance. Kung kanina ginawa niya itong demonyo ngayon naman para na siyang nakakita ng anghel.

"Hitsura lang ang gwapo sa kanya. Ikaw na nga ang nagsabi na masama ang ugali niya. Sigurado akong ang bulyaw sa akin ng lalaking 'yon aabot ng isang libo sa isang araw." Bumuntong hininga ako. Naiisip ko na ang sarili na pinapagalitan niya.

"Dapat pala ngayong anihan isa ako sa mag-aani ng palay para masulyapan ko siya. Tapos maguusap kami," nangangarap na sabi ni Cindy.

Seryoso ba siya? Halos mga katulong nga sa mansion kung pwede lang maging invisible ginawa na nila. Kung may choice lang siguro ang ibang naninilbihan doon baka umalis na. Tapos heto siya ngayon? Gusto niyang lumapit kay Lance? Napailing na lang ako.

Pag-uwi ng mga kapatid ko mula sa eskwelahan naabotan nila akong nag-aayos ng mga dadalhing gamit sa mansiyon.

"Ate? Saan ka pupunta?" si Sam ang unang nag tanong, ang kapatid kong babae.

Hinintay ko munang makapasok si Kikoy bago ako nagpaliwanag. "Na-natanggap kasi ako bilang tagapagsilbi sa Hacienda Catalina. Magtatrabaho na ako simula bukas at stay in ako doon." Huminga muna ako. Kunti pa lang ang nasasabi ko pero hinahabol ko na ang hininga. Ganito talaga siguro kung hindi sanay magsinungaling. 

"Kaya tuwing gabi doon kayo kina Ate Cindy matutulog. Ikandado niyo lang ng mabuti itong bahay."

Hindi naman kalayuan ang bahay nila Cindy mula rito sa amin. Hindi rin ako mag-aalala kung may magnanakaw kasi alam ko namang walang makukuha rito sa bahay.

Hindi ko na sinabi ang totoong nangyari at ang dahilan kung bakit kailangan kong manilbihan doon.

"Ganoon po ba Ate? Mag-iingat ka doon," sabi naman ni Sam pagkatapos kung magpaliwanag.

"May trabaho ka na Ate? Ibig bang sabihin nito may masarap na tayong pagkain palagi?" si Kikoy na masayang-masaya sa narinig.

Pinilit kong huwag umiyak. Kung alam ba nila ang totoo ganito pa rin ba ang magiging reaksiyon nila?

"Alagaan mo ang sarili mo doon Ate. Kahit may trabaho ka kumain ka pa rin sa tamang oras. Huwag ka masyadong mag-alala sa amin ni Kikoy dahil kayang kaya ko naman lahat ng gawaing bahay. Ako na ang bahala sa pagkain namin. Kaya ko rin naman siyang alagaan at hindi ko siya pababayaan sa eskwelahan," nakangiting sabi ni Sam.

Niyakap ko silang dalawa. Silang dalawa na lang ang naiwan sa akin kaya lahat kakayanin ko. Pinigilan kong huwag maiyak dahil baka magtaka pa sila. Dapat maging masaya ako dahil kunwari natanggap sa trabaho.

Gaya ng sabi ni Lance sa akin, bago dumilim dapat nasa mansion na ako at sinunod ko nga ito. Mahirap na baka magalit na naman siya sa akin. Parang paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Cindy sa akin kanina, masama ang kanyang ugali.

Dala-dala ang aking bag na may lamang damit pinakilala muna ako ni Aling Meldred sa iba pang mga katulong. Nakilala ko si Joan, Kate, at Nina na mga tagalinis at tagaligpit. Si Nanay Susan na tagaluto, at syempre si Aling Maldred ang pinakamatagal ng naninilbihan sa mga Natividad. Siya ang may alam sa lahat ng pasikot-sikot sa mansion at nagsasabi sa mga katulong kung ano ang kanilang gagawin.

May isang malaking kwarto malapit sa kusina at iyon ang maids quarter. Pupunta na sana ako doon para ilagay ang mga gamit at tumulong sa kanilang maghanda para sa hapunan pero naka ilang hakbang pa lang, tinawag ako ni Aling Meldred.

"Sabrina hindi diyan ang magiging kwarto mo."

"Ho? Saan po pala ang magiging kwarto ko?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sa taas, doon sa ikalawang palapag ng mansion," sagot naman ni Aling Meldred. "Marami na kasi kami dito sa kwarto sa ibaba at walang katulong na malapit sa kwarto ni Lance. Baka sakaling may ipag-uutos siya kung gabi kaya doon ka na lang muna sa taas. Joan samahan mo siya sa kanyang kwarto," utos ni Aling Meldred sa isa sa mga katulong na nakilala ko.

"Opo. Halika na Sab. Akin na ang isang bag at tutulungan kita," sabi ni Joan at naglakad na paakyat sa taas.

Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya.

Habang nasa hagdanan nagsalita si Joan. "Bakit naman dito mo naisipang magtrabaho? Wala ka rin bang choice gaya namin?" halata ang lungkot sa boses niya. Hindi pa pala nila alam ang nangyari kaninang umaga. Akala ng lahat kusa talaga akong nag-apply ng trabaho sa masungit nilang amo.

"Kung may pagpipilian lang sana ako ayoko kong manilbihan dito sa mansiyon. Parang lagi kang nakaharap sa liyon," dugtong niya na may mapait na ngiti.

Nang tumuntong na kami sa ikalawang palapag lumiko siya sa kaliwang bahagi na may mahabang pasilyo at naka hilera na ang mga kwarto. Mula sa makintab na sahig at antigong mga muwebles pati na rin ang mga pintuan ng kwarto nagsusumigaw ng karangyaan. Baro at saya na lang ang kulang parang nasa sina-unang panahon na kami.

"Doon ang papunta sa kwarto ni Sir Lance." Turo ni Joan sa pasilyong nasa kanang bahagi naman ng grand staircase. 

"Kung alin mang pintoan diyan ayokong malaman. Tanging si Manang Meldred lang ang nakakapasok sa kwarto niya. At hindi ko rin papangarapin na makapasok doon. Kahit ganoon siya kagwapo pero kabaligtaran naman ng ugali niya."

Nakikinig lamang ako sa kanya.

Napansin ko ang naglalakihang paintings na nakasabit sa dingding ng mahabang pasilyo.

"Sino sila?" tanong ko ulit.

"Sila ang mga ninuno ni Sir Lance. Mga may kayang pamilya na sumama noon sa paglalayag ni Magellan. Sila na ang nagpatayo nitong mansiyon. Isa sila sa mga unang tao na nakakita sa lugar na ito kaya malaki ang kanilang lupain dito. At ayon sa mga kwento isa sa mga ninuno ni Sir Lance ang naging unang gobernador ng probinsiya. Parang nasa dugo na talaga nila kasi ang tatay din daw ni Sir Lance naging governor din.l," kwento pa niya.

Tiningnan ko ang mga paintings na nandoon hanggang ang mga sumunod na larawan ay nagiging moderno na. Mga black and white na picture na nakalagay sa mga malalaking frame.

"Bakit hindi ko nakikita ang picture ni Lance? Dapat nandidito siya 'di ba?" Turo ko sa parte ng dingding na walang nakasabit na larawan.

"Meron 'yan diyan. Family picture nila Sir Lance at ang solo picture niya. Naka frame rin at kasinglaki ng ibang mga pictures at paintings pero pagdating niya kagabi nang makita ang mga ito hindi siya nagdalawang-isip na wasakin at sirain ang dalawang pictures na iyon. Kaya ayon at nasa basurahan na." Nagkibit-balikat siya.

Hindi ako naka imik dahil sa sinabi niya. Bakit naman niya sinira ang walang kalaban-labang mga picture. Kaya ba natatakot sila dito dahil pagdating na pagdating niya nagwala na kaagad.

"Ito na ang kwarto mo," sabi ni Joan sabay bukas ng pinto.

Sobrang ganda ng kwarto. Kung hindi ko lang kilala ang magiging amo ko aakalain kong nasa bakasyon ako. Pero alam kung hindi ito bakasyon at hindi mabait ang pagsisilbihan ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
bakit kaya baka aasawahin sya ah ewan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 3

    MASAYA ako na hindi umuwi para kumain ng hapunan si Sir Lance.Tumawag lang ito kanina para kumustahin kung nandito na ba ako sa mansion.Sana ganito palagi. Aalis siya nang maaga at uuwi kapag tulog na ang lahat.Ang sabi ni Manang Meldred marami raw ang nag-aanyaya rito para makasabay sa hapunan. May iilang para sa negosyo ang iba naman mga bigating pulitiko sa lugar namin.Pagkatapos ng kanya-kanyang mga gawain pwede na kaming magpahinga.Kanina pa ako nakaakyat ng kwarto pero mailap ang antok sa akin.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 4

    HUMINGA muna ako ng malalim bago kumatok sa opisina ni Sir Lance.Kailangan kong iwasan na magkamali sa harapan niya.Nakayuko lang ako dahil nararamdaman kong nakatingin siya sa akin."I have a favor to ask you Sabrina," buo ang boses niya pero sobrang strikto pa rin.Kahit ayaw ko siyang tingnan sa mata pero dahil sa sinabi niya kusa na akong napatingin sa kanya."I'am planning to get involved with politics," huminga muna siya ng malalim pagkatapos sabihin 'yon, "and I need y

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 5

    MAAGA akong pinatawag ni Lance sa kanyang opisina. Simula ngayon kailangan ko ng sanayin ang sarili na mag-first name basis kagaya ng sabi niya. Ako na rin ang nautosang magdala ng agahan niya.Pagpasok ko may sinusulat siya pero nang makita ako agad niya itong tinigil.Nilapag ko sa lamesita kaharap ng sofa ang pagkain tulad ng aking nakasanayan."Basahin mo ito. Mga rules natin 'yan sa ating napagkasunduan." Sabay bigay niya ng papel sa akin.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 6

    GAYA ng inaasahan hindi nila ako tinigilan hangga't wala akong inaamin sa kanila.Kahit hindi ako sanay at ayokong magsinungaling wala na akong pagpipilian. Inamin ko na lang sa kanila na may relasyon kami ni Sir.Ang dami nilang mga haka-haka. Kaya pala simula nang dumating ako rito hindi na masyadong mainitin ang ulo ng lalaki at madalas na ring nananatili sa mansiyon.Kahit hindi ko naman napapansin ang mga sinasabi nila, sinang-ayunan ko na lang para matapos na ang pagtatanong ng lahat.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 7

    Hindi na kami nagkita ulit ni Lance simula kahapon.Pagkatapos niya akong palabasin sa kanyang kwarto iniwasan kong mag-cross ang mga landas namin.Ang alam ko hindi siya dito naghapunan sa bahay.Kung anong oras siya umuwi kagabi wala rin akong alam. Maaga rin siyang umalis kaninang umaga.Kahit isang text wala akong natanggap mula sa kanya. May number ako sa kanya pero ayaw kong magtanong. Baka isipin niyang masyado akong nanghihimasok sa personal niyang buhay.Habang kumakain ng agahan pagsisilbihan pa sana ako ni Joan pero hindi ako pumayag.Dinala ko ang aking plato sa dirty kitchen at nakikipagkw

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 8

    HINDI ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Hindi ko rin alam kung anong oras nakauwi si Lance.Wala rin akong ideya kung saan siya nagpunta.Mahihinang katok ang aking narinig. Hindi pa ako nakakasagot binuksan na nito ang pinto at tuluyan ng pumasok."Gising na po mahal na prinsesa."Sa boses pa lang nito at ang kanyang sinabi alam kong si Cindy ito.Lumapit siya sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina doon. Tuluyan ng pumasok

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 9

    SA mansiyon lang nanatili si Lance buong araw. Hindi siya nag-ikot sa hacienda. Si Owen na isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ang inutusan niyang maglibot muna.Galing sa pagligo sa pool nasa opisina lamang siya at abala sa iba't ibang mga papeles.Pati ako kinulong niya sa opisina. Habang abala siya sa mga sinusulat nandito lang ako sa sofa at nagbabasa ng librong kinuha ko sa bookshelf para may mapagkaabalahan.Hindi ko rin naman naintindihan kung ano ang binabasa ko dahil nakikiramdam lang ako sa paligid. Nakikiramdam sa taong kasama ko rito sa loob.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 10

     HINDI ko alam kung ano ang una kong sasabihin.Magdadahilan ba ako? Hihingi ng tawad dahil pumasok ako sa kwarto niya nang hindi nagpapaalam? Hihingi ng pasensiya dahil mas lalo pang nabasag ang picture frame? Magtatanong kung sino ang nasa picture?Pinagpapawisan na ako mula sa noo at pati sa palad."What are you doing here Sabrina?" tanong niya ulit. Mahinahon ang pagkakasabi pero parang gusto kong tumakbo.Mapanganib ang kanyang mga mata.P

Pinakabagong kabanata

  • CHAINED (Tagalog)   EPILOGUE

    MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 37

    Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 36

    HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 35

    PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 34

    KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 33

    DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 32

    Sobrang tahimik na ng paligid at kahit ang mga yapak ko'y dinig na dinig sa buong bahay.Parang nagising ako sa isang mahimbing na pagtulog nang mapansin ang tinatahak ko'y papunta sa kwarto ni Sab. Bago pa ako matuksong kumatok kanyang pintuan, dali-dali akong humakbang patalikod at lumayo. Gusto kong batukan ang sarili sa katahangang ginawa. Paano kung kumatok nga ako at lumabas siya? Ano ang magiging rason ko kung bakit inistorbo ko siya ng ganoong oras?Tinuloy ko ang balak na kausapin si Gov kinabukasan.Paglabas ko pa lang ng aking sasakyan, pinagtitinginan na ako ng mga tao, empleyado man o hindi."Good morning, Sir. What can I do for you?" pagpapa-cut

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 31

    MADILIM pa pero nakapagbihis na ako at nakasampa na sa kabayo. Ini-abot sa akin ni Owen ang shot gun na madalas ginagamit sa pangangaso. Ito ang madalas na libangan namin ni Raf, lalo na kapag umuuwi kami sa bahay ni Tita Ade sa Colorado.Pero ngayong umaga iba ang babarilin ko kapag nagkamali siyang magpakita sa palaisdaan.Maambon ang paligid pero kita ang pal

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 30

    "Since I was a kid. But I'm improving now, iyon ang sabi niya. Kaya dalawang beses na lang kaming nagkikita sa isang buwan," paliwanag ko."Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Tuluyan ng tumaas ang kanyang boses."Bakit pa? It's not important. Wala namang kinalaman sa relasyon natin ang pagpunta ko sa kanya." Sinubukan kong habaan ang pasensiya."Mayroon! Kasi hindi mo sinabi sa akin na baliw ka!""Baliw? I

DMCA.com Protection Status