MAAGA akong pinatawag ni Lance sa kanyang opisina. Simula ngayon kailangan ko ng sanayin ang sarili na mag-first name basis kagaya ng sabi niya. Ako na rin ang nautosang magdala ng agahan niya.
Pagpasok ko may sinusulat siya pero nang makita ako agad niya itong tinigil.
Nilapag ko sa lamesita kaharap ng sofa ang pagkain tulad ng aking nakasanayan.
"Basahin mo ito. Mga rules natin 'yan sa ating napagkasunduan." Sabay bigay niya ng papel sa akin.
GAYA ng inaasahan hindi nila ako tinigilan hangga't wala akong inaamin sa kanila.Kahit hindi ako sanay at ayokong magsinungaling wala na akong pagpipilian. Inamin ko na lang sa kanila na may relasyon kami ni Sir.Ang dami nilang mga haka-haka. Kaya pala simula nang dumating ako rito hindi na masyadong mainitin ang ulo ng lalaki at madalas na ring nananatili sa mansiyon.Kahit hindi ko naman napapansin ang mga sinasabi nila, sinang-ayunan ko na lang para matapos na ang pagtatanong ng lahat.
Hindi na kami nagkita ulit ni Lance simula kahapon.Pagkatapos niya akong palabasin sa kanyang kwarto iniwasan kong mag-cross ang mga landas namin.Ang alam ko hindi siya dito naghapunan sa bahay.Kung anong oras siya umuwi kagabi wala rin akong alam. Maaga rin siyang umalis kaninang umaga.Kahit isang text wala akong natanggap mula sa kanya. May number ako sa kanya pero ayaw kong magtanong. Baka isipin niyang masyado akong nanghihimasok sa personal niyang buhay.Habang kumakain ng agahan pagsisilbihan pa sana ako ni Joan pero hindi ako pumayag.Dinala ko ang aking plato sa dirty kitchen at nakikipagkw
HINDI ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Hindi ko rin alam kung anong oras nakauwi si Lance.Wala rin akong ideya kung saan siya nagpunta.Mahihinang katok ang aking narinig. Hindi pa ako nakakasagot binuksan na nito ang pinto at tuluyan ng pumasok."Gising na po mahal na prinsesa."Sa boses pa lang nito at ang kanyang sinabi alam kong si Cindy ito.Lumapit siya sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina doon. Tuluyan ng pumasok
SA mansiyon lang nanatili si Lance buong araw. Hindi siya nag-ikot sa hacienda. Si Owen na isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ang inutusan niyang maglibot muna.Galing sa pagligo sa pool nasa opisina lamang siya at abala sa iba't ibang mga papeles.Pati ako kinulong niya sa opisina. Habang abala siya sa mga sinusulat nandito lang ako sa sofa at nagbabasa ng librong kinuha ko sa bookshelf para may mapagkaabalahan.Hindi ko rin naman naintindihan kung ano ang binabasa ko dahil nakikiramdam lang ako sa paligid. Nakikiramdam sa taong kasama ko rito sa loob.
HINDI ko alam kung ano ang una kong sasabihin.Magdadahilan ba ako? Hihingi ng tawad dahil pumasok ako sa kwarto niya nang hindi nagpapaalam? Hihingi ng pasensiya dahil mas lalo pang nabasag ang picture frame? Magtatanong kung sino ang nasa picture?Pinagpapawisan na ako mula sa noo at pati sa palad."What are you doing here Sabrina?" tanong niya ulit. Mahinahon ang pagkakasabi pero parang gusto kong tumakbo.Mapanganib ang kanyang mga mata.P
MABUTI na lang at hindi pa ako tuluyang nabaliw nitong mga nagdaang araw. Sobrang seryoso na ni Lance sa palabas naming ito. Ginagampanan na niyang maigi ang pagiging responsableng boyfriend.Dumating ang Sabado, ang araw kung saan isasama niya ako sa isang public event.Unang pagkakataon ito na lumabas kaming dalawa sa hacienda na magkasama.Maraming dahilan ang kakaibang kabog ng aking dibdib. Una, sa lalaking nagmamaneho nitong sasakyan at pangalawa ang panghuhusga ng mga tao."You okay? You look tense," puna niya sa akin."Medyo kinakabahan lang," pag-amin ko."Don't be. Just be yourself. You don't have to please them
NAGAWA pang tumawag ni Lance pagdating ko ng mansiyon.Hindi ko sinagot dahil alam ko namang hindi kami makakapag-usap ng mabuti dahil nasa pageant pa siya.'Umuwi ka na pala? Hindi ka man lang nagpaalam. Kung hindi pa sinabi ni Owen sa akin hindi ko pa malalaman,' text niya pagkatapos nang hindi ko pagsagot sa tawag.'Sumama b
Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong ni Lance kung sino si Carlo kahit alam ko kung sino ang kanyang tinutukoy.Nagtataka rin ako kung bakit bigla niyang nabanggit ang aking kababata."Kaibigan ko," sa wakas ay may salitang lumabas sa aking bibig.Halata sa kanyang mukha ang pagkabagot dahil sa tagal ng aking pagsagot."Kaibigan? Pero bakit narinig ko na parang may gusto siya sa'yo?" tanong niya ulit.Natigilan na naman ako. Saan naman ka
MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p
Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.
HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.
PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan
KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.
DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a
Sobrang tahimik na ng paligid at kahit ang mga yapak ko'y dinig na dinig sa buong bahay.Parang nagising ako sa isang mahimbing na pagtulog nang mapansin ang tinatahak ko'y papunta sa kwarto ni Sab. Bago pa ako matuksong kumatok kanyang pintuan, dali-dali akong humakbang patalikod at lumayo. Gusto kong batukan ang sarili sa katahangang ginawa. Paano kung kumatok nga ako at lumabas siya? Ano ang magiging rason ko kung bakit inistorbo ko siya ng ganoong oras?Tinuloy ko ang balak na kausapin si Gov kinabukasan.Paglabas ko pa lang ng aking sasakyan, pinagtitinginan na ako ng mga tao, empleyado man o hindi."Good morning, Sir. What can I do for you?" pagpapa-cut
MADILIM pa pero nakapagbihis na ako at nakasampa na sa kabayo. Ini-abot sa akin ni Owen ang shot gun na madalas ginagamit sa pangangaso. Ito ang madalas na libangan namin ni Raf, lalo na kapag umuuwi kami sa bahay ni Tita Ade sa Colorado.Pero ngayong umaga iba ang babarilin ko kapag nagkamali siyang magpakita sa palaisdaan.Maambon ang paligid pero kita ang pal
"Since I was a kid. But I'm improving now, iyon ang sabi niya. Kaya dalawang beses na lang kaming nagkikita sa isang buwan," paliwanag ko."Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Tuluyan ng tumaas ang kanyang boses."Bakit pa? It's not important. Wala namang kinalaman sa relasyon natin ang pagpunta ko sa kanya." Sinubukan kong habaan ang pasensiya."Mayroon! Kasi hindi mo sinabi sa akin na baliw ka!""Baliw? I