Share

Chapter 4

Author: Blu Berry
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

HUMINGA muna ako ng malalim bago kumatok sa opisina ni Sir Lance.

Kailangan kong iwasan na magkamali sa harapan niya.

Nakayuko lang ako dahil nararamdaman kong nakatingin siya sa akin.

"I have a favor to ask you Sabrina," buo ang boses niya pero sobrang strikto pa rin.

Kahit ayaw ko siyang tingnan sa mata pero dahil sa sinabi niya kusa na akong napatingin sa kanya.

"I'am planning to get involved with politics," huminga muna siya ng malalim pagkatapos sabihin 'yon, "and I need your help."

"Po? Tulong ko?" nalilito kong tanong. Tinuro ko pa ang sarili.

"Yeah. Wala akong ibang maisip na makakatulong sa akin, ikaw lang," sagot niya.

"Anong klaseng tulong po Sir?" Naguguluhan pa rin ako. Ako ba ang mangangampanya para sa kanya? Sigurado akong hindi pera ang tulong na iyon dahil mayaman na siya.

" Like I said papasok ako sa pulitika. Next election I am running for mayor. But before that kailangan ko munang ayusin ang imahe ko sa mga tao. Beacause right now alam ko ang tingin ng mga tao sa akin. Istrikto, ruthless, hot tempered man. I want to change that. I take some of the advises na sinabi sa akin ng magiging kapartido ko na ipakita sa mga tao na even if ganito ako, lumaki sa may kayang pamilya but still I can understand most of the people here in this area. Na papakinggan at tutugunan ko mga hinaing nila dahil naiintindihan ko sila dahil I'm one of them. At para mapaniwala ko sila na naiintindihan ko kung ano ang pakiramdam ng isang simpleng mamamayan kailangan ko ang isang tao na napagdaanan din ang buhay nila," mahabang paliwanag niya.

"Teka lang Sir, hindi talaga kita maintindihan."

"Kailangan kita para mapaniwala sila na I also care for such people like them. Na importante rin sila para sa akin. Dapat maisip nila na ako ang iboto dahil malapit ako sa mga kagaya nilang mga simpleng tao."

Katahimikan ang sumunod. Nakukuha ko naman ang sinasabi niya. Ako lang talaga ang ayaw umintndi sa gusto niyang mangyari.

"I want you to pretend as may girlfriend. Or shall I say, fiancee," straight na straight na pagkakasabi niya.

Napahigpit ang pagkakakuyom ko sa aking kamao. Sa dami ng babae sa lugar na ito ako talaga ang naisipan niyang magpanggap? Bilang girlfriend pa talaga? Hindi ko alam ang isasagot.

"Don't worry dahil hindi libre 'to. Babayaran kita. Just help me with this." Kahit may kailangan siya sa akin hindi pa rin mababakasan ng pakiusap ang boses kanyang boses.

"Pero Sir baka magtaka ang mga tao? Bago pa lang po kayo dito at katulong lang po ninyo ako. Tapos girlfriend mo na agad-agad? Magiging fiancee pa?" nakaisip agad ako ng rason.

"That's exactly the point! Ang mga tao ngayon kahit mahirap ang buhay naniniwala pa rin sa true love. A fairy tale like story. That true love still exists even in our time. We all know that its bullshit pero malaking bagay pa rin 'yan sa mga tao," nakangiti niyang sabi.

Pero parang ang sakit ng sinabi niya. True love is bullshit. Kahit ako naniniwala pa rin ako sa true love. Na darating talaga ang isang tao na tatanggap sa akin at mas malaki ang pagmamahal niya kaysa sa mga pagkakamali ko.

"Pwede po bang pag-isipan ko muna Sir?" tanong ko sa kanya.

Humilig siya sa kanyang swivel chair at tiningnan ako. Parang hindi inaasahan na ganito ang isasagot ko.

"Name your price Sabrina. Pumayag ka lang sa alok ko. Papaniwalain lang natin ang mga tao na nagmamahalan tayo. Kahit isa akong Natividad pinili ka pa rin ng puso ko. Kunyaring nagmahal ako ng simpleng babae. At dahil pinili ko ang kagaya mo maniniwala talaga ang mga tao na tumakbo ako para sa kanila. Para sa mga kagaya ninyo dahil naiintindihan ko kayo," pinilit pa niya akong kumbinsehin.

Kung hindi siguro to pagpapanggap baka napaniwala niya ako. Pati mga mata niya nakikiusap sa akin na hindi naman siguro likas na ginagawa ni Sir Lance.

"Pag-iisipan ko po," tugon ko.

Kahit papunta na sa kwarto para pa rin akong lumulutang. Pilit pa ring pinoproseso ng utak ko ang lahat ng sinabi niya.

Pahirapan na naman ang pagtulog ko ngayong gabi. Nakatitig lang ako sa kisame. Kahit sa pagpikit ng mga mata ang mga sinabi pa rin ni sir Lance ang naiisip ko.

Paano kung hindi ko tanggapin? Paano kung ayaw ko? Anong gagawin niya? Anong plano niyang gawin sa akin?

Sa kakaisip bigla akong nauhaw. Hindi pa ako nakadala ng tubig kaya kailangan ko na namang bumaba sa kusina.

Sinaid ko ang laman ng isang basong tubig. Uhaw na uhaw ako at parang nanggaling sa isang napakahabang paglalakad.

Baka mauhaw na naman ako mamaya kaya nagdala na ako ng tubig pagbalik ko sa kwarto.

Pero may napansin ako sa dulong ibabaw ng grand stair case. Nililipad ng hangin ang makakapal na kurtina. Akala ko may nakapasok na magnanakaw at sa bintana dumaan.

Dahan-dahan kong nilapitan ang bintana para sana isarado pero nang hawiin ko ang kurtina hindi pala bintana iyon kundi isang sliding glass door papunta sa veranda. Sa pagdaan ng taon may ibang bahagi ng mansiyon ang na-renovate kaya may pagka-modern na ang ibang parte ng bahay.

Isasarado ko na sana ang sliding door nang may napansin akong nakatayo sa veranda. Sa tindig niya alam ko na si Sir Lance ito. Nakatanaw siya sa malawak na garden sa ibaba at sa kumikinang na tubig sa swimming pool malapit sa garden. 

Walang nakasinding ilaw sa kinatatayuan namin at tanging ang buwan at ilaw sa labas lang ang nagbibigay ng kaunting liwanag.

Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Can't sleep?" sabay inom sa laman ng basong hawak niya.

"Nauhaw lang po. Uminom lang ng tubig," sagot ko.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta samesa at nagsalin ng alak sa baso.

"Still in doubt?" tanong niya ulit.

Hindi ako nakasagot. 

Umihip ang panggabing hangin at nilamig ako. Nilagay ko ang mga kamay sa magkabila kong braso. Naka-pajama at T-shirt ako pero tumatagos pa rin ang lamig.

Hindi ko alam kung giniginaw ba si Sir Lance dahil nakasuot lang ito ng fitted white sando at boxer shorts. 

Ngayon ko lang napansin dahil unti-unti nang nasasanay ang mata ko sa kakarampot na liwanag. Iniwas ko ang mga mata sa kanya. Dahil sa suot lalo lang nitong pinapakita kung gaano kaganda ang katawan niya. Parang nagpi-pictoriallang sa isang magazine.

"Pareho lang din siguro tayo ng iniisip Sabrina. Iyong hindi mo maintindihan kung bakit ginagawa mo ang isang bagay kahit alam mong malayo ito sa gusto mo," sabi niya habang nakatalikod sa akin at nakatanaw sa nalawak na lupain labas.

Wala akong maisip na sabihin. Tila nalulunod ang aking boses.

Humarap siya sa akin at napalunok ako. Bumalik na naman ang pagkatuyo ng aking lalamunan.

Humakbang siya palapit sa'kin. Kahit nandito siya sa bahay at matutulog na lang ang bango pa rin niya.

"So tell me, anong gusto mong kapalit para pumayag ka?" tanong niya sa akin sa namumungay na mata, epekto siguro ng nainom niyang alak kanina.

Umihip na naman ang hangin at parehong nagulo ang aming buhok. Inabot niya ang ilang hibla ng buhok ko na umabot sa mukha at inipit ito sa likod ng aking tainga. Medyo tumama pa ng bahagya ang daliri niya sa aking pisngi. Kinilabutan ako sa simpleng pagkakadikit ng aming balat. Para akong napapasong humakbang ng dalawang beses makalayo lang sa kanya.

Tiningnan niya ako sa aking mga mata, pababa sa ilong, at nagtagal sa aking labi.

"Matulog ka na Sabrina. Go now, while I can still control myself," sabi niya sa mababang boses.

Hindi na ako naghintay ng anumang sasabihin niya at umalis na kaagad. Abot-abot ang aking kaba. Nanginginig ang aking tuhod pero nakarating pa rin ako sa aking kwarto. Pagkapasok ko dumiretso ako ng upo sa kama. Nakakatakot ang mata niya. Parang may matinding galit na pilit niyang pinipigilan. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi pa rin nababawasan ang aking kaba. Mapupuyat na naman siguro ako nito.

Nanghihina akong bumaba sa kusina kinabukasan. Wala na naman akong matinong tulog kagabi at dahil iyon kay Sir Lance.

Nadatnan ko ang mga kasama na kumakain ng agahan. Parang ang aga yata nilang kumain ngayon. Kadalasan ganitong oras naghahanda pa sila ng almusal para kay Sir.

"Maagang umalis si Lance kaya kumain ka na rin Sabrina," si Manang Meldred ang nagsalita.

"Pinapayagan kayong umuwi ngayon pero dapat bumalik kayo mamayang hapon," dugtong na sabi ni Manang.

Napatingin ako sa kanya na tinuloy na ang pagkain. Tiningnan ko rin sina Joan na parehong may masasayang mukha.

Sabado ngayon at walang pasok sina Sam at Kikoy. Siguradong makakasama ko sila sa bahay. Binilisan ko na ang pagkain para makauwi na rin ako.

Masayang masaya ako pagpasok sa bahay namin. Nagpupunas ng bintana si Kikoy at mukhang nasa kusina si Sam dahil may narinig akong naghuhugas ng mga plato.

Maging silang dalawa ay masayang-masaya dahil sa paguwi ko.

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian nasa sala kaming tatlo nang biglang nagbukas ng mapag-uusapan si Sam.

"Grabe Ate, nagpunta kahapon si Mr. Natividad sa eskwelahan naming, sobrang gwapo pala niya," kwento ni Sam.

"Anong ginagawa niya sa school ninyo?" Napukaw ang kanyang interes.

"Kasama niya si Governor. Ang balita, Ate, naghahanap sila ng mga masisipag na studyante na magiging scholar. Mula senior high hanggang college ang scholarship na 'yon. Libre lahat at ang mapipili nila ay makakapag-aral kung saang eskwelahan ang nanaisin nito. Dito sa Pilipinas or abroad pwede. Sana, Ate isa ako sa mga mapipili nila," nangangarap na sabi ni Sam.

"Ang ganda rin ng sasakyan niya Ate. Narinig ko nga na sabi ng isang teacher na sobrang crush niya raw si Mr. Natividad," turan ni Kikoy.

Pareho lang sila ng public school na pinapasukan ni Sam. Elementary sa harapang building at ang nasa likurang building naman ang junior at senior high.

"Pati rin pala elementary Ate, may scholar din sila. Doon daw mag-aaral sa mga exclusive school na may mga dormitories. Pero depende pa rin kung saan gugustohin ng batang mag aral," si Sam ulit.

"Sana kami ang mapili ate," umaasang wika ni Kikoy. "Gustong-gusto ko magpunta sa ibang lugar, Ate. Kagaya ng ibang classmates ko na maraming napupuntahan."

"Hindi mo ba mami-miss ang Ate kung nasa malayo ka?" tanong ko sa kanya.

"Syempre mami-miss pero mawawala rin 'yon ate kasi magiging busy ako sa pag-aaral at pagpasyal."

"Ate? Hindi mo ba pwedeng pakiusapan si Mr. Natividad na kami na lang ang kunin? Nagtatrabaho ka naman sa hacienda niya "di ba? Promise Ate, hindi ka namin ipapahiya," nakangiting sabi ni Sam.

"Sige na, Ate. Mag-aaral kaming mabuti. Kapag nakatapos kami hindi ka na magtatrabaho. Kami na man ang mag-aalaga sa'yo," si Kikoy naman ang nakiusap.

Naaawa ako sa mga kapatid ko. Alam ko may pangarap silang mag-aral sa mas malaking paaralan sa labas ng bayan namin pero dahil sa hirap ng buhay kailangan nilang magtiis dito.

"Susubukan ko," sagot ko sa kanila. Kahit labag sa kalooban ko pero dahil sa pangarap nila titiisin kong malayo sa kanila.

Hanggang sa pagbalik ko ng mansiyon ang pakiusap pa rin ng mga kapatid ang iniiisip ko. 

Sana tama ang magiging desisyon ko. 

Mami-miss ko sila pero ayoko namang dahil sa akin hindi nila maabot ang kanilang mga pangarap. Iyon na lang ang pwedeng kong ibigay sa kanila. Ano nga ba naman ang pagtitiis namin ng ilang taon kung ang kapalit nito ay ang maginhawa nilang buhay sa mga taon na darating?

Sana tanggapin din ni Lance ang gusto kong kapalit sa magiging tulong ko sa kanya.

Sina Joan at Kate ang nadatnan ko sa kusina at parang kadarating lang din nila.

Tinanong ko sila kung nakita ba nila si Sir Lance. Ang sabi ni Joan nasa opisina niya ito. 

Wala na akong inaksayang oras at pinuntahan ko na siya kaagad.

Iilang katok ang aking ginawa saka narinig ang boses niya na pwede nang tumuloy.

"Magandang gabi po Sir," bati ko sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin at itinigil muna ang pagtitipa sa kanyang laptop.

"What brings you here?" tanong niya sa akin habang tinatanggal ang suot na reading glass.

"Nakapagdesisyon na po ako Sir," walang pagdadalawang isip kong sabi.

Parang napalitan ng tuwa ang seryosong mukha niya. Kahit ano talaga ang expression niya hinding-hindi siya pumapangit.

"Pumapayag na po ako sa gusto niyo. Pero may kapalit." Kinapalan ko na talaga ang mukha.

Walang nagsalita sa amin. Hinihintay niya ang hihingiin kong kapalit.

"Gusto kong maging scholar ninyo ang dalawang kapatid ko." Pinagpapawisan ang aking mga palad. Labis-labis ang aking kaba. Hindi siya nagsalita. Paano kung hindi siya papayag? Ang pagpapanggap ko kapalit ng magandang oportunidad para sa dalawa kong kapatid.

"Iyon lang ba?" tanong niya sa akin.

Bakit parang ang liit ng hinihingi ko at gusto pa niyang dagdagan? Ano pa ba ang pwede kong i-request?

"Don't worry tatawagan ko ang eskwelahan na pwede nilang pasukan. Safe ang mga eskwelahan na 'yon. Magaganda ang facilities at may seguridad. Isa rin ang Tita ko sa mga board ng school." Halata ang saya sa mukha niya.

"Paano kung ayaw po nila sa eskwelahang 'yan?"

"We will ask them. Pero kung ayaw naman nila pwede namang sila mismo ang pipili," paliwanag niya.

"Salamat po Sir. Lalabas na po ako," paalam ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at dumiritso na sa pintoan. Pero bigla siyang nagsalita.

"One more thing. Drop the formality. Tanggalin mo na ang po at Sir. Remember, we are in a relationship at hindi sweet pakinggan kung sir at po ang endearment natin." Kusa akong napatigil sa paghakbang dahil sa sinabi niya.

Pinagpawisan ako ng malamig.

"You can go now." 

Pinutol niya ang aking pagkatulala at nahalata sigurong hindi ako naging kumportable sa huling sinabi niya. Pero halata pa rin sa kanyang boses ang pinipigil na tawa.

Napapailing na lang ako paglabas ng kanyang opisina at pinunasan ko ang pawis sa noo. Biglang uminit ang aking pakiramdam at sa tinginko'y magkakalagnat ako.

Mga Comments (16)
goodnovel comment avatar
Blu Berry
wala pong libre dito sa good novel.
goodnovel comment avatar
Jonamae Pelobello
Next please
goodnovel comment avatar
Melyn Fuentes
please unlock
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 5

    MAAGA akong pinatawag ni Lance sa kanyang opisina. Simula ngayon kailangan ko ng sanayin ang sarili na mag-first name basis kagaya ng sabi niya. Ako na rin ang nautosang magdala ng agahan niya.Pagpasok ko may sinusulat siya pero nang makita ako agad niya itong tinigil.Nilapag ko sa lamesita kaharap ng sofa ang pagkain tulad ng aking nakasanayan."Basahin mo ito. Mga rules natin 'yan sa ating napagkasunduan." Sabay bigay niya ng papel sa akin.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 6

    GAYA ng inaasahan hindi nila ako tinigilan hangga't wala akong inaamin sa kanila.Kahit hindi ako sanay at ayokong magsinungaling wala na akong pagpipilian. Inamin ko na lang sa kanila na may relasyon kami ni Sir.Ang dami nilang mga haka-haka. Kaya pala simula nang dumating ako rito hindi na masyadong mainitin ang ulo ng lalaki at madalas na ring nananatili sa mansiyon.Kahit hindi ko naman napapansin ang mga sinasabi nila, sinang-ayunan ko na lang para matapos na ang pagtatanong ng lahat.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 7

    Hindi na kami nagkita ulit ni Lance simula kahapon.Pagkatapos niya akong palabasin sa kanyang kwarto iniwasan kong mag-cross ang mga landas namin.Ang alam ko hindi siya dito naghapunan sa bahay.Kung anong oras siya umuwi kagabi wala rin akong alam. Maaga rin siyang umalis kaninang umaga.Kahit isang text wala akong natanggap mula sa kanya. May number ako sa kanya pero ayaw kong magtanong. Baka isipin niyang masyado akong nanghihimasok sa personal niyang buhay.Habang kumakain ng agahan pagsisilbihan pa sana ako ni Joan pero hindi ako pumayag.Dinala ko ang aking plato sa dirty kitchen at nakikipagkw

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 8

    HINDI ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Hindi ko rin alam kung anong oras nakauwi si Lance.Wala rin akong ideya kung saan siya nagpunta.Mahihinang katok ang aking narinig. Hindi pa ako nakakasagot binuksan na nito ang pinto at tuluyan ng pumasok."Gising na po mahal na prinsesa."Sa boses pa lang nito at ang kanyang sinabi alam kong si Cindy ito.Lumapit siya sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina doon. Tuluyan ng pumasok

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 9

    SA mansiyon lang nanatili si Lance buong araw. Hindi siya nag-ikot sa hacienda. Si Owen na isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ang inutusan niyang maglibot muna.Galing sa pagligo sa pool nasa opisina lamang siya at abala sa iba't ibang mga papeles.Pati ako kinulong niya sa opisina. Habang abala siya sa mga sinusulat nandito lang ako sa sofa at nagbabasa ng librong kinuha ko sa bookshelf para may mapagkaabalahan.Hindi ko rin naman naintindihan kung ano ang binabasa ko dahil nakikiramdam lang ako sa paligid. Nakikiramdam sa taong kasama ko rito sa loob.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 10

     HINDI ko alam kung ano ang una kong sasabihin.Magdadahilan ba ako? Hihingi ng tawad dahil pumasok ako sa kwarto niya nang hindi nagpapaalam? Hihingi ng pasensiya dahil mas lalo pang nabasag ang picture frame? Magtatanong kung sino ang nasa picture?Pinagpapawisan na ako mula sa noo at pati sa palad."What are you doing here Sabrina?" tanong niya ulit. Mahinahon ang pagkakasabi pero parang gusto kong tumakbo.Mapanganib ang kanyang mga mata.P

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 11

    MABUTI na lang at hindi pa ako tuluyang nabaliw nitong mga nagdaang araw. Sobrang seryoso na ni Lance sa palabas naming ito. Ginagampanan na niyang maigi ang pagiging responsableng boyfriend.Dumating ang Sabado, ang araw kung saan isasama niya ako sa isang public event.Unang pagkakataon ito na lumabas kaming dalawa sa hacienda na magkasama.Maraming dahilan ang kakaibang kabog ng aking dibdib. Una, sa lalaking nagmamaneho nitong sasakyan at pangalawa ang panghuhusga ng mga tao."You okay? You look tense," puna niya sa akin."Medyo kinakabahan lang," pag-amin ko."Don't be. Just be yourself. You don't have to please them

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 12

    NAGAWA pang tumawag ni Lance pagdating ko ng mansiyon.Hindi ko sinagot dahil alam ko namang hindi kami makakapag-usap ng mabuti dahil nasa pageant pa siya.'Umuwi ka na pala? Hindi ka man lang nagpaalam. Kung hindi pa sinabi ni Owen sa akin hindi ko pa malalaman,' text niya pagkatapos nang hindi ko pagsagot sa tawag.'Sumama b

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • CHAINED (Tagalog)   EPILOGUE

    MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 37

    Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 36

    HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 35

    PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 34

    KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 33

    DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 32

    Sobrang tahimik na ng paligid at kahit ang mga yapak ko'y dinig na dinig sa buong bahay.Parang nagising ako sa isang mahimbing na pagtulog nang mapansin ang tinatahak ko'y papunta sa kwarto ni Sab. Bago pa ako matuksong kumatok kanyang pintuan, dali-dali akong humakbang patalikod at lumayo. Gusto kong batukan ang sarili sa katahangang ginawa. Paano kung kumatok nga ako at lumabas siya? Ano ang magiging rason ko kung bakit inistorbo ko siya ng ganoong oras?Tinuloy ko ang balak na kausapin si Gov kinabukasan.Paglabas ko pa lang ng aking sasakyan, pinagtitinginan na ako ng mga tao, empleyado man o hindi."Good morning, Sir. What can I do for you?" pagpapa-cut

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 31

    MADILIM pa pero nakapagbihis na ako at nakasampa na sa kabayo. Ini-abot sa akin ni Owen ang shot gun na madalas ginagamit sa pangangaso. Ito ang madalas na libangan namin ni Raf, lalo na kapag umuuwi kami sa bahay ni Tita Ade sa Colorado.Pero ngayong umaga iba ang babarilin ko kapag nagkamali siyang magpakita sa palaisdaan.Maambon ang paligid pero kita ang pal

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 30

    "Since I was a kid. But I'm improving now, iyon ang sabi niya. Kaya dalawang beses na lang kaming nagkikita sa isang buwan," paliwanag ko."Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Tuluyan ng tumaas ang kanyang boses."Bakit pa? It's not important. Wala namang kinalaman sa relasyon natin ang pagpunta ko sa kanya." Sinubukan kong habaan ang pasensiya."Mayroon! Kasi hindi mo sinabi sa akin na baliw ka!""Baliw? I

DMCA.com Protection Status