Share

CHAINED (Tagalog)
CHAINED (Tagalog)
Author: Blu Berry

PROLOGUE

Author: Blu Berry
last update Last Updated: 2020-07-30 07:56:49

SA isang probinsiya gaya ng San Felipe, mga piling tao lang ang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay.

Iilan sa mga piling taong ito kung hindi galing sa pamilya ng mga haciendero ay nagmula naman sa angkan ng mga pulitiko.

Ang karaniwang mamamayan ang mga tagapagsilbi o mas kilala bilang mga utosan o katulong. Tinitingala ang mga mayayaman dito, ginto ang kanilang oras at langit kung sila'y pangarapin.

Sa kanila lamang nakalaan ang hustisya, minsan maging ang edukasyon.

Kaming mga itinuring na mahihirap tumatanda na lang, nananatili pa ring tagapagsilbi.

Iyon ang pilit kung binabago na buhay ng mga kapatid ko. Naniniwala ako na kahit mahirap may karapatan pa rin kaming umangat sa buhay. Hindi man maging kasing yaman nila pero kahit kaunting pag-angat lang sa buhay ay ayos na sa akin.

Hindi ko alintana ang mga lait at panghahamak ng ibang tao, mapag-aral ko lang ang aking mga kapatid. Kung kailangan kung gumapang sa putik ay gagawin ko para maibigay lang sa kanila ang dati na ring ipinagkait sa akin, ang makapagtapos ng pag-aaral.

Nakasanayan ko ng gumising ng madaling araw para magtrabaho.

Alas-kuwatro pa lang at medyo madilim pa ang paligid. Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa pinakamalapit na hacienda, ang Hacienda Catalina.

Pag-aari ito ng isa sa pinakamayamang pamilya ng San Felipe, ang mga Natividad at dahil sa lawak ng kanilang lupain halos isang bayan ang pagmamay-ari nila, ang bayan ng San Jose.

Makapangyarihan din ang angkan na ito dahil isang membro ng kanilang pamilya ay minsang naging gobernador ng, si Ernesto Natividad. Ngunit hindi ito nakatapos sa kanyang termino dahil sa trahedyang nangyari sa kanilang pamilya na ikinamatay nito at ng kanyang asawa.

Mula sa araw na iyon ay naglahong bigla ang impluwensiya ng pamilyang Natividad. Napilitang mangibang bansa ang nag-iisang anak ng gobernador at simula noon hindi na ito ulit nakita pa.

May ibang parte ng kanilang mga lupa ang napabayaan. May ilang nakuha na ng bangko pero may ilan ding negosyo na hanggang ngayon ay pinagtatiyagaan ng ibang mga tauhan para mapakinabangan, isa na rito ang mga palaisdaan na hanggang ngayon ay kumikita pa rin.

Doon ako pumupunta araw-araw. Palihim akong dumadaan sa mga sirang bakod para makakuha ng mga isda at ibinibenta ito sa labas ng bayan kung saan walang magtatanong at magtataka kung saan galing ang mga iyon.

Hindi rin naman siguro ako matatawag na magnanakaw kagaya ng paratang sa 'kin ng mga tao. Nagpapaalam ako sa isa sa mga tagabantay ng palaisdaan na si Mang Tasyo. Matanda na siya pero pinili pa ring magtrabaho dahil sa kahirapan. Noong una kung tinangkang kumuha ng isda ay muntik na niya akong mabaril. Nakiusap ako sa kanya na kahit noong araw na iyon lang niya ako pagbigyan dahil may sakit ang bunso kong kapatid na si Kikoy. Siguro dahil sa matinding awa ay hindi lang sa araw na iyon niya ako pinagbigyan, pati na rin sa mga sumunod pang araw at hanggang ngayon ay malaya akong nakakakuha ng mga isda.

Mag aalas-kuwatro y media na ng marating ko ang aking sekretong daanan papunta sa palaisdaan. Mula sa maliit na daan na tinatahak ay unti-unti ko ng nakikita ang mataas na bubong ng mansiyon ng mga Natividad. Simbolo ng kanilang makapangyarihang angkan mula pa sa panahon ng mga kastila. Pero kung titingnan ngayon, halata na ang kalumaan nito. Bakas ang kalungkutan sa lugar dahil na rin siguro sa dating may ari na biglang nawalan ng pangalan.

Tahimik ang umaga na sinamahan pa ng medyo makapal na mga ambon. Walang Mang Tasyo na sumalubong sa akin ngayon. Baka nilalamig at hindi pa bumabangon. Ito ang unang beses na hindi kami nagkita rito.

Nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga isda gamit ang net na may hawakang kawayan at nilalagay ito sa timbang dala. Maya-maya pa'y may naririnig ako. Kung hindi ako nagkakamali ay mga yabag ito ng tumatakbong kabayo at papunta ito sa aking kinaroroonan.

Bigla akong kinabahan dahil alam kong hindi si Mang Tasyo 'yon. Hindi na nito kayang mangabayo dahil may edad na.

Kahit hindi pa sapat ang mga nahuli, tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon. Ngunit sadyang mas mabilis ang takbo ng kabayo dahil sa isang iglap lang ay nasa likuran ko na ito at kung sino man ang nakasakay nito'y tiyak nakita na ako.

"Tigil!" sigaw ng lalaking nakasampa sa kabayo.

Pero wala akong balak tumigil at itinuloy lang ang pagtakbo.

Isang putok ng baril sa ere ang kusang nagpatigil sa akin. Dahil sa nanginginig na kamay ay nabitawan ko ang timba na hawak kaya tumilapon ang iilang mga tilapiyang aking nahuli.

Bumaba ang lalaki mula sa sinasakyang kabayo base sa tunog ng kanyang suot na bota.

"Sino ka at anong ginagawa mo sa lupain ko?" diretsong tanong niya sa akin.

Hindi pa rin ako makagalaw at hindi makasagot. Ni hindi ko nga magawang umikot at tumingin sa kanya dahil sa takot.

"Ano? Wala kang balak magsalita?" tanong ulit nito at ikinasa ang baril na hawak niya. Kahit nakatalikod ako ay alam kong sa akin nakatutok 'yon.

Nanginginig ang aking tuhod. Hindi ko alam kong normal pa ba ang tibok ng aking puso. Nanunuyo ang lalamunan dahil sa matinding kaba. Ang dami-daming pumasok sa aking isipan . Anumang oras kung gugustuhin niya'y pwede niya akong barilin. Lihim akong nagdasal na sana ay hindi niya iyon maisip..

Sa kabila ng malamig na paligid ay ga-butil pa rin ang pawis na namumuo sa aking noo.

"Bakit 'di ka humarap sa 'kin?" anang lalaki na nawawalan na ng pasensiya.

"Harap!" ma-awtoridad na sigaw nito.

Halos mapatalon pa ako sa gulat at unti unting pumihit paharap sa kanya.

Unti unti kong inangat ang mata sa kanyang mukha. May katangkaran siya kaya kailangan pang tingalain upang matingnan siyang maigi.

Na sana hindi ko na ginawa.

Iyon na siguro ang pinakanakakatakot at pinakamalungkot na mga matang nakita ko. Madilim din ang kanyang mukha na nakatingin sa akin.

Pero kahit hindi mababakasan ng kahit na anong kabaitan ang mukha niya'y hindi pa rin nababawasan ang kanyang kakisigan.

Unti-unti niyang ibinaba ang nakatutok sa 'king shotgun.

Kasabay ng pagbaba ng baril ay ang pagpakawala ko rin sa kanina pa pinipigil na hininga.

Maraming tanong ang nag-uunahan sa aking isip.

Paano na ngayon na may nakahuli sa akin na nagnanakaw ng mga isda? Makakaya ko kaya itong lusutan? Madadala kaya ang lalaking ito sa aking pakiusap at pagmamakaawa gaya ni Mang Tasyo? Hindi ko pa naman kilala ang gwapo at istriktong lalaki na kaharap ngayon.

Comments (12)
goodnovel comment avatar
Raydan Dave Bayuga
exciting novel
goodnovel comment avatar
Shaina Sane Mercede Mapait
nice story
goodnovel comment avatar
Crisha joyce Abalos
ganda!!!!!!......🫨🫨🫨
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 1

    NAKAKATAKOT ang paraan ng pagkakatitig sa 'kin ng lalaking nasa harapan ko. Ramdam ko itong tumatagos sa aking buong pagkatao.Hinagod ako ng tingin ng kanyang misteryosong mga mata. Para bang binabasa ang aking mga iniisip. Nagsitayuan ang aking mga balahibo. Ang kanyang hitsura ay nagsusumigaw ng galit at tapang. Kahit sino naman sigurong makakakita na pinagnanakawan sa sarili nilang bakuran ay hindi matutuwa.Naputol ang pagtitig niya sa akin nang dumating ang isang range rover. Agad bumaba ang mga sakay nito kasama si Mang Tasyo.Tiningnan ako ni Mang Tasyo na p

    Last Updated : 2020-07-31
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 2

    BUONG araw kong pinag-isipan kung paano sasabihin sa aking dalawang kapatid ang nangyari kanina sa Hacienda Catalina.Paano ko ipapaliwanag na ilang beses na akong palihim na kumukuha doon ng mga isda at 'yon ang pinagkakakitaan ko para may panggastos sa kanilang pag-aaral?Kaming tatlong magkapatid na lang ang naiwan simula nang namatay ang tatay namin. Maglilimang taon na rin ang nakalipas.Nasa high school ako nang namatay si Nanay dahil sa sakit. Sakit na hindi na nagamot pa dahil wala kaming pera pampa-ospital. Sakit na nagsimula sa pambobugbog sa kanya

    Last Updated : 2020-07-31
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 3

    MASAYA ako na hindi umuwi para kumain ng hapunan si Sir Lance.Tumawag lang ito kanina para kumustahin kung nandito na ba ako sa mansion.Sana ganito palagi. Aalis siya nang maaga at uuwi kapag tulog na ang lahat.Ang sabi ni Manang Meldred marami raw ang nag-aanyaya rito para makasabay sa hapunan. May iilang para sa negosyo ang iba naman mga bigating pulitiko sa lugar namin.Pagkatapos ng kanya-kanyang mga gawain pwede na kaming magpahinga.Kanina pa ako nakaakyat ng kwarto pero mailap ang antok sa akin.

    Last Updated : 2020-08-01
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 4

    HUMINGA muna ako ng malalim bago kumatok sa opisina ni Sir Lance.Kailangan kong iwasan na magkamali sa harapan niya.Nakayuko lang ako dahil nararamdaman kong nakatingin siya sa akin."I have a favor to ask you Sabrina," buo ang boses niya pero sobrang strikto pa rin.Kahit ayaw ko siyang tingnan sa mata pero dahil sa sinabi niya kusa na akong napatingin sa kanya."I'am planning to get involved with politics," huminga muna siya ng malalim pagkatapos sabihin 'yon, "and I need y

    Last Updated : 2020-08-01
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 5

    MAAGA akong pinatawag ni Lance sa kanyang opisina. Simula ngayon kailangan ko ng sanayin ang sarili na mag-first name basis kagaya ng sabi niya. Ako na rin ang nautosang magdala ng agahan niya.Pagpasok ko may sinusulat siya pero nang makita ako agad niya itong tinigil.Nilapag ko sa lamesita kaharap ng sofa ang pagkain tulad ng aking nakasanayan."Basahin mo ito. Mga rules natin 'yan sa ating napagkasunduan." Sabay bigay niya ng papel sa akin.

    Last Updated : 2020-08-01
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 6

    GAYA ng inaasahan hindi nila ako tinigilan hangga't wala akong inaamin sa kanila.Kahit hindi ako sanay at ayokong magsinungaling wala na akong pagpipilian. Inamin ko na lang sa kanila na may relasyon kami ni Sir.Ang dami nilang mga haka-haka. Kaya pala simula nang dumating ako rito hindi na masyadong mainitin ang ulo ng lalaki at madalas na ring nananatili sa mansiyon.Kahit hindi ko naman napapansin ang mga sinasabi nila, sinang-ayunan ko na lang para matapos na ang pagtatanong ng lahat.

    Last Updated : 2020-08-01
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 7

    Hindi na kami nagkita ulit ni Lance simula kahapon.Pagkatapos niya akong palabasin sa kanyang kwarto iniwasan kong mag-cross ang mga landas namin.Ang alam ko hindi siya dito naghapunan sa bahay.Kung anong oras siya umuwi kagabi wala rin akong alam. Maaga rin siyang umalis kaninang umaga.Kahit isang text wala akong natanggap mula sa kanya. May number ako sa kanya pero ayaw kong magtanong. Baka isipin niyang masyado akong nanghihimasok sa personal niyang buhay.Habang kumakain ng agahan pagsisilbihan pa sana ako ni Joan pero hindi ako pumayag.Dinala ko ang aking plato sa dirty kitchen at nakikipagkw

    Last Updated : 2020-08-01
  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 8

    HINDI ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi. Hindi ko rin alam kung anong oras nakauwi si Lance.Wala rin akong ideya kung saan siya nagpunta.Mahihinang katok ang aking narinig. Hindi pa ako nakakasagot binuksan na nito ang pinto at tuluyan ng pumasok."Gising na po mahal na prinsesa."Sa boses pa lang nito at ang kanyang sinabi alam kong si Cindy ito.Lumapit siya sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina doon. Tuluyan ng pumasok

    Last Updated : 2020-08-01

Latest chapter

  • CHAINED (Tagalog)   EPILOGUE

    MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 37

    Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 36

    HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 35

    PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 34

    KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 33

    DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 32

    Sobrang tahimik na ng paligid at kahit ang mga yapak ko'y dinig na dinig sa buong bahay.Parang nagising ako sa isang mahimbing na pagtulog nang mapansin ang tinatahak ko'y papunta sa kwarto ni Sab. Bago pa ako matuksong kumatok kanyang pintuan, dali-dali akong humakbang patalikod at lumayo. Gusto kong batukan ang sarili sa katahangang ginawa. Paano kung kumatok nga ako at lumabas siya? Ano ang magiging rason ko kung bakit inistorbo ko siya ng ganoong oras?Tinuloy ko ang balak na kausapin si Gov kinabukasan.Paglabas ko pa lang ng aking sasakyan, pinagtitinginan na ako ng mga tao, empleyado man o hindi."Good morning, Sir. What can I do for you?" pagpapa-cut

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 31

    MADILIM pa pero nakapagbihis na ako at nakasampa na sa kabayo. Ini-abot sa akin ni Owen ang shot gun na madalas ginagamit sa pangangaso. Ito ang madalas na libangan namin ni Raf, lalo na kapag umuuwi kami sa bahay ni Tita Ade sa Colorado.Pero ngayong umaga iba ang babarilin ko kapag nagkamali siyang magpakita sa palaisdaan.Maambon ang paligid pero kita ang pal

  • CHAINED (Tagalog)   Chapter 30

    "Since I was a kid. But I'm improving now, iyon ang sabi niya. Kaya dalawang beses na lang kaming nagkikita sa isang buwan," paliwanag ko."Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Tuluyan ng tumaas ang kanyang boses."Bakit pa? It's not important. Wala namang kinalaman sa relasyon natin ang pagpunta ko sa kanya." Sinubukan kong habaan ang pasensiya."Mayroon! Kasi hindi mo sinabi sa akin na baliw ka!""Baliw? I

DMCA.com Protection Status