ANG inaasahan ni Raquel, maiinsulto si Zeus sa sinabi niya. Sa halip ay humalakhak ito. “Nice sense of humor, Raquel,” bulong nito sa kanya. And then, pinagala nito sa kabuuan niya ang mga mata na parang sinasabing kabisado nito ang bawat detalye ng katawan niya. “Not everyone is worthy of a red dress. You're provoking me with that red dress of yours, can't wait to take it off.” Hindi niya na kailangan humarap pa sa salamin para malaman na namula siya sa sinabi nito. Pinanatili niya ang paningin sa guwapong mukha nito. “Bagay sana sa ‘yo ang suot mong tuxedo kung hindi ka lang sana bas–” “I look better without my clothes on,” mabilis nitong sabi sa tinig na nang-aakit. Umangat ang gilid ng labi nito at makahulugang tinitigan siya sa mga mata. Parang tubig na dumaloy sa kamalayan niya ang hubad nitong katawan. Mabilis niyang inilayo ang katawan dito na parang napaso. “Ibalik mo na ako kay Arthur. Tiyak na kanina niya pa ako hinihintay.” “The perfect fiancé
MASAKIT na ang mga paa ni Raquel at malamang nagpapaltos na sa suot niyang four-inch pumps habang panay ang lakad sa paligid ng hotel. Si Arthur, mula nang ipaubaya siya sa mga kamay ng kuya nito ay hindi na siya naalala. Para sa kanila ang party na dinadaos ngayon sa hotel. They should be together. He was supposed to be her dance partner after dinner, but she never saw Arthur again after she saw him with another girl in the pool area. “Naliligaw ka ba, miss?” tanong sa kanya ng isang lalaking nakasabay niya sa pagpasok ng elevator. Ibinuka niya ang bibig pero walang namutawing salita. Napasandal siya sa elevator. She's drunk. She wants to sleep. Before they left the hacienda, Arthur gave her a card. That will be her hotel suite. “Hey, what’s going on?” a deep male voice said, then held her arms. Narinig niyang nag-usap ang dalawang lalaki. “Did you know her?” “She’s my fiancé.” “Arthur?” sambit niya. Nag-angat siya ng mukha at pinakatit
PAGKATAPOS magbihis ay dinampot ni Raquel ang kanyang sandals. Hindi na siya nag-abalang isuot ‘yon. “Pwede bang mag-usap muna tayo?” Hinawakan siya sa kamay ni Zeus upang pigilan siyang lumabas ng hotel suite. “Wala na tayong dapat pag-usapan,” singhal niya sabay palis sa kamay nito. “Malinaw na sa ‘kin na isa kang manloloko!” “Give me a chance to explain.” Galit na hinarap niya ito. “Explain?” sarkastikong sabi niya. “Itong nangyari sa atin ngayon, kaya mo bang ipaliwanag kay Arthur?” Hindi ito nakaimik. Tila napapasong binitiwan siya nito. “See?” sa pagpapatuloy niya. “Wala kang maisagot ‘di ba?” Nabaling ang tingin niya sa kama. Agad niyang napansin ang isang bagay na kumikinang. Ang isang pares ng hikaw niya. Tinalikuran niya ito upang damputin iyon. “Pag-usapan natin ang tungkol sa ating dalawa, Raquel.” “There was never an us!” Padabog na binuksan niya ang pinto at lumabas ng suite nito. Habang naglalakad ay isinuot niy
PAGKATAPOS dalawin sa ospital ang kapatid ay dumiretso sa Baguio si Raquel. Ayon kay Arthur ay nasa bahay nito ang wedding gown na isusuot niya ‘pag sumapit na ang takdang araw ng kanilang kasal. Tanghali siya dumating sa kanyang destinasyon. “Ma’am, nakahanda na po ang hapag,” pabatid sa kanya ng isang kasambahay. Kanina pa siya nakaupo sa sofa at tinititigan lang ang kahon kung saan nakalagay ang kanyang wedding gown. Alam niyang maganda ang disenyo niyon kahit hindi usisain. “Mauna na kayong kumain,” wika niyang walang emosyon. “Eh, ma’am. . .” Napakamot sa batok nito ang kasambahay. Tumayo siya at dinampot ang kahon. Dadalhin niya iyon sa guest room. “Bakit?” “Galing ho kayo sa biyahe, tiyak na gutom kayo. Gusto niyo bang dalhan ko kayo ng makakain sa iyong silid?” “Huwag mo na akong intindihin,” aniya. “Busog pa naman ako, e. Papanaog na lang ako mamaya para kumain. Sige, papanhik muna ako sa aking silid.” “Tawagan n’yo na lamang ako s
LUHAAN ang mga matang nakipagtitigan si Raquel kay Zeus. Tumaas ang sulok ng labi niya. “Alam kong inaasahan mong aatras ako sa magiging kasal namin ng kapatid mo. Ang totoo, wala kang pakialam kung ano man ang maging desisyon ko.” Tinalikuran niya ito. “H-hindi ko na alam ang gagawin ko.” “Malinaw na sagot mula sa iyong bibig ang nais kong marinig, Raquel!” narinig niyang pasigaw nitong sabi habang naglalakad siya palayo. “Ayokong magpakasal ka sa kanya.” Tumigil siya sa paglalakad at galit na hinarap ito. Nais pa ring ipagpatuloy ni Zeus ang plano na ‘wag matuloy ang kasal nila ni Arthur. Iyon lang ang iniisip niyang dahilan kung kaya ginugulo siya nito. “Kami lang ni Arthur ang pwedeng magdesisyon.” “Huwag kang magpakasal sa kanya!” Dumagundong ang boses nito na tila tigreng galit. “I’ll do you a favor. I'll give you a chance to tell Arthur the truth. O kahit dagdagan mo pa ang istorya. Paint me black, I don’t care. Tiyakin mo lang na tuluyan mo akong
NAMATAAN agad ni Zeus ang dalaga, who looked so good in her casual clothes. Si Raquel lang yata ang tanging babae na mukhang rarampa kahit na ordinaryong denim jeans at black knitted sweater lang ang suot. Napabuntong-hininga siya; muli na naman siyang nagiging aware sa presence nito. Napakalapad ng ngiti niya nang makita na papalapit ito. Tila lumukso naman ang puso niya nang ngumiti ito. Kahit ang ngiting iyon ay hindi naman para sa kanya, kundi para sa isang nurse na nakasalubong nito. Naroon kasi siya sa labas ng private room ng kapatid upang bigyan ito ng privacy habang kausap ang personal assistance nito. Speaking of them; pagsilip niya sa loob ng silid ay masayang nagtatawanan ang dalawa. Para bang hindi galing sa aksidente ang mga ito. “She’s coming,” simpleng babala niya sa kapatid. “Who?” “Your fiancé.” Mangani-nganing batukan niya ang kapatid. “Hindi na ako magtatagal,” narinig niyang paalam ng babae kay Arthur habang inaabot ang orange f
NAALIMPUNGATAN si Raquel nang marinig ang tunog ng alarm clock na nakapatong sa night table. Gusto niyang dumilat subalit namimigat ang talukap ng mga mata niya. Na tila ang simpleng pagdilat ay hindi magawa dahil sa labis na pagod na nararamdaman. Kinapa niya ang alarm clock at tinanggalan ito ng baterya. Inabot niya ang body pillow, niyakap ito nang mahigpit. “Argh. . .” impit siyang napaungol. Sinapo niya ang sikmura dahil pakiramdam niya’y hinahalukay ito. Napilitan siyang bumangon, hindi na nag-abalang isuot ang tsinelas dahil carpeted naman ang sahig. Napakapit siya sa bathroom sink nang makaramdam ng pagkaliyo. Ilang sandali pa ay sumuka siya. What's happening to me? Ilang minuto ring sumuka si Raquel. Tila lantang gulay na humarap siya sa salamin. Pagkatapos maghilamos ay bumalik siya sa higaan upang muling matulog. “Raquel, tanghali na. Male-late na kayo sa lakad niyo ni Arthur,” anang boses ng isang babae at bahagya siyang niyugyog sa balik
NAKUMPIRMA na ang hinala ni Raquel. She was pregnant. Magkaanak na sila ni Zeus. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang sabihin ng doktor na magiging ina na siya. She would have been glad if she hadn't discovered Zeus' deception. He is a deceiver. Paano niya sasabihin sa lalaking pakakasalan niya na buntis siya sa kapatid nito? Paano naman ang kanyang anak? Masasabi ba niya kay Zeus na magkakaanak na sila? May posibilidad na itanggi nito ang bata. Ang plano ng lalaki ay sirain siya. Gagawin nito ang lahat para lalo siyang saktan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin inaamin ni Zeus sa kapatid ang namagitan sa kanila. Anong gagawin niya? Tila lumilipad ang utak ni Raquel nang lumabas sa private clinic ni Doktora Santiago. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago sumakay sa kotse. Kailangan nang makausap niya si Arthur. Ayaw na niyang madagdagan pa ang mga kasalanan dito.NAKANGITING pumasok si Arthur sa kwarto ni Raquel. “Hi, Dianna said, yo
MAGKAHALONG nerbiyos, excitement at tuwa ang nararamdaman ni Raquel habang sakay sila ng bridal car ng kanyang inay. Bago ang kasal ay nag-hire si Zeus ng private detective para hanapin sa Davao ang kanyang inay. Wala pang isang buwan ay nakatanggap sila ng balita. Ang galit at sama ng loob niya para sa ina ay parang yelong nalusaw nang malaman ang mapait na dinanas nito sa piling ng bagong asawa. Sinasaktan at ginugutom ni Ricardo Alvarez ang kanyang inay. Nagkaroon ng anak na babae ang dalawa, edad isang taon at dalawang buwan. Nang malaman niyang binenta ng lalaki ang kapatid niya sa halagang bente mil, halos magwala siya sa galit. Naghain sila ng reklamo laban kay Ricardo Alvarez. Nakapiit ito pansamantala sa Davao Provincial Jail habang patuloy pa ring dinidinig ang kaso. Sa tulong ni Zeus ay nahanap nila ang mag-asawang bumili sa kapatid niya. Nang una ay ayaw pang ibalik sa kanila ang bata, ngunit sa takot na makulong ang mga ito ay napilitan na ibalik s
PAGKAGALING sa simbahan ay sakay na siya ng kotse ni Zeus. “Sweetheart, wake up.” Mainit na labi ni Zeus na dumampi sa kanyang labi ang nagpagising sa kanya. Nakangiti ang kanyang mga mata nang titigan ang lalaking minamahal. Hindi niya akalaing nakaidlip pala siya sa biyahe. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad niya rito. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng halik sa labi. Malalim. Mapusok. Madiin. May pag-ibig. Kusang pumikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa sensasyong hatid ng mga halik ni Zeus. Nang imulat niya ang mga mata ay may napansin siyang kakaiba sa paligid. Kahit tented ang salamin ng sasakyan ay malinaw naman niyang nakikita ang ilang puno ng niyog sa labas. “Nasaan tayo?” nababaghang tanong niya. Patuloy sa paghalik sa kanya si Zeus. Suot pa rin niya ang wedding gown. Pinanggigilan nito ang kanyang leeg pababa sa nakalitaw niyang cleavage. Muli niya itong tinanong pero umungol lang. Na
LUMUWAG ang yakap sa kanya ni Zeus. Dahan-dahang nilingon nito ang kapatid. Napalunok si Arthur na parang nahihirapan magsalita. “Ayokong bigyan ka ng sama ng loob, Kuya. At kahit kailan ay hindi ko ginustong saktan ka. Kaya naman hindi na ako magpapakasal kay Raquel.” Gulat na napatingin siya kay Arthur. “Ano bang sinasabi mo?” “Isa ba itong kalokohan, Arthur?” tanong din ni Zeus. Lumapit sa kanya si Arthur. “Raquel, ‘wag mo akong piliin dahil lang sa utang na loob. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them the wedding is off.” Napanganga siya sa pagkabigla. “Wala akong planong anihin ang galit mo at magdusa ka habambuhay, Kuya. Kaya ibinabalik ko na sa ‘yo ang babaeng minamahal mo,” paliwanag nito nang balingan si Zeus. “I didn't consider you a competitor. I don't want you to consider me an enemy either. Gusto ko lang ay maramdaman na mayroon akong kapatid.” “Arthur. . .” mahinang sambit ni Zeus subalit nanatiling nakatitig sa kapatid.
“OKAY ka lang ba, Miss Raquel? Gusto mong lakasan pa natin ang aircon?” tanong ng baklang makeup artist habang inaayusan ang bride sa loob ng kanyang silid. Kaibigan ito ni Levi na siya namang designer ng gown na isusuot niya. “Yes, please,” sabi niya na sandaling tumingin dito. Nararamdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Lumapit sa kanya si Levi at sinilip ang repleksyon niya sa harap ng salamin. Kumuha ito ng tissue at maingat na pinahid ang pawisan niyang noo. “Raquel, try not to get too nervous. Pinagpapawisan ka, baka masisira ang makeup mo.” “S-sorry, hindi ko talaga mapigilan.” Pinilit niyang i-practice iyong visualization technique na natutunan sa isang libro noong nakaraang gabi sa kagustuhan na makalimot sa mga unnecessary thoughts ukol kay Zeus. Nang mga nakaraang gabi ay ginawa niyang isantabi ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan dito at nag-focus lamang sa magiging kasal nila ni Arthur. She thought she had been successful in doi
MARAHAS na pinahid ni Raquel ang luha sa mga mata. Taas-noo na tumingin siya sa mukha si Zeus. “Natatakot ako para sa anak ko kapag pinili kita. Ayokong maging malamig siyang tao tulad ng kanyang ama. Ayokong mamulat siya sa buhay kung saan pera lang ang sinasamba.” Nagyuko ng ulo si Zeus habang nakakuyom ang palad. “I’m sorry, Zeus. Hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa iyo, kahit gumamit ka pa ng salapi at ikulong ako sa lugar na ‘to.” Naisubsob niya ang mukha sa palad at nagpatuloy sa pagluha. Mahal niya pa rin si Zeus kahit ilang beses niya pa itong tanggihan. Handa siyang baliin ang pangako kay Arthur na hindi niya ito bibigyan ng kahihiyan kahit kailan. Na hindi na niya uulitin pa ang pagkakamali. Ngunit pinili na niya si Arthur. Wala nang pag-asa si Zeus. Dapat malaman nito na hindi lahat ng tao ay nabibili ng salapi. Hindi lahat ng babae ay interesado sa yaman nito. “You won,” anito sa malamig na boses. Kasing lamig ng mga mata nitong nakat
BUMUKA ang bibig ni Raquel pero hindi nagawang sagutin ang tanong ni Zeus. Oo at hindi lang naman ang pwedeng isagot niya pero parang hirap siyang bigkasin kahit ang isa sa mga 'yon. Tinalikuran niya ito. Walang lingon-likod na tinungo niya ang pinto at lumabas ng silid na 'yon. “Sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mo akong pakasalan!” Hindi niya namalayan na sinundan siya ni Zeus. Hinaklit nito ang braso niya dahilan para lingunin ito. “Sabihin mo muna sa akin kung bakit gusto mo akong pakasalan,” balik niya sa tanong nito. “I was the first. You should answer first,” giit nito. Nag-isang guhit ang mga kilay nito at lalong dumilim ang anyo. Tumaas ang sulok ng labi niya. Sarkatikong nginitian ito. “Ayokong magpakasal sa ‘yo dahil wala ka naman matinong rason para pakasalan ako.” “Hindi pa ba rason na magkakaroon na tayo ng anak?” Nasaktan siya nang dumiin ang mga daliri nito sa braso niya pero hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang bigyan ng dahilan
HUMUPA na ang kanina lang ay nagniningas na apoy sa kanilang katawan. At ngayon naman ay kailangan nilang harapin ang reyalidad. Bumangon mula sa kama si Raquel. Walang namutawing salita sa bibig niya habang isa-isang dinampot ang mga kasuotan na nasa sahig. Nagbihis siya sa harap ni Zeus na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama. Natitiyak niyang nag-aalala na sa kanya si Arthur. Baka nag-report na ito sa pulisya para ipahanap siya. Kailangang makaalis na siya sa lugar na ‘yon. Ayaw niyang magdulot pa ng malaking gulo. Hindi na siya nag-abalang suklayin ang kanyang buhok. Dinampot niya ang kanyang shoulder bag na nasa ibabaw ng tokador. Tinangka niyang buksan ang pinto subalit naging maagap si Zeus at agad na humarang sa harap niya. “Ano pa ba ang kailangan mo sa ‘kin, ha? Napagbigyan na natin ang isa’t isa!” Tukoy niya sa mainit na naganap sa kanila kanina lang sa silid na ‘yon. “Mag-usap muna tayo.” “Wala na tayong dapat pag-usapan.” Tinabig niya ang
ANG mabangong aroma ng kape ang nagpagising kay Raquel. “Good morning, sleepyhead.” “Good morning–” Hindi natuloy ang sasabihin niya. Boses ni Zeus ang kanyang narinig. Tuluyang nagising ang diwa niya nang may humalik sa labi niya. Noong una ay naisip niyang nananaginip pa rin siya. Kinurot niya ang sarili at nasaktan siya. Nang imulat niya ang mga mata ay sinalubong ng liwanag ang kanyang paningin. Ikinurap niya ang mga mata at nang masanay siya sa liwanag ay nakita niya si Zeus na nakangiti habang pinagmamasdan siya. Nasundan pa ng tingin niya ang hawak na tasa nito na inilapag sa bedside table. Napabalikwas siya ng bangon. Iginala niya ang paningin sa paligid. Simple lang ang kinaroroonan nilang silid. Ngunit napakaaliwas dahil sa kulay puting mga kurtina at kagamitan. Akmang bababa siya ng kama nang matigilan. Agad niyang nasapo ang magkabilang sintido dahil nakadama siya ng pagkahilo. Saka unti-unting bumalik sa alaala niya ang magandang panagin
INULIT ni Mark ang tanong. “Ikaw, Ate? Excited ka rin ba sa kasal mo?” Natigilan si Raquel sa tanong na ‘yon ng kapatid. Umiwas siya ng tingin dito. “Bakit mo naman naitanong ‘yan? Hindi ba ako mukhang excited?” Kunwari ay abala siya sa pag-aayos ng mga prutas sa basket. “Ewan ko. Wala kasi akong makitang kislap sa ‘yong mga mata. Habang narito ako sa ospital ay nanonood ako ng mga movie at kagabi lang ay napanood ko ang ‘Marry Me Or I Will Marry You’. Nakita ko sa mukha ng mga ikakasal ang kinang at excitement sa kanilang mga mata. At iyon ang hindi ko makita sa mga mata mo, Ate.” “Kay bata-bata mo pa para manood sa mga ganoong bagay.” Pilit siyang ngumiti upang itago ang katotohanan mula sa mga mata nito. Tama nga ang kanyang kapatid, hindi siya tulad ng ibang babaeng ikakasal na nasasabik na maikasal. Dahil mahal nito ang lalaking pakakasalan. Wala siyang nakikitang hindi kaibig-ibig kay Arthur. Wala siyang mairereklamo rito. Ngunit wala siyang nararamdaman para