Share

Kabanata 33

Author: corasv
last update Huling Na-update: 2022-11-15 04:37:32
NAMATAAN agad ni Zeus ang dalaga, who looked so good in her casual clothes. Si Raquel lang yata ang tanging babae na mukhang rarampa kahit na ordinaryong denim jeans at black knitted sweater lang ang suot.

Napabuntong-hininga siya; muli na naman siyang nagiging aware sa presence nito. Napakalapad ng ngiti niya nang makita na papalapit ito. Tila lumukso naman ang puso niya nang ngumiti ito. Kahit ang ngiting iyon ay hindi naman para sa kanya, kundi para sa isang nurse na nakasalubong nito.

Naroon kasi siya sa labas ng private room ng kapatid upang bigyan ito ng privacy habang kausap ang personal assistance nito.

Speaking of them; pagsilip niya sa loob ng silid ay masayang nagtatawanan ang dalawa. Para bang hindi galing sa aksidente ang mga ito.

“She’s coming,” simpleng babala niya sa kapatid.

“Who?”

“Your fiancé.” Mangani-nganing batukan niya ang kapatid.

“Hindi na ako magtatagal,” narinig niyang paalam ng babae kay Arthur habang inaabot ang orange f
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ashley ا
I'm so sooo inlove.. Grabe ang thrill ng forbidden love
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • You're The One I Love   Kabanata 34

    NAALIMPUNGATAN si Raquel nang marinig ang tunog ng alarm clock na nakapatong sa night table. Gusto niyang dumilat subalit namimigat ang talukap ng mga mata niya. Na tila ang simpleng pagdilat ay hindi magawa dahil sa labis na pagod na nararamdaman. Kinapa niya ang alarm clock at tinanggalan ito ng baterya. Inabot niya ang body pillow, niyakap ito nang mahigpit. “Argh. . .” impit siyang napaungol. Sinapo niya ang sikmura dahil pakiramdam niya’y hinahalukay ito. Napilitan siyang bumangon, hindi na nag-abalang isuot ang tsinelas dahil carpeted naman ang sahig. Napakapit siya sa bathroom sink nang makaramdam ng pagkaliyo. Ilang sandali pa ay sumuka siya. What's happening to me? Ilang minuto ring sumuka si Raquel. Tila lantang gulay na humarap siya sa salamin. Pagkatapos maghilamos ay bumalik siya sa higaan upang muling matulog. “Raquel, tanghali na. Male-late na kayo sa lakad niyo ni Arthur,” anang boses ng isang babae at bahagya siyang niyugyog sa balik

    Huling Na-update : 2022-11-16
  • You're The One I Love   Kabanata 35

    NAKUMPIRMA na ang hinala ni Raquel. She was pregnant. Magkaanak na sila ni Zeus. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang sabihin ng doktor na magiging ina na siya. She would have been glad if she hadn't discovered Zeus' deception. He is a deceiver. Paano niya sasabihin sa lalaking pakakasalan niya na buntis siya sa kapatid nito? Paano naman ang kanyang anak? Masasabi ba niya kay Zeus na magkakaanak na sila? May posibilidad na itanggi nito ang bata. Ang plano ng lalaki ay sirain siya. Gagawin nito ang lahat para lalo siyang saktan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin inaamin ni Zeus sa kapatid ang namagitan sa kanila. Anong gagawin niya? Tila lumilipad ang utak ni Raquel nang lumabas sa private clinic ni Doktora Santiago. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago sumakay sa kotse. Kailangan nang makausap niya si Arthur. Ayaw na niyang madagdagan pa ang mga kasalanan dito.NAKANGITING pumasok si Arthur sa kwarto ni Raquel. “Hi, Dianna said, yo

    Huling Na-update : 2022-11-18
  • You're The One I Love   Kabanata 36

    NAGTAGIS ang mga bagang ni Arthur habang mariing nakakuyom ang palad. “He’s crazy! Mas masahol pa siya sa inaakala ko. Pati ikaw ay hindi nakaligtas sa kalokohan niya. Makikita niyang hinahanap niya!” namumula sa galit ang mukhang sabi ng binata. Marahas itong tumayo. Parang susugod sa giyera na tinungo ang pinto. Tumayo rin si Raquel at hinabol ito. “Arthur, anong gagawin mo? Saan ka pupunta?” “Kay Kuya Zeus. Paghihiganti kita sa panlolokong ginawa niya sa ‘yo! Ako lang ang dapat na pinaparusahan niya at hindi ikaw. Sa lahat ng ginawa niya, ito ang hindi ko mapapalagpas!” Humarang siya sa pinto upang pigilan itong makalabas. “Huwag ka nang umalis, please. . .” pakiusap niya. “Ayokong magkasakitan kayong dalawa. Kung gusto mong makausap si Zeus, ikalma mo muna ang iyong sarili.” Hinawakan niya sa braso si Arthur. Hindi niya maatim na magkasakitan ang dalawa dahil sa kanya. Sa nakikita niyang galit sa mukha ni Arthur, hindi ligtas dito ang pumunta kahit sa

    Huling Na-update : 2022-11-19
  • You're The One I Love   Kabanata 37

    NAPILITAN mag-overtime sa trabaho si Zeus sa opisina. Kahit hindi trabaho ay pinakialaman na niya upang malibang siya. Pero sa kabila ng tambak na trabaho ay ang tigress na si Raquel pa rin ang laman ng kanyang isip. Dahilan para uminit ang ulo niya sa trabaho. He's not used to being like that. He's not used to thinking about women knowing that he can have anyone he wants at any time. Pero kakaiba si Raquel. Alam niyang dapat ay tigilan na niya ito, dahil nasisiguro niyang mas malaking komplikasyon ang maidudulot ng dalaga sa kanya sa oras na ilapit niya nang tuluyan ang sarili rito. Ngayon pa nga lang ay nagkakaganoon na siya at halos hindi na niya makilala at maunawaan ang sarili. There was no one and nothing that he couldn't handle before . . . until that lady tigress came. Ilang ulit na niyang muntik ikahiya ang sarili dahil sa mga pangungulit niyang makausap ito. And for the record; in his whole life, he only did that now and for the woman who was ready to marry

    Huling Na-update : 2022-11-20
  • You're The One I Love   Kabanata 38

    “Bakit nga pala napasugod kayo rito sa kwarto ko?” baling ni Raquel kay Levi. Tinalikuran niya si Arthur. “Dinalaw lang kita. At saka na tsismis sa ‘kin ni Sir Arthur may ibibigay raw siya sa ‘yo. Gusto niyang makita ko para malaman kung bagay ba sa wedding gown mo.” Nalipat ang tingin niya kay Arthur. Nakangiting lumapit ito sa kanya. May inilabas itong alahas. Nagulat siya pero sandali lang. Samantalang si Levi naman ay hindi maiwasang mamangha sa kumikinang na bagay na ‘yon. Narinig pa nga niya ang pagsinghap nito sabay sambit ng ‘wow!’. “Sa wakas ay may magsusuot na rin nito.” Tukoy ni Arthur sa kwintas. Napamaang siya. “Bakit, kanino ba ‘yan?” tanong niya rito. “Kay Mama,” nakangiting sabi nito. Pinatalikod siya para maisuot sa kanya ang kwintas. “Family heirloom ito kaya ingatan mo, Raquel. At kapag babae ang naging anak mo–natin, siya naman ang magmamana at magsusuot nito. Na ipamamana naman niya sa magiging anak niya.” Napakurap

    Huling Na-update : 2022-11-21
  • You're The One I Love   Kabanata 39

    NAGPUPUYOS ang kalooban ni Raquel habang nakatayo sa balkonahe. Mula roon ay kitang-kita niya ang ngiti ni Zeus habang nakikipag-usap kay Czarina. Nakita niyang tumingin sa kanya si Zeus. Animo’y pinagseselos siya. Tila ipinagmamalaki ng ngiti nito na may isang magandang babae ang nagpakita agad ng interest dito. Humugot siya ng isang malalim na hininga. Kaya nga siya naroon sa balkonahe upang ikalma ang sarili. Nais niyang alisin ang inis na nadarama sa mga sandaling ‘yon. Tumingala siya at pinagmasdan ang mga bituin sa langit. “Stargazing, Raquel?” anang boses sa likuran niya. Napigil niya ang paghinga. Hindi na niya kailangan lingunin kung sino ang pangahas na nanggulo sa kanyang pag-iisa. Unang pumasok sa isip niya ay umalis. Ngunit nanatili siya sa kinatatayuan. Hindi siya dapat na umalis. Hindi pa natatapos ang pakikipaglaro ni Zeus. Kapag tumakbo siya palayo rito, ibig sabihin ay sumusuko siya. “Anong kailangan mo, Zeus?” Nanatiling nakatuon

    Huling Na-update : 2022-11-22
  • You're The One I Love   Kabanata 40

    PINAGLABANAN ni Raquel na muling bumigay sa tukso. Matapos ipunin ang lahat ng tapang at katinuan ay tinulak niya si Zeus palayo sa kanya. Pinalis niya ang kamay nito nang hawakan siya sa braso. “Anong nangyayari sa ‘yo, Raquel? Sa totoo lang hindi ito ang inaasahan ko para sa ‘ting dalawa.” “Hangal ka, Zeus!” sikmat niya rito. “Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko nang unang beses tayong mag-usap? Na kung gusto kong pakasalan si Arthur ay hindi mo ako mapipigilan.” Napasinghap siya nang mabilis nitong hinaklit ang braso niya at hinila siya palapit. Puno ng pagkamuhi ang mga mata nito nang titigan siya. “Huwag kang pakasiguro, Raquel. Masasaktan ka lang kapag ipinagpatuloy mo ang iyong kahibangan!” “Titiyakin ko sa’yo na hindi ako masasaktan. Kay Arthur, sigurado akong maiingatan ang puso ko.” Sandali itong natahimik. Sumimsim ito ng alak at muling nagsalita. “Pakakasalan mo pa rin ba ang kapatid ko oras na malaman mong may iba siyang mahal?” Napakura

    Huling Na-update : 2022-11-25
  • You're The One I Love   Kabanata 41

    INULIT ni Mark ang tanong. “Ikaw, Ate? Excited ka rin ba sa kasal mo?” Natigilan si Raquel sa tanong na ‘yon ng kapatid. Umiwas siya ng tingin dito. “Bakit mo naman naitanong ‘yan? Hindi ba ako mukhang excited?” Kunwari ay abala siya sa pag-aayos ng mga prutas sa basket. “Ewan ko. Wala kasi akong makitang kislap sa ‘yong mga mata. Habang narito ako sa ospital ay nanonood ako ng mga movie at kagabi lang ay napanood ko ang ‘Marry Me Or I Will Marry You’. Nakita ko sa mukha ng mga ikakasal ang kinang at excitement sa kanilang mga mata. At iyon ang hindi ko makita sa mga mata mo, Ate.” “Kay bata-bata mo pa para manood sa mga ganoong bagay.” Pilit siyang ngumiti upang itago ang katotohanan mula sa mga mata nito. Tama nga ang kanyang kapatid, hindi siya tulad ng ibang babaeng ikakasal na nasasabik na maikasal. Dahil mahal nito ang lalaking pakakasalan. Wala siyang nakikitang hindi kaibig-ibig kay Arthur. Wala siyang mairereklamo rito. Ngunit wala siyang nararamdaman para

    Huling Na-update : 2022-11-26

Pinakabagong kabanata

  • You're The One I Love   Wakas

    MAGKAHALONG nerbiyos, excitement at tuwa ang nararamdaman ni Raquel habang sakay sila ng bridal car ng kanyang inay. Bago ang kasal ay nag-hire si Zeus ng private detective para hanapin sa Davao ang kanyang inay. Wala pang isang buwan ay nakatanggap sila ng balita. Ang galit at sama ng loob niya para sa ina ay parang yelong nalusaw nang malaman ang mapait na dinanas nito sa piling ng bagong asawa. Sinasaktan at ginugutom ni Ricardo Alvarez ang kanyang inay. Nagkaroon ng anak na babae ang dalawa, edad isang taon at dalawang buwan. Nang malaman niyang binenta ng lalaki ang kapatid niya sa halagang bente mil, halos magwala siya sa galit. Naghain sila ng reklamo laban kay Ricardo Alvarez. Nakapiit ito pansamantala sa Davao Provincial Jail habang patuloy pa ring dinidinig ang kaso. Sa tulong ni Zeus ay nahanap nila ang mag-asawang bumili sa kapatid niya. Nang una ay ayaw pang ibalik sa kanila ang bata, ngunit sa takot na makulong ang mga ito ay napilitan na ibalik s

  • You're The One I Love   Kabanata 48 – The Proposal

    PAGKAGALING sa simbahan ay sakay na siya ng kotse ni Zeus. “Sweetheart, wake up.” Mainit na labi ni Zeus na dumampi sa kanyang labi ang nagpagising sa kanya. Nakangiti ang kanyang mga mata nang titigan ang lalaking minamahal. Hindi niya akalaing nakaidlip pala siya sa biyahe. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad niya rito. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng halik sa labi. Malalim. Mapusok. Madiin. May pag-ibig. Kusang pumikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa sensasyong hatid ng mga halik ni Zeus. Nang imulat niya ang mga mata ay may napansin siyang kakaiba sa paligid. Kahit tented ang salamin ng sasakyan ay malinaw naman niyang nakikita ang ilang puno ng niyog sa labas. “Nasaan tayo?” nababaghang tanong niya. Patuloy sa paghalik sa kanya si Zeus. Suot pa rin niya ang wedding gown. Pinanggigilan nito ang kanyang leeg pababa sa nakalitaw niyang cleavage. Muli niya itong tinanong pero umungol lang. Na

  • You're The One I Love   Kabanata 47

    LUMUWAG ang yakap sa kanya ni Zeus. Dahan-dahang nilingon nito ang kapatid. Napalunok si Arthur na parang nahihirapan magsalita. “Ayokong bigyan ka ng sama ng loob, Kuya. At kahit kailan ay hindi ko ginustong saktan ka. Kaya naman hindi na ako magpapakasal kay Raquel.” Gulat na napatingin siya kay Arthur. “Ano bang sinasabi mo?” “Isa ba itong kalokohan, Arthur?” tanong din ni Zeus. Lumapit sa kanya si Arthur. “Raquel, ‘wag mo akong piliin dahil lang sa utang na loob. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them the wedding is off.” Napanganga siya sa pagkabigla. “Wala akong planong anihin ang galit mo at magdusa ka habambuhay, Kuya. Kaya ibinabalik ko na sa ‘yo ang babaeng minamahal mo,” paliwanag nito nang balingan si Zeus. “I didn't consider you a competitor. I don't want you to consider me an enemy either. Gusto ko lang ay maramdaman na mayroon akong kapatid.” “Arthur. . .” mahinang sambit ni Zeus subalit nanatiling nakatitig sa kapatid.

  • You're The One I Love   Kabanata 46

    “OKAY ka lang ba, Miss Raquel? Gusto mong lakasan pa natin ang aircon?” tanong ng baklang makeup artist habang inaayusan ang bride sa loob ng kanyang silid. Kaibigan ito ni Levi na siya namang designer ng gown na isusuot niya. “Yes, please,” sabi niya na sandaling tumingin dito. Nararamdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Lumapit sa kanya si Levi at sinilip ang repleksyon niya sa harap ng salamin. Kumuha ito ng tissue at maingat na pinahid ang pawisan niyang noo. “Raquel, try not to get too nervous. Pinagpapawisan ka, baka masisira ang makeup mo.” “S-sorry, hindi ko talaga mapigilan.” Pinilit niyang i-practice iyong visualization technique na natutunan sa isang libro noong nakaraang gabi sa kagustuhan na makalimot sa mga unnecessary thoughts ukol kay Zeus. Nang mga nakaraang gabi ay ginawa niyang isantabi ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan dito at nag-focus lamang sa magiging kasal nila ni Arthur. She thought she had been successful in doi

  • You're The One I Love   Kabanata 45

    MARAHAS na pinahid ni Raquel ang luha sa mga mata. Taas-noo na tumingin siya sa mukha si Zeus. “Natatakot ako para sa anak ko kapag pinili kita. Ayokong maging malamig siyang tao tulad ng kanyang ama. Ayokong mamulat siya sa buhay kung saan pera lang ang sinasamba.” Nagyuko ng ulo si Zeus habang nakakuyom ang palad. “I’m sorry, Zeus. Hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa iyo, kahit gumamit ka pa ng salapi at ikulong ako sa lugar na ‘to.” Naisubsob niya ang mukha sa palad at nagpatuloy sa pagluha. Mahal niya pa rin si Zeus kahit ilang beses niya pa itong tanggihan. Handa siyang baliin ang pangako kay Arthur na hindi niya ito bibigyan ng kahihiyan kahit kailan. Na hindi na niya uulitin pa ang pagkakamali. Ngunit pinili na niya si Arthur. Wala nang pag-asa si Zeus. Dapat malaman nito na hindi lahat ng tao ay nabibili ng salapi. Hindi lahat ng babae ay interesado sa yaman nito. “You won,” anito sa malamig na boses. Kasing lamig ng mga mata nitong nakat

  • You're The One I Love   Kabanata 44

    BUMUKA ang bibig ni Raquel pero hindi nagawang sagutin ang tanong ni Zeus. Oo at hindi lang naman ang pwedeng isagot niya pero parang hirap siyang bigkasin kahit ang isa sa mga 'yon. Tinalikuran niya ito. Walang lingon-likod na tinungo niya ang pinto at lumabas ng silid na 'yon. “Sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mo akong pakasalan!” Hindi niya namalayan na sinundan siya ni Zeus. Hinaklit nito ang braso niya dahilan para lingunin ito. “Sabihin mo muna sa akin kung bakit gusto mo akong pakasalan,” balik niya sa tanong nito. “I was the first. You should answer first,” giit nito. Nag-isang guhit ang mga kilay nito at lalong dumilim ang anyo. Tumaas ang sulok ng labi niya. Sarkatikong nginitian ito. “Ayokong magpakasal sa ‘yo dahil wala ka naman matinong rason para pakasalan ako.” “Hindi pa ba rason na magkakaroon na tayo ng anak?” Nasaktan siya nang dumiin ang mga daliri nito sa braso niya pero hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang bigyan ng dahilan

  • You're The One I Love   Kabanata 43

    HUMUPA na ang kanina lang ay nagniningas na apoy sa kanilang katawan. At ngayon naman ay kailangan nilang harapin ang reyalidad. Bumangon mula sa kama si Raquel. Walang namutawing salita sa bibig niya habang isa-isang dinampot ang mga kasuotan na nasa sahig. Nagbihis siya sa harap ni Zeus na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama. Natitiyak niyang nag-aalala na sa kanya si Arthur. Baka nag-report na ito sa pulisya para ipahanap siya. Kailangang makaalis na siya sa lugar na ‘yon. Ayaw niyang magdulot pa ng malaking gulo. Hindi na siya nag-abalang suklayin ang kanyang buhok. Dinampot niya ang kanyang shoulder bag na nasa ibabaw ng tokador. Tinangka niyang buksan ang pinto subalit naging maagap si Zeus at agad na humarang sa harap niya. “Ano pa ba ang kailangan mo sa ‘kin, ha? Napagbigyan na natin ang isa’t isa!” Tukoy niya sa mainit na naganap sa kanila kanina lang sa silid na ‘yon. “Mag-usap muna tayo.” “Wala na tayong dapat pag-usapan.” Tinabig niya ang

  • You're The One I Love   Kabanata 42 [ R-18️ ]

    ANG mabangong aroma ng kape ang nagpagising kay Raquel. “Good morning, sleepyhead.” “Good morning–” Hindi natuloy ang sasabihin niya. Boses ni Zeus ang kanyang narinig. Tuluyang nagising ang diwa niya nang may humalik sa labi niya. Noong una ay naisip niyang nananaginip pa rin siya. Kinurot niya ang sarili at nasaktan siya. Nang imulat niya ang mga mata ay sinalubong ng liwanag ang kanyang paningin. Ikinurap niya ang mga mata at nang masanay siya sa liwanag ay nakita niya si Zeus na nakangiti habang pinagmamasdan siya. Nasundan pa ng tingin niya ang hawak na tasa nito na inilapag sa bedside table. Napabalikwas siya ng bangon. Iginala niya ang paningin sa paligid. Simple lang ang kinaroroonan nilang silid. Ngunit napakaaliwas dahil sa kulay puting mga kurtina at kagamitan. Akmang bababa siya ng kama nang matigilan. Agad niyang nasapo ang magkabilang sintido dahil nakadama siya ng pagkahilo. Saka unti-unting bumalik sa alaala niya ang magandang panagin

  • You're The One I Love   Kabanata 41

    INULIT ni Mark ang tanong. “Ikaw, Ate? Excited ka rin ba sa kasal mo?” Natigilan si Raquel sa tanong na ‘yon ng kapatid. Umiwas siya ng tingin dito. “Bakit mo naman naitanong ‘yan? Hindi ba ako mukhang excited?” Kunwari ay abala siya sa pag-aayos ng mga prutas sa basket. “Ewan ko. Wala kasi akong makitang kislap sa ‘yong mga mata. Habang narito ako sa ospital ay nanonood ako ng mga movie at kagabi lang ay napanood ko ang ‘Marry Me Or I Will Marry You’. Nakita ko sa mukha ng mga ikakasal ang kinang at excitement sa kanilang mga mata. At iyon ang hindi ko makita sa mga mata mo, Ate.” “Kay bata-bata mo pa para manood sa mga ganoong bagay.” Pilit siyang ngumiti upang itago ang katotohanan mula sa mga mata nito. Tama nga ang kanyang kapatid, hindi siya tulad ng ibang babaeng ikakasal na nasasabik na maikasal. Dahil mahal nito ang lalaking pakakasalan. Wala siyang nakikitang hindi kaibig-ibig kay Arthur. Wala siyang mairereklamo rito. Ngunit wala siyang nararamdaman para

DMCA.com Protection Status