Share

Chapter 3 : I'm a Mess

Chapter 3

Itinulak siya ni Grae at napasubsob siya sa malambot na kama na puno ng petals. Tumayo siya at inayos niya ang sarili. Napaka-bango ng loob ng kuwarto at alam niyang iyon ang dahilan ng pagbabago ng kaniyang pakiramdam. Hinanap niya ang pinanggagalinga ng scent at natagpuan niya ang isang kandilang hugis water lily. Pinatay niya ito dahil hindi lang scented ito kundi may kung anong nagpapa-increase ng libido. Wala siyang planong ibigay kay Grae ang pagkababae niya dahil kasal lang sila sa papel. Puwera nalang kung magbabago ito at hindi siya kukutyain. Ngunit muli niyang pinakatitigan si Grae na lasing na lasing. Nakapamaywang siya habang ito naman ay nakatitig sa kaniya na bahagyang ngumisi.

“Come here! Alam kong gustong-gusto mo ito! Ang sabi mo pa nga ay ako na ang pinapangarap mong lalaki at lahat ng paraan ay ginawa mo para mapangasawa ang isang tulad ko. And here you are officially married to me.” may pagyayabang sa tono nito.

Nagulat siya sa mga sinabi ni Grae dahil alam niya sa sarili niyang tinutuya lamang siya nito. Hindi siya natinag sa mga sinabi nito. Ngunit napaatras siya ng makita itong naghuhubad na hanggang tanging boxer shorts nalang ang matira.

“O Ano pa ang ginagawa mo diyan? Halika dito at pagsilbihan mo ako. Do your duty, woman!” lubos siyang nainsulto rito kaya hindi na siya nakapagpigil.

“Oo. Noong una gustong-gusto kita pero ngayon nagsisisi ako,” sigaw niya.

“Nakakatuwa, hindi ba? Unang gabi palang ng ating kasal parehas tayong diring-diri sa isat-isa,” humalakhak si Grae at dahil soundproof ang buong kuwarto ay hindi ito nag-aalalang may makarinig sa kaniya ‘ron.

Ilang sandali pa ay nag-ring ang telepono ni Grae. Hindi niya alam kung ipagpapasalamat ba niya ito dahil kita ang pagbabago ng emosyon nito. Sinundan lamang niya ito ng tingin.

“Hello, Baby!” malakas nitong sabi. Obvious na nobya nito ang kausap.

Nang marinig ito ni Yllena ay tumayo siya at pumasok sa loob ng shower dahil mas maganda pang maligo nalang siya kaysa naririnig itong nakikipaglambingan sa kabilang linya. Ganito ang ang magiging buhay niya sa poder ni Grae. Asawa lamang sa papel.

Lumabas siya sa shower room at napabuntong-hininga ng madatnang wala si Grae roon. Mukhang magisa siyang matutulog sa room na iyon at iyon naman ang gusto niya. Pinatuyo niya ang kaniyang buhok at nagpalit ng damit pantulog. 

Humiga siya sa malaking kama at ipinikit niya ang kaniyang mga mata.

Sa kaniyang pagpikit ay biglang nag-pop-up ang mukha ni Lucerys. Kaya muli niyang naidilat ang kaniyang mga mata at pinilit niyang maiwaksi ang mukha ng lalaki.

Tumagilid siya ngunit hindi parin siya makatulog kaya tumayo siya at lumabas ng room na iyon. Bitbit ang room card at telepono, nagpalakad-lakad siya sa labas hanggang makaabot siya sa maliit na garden. Walang masyadong tao ron dahil halos alas dose narin ng gabi.

Umupo siya sa isang bench at pinagmasdan ang kalangitan.

Napapikit siya at sa kaniyang pagdilat ay mayroon na siyang katabi. Nagulat siya dahil ang si Lucerys ito.

“Nasaan si Grae? Bakit hinahayaan ka niya ditong paggala-gala?” 

“Nasa nobya niya! Marriage of convenience lang ito, kuha mo?” pagsusungit niya.

“Hindi parin siya nagbabago?”

Hindi na niya nakuhang sagutin ito dahil nakaramdam siya ng hiya dahil mukhang napaka-sungit nito. At baka mali pa ang maisagot niya. 

“Here,” 

“Ano yan?”

“Beer? Bulag ka ba? O inosente?” pang-aasar nito.

Kinuha naman iyon ni Yllena dahil wala naman masama kung uminom siya ngayong gabi para makatulog siya ng maayos.

“Bakit ka nandito sa Hotel?”

“Dito ako nagcheck-in dahil bukas na bukas ay aalis ulit ako ng bansa,” kaswal na sagot ng lalaki.

“Ngayon ko lang nalaman na may kapatid si Grae. Ngayon lang kita nakita with Montblanc!”

“He is my half brother. Nakiusap si Dad na pumunta ako kaya nandito ako?”

“Ah okay.”

“Hindi kami magkasundo pero nakiusap si Dad na kahit ngayon lang ay maging civil kami sa isat-isa.”

Pinagmasdan niya ang mukha ni Lucerys at hindi siya makapaniwalang nakakakuwentuhan ang lalaking kanina lang ay in-ignore siya.

“Matagal mo na bang kilala si Grae?” tanong ni Lucerys.

“Nakikita ko lang siya sa mga event at alam mo bang naging crush ko siya. I even asked my lola na gustong-gusto ko si Grae. Hindi ko sinasadyang masira ang buhay niya dahil sa kasal na ito?” paliwanag ni Yllena.

“Talagang kahit sinong lalaki ay magagalit sa iyo. Pero ikaw dapat ang mas higit na masaya sa nangyari,” base sa tono nito ay may tama na ito marahil ay kanina pa ito umiinom.

“Siguro kung nanatili lang ako sa saya ni Lola at hindi hiniling na maging asawa ng isang Montblanc.”

“Prove to him na mahal mo siya hanggang ma-realize niyang sinuwerte siya sa iyo!”

“Really? Iyan ang advice mo sa Sister-in-law mo?”

“Iba ang mundo natin kumpara sa ibang normal. Ang mga parents natin ang nagpapasiya sa future natin. Ngayon wala ka ng magagawa kundi maging mabait kay Grae hanggang mahalin ka niya,” sabi ni Lucerys.

Halos maubos nila ang 6 na beer na dala ni Lucerys. At masasabi niyang nagkamali siya sa pagkakakilala sa kapatid ni Grae. Mas mabait ito ngunit hindi siya sigurado kapag walang ispiritu ng alak ang sistema nito. Likas siyang mahiyain ngunit dahil sa pangatlo niyang bote ay naging talkative na rin siya.

Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kaniyang telepono at mabilis niya itong sinagot. Alam niyang si Grae ito dahil sa numero nitong naka-save.

“Hello,”

Ngunit halip na sagutin ito ng kabilang linya ay kakaiba ang narinig niya mula sa mga ito. Kunot-noo niyang pinakinggan ang pag-ungol ng isang babae sa kabilang linya at mabilis itong inagaw ni Lucerys.

“Ibigay mo sa akin iyan!” sabi ni Yllena.

Sa lakas non ay tiyak rinig narin sa kabilang linya. 

“Ibibigay ko lang ito sa iyo kapag hinayaan mo akong halikan ka?” may pagka-sexy ang tono ni Lucerys.

“Halik?” pinamulahan siya ng pisngi dahil sa sinabi ni Lucerys.

Sinadya ni Lucerys na iparinig ito sa kapatid at pinatay. Iniabot kay Yllena ang telepono.

“Bakit mo ginawa ‘yon?”

“Para iparamdam sa kaniya ang ginagawa niya. Mirror Technique of Lucerys iyon… Gago ang kapatid ko but remember this kapag alam niyang sa kaniya hindi siya marunong maki-share sa iba.”

“Paano kung magalit siya sa akin?”

“Tell him parehas lang kayong napuwersa at tungkulin lang sa pamilya walang personalan!”

Tumayo si Yllena at ibinalik ang bote ng beer na halos kaunti lang ang bawas.

“Aakyat kana?”

“Kahit hindi siya umuwi at bukas na kami magkita sa bahay niya. Hindi na mahalaga. Siguro ayos na ito,” 

Bakas sa mukha ni Yllena ang pagkadismaya. Dismaya dahil palabas lang ang paghingi ng halik nito. Iniwan niya si Lucerys ‘ron at marahil ay matagal na sila ulit magkikita.

"Bakit bukas 'to?"

Nang makarating siya sa room ay dumeretso siya sa kama. Hindi siya mahilig uminom kaya mababa lang ang tolerance niya sa alak. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata ngunit ilang saglit pa ay may maiinit na kamay na humahagod sa kaniyang likuran. Dinama niya ang mainit na hininga nito sa kaniyang batok at ang yakap nitong nagbibigay init sa kaniyang katawan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status