Share

Chapter 2 : Dillemma

NAKAUPO siya sa garden habang humihigop ng orange juice ng biglang dumating si Carla. Si Carla ang isa sa pinsan niyang may labis na pagka-inggit sa kaniya. Noon pa ay ginagaya na siya nito, simula sa stilletos hanggang sa alahas na kaniyang suot. At ang kaniyang pagpapakasal kay Grae ay isa din sa labis na kinaiinggit ni Carla.

Nakapamaywang ito habang naglalakad patungo sa dalaga. Ngunit nagulat ito sa emosyon na nakita niya kay Yllena. Malungkot kasi ito.

“Couz, malapit na ang kasal mo. At isa sa pinakamayaman at pinakaguwapong lalaki sa bansa ang pakakasalan mo. Bakit naman isang bakol ang mukha mo?” may pait sa tono nito.

“Hindi ko alam, Carla. Akala ko siya na ang lalaking gusto ko pero gusto kong magsisisi ngayon palang.”

“Ito ang gusto mo. Pinamili ka ni Lola at ang sinabi mo ng paulit-ulit ay si Graeson Montblanc.”

“Gusto kong umatras ngunit hindi ko na magawa,” malungkot niyang sabi.

Inarkuhan niya ng kilay si Yllena at para itong may naisip na paraan para matulungan ang ka-kumptensyang pinsan.

“B-Bakit hindi mo kausapin si Lola at i-irekomenda mo ako. Di hamak naman na mas maganda ako sa iyo at tiyak ko naman na mag-e-enjoy sa piling ko si Grae. Boring kasi ang isang tulad mo.”

Matapos sabihin iyon ay umalis ito. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya na hindi siya ang pinili ni Elena para ipareha sa mga Montblanc.

Halukipkip siyang nakatingin sa asul na kalangitan habang nililipad ang manipis niyang floral dress. Bumalik sa kaniyang alaala ang gabing iyon kung saan ipinakita ni Grae ang totoo nitong kulay.

Napasinghap siya ng maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa kaniya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hinayaan niyang angkinin ni Grae ang kaniyang malambot na labi. Ngunit ng matapos iyon ay binitawan siya ni Grae at parang nandidiri ito kaniya. 

“Ganyan mo ba ako kagusto? Kung hindi mo naitatanong ay may nobya na ako pero dahil sa lintik na negosyo ay kailangang mag-asawa ako ayon sa kagustuhan ng aking ama. Dahil ikaw ang nais nila para sa akin ay sayo ko ipaparanas ang pait na ipakasal sa isang taong ayaw mo. I hate you! Gusto kong maikasal sa taong mahal ko.” Alam niyang nakainom na ito dahil sa amoy ng hininga nito. 

Nakayuko siya habang inaayos ang nagusot niyang dress. 

“Kahit ikasal tayo ay pumapayag akong patuloy mo paring mahalin ang babaeng iyon. Wala kang magiging problema sa akin. Nirerespeto kita,” ani niya.

“Sinabi mo iyan. Dahil hinding-hindi ka papasa sa kalingkingan ng mga babaeng palipas-oras ko. Para kang tuod humalik at mukha mo lang ang meron sa iyo, everything about you is boring!” may panunuya niyang sabi.

Makaraan niyang sabihin iyon ay tumalikod ito na parang walang nangyari. Ganiyan ka arogante ang kaniyang makakasama sa bahay at buhay.

Bumalik siya sa kasalukuyan ng bigla niyang maramdaman ang pag-agos ng kaniyang luha. 

Nakita niya ang ilang babaeng papunta sa kaniyang direksyon kasama ang kaniyang lola kaya pinahiran niya ang kaniyang luha. Hindi siya gagawa ng kung anong ikasasama ng loob ng kaniyang lola.

“This is our beautiful bride,” pakilala ni Donya Elena.

“Hello. I’m Lien De Guzman. Kami ang wedding organizer na kinuha ng mga Montblanc,” panimula ng babaeng nakapormal attire. 

Nagsimula sila sa pagkuha ng body measurements ni Yllena at ipinakita nila sa dalaga ang motif ng kasal. Ang mga Montblanc ang magpo-provide ng lahat at ang tanging gagawin lamang ng mga Guevarra ay sumang-ayon.

Nakita ni Yllena ang ngiti sa mukha ng kanyang lola at unti-unting napawi ang agam-agam ni niya dahil masaya ang pinakamamahal niyang lola. Pinilit niyang ngumiti sa mga wedding organizer at makipag-cooperate sa kailangan ng mga ito.

Nang mga oras na iyon ay ikinampante niya ang kaniyang isip. Kailangan niyang maging matatag dahil ang lola at negosyo nila ang nakataya sa kaligayahang kaniyang ipagpapalit.

“Yllena, lubos mong pinasasaya ang puso ko.”

Hindi niya naiwasang hindi maluha sa paraan ng pagkakasabi ng kaniyang mahal na lola.

“Noon pa po ay si Graeson na ang nais kong pakasalan at ibinigay ninyo po sa akin pagkakataong iyon kaya hindi ko po iyon sasayangin,”

“Sa lahat ng magpipinsan ay ikaw ang may pinaka-maliwanag na hinaharap. Ang mapabilang sa circles ng mga nasa Alta-sa-syudad ang pinapangarap ng bawat babaeng nakakasama natin sa mga pagtitipon,” malungkot na sabi ni Elena.

Napangiti ng mapait si Yllena dahil sa nais ng kaniyang lola.  “Huwag mong bitawan ang abot-kamay na pangarap ng kahit sinong babae sa mundong ginagalawan mo. Maaaring hindi ikaw ang gusto ni Graeson ngunit ikaw lamang ang makakapagpabago ‘non. Gawin mong lahat para makuha mo ang puso ni Grae.” makahulugang ngumiti ang kaniyang lola.

Alam niyang imposible ito dahil sa hina ng kaniyang loob ngunit kailangan niyang tulungan ang sarili at para magwork ang kanilang pagsasama.

“Huwag po kayo mag-alala dahil tuturuan ko ang puso niyang mahalin ang isang tulad ko. Sa kaniya unang tumibok ang puso ko at alam kong may kabutihan sa isang lalaking tulad niya,” imposible iyon at iyan ang lantad na katotohanan ngunit hindi niya nais maging malungkot ang kaniyang lola na ginawa ang lahat para maikasal lamang siya sa ninanais niyang lalaki.

“Ganyan nga dahil iyan ang posisyon ng mga babae sa pamilya natin.”

Sino ba ang niloloko niya? Paano magkakagusto ang isang lalaking mayroon ng tinitibok ang puso. At ang kasal na iyon ay dahil lamang sa kasunduan ng mga mayayamang pamilya para ma-maintain ang pangalan at kapangyarihan.

Mabilis lumipas ang mga araw at ang kasal nila ay idinaos sa malaking simbahan ng St Sebastian Church na dinaluhan ng mga kamag-anakan at mga taong kapanalig sa negosyo ng dalawang pamilya.

Sa Reception Hall habang lumalakad si Yllena ay nakabangga niya ang isang lalaking may matipunong katawan  at may hawig kay Grae.

“S-Sorry,” ani nito.

“S-Sorry din.” sagot niya.

Bigla nalang dumating si Grae at kinamayan ang lalaking kaniyang nakabangga.

“Buti nakarating ka sa kasal,” ani ni Grae na noon ay may tama na ng alak. 

“Importante parin naman sa akin ang mga ganitong okasyon.” Napakapormal nitong sabi at napatingin kay Yllena na nasa kaniya rin ang mga mata.

Nabaling lamang ang kaniyang paningin kay Grae ng hapitin nito ang baywang niya. Nakaramdam siya ng pagkadisgusto sa inasal ng lalaki.

“Yllena, I would like you to meet my older brother, Lucerys Montblanc,” pakilala ni Grae sa kaniyang kapatid.

“Nice to meet you, Lucerys,” matipid siyang ngumiti ngunit hindi manlang ito natinag para suklian ang pagngiti niya kaya binawi nalang niya.

Mas antipatiko ito kay Graeson at pinagmasdan lamang niya itong maupo kung saan. Hindi niya lubos malaman kung bakit ganoon ang pakiramdam niya kay Lucerys na ngayon lamang niya nakita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status