Home / Romance / Yllena's Love Child / Chapter 1 : Wallflower's Dream

Share

Yllena's Love Child
Yllena's Love Child
Author: Lexie Onibas

Chapter 1 : Wallflower's Dream

Author: Lexie Onibas
last update Last Updated: 2024-07-23 15:48:54

“Donya Guevarra, The Montblanc are here!” anunsyo ng matandang butler.

Napabuga ng hangin si Yllena nang marinig ang anunsyo ng butler. Hindi niya napigilan ang kaniyang excitement dahil makikita niya ulit ang kaniyang ultimate crush na si Graeson Montblanc. Anak ito ni Sesgundo sa ikalawang asawa at taga-pagmana ng Montblanc Corporation. Samantalang siya naman ay  apo ni Donya Elena Guevarra, isa sila sa mga kasosyo ng mga ito. Pinangako ng kaniyang lola na kahit anong mangyari ay ipakakasal siya nito kay Graeson. Tahimik at mahiyain si Yllena kaya madalas ay nagtatago siya kapag nariyan si Grae at masaya na siyang makita ito mula sa malayo. Ngunit ngayon ay hindi na niya magagawa pang magtago dahil ngayong gabi ay formal silang ipakikilala sa isat-isa. 

Hindi na mapalagay si Yllena kaya hinawakan ng kaniyang lola ang kaniyang kamay.

“Maganda ka at siguradong hinding-hindi mag-aalinlangan si Graeson. They are here. Halika at salubungin natin sila,” ani ng kaniyang lola.

Si Yllenna o Maria Yllena Guevarra ang unang babaeng apo ni Elena Guevarra at sa gulang na disiotso ay kitang-kita na ang angking kagandahan nito. Morena, matangos na ilong, napakagandang mga ngiti at medyo singkit na mga mata. Dagdag pa ang balingkitan nitong katawan at matangkad nitong pigura. Kahit sinong binata ay mag-aasam na makilala ito.

Inalalayan niya ang kaniyang lola at nang mga oras na iyon ay muling lumukso ang kaniyang puso dahil sa kaguwapuhan ni Graeson sa suot nitong tuxedo. Nang magtama ang mga mata nila ay agad niyang iniwas dahil nakaramdam siya ng hiya.

Pinukulan siya ng mapanuring tingin ng kaniyang lola.

“Ang pagpakasal mo sa kaniya ang magiging pagbangon ng ating pangalan,” bulong ni Elena.

Ang tatlong lalaki ay pawang mga makikisig na kabalyerong papalapit sa kanila. 

Sunod-sunod ang pagtango ni Yllena at pagngiti sa kaniyang Lola. Napabuga siya ng hangin dahil sa magkahalong kilig at kabang nararamdaman. May mga sumunod pang sinabi ang kaniyang lola ngunit para siyang nabibingi dahil nasa harap na niya ang  napakaguwapong si Graeson Montblanc.

Ngunit si Graeson ay parang hindi masaya at panay ang tingin sa telepono nito. Magkakaharap sila sa lamesa at naguusap ng pribado ang kanilang mga magulang sa di kalayuan.

Ulila na si Yllena sa mga magulang at tanging ang lola Elena na lamang niya ang nagpalaki sa kaniya dahil ang mga tiyahin at tiyuhin niya ay hindi maganda ang pakikitungo sa kaniya. 

Dala ng labis na pagkahiya at hindi malaman kung paano niya kakayagin ang atensyon ng katabing binata ay inabutan niya ito ng champagne. 

“Hi, baka gusto mo ng Champagne?” nauutal pa niyang sabi. 

Nakuha naman niya ang atensyon ni Graeson ngunit tinitigan siya nito na parang nanunudyo. Kung paguusapan ang self-confidence ni Yllena ay 100% din naman. 100% na wala siyang lakas ng loob at walang bilib sa sarili. 

“Yeah. Thank you. You must be Mrs Guevarra’s granddaughter? Hindi ko akalain na mayroon parin palang mga katulad mo na basta nalang tinatapon ang sarili sa lalaki,” puno ng panunuyang sabi ni Graeson.

“N-Nagkakamali ka. G-Gusto ko lang –“ napapikit siya at namumula sa hiya dahil sa sinabi ng lalaki. Halatado ang pagka-disgusto nito sa tono nito. 

“Unless hindi naman talaga sa lalaki ang gusto mo kundi sa yaman na mayroon ito. I mean me and my wealth!” diretsahang sabi nito.

“H-Hindi totoo iyan! Arogante ka pala!” nakayuko niyang sagot. 

Buti na lamang ay dumating ang kani-kanilang magulang at pormal silang ipinakilala sa isat-isa.

“Mukhang nagkakilala na sila Ginang Guevarra or future balae,” masayang pahayag ni Sesgundo.

“Mabuti naman nang hindi na sila mahirapan pa,” dugtong ng matanda.

Bakas sa mukha ng dalaga ang pagka-dismaya niya sa ugaling ipinakita Graeson. Hindi niya lubos akalaing ganoon kasama ang ugali nito. Lalo na ng bigla itong nagpaalam na aalis.

“Dad, maaari na ba akong umuwi may kailangan pa akong puntahan!” nababagot na sabi ni Graeson at kahit kay Elena ay hindi ito nahiya.

“At saan ka naman pupunta? Hindi pa kami tapos sa paguusap para sa kasal,” pabulong na sabi ni Sesgundo.

“So what!” tumayo ito ngunit ng magtaas ang boses ng ama ay wala itong nagawa kundi ang bumalik sa kinauupuan.

Labis ang kabang naramdaman ni Yllena ng makita ang mag-amang nireresolba ang kanilang mga magagaspang na ugali. Napalingon siya sa kaniyang lola dahil hindi niya ito inaasahan ngunit pinisil lamang ang kaniyang kamay at bahagyang ngumiti ang matanda na waring sinasabi nitong.

That’s okay! Everything is fine!’

Sa mundong ginalawan ni Yllena ay maituturing na ilusyon lamang sa paningin ng iba dahil naitatago ng mayayaman ang kanilang karumihan sa mga alahas at magagarbong damit na itinatakip sa katawan. Ngunit nangangalisaw parin ito. 

Nakahinga lamang siya ng dalhin ni Sesgundo ang anak sa hardin para kausapin. Samantalang siya naman ay lumabas din para lumanghap ng sariwang hangin.

“I’ll ruin her career. Alam mo ang kaya kong gawin!” galit na sabi ng matandang lalaki.

“Dad!”

“Ang mga Guevarra ay magaling sa pakikipagnegosasyon at magandang pakisamahan kaysa sa ibang pamilya. Hindi man kalakihan ang shares nila pero ang loyalty ang gusto ko sa kanila.” Mariing sabi ni Sesgundo.

Napahilamos sa inis si Graeson. Dahil kung hindi lang siya interesado sa pagiging CEO na iniwan ng kaniyang kapatid ay hindi siya magpapakabuting anak dito.

“Magpapakasal lang ako sa kaniya kapag hinayaan mo si Evie na tuparin niya ang kaniyang pangarap.”

“Natututo kana. Hindi mo mapapangalagaan ang babaeng iyon kung wala kang kapangyarihan. At magkakaroon ka lamang non kung sisimulan mo sa pagpapakasal sa apo ni Elena,” marahas na pahayag ng ama.

Pinanlisikan siya ng mata ni Sesgundo at inayos ang sarili bago bumalik sa pagtitipon. Sa kabilang gilid ay naroon si Yllena at aksidente niyang narinig ang pag-uusap ng mga iyon. Nais lamang niyang magpahangin pero mas lalong sumikip ang dibdib niya sa kaba. 

Matagal na niyang gusto si Graeson ngunit ngayong abot kamay na niya ang pangarap na pakasalan ito ay parang nais niyang bawiin dahil sa pinakita nitong ugali. 

Sa sobrang pag-iisip niya ay hindi niya napansin ang lalaking bigla nalang sumulpot sa kaniyang likuran.

“Mahilig ka palang makinig sa usapan ng iba?” 

“Ayy Kabayo!” gulat niya at agad na napaharap sa lalaki.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib dahil sa kaba. Hindi naman niya pinakinggan ang pinaguusapan ng mga ito. Basta nalang siya napadaan.

Sa mga mata ni Graeson ay may nakita siyang mas nakakatakot dahil sa uri ng tingin nito sa kaniyang kabuuan. Hinubad niya kasi ang suot niyang black silk cloak at ngayon ay kitang-kita ang flawless na likod niya. Nakasuot siya ng isang floral tube dress na may design na butterfly sa likod. Kitang-kita ang napakagandang kurba ng kaniyang katawan. 

Napaatras siya ng bigla itong humakbang papalapit sa kaniya.

Napakunot-noo siya at takot ang unang rumehistro sa kaniya. Sa kaniyang pag-atras ay nawalan siya ng balanse. Agad naman siyang nahapit ni Grae sa kaniyang manipis na baywang pakabig sa katawan nito at ang tingin nito ay napako sa kaniyang malulusog na dibdib.

Napalunok siya at ganoon din ito nang magsalubong ang kanilang mga mata. 

“I guess hindi naman ako talo kung ikaw ang pakakasalan ko. Be ready Miss Guevarra dahil hindi ako maginoo na inaakala mo.” Kinabig pa siya papalapit sa mukha nito hanggang ilang pulgada nalang ang pagitan nila sa isat-isa at magkasalo na sa hanging kanilang nalalanghap.

Punong-puno ng pagnanasa ang mga mata nito.

Related chapters

  • Yllena's Love Child   Chapter 2 : Dillemma

    NAKAUPO siya sa garden habang humihigop ng orange juice ng biglang dumating si Carla. Si Carla ang isa sa pinsan niyang may labis na pagka-inggit sa kaniya. Noon pa ay ginagaya na siya nito, simula sa stilletos hanggang sa alahas na kaniyang suot. At ang kaniyang pagpapakasal kay Grae ay isa din sa labis na kinaiinggit ni Carla.Nakapamaywang ito habang naglalakad patungo sa dalaga. Ngunit nagulat ito sa emosyon na nakita niya kay Yllena. Malungkot kasi ito.“Couz, malapit na ang kasal mo. At isa sa pinakamayaman at pinakaguwapong lalaki sa bansa ang pakakasalan mo. Bakit naman isang bakol ang mukha mo?” may pait sa tono nito.“Hindi ko alam, Carla. Akala ko siya na ang lalaking gusto ko pero gusto kong magsisisi ngayon palang.”“Ito ang gusto mo. Pinamili ka ni Lola at ang sinabi mo ng paulit-ulit ay si Graeson Montblanc.”“Gusto kong umatras ngunit hindi ko na magawa,” malungkot niyang sabi.Inarkuhan niya ng kilay si Yllena at para itong may naisip na paraan para matulungan ang ka-

    Last Updated : 2024-07-23
  • Yllena's Love Child   Chapter 3 : I'm a Mess

    Chapter 3Itinulak siya ni Grae at napasubsob siya sa malambot na kama na puno ng petals. Tumayo siya at inayos niya ang sarili. Napaka-bango ng loob ng kuwarto at alam niyang iyon ang dahilan ng pagbabago ng kaniyang pakiramdam. Hinanap niya ang pinanggagalinga ng scent at natagpuan niya ang isang kandilang hugis water lily. Pinatay niya ito dahil hindi lang scented ito kundi may kung anong nagpapa-increase ng libido. Wala siyang planong ibigay kay Grae ang pagkababae niya dahil kasal lang sila sa papel. Puwera nalang kung magbabago ito at hindi siya kukutyain. Ngunit muli niyang pinakatitigan si Grae na lasing na lasing. Nakapamaywang siya habang ito naman ay nakatitig sa kaniya na bahagyang ngumisi.“Come here! Alam kong gustong-gusto mo ito! Ang sabi mo pa nga ay ako na ang pinapangarap mong lalaki at lahat ng paraan ay ginawa mo para mapangasawa ang isang tulad ko. And here you are officially married to me.” may pagyayabang sa tono nito.Nagulat siya sa mga sinabi ni Grae dahil a

    Last Updated : 2024-07-24
  • Yllena's Love Child   Chapter 4 : Same Freedom, Nah?

    Nagising na lang siya sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang mukha. Tumagilid siya at bahagyang iminulat ang mga mata. Sumagi sa isipan niya ang yumakap sa kaniya kagabi kaya’t mabilis siyang napabalikwas. Agad niyang sinuri kung may katabi siya ngunit wala namang bakas ng kung sino kaya nakahinga siya ng maluwag. Gayundin ang kaniyang suot na damit ay naroon parin kaya imposibleng may kayakap siya kagabi. At kung si Grae man iyon ay tiyak na wala na siyang damit ngayon. Nakita niya ang telepono at ang key card na magkapatong sa sidetable. Inopen niya ang kaniyang telepono at tumambad ang 20 missed calls galing kay Grae. “Naloloko na ba siya? Siya na nga itong hindi umuwi tapos tatawag ng tatawag. Ano ang tingin niya sa akin mamalimos ng oras niya. Kahit hindi siya umuwi ay–” bulong niya.Nang ibababa na niya ang kaniyang telepono ay biglang nag-notif ang isang voice message. Muli ay galing ito kay Grae.“Where were you last night? Malalagot ka sa akin. I’ll wait for you here at the

    Last Updated : 2024-07-24
  • Yllena's Love Child   Chapter 5 : His Ruthless Father

    “Ano ‘to Evie?” sumambulat sa sahig ang mga dokumento at litrato ni Evie kasama ang isang kaibigan. Mahahalay ang ilang litrato na dahilan ng pagkalukot ng mukha ni Graeson.“I’m sorry. Siguro mas maganda narin na nalaman mo ang tungkol dito?” Si Evie ay nagsimula bilang isang modelo ng mga sikat na brand ng damit at pabango dahil sa ganda nito hanggang mabigyan ng role sa isang pelikula. Nahanap ni Evie ang sarili sa pag-arte. Pakiramdam niya ay iyon na ang mundo niya ngunit mas naging mas masaya siya ng makilala niya si Graeson sa isang event. Alam niyang mas matutulungan siya nito upang makapasok ang isang simpleng babae sa mundo ng entertainment industry. Pinilit niyang mapansin siya ng isang playboy na laman ng bar at hindi naman siya nabigo dahil sa kaniya ay naging seryoso ito. Ngunit nang naging nobya siya nito ay itinago siya sa mga paparazzi at sa huli ay para lamang siyang basura na itatapon nito.“I’m going to New York next month. Gusto kong may mangyari sa buhay ko. Gust

    Last Updated : 2024-07-24
  • Yllena's Love Child   Chapter 6 : Will you ever learn to love me?

    “Next time hayaan mo akong patayin niya sa hagupit. Ngayon kilala mo na kung sino si Don Sesgundo, ang tanyag na mabait, pilantropo at hinahangaan ng lahat,” ani ni Grae.Patawa-tawa pa ito habang nakaupo sa kama. At si Yllena naman ay tinatanggal ang kaniyang sapatos. Wala itong imik at hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon kay Grae.Napansin niya ang manipis na damit ni Yllena, he suddenly cupped her chin, traced her lips with his finger. “You're flirting with me, huh? Well, kahit naaakit ako ay hindi ko kayang pagbigyan ka dahil kumikirot ang mga hita ko.” Napahawak si Yllena sa kama dahil nawawalan na siya ng balanse.“B-Bitawan mo ako, Grae!” Pumiksi ang labi ni Grae ng makita ang itsura ni Yllena. “Paninindigan ba natin ang pagsasamang ito?” tanong ni Grae na ikinatahimik ni Yllena. Nang binitawan siya ni Grae. Inayos niya ang kaniyang nighties at dali-daling lumabas sa kuwartong iyon. Hindi na niya muli pang tinitigan ang lalaki dahil sa kabila ng masakit na hita ay ma

    Last Updated : 2024-07-27

Latest chapter

  • Yllena's Love Child   Chapter 1 : Wallflower's Dream

    “Donya Guevarra, The Montblanc are here!” anunsyo ng matandang butler.Napabuga ng hangin si Yllena nang marinig ang anunsyo ng butler. Hindi niya napigilan ang kaniyang excitement dahil makikita niya ulit ang kaniyang ultimate crush na si Graeson Montblanc. Anak ito ni Sesgundo sa ikalawang asawa at taga-pagmana ng Montblanc Corporation. Samantalang siya naman ay apo ni Donya Elena Guevarra, isa sila sa mga kasosyo ng mga ito. Pinangako ng kaniyang lola na kahit anong mangyari ay ipakakasal siya nito kay Graeson. Tahimik at mahiyain si Yllena kaya madalas ay nagtatago siya kapag nariyan si Grae at masaya na siyang makita ito mula sa malayo. Ngunit ngayon ay hindi na niya magagawa pang magtago dahil ngayong gabi ay formal silang ipakikilala sa isat-isa. Hindi na mapalagay si Yllena kaya hinawakan ng kaniyang lola ang kaniyang kamay.“Maganda ka at siguradong hinding-hindi mag-aalinlangan si Graeson. They are here. Halika at salubungin natin sila,” ani ng kaniyang lola.Si Yllenna o

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status