Share

Chapter 1

Maxine's POV

"GOOODDDDMURNENGGGGGG EVEEERRYYOONEEE" masigla na bati ko sa kanila.

"Magandang Umaga Anak" Naka ngiting bati ni Nanay at tatay.

"Magandang Umaga ate" masigla na bati nang dalawa kung kapatid.

"Ohh maxine ko, maganda ka pa sa umaga" sabi naman ni Pedro.

"Tseee! Wala na Pedro sinira mo na ang umaga ko!" Ang aga aga nangbwibwisit.

Si Pedro ay kasamahan ni tatay sa pagsasaka matagal na akong gusto ni Pedro. Pano ba naman di ako magugustuhan ni Pedro kay ganda ganda ng katawan ko kay ganda ng kutis ko kaya di na nakakapagtaka.

"Pareng marvin, pareng marvin, pareng marvin". Pag sigaw sa pangalan ni tatay.

Sino naman Kaya yun!? Tsk. si kuya Dodong lang pala.

"Ano ba yan kuya Dodong kay aga aga sigaw ka ng sigaw diyan! Ano ba su-suso ka ba Kay itay? ha?!" Inis na sabi ko dito. Pano ba naman kasi kay aga aga eh ang ingay ingay.

"Pasensya na maxine, may importanteng sasabihin kasi ako sa tatay mo!"

"Eh ano ba iyon dodong!?" pagsagot ng tatay ko.

————

"ANO!?" pag sigaw naming lahat.

"Huh? Pano nangyari iyon eh! Wala namang sisira doon!" pagsasalita ko.

"Maxine myloves ang sabi ni kuya Dodong mga peste daw ang sumira!" Pagpapaintindi sa akin ni Pedro.

Sobrang nanlumo kami sa ibinalita sa amin ni kuya Dodong.

Nasira daw ang LAHAT ng pananim namin.

————

Pinuntahan namin ang aming sakahan grabi nga ang nangyari sa sakahan namin. Mukang lugi na kami,saan naman kami kukuha ng pera? Eh Ito lang ang inaasahan namin. Tsk malaking problema Ito.

Napansin ko na sobrang lungkot ni nanay at tatay kaya naman nilapitan ko sila.

"Nay,tay wag naman kayong sobrang lungkot diyan!" Natatawang sabi ko na kahit ang totoo ay naiiyak ako.

"Di naman diyan nag tatapos ang lahat diba? Kaya natin to! Babawi tayo!" Masiglang sabi ko.

"Maxine ,anak oo nga hindi pa tayo dito nag tatapos pero, dito kami umaasa ng nanay mo na,mabigyan namin kayo ng magandang buhay."malungkot na saad ni tatay

"Anak, ano na lamang ang sasabihin ko sa mga inutangan ko? Eh ang ipinangako ko sa kanila na pag naibenta namin ng tatay mo ang mga pananim ay makakabayad kami." naiiyak na sabi ni nanay.

————

"Mga anak pumasok muna kayo sa kwarto mag pahinga muna kayo. Tatawagin ko na lang kayo pag nakaluto na ako." Nakangiting utos sa amin ni nanay.

"Opo nay"pagsagot namin.

Pag pasok ko sa kwarto ko ay hindi ko muna inisip ang nangyari. Kaya nakatulog agad ako.

————

Pag gising ko ay pupunta ako sa kusina para uminom ng tubig pero hindi pa ako nakakapunta ay narinig ko ang pag uusap ni nanay at tatay hindi man ganun kalakas pero sapat na para marinig.

"Pano na iyon marvin! Ano na lang ang gagawin natin iyon na lamang ang ating pag-asa!" Naiiyak na sabi ni nanay.

"Elizabeth,kaya natin ito wag tayong panghinaan ng loob" pagpapalakas ng loob na sabi ni tatay kay inay.

Hindi na ako dumiretso sa kusina dahil kahit ano mang oras ay babagsak na ang mga luha ko.

Pumunta muna ako sa labas para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Bakit puro na lamang malas ang nangyayari sa amin?Bakit puro hindi na magaganda ang nangyayari sa amin?

"Hay! Kaya mo iyan maxine! Ikaw pa! Eh ang lakas lakas mo Kaya! Kaya mo yan!" Pagpapalakas ng loob ko sa sarili ko.

"Kung nandito ka pa sana,hindi Ito mangyayari"

Zeanna "Maxine" Quirion

__________________

Thankyou for Reading:) ❤️

Please! Dont Forget To

Vote & Comment

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status