Share

Chapter 3

Maxine's POV

Hindi agad ako makatulog dahil iniisip ko ang mga nangyayari, nasira ang pananim namin, nagsuguran ang mga maniningil ni inay at itay, sa mga oras na ito ay isa lang ang malalapitan ko.

"O diyos ko,alam ko pong pagsubok lang ang lahat ng ito, alam ko pong sinusubukan niyo lang po kami kung gaano kami katatag na pamilya,alam ko pong sa oras na mga laban na ito ay kasama po namin kayo,alam ko pong ano mang pagsubok ang ibigay mo po sa amin ay nandiyan pa rin po kayo,alam ko pong sa lahat ng mga paghihirap namin ay may kapalit ang lahat ng ito, diyos ko sa mga oras na ito ay humihingi po ako ng gabay."

Ako na lang ang maaring gumawa ng paraan para hindi na maghirap ang pamilya ko

___

KINABUKASAN

"GOODDDMURRRNENGGGGGG EVERRRYYYOONEEE" masigla na pagbati ko sa kanila,kahit araw araw ko naman itong ginagawa.

"Oh,bakit ganyan mga itsura niyo dapat smile lang! Tsk, ang aga aga ang lulungkot niyo!"

"Anak, pasensya kana ah, sa ating lahat ikaw ang nahihirapan!"ani ni tatay.

"Nak,hindi kami naging mabuting mga magulang sa iyo, sa mura mong edad ay nagtratrabaho kana,hindi kapa namin napag-aral ng mabuti" naiiyak na sabi ni nanay.

"Maxine, anak pag pasensyahan mo kami ng nanay mo ah,alam namin na pangarap mong makapag-aral pero ipinagkait namin sa iyo iyon," malungkot na saad ni tatay.

"Nay,tay! Ano ba Yan! Kaya nagkaka-crinkles kayo e, nagpapaka-stress kayo! Opo, pangarap ko pong makapag aral, makapagtapos! Pero naiintindihan ko po yung sitwasyon natin,Hindi man ako nakapag aral, napalaki niyo naman akong mabuti!" At bumaling ako sa dalawa kong kapatid.

"Kayong dalawa! Pagaaralin kayo ni ate ah! Magtatapos kayo,tapos magtratrabaho kayo,para matulungan niyo kami, naiintindihan niyo?" at tumango naman ang dalawang kapatid ko.

"Salamat anak!" At niyakap kami ni tatay at nanay.

Hindi ko kailangan panghinaan ng loob, dahil ako na lamang ang pag-asa nila.

"Zeanna Maxine Quirion! Maxine for short! Kaya mo iyan!"

Maxine's POV

"YAYA FOR HIRE"

Pangalawang beses ko na itong nakikita,hindi kaya ito ang sagot sa lahat ng paghihirap namin.

"Tama! Kasi pag nag-apply ako diyan ay matutulungan ko sila inay,makakapagpadala ako ng pera sa kanila,tapos mababayaran na namin yung mga utang nila nanay!"

*tok*tok*tok

"Tao po,tao Po!"

"Sandale!" ito ata yung bakla na nakausap ko nung isang araw

"Ikaw pala! Ms. Questioner!" taas kilay nitong saad

"Hello po, hiring pa po iyan?"

"Oo,hiring pa naman, hiring siya sa mga mag aaply!" akala niya ata magtatanong lang ulit ako,

"Halika't pumasok ka ng mapag-usapan natin iyan"

"Ahmmm,balak ko po sana magapply, kung pwede ho"

"Pwede naman,by the way ano nga pala ang pangalan mo at ilang taon kana?"

"Ako po si Zeanna Maxine Quirion, maxine for short, 21 years old," nakangiting sabi ko dito

"Pwedeng pwede ka nga dito maxine,kung sure na sure kana talaga, bukas na bukas din ay pwede ka nang umalis,"

"A-ahmmm t-tatanungin ko m-muna ho s-siguro yung mga m-magulang ko."

"Okay, bukas na bukas din ay bumalik ka"

"Sige po salamat"

----

"Nako maxine, hindi hayaan mo kami ng tatay mo ang mag trabaho!" pagtutol ni inay

"Maxine, tama ang nanay mo! Hindi kami papayag na magtrabaho ka at sa maynila pa!"

Sinabi ko sa kanila na gusto kong magtrabaho,upang makatulong sa kanila,ngunit hindi sila pumayag dahil masyado na daw iyon malayo.

"Nay,tay! Para naman Po sa atin iyon! Pag nagtrabaho na Po ako makakapagpadala ako dito,yung mga inuutangan natin,mababayaran na natin!"

"A-ayy basta Hindi ako papayag!" pagtutol ni nanay.

"Anak,hindi mo Ito kailangan gawin labis labis na ang naitutulong mo sa amin ng nanay mo!" Ani ni tatay

"Tay,panahon na siguro para ako naman ang mag-alaga sa inyo, hangga't maaari ay wag na nga kayong magtrabaho ako na ang bahala!"

"Nay,tay sige na po para naman po sa atin Ito e!" Pagpapasang_ayon ko dito

"Sige na nga Basta mag iingat ka doon ah!" sa wakas at pumayag din.

"Salamat nay,tay!"

____

Thankyou for Reading ❤️🤗

Please! Dont Forget To

Vote & Comment

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status