Share

Chapter 2

"Pansit,pansit Kayo diyan murang mura lang sa halagang sampung piso ay may pangtawid gutom na Kayo" pagsigaw ko.

Eto na muna ang naisip namin ni inay hangga't Hindi pa kami nakakabawi sa pananim namin.

"Ate bili na Po kayo, murang mura Lang!" Pag aalok ko sa babae na ito.

"Eh, magkano ba iyan?"

"Ate, sampung piso lang, sa sobrang sarap nito tiyak akong makakalimutan mo ang pangalan mo"

"Sige pabili ako ng dalawa"

"Ano? Dalawa lang? Sure na kayo diyan! Ay pramis talaga pagnatikman mo ito ay hahanap hanapin mo!". Pang-uuto ko dito.

"Ayssuss, ikaw talaga sige na nga i-apat mo na". Nakangiti nitong Sabi.

"Maraming salamat ate!".

Hay,buti na lang nabibili Itong paninda namin. Sapat na itong kikitain ko na Ito sa pagkain namin sa araw araw.

Pauwi na ako ng may nakita akong nakapaskil doon sa poste.

"YAYA FOR HIRE"

"Iha! Gusto mo ba mag apply diyan?" Pagtatanong sa akin ng baklang ito.

"A-ahh h-hindi po".

"Ay sayang naman, naghahanap pa naman kami" malungkot na saad nito.

Naghahanap pa sila ibig sabihin ay pwede pa akong mag apply!

Kung mag aaply ako diyan tiyak na matutulungan ko sila inay at itay.

"A-ah k-kailangan h-ho ba diyan ay nakapag tapos ng pag aaral?" Pagtatanong ko dito.

Kasi kung hinahanap nila ay nakapagtapos ng pagaaral ay hindi ako pwede diyan dahil elementarya lamang ang natapos ko.

"Nako iha! Hindi ano! Yaya Lang iyan te! Hindi Ito company! Okay?" Natatawang sabi nito.

"H-hehehe ganun ho ba"

"Eh ano mag aaply ka ba?"

"S-saang lugar ho ba iyan?"

"Sa maynila ito,Bata naman ang babantayan mo, pero huwag ka dahil marami ng sumuko sa batang iyon!"

"Maynila? Tapos Bata? Pero marami ng sumuko?"

"Hmmmm!" Tatango tango na sagot nito

"Ano iha mag aaply kana ba?"

"A-ahh h-hindi po" nakangiti Kong sabi dito

"Tse! Ano ba yan hindi naman pala mag aaply Kay dami dami ng Tanong! Nakakaloka!" Pagsabi nito at tinalikuran na ako.

----

Pag uwi ko ay nadatnan ko sa labas ng bahay ang mga tao at PULIS!

"HOY ELIZABETH LUMABAS KA DIYAN"

"HOY MARVIN LABAS"

"ELIZABETH WAG MO NAMAN KAMI PAG TAGUAN!"

Ilan lamang iyan sa mga naririnig ko sa sigaw nila.

"Hep!Hep! Sandali ano po bang nangyayari dito?" Pagtatanong ko sa kanila.

"Maxine! Itong nanay mo ay di marunong mag bayad ng utang!"

"Aling sesing sinasabi ko sa Iyo na magbabayad naman ako sa iyo!" naiiyak na sabi ni nanay

"Sawang sawa na ako sa mga sinasabi mo na iyan elizabeth sawang sawa na ako! Hala sige damputin nyo iyan!" Pag utos ni aling Siseng sa mga pulis na ito!.

"Teka Lang naman ho aling Siseng baka naman pwede pa ito pakiusapan!" Pagsagot ni itay.

"Pasensya na po pero sa presinto na lang Po Kayo magpaliwanag" Ani ng pulis.

Maxine's POV

"Aling Sesing naman, pwede naman ho sana pakiusapan na huhulug-hulugan namin iyon" nanglulumo na pakiusap ni Tatay kay aling siseng.

Malaking problema ito, masyadong malaki ang nautang ni nanay Kay aling siseng, bukod kay aling siseng ay may iba pang inuutangan si nanay at tatay na pilit silang pinagbabayad.

"Marvin ang hiniram mo sa akin na 5,000? matagal na iyon! hindi mo pa rin nababayaran!" isa si mang kaloy sa mga nautangan nila nanay at tatay.

"Kaloy, sabi ko naman sa iyo babayaran ko naman iyon!" pakiusap ni tatay.

" Aling Siseng magkano ho ba ang nautang ni inay? At baka ho magawan ko ng paraan"

"60,000 ang nautang sa akin ng nanay mo"

"HA?! p-paano ho nangyari i-iyon?" hindi makapaniwala na sagot ko dito.

"Abay syempre, inamag na ang utang ng magaling na ina mo, syempre tutubo ng tutubo iyon!"

"G-ganun ho ba s-sige ho g-gagawan k-ko ho ng p-paraan"

"EH PAANO NAMAN ANG SAMIN MAXINE!"

"ANG UTANG SA AKIN NG TATAY MO 2,000"

"PAANO ANG AKIN MAXINE? 1,000 ANG AKIN"

Pag sigaw naman ng iba na inuutangan din nila nanay at tatay.

Umuwi na muna ako dahil kahit papaano ay may naipon naman ako sa paglalabandera ko.

"1,2,3,4,5,6," six thousand, ito ang naipon ko sa higit 3 taon na pag sideline ko sa paglalaba, pang aral sana ito ni bunso, pero hayaan na at magiipon na lang uli ako.

"1,2,3,4,5," five thousand, ito naman ang naipon ko sa 3 taon, pangpa- repair sana namin ito ng bahay namin dahil sira sira na yung mga bubong.

"1,2,3,4,5,6,7,8,9,10" ten thousand, ito ang naipon ko sa higit 3 taon, ito naman para ang sa akin ipang-aaral ko sana ito, para naman mas makahanap pa ako ng magandang trabaho pag ako'y nakapagtapos.

Sa higit tatlong taon na paglalaba ko, paglilinis, ay nakaipon ako. Wala akong magagawa dahil kailangan ito nila inay, dahil kahit ano mang oras ay makukulong sila.

Sa tatlong taon na pagtitiis ko sa gutom, at hirap ay naka ipon ako ng 21,000 na sana ay para sa mga pangarap namin ngunit sa mga oras na ito ay mas higit na kailangan muna ito nila inay, alam kong kulang pa ito pero sapat na ito para kahit papaano ay mabawas-bawasan at mapakiusapan na hulog hulogan namin iyon.

"Anak, dapat hindi mo na inilabas ang mga ipon mo, para sa iyo iyon eh"

Napakiusapan na namin ang mga inuu-tangan nila inay na huhulug-hulugan na lang namin, at pumayag naman sila.

"Syempre nay,tay Hindi ko kayo kayang nakikita na nahihirapan, Kaya hangga't may naitutulong ako ay tutulong ako!"

"Maraming salamat anak"

____________

THANKYOU FOR READING 🥰❤️

Please! Dont Forget To

Vote & Comment

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status