NATIGILAN SI MIYU nang isang umaga ay may makitang malaking bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng coffee table sa sala. Kinunutan siya ng noo bago naglakad patungo sa kusina kung saan inabutan niya ang Tita Riza niya na nagpi-prito ng hotdog at itlog. Sabado ang araw na iyon at pareho silang walang pasok.
"Morning, Tita. Ano'ng meron at may bulaklak sa sala?"
Bahagya lang siya nitong nilingon. "Hindi mo ba tiningnan? Galing kay Armand ang bouquet na iyon."
Naupo siya sa harap ng mesa at nangalumbaba. "Ayaw talaga akong tigilan ng isang iyon kahit alam niyang may kasintahan na ako."
"Hanggang hindi ka ikinakasal ay hindi siya titigil sa panunuyo sa iyo. At hindi siya naniniwalang kasintahan mo ang lalaking iyon." Pinatay muna ng Tita Riza niya ang stove bago lumapit sa kaniya bitbit ang coffee maker. Sinalinan siya nito ng kape sa mug niyang kanina pa sa ibabaw ng mesa. "O, magpainit ka muna ng sikmura."
"Paano mo nasabing hindi siya naniniwala na kasintahan ko ang lalaking ipinakilala ko sa kaniya, Tita?"
Napangisi ito. "Iyon ang nakalagay sa sulat na naka-ipit sa bouquet. Sorry, pinakialaman ko na."
Buti at hindi siya ang nakabasa sa sulat dahil kung hindi ay baka nilakumos niya iyon. Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. "He's desperate. I really can't stand him anymore."
"He also said he's going to find out who the guy is. Hindi ko alam kung declaration of love ba iyon o death threat." Binalikan nito ang mga niluluto upang ilipat sa serving plate. "Pero sino nga ba talaga ang sinasabi mong boyfriend mo, Miyu, ha? Bakit hindi ko alam na maliban kay Armand ay may iba ka pang manliligaw? Ang buong akala ko ay binakuran ka na ni Armand at wala nang ibang lalaki ang nagawang makalapit pa sa iyo."
"He's just someone I met at work."
"Akalain mo iyon, hindi umabot sa work-place mo ang mga galamay ni Armand Regis." Natatawang bumalik sa mesa ang Tita Riza niya dala ang platong may lamang ulam. "Akala ko pa man din ay bantay-sarado ka niya hanggang sa trabaho mo."
Hindi na siya sumagot pa. Ayaw niyang magsinungaling sa Tita Riza niya pero naisip niyang mas makabubuting hindi muna nito malaman ang totoo.
Ilang sandali pa'y inilapag na rin ng tita niya ang bowl na may lamang mainit na kanin sa ibabaw ng mesa. Nag-umpisa na siyang kumain at habang nasa kalagitnaan ng almusal ay muli itong nagsalita,
"Tumawag nga pala ang mama mo at nagtanong kung bakit laging nakapatay ang cellphone mo sa tuwing tumatawag siya."
"Naka-call forwarding ang phone ko."
"Why did you do that?"
"Nabibingi na ako sa kaniya. Kahit nasa malayo ay gusto pa ring kontrolin ang buhay ko."
Bumuntong-hininga ito. "Sinabi niyang pahiramin daw kita ng—"
"I knew she'd say that. Hinahanapan ka lang niya ng timing." Ibinaba niya ang mga kubyertos at kinuha ang tasa ng kape. "No, hinid ko tatanggapin ang perang inipon ninyo para lang ipambayad sa utang niya. Hintayin niyang matanggap ko ang sahod ko para mabayaran ang utang niya, h'wag siya 'ka mong magmadaling bumalik dito sa Maynila."
"Pero kawawa naman siya—"
"Let her be, Tita. Mas kinakawawa niya ako."
Si Riza ay nagkibit na lang ng mga balikat saka itinuloy ang pagkain. Ilang sandali pa ay muli itong nagsalita, "Fiesta ng bayan natin sa Martes, maghahanda ako para sa mga bisita. Pupunta ang mga ka-trabaho ko kaya mag-imbita ka rin ng mga ka-trabaho mo."
Oh yes. Fiesta ng Sto Niño sa makalawa.
"And knowing Armand, siguradong narito na naman iyon sa araw na iyon. Sa nakalipas na mga taon ay palaging narito iyon tuwing fiesta kasama ang mga magulang."
Napabuntong-hininga siya at binitiwan ang mga kubyertos. "Pwede ba tayong mag-alaga ng Pitbull, Tita? Ite-train ko siyang habulin at ngatngatin si Armand kapag pumupunta rito nang sa gayon ay tigil-tigilan na niya ako. Pagod na pagod na ako sa pangungulit niya, nakakasira ng mood ang araw-araw na pagmumukha niya ang nakikita ko. Hindi na niya ako pinatahimik sa loob ng anim na taon.”
"Well.. bakit hindi mo papuntahin dito ang boyfriend mo sa araw na iyon para hindi ka niya kulitin?"
Natigilan siya. Oh, she would definitely do that, only if she knew where to find the guy. Sa dami ba naman ng branches ng Father Pio Pizza, hindi niya alam kung saan naka-assign ang antipatiko pero muy simpatiko na lalaking iyon. Besides, hindi niya alam kung papaano ito hahanapin lalo at hindi naman niya alam kung ano ang pangalan nito.
"Samahan mo ako mamaya sa supermarket, mamimili tayo ng mga ihahanda natin."
Tumango lang siya at hindi na sumagot pa sa tiyahin. Nasa isip pa rin niya ang mukha ng delivery boy na iyon at kung papaano ito mahahanap para tulungan siyang tuluyang maitaboy si Armand.
*
*
*
"Kanina ka pa tulala sa ere, Oneechan. Doshita? (What's wrong)?"
Sinulyapan niya ang katrabaho at kaibigang si Yuya nang marinig ang tanong nito.
Katulad niya ay may dugong Hapon din si Yuya, ang pagkakaiba lang nila ay puro ito samantalang siya ay may halong Luca Alcantara.
Yuya had been living in Manila for almost eight years; doon ito nag-aral ng kolehiyo at nang makapagtapos ay nanatili na sa bansa upang magtrabaho. She was also married to a Filipino artist; gumagawa at nagbebenta ng mga paintings na milyon ang halaga.
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. "Parang ayaw kong dumating ang bukas, Yuya."
"Bakit naman? Hindi ay ba bukas na ang fiesta sa lugar ninyo?"
"Iyon na nga eh..." Gusto niyang maiyak. Bukas ay siguradong naroon na naman sa bahay nila ang mga Regis para ligawan siya. Yes, ang mag-anak at hindi lang si Arman. Kasama na naman nito ang mga magulang at matandang lola, sigurado. At dahil mabait siyang bata ay mapipilitan siyang harapin ang mga ito kahit ayaw niya.
Isipin pa lang niya ang mga mangyayari kinabukasan ay nasusuka na siya. Gusto niyang uminom ng sleeping pills para hindi siya magising bukas. Would three tablets be enough to knock her out for two days?
Si Yuya ay hinila siya para hindi siya mabangga ng mga empleyadong nag-uunahang makasakay sa elevator. Naka-pila sila sa isa sa mga elevators ng building kung saan naroon ang office nila. At dahil lunch time ay napakaraming tao ang nasa pila at nag-uunahan. Kagagaling lang nila sa isang fastfood chain at doon nananghalian.
"Naku, parang alam ko na kung ano ang problema mo. Si Bugs Bunny 'no?"
Tumango siya. Iyon ang tawag nila kay Armand.
"There's no way na maiiwasan ko siya bukas o maipagtabuyan. Pahinging lubid, Meme Yuya. Magbibigti na lang ako."
Tinapik nito ang balikat niya. “Alam kong nagbibiro ka lang pero kahit wala nang ibang option, h'wag mo pa ring gawin iyon. You will be fine."
Bagsak ang mga balikat na tumango lang siya.
Easier said than done, she thought.
Sinulyapan niya ang kabilang elevator nang bumukas iyon at akma sanang yayain si Yuya na doon na pumila sa kabila dahil walang gaanong pila doon nang mapatda siya sa kinatatayuan.
Kabilang sa mga taong lumabas mula sa bumukas na elevator ay ang pamilyar na bulto na hindi niya inasahang makita roon.
Wait... is that.. the pizza delivery man?!
Ang kaninang tila paupos na kandila niyang pakiramdam ay biglang nabuhay.
Mabilis siyang kumilos. Iniwan niya sa Yuya sa pila at nakisiksik sa mga empleyadong nakapila sa tabi nila. She excused herself and squeezed into the crowd until she found her way out of it.
Ang lalaking nasa gitna na ng lobby ay tuluy-tuloy lang sa paglalakad; hands in his pockets as if he was the owner of the building. Sa malalaking mga hakbang ay sinundan niya ito. Nang ilang dipa na lang ang layo nila sa isa't isa ay huminto siya at sumigaw ng:
"Hey! You in a black turtle neck shirt!"
Nahinto ito, yumuko, at nang mapagtantong ito ang tinawag niya'y dahan-dahan itong lumingon.
His eyes searched the crowd... until they met hers.
And her heart melted.
TO BE CONTINUED...
"Hey! You in a black turtle neck shirt!" malakas niyang sigaw na ikinalingon ng lahat ng naroon sa lobby ng building. The man stopped and looked down, checking his sweatshirt, before turning and searching the crowd. Nang tumama ang tingin nito sa kaniya ay napigil niya ang paghinga. This guy is indeed good-looking, she thought. Not just good-looking, but extremely. Bakit sa pizza delivery service lang siya pumasok? Hindi naman sa minamata ko ang trabahong iyon, but with the looks this guy has, I just don't understand...Noong una silang magkita nang gabing iyon sa bahay niya'y alam na niyang kay gandang-lalaki nito. Hindi lang niya inakala kung gaano. And now... Looking at him in broad daylight, nasisiguro na niyang hindi ito ordinaryo.Anak ni Bathala siguro ito...Nahinto lang siya sa pag-iisip nang makita niya ang pagsalubong ng mga kilay ng lalaki nang mapatitig sa kaniya nang husto. Nasa anyo nito na tila pilit siyang inaalala. Itinuwid niya ang sarili at humakbang patungo
"YOU'RE NOT LISTENING TO ME AT ALL, MA! Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa inyong hindi kayo pwedeng manatili rito sa Maynila? Those goons will hunt you down unless we pay them off! Gusto niyo ba'ng tambangan kayo?" Kanina pa mainit ang ulo ni Miyu. Kaninang-kanina pa. At kanina pa niya gustong ibagsak ang cellphone sa inis sa kausap. Pero hindi niya magawa dahil ang kausap niya sa kabilang linya ay ang nag-iisa niyang ka-dugo, ang mama niya, na wala nang ibang ginawa kung hindi bigyan siya ng sakit ng ulo. "Pero nabu-buryong na ako rito sa probinsya, Miyu. Wala man lang mapag-libangan dito, gusto ko nang bumalik sa Maynila," anang Mama niya, nasa tinig din ang inis. "Wala pa sa kalahati ng inutang mo kay Mr.Cheng ang nababayaran ko. Malinaw niyang sinabi na huwag kang magpapakita hanggang sa hindi pa nababayaran ang lahat ng perang hiniram ninyo sa kaniya, otherwise, his men will hunt you down." "He's just bluffing, gusto lan
HUMUGOT SIYA NANG MALALIM NA PAGHINGA. "All I need from you is to show a little bit of care to me because I am doing my best for you."Sa muli ay hindi kaagad nakasagot si Luca sa kabilang linya. Sandali itong natahimik. Kung hindi niya naririnig ang tilaok ng mga manok sa background nito ay iisipin niyang binabaan na siya nito ng telepono. Hanggang sa... "Subukan mong manghiram kay Riza, siguradong may ipon iyon. Kapag nakabalik na ako sa Maynila ay maghahanap ako ng trabaho at babayaran kita. Nang sa ganoon ay hindi mo ako sinusumbatan nang ganito. And that way, you wouldn't have to be so bitchy towards me." Iyon lang at tinapos na ng ina ang tawag. Umikot ang mata niya sa ere. Bitchy ba iyong nanghihingi siya ng kaunting kalinga rito? Kung tutuusin ay hindi dapat hinihingi ng isang anak sa magulang ang ganoon. Dahil ang kalinga ay kusang ibinibigay. Huminga siya nang malalim. Ano pa nga ba ang inaasahan niya?S
"Ang bilis ninyong nakabalik, Boss ah?" salubong ni Roy pagkapasok ni Kyle sa opisina. Kababalik lang nito mula sa pagdeliver ng pizza sa tatlong magkakahiwalay na locations. "I beat the red light," ani Kyle saka dumireso sa sofa sa at naupo roon. "Nagkaubusan ng staff ngayon dahil sa dami ng orders, kaya pasensya na kung naabala rin namin kayo, Boss," ani Roy habang nagkakamot ng ulo. Roy was the manager of the Sucat branch, at isa sa mga pioneer staff ng pizzeria. "Don't worry about it. Mas maganda ang ganito kaysa walang benta," sagot niya saka sumandal sa sandalan ng couch. He closed his eyes in an attempt to relax, but the moment he did, all he saw was the chinky-eyed maiden that he met almost an hour ago. A smile formed his lips. What a fierce woman, he thought. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa araw na iyon at napakaraming orders na natanggap ang Sucat branch. Madalas naman talagang marami ang umo-ord

NATIGILAN SI MIYU nang isang umaga ay may makitang malaking bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng coffee table sa sala. Kinunutan siya ng noo bago naglakad patungo sa kusina kung saan inabutan niya ang Tita Riza niya na nagpi-prito ng hotdog at itlog. Sabado ang araw na iyon at pareho silang walang pasok."Morning, Tita. Ano'ng meron at may bulaklak sa sala?"Bahagya lang siya nitong nilingon. "Hindi mo ba tiningnan? Galing kay Armand ang bouquet na iyon."Naupo siya sa harap ng mesa at nangalumbaba. "Ayaw talaga akong tigilan ng isang iyon kahit alam niyang may kasintahan na ako.""Hanggang hindi ka ikinakasal ay hindi siya titigil sa panunuyo sa iyo. At hindi siya naniniwalang kasintahan mo ang lalaking iyon." Pinatay muna ng Tita Riza niya ang stove bago lumapit sa kaniya bitbit ang coffee maker. Sinalinan siya nito ng kape sa mug niyang kanina pa sa ibabaw ng mesa. "O, magpainit ka muna ng sikmura.""Paano mo nasabing hindi siya naniniwala na kasintahan ko ang lalaking ipinakilala ko s