"YOU'RE NOT LISTENING TO ME AT ALL, MA! Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa inyong hindi kayo pwedeng manatili rito sa Maynila? Those goons will hunt you down unless we pay them off! Gusto niyo ba'ng tambangan kayo?"
Kanina pa mainit ang ulo ni Miyu. Kaninang-kanina pa. At kanina pa niya gustong ibagsak ang cellphone sa inis sa kausap. Pero hindi niya magawa dahil ang kausap niya sa kabilang linya ay ang nag-iisa niyang ka-dugo, ang mama niya, na wala nang ibang ginawa kung hindi bigyan siya ng sakit ng ulo.
"Pero nabu-buryong na ako rito sa probinsya, Miyu. Wala man lang mapag-libangan dito, gusto ko nang bumalik sa Maynila," anang Mama niya, nasa tinig din ang inis.
"Wala pa sa kalahati ng inutang mo kay Mr.Cheng ang nababayaran ko. Malinaw niyang sinabi na huwag kang magpapakita hanggang sa hindi pa nababayaran ang lahat ng perang hiniram ninyo sa kaniya, otherwise, his men will hunt you down."
"He's just bluffing, gusto lang kasi niyang mabilis mong mabayaran ang—"
"Have you had no shame at all, Ma?" Nananakit na ang lalamunan niya sa pinipigil na pag-iyak, pero hindi niya hahayaang marinig siya ng ina na pinang-hihinaan ng loob. Hindi dahil masasaktan ito kung hindi dahil sisitahin siya nito at sasabihang mahina ang loob.
Her mother never really cared about her. At simula pagkabata ay alam na niya iyon.
Her mother, Luca, used to be an entertainer in Japan. At the age of eighteen, she got pregnant by one of her Japanese clients. Umuwi ito sa Pilipinas nang mabuntis at doon na siya ipinanganak. Makalipas lang ang ilang buwan ay iniwan siya nito sa matalik na kaibigan at muling umalis para magtrabahong muli sa Japan.
Lumaki siyang alam ang tungkol sa tunay niyang ina. Sa kabila ng lahat ay tumatawag ito sa kaibigan para kumustahin siya at kausapin. Kahit papaano ay nagpapadala rin ito sa kaniya. She was lucky somehow, dahil ang kaibigan ng Mama niya, ang Tita Riza niya, ay ubod ng bait at maaruga. Her Tita Riza treated her as if she was her own blood and flesh.
She was five when her mother came back and took her. Bagaman masama sa loob ng Tita Riza niya ay ipinaubaya pa rin siya nito. Luca took her to Japan at sa loob ng ilang taon ay doon siya tumira kasama ito. Noong una'y nanibago siya sa pagkakaiba ng kultura sa bansang iyon kaya madalas siyang mag-isa at walang kausap, lalo na sa ekwela. Kahit ang pakikisama niya sa ina noong una ay mahirap, pero kalaunan ay nakasanayan na niya at tinanggap ang malaking pagbabago sa buhay niya.
She was always quiet and polite, ganoon siya pinalaki ng Tita Riza niya, kaya hindi sila gaanong nagkaroon ng problema ni Luca. During the times when she was in Japan, she was hoping to meet her father. Pero nang banggitin niya iyon sa ina ay hindi man lang ito nagdalawang isip na sabihin sa kaniyang hindi nito alam kung sino sa mga naging lalaki nito ang naka-buntis dito. Sa batang edad ay hindi pa niya gaanong naintindihan kung gaano ka-sakit ang katotohanang iyon. Overtime, she accepted the fact that she was only born in this world because her mother didn't have a choice.
She was ten when they came back to the Philippines. At simula noon ay hindi na silang muli bumalik ng Japan. Nang magka-edad siya ay nalaman niya ang dahilan kung bakit; Luca was involved in an illegal gambling. Tumakas ito kasama siya bago pa man mahuli at makulong.
Simula noon ay nagbago ang buhay nila. They were living with her Tita Riza in a small townhouse; tumandang dalaga na lang din ito kahihintay kay Forever.
Riza was working as a bank teller in one of the biggest banks in their town, whilst her mother worked as a hair dresser in a high-end salon. Somehow ay naging maayos ang buhay nila, subalit habang lumalaki siya ay lalo niyang naiintindihan ang ugali ng inang nag-luwal sa kaniya.
Luca never really cared about anybody, let alone her child. Tama lang na bilhin nito ang lahat ng mga pangangailangan niya pero hanggang doon lang ang pagiging ina nito. She never cooked her a meal, never asked how her day was, never cared if she was doing good at school, at palaging wala sa bahay dahil nagbababad sa casino para mag-waldas ng sahod. Para rito, ang pagiging ina ay ang pagbibigay ng materyal na pangangailan sa anak. And nothing more.
Pasalamat talaga siya at naroon ang Tita Riza niya. Ibinigay nito ang lahat ng kailangan niya; pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina, pagpapayo at oras. Lahat ng iyon ay hindi kayang ibigay ni Luca sa kaniya. Pero kasabay ng paglaki niya ay unti-unti niyang natatanggap ang katotohanang iyon, until one day, she woke up and thought that it was okay. At least may nanay siya. Ang iba'y wala. At iyon na lang ang itinatak niya sa isip para kahit papaano ay hindi siya magtanim ng sama ng loob.
But then, her mother was really testing her patience.
She was eighteen when Luca came home from staying all night in a casino and was wasted. Lasing na lasing at nagsususuka sa taxi. Tinanggap niya ang galit ng taxi driver at nagbayad dito ng pampalinis ng sasakyan. Siya rin ang mag-isang umalalay sa ina hanggang sa makapasok sa townhouse. Iyon ang unang pagkakataong nagkaganoon ito kaya inasikaso niya ang ina. Subalit habang lango ito sa alak ay hindi nito alam ang salitang binibitiwan. Sinabi nitong hindi na ito magugulat kung sa pagdating ng araw ay magiging katulad siya nito. Disgrasyada. Iniwanan ng lalaki, ginamit at pinaglaruan. Dahil hindi naman daw nagbubunga ng santol ang mangga, anito.
She was hurt, of course. Imbes na hubugin nito ang pagkatao niya'y winasak pa. Pero hindi niya pinatulan ang sinabi ng ina. Pilit niyang inintindi kung bakit ito ganoon at kung bakit ito nakakapagsalita nang ganoon sa kaniya. Because just like her, Luca never met her father, too. Dahil anak lang din ito sa pagkadalaga.
She never met her grandma, pero ayon sa Tita Riza niya ay nag-asawa itong muli matapos ipinanganak si Luca. Her Aunt Riza also said that Luca's father was an American soldier, na umalis ng Pinas bago pa man nito nalaman ang tungkol sa pagdadalantao ng noo'y kasintahan.
Yeah. Her family had a lot of drama to tell. And she didn't want to add another chapter on their family's dreadful life story. Kaya naman sinabi niya sa sariling mabubuhay siya nang simple at walang drama. Hanggang maaari ay ayaw niyang magkaroon ng kakaibang mga karanasan katulad ng sa ina at sa lola niya. She just wanted a plain and boring life. Para wala nang pasikot-sikot pa. Napagod na siya sa buhay ng ina niya, ayaw niyang mapagod sa sarili niyang life adventure.
And she also told herself that she would never walk the path her mother and grandmother walked through. Hindi niya hahayaang may isang sanggol na namang mabuhay sa mundo nang walang ama. Kaya naman dahil doon ay nangako siya sa sarili na mananatili siyang birhen hanggang sa panahong makilala niya ang lalaking pakakasalan niya. The worse thing that could happen was her ending up like her Tita Riza. Pero naisip niyang mas mainam na iyon kaysa sa maging katulad siya ng ina.
"Narinig mo ba ang sinabi ko, Miyu? Paubos na ang grocery ko at bukas makalawa ay baka magbunot na ako ng damo rito para i-adobo."
Huminga siya ng malalim para huminahon.
"Pabalikin mo na kasi ako sa Maynila, anak. Hindi na ako makatagal dito, hindi ako sanay sa buhay probinsya."
"So mas pipiliin ninyong itumba ng mga tauhan ni Mr. Cheng kaysa manatili r'yan sa Tarlac, ganoon ba?"
"Gaano pa ba ka-laki ang kulang sa babayaran natin sa mabahong insik na iyon?"
"Sixty-five thousand, Ma. Ibig sabihin ay mahigit dalawang buwan kong sahod." Her voice laced with sarcasm at sana ay napansin iyon ng ina.
"Iyon lang din pala, baka kaya mong mag-loan kay Armand at—"
"Bakit hindi ni'yo muna itanong kung nitong mga nakalipas na buwan ba ay nakabibili pa ako ng bra at panty ko, Ma? Itanong ni'yo rin kaya muna kung kailan ako nakabili ng gamit para sa sarili ko? O may napkin pa ba ako? May vitamins? Bakit hindi iyon ang itanong niyo bago niyo ako diktahan na mangutang para bayaran na utang ninyo sa sugal?"
Susme, kanina pa niya pinipigilan ang sariling magsalita nang masakit, pero hindi na niya nagawang supilin pa ang bibig. Sumu-sobra na talaga ang nanay niya. Hindi na niya kinakaya.
At gusto na talaga niyang umiyak para i-labas ang sama ng loob dito. But crying would never solve her problems. It wasn't even an escape. Dahil kung kaya niyang umeskapo sa sitwasyong ito sa pamamagitan ng pag-iyak ay baka matagal na niyang ginawa. Marami na siyang luha at sama ng loob na naiipon sa kaniyang dibdib. Kung nakalalaki man lang sana ng boobs ang pag-iipong iyon ay mabuti. Pero hindi rin, eh.
Wala na talagang magandang ginawa ang nanay niya kung hindi ang pahirapan siya nitong nakalipas na mga taon. Hindi niya alam kung may amor pa siyang mararamdaman para rito.
"Sa loob ng limang buwan ay walang pinuntahan ang sahod ko kung hindi doon sa perang inutang ninyo sa mabahong insik na iyon na ginamit ni'yo para lang iwaldas sa sugal. Hindi ba kayo nahihiya sa akin, Ma? Kahit ang mag-aalala o magpasamalat, wala. Sinusumbatan pa ninyo ako kung bakit kay tagal kong mabayaran ang utang ni'yo na parang kay daling kumita ng pera. Why do you have to be so selfish?"
There. Mabuti at nagawa niyang sabihin dito ang lahat ng nais niyang sabihin. Kahit papaano ay nabawasan ng ilang gramo ang bigat sa kaniyang dibdib.
Matagal bago muling nakasagot ang ina, "So ngayon ay sinusumbatan mo ako?"
Sinapo niya ang ulo sa pagkamangha.
Tang'ina naman.
HUMUGOT SIYA NANG MALALIM NA PAGHINGA. "All I need from you is to show a little bit of care to me because I am doing my best for you."Sa muli ay hindi kaagad nakasagot si Luca sa kabilang linya. Sandali itong natahimik. Kung hindi niya naririnig ang tilaok ng mga manok sa background nito ay iisipin niyang binabaan na siya nito ng telepono. Hanggang sa... "Subukan mong manghiram kay Riza, siguradong may ipon iyon. Kapag nakabalik na ako sa Maynila ay maghahanap ako ng trabaho at babayaran kita. Nang sa ganoon ay hindi mo ako sinusumbatan nang ganito. And that way, you wouldn't have to be so bitchy towards me." Iyon lang at tinapos na ng ina ang tawag. Umikot ang mata niya sa ere. Bitchy ba iyong nanghihingi siya ng kaunting kalinga rito? Kung tutuusin ay hindi dapat hinihingi ng isang anak sa magulang ang ganoon. Dahil ang kalinga ay kusang ibinibigay. Huminga siya nang malalim. Ano pa nga ba ang inaasahan niya?S
"Ang bilis ninyong nakabalik, Boss ah?" salubong ni Roy pagkapasok ni Kyle sa opisina. Kababalik lang nito mula sa pagdeliver ng pizza sa tatlong magkakahiwalay na locations. "I beat the red light," ani Kyle saka dumireso sa sofa sa at naupo roon. "Nagkaubusan ng staff ngayon dahil sa dami ng orders, kaya pasensya na kung naabala rin namin kayo, Boss," ani Roy habang nagkakamot ng ulo. Roy was the manager of the Sucat branch, at isa sa mga pioneer staff ng pizzeria. "Don't worry about it. Mas maganda ang ganito kaysa walang benta," sagot niya saka sumandal sa sandalan ng couch. He closed his eyes in an attempt to relax, but the moment he did, all he saw was the chinky-eyed maiden that he met almost an hour ago. A smile formed his lips. What a fierce woman, he thought. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa araw na iyon at napakaraming orders na natanggap ang Sucat branch. Madalas naman talagang marami ang umo-ord
NATIGILAN SI MIYU nang isang umaga ay may makitang malaking bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng coffee table sa sala. Kinunutan siya ng noo bago naglakad patungo sa kusina kung saan inabutan niya ang Tita Riza niya na nagpi-prito ng hotdog at itlog. Sabado ang araw na iyon at pareho silang walang pasok."Morning, Tita. Ano'ng meron at may bulaklak sa sala?"Bahagya lang siya nitong nilingon. "Hindi mo ba tiningnan? Galing kay Armand ang bouquet na iyon."Naupo siya sa harap ng mesa at nangalumbaba. "Ayaw talaga akong tigilan ng isang iyon kahit alam niyang may kasintahan na ako.""Hanggang hindi ka ikinakasal ay hindi siya titigil sa panunuyo sa iyo. At hindi siya naniniwalang kasintahan mo ang lalaking iyon." Pinatay muna ng Tita Riza niya ang stove bago lumapit sa kaniya bitbit ang coffee maker. Sinalinan siya nito ng kape sa mug niyang kanina pa sa ibabaw ng mesa. "O, magpainit ka muna ng sikmura.""Paano mo nasabing hindi siya naniniwala na kasintahan ko ang lalaking ipinakilala ko s
"Hey! You in a black turtle neck shirt!" malakas niyang sigaw na ikinalingon ng lahat ng naroon sa lobby ng building. The man stopped and looked down, checking his sweatshirt, before turning and searching the crowd. Nang tumama ang tingin nito sa kaniya ay napigil niya ang paghinga. This guy is indeed good-looking, she thought. Not just good-looking, but extremely. Bakit sa pizza delivery service lang siya pumasok? Hindi naman sa minamata ko ang trabahong iyon, but with the looks this guy has, I just don't understand...Noong una silang magkita nang gabing iyon sa bahay niya'y alam na niyang kay gandang-lalaki nito. Hindi lang niya inakala kung gaano. And now... Looking at him in broad daylight, nasisiguro na niyang hindi ito ordinaryo.Anak ni Bathala siguro ito...Nahinto lang siya sa pag-iisip nang makita niya ang pagsalubong ng mga kilay ng lalaki nang mapatitig sa kaniya nang husto. Nasa anyo nito na tila pilit siyang inaalala. Itinuwid niya ang sarili at humakbang patungo

"YOU'RE NOT LISTENING TO ME AT ALL, MA! Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa inyong hindi kayo pwedeng manatili rito sa Maynila? Those goons will hunt you down unless we pay them off! Gusto niyo ba'ng tambangan kayo?" Kanina pa mainit ang ulo ni Miyu. Kaninang-kanina pa. At kanina pa niya gustong ibagsak ang cellphone sa inis sa kausap. Pero hindi niya magawa dahil ang kausap niya sa kabilang linya ay ang nag-iisa niyang ka-dugo, ang mama niya, na wala nang ibang ginawa kung hindi bigyan siya ng sakit ng ulo. "Pero nabu-buryong na ako rito sa probinsya, Miyu. Wala man lang mapag-libangan dito, gusto ko nang bumalik sa Maynila," anang Mama niya, nasa tinig din ang inis. "Wala pa sa kalahati ng inutang mo kay Mr.Cheng ang nababayaran ko. Malinaw niyang sinabi na huwag kang magpapakita hanggang sa hindi pa nababayaran ang lahat ng perang hiniram ninyo sa kaniya, otherwise, his men will hunt you down." "He's just bluffing, gusto lan