Home / Romance / YOU AND ME, TOGETHER / 003 - Kyle Padrepio

Share

003 - Kyle Padrepio

Author: TALACHUCHI
last update Huling Na-update: 2022-09-19 15:32:37

            "Ang bilis ninyong nakabalik, Boss ah?" salubong ni Roy pagkapasok ni Kyle sa opisina. Kababalik lang nito mula sa pagdeliver ng pizza sa tatlong magkakahiwalay na locations.

            "I beat the red light," ani Kyle saka dumireso sa sofa sa at naupo roon.

            "Nagkaubusan ng staff ngayon dahil sa dami ng orders, kaya pasensya na kung naabala rin namin kayo, Boss," ani Roy habang nagkakamot ng ulo. Roy was the manager of the Sucat branch, at isa sa mga pioneer staff ng pizzeria.

            "Don't worry about it. Mas maganda ang ganito kaysa walang benta," sagot niya saka sumandal sa sandalan ng couch. He closed his eyes in an attempt to relax, but the moment he did, all he saw was the chinky-eyed maiden that he met almost an hour ago. A smile formed his lips.

            What a fierce woman, he thought.

            Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa araw na iyon at napakaraming orders na natanggap ang Sucat branch. Madalas naman talagang marami ang umo-order ng pizza nila simula nang buksan niya iyon ilang taon na ang nakararaan, pero iba ang nangyari sa araw na iyon. Marahil dahil pay-day, o dahil sarado ang ibang kalye dahil under construction kaya hindi makalabas ang ilan sa mga taga-roon? Eitherway, it was good for his business.

            Pero dahil abala ang branch at hindi pa nakababalik ang lahat ng mga delivery guys nila ay nag-presenta na lang siyang ihatid ang ibang orders, tutal ay naroon na rin naman siya. Buti na lang din at dala niya ang motorbike niya. At pinili niyang dalhin iyon nang araw na iyon dahil nalaman niyang sarado ang ilang mga kalye sa area dahil sa ginagawang construction sa daan. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit natagalan ang pagbalik ng mga delivery guys matapos maghatid ng mga naunang orders. He didn't want his customers to wait, so he decided to just get those orders delivered to them. He wanted to exceed his customer's expectations, he wanted his pizzeria to be the best in town not only with the quality of food they sell, but also with the service they offer.

            He owned a big pizzeria company in the country. Noong una'y napagkatuwaan lang niyang magtayo ng negosyo nang makapagtapos sa college kasosyo ang matalik na kaibigan na tulad niya'y anak din ng kilalang businessman. He used his Italian grandmother's pizza recipe, at hindi niya inasahang papatok iyon sa masa. Sa loob lamang ng isang taon ay naging kilala ang produkto nila sa buong Pilipinas hanggang dumami ang mga branches sa Luzon. After a few more years, ang Father Pio Pizza ay mayroon nang mahigit isang daang branches sa buong bansa.

            "Aba'y parang may magandang nangyari sa pag-alis ninyo, Boss ah?" pukaw ni Roy sa iniisip niya. Nakita marahil nito ang sumilay na ngiti sa kaniyang mga labi kaya hindi napigilang mag-komento.

            "Sort of," he said, smiling widely still. Hindi niya maintindihan kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya.

            "Naku, mukhang tsiks."

            He chuckled and opened his eyes to start talking about it when suddenly, he heard his phone ring. Tumuwid siya ng upo at dinukot ang cellphone sa backpocket. Nang makita ang pangalan ng nakababatang kapatid sa screen ay kaagad niyang sinagot ang tawag,

            "To whom do I owe this call, brat?"

            "Oh, shut up. Lagi akong tumatawag sa iyo na lagi mo ring hindi sinasagot," reklamo ng kapatid sa kabilang linya.

            He smiled wryly. Napasulyap siya sa pinto ng opisina nang lumabas mula roon si Roy. "Anong oras na ngayon d'yan sa Atlanta?"

            "Six-thirty in the morning. Oh, I'm still sleepy."

            "Why did you wake up so early, then?"

            "I have an early class, sasakalin ako ng professor ko kapag lumiban na naman ako. Anyway, gusto ko lang itanong kung ano'ng petsa ng wedding anniversary nina Mom and Dad? I remember it's next week but I forgot the exact date."

            "My heart bleeds for our parents. Ang bunsong anak nila'y nakalimutan ang isang mahalagang araw," tudyo niya rito.

            "I don't need your sarcasm, it's too early and I haven't had my coffee yet. Nasa harap ako ngayon sa laptop ko, searching for any seat sale ticket and I need to know the exact date of the event. Dali na."

            "Seat sale..." Napailing siya. "The only thing I like about you is that you are too stingy despite the wealth."

            "Are you going to give me the date, Kyle?"

            "It's on the 6th. Friday next week."

            "Great. Want me to bring something nice for you, big brother?" Nasa tinig nito ang panunukso. Humigit-kumulang ay alam na niya ang gusto nitong ipahiwatig.

            "I don't need another match-making date, so beat it. H'wag ka na namang magdadala ng kaibigang ipakikilala. I don't want you to trigger Mom's excitement about having a daughter-in-law."

            "Ugh," Loreen uttered on the other line. And he smiled because he could imagine her rolling her eyes. "You're thirty-two now, big bro. Natural na ma-excite sina Mom and Dad na makilala ang babaeng pakakasalan mo. I want to see your little munchkins running around the house kapag umuuwi ako. I don't understand kung bakit hanggang ngayon ay ayaw mo paring magseryoso sa mga nagiging babae mo. Pinakilala ko na halos lahat ng mga kaibigan ko sayo pero ni isa sa mga iyon ay ayaw mong kilalanin nang husto—"

            "Your friends are too boring for my taste, Loreen."

            Sandaling natigilan si Loreen bago humagalpak ng tawa. Muli siyang napangiti roon. He and his younger sister were really close at alam na nito kung gaano siya ka-tinik sa mga tsiks.

            Nasa America ang kapatid niya para mag-aral at nasa huling taon na sa kursong Commercial and Advertising Art. She had been living alone in Atlanta for five years now, subalit kada anim na buwan ay umuuwi ito ng Pilipinas. At sa bawat pag-uwi nito ay lagi itong may dalang kaibigan na ipinapakilala sa kanya. There were Caucasians, Latinas, and some pretty black women. Hindi siya interesedo sa mga ipinakilala ng kapatid dahil maliban sa ayaw niya sa mga may dugong banyaga ay hindi siya na-i-impress sa personality ng mga ito. Pinagbibigyan lang niya ang kapatid na dalhin sa dinner ang mga kaibigan nito, pero hanggang doon lang. The next day, he would disappear from their house and stay at his condo unit until his sister goes back to the states.

            Ngayong pauwi na naman ito para daluhan ang wedding anniversary ng mga magulang nila ay kailangan na naman niyang maghanap ng dahilan para hindi umuwi sa mansion. Siguradong hindi siya tatantanan ng ina at ng kapatid na i-date ang dadalhing kaibigan ni Loreen. And he didn't want to be forced into dating a woman. He always wanted it to be natural, hindi pilit.

            Kung tutuusin ay hindi naman niya kailangan ng kasintahan, lalo na ng asawa. He knew where to find women who were willing to be with him without getting into a relationship. There were women willing to hook up without any commitments, kaya bakit niya kakailanganin pang magkaroon ng kasintahan o asawa? Kung apo lang din ang gusto ng nanay niya'y ibibigay niya. Napakaraming paraan. Marriage was excluded.

            "Anyway, I'm going to be late for my class. I'll call you again once I have booked my flight. See you soon, big bro. And be prepared; sisiguraduhin kong magugustuhan mo ang new set of recommendations ko."

            Nang mawala sa linya ang kapatid ay napabuntong hininga siya. Base sa huling sinabi ng kapatid, mukhang hindi lang iisa ang dadalhin nitong kaibigan pauwi ng Pinas. At kapag ganoon, siguradong magkakandarapa na naman ang nanay nila sa pagse-set ng dinner para sa kaniya at sa mga kaibigan ni Loreen.

            Damn it. Gustuhin man niyang hindi umuwi sa susunond na linggo ay hindi maaari. Magtatampo ang mga magulang niya kapag hindi siya sumipot sa wedding anniversay party ng mga ito.

            Muli siyang napasandal sa couch, ipinatong ang ulo sa mga braso, saka napatitig sa kisame.

            I need to do something to stop Lorreen from pestering me with her recommendations. But how..?

*

*

*

            "Nabalitaan ko ang tungkol sa pagpapakilala mo ng boyfriend kay Armand noong nakaraang gabi.”

            "Pati ba naman iyon ay nakakarating sa inyo?" ani Miyu sa ina na nasa kabilang linya. Pagod siya galing sa trabaho at saktong pagtapak niya sa bahay ay nag-ring ang cellphone niya. Lalo siyang nakaramdam ng pagod nang makita ang pangalan ng ina sa screen.

            Bilang isang graphic artist na nagta-trabaho sa isang malaking magazine company ay kinakailangan niyang mag-overtime para maihabol sa deadline ang mga files na pino-process niya, at kung kinakailangan ng OT para maihabol ang trabaho sa deadline ay ginagawa niya. Katulad na lang ng araw na iyon; it's past ten in the evening at kauuwi pa lang niya.

            "Naging kaibigan ko ang Mommy ni Armand at mabait siya sa akin kaya alam ko ang—"

            "Yes, alam kong nakakasama mo ang nanay ni Armand sa casino." Hinagod niya ang sentido para matanggal kahit papaano ang sakit ng ulo. "Kaya nagtataka ako kung bakit kay Mr. Cheng ka nanghiram ng pera samantalang mas mayaman si Mrs. Regis sa kaniya."

            "Gusto kong mag-usap tayo tungkol sa inyong dalawa ni Armand at hindi tungkol sa utang ko."

            "Totoong may boyfriend na ako. Ano ngayon?"

            "Saan mo nakilala ang lalaking iyon? Sa loob ng mahabang panahon ay umasa kaming si Armand ang makakatuluyan mo."

            "Hindi na mahalaga kung saan ko siya nakilala, ang mahalaga ay mahal namin ang isa't isa at iyon ang kailangang tanggapin ni Armand."

            "Na-di-depress daw ngayon si Armand, anak. Bakit hindi mo—"

            "My God, Ma! Bakit hindi ikaw ang pumunta roon kay Armand at aluin siya?"

            Nang hindi sumagot ang ina ay nagpatuloy siya,

            "Bakit ba lagi mong ipinararamdam sa akin na responsibilidad ko ang damdamin ni Armand? Hindi ko naman sinabi sa kaniyang mahalin niya ako at maghintay siya sa akin? Lalong hindi ko sinabi sa kaniyang may pag-asang maging kami! Kaya bakit responsibilidad kong aluin siya dahil nalulungkot siya matapos malamang may ka-relasyon na ako?" Humugot siya nang malalim na paghinga. Wala na nga siyang kain at pagod na pagod pa'y heto na naman, masisira na naman ang gabi niya. "I love someone else, Ma. At seryoso kami sa relasyon namin.Kaya please lang; hayaan mo na ako at ang karelasyon ko."

            Gusto niyang tayuan ng balahibo sa kasinungalingan. Pero mas maigi nang magsinungaling siya kaysa ituloy ng nanay niya ang pagbubugaw sa kaniya kay Armand.

            "Ano ba ang ayaw mo kay Armand, anak?" Sandaling lumambot ang tinig ng ina. Katulad ng inasahan niya'y binalewala na naman nito ang hinaing niya.

            "Una sa lahat, pangit siya—"

            "Miyu!" Suway ng ina na ikina-ikot ng eyeballs niya.

            "Pangalawa, pangit ang ngipin niya. Pangatlo, ayaw ko ang pagiging obssess niya masyado sa akin. Darating sa puntong masasakal ako sa relasyon namin kung siya ang makakatuluyan ko."

            Huminga nang malalim ang ina sa kabilang linya. "Nakausap ko kaninang umaga ang mommy ni Armand at sinabi niyang handa niya tayong tulungan sa naging utang ko kay Mr. Cheng basta pumayag ka lang na makipag-date kay Armand—"

            "Binubugaw mo talaga ako sa pamilya ni Armand, ano, Ma?" Lalong lumaki ang hinanakit niya sa ina.

            "Hindi naman sa ganoon—"

            "Kung magkaibigan kayo ng mommy ni Armand ay tutulungan ka niya nang walang hinihinging kapalit. At tigil-tigilan ni'yo na ako r'yan sa pagma-match-make ninyo sa akin at kay Armand. Kung magugustuhan ko siya ay sana noong college pa kami. At Diyos ko naman, kasasabi ko lang na may ka-relasyon na ako! Kapag hindi pa kayo titigil ay talagang maglalayas na ako at makikipagtanan sa boyfriend ko!"

            Inis niyang tinapos ang tawag at pinatay ang cellphone. Nasisira talaga ang araw at gabi niya kapag nakakausap ang ina.

            Inis niyang hinablot ang wallet mula sa bag at padabog na lumabas ng bahay. Dire-diretso siya sa maliit na gate, binuksan iyon, at pahampas na inisara bago nagmartsa patungo sa tindahan ni Aling Marites sa tawid ng kalsada.

            Bibili siya ng beer.

            Magpapakalasing na lang siya sa gabing iyon para sandaling makalimutang may nanay siyang walang ibang pinahahalagahan kung hindi pera at sugal.

            "Nakasimangot ka na naman," nakangising bati ni Aling Marites nang marating niya ang munting tindahan nito. May yosi sa bibig nito na hindi nakasindi, ang ulo ay napuno ng curlers. Nakaupo ito sa loob at nagbabasa ng magazine habang binabantayan ang tindahan.

            "Dalawang litro ng sumisipa, Aling Marites," aniya, hindi pinansin ang unang sinabi nito.

            "Naku, huhulaan ko. Nagtalo na naman kayo ng nanay mo, ano?" Tumayo ito at tinungo ang refrigerator sa sulok.

            Napabuntong-hininga siya saka nangalumbaba sa sementadong counter ng tindahan. "Nakakapagod maging anak ni Luca, Aling Marites. Amponin mo na nga ako."

            Bumungisngis ito saka binuksan ang fridge at naghanap ng beer. "Boypren ang hanap ko, hindi anak. Aba'y laking tuwa ko ngang nasa abroad na ang unico hija ko, wala na akong aasikasuhin kung hindi sarili ko."

            Napanguso siya. Alam niyang nagsisinungaling ito. Madalas niya itong makitang naluluha habang kausap sa videocall ang anak na nakapag-asawa ng 'Kano kaya nasa ibang bansa. Alam niyang nami-miss na rin nito si Bibi, ang nag-iisa rin nitong anak sa pagkadalaga.

            "Alam mo, kung ako sa'yo, ay mag-asawa ka na lang at layasan na iyang nanay mo," suhestiyon pa nito habang inilalabas ang dalawang bote ng beer mula sa fridge. "Mag-asawa ka ng porendyer at umalis sa bansa nang sagayon ay hindi ka mahabol ng nanay mo."

            Lalong nanulis ang nguso niya. "Ayaw ko ng afam. Gusto ko ng lalaking kahit simple lang ang buhay ay alam kong magiging masaya ako. Kahit hindi mayaman, basta..." Natigilan siya nang may imaheng unti-unting gumuhit sa isip niya.

            Imahe ng lalaking nakasakay sa malaking motorbike at may bitbit na malaking box ng pizza. Pogi, matangkad, at mukhang mabango.

            "Kahit hindi mayaman, kahit delivery boy pa 'yan ng Father Pio Pizzeria, basta mahal ko at mahal din ako," nakangisi niyang wari na ikina-ismid ni Aling Marites.

            "Kuu, batang ire! O heto na ang beer mo, magpakalunod ka na!"

Kaugnay na kabanata

  • YOU AND ME, TOGETHER   004 – When Their Eyes Met, Her Heart Just Melted

    NATIGILAN SI MIYU nang isang umaga ay may makitang malaking bouquet ng bulaklak sa ibabaw ng coffee table sa sala. Kinunutan siya ng noo bago naglakad patungo sa kusina kung saan inabutan niya ang Tita Riza niya na nagpi-prito ng hotdog at itlog. Sabado ang araw na iyon at pareho silang walang pasok."Morning, Tita. Ano'ng meron at may bulaklak sa sala?"Bahagya lang siya nitong nilingon. "Hindi mo ba tiningnan? Galing kay Armand ang bouquet na iyon."Naupo siya sa harap ng mesa at nangalumbaba. "Ayaw talaga akong tigilan ng isang iyon kahit alam niyang may kasintahan na ako.""Hanggang hindi ka ikinakasal ay hindi siya titigil sa panunuyo sa iyo. At hindi siya naniniwalang kasintahan mo ang lalaking iyon." Pinatay muna ng Tita Riza niya ang stove bago lumapit sa kaniya bitbit ang coffee maker. Sinalinan siya nito ng kape sa mug niyang kanina pa sa ibabaw ng mesa. "O, magpainit ka muna ng sikmura.""Paano mo nasabing hindi siya naniniwala na kasintahan ko ang lalaking ipinakilala ko s

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • YOU AND ME, TOGETHER   005 – The Nerve Of That Pizza Delivery Guy!

    "Hey! You in a black turtle neck shirt!" malakas niyang sigaw na ikinalingon ng lahat ng naroon sa lobby ng building. The man stopped and looked down, checking his sweatshirt, before turning and searching the crowd. Nang tumama ang tingin nito sa kaniya ay napigil niya ang paghinga. This guy is indeed good-looking, she thought. Not just good-looking, but extremely. Bakit sa pizza delivery service lang siya pumasok? Hindi naman sa minamata ko ang trabahong iyon, but with the looks this guy has, I just don't understand...Noong una silang magkita nang gabing iyon sa bahay niya'y alam na niyang kay gandang-lalaki nito. Hindi lang niya inakala kung gaano. And now... Looking at him in broad daylight, nasisiguro na niyang hindi ito ordinaryo.Anak ni Bathala siguro ito...Nahinto lang siya sa pag-iisip nang makita niya ang pagsalubong ng mga kilay ng lalaki nang mapatitig sa kaniya nang husto. Nasa anyo nito na tila pilit siyang inaalala. Itinuwid niya ang sarili at humakbang patungo

    Huling Na-update : 2022-11-03
  • YOU AND ME, TOGETHER   001 - Miyu Alcantara

    "YOU'RE NOT LISTENING TO ME AT ALL, MA! Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa inyong hindi kayo pwedeng manatili rito sa Maynila? Those goons will hunt you down unless we pay them off! Gusto niyo ba'ng tambangan kayo?" Kanina pa mainit ang ulo ni Miyu. Kaninang-kanina pa. At kanina pa niya gustong ibagsak ang cellphone sa inis sa kausap. Pero hindi niya magawa dahil ang kausap niya sa kabilang linya ay ang nag-iisa niyang ka-dugo, ang mama niya, na wala nang ibang ginawa kung hindi bigyan siya ng sakit ng ulo. "Pero nabu-buryong na ako rito sa probinsya, Miyu. Wala man lang mapag-libangan dito, gusto ko nang bumalik sa Maynila," anang Mama niya, nasa tinig din ang inis. "Wala pa sa kalahati ng inutang mo kay Mr.Cheng ang nababayaran ko. Malinaw niyang sinabi na huwag kang magpapakita hanggang sa hindi pa nababayaran ang lahat ng perang hiniram ninyo sa kaniya, otherwise, his men will hunt you down." "He's just bluffing, gusto lan

    Huling Na-update : 2022-09-19
  • YOU AND ME, TOGETHER   002 - The Handsome Pizza Delivery Boy

    HUMUGOT SIYA NANG MALALIM NA PAGHINGA. "All I need from you is to show a little bit of care to me because I am doing my best for you."Sa muli ay hindi kaagad nakasagot si Luca sa kabilang linya. Sandali itong natahimik. Kung hindi niya naririnig ang tilaok ng mga manok sa background nito ay iisipin niyang binabaan na siya nito ng telepono. Hanggang sa... "Subukan mong manghiram kay Riza, siguradong may ipon iyon. Kapag nakabalik na ako sa Maynila ay maghahanap ako ng trabaho at babayaran kita. Nang sa ganoon ay hindi mo ako sinusumbatan nang ganito. And that way, you wouldn't have to be so bitchy towards me." Iyon lang at tinapos na ng ina ang tawag. Umikot ang mata niya sa ere. Bitchy ba iyong nanghihingi siya ng kaunting kalinga rito? Kung tutuusin ay hindi dapat hinihingi ng isang anak sa magulang ang ganoon. Dahil ang kalinga ay kusang ibinibigay. Huminga siya nang malalim. Ano pa nga ba ang inaasahan niya?S

    Huling Na-update : 2022-09-19

Pinakabagong kabanata

  • YOU AND ME, TOGETHER   003 - Kyle Padrepio

    "Ang bilis ninyong nakabalik, Boss ah?" salubong ni Roy pagkapasok ni Kyle sa opisina. Kababalik lang nito mula sa pagdeliver ng pizza sa tatlong magkakahiwalay na locations. "I beat the red light," ani Kyle saka dumireso sa sofa sa at naupo roon. "Nagkaubusan ng staff ngayon dahil sa dami ng orders, kaya pasensya na kung naabala rin namin kayo, Boss," ani Roy habang nagkakamot ng ulo. Roy was the manager of the Sucat branch, at isa sa mga pioneer staff ng pizzeria. "Don't worry about it. Mas maganda ang ganito kaysa walang benta," sagot niya saka sumandal sa sandalan ng couch. He closed his eyes in an attempt to relax, but the moment he did, all he saw was the chinky-eyed maiden that he met almost an hour ago. A smile formed his lips. What a fierce woman, he thought. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa araw na iyon at napakaraming orders na natanggap ang Sucat branch. Madalas naman talagang marami ang umo-ord

  • YOU AND ME, TOGETHER   002 - The Handsome Pizza Delivery Boy

    HUMUGOT SIYA NANG MALALIM NA PAGHINGA. "All I need from you is to show a little bit of care to me because I am doing my best for you."Sa muli ay hindi kaagad nakasagot si Luca sa kabilang linya. Sandali itong natahimik. Kung hindi niya naririnig ang tilaok ng mga manok sa background nito ay iisipin niyang binabaan na siya nito ng telepono. Hanggang sa... "Subukan mong manghiram kay Riza, siguradong may ipon iyon. Kapag nakabalik na ako sa Maynila ay maghahanap ako ng trabaho at babayaran kita. Nang sa ganoon ay hindi mo ako sinusumbatan nang ganito. And that way, you wouldn't have to be so bitchy towards me." Iyon lang at tinapos na ng ina ang tawag. Umikot ang mata niya sa ere. Bitchy ba iyong nanghihingi siya ng kaunting kalinga rito? Kung tutuusin ay hindi dapat hinihingi ng isang anak sa magulang ang ganoon. Dahil ang kalinga ay kusang ibinibigay. Huminga siya nang malalim. Ano pa nga ba ang inaasahan niya?S

  • YOU AND ME, TOGETHER   001 - Miyu Alcantara

    "YOU'RE NOT LISTENING TO ME AT ALL, MA! Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa inyong hindi kayo pwedeng manatili rito sa Maynila? Those goons will hunt you down unless we pay them off! Gusto niyo ba'ng tambangan kayo?" Kanina pa mainit ang ulo ni Miyu. Kaninang-kanina pa. At kanina pa niya gustong ibagsak ang cellphone sa inis sa kausap. Pero hindi niya magawa dahil ang kausap niya sa kabilang linya ay ang nag-iisa niyang ka-dugo, ang mama niya, na wala nang ibang ginawa kung hindi bigyan siya ng sakit ng ulo. "Pero nabu-buryong na ako rito sa probinsya, Miyu. Wala man lang mapag-libangan dito, gusto ko nang bumalik sa Maynila," anang Mama niya, nasa tinig din ang inis. "Wala pa sa kalahati ng inutang mo kay Mr.Cheng ang nababayaran ko. Malinaw niyang sinabi na huwag kang magpapakita hanggang sa hindi pa nababayaran ang lahat ng perang hiniram ninyo sa kaniya, otherwise, his men will hunt you down." "He's just bluffing, gusto lan

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status