Naputol ang live broadcast."Do we really have to go this far?" tanong ni Juancho.Ang tanong niyang iyon ay idinirekta niya kay Camila.Inilipat ni Camila ang kaniyang tingin sa iba pang mga taong kasama nila sa loob ng kuwarto."What are you all standing here for? Get out!" biglang saad ni Kenneth sa mga staff at team ng live broadcast na nananatili pa ring nanonood sa eksena.Agad naman silang kumaripas lahat palabas dala ang mga camera at iba pang mga kagamitan sa pagla-live."Dominique, Monica, please..." dagdag pa niya at inilahad ang kaniyang kamay sa gawi ng pintuan.Tinulungan ni Monica si Dominique na tumayo at pagkatapos ay sabay na silang lumabas sa kuwarto. Ngunit bago iyon ay tinapunan muna ng nagmamakaawang tingin ni Dominique si Juancho, pero nabigo lamang siya dahil hindi pa rin naaalis ang tingin ni Juancho kay Camila kaya wala na siyang nagawa kundi umalis doon kasama si Monica.Napabusangot si Leila, mukhang hindi natuwa sa ginawa ni Kenneth."Miss Lopez, please...
"Welcome back, Miss Villarzon, Miss Lopez!"Pagbalik sa V&L House of Fashion, kaagad na sinalubong ng assistant ang dalawa upang batiin sa kanilang muling pagbabalik sa shop.Tumango lamang si Camila bilang tugon at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad patungo sa kanilang opisina. Bumati naman si Leila pabalik sa assistant at ngumiti. Tinulungan siya ng assistant sa pagbitbit ng maleta at sabay na rin silang sumunod kay Camila sa loob."Siya nga pala, 'wag mong kalimutang maghanda ng kape mamaya, mayroon tayong mga bisitang aasahang dumating," ani Camila sa assistant."Opo, Miss," magalang na tugon nito habang inilalagay ang maleta sa gilid.Diretso naman ang lakad ni Leila patungo sa sofa, hinubad niya ang suot na sunglasses at saka padarag na ibinagsak ang sarili roon. Humilata siya, na parang ngayon pa lang makakahigapagkalipas nang mahabang panahon.Umupo naman si Camila sa kaniyang mesa. "Lei, anong ginagawa mo? Huwag kang humilata riyan. I-organize mo na ang mga impormasyon at pumunt
Pagkatapos harapin at ayusin ni Kenneth ang nangyaring kaguluhan sa programa ay umupo siya upang magpahinga. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at agad itong minanipula. Unang bumungad sa kaniyang feed ang isang post na mukhang pinagkakaguluhan ng mga netizens. Napansin niya na ang post na ito ay mula sa isa sa mga staff ng V&L House of Fashion.Naintriga siya bigla, buong akala niya ito ay isang mahalagang anunsyo mula sa V&L, ngunit nang i-click niya ito ay nakita niya nang mas malinaw ang larawan na p-in-ost ng staff. Namilog ang kaniyang mga mata at bahagyang napaawang ang bibig dahil sa gulat.Dahan-dahang pinasadahan ng kaniyang dila ang kaniyang pang-ibabang labi. S-in-ave niya ang larawan sa kaniyang gallery at dali-daling nagpadala ng mensahe kay Juancho.To Juancho:Hulaan mo. Mayroon akong hawak ngayon na napaka importanteng larawan. Kung magbibigay ka pa ng dagdag na sampung milyon na investment sa akin, ise-send ko 'to sa'yo agad agad.From Juancho:?Tininitigan pang mab
Camila couldn't ask for more."Bahala ka, magpaka sipag ka sa pagtratrabaho hangga't gusto mo. Basta ako, pupunta pa rin sa mansyon bukas. Dadalawin ko sina Lolo Alonso at Lola Zonya at pupunan ko ang filial duty para sa ating dalawa bilang isa ka ngang napaka busy na lalaki."Nagkibit siya ng balikat."Sa tingin mo ba talaga hindi magkakaroon ng problema kung makikipaghiwalay ka sa akin? Napaka sarcastic mo pa."Bumusangot ang mukha ni Juancho, halatang hindi natutuwa."Huh?" maang-maangan ni Camila. "Sarcastic? Talaga? Ako na nga nag-offer na pagtatakpan ko ang sa ating dalawa. Dapat magpasalamat ka pa nga kasi mabait ako."Umirap si Juancho at hindi na nagsalita.Habang nagluluto sa kusina, biglang naalala ni Lola Celestina na ang isda na niluto ni Juancho noon ay masarap, kaya tinawag niya ito at sinabing magluto ulit ng gano'n. Hinikayat din niya si Camila upang tulungan si Juancho sa pagluluto.Umupo si Camila sa tabi ni Juancho at tinulungan ito sa pagbalat at paghiwa ng mga sa
Sa isa sa mga pinakasikat na open-air na restaurant sa Taguig City, nakaupo at nakikipag diskusyon patungkol sa trabaho si Camila kay Direk Castro, na maya-maya lang din ay inilipat ang atensyon sa script kasama ang ibang tao.Si Camila ay palaging nakakaramdam ng kaunting kalabisan.Sa sandaling lumipat sa kabilang mesa si Direk Castro, umupo si Marco sa tabi ni Camila dala ang dalawang baso ng wine at ibinigay ang isa sa kanya."Ito ang tinatawag na Passion Coast. I-try mo," sabi niya.Tinanggap iyon ni Camila at nagpasalamat ngunit hindi niya ininom. Bagkus ay inilapag niya ito sa ibabaw ng mesa sa kaniyang harapan.Tumikhim siya at nilingon si Marco. "Uh, Marco, mukhang wala na yatang iba pang importanteng pag-uusapan. Sa tingin ko mas mabuti pang umuwi na lang ako. Kung mayroon mang anumang problema sa trabaho, mas makabubuti kung i-aaddress natin ito sa mas maagang oras. Gabi na rin kasi. Baka nag-aalala na aa akin ang lola ko na nasa bahay ngayon. Hindi siya makakapagpahinga na
Isang low-key bugatti ang huminto sa harap ni Camila. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung sino ang lulan nito. Agad niyang nilapitan ang sasakyan ng may malamig na ekspresyon.Biglang bumukas ang pinto mula sa loob pagkalapit niya.Hinila ni Camila ang pinto pabukas at bahagya siyang yumuko upang silipin si Juancho na nakaupo sa driver's seat at magkasalubong ang dalawang kilay na diretso ang tingin sa harap."Hindi ka ba uuwi sa bahay mo ngayong gabi?" tanong niya."Get in the car," inip na inip ang malamig na boses ni Juancho.Umirap muna si Camila sa kawalan bago siya tuluyang pumasok sa loob. Kasasarado pa lamang niya sa pintuan nang bigla na lamang siyang hinigit ni Juancho sa kaniyang palapulsuhan."Anong ginagawa mo?!" Nagsimulang pumiglas si Camila.Ang malalim na mga mata ni Juancho ay punong-puno ng poot. Tinitigan niya si Camila at kahit wala pa siyang sinasabi ay unti-unti itong kumalma.Inside the small car, the lights from the roadside shone through the window.Th
Ibinaon ni Juancho ang kaniyang mukha sa leeg ni Camila. Marahan niyang dinampi ang kaniyang labi sa malambot na balat nito at ang kamay niyang nakapatong sa baywang nito ay unti-unting naging mas mapangahas.Nanatiling pikit ang mga mata ni Camila. Hinayaan lamang niya si Juancho na sa kaniyang ginagawa nang walang anumang senyales ng pagtanggi.Ang kaniyang buong katawan ay nag-iinit dahil sa mainit na hininga ni Juancho na tumatama sa kaniyang balat at sa maliliit at masuyong pagdampi ng labi nito.Dahan-dahan siyang gumalaw pagkaraan ng ilang sandali upang humarap kay Juancho. Nag-angat din ng tingin si Juancho sa kanya.“Bakit puting suit ang suot mo kanina?“ tanong niya sa medyo nanginginig na boses.Namumungay ang mga mata ni Juancho habang tinititigan niya sa mga mata si Camila. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang tingin sa malambot at mapula nitong labi.Hindi niya sinagot ang tanong nito, bagkus ay dinampi niya ang kaniyang labi sa labi nito.Napasinghap si
Mula sa mansyon ng mga Buenvenidez, tumungo si Camila sa V&L House of Fashion upang ibigay kay Leila ang deed ng bahay at pagkatapos ay pumunta na siya sa totoo niyang pakay sa araw na ito.Si Direk Castro ay magfi-film ng isang sophisticated na drama patungkol sa 'Five Barbarians' Rebellion', ang kuwento nito ay umiikot patungkol sa kasaysayan ng bansang Tsina, kaya kailangan niyang maghanap ng mga mahahalaga at angkop na impormasyon.Walang ready-made na impormasyon si Camila, kaya kinailangan niya pang bumisita sa dating paaralan upang kumonsulta sa kakilala niyang Chinese old history professor.Pagkatapos kumonsulta sa propesor sa halos buong araw ay nakalikom siya ng maraming impormasyon, ngunit hindi pa rin sapat ang mga ito. Minungkahi sa kanya ng propesor na bumisita siya sa library upang maghanap ng ilan pang mga aklat doon para sa mas masusing pag-aaral.Pagkaalis sa paaralan, nakatanggap ng tawag si Camila mula kay Juancho.“Pumunta ka sa mansyon upang kunin ang deed ng bah
“Do you think Miko likes you?“Sa halip na sagutin ni Juancho ang tanong ni Camila, isang tanong din ang ibinato niya.“Hindi ko alam. Maingat ako kapag nakikipag-interact sa mga taong nasa loob ng entertainment industry, kaya hindi ako nagpi-pay attention sa mga ganitong bagay,” totoong sagot ni Camila.Itinuturing niya lamang bilang isang kaibigan si Miko. Dalawang beses na siya nitong tinulungan, kaya naman noong nag-request ito na gusto niyang magpadisenyo ng mga kasuotan para sa kanya at sa kaniyang pamilya sa V&L, ay pumayag siya bilang isang token of appreciation.Gayunpaman, hindi niya kailanman naisip ang posibilidad ng anumang romantikong pagkakasangkot.“Patunay lang ito na hindi mo pa napapansin ang malinaw niyang pagtingin para sa iyo,” puna ni Juancho.Matapos marinig ito, bumalik ang isipan ni Camila sa ipinakikitang pag-uugali ni Miko kamakailan. Pinasingkit niya ang kaniyang mga mata subalit pinanatili ang tonong walang bakas ng anumang emosyon.“Pakiusap. Kahit gano'
The song she liked was actually a niche song.Adding to that, the gloves and the coincidence of the date made it impossible for her to convince herself that it was just happenstance.“Sayang, ang guwapo guwapo pa man din talaga ng Miko na 'yon. Siya nga pala, kumusta si Juancho... sa iyo?“ Hininaan ni Leila ang kaniyang boses.Nagnilay-nilay muna sandali si Camila bago sumagot, “Maayos naman.“Gayon pa man, sa kaniyang opinyon, ang kasalukuyang pag-uugali ni Juancho ay isa lamang pagmamahal na huli na.“Lei, magsisimula na ang trabaho ko, tawagan na lang kita ulit mamayang gabi. Ikaw na muna ang bahala riyan. Bye, see you soon!“Nang mahagip ng mga mata ni Camila na magkakasunod nang pumapasok sa loob ng sasakyan ang mga artista ay dali-dali na siyang nagpaalam sa kaibigan bago binaba ang tawag.Pinagmasdan ni Miko si Camila na tinatapos ang tawag at saka siya dali-daling humabol.“Happy New Year!“ bati niya, ang tinig niya ay umalingawngaw sa tabi ng babae.Ipinasok ni Camila ang cel
Gaya noong Pasko, maaga ring tinapos ni Direk Zaldy ang trabaho ngayong Bisperas ng Bagong Taon at nagpahanda rin siya ng dinner sa hotel para sa kanilang lahat.Kaunti lang ang ininom na wine ni Camila. Pagbalik niya sa kaniyang kuwarto ay naligo siya at napansin niyang umuulan na naman pala ng nyebe.Sa labas ng bintana, dahan-dahang bumabagsak ang mga snowflakes. Gusto niyang i-video call ang kaniyang lola, ngunit dahil sa paulit-ulit na pagtagay ay hindi na niya namalayang alas diez na pala ng gabi nang sila ay natapos. Nagpadala na lamang siya ng mensahe ng pagbati sa kanila.Sumandal siya sa bintana at nanood ng serye sa telebisyon. Habang nakakaramdam siya ng pagkahilo ay bigla siyang nakarinig ng katok mula sa pintuan.P-in-ause niya ang palabas, itinagilid ang ulo at nakinig sa paligid ng ilang sandali. Tapos ay muli na namang kumatok ang kung sinuman.Kaya naman tumayo na siya upang pagbuksan ito.Bahagya siyang nagulat nang ang lalaking hindi niya inaasahan ang tumambad sa
“Hindi pa ba naki-kuwento sa'yo ng lolo o ng lola mo ang tungkol sa mga magulang mo?“Patapos na ang kanilang jogging nang biglang magtanong si Miko kay Camila.“Hindi, e. Siguro nag-aalala sila na baka malungkot lang ako. Ramdam ko na ayaw nilang pag-usapan ang tungkol doon, kaya hindi na rin ako masyadong nagtatanong. Mabuti na rin 'yong gano'n,” marahang humingal si Camila.“Hmm...“ si Miko.Unang tumungo sa lobby ng hotel si Camila dahil naiwan pa si Miko sa labas, na nakakunot ang noo.Bilang pinsan ni Camila, wala pa bang nasasabi si Juancho sa kanya patungkol sa kaniyang mga magulang?Naghihintay si Juancho kay Camila sa lobby. Sa panamagitan ng mga pintong babasagin, napansin niya si Miko sa labas na tila malalim ang iniisip.“Parang ang dami dami ninyong pinag-uusapan ni Miko. Anong sinabi niya sa'yo?“ tanong niya nang makalapit sa tabi niya si Camila.“Wala ka na ro'n. Siya nga pala, malapit nang mag Bagong Taon. Hindi ka pa ba uuwi para sa holiday?“Pinunasan ni Camila ang
Alam ng lahat na sina Juancho at Camila ay magpinsan na sobrang malapit sa isa't-isa. At na mahal na mahal ni Juancho ang pinsan niyang ito, na para bang sarili niya itong buhay.Sa pag-aalala niya na magkasakit ito dahil sa sobrang lamig, gumatos siya ng malaking halaga para lamang makapagpatayo ng isang heated carriage house para sa crew. Sa tuwing magsisimula ang kanilang trabaho, sinisindi na rin ang electric heater sa loob, na siyang nagpapanatili ng mainit na temperatura sa paligid.Hindi inasahan ni Camila na pupunta rito si Juancho ng personal, at ang presensiya nito ang nag-iwan sa kanya ng hindi masyadong komportableng pakiramdam.Habang unti-unting nagkakahiwa-hiwalay ang crew, si Camila at si Juancho naman ay pumasok sa loob ng carriage.“Hindi ka ba busy para sa annual meeting?“ tanong ni Camila na dumiretso sa kaniyang upuan at doon umupo.“Tapos ko nang asikasuhin 'yon, kaya puwede akong mag-stay dito hanggang sa Bisperas ng Bagong Taon,” sagot ni Juancho sa malumanay n
Mabilis na kinausap ni Camila ang iba pang mga artista bago sila naglakad patungo sa hindi gaanong malayo sa banda kung nasaan ang trak, tumayo sila doon at nakipag-kuwentuhan sa bawat isa.Pagkaraan ng ilang sandali, biglang nag-ring ang kaniyang cellphone.Nang makita niyang si Juancho ang tumatawag ay pinindot niya ang answer button at dahan-dahang naglakad palayo sa grupo ng mga artista.“Anong problema?“ Malamig ang kaniyang boses.“Miko's online account is about to be exposed. Doesn't the crew know anything about it?!"May dalang bakas ng galit ang boses ni Juancho.Kaagad na naging alerto si Camila. “Bakit? Anong nangyari?““Nag-post si Andi ng isang picture ng gloves na binili ni Miko a few days ago sa X. May p-in-ost din si Miko sa X tungkol sa parehong gloves. Can you guess what the result will be?“ tanong ni Juancho.Mag-aassume ang mga netizens na magkarelasyon ang dalawa... Mali, nabanggit nga pala ni Andi na ipinahiram lang sa kanya ni Camila ang gloves, ibig sabihin kay
“S-sandali lang...“Tumalikod si Camila para umalis na sana, kaso bigla niyang marinig ang namamaos na pagpigil sa kanya ni Miko.Lumingon siya upang tingnan ito.May sinenyas si Miko sa kaniyang assistant, na agad namang nakuha ng huli dahil binaba niya kaagad ang hawak na baso at dali-daling lumabas sa silid upang iwanan silang dalawa.“Uh, ako na ang kukuha ng tubig mo,” sambit ni Camila habang naglalakad na patungo sa water dispenser.Pinanood lamang siya ni Miko at tahimik na naghintay hanggang sa maiabot sa kanya ang tubig bago nagsalita.“Salamat. Ano palang dala mo?““Chicken soup. Pinaluto ko sa cook ng hotel na ito para sa'yo,” tugon ni Camila. Hinila niya ang isang silya patungo sa tabi ng kama bago kinuha ang dala niyang pagkain sa mesa.“Gusto kong kumain,” ani Miko bago umubo-ubo ulit.Nag-hum si Camila bilang tugon, umupo siya sa tabi ng kama at binuksan ang dala niyang pagkain.Dahan-dahang hinigop ni Miko ang sabaw, na maya't-maya ay sinisingitan ng pag-ubo hanggang s
Mula sa likuran, niyakap ni Juancho si Camila at ipinahinga ang kaniyang baba sa balikat nito.“I'm sorry... Sinabi mo sa akin na mahalaga sa iyo ang aking opinyon at umaasa kang sasang-ayon ako. Naging seloso ako at ginawa kitang malungkot. Huwag ka nang magalit, okay?"Sumimangot si Camila at bahagyang pumiglas upang makawala mula sa pagkakayakap sa kanya ni Juancho. Walang imik siyang tumayo at naglakad patungo sa kama. Inangat niya ang makapal na kumot at humiga.“Gusto kong matulog. Huwag kang maingay,” saad niya bago nagtalukbong.Wala siya sa mood para makipag-usap pa ulit kay Juancho.Habang lalo siyang nahuhumaling sa ipinakikitang kabaitan ni Juancho, lalo ring nagiging madali para sa kanya na kalimutan ang tunay niyang lugar sa puso nito.Noon, kapag may sinabi si Juancho, sinusunod niya agad nang walang reklamo.Ngayon, natagpuan niya ang kaniyang sarili na naging makitid ang isip sa lalaki dahil lang sa ipinamamalas nitong kabaitan sa kanya.Sumimangot si Juancho. Naglaka
Sa sumunod na umaga, ni-notify ni Direk Zaldy ang lahat na magkakaroon sila ng day off para sa araw na ito.Sabik na sabik na tumakbo si Andi patungo sa kuwarto ni Camila upang maki-tsismis.“Alam mo ba nabalitaan ko na nasa labas daw si Miko at nagbabad sa snow kagabi. Basang-basa ang buo niyang katawan at naging purple na rin ang kulay ng balat niya dahil sa lamig. Tapos ayon hinila siya ni direk pabalik sa loob ng hotel, na galit na galit, at pinagalitan siya ng bongga,” balita ni Andi habang ang kaniyang mga mata ay nanlalaki dahil sa pananabik.Sa ganito niyang edad na masiglang masigla pa siya, nakikita niya ang mga kuwentong gaya nito na nakakaaliw. Kumikislap pa ang kaniyang mga mata habang siya'y nagsasalita.Kumunot ang noo ni Camila. “Baka gano'n lang talaga ang mga artista?“ nalilito niyang turan. Hindi niya lubos na maintindihan.Lumukot ang mukha ni Andi.“Ginawa ba niya iyon dahil may gagawin siyang eksena kung saan ang karakter ay nasa bingit na ng kamatayan? Did he pu