Napansin ni Juancho ang pagbabago sa mga mata ni Camila. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Kenneth na baka hindi siya nito mahal kaya lalong lumalim ang kunot sa kaniyang noo."Kung hindi siya hihingi ng tawad sa harap ng publiko, mas mabuti pang kalimutan mo na lang na magdidisenyo pa kami para lang sa kanya. Dahil maniwala ka man o hindi—kayang-kaya kong gupit-gupitin ang bawat piraso ng mga kasuotan na gawa na."Ang malamig na tingin ni Camila ay napalitan at naging walang interes."You're that determined to oppose her?" Matigas ang tono ni Juancho. "Fine, I'll—""I don't want to hear it!" mabilis na putol sa kanya ni Camila, na tumataas ang boses. "Matagumpay ang V&L ngayon dahil sa magandang reputasyon na binuo ni Sunshine. Ang ginawa ni Dominique ngayong araw ay hindi lamang isang simpleng personal na pag-atake, pananabotahe rin iyon ng karera! Ang paninira sa kabuhayan ng isang tao ay para na ring pagpatay sa tao mismo. Naiintindihan mo man lang ba iyon, huh?!""Tungkol ba 'to
Masama ang timpla ni Camila nang makarating siya sa kuwarto ni Leila. Pagkabukas niya sa pinto ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang kaniyangkaibigan na tahimik na nakaupo sa sofa, tila malalim ang iniisip kaya hindi siya napansin.Pagkarinig ni Leila na sumaradong pinto ay para siyang biglang natauhan at bumalik sa realidad. Agad siyang tumingin kay Camila. "Anong sabi ni Juancho?"Bumuntonghininga si Camila."Sinabi niya na kakausapin niya raw si Dominique para humingi ng tawad at na kailangan daw ay siya pa rin ang magiging modelo natin. Pero ayaw ko na talaga, Lei," sagot niya sabay tamad na umupo sa tabi ni Leila.Malamig ang malasalamin niyang mga mata.Itinuon ni Leila ang kaniyang buong atensyon kay Camila."Anong binabalak mo? Kakalabanin mo si Dominique? Hindi naman kaya sa V&L ibuhos ni Juancho ang galit niya dahil diyan?""Lei, hindi mo ba naiisip? Na kaya hinahayaan lang natin na kontrolin tayo nina Juancho at Dominique ay dahil sa takot natin na maungkat ang
[Dapat ay mag-disenyo si Sunshine ng live upang patunayan ang kaniyang mga kakayahan, nang sa gayon ay makumbinsi niya ang mga manonood na nagdududa na sa kanya. Kung hindi, talagang hindi siya karapat-dapat para sa premyo!]Iyan ang komento ng isang netizen na nakakuha ng maraming reaksiyon mula sa iba pang mga manonood. Karamihan ay sumasang-ayon sa kaniyang komento.Nakita ng direktor na patuloy pa rin ang pagdagsa ng reaksiyon ng mga netizens, kaya't humingi na siya ng payo kay Kenneth."Hayaan mo lang silang gumawa ng ingay. Ang fashion show ay tuloy pa rin mamayang alas dos. Sa ngayon, mag-enjoy ka na lang munang kumain ng pananghalian at pagkatapos ay sabihan mo ang mga modelo na simulan na ang paghahanda. Bilisan ang pagmi-make up. Hindi puwedeng ma-delay ang umpisa ng show," simpleng sagot ni Kenneth pagkatapos niyang marinig ang hinaing ng direktor.Abala siya sa pagsuri at pagsukat sa laki ng isang pares ng pambabaeng sapatos sa mga sandaling iyon.Sinulyapan ng direktor an
Tinapunan muna ng tingin ni Juancho si Camila bago niya nilingon si Dominique na nakatayo sa kaniyang likuran. "Speak for yourself," aniya.Humakbang si Dominique paalis sa likuran ni Juancho at tuluyan nang nagpakita sa kanila. Tiningnan niya si Camila at pagkatapos ay si Leila."Miss Lopez, I'm really sorry. Hindi ko talaga alam kung ano ang ginawa ni Miss Sales. Noong binanggit ko sa kanya ang tungkol sa bag, nakita ko na sobrang gustong-gusto niya talaga ito, kaya ibinenta ko na lang sa kanya sa mas mababang presyo. Pero hindi ko akalain na ibebenta niya rin pala ito sa iba, gamit pa ang orihinal na presyo..." paliwanag niya.Kinagat ni Monica ang kaniyang pang-ibabang labi at nanatiling tahimik.Sa hula ni Camila, kaya nananatiling walang angal si Monica ay dahil baka sinusubukan niyang akuin ang lahat ng kasalanan.Nag-angat ng kilay si Leila at dumapo ang kaniyang paningin sa relo. "Gusto ko rin ang relo sa iyong palapulsuhan, ibebenta mo rin ba sa akin 'yan sa mababang presyo
Naputol ang live broadcast."Do we really have to go this far?" tanong ni Juancho.Ang tanong niyang iyon ay idinirekta niya kay Camila.Inilipat ni Camila ang kaniyang tingin sa iba pang mga taong kasama nila sa loob ng kuwarto."What are you all standing here for? Get out!" biglang saad ni Kenneth sa mga staff at team ng live broadcast na nananatili pa ring nanonood sa eksena.Agad naman silang kumaripas lahat palabas dala ang mga camera at iba pang mga kagamitan sa pagla-live."Dominique, Monica, please..." dagdag pa niya at inilahad ang kaniyang kamay sa gawi ng pintuan.Tinulungan ni Monica si Dominique na tumayo at pagkatapos ay sabay na silang lumabas sa kuwarto. Ngunit bago iyon ay tinapunan muna ng nagmamakaawang tingin ni Dominique si Juancho, pero nabigo lamang siya dahil hindi pa rin naaalis ang tingin ni Juancho kay Camila kaya wala na siyang nagawa kundi umalis doon kasama si Monica.Napabusangot si Leila, mukhang hindi natuwa sa ginawa ni Kenneth."Miss Lopez, please...
"Welcome back, Miss Villarzon, Miss Lopez!"Pagbalik sa V&L House of Fashion, kaagad na sinalubong ng assistant ang dalawa upang batiin sa kanilang muling pagbabalik sa shop.Tumango lamang si Camila bilang tugon at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad patungo sa kanilang opisina. Bumati naman si Leila pabalik sa assistant at ngumiti. Tinulungan siya ng assistant sa pagbitbit ng maleta at sabay na rin silang sumunod kay Camila sa loob."Siya nga pala, 'wag mong kalimutang maghanda ng kape mamaya, mayroon tayong mga bisitang aasahang dumating," ani Camila sa assistant."Opo, Miss," magalang na tugon nito habang inilalagay ang maleta sa gilid.Diretso naman ang lakad ni Leila patungo sa sofa, hinubad niya ang suot na sunglasses at saka padarag na ibinagsak ang sarili roon. Humilata siya, na parang ngayon pa lang makakahigapagkalipas nang mahabang panahon.Umupo naman si Camila sa kaniyang mesa. "Lei, anong ginagawa mo? Huwag kang humilata riyan. I-organize mo na ang mga impormasyon at pumunt
Pagkatapos harapin at ayusin ni Kenneth ang nangyaring kaguluhan sa programa ay umupo siya upang magpahinga. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at agad itong minanipula. Unang bumungad sa kaniyang feed ang isang post na mukhang pinagkakaguluhan ng mga netizens. Napansin niya na ang post na ito ay mula sa isa sa mga staff ng V&L House of Fashion.Naintriga siya bigla, buong akala niya ito ay isang mahalagang anunsyo mula sa V&L, ngunit nang i-click niya ito ay nakita niya nang mas malinaw ang larawan na p-in-ost ng staff. Namilog ang kaniyang mga mata at bahagyang napaawang ang bibig dahil sa gulat.Dahan-dahang pinasadahan ng kaniyang dila ang kaniyang pang-ibabang labi. S-in-ave niya ang larawan sa kaniyang gallery at dali-daling nagpadala ng mensahe kay Juancho.To Juancho:Hulaan mo. Mayroon akong hawak ngayon na napaka importanteng larawan. Kung magbibigay ka pa ng dagdag na sampung milyon na investment sa akin, ise-send ko 'to sa'yo agad agad.From Juancho:?Tininitigan pang mab
Camila couldn't ask for more."Bahala ka, magpaka sipag ka sa pagtratrabaho hangga't gusto mo. Basta ako, pupunta pa rin sa mansyon bukas. Dadalawin ko sina Lolo Alonso at Lola Zonya at pupunan ko ang filial duty para sa ating dalawa bilang isa ka ngang napaka busy na lalaki."Nagkibit siya ng balikat."Sa tingin mo ba talaga hindi magkakaroon ng problema kung makikipaghiwalay ka sa akin? Napaka sarcastic mo pa."Bumusangot ang mukha ni Juancho, halatang hindi natutuwa."Huh?" maang-maangan ni Camila. "Sarcastic? Talaga? Ako na nga nag-offer na pagtatakpan ko ang sa ating dalawa. Dapat magpasalamat ka pa nga kasi mabait ako."Umirap si Juancho at hindi na nagsalita.Habang nagluluto sa kusina, biglang naalala ni Lola Celestina na ang isda na niluto ni Juancho noon ay masarap, kaya tinawag niya ito at sinabing magluto ulit ng gano'n. Hinikayat din niya si Camila upang tulungan si Juancho sa pagluluto.Umupo si Camila sa tabi ni Juancho at tinulungan ito sa pagbalat at paghiwa ng mga sa
Tumayo si Camila hawak ang kaniyang pinagkainan at ang mukha ay malamig.“Paano mo malalaman? Juancho, sa loob ng nakalipas na tatlong taon na nagkasama tayo, ang dami dami ko nang sinabi sa'yo, pero kailanma'y hindi ka nagkaroon ng pakialam. Pagod na ako at ayaw ko nang magsabi pa. Gusto mong malaman ngayon, pero alam mo sa tingin ko wala na rin namang silbi pa.“Naglakad siya patungo sa loob ng kusina at sinimulang hugasan ang kaniyang pinagkainan, pati na rin ang mga iba pang nagamit sa pagluluto kanina.Patapos na siya sa ginagawa nang bigla niyang naramdaman na pumulupot ang mga braso ni Juancho sa kaniyang baywang at marahan siyang niyakap mula sa likuran.Masuyong hinalikan ni Juancho ang kaniyang tainga na bahagyang nagpakiliti sa kanya ngunit hindi niya pinahalata.“Camila, sabihin mo nga sa akin, sa nakalipas na tatlong taon—““Kung gusto mong makipag-sex, dalian mo na. Huwag mong i-delay ang pagtulog ko. Kailangan ko pang bumangon nang maaga bukas,” putol ni Camila gamit an
“Juancho, bro, bakit hindi mo na lang hayaan si Assistant Villarazon na sumakay sa sasakyan ni Mr. Santos? Bukod sa sila ang magti-treat sa atin, mas makakapag-usap din sila tungkol sa trabaho habang nasa biyahe.“Sa sandaling iyon, hindi na napigilan ni Kenneth ang magsalita.Tinapunan ni Juancho ng tingin ang kaniyang kaibigan at napansin niya ang desperado nitong tangkang pagbibigay ng senyas. Kalaunan ay binitiwan niya ang kamay ni Camila.Sinalubong ni Camila ang kalmado niyang tingin bago sinundan si Marco sa labas.Bahagyang napaawang ang bibig ni Kenneth sa nasaksihan. Hindi niya inaasahang ganoon na lang kabilis umalis si Camila para sumunod sa ibang lalaki. Nang tuluyan nang makalabas si Camila ay bumalik ang tingin niya kay Juancho.Ang mukha ni Juancho ay nanatiling walang nakabakas na emosyon, tila tinatago ang tunay na damdamin. At dahil dito, hindi maiwasan ni Kenneth ang makaramdam ng pagkabahala.“Juancho...“ mahinang tawag niya.“Sa sasakyan na lang tayo mag-usap,” m
Pagkatapos ibaba ni Camila ang tawag ay nginitian niya ang assistant na may hawak ng kaniyang cellphone sa oras na iyon. “Kapag tumawag ulit siya, 'wag mo nang sabihin sa akin. Ikaw na ang bahalang sumagot.“ Ibinalik niya ang cellphone sa assistant at saka siya bumalik sa loob ng opisina kung saan sila nag-uusap ni Marco, naantala lamang sandali dahil sa tumawag.Narinig ng assistant ang pag-uusap ni Camila at ng taong nasa kabilang linya kanina. Napailing-iling siya sa kawalan.“Wala pa namang asawa si Miss Villarazon. Bakit niya ito tinatawag na sister-in-law? Lakas ng trip,” bulung-bulong niya sa kaniyang sarili.Sumulyap siya kay Marco na nakikipagkuwentuhan kay Camila sa loob ng opisina at isang ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga mata.Bagaman ang show ay ginawang sikat na loveteam sina Camila at Juancho, ang assistant naman ay isang die-hard romantic. Mas gusto pa rin niya ang totoong pag-ibig, hindi iyong palabas lang. Iyong tungkol sa ginawa ni Juancho na binilihan niya pala ng
Paghinto ng sasakyan sa harap ng store, hindi pa rin in-unlock ni Juancho ang mga pinto. Sa halip, bumaling siya kay Camila at sinabing, “Ang kooperasyon sa pagitan ng V&L House of Fashion at ni Marco Santos ay dapat na ma-terminate agad sa lalong madaling panahon. At iha-handle ni Kenneth ang liquidated damages.““Kung magdadagdag ka rin lang ng mga kondisyon para gumawa ng mga konsesyon, 'wag ka nang mag-abalang magsabi pa,” sagot ni Camila sabay abot sa door handle ng sasakyan para mabuksan ito.Nang mapagtanto niyang naka-lock ito ay tinapunan niya ng tingin si Juancho at huminga nang malalim.Samantalang si Juancho naman ay nanatiling mahinahon.“Camila, it’s pointless to cause such trouble. You’ve been talking about divorce repeatedly but never followed through. What are you doing now?"“Buksan mo ang pintuan, may trabaho pa ako,” utos ni Camila.“The cooperation with Marco Santos—”“Hindi ako ang may desisyon sa bagay na 'yon. Isa lang akong empleyado,” malamig na putol ni Cami
Sa gabing iyon, sa kauna-unahang pagkakataon, hindi nakipagtalik si Juancho kay Camila.Hindi siya makatulog. Ginugulo ni Camila ang kaniyang isipan. Alas tres na nang madaling araw subalit gising na gising pa rin ang diwa niya. Hindi niya lubusang maunawaan kung bakit biglang nagbago si Camila sa pakikitungo sa kanya. Matagal nang nagtratrabaho si Camila sa ilalim ng pangalan ni Sunshine. Tatlong taon pa lamang silang kasal, kaya ang pagbabago niya ay hindi nangyari pagkatapos niyang magsimula sa trabaho. Pagkaraan nang ilang oras na pagninilay-nilay, napagtanto niya na biglang nagbago si Camila magmula noong lumitaw si Dominique.Nagseselos ba siya kay Dominique?Hanggang sa unti-unti niyang naintindihan kung ano marahil ang dahilan ng mga kinikilos ni Camila kamakailan. Bumalikwas siya at tumagilid upang makaharap kay Camila na mukhang mahimbing ang tulog. Pinagmasdan niya ang mukha nito at lalo pang lumapit.Naramdaman ni Camila ang banayad na mga haplos ni Juancho sa kaniyang muk
Ni isa sa kanila ay walang nakapansin kay Juancho sa malapit."You’re being too formal again. I’ve invested a lot in this drama, and of course, I hope it will have a good reputation once it airs.“ Ngumiti si Marco.Nakaramdam ng kaginhawaan si Camila pagkatapos ng buong araw na marami siyang nagawang makabuluhan. “Ililibre kita ng meal sa susunod na araw kapag may libreng oras ako,” sambit niya sa malumanay na boses.“Paano ba 'yan, dalawang meals na ang utang mo sa akin? Ilibre mo na ako bukas ng gabi. Simpleng bonding lang. Kumain tayo ng street foods at manood ng firework displays,” mungkahi ni Marco habang sabay silang naglalakad pababa sa hagdan na mayroon lamang ilang mga hakbang hanggang sa tabi ng kalsada. “Ihatid na kita inyo. Sinadya ko talagang hindi uminom ng alak ngayon para maihatid ka. Kaya wala kang dapat ipag-alala,” dagdag niya.“Uh, okay lang. Puwede naman akong mag-taxi na lang pauwi. Salamat,” pag-aalinlangan ni Camila.“Are you being too formal again, my junior s
Hindi na hinintay pa ni Camila si Juancho na lumabas mula sa silid at tapusin ang pagpapagaan sa damdamin ni Lola Zonya. Tanging sina Kenneth at Dominique lamang ang naiwan sa pasilyo.Napatayo si Dominique mula sa kaniyang kinauupuan at agad na nilapitan si Juancho nang makita niya itong lumabas mula sa silid. “Juancho, kumusta na si Lola?“ nag-aalalang tanong niya.“No big deal. And you are not allowed to contact my grandma again next time.“ Malamig ang mga mata ni Juancho ngunit ang kaniyang tono ay nananatiling hindi nagbago.Naramdaman ni Dominique ang kaunting pagkirot ng kaniyang puso. “Juancho, matanda na si Lola, baka kailangan niya ng taong makakausap. Nandito lang ako lagi para samahan siya...“Napukaw ng kaniyang mga salita ang atensyon ni Juancho. Ang seryoso at masusi nitong pagsisiyasat ay nagdulot ng kaba sa kanya. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at kinakabahang tiningnan sa mga mata si Juancho. “B-bakit?“ mahinang tanong niya.Nakatayo si Kenneth sa malapi
Matagal na pinagmasdan ni Juancho si Lola Zonya bago nagsalita gamit ang malumanay na boses, “Lola, hindi mo na po ba ako mahal?“Agad na hinawakan ni Lola Zonya ang kamay ni Juancho pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito.“Anong pinagsasabi mo, apo? Simula noong bata ka pa ako na ang nag-alaga sa'yo. Paanong hindi na kita mahal? Ang hinihiling ko lang naman sa kanya ay magkaroon na kayo ng anak dahil gusto kong maging masaya ka, hindi para ipahamak siya o anuman. Ngayon, malusog pa ako kahit papaano kaya maalagaan ko pa ang magiging apo ko sa'yo. Pero paano kung dumating iyong panahon na nanghihina na talaga ako, edi hindi ko na siya maalagaan pa.““Lola, puwede po bang bigyan niyo pa ako ng sapat na oras para sa hinihiling ninyo?“ Malamlam ang mga mata ni Juancho habang nakatingin sa kaniyang lola.Tiningnan ni Camila si Juancho. Ang totoo, hindi niya lubusang maunawaan kung bakit ayaw pa rin ni Juancho na magkaroon sila ng anak.Subalit hindi na niya hinayaan na magtagal pa ang
Mariing itinikom ni Juancho ang kaniyang labi habang nakatitig kay Camila.Naiinip naman siyang sinuklian ng tingin ni Camila.“Kung sana ay ch-in-eck mo na agad at dinala ang bastardong doktor na iyon kay Lola Zonya, edi sana maayos na ang lahat ngayon!““Nasa ospital si Lola ngayon, 'yan pa rin ang iniisip mo? Ni hindi ka man lang pumunta agad doon para kumustahin ang lagay niya ng personal. Tinawagan na kita pero binalewala mo lang pala?!“ patuloy ni Juancho.l“Sa tingin mo ba gusto niya akong makita? At bakit hindi ko iisipin ang tungkol sa doktor na nag-inject ng acupunture sa akin? Dahil sa doktor na nahanap ng lola mo, muntik na akong mamatay! Hindi mo siguro siya kinausap nang maayos, kaya hanggang ngayon pinagpipilitan pa rin niya na nagsumbong ako sa'yo at dahil doon galit na galit siya sa akin! Tao rin ako nakakaramdam ng sakit, masama bang magreklamo kahit isang beses lang?“Napatayo si Camila sa inis. Hindi na niya hinintay pang makapagsalita si Juancho, nagpatuloy siya