Share

Kabanata 117: Promise

last update Last Updated: 2025-01-18 19:01:31

Napansin ni Juancho ang pagbabago sa mga mata ni Camila. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Kenneth na baka hindi siya nito mahal kaya lalong lumalim ang kunot sa kaniyang noo.

"Kung hindi siya hihingi ng tawad sa harap ng publiko, mas mabuti pang kalimutan mo na lang na magdidisenyo pa kami para lang sa kanya. Dahil maniwala ka man o hindi—kayang-kaya kong gupit-gupitin ang bawat piraso ng mga kasuotan na gawa na."

Ang malamig na tingin ni Camila ay napalitan at naging walang interes.

"You're that determined to oppose her?" Matigas ang tono ni Juancho. "Fine, I'll—"

"I don't want to hear it!" mabilis na putol sa kanya ni Camila, na tumataas ang boses. "Matagumpay ang V&L ngayon dahil sa magandang reputasyon na binuo ni Sunshine. Ang ginawa ni Dominique ngayong araw ay hindi lamang isang simpleng personal na pag-atake, pananabotahe rin iyon ng karera! Ang paninira sa kabuhayan ng isang tao ay para na ring pagpatay sa tao mismo. Naiintindihan mo man lang ba iyon, huh?!"

"Tungkol ba 'to
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Beth Reyes Villanueva
update po plss thank you
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
hehe patay n patay ka ky Camilla tpos gusto protectahan s Dominicque kya ka inaayawan ng asawa m eh haha
goodnovel comment avatar
Evelyn Evangelista
more update please nasa exciting part na Ang story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 118: Insomnia

    Masama ang timpla ni Camila nang makarating siya sa kuwarto ni Leila. Pagkabukas niya sa pinto ay agad siyang pumasok sa loob. Nadatnan niya ang kaniyangkaibigan na tahimik na nakaupo sa sofa, tila malalim ang iniisip kaya hindi siya napansin.Pagkarinig ni Leila na sumaradong pinto ay para siyang biglang natauhan at bumalik sa realidad. Agad siyang tumingin kay Camila. "Anong sabi ni Juancho?"Bumuntonghininga si Camila."Sinabi niya na kakausapin niya raw si Dominique para humingi ng tawad at na kailangan daw ay siya pa rin ang magiging modelo natin. Pero ayaw ko na talaga, Lei," sagot niya sabay tamad na umupo sa tabi ni Leila.Malamig ang malasalamin niyang mga mata.Itinuon ni Leila ang kaniyang buong atensyon kay Camila."Anong binabalak mo? Kakalabanin mo si Dominique? Hindi naman kaya sa V&L ibuhos ni Juancho ang galit niya dahil diyan?""Lei, hindi mo ba naiisip? Na kaya hinahayaan lang natin na kontrolin tayo nina Juancho at Dominique ay dahil sa takot natin na maungkat ang

    Last Updated : 2025-01-19
  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 119: Plan

    [Dapat ay mag-disenyo si Sunshine ng live upang patunayan ang kaniyang mga kakayahan, nang sa gayon ay makumbinsi niya ang mga manonood na nagdududa na sa kanya. Kung hindi, talagang hindi siya karapat-dapat para sa premyo!]Iyan ang komento ng isang netizen na nakakuha ng maraming reaksiyon mula sa iba pang mga manonood. Karamihan ay sumasang-ayon sa kaniyang komento.Nakita ng direktor na patuloy pa rin ang pagdagsa ng reaksiyon ng mga netizens, kaya't humingi na siya ng payo kay Kenneth."Hayaan mo lang silang gumawa ng ingay. Ang fashion show ay tuloy pa rin mamayang alas dos. Sa ngayon, mag-enjoy ka na lang munang kumain ng pananghalian at pagkatapos ay sabihan mo ang mga modelo na simulan na ang paghahanda. Bilisan ang pagmi-make up. Hindi puwedeng ma-delay ang umpisa ng show," simpleng sagot ni Kenneth pagkatapos niyang marinig ang hinaing ng direktor.Abala siya sa pagsuri at pagsukat sa laki ng isang pares ng pambabaeng sapatos sa mga sandaling iyon.Sinulyapan ng direktor an

    Last Updated : 2025-01-19
  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 120: Withdrawal

    Tinapunan muna ng tingin ni Juancho si Camila bago niya nilingon si Dominique na nakatayo sa kaniyang likuran. "Speak for yourself," aniya.Humakbang si Dominique paalis sa likuran ni Juancho at tuluyan nang nagpakita sa kanila. Tiningnan niya si Camila at pagkatapos ay si Leila."Miss Lopez, I'm really sorry. Hindi ko talaga alam kung ano ang ginawa ni Miss Sales. Noong binanggit ko sa kanya ang tungkol sa bag, nakita ko na sobrang gustong-gusto niya talaga ito, kaya ibinenta ko na lang sa kanya sa mas mababang presyo. Pero hindi ko akalain na ibebenta niya rin pala ito sa iba, gamit pa ang orihinal na presyo..." paliwanag niya.Kinagat ni Monica ang kaniyang pang-ibabang labi at nanatiling tahimik.Sa hula ni Camila, kaya nananatiling walang angal si Monica ay dahil baka sinusubukan niyang akuin ang lahat ng kasalanan.Nag-angat ng kilay si Leila at dumapo ang kaniyang paningin sa relo. "Gusto ko rin ang relo sa iyong palapulsuhan, ibebenta mo rin ba sa akin 'yan sa mababang presyo

    Last Updated : 2025-01-20
  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 121: Madness

    Naputol ang live broadcast."Do we really have to go this far?" tanong ni Juancho.Ang tanong niyang iyon ay idinirekta niya kay Camila.Inilipat ni Camila ang kaniyang tingin sa iba pang mga taong kasama nila sa loob ng kuwarto."What are you all standing here for? Get out!" biglang saad ni Kenneth sa mga staff at team ng live broadcast na nananatili pa ring nanonood sa eksena.Agad naman silang kumaripas lahat palabas dala ang mga camera at iba pang mga kagamitan sa pagla-live."Dominique, Monica, please..." dagdag pa niya at inilahad ang kaniyang kamay sa gawi ng pintuan.Tinulungan ni Monica si Dominique na tumayo at pagkatapos ay sabay na silang lumabas sa kuwarto. Ngunit bago iyon ay tinapunan muna ng nagmamakaawang tingin ni Dominique si Juancho, pero nabigo lamang siya dahil hindi pa rin naaalis ang tingin ni Juancho kay Camila kaya wala na siyang nagawa kundi umalis doon kasama si Monica.Napabusangot si Leila, mukhang hindi natuwa sa ginawa ni Kenneth."Miss Lopez, please...

    Last Updated : 2025-01-21
  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 122: Visitors

    "Welcome back, Miss Villarzon, Miss Lopez!"Pagbalik sa V&L House of Fashion, kaagad na sinalubong ng assistant ang dalawa upang batiin sa kanilang muling pagbabalik sa shop.Tumango lamang si Camila bilang tugon at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad patungo sa kanilang opisina. Bumati naman si Leila pabalik sa assistant at ngumiti. Tinulungan siya ng assistant sa pagbitbit ng maleta at sabay na rin silang sumunod kay Camila sa loob."Siya nga pala, 'wag mong kalimutang maghanda ng kape mamaya, mayroon tayong mga bisitang aasahang dumating," ani Camila sa assistant."Opo, Miss," magalang na tugon nito habang inilalagay ang maleta sa gilid.Diretso naman ang lakad ni Leila patungo sa sofa, hinubad niya ang suot na sunglasses at saka padarag na ibinagsak ang sarili roon. Humilata siya, na parang ngayon pa lang makakahigapagkalipas nang mahabang panahon.Umupo naman si Camila sa kaniyang mesa. "Lei, anong ginagawa mo? Huwag kang humilata riyan. I-organize mo na ang mga impormasyon at pumunt

    Last Updated : 2025-01-22
  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 123: Back Home

    Pagkatapos harapin at ayusin ni Kenneth ang nangyaring kaguluhan sa programa ay umupo siya upang magpahinga. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at agad itong minanipula. Unang bumungad sa kaniyang feed ang isang post na mukhang pinagkakaguluhan ng mga netizens. Napansin niya na ang post na ito ay mula sa isa sa mga staff ng V&L House of Fashion.Naintriga siya bigla, buong akala niya ito ay isang mahalagang anunsyo mula sa V&L, ngunit nang i-click niya ito ay nakita niya nang mas malinaw ang larawan na p-in-ost ng staff. Namilog ang kaniyang mga mata at bahagyang napaawang ang bibig dahil sa gulat.Dahan-dahang pinasadahan ng kaniyang dila ang kaniyang pang-ibabang labi. S-in-ave niya ang larawan sa kaniyang gallery at dali-daling nagpadala ng mensahe kay Juancho.To Juancho:Hulaan mo. Mayroon akong hawak ngayon na napaka importanteng larawan. Kung magbibigay ka pa ng dagdag na sampung milyon na investment sa akin, ise-send ko 'to sa'yo agad agad.From Juancho:?Tininitigan pang mab

    Last Updated : 2025-01-23
  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 124: Picture

    Camila couldn't ask for more."Bahala ka, magpaka sipag ka sa pagtratrabaho hangga't gusto mo. Basta ako, pupunta pa rin sa mansyon bukas. Dadalawin ko sina Lolo Alonso at Lola Zonya at pupunan ko ang filial duty para sa ating dalawa bilang isa ka ngang napaka busy na lalaki."Nagkibit siya ng balikat."Sa tingin mo ba talaga hindi magkakaroon ng problema kung makikipaghiwalay ka sa akin? Napaka sarcastic mo pa."Bumusangot ang mukha ni Juancho, halatang hindi natutuwa."Huh?" maang-maangan ni Camila. "Sarcastic? Talaga? Ako na nga nag-offer na pagtatakpan ko ang sa ating dalawa. Dapat magpasalamat ka pa nga kasi mabait ako."Umirap si Juancho at hindi na nagsalita.Habang nagluluto sa kusina, biglang naalala ni Lola Celestina na ang isda na niluto ni Juancho noon ay masarap, kaya tinawag niya ito at sinabing magluto ulit ng gano'n. Hinikayat din niya si Camila upang tulungan si Juancho sa pagluluto.Umupo si Camila sa tabi ni Juancho at tinulungan ito sa pagbalat at paghiwa ng mga sa

    Last Updated : 2025-01-23
  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 125: Wait

    Sa isa sa mga pinakasikat na open-air na restaurant sa Taguig City, nakaupo at nakikipag diskusyon patungkol sa trabaho si Camila kay Direk Castro, na maya-maya lang din ay inilipat ang atensyon sa script kasama ang ibang tao.Si Camila ay palaging nakakaramdam ng kaunting kalabisan.Sa sandaling lumipat sa kabilang mesa si Direk Castro, umupo si Marco sa tabi ni Camila dala ang dalawang baso ng wine at ibinigay ang isa sa kanya."Ito ang tinatawag na Passion Coast. I-try mo," sabi niya.Tinanggap iyon ni Camila at nagpasalamat ngunit hindi niya ininom. Bagkus ay inilapag niya ito sa ibabaw ng mesa sa kaniyang harapan.Tumikhim siya at nilingon si Marco. "Uh, Marco, mukhang wala na yatang iba pang importanteng pag-uusapan. Sa tingin ko mas mabuti pang umuwi na lang ako. Kung mayroon mang anumang problema sa trabaho, mas makabubuti kung i-aaddress natin ito sa mas maagang oras. Gabi na rin kasi. Baka nag-aalala na aa akin ang lola ko na nasa bahay ngayon. Hindi siya makakapagpahinga na

    Last Updated : 2025-01-24

Latest chapter

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 165: Worried

    Magiliw na inakbayan ni Andi si Camila.“Okay na ang pakiramdam ko. Humupa na iyong pamamaga ng mga kamay ko. Kapag natapos na itong shooting, bibisita ako sa shop ninyo para mag-order ng dress!“Sumilay ang malapad na ngiti sa labi ni Camila.“Sure! Asahan ka namin doon ha?“Tumango-tango si Andi at naghagikhikan silang dalawa.Dumilim ang ekspresyon ni Miko.Nang dumating si Juancho upang sunduin si Camila, ay nangunot ang kaniyang noo nang mapansin ang katayuan ni Miko.Ang mga mata ng lalaking ito ay palaging palihim na nakadikit kay Camila. Malimit din siyang magnakaw ng mga tingin sa kanya habang nagjo-jogging sila. Bakit mukha yata siyang nalulungkot ngayon?Gayon pa man, nanatili pa ring nasa mataas na alerto si Juancho laban kay Miko.Hindi nagtagal, pagbalik ni Camila sa kaniyang kuwarto, sunod ding pumasok sa loob si Juancho. Nag-order ito ng pagkain sa labas, na maya-maya lamang ay ide-deliver na rin.May mga pagkain naman dito sa hotel na provided ng crew para sa mga arti

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 164: Umbrella

    “Cut! Miko, ano bang nangyayari sa'yo ngayon? Aarte ka o hindi? Sinasayang mo lang ang oras ng lahat!“ galit na bulyaw ni Direk Zaldy sa pangatlong pagkakataon dahil sa frustration niya kay Miko, na kanina pa mukhang distracted.Pinasadahan ng tingin ni Miko ang bupng paligid suot ang mukha na humihingi ng tawad.“Pasensya na po, direk. Pasensya na rin po sa lahat. Bigyan niyo lang muna ako ng sampung minuto para magpahinga.“Hindi niya maintindihan kung bakit ibinigay ni Camila kay Andi ang gloves na binili niya para sa kanya.Pinagmasdan ni Direk Zaldy si Miko na tumalikod at nagsimulang maglakad paalis doon pagkatapos humingi ng paumanhin. Sa pag-aalala ay mabilis din siyang tumayo sa puwesto upang sundan ito.“Anong problema? Masama ba ang pakiramdam mo?“ tanong niya sa mahinang boses.“Hindi, direk. Basta bigyan niyo lang muna ako ng sampung minuto. Pinapangako ko na aayusin ko ang sarili ko.“ Nanatiling kalmado ang kaniyang boses, ngunit ang bigat sa mood niya ay mahirap ikubli.

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 163: Guilt

    “Kahit na! Alam mo namang ang dami-daming artista na narito sa lugar na ito ngayon. Paano kung may palihim palang sumusunod sa kanila o kaya naman ay naglagay sila ng mga hidden camera sa paligid?“Tinapunan ng masamang tingin ni Camila si Juancho.Umismid si Juancho. “Natatakot ka ba na mabunyag ang tunay mong relasyon sa akin?““Gaya ba kung paano mo ako tingnan ng mababa noon at natatakot na malantad ang katotohanang kasal ka sa akin?” banat ni Camila na may kasamang malamig na ngiti.Inayos ni Juancho ang kaniyang tayo at tumitig kay Camila gamit ang mabigat na tingin.“Camila, sabihin mo nga sa akin—naniniwala ka ba talaga na gano'n na lang kadali iwaksi ang damdamin?“Malinaw na malinaw pa niyang natatandaan kung gaano kalalim ang pag-ibig na mayroon ang babae para sa kanya noong pinakasalan siya nito.“Paano kung sabihin kong pinagsisisihan ko na na nagkagusto ako sa'yo? Lalo na ang magpakasal sa'yo?“ saad ni Camila na may mapangwasak na ngiti. “Mula noong sandaling gumamit ang

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 162: Interesting

    Mariing hinawakan ni Juancho ang mga paa ni Camila at nag-angat siya ng tingin sa kanya. “Hindi mo maaaring gamutin ang mga paa mo sa ganitong paraan. Mas sensetibo kasi ang mga ito sa sakit kaysa sa mga kamay. Ako na ang magmamasahe sa mga paa mo,” aniya.Sumimangot si Camila, bahagya siyang nakaramdam ng kiliti. “Bitaw...“ sambit niya sa mahinang boses.Hindi pinansin ni Juancho ang kaniyang pagprotesta. Sa halip ay tumayo siya, pumunta sa sofa at umupo sa tabi nito. Wala namang magawa si Camila kundi umayos ng upo. Sumandal siya sa balikat ng sofa at hinayaang hawakan ni Juancho ang kaniyang mga paa.Minasahe nang marahan ni Juancho ang mapula at namamagang bahagi sa kaniyang mga daliri sa paa.“Makakatulong ang pagmamasahe sa mga ito. Hindi ka ba bumili ng warm shoes mo?“ tanong niya sa malamig na tono.“Wala namang silbi 'yon,” sagot ni Camila.Nagsuot na siya ng snow boots, ngunit pagkatapos niyang tumakbo at maglakad-lakad sa snow buong araw, madalas ay nababasa lamang ang mga

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 161: Treatment

    Inilahad ni Camila ang kaniyang mga kamay sa doktor, na siyang sumuri sa kaniyang mga daliri na nababalot sa frostbite."Do you work outside in the cold wind all day? There is heating indoors, so you shouldn't have frostbite like this,” tanong ng doktor na may nag-aalalang mukha.“Uh, yes, I work outside,” tugon ni Camila."Apart from the method she mentioned, is there any other way? If this job must be done outdoors, is there a solution?" biglang tanong ni Juancho sa malamig na boses.Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Camila. “Don't meddle in my affairs!“"He is just concerned about you. Miss, if you must work outside, you have to keep warm. Otherwise, no matter how you treat it, it will be ineffective."Kaagad namang pumagitna ang doktor upang pahupahin ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa."Just tell me if acupuncture can be used," ani Camila, na may bahid ng pag-aalala sa boses. Marami na rin kasi sa mga miyembro ng crew ang nakararanas sa kapareho niyang kondisyon."We

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 160: Needles

    Alam ni Camila ang dahilan.Bali-balita nga na hindi mapigilan ni Andi ang pagkakamot sa kaniyang mga kamay dahil sobrang nangangati raw ito habang isinasagawa nila ang filming, na siya ring naging dahilan ng pagkakamali niya ng ilang ulit. At dahil din dito ay napagalitan siya ng direktor.Ipinaliwanag niya na sobrang lala talaga ng pangangati ng kaniyang mga kamay dahil sa frostbite at hindi na niya kaya pang hindi ito kamutin. Ngunit bandang huli ay naisip ng direktor na magiging mkatotohanan ito kung ipapakita sa camera, kaya't sinabi niya na ipagpatuloy lang muna nito ang pagtitiis sa frostbite para sa authenticity.Ang isang taga-timog na naglalakbay patungo sa napakalamig na hilaga ay tiyak na magkakaroon ng frostbite—ito ay ang pinaka karaniwang physiological reaction.Bilang resulta, ang kondisyon ng mga kamay ni Andi ay malayong mas malala pa kaysa sa kondisyon ng mga kamay ni Camila. Dahil ang mga kamay nito ay nasa bingit na ng pagkaka-crack at pagnanana.Kapag naiisip ni

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 159: Frostbite

    Nagmaneho si Juancho patungo sa ospital at tumawag kay Alvin upang sabihin na i-check nito ang license plate number ng sasakyan na tumangay kay Camila.Nang makarating si Camila sa hotel malapit sa airport, natapos na ring ayusin ni Leila ang ipinasuyo niya. Ang assistant nila sa V&L ang inutusan ni Leila na maghatid ng maleta kay Camila sa hotel.“Miss Camila, bigla po kasing nagka-emergency si Miss Leila sa isang kliyente kaya ako ang inutusan niya na magdala nitong maleta sa iyo. Okay lang po ba kayo?“ nag-aalalang tanong ng assistant.Nakaramdam ng matinding kahihiyan si Camila.Bagaman karaniwan ay nakabihis siya ng simple, kailanma'y hindi pa naging ganito kagulo ang kaniyang hitsura noon. Wala siyang suot na sapin sa paa, ang kaniyang damit ay gusot-gusot at ang kaniyang buhok ay magulong nakabuhaghag. Mukha siyang basang sisiw.“Okay naman. Nabasa lang ako. Salamat ha. Alam kong marami kayong ginagawa sa shop, kaya puwede ka ng bumalik doon. Babalik na akong China para mag-ass

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 158: Chase

    Dumapo ang tingin ni Lolo Alonzo kay Camila habang dahan-dahan itong naglalakad pababa sa hagdan.Basang-basa si Camila at nag-aalala si Lolo Alonzo na baka magkasakit ito.“Camila anong nangyari sa'yo? Magbihis ka muna...“ malumanay na sinabi ni Lolo Alonzo, halata ang kaniyang pag-aalala.Nagpatuloy pa rin si Camila sa kaniyang paglalakad pababa. Wala siyang suot na anumang sapin sa paa at nag-iiwan ito ng basang bakas sa sahig. Huminto siya sa paglalakad nang makarating na sa harapan ni Lola Zonya. Nag-angat siya ng tingin at matapang na sinalubong ang malamig na tingin ng matandang babae.“Ano po bang masama sa sinabi ko sa inyo? Hindi ko sinabing yaya kayo o anuman, kayo ang kusang nag-isip no'n sa sarili ninyo. Can’t I just not be the perfect, helpless woman you expect? Kung gustong-gusto niyo talagang mamuhay sa mga luma niyong ideya, kayo ang pumili no'n. Bakit kailangan niyo pa akong idamay? Huwag niyo na ulit akong susubukan pa na pilitin sa mga gusto ninyo.“Kahit nanghihin

  • Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce   Kabanata 157: Missing

    Tinitigan ni Kenneth ang kaniyang cellphone nang natapos na ang tawag habang lalo namang tumitindi ang pagsakit ng kaniyang ulo.Sinubukan niya ulit na tumawag, ngunit nakapatay pa rin ang cellphone ni Camila. Nag-reach out na rin siya kay Marco, subalit maging ito ay hindi rin daw alam kung nasaan si Camila.“Wala rin daw alam iyong mga napagtanungan ko. Nasaan na kaya siya?“ sambit niya sa mahinang boses. Ang pag-aalalang nararamdaman niya ay palala nang palala.“P-paano kung may... nangyari na palang masama sa kanya?“ puno ng pangamba at pag-aalalang tanong din ni Leila na nasa tabi ni Kenneth.Tumayo siya at pabalik-balik na naglakad habang ang dalawang kamay ay nakahawak na sa ulo.“Magre-report ako sa pulis! Dapat ginawa ko na 'to noong una pa lang na hindi ko siya mahagilap!“ bulalas niya pagkaraan ng ilang sandali.“Sige, mabuti pa nga,” mabilis na pagsang-ayon ni Kenneth. Kung sakaling mayroon ngang nangyaring masama kay Camila, baka maging huli na ang lahat kapag hindi pa ri

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status