Alora's POVNagpatuloy ang masayang pamumuhay ng pamilya namin, bumalik na rin si Azrael sa trabaho niya at minsan ay isinasama niya si Rail doon. "Huwag kang malikot doon Rail ha," bilin ko kay Rail saka hinalikan ang noo niya. "Sure ka bang hindi ka sasama wife?" Tumayo ako at umiling kay Azrael. "Hindi na dito na lang ako sa bahay dahil wala rin naman akong gagawin doon." "Okay, alis na kami." Ngumiti ako saka humalik din sa labi niya. Tinanaw kong lumabas ng gate ang sasakyan na ginamit nila saka bumalik sa loob ng bahay. Walang ibang tao doon maliban sa mga katulong kaya medyo tahimik, binuksan ko na lang ang TV saka nagpa-sound. Nagsimula na rin akong maglinis ng bahay, kapag sumasama si Rail sa trabaho ni Azrael ay iyon palagi ang ginagawa ko. Tumutulong ako sa mga kasambahay sa paglilinis sa buong bahay. Hindi lang din sa loob ng bahay kundi pati rin sa garden at sa swimming pool kahit sa bakuran. Mas maganda na iyon kaysa umupo lang ako sa sofa buong araw habang naghihinta
Alora's POVHindi nga sinama ni Azrael si Rail sa trabaho niya, pinaliwanag din naman niya sa akin na hindi siya pupunta sa kompanya ngayon kundi sa isang operasyon kaya hindi niya pwedeng isama ang anak namin dahil baka mapahamak lang ito na sinang-ayunan ko naman. Illegal na trabaho at operasyon ang pupuntahan ni Azrael at ayokong makita o ma-involve ang anak ko doon.Sunod-sunod din iyon na hindi sinasama ni Azrael si Rail pero hindi lumala ang tampo ni Rail dahil kada pag-uwi ng ama niya ay mayroon itong pasalubong na laruan para sa kanya. Halos araw-araw ring wala si Azrael sa bahay kaya naman halos araw-araw ring may pasalubong si Rail at syempre bilang bata ay iyon ang paborito niya. Ilang araw din ang lumipas na ganoon ang pangyayari, nasa trabaho si Azrael at ako naman ay inaalagaan ang anak namin. Pag-uwi naman niya ay maliligo siya, makikipaglaro kay Rail saka magpapahinga. Naging daily happenings na namin iyon at medyo nasasanay na rin kahit naman kase kunting oras lang a
Alora's POV"Anak snack time!" tawag ko kay Rail na nakikipaglaro pa rin sa Lolo Dad niya, inilagay ko ang dala kong prutas, toasted bread at saka juice sa mesa. "Baka may gusto po kayong kainin Sir sabihin niyo na lang po sa akin." Napako ako sa kinatatayuan ko nang tingnan ako nito ng masama na para bang may nasabi at nagawa akong mali. "Call me Dad." Dahan-dahan akong tumango, "Opo." Sinamahan ko na rin silang mag meryenda, tahimik lang ako habang ang anak ko at lolo niya ay ang sayang naghaharutan. Masaya naman akong tinitingnan sila, hindi ko kailanman naranasan ang pag-aalaga ng isang Lolo at sobrang saya kong naranasan iyon ng anak ko. Kung nanatili lang siguro kami sa bundok ng Sta. Rosa at hindi kami nahanap ni Azrael ay baka hindi ko nakikita itong saya sa mukha ni Rail ngayon baka ang pagmamahal lang ng isang lola ang naranasan niya dahil nandoon naman si Manang Karla. Pagsapit ng alas singko ay nagpaalam na si Dad na uuwi na siya. "Ingat po kayo. Say babye to Lolo Dad an
Alora's POV"Rail ready ka na ba?" tanong ko saka sinilip ang dadalhin niyang bag. Lalabas kase sila ngayon ng Lolo Dad niya, pupunta daw sila sa parke dito sa village. "Nasa baba na ang Lolo Dad mo," sabi ko pa, dahil siguro sa excitement ng anak ko ay tumakbo agad iyon pababa sumunod na lang ako sa kanya habang dala-dala ang bag na naiwan niya. "It's good talaga na escalator ang meron kayo hindi hagdan dahil baka nahulog na itong apo ko sa pagmamadali." Sumang-ayon ako kay Dad habang tumatawa saka isinukbit kay Rail ang bag na dadalhin niya. Inihatid ko rin sila palabas ng bahay saka kumaway. "Huwag kang magpapasaway kay Lolo Dad mo ha?" bilin ko pa kay Rail. "Pupunta po ako mamaya para magdala ng snacks." Tumango naman ang Daddy ni Azrael bago umalis. Bumalik na rin ako sa bahay at inayos ang playroom at kwarto ni Rail saka sinimulan nang magluto ng snacks na dadalhin ko sa kanila mamaya. Mas naging solid ang bonding ng anak ko at ng Lolo niya kaya naman ay halos hindi na sila m
Alora's POVKinabukasan ay dala ko pa rin ang sinabi sa akin ng matandang babae na iyon pero agad namang nawala noong umuwi si Azrael. Sobrang saya ng puso ko pati na rin ng anak ko. "Sinabi pala sa akin ni Rail na nami-miss na raw niya ang ate Mika niya kaya magpapaalam sana kami na bumisita sa Sta. Rosa para makita na rin si Manang Karla," sabi ko habang nasa hapag kainan kami. Ito ulit ang unang pagkakataon na nagsalo-salo kami sa lamesa simula noong hindi siya napalagi dito sa bahay. "No. Papapuntahin ko na lang sila dito," sagot niya, hindi niya pa naman nakita si Mika at Manang Karla kaya paano niya sila mapapunta dito? "Nakausap ko naman sila noong nakaraang araw dahil nagpasalamat ako sa pag-aalaga nila sayo at pwede naman akong pumunta doon ngayon bago magpunta sa trabaho." Tumango ako, kaya pala confident siya sa sinabi niyang papapuntahin na lang niya sila Mika dito. "Paano mo sila nahana—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Hina
Alora's POVNagpatuloy ang araw, ganoon pa rin ang sitwasyon at walang pinagbago. Patuloy ko pa ring inintindi at ipinaintindi kay Rail ang sitwasyon ng ama niya ngayon. Halos mag-iisang buwan at kalahati na ata kaming ganito pero ayokong sumuko kase alam kong matatapos din 'to at sa oras na mangyari iyon ay babalik ulit kami sa dati. Mas lalong naging malapit din ang anak ko sa Lolo Dad niya na palaging bumibisita sa bahay para makipag-bonding sa kanya at nawala na rin ang takot ko sa ama ni Azrael. Komportable na ako sa kanya at nakakabiruan ko na siya, masasabi ko ring close na kami. "Dad naisip ko nga po na what if, yung mga picture niyo doon sa bahay niyo kasama si Rail at si Mom at iyong mga picture namin ay ipagsama natin sa iisang kwarto," suhestyon ko. Nakita niya kase sa isang kwarto ang mga picture namin na naka-frame at naalala ko rin ang pinag-usapan namin ni Azrael noong pinakita niya sa akin ang mini museum ng bahay ng Dad niya. "It's not a bad what if pero to do th
Alora's POV "I am Alora Hazel Valezka, his wife." Dumagundong sa taenga ko ang sinabi niya at parang nabingi ako. Kaharap ko ngayon ang tunay na asawa ng asawa ko, ang babaeng hiniraman ko ng pangalan ng walang paalam at pakiramdam ko ay talo na ako agad kahit wala pa namang sinasabi na magsisimula na ang laban. "You seem shock, hindi mo ba alam na may asawa ang tinatawag mong asawa?" tanong niya, ngayon ay may kakaiba na sa dati ay inosente niyang boses. "A-alam ko," nauutal kong sabi sa hindi malamang kadahilanan. "Mabuti naman dahil hindi na ako mahihirapang ipaintindi iyon sayo." Ang kaninang inosenteng babae na kaharap ko ay parang nagbabagong anyo na sa kada bigkas niya ng salita. "Since wala siya dito at you are claiming him as your husband, hindi siguro masama kung sasabihin ko na lang sayo ang pakay ko dito," pagpapatuloy niya saka hinawakan ang tiyan niya. Sa simpleng kilos na iyon ay para kinabayo ang puso ko tila ba ay isa iyong drum na nilalaro sa isang magarbo at mai
Alora's POVWala pa rin akong pinagsabihan tungkol sa naging usapan namin ng totoong asawa ni Azrael dahil hindi pa rin naman siya umuuwi. Kahit ang ama niya ay hindi ko rin pinagsabihan. "Ayos ka lang na hija?" Napaangat ang tingin ko mula sa sahig pupunta sa ama ni Azrael, nakaupo na siya sa sofa na katapat ko. Akala ko ay naglalaro sila ni Rail, kailan pa siya nakaupo diyan sa sofa?"Opo," tipid kong sagot at binigyan siya ng isang ngiti. Hindi ko alam kung nakombinse ko ba siya pero ipinokus niya rin ang tingin sa sahig na tinitingnan ko kanina bago tumingin ulit sa akin. "Ever since I got here ganyan ka na, tulala. Dahil ba 'to sa kadalasang hindi pag-uwi ng anak ko?" Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling dahil hindi lang naman iyon ang rason. Sa huli ay tumango na lang ako. Ayokong sabihin sa kanya na pumunta dito ang totoong Alora dahil hindi ko rin alam ang magiging reaksyon niya kung nalaman niyang buntis ito, baka masaktan pa ako lalo kapag sinabi ko pa iyon kay Dad. O
Azrael's POV I rushed everything para lang mapatunayan ko na hindi ko anak iyon pero wala akong nahanap na ebedensya. "Mahihirapan tayo lalo dahil hindi nakikita ang mukha ng lalaking ito sa video." Kinuyom ko ang kamao ko sa sinabi ni Calem. Umagang-umaga at ito ang bubungad sa akin. "I don't care just find that asshole!" His also one of the reasons kung bakit siguro naniwala ang asawa ko na ako ang lalaking iyon."Azrael kumalma ka. Sasabihin ko sa kanila na ipagpatuloy ang paghahanap sa lalaking iyon pero for now let's find another evidence." Tama si Calem. Hindi ako dapat umupo lang dito na walang ginagawa. Kinalikot ko ang utak ko kung anong pwede kong magamit na ebedensya. Pumunta ako sa bar na iyon para sana humingi ng copy sa cctv nila pero wala akong napala dahil deleted na raw. Isang buwan lang daw kase nilang kine-keep ang mga videos at dalawang buwan na ang nagdaan simula noong aksidente.Bigo ako at wala nang maisip na posibleng patunay, noong gabi kaseng iyon ay wala ak
Azrael's POV FLASHBACKMatapos ang nangyari at ang nasabi ko sa asawa ko ay ipinokus ko na talaga ang sarili sa pagsolba sa problema namin. Pinigilan kong pumunta ulit sa bahay ni Dad para guluhin at humingi sa kanya ng tawad, saka ko na gagawin iyon kapag may patunay na akong hindi ako ang ama ng dinadala ni Alora. Hinanap ko kung saan naroroon si Alora, I was desperate to end all of this kaya noong nahanap ko siya sa isang condo niya sa Manila ay pinuntahan ko na agad siya. "Listem Azrael, huwag mo siyang sasaktan kahit gaano ang galit mo dahil buntis pa rin siya." Kanina pa ako pinapaalalahanan ni Calem, sumama din siya sa akin para pigilan niyang mangyari iyon. Hindi ko na siya pinigilan kase kahit maski ako ay hindi ako sigurado kong mapipigilan ko bang hindi siya saktan. Mabilis pa sa mabilis ang ginawa kong mga hakbang para marating ang unit ni Alora at malakas na katok ang inabot ng pinto niya noong nasa harap na ako nito, kung may pakiramdam nga lang ang pinto niya ay baka
Azrael's POV FLASHBACKAng una kong hinanap ay kung sinong babae ang nagsabi na ako ang ama ng dinadala niya at nang malaman kong si Alora iyon— ang babaeng nangloko sa akin ay mas lalo lang akong nagalit. Sinugod ko ang bahay nila, masaya akong sinalubong ng Mom at Dad niya pero deri-deritso lang ako sa kwarto ng hinahanap ko. "Nasaan si Alora?" galit kong tanong. Nagtaka ang mga magulang niya pero wala akong oras para magpaliwanag gayong mukhang kasali rin naman ata sila sa plano ng anak nila. Inilabas ko ang baril ko nang walang sumagot sa kanila. Itinutok ko iyon sa mga magulang ni Alora. "Answer me kung ayaw mong maligo sa sarili mong dugo." Her Dad's face was still emotionless pero ang mukha ng ina niya ay takot na takot. "Nababaliw ka na ba? Alam mo kung anong mangyayari sa oras na kinalabit mo yan," sabi pa nito pero tinawanan ko lang siya."Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako dahil sa ka-potanginahan ng anak niyo!" Mas lalo ko pang inilapit ang baril sa noo ng ama ni Alor
Azrael's POV FLASHBACKDalawang taon. Dalawang taon ko ring hinanap ang asawa ko— hindi si Alora kundi ang nagpapanggap bilang Alora. Pagsisi lang ang naramadaman ko sa loob ng dalawang taon na iyon. Hindi ko man lang naitanong sa kanya kung ano ang pangalan niya. Hindi man lang ako nakabawi sa kanya pero ngayong nahanap ko na siya ay sisiguraduhin kong gagawin ko lahat ng pinagsisihan ko. Dumiretso kami sa Sta. Cruz. Doon siya na-trace ng mga tauhan ko at nakatira daw sa isang bundok kaya iyon ang tinungo namin. Mas mabilis pa ata sa cheetah ang naging takbo ko papunta sa sinasabi nilang lokasyon at napakaraming lalaki ang naabutan ko doon kaya dumaan bigla ang kaba sa dibdib ko. Hinayaan ko sila Calem na dumispatsa sa mga lalaking nasa labas at dali-dali akong pumasok sa loog ng bahay. My wife was there at may nakapaibabaw sa kanya na lalaki. Walang pag-aatubili kong sinugod ang lalaking iyon at sinuntok para matanggal siya sa ibabaw ng asawa kong nagmamakaawa na. Isang suntok ul
Azrael's POV FLASHBACKMabilis na natapos ang araw kaya andito na naman ako sa restaurant, nag-aantay sa babaeng nakausap ko noong isang araw. Hindi ko alam ang pangalan niya at kung sino siya basta ang alam ko lang ay baka tauhan siya ni Koen o baka isa siya sa mga minamaltrato ni Koen sa lagay pa lang ng katawan niya. Katulad nang dati ay inutusan ko ulit si Calem at ang mga tauhan ko na papikitin ang mga mata sa paligid pati na rin ang tatlong sniper na nasa kaharap na building. Nalaman siguro ni Keon na ako ang kinikita ng babae niya. Bumukas ang pinto at pumasok ulit ang isang babae. Nakasuot na naman siya ng dress ngayon at maikli ito. Maputi ang hita niya kaya hindi nakatakas sa akin ang pasang nagkakalat doon. Fuck, ginagawa pa ata ni Koen ang gawain nila. I guess their human trafficking business continued? Binantaan ko na sila pero mukhang gusto ata talaga nilang magkagulo ang lahat. They usually torture the girls first and then sold it to foreigners. Is this girl one of t
Azrael's POV FLASBACKAlora Hazel Valezka, she was my first love kaya naman sobrang saya ko noong sabihin sa akin na ipinagkasundo kaming ikasal. Kahit arrange marriage lang iyon ay sobrang saya ng puso ko ngunit ang sayang iyon ay panandalian lang pala. Matapos ang kasal namin ay tumira kami sa bahay ko. Masaya naman ang pagsasama namin dahil mabait siya sa akin at maalaga taliwas sa akala kong baka galit siya at hindi ako pansinin dahil hindi naman namin mahal ang isa't-isa at kinasal kami— hindi namin mahal ang isa't-isa pero sigurado akong mahal ko siya. Sa mga kinikilos niya at sa pag-aalaga sa akin ay hindi ko maiwasang isipin na baka mahal niya rin ako. Umasa akong mahal niya rin ako kahit hindi naman niya binibigkas ang tatlong salita na iyon ngunit sadya atang mapagbiro ang tadhana at kanyang itinalaga na ang tanging role ko sa buhay ni Alora ay taga-asa. I caught her having sex with a man in our own house. Sa sobrang sakit ay kinaladkad ko silang dalawa palabas ng bahay k
Alora's POVNakatanga lang akong nakatingin kay Azrael na ngayon ay nasa harap ko. Mas lalo pa akong hindi nakakilos nang tumakbo siya sa akin at yakapin ako. Ang sarap sana sa pakiramdam pero ayokong namnamin dahil kay Alora, ang totoong Alora. "I miss you and Rail." Tinulak ko siya mula sa pagkakayakap sa akin. Lalapit sana siya pero pinigilan ko siya. "Huwag kang lumapit Azrael." Iniwan ko siya sa kinatatayuan ko at bumalik sa alkansya. Kukunin ko na lang iyon at doon na bibilangin sa bahay ni Manang Karla at baka gising na rin si Rail. "Nanganak na si Alora." Napatigil ako sa pagpulot ng mga pera na nasa sahig. Pumunta lang ba siya dito para ibalita sa akin iyon? Sa tingin niya ba matutuwa ako? Potangina, sana talaga inisip ko muna ang lahat bago ako pumayag na maging stand-in wife niya eh, ngayon tuloy para akong pinupunit sa bawat nangyayari sa amin. "Nanganak na siya at may maipapakita na akong patunay sayo na hindi ako ang ama ng bata. Pina-DNA test ko ang anak niya at ang
Alora's POV Whole week kaming mananatili sa bahay ni Manang Karla at ngayon ay ang aming pang-limang araw. Sobrang saya ng mga nakaraang araw at wala ring panahon na nakita kong malungkot ang anak ko maliban na lang kapag pinagdedisketahan ng mga ate niya at sinasadyang paiyakin. "Ako na po ang mamamalengke," presenta ko kay Manang Karla. Namalimos naman sila kinabukasan nang pumunta kami dito pero simula noon ay hindi na ulit dahil maliit talaga ang nalilimos nila kaya nitong mga nakaraang araw ay ang perang binigay sa akin ni Dad ang ginagamit namin para sa pagkain. Masaya rin naman ako dahil masaya ang mga bata kapag nakakakita sila ng desenteng ulam sa lamesa. Bumili ako ng tatlong kilong isda at apat na kilo ng bigas. Sapat na iyon hanggang mamayang gabi namin. Pag-uwi ko ay ako na rin ang nagtrabaho, tumulong naman sa akin si Manang Karla at ang mga bata. Mayroon nang mga sinibak na kahoy para panggatong kaya hindi ako nahirapan. Ginawa kong paksiw ang isda, hindi pa nga luto
Alora's POV Kinabukasan ay bumalik ulit si Kalo matapos ng klase niya, hinatid siya ng mga magulang niya at pinayagan pang dito matulog ngayong gabi kaya plus one na naman ang mga sardinas sa bahay ni Manang Karla. "Ate pasyal tayo," pag-aaya ni Kalo. Pumayag ako kase matagal na rin akong hindi nakakapunta at nakakapaglibot dito sa Sta. Rosa, tumira nga ako dito noong buntis ako kay Rail pero hindi naman ako bumaba sa bundok na iyon. Kasama ko si Kalo, si Rail, si Mika at si Tali na bagong bata lang din sa puder ni Manang Karla. Kahit talaga ang taray ng mukha ni Manang ay kay buti naman ng puso. Kaedad lang siguro ni Rail si Tali kaya sinama na namin para malibang silang dalawa. Maraming nagbago sa St. Rosa pero marami ang nanatili pa rin tulad ng dati. Katulad na lang ng palengke na hanggang ngayon ay kay dumi pa rin dahil mga iresponsable pa rin ang mga taga-tinda, kung saan-saan lang tinatapon ang mga sira nang prutas at gulay. Sa simbahan naman ay kay dami ring dumagdag na mg