Alora's POV"Rail ready ka na ba?" tanong ko saka sinilip ang dadalhin niyang bag. Lalabas kase sila ngayon ng Lolo Dad niya, pupunta daw sila sa parke dito sa village. "Nasa baba na ang Lolo Dad mo," sabi ko pa, dahil siguro sa excitement ng anak ko ay tumakbo agad iyon pababa sumunod na lang ako sa kanya habang dala-dala ang bag na naiwan niya. "It's good talaga na escalator ang meron kayo hindi hagdan dahil baka nahulog na itong apo ko sa pagmamadali." Sumang-ayon ako kay Dad habang tumatawa saka isinukbit kay Rail ang bag na dadalhin niya. Inihatid ko rin sila palabas ng bahay saka kumaway. "Huwag kang magpapasaway kay Lolo Dad mo ha?" bilin ko pa kay Rail. "Pupunta po ako mamaya para magdala ng snacks." Tumango naman ang Daddy ni Azrael bago umalis. Bumalik na rin ako sa bahay at inayos ang playroom at kwarto ni Rail saka sinimulan nang magluto ng snacks na dadalhin ko sa kanila mamaya. Mas naging solid ang bonding ng anak ko at ng Lolo niya kaya naman ay halos hindi na sila m
Alora's POVKinabukasan ay dala ko pa rin ang sinabi sa akin ng matandang babae na iyon pero agad namang nawala noong umuwi si Azrael. Sobrang saya ng puso ko pati na rin ng anak ko. "Sinabi pala sa akin ni Rail na nami-miss na raw niya ang ate Mika niya kaya magpapaalam sana kami na bumisita sa Sta. Rosa para makita na rin si Manang Karla," sabi ko habang nasa hapag kainan kami. Ito ulit ang unang pagkakataon na nagsalo-salo kami sa lamesa simula noong hindi siya napalagi dito sa bahay. "No. Papapuntahin ko na lang sila dito," sagot niya, hindi niya pa naman nakita si Mika at Manang Karla kaya paano niya sila mapapunta dito? "Nakausap ko naman sila noong nakaraang araw dahil nagpasalamat ako sa pag-aalaga nila sayo at pwede naman akong pumunta doon ngayon bago magpunta sa trabaho." Tumango ako, kaya pala confident siya sa sinabi niyang papapuntahin na lang niya sila Mika dito. "Paano mo sila nahana—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Hina
Alora's POVNagpatuloy ang araw, ganoon pa rin ang sitwasyon at walang pinagbago. Patuloy ko pa ring inintindi at ipinaintindi kay Rail ang sitwasyon ng ama niya ngayon. Halos mag-iisang buwan at kalahati na ata kaming ganito pero ayokong sumuko kase alam kong matatapos din 'to at sa oras na mangyari iyon ay babalik ulit kami sa dati. Mas lalong naging malapit din ang anak ko sa Lolo Dad niya na palaging bumibisita sa bahay para makipag-bonding sa kanya at nawala na rin ang takot ko sa ama ni Azrael. Komportable na ako sa kanya at nakakabiruan ko na siya, masasabi ko ring close na kami. "Dad naisip ko nga po na what if, yung mga picture niyo doon sa bahay niyo kasama si Rail at si Mom at iyong mga picture namin ay ipagsama natin sa iisang kwarto," suhestyon ko. Nakita niya kase sa isang kwarto ang mga picture namin na naka-frame at naalala ko rin ang pinag-usapan namin ni Azrael noong pinakita niya sa akin ang mini museum ng bahay ng Dad niya. "It's not a bad what if pero to do th
Alora's POV "I am Alora Hazel Valezka, his wife." Dumagundong sa taenga ko ang sinabi niya at parang nabingi ako. Kaharap ko ngayon ang tunay na asawa ng asawa ko, ang babaeng hiniraman ko ng pangalan ng walang paalam at pakiramdam ko ay talo na ako agad kahit wala pa namang sinasabi na magsisimula na ang laban. "You seem shock, hindi mo ba alam na may asawa ang tinatawag mong asawa?" tanong niya, ngayon ay may kakaiba na sa dati ay inosente niyang boses. "A-alam ko," nauutal kong sabi sa hindi malamang kadahilanan. "Mabuti naman dahil hindi na ako mahihirapang ipaintindi iyon sayo." Ang kaninang inosenteng babae na kaharap ko ay parang nagbabagong anyo na sa kada bigkas niya ng salita. "Since wala siya dito at you are claiming him as your husband, hindi siguro masama kung sasabihin ko na lang sayo ang pakay ko dito," pagpapatuloy niya saka hinawakan ang tiyan niya. Sa simpleng kilos na iyon ay para kinabayo ang puso ko tila ba ay isa iyong drum na nilalaro sa isang magarbo at mai
Alora's POVWala pa rin akong pinagsabihan tungkol sa naging usapan namin ng totoong asawa ni Azrael dahil hindi pa rin naman siya umuuwi. Kahit ang ama niya ay hindi ko rin pinagsabihan. "Ayos ka lang na hija?" Napaangat ang tingin ko mula sa sahig pupunta sa ama ni Azrael, nakaupo na siya sa sofa na katapat ko. Akala ko ay naglalaro sila ni Rail, kailan pa siya nakaupo diyan sa sofa?"Opo," tipid kong sagot at binigyan siya ng isang ngiti. Hindi ko alam kung nakombinse ko ba siya pero ipinokus niya rin ang tingin sa sahig na tinitingnan ko kanina bago tumingin ulit sa akin. "Ever since I got here ganyan ka na, tulala. Dahil ba 'to sa kadalasang hindi pag-uwi ng anak ko?" Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling dahil hindi lang naman iyon ang rason. Sa huli ay tumango na lang ako. Ayokong sabihin sa kanya na pumunta dito ang totoong Alora dahil hindi ko rin alam ang magiging reaksyon niya kung nalaman niyang buntis ito, baka masaktan pa ako lalo kapag sinabi ko pa iyon kay Dad. O
Alora's POVNagpatuloy ang hindi pag-alis ni Azrael sa bahay, kinausap nga ata talaga siya ni Dad at patuloy ko rin siyang iniiwasan. Hindi ko naman alam na mas masasaktan pala ako kung andito siya. Bumawi rin siya katulad noong pagbawi niya noong unang beses na naging busy siya sa trabaho niya. Sobrang saya ng anak ko pero hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Sinuyo niya rin ako pero hindi ko magawang bumigay sa panunuyo niya, kahit binigyan na niya ako ng paborito kong bulaklak, ng paborito kong chocolate, at iba't-ibang pasalubong wala pa rin talaga. "Ano ba Azrael." Hindi ko na maiwasang mainis, nakayakap siya sa akin habang nagluluto at kahit saan ako pumunta ay hindi siya kumakalas sa pagkakayakap kaya naiilang ako sa mga ginagawa ko. "Umupo ka na lang doon kung hindi ka rin naman tutulong." Tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko saka nagpatuloy sa pagluluto. Umupo nga siya doon pero nakatingin pa rin sa akin. Nitong mga nakaraang araw ay ang bilis kong mainis sa kanya, masy
Alora's POVNagpatuloy ang paglayo ko kay Azrael, umiiwas ako sa kanya at hindi siya kumikibo pero hindi pa rin siya sumuko. Aaminin kong naaawa na ako sa kanya dahil habang tumatagal ay nagiging klaro ang lungkot sa mga mata niya kapag nakatingin sa akin pero hindi sapat ang awa na nararamdaman ko para patawarin siya kase nasaktan din ako. Nasasaktan pa rin at baka masaktan pa lalo kapag nalaman ko na ang katotohanan. "Lalabas lang ako saglit." Tiningnan ko lang siya saglit at ibinalik ulit ang tingin sa TV. "Hindi mo ba ako tatanungin kong saan ako pupunta katulad ng dati?" "Hindi, sanay na akong nasa labas ka." Ayaw ko na ring magtanong, nagsawa na kase akong gawin iyon noong mga panahon na palagi siyang nasa trabaho at hindi man lang nagsasabi kahit sa text kung asan at kumusta siya. "Wife naman, ano ba ang problema natin. Pag-usapan naman natin 'to, nahihirapan na ako." Ako rin nahihirapan at nasasaktan na Azrael, iyon ang gusto kong isagot sa kanya pero hindi ko ginawa. "Sor
Alora's POVDahil sa nalaman ko kay Calem ay mas lalong lumala ang pagdududa ko. Lumala rin ang araw-araw naming pag-aaway, o yung araw-araw kong pang-aaway sa kanya dahil sa inis at pagdududa na nararamdaman ko. "Sige nga sabihin mo sa akin kung totoo bang mahal mo ako. Hindi ko na kase iyon madama," singhal ko sa kanya. Isa na namang ordinaryong araw para sa aming dalawa, pinag-aawayan na naman ang hindi niya pag-uwi dahil sa trabaho."Mahal kita. Mahal ko kayong dalawa ni Rail. Kaya nga ako nagtra-trabaho dahil para sa inyo iyon eh." Para sa amin ba talaga? Kahit ang mga ganitong bagay ay nagagawa ko nang pagdududahan kaya parang minsan ay hindi ko na kilala ang sarili ko. "Magkatapatan nga tayo Azrael. Ano ba talaga ang tingin mo sa akin? Oo mahal mo ako pero ako ba talaga ang mahal mo?" O baka mahal mo lang ako kase ginagamit ko ang pangalan ng asawa mo. Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Hindi kita maintindihan wife. Syempre ikaw ang mahal ko dahil asawa kita." Asawa. Hindi
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na
Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?
Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga
Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b
Azrael's POV Our first walk down the aisle as a married couple while everyone was cheering for us was full of emotions. Paglabas namin sa pinto ng simbahan ay sumakay na kami sa kalesa papunta aa reception namin sa La Castellana. "Papa, I want to ride kalesa!" sigaw ni Rail nang tuluyan na kaming makasakay ng mama niya. Natatawa naman akong binuhat siya pasakay. "Iiwan niyo pa ako," dagdag pa nito nang ayusin ko ang pagkakaupo niya sa hita ko. Nagsimula na ribg umandar ang kalesa. "Hindi ka namin iiwan, diba nga sabi mo kahapon gusto mong sumakay dito?" Tumango lang ang anak namin dahil nawili na siya sa pagpansin sa kabayo. Alora's POV Sa pangalawang pagkakataon ay sabay ulit kaming naglakad ni Azrael papunta sa harap ng mga bisita namin pero ngayon ay kasama na namin si Rail. Isang toast din ang ginawa naming lahat para sa pag-celebrate ng kasal namin at pagkatapos. Hindi rin nagtagal ay sabay naming hiniwa ang cake namin. "Mama hindi ko abot." Kasama namin si Rail sa paghiwa
Azrael's POV Sa bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa altar ay para bang bumabalik ang mga alaala ko kasama ang asawa ko at ang anak namin. I can't even explain this emotion right now pero all I know is that this is something new, the excitement I am feeling and the eagerness to see my wife walking on the aisle, the thought that after this day were are finally married, everything is overwhelming but I like it. Hanggang sa tumayo ako sa gilid ng altar, inaantay na matapos ang pagpasok ng mga bridesmaid, best man, ring bearer at flower girls upang sa wakas ay makita ko na siya. "Congrats papa!" I hugged my son and kissed him on the forehead with a smile. "Thanks buddy."The entourage continued hanggang sa dumating na nga ang inaantay ko. The song 'Don't know what to say' by Ric Segreto started playing on the background when the door slowly opened, revealing a little glimpse of her. With a smile on her face she started walking towards me, kahit overwhelmed sa emotion hindi ko pa r
Alora's POV April 11, araw ng kasal namin. Pareho kaming maaga na nagising upang maghanda. Alas dos ng hapon pa ang kasal pero dahil mag-aayos pa lalo na sa make-up ay kailangan namin ng malaking oras. Magkaiba kami ng kwartong pinag-aayusan habang ang anak naman namin ay nandoon kay Dad. "Ano pong feeling ng ikakasal?" Nandito ngayon sila Sheila at Stella, kakarating lang nila ngayong araw para tulungan ako sa damit kasama ang mga make-up artist. "Kinakabahan ako." Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa para maramdaman nila ang panginginig ng kamay ko."Na-rehearse mo na po ba yung sasabihin mo mamaya?" tanong ulit nila.Memorisado ko na ang sasabihin ko pero kinakabahan lang ako dahil baka biglaan kong makalimutan dahil sa kaba ko kapag andoon na ako mamaya sa harap ng altar kasama si Azrael. "Pasabi na lang po kung masakit." Tumango ako, inaayos kase ang buhok ko ngayon at nilalagyan ng kaunting kulot."Paano kung magdala na lang kaya ako ng kodigo? Baka makalimutan ko kase," sab
Alora's POV Isang araw na lang bago ang kasal, gumising na naman ako ng may halong excitement at kaba sa puso ko. "Anong oras ba tayo magkikita-kita?" Plano naming kumain sa isang restaurant dito. "Mamayang eleven." Napatingin ako sa relo ko. Alas nwebe na kaya sinimulan ko ng maligo, katapos ay sinundo ko si Rail sa kwarto nila Calem at Kalo at dumaan na rin ako sa kwarto ni Manang Karla at ni Mika para ipaaalam sa kanila ang oras ng pag-alis namin. Pagdating namin sa restaurant ay kami lang ang tao doon maliban na lang sa mga tauhan ni Dad, Owen at ni Azrael na nakabantay sa labas at loob. Nagbatian din kami at sa una ay medyo naiilang pa sila Mika at Kalo pero nawala rin naman iyon agad dahil kinausap sila ni Law, siguro ay dahil na rin hindi nagkakalayo ang edad nila at mas matanda lang ng isang taon si Mika sa dalawa at agad silang naging komportable."Si Tito Gavin at Tita Ivy?" iyon din sana ang itatanong ko sana pero naunahan ako ni Azrael. Ang sabi kase kaninang umaga ay b
Alora's POV Ang sunod naming pinuntahan ay ang Casa Manila. Doon nag-aantay si Calem at ang iba pang tauhan ni Azrael sa amin, doon din kase ang hotel na na-book ni Azrael. Sumakay kami sa pedicab papunta sa tutuluyan namin. Dalawang pedicab ang kinuha namin dahil hindi kami kakasya sa isa. Kahit naman sa pedicab kami ay hindi ko mapigilang makaramdam ng antok dahil sa kabusugan. Hindi ko rin alam kung ilang minuto ba ang byahe papunta sa Casa Manila. Kahit din naman gustuhin kong matulog ay hindi ko magawa dahil sa bangayan nila Kalo, Mika at Rail sa likod. "Andito na tayo." Isa-isa kaming bumaba at lahat kami ay namangha.Parang kastilyo ang desenyo! Sa pagpasok namin ay mas lalo lang nadagdagan ang paghanga namin sa lugar. Hindi lang ang desenyo ng lugar ang nagpahanga sa akin lalo na sa anak ko kundi pati rin ang fountain na nasa gitna ng malaking space at sa paligid nito ay mga upuan. Sobrang ganda ng lugar at hindi ko alam kung paano pa iyon ipapaliwanag. "May mga stores, r