Alora's POV "I am Alora Hazel Valezka, his wife." Dumagundong sa taenga ko ang sinabi niya at parang nabingi ako. Kaharap ko ngayon ang tunay na asawa ng asawa ko, ang babaeng hiniraman ko ng pangalan ng walang paalam at pakiramdam ko ay talo na ako agad kahit wala pa namang sinasabi na magsisimula na ang laban. "You seem shock, hindi mo ba alam na may asawa ang tinatawag mong asawa?" tanong niya, ngayon ay may kakaiba na sa dati ay inosente niyang boses. "A-alam ko," nauutal kong sabi sa hindi malamang kadahilanan. "Mabuti naman dahil hindi na ako mahihirapang ipaintindi iyon sayo." Ang kaninang inosenteng babae na kaharap ko ay parang nagbabagong anyo na sa kada bigkas niya ng salita. "Since wala siya dito at you are claiming him as your husband, hindi siguro masama kung sasabihin ko na lang sayo ang pakay ko dito," pagpapatuloy niya saka hinawakan ang tiyan niya. Sa simpleng kilos na iyon ay para kinabayo ang puso ko tila ba ay isa iyong drum na nilalaro sa isang magarbo at mai
Alora's POVWala pa rin akong pinagsabihan tungkol sa naging usapan namin ng totoong asawa ni Azrael dahil hindi pa rin naman siya umuuwi. Kahit ang ama niya ay hindi ko rin pinagsabihan. "Ayos ka lang na hija?" Napaangat ang tingin ko mula sa sahig pupunta sa ama ni Azrael, nakaupo na siya sa sofa na katapat ko. Akala ko ay naglalaro sila ni Rail, kailan pa siya nakaupo diyan sa sofa?"Opo," tipid kong sagot at binigyan siya ng isang ngiti. Hindi ko alam kung nakombinse ko ba siya pero ipinokus niya rin ang tingin sa sahig na tinitingnan ko kanina bago tumingin ulit sa akin. "Ever since I got here ganyan ka na, tulala. Dahil ba 'to sa kadalasang hindi pag-uwi ng anak ko?" Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling dahil hindi lang naman iyon ang rason. Sa huli ay tumango na lang ako. Ayokong sabihin sa kanya na pumunta dito ang totoong Alora dahil hindi ko rin alam ang magiging reaksyon niya kung nalaman niyang buntis ito, baka masaktan pa ako lalo kapag sinabi ko pa iyon kay Dad. O
Alora's POVNagpatuloy ang hindi pag-alis ni Azrael sa bahay, kinausap nga ata talaga siya ni Dad at patuloy ko rin siyang iniiwasan. Hindi ko naman alam na mas masasaktan pala ako kung andito siya. Bumawi rin siya katulad noong pagbawi niya noong unang beses na naging busy siya sa trabaho niya. Sobrang saya ng anak ko pero hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Sinuyo niya rin ako pero hindi ko magawang bumigay sa panunuyo niya, kahit binigyan na niya ako ng paborito kong bulaklak, ng paborito kong chocolate, at iba't-ibang pasalubong wala pa rin talaga. "Ano ba Azrael." Hindi ko na maiwasang mainis, nakayakap siya sa akin habang nagluluto at kahit saan ako pumunta ay hindi siya kumakalas sa pagkakayakap kaya naiilang ako sa mga ginagawa ko. "Umupo ka na lang doon kung hindi ka rin naman tutulong." Tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko saka nagpatuloy sa pagluluto. Umupo nga siya doon pero nakatingin pa rin sa akin. Nitong mga nakaraang araw ay ang bilis kong mainis sa kanya, masy
Alora's POVNagpatuloy ang paglayo ko kay Azrael, umiiwas ako sa kanya at hindi siya kumikibo pero hindi pa rin siya sumuko. Aaminin kong naaawa na ako sa kanya dahil habang tumatagal ay nagiging klaro ang lungkot sa mga mata niya kapag nakatingin sa akin pero hindi sapat ang awa na nararamdaman ko para patawarin siya kase nasaktan din ako. Nasasaktan pa rin at baka masaktan pa lalo kapag nalaman ko na ang katotohanan. "Lalabas lang ako saglit." Tiningnan ko lang siya saglit at ibinalik ulit ang tingin sa TV. "Hindi mo ba ako tatanungin kong saan ako pupunta katulad ng dati?" "Hindi, sanay na akong nasa labas ka." Ayaw ko na ring magtanong, nagsawa na kase akong gawin iyon noong mga panahon na palagi siyang nasa trabaho at hindi man lang nagsasabi kahit sa text kung asan at kumusta siya. "Wife naman, ano ba ang problema natin. Pag-usapan naman natin 'to, nahihirapan na ako." Ako rin nahihirapan at nasasaktan na Azrael, iyon ang gusto kong isagot sa kanya pero hindi ko ginawa. "Sor
Alora's POVDahil sa nalaman ko kay Calem ay mas lalong lumala ang pagdududa ko. Lumala rin ang araw-araw naming pag-aaway, o yung araw-araw kong pang-aaway sa kanya dahil sa inis at pagdududa na nararamdaman ko. "Sige nga sabihin mo sa akin kung totoo bang mahal mo ako. Hindi ko na kase iyon madama," singhal ko sa kanya. Isa na namang ordinaryong araw para sa aming dalawa, pinag-aawayan na naman ang hindi niya pag-uwi dahil sa trabaho."Mahal kita. Mahal ko kayong dalawa ni Rail. Kaya nga ako nagtra-trabaho dahil para sa inyo iyon eh." Para sa amin ba talaga? Kahit ang mga ganitong bagay ay nagagawa ko nang pagdududahan kaya parang minsan ay hindi ko na kilala ang sarili ko. "Magkatapatan nga tayo Azrael. Ano ba talaga ang tingin mo sa akin? Oo mahal mo ako pero ako ba talaga ang mahal mo?" O baka mahal mo lang ako kase ginagamit ko ang pangalan ng asawa mo. Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Hindi kita maintindihan wife. Syempre ikaw ang mahal ko dahil asawa kita." Asawa. Hindi
Alora's POV "Ang babae pong iyon ay si Alora," imporma ko, baka kase hindi niya alam na ang totoong asawa ng anak niya ang nabuntis ni Azrael kaya niya nasasabi iyon. "Alam ko hija but I don't care about her anymore after what he did to my son." Nagulat ako. Anong ginawa ni Alora kay Azrael? Tinanong ko iyon kay Dad pero umiling lang siya, "It's not my story to tell." Tumango ako bilang pagsang-ayon at nanahimik na. Wala akong alam tungkol sa relasyon ni Azrael at Alora dati pero siguro ay mabuti na ang ganito dahil kung alam ko kung anong klaseng relasyon ang mayroon sila dati ay baka mas masaktan pa ako, lalo na ngayong siya ang posibleng ama ng dinadalang bata ni Alora. "Sa tingin niyo po ba kay Azrael ang batang iyon?" wala sa sarili kong tanong kay Dad. "Hindi ko alam pero sana ay hindi. Ayoko nang madawit ulit ako o ang anak ko sa pangalan ng mga Valezka.""Bakit naman po?" curious kong tanong. Sa pamamagitan ng ganito simpleng mga usapan namin ni Dad ay gumagaan ang loob ko
Alora's POV "Ginalaw ka rin naman ni Koen pero hindi ko pinagdudahan kung sa akin ba talaga si Rail." Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Hindi ba siya nagbibiro? Hindi ba ako linoloko ng taenga ko? Kase kung hindi, potangina! Potangina niya! Bigla akong napagod, nanghina kaya tinalikuran ko siya. Nandoon na rin si Dad na hindi rin makapaniwala sa sinabi ng anak niya at ngayon ay nagmamadaling bumaba habang kuyom ang kamao pero wala na akong oras para intindihin iyon dahil nagpapabalik-balik sa isip ko ang sinabi ni Azrael. Sa paglingon ko ay saktong pagsuntok ni Dad kay Azrael kaya napaupo ito sa sahig. "Kung..." Napatingin silang lahat sa akin. Lumunok muna ako at pinigilan ay pagragasa ng luha ko bago nagpatuloy, "Kung ngayon ay nagdududa ka na sana pina-DNA test mo na lang si Rail. Hindi iyong kailangan mo pa talagang ibalik ang nakaraan na pahirapan kong tinakasan." Tumakbo na ako papasok sa kwarto. Alam niya naman na sensitibong parte iyon ng nakaraan ko dahil nandoon siya sa
Alora's POV Kung pakulo lang ito ng mga Valezka ay makakahinga ako ng maluwag pero kase ang katotohanan na buntis talaga si Alora ay hindi pumayag na gawin ko iyon. Kung buntis talaga siya at hindi pa rin nawala ang posibilidad na ang ama ng dinadala niya ay si Azrael.Nagpatuloy ang araw at ngayon ay dalawang linggo na kaming nakatira dito sa bahay ni Dad. Masaya naman dito dahil hindi niya kami pinabayaan kahit hindi naman talaga ako ang tunay na asawa ng anak niya. Hindi niya rin ako kinakausap tungkol sa problema namin ni Azrael palagi at dinadamayan niya ako sa mga oras na ayaw kong lumabas sa dilim. Nahanap at nakita ko talaga sa kanya ang father figure na matagal kong hiniling sa panginoon.Ilang buwan nga rin kaming ganon, hindi nakita ni Rail ang Papa niya kaya sobrang miss na daw niya iyon. Wala akong nagawa kundi sabihin sa kanya na busy pa rin ang ama niya sa trabaho. Wala rin akong balita tungkol sa kanya dahil mas pinili kong ganon dahil ayokong madagdagan pa lalo ang b
Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo
Alora's POV Tinuruan ako ni Mr. Yakamoto kung paano ang tamang pagtayo sa training, ang tamang pagbagsak at kung-ano-ano pa. Hindi naman siya mahirap dahil kailangan ko lang i-inat ang kamay ko sa tuwing babagsak ako sa sahig dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka masaktan ang tagiliran ko. Ang nahirapan lang ako ay ang takot sa pagbagsak pero dahil wala ako sa lugar para mag-inarte ay ginawa ko pa rin iyon, nandito rin naman ako para matuto. Matapos akong turuan ni Mr. Yakamoto ay tinawag naman niya ang mga classmate ko, nakita ko pa ang paghagis ng babaeng kausap ko kanina sa isa pang babae. Iyan ang kahihinatnan ko sa paglipas ng araw na andito ako. "I know all of you already learned it but because we have Alora we will learn it again." Curios akong napatingin lalo na dahil pinagitna niya ang babaeng nakausap ko kanina at gumitna sila kaya wala sa sarili akong napaatras ganon din ang iba. Tumayo silang dalawa ng pagkahatap. "Halimbawa, naglalakad ka sa daan tapos may biglang
Alora's POVNgayon ang unang araw na kinakabahan ako sa paghatid kay Rail sa training center dahil ngayon din ang araw ng simula ng training ko. Hinatid kami ni Azrael sa training center dahil aalis din agad siya papuntang trabaho. Ilang araw na lang din bago siya lumipad papuntang Thailand. "Sunduin ko kayo maya katapos ng training niyo." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin naman siya sa anak namin pinantayan naman ito. "Enjoy the training anak, don't strain yourself too much." Magiliw naman na umuo ang anak namin saka siya tumayo at humarap sa akin. "If you change your mind tawagan mo lang ako." Ngumiti lang ako sa kanya. Bago pa kami lumabas ng bahay ay sinasabi na niya sa akin iyon. "Kakausapin ko si Mr. Yakamoto kung sakali man."Umiling ako. "Siguro na ako mahal." Ilang minuto niya pa akong tiningnan, parang sinusuri kong may kaunting pagiging hindi sigurado ba siyang makikita sa mukha ko. "Okay. Huwag mo ring i-push ang sarili mo masyado." Katulad ng ginawa ng anak namin
Alora's POV Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon kay Dad ay sinabi niya agad sa akin na kausapin ko muna si Azrael para siya na rin naman ang mag-ayos at mag-enroll sa akin sa klase. Pauwi na kami ngayon, kakatapos lang ng training ni Rail at sinundo kami ni Azrael doon matapos niya sa trabaho. Napagod siguro si Rail dahil knock-out na ito sa likod. "Gusto kong mag-aral ng self defense." Saglit na napatingin sa akin si Azrael pero agad rin namang ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Sure ka na ba?" Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita dahil nasa kalsada ang buong atensyon niya. "I will contact Mr. Yakamoto, the owner of that training center and Dad's previous butler para ma-enroll ka." Sa totoo lang ay hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari sa desisyon kong ito pero dahil gusto ko rin namang matuto ng mga bagay na makakapag-protekta sa akin at sa anak ko ay kailangan ko lang magtiwala sa magiging teacher ko at kay Azrael. Pagdating nga namin sa bahay ay hi
Alora's POV"No. I will handle that matter," rinig kong sabi ni Azrael habang nakatayo sa may bintana ng kwarto namin at may kausap sa telepono. Kakapasok ko lang sa kwarto namin dahil nilinisan ko pa ang pinagkainan namin. Ika-limang araw na rin ngayon ng training ni Rail. Kung minsan ay kaming dalawa ang sumusundo sa anak namin pero palaging ako dahil nga busy siya sa trabaho. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sabi ni Dad na mag-aral rin ako ng self-defense. Hindi naman niya ako pinipilit pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya dahil alam kong kapag nag-aral nga ako nun ay mapro-protektahan ko ang anak ko at ang sarili ko. Ang tanong nga lang ay kung kaya ko ba? Kakayanin ba ng isip ko kapag dumating na ako sa puntong nasa harap ko na ang isang bagay na magtri-trigger para bumalik ako sa nakaraan? "Kumusta?" tanong ko nang humiga na rin siya sa kama. Yumakap naman siya sa akin at isiniksik ang sarili sa katawan ko. "Hindi pa rin okay. Hindi pa rin tumitigil ang mga taong umaay
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na
Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?
Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga
Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b