Alora's POV Kinabukasan ay bumalik ulit si Kalo matapos ng klase niya, hinatid siya ng mga magulang niya at pinayagan pang dito matulog ngayong gabi kaya plus one na naman ang mga sardinas sa bahay ni Manang Karla. "Ate pasyal tayo," pag-aaya ni Kalo. Pumayag ako kase matagal na rin akong hindi nakakapunta at nakakapaglibot dito sa Sta. Rosa, tumira nga ako dito noong buntis ako kay Rail pero hindi naman ako bumaba sa bundok na iyon. Kasama ko si Kalo, si Rail, si Mika at si Tali na bagong bata lang din sa puder ni Manang Karla. Kahit talaga ang taray ng mukha ni Manang ay kay buti naman ng puso. Kaedad lang siguro ni Rail si Tali kaya sinama na namin para malibang silang dalawa. Maraming nagbago sa St. Rosa pero marami ang nanatili pa rin tulad ng dati. Katulad na lang ng palengke na hanggang ngayon ay kay dumi pa rin dahil mga iresponsable pa rin ang mga taga-tinda, kung saan-saan lang tinatapon ang mga sira nang prutas at gulay. Sa simbahan naman ay kay dami ring dumagdag na mg
Alora's POV Whole week kaming mananatili sa bahay ni Manang Karla at ngayon ay ang aming pang-limang araw. Sobrang saya ng mga nakaraang araw at wala ring panahon na nakita kong malungkot ang anak ko maliban na lang kapag pinagdedisketahan ng mga ate niya at sinasadyang paiyakin. "Ako na po ang mamamalengke," presenta ko kay Manang Karla. Namalimos naman sila kinabukasan nang pumunta kami dito pero simula noon ay hindi na ulit dahil maliit talaga ang nalilimos nila kaya nitong mga nakaraang araw ay ang perang binigay sa akin ni Dad ang ginagamit namin para sa pagkain. Masaya rin naman ako dahil masaya ang mga bata kapag nakakakita sila ng desenteng ulam sa lamesa. Bumili ako ng tatlong kilong isda at apat na kilo ng bigas. Sapat na iyon hanggang mamayang gabi namin. Pag-uwi ko ay ako na rin ang nagtrabaho, tumulong naman sa akin si Manang Karla at ang mga bata. Mayroon nang mga sinibak na kahoy para panggatong kaya hindi ako nahirapan. Ginawa kong paksiw ang isda, hindi pa nga luto
Alora's POVNakatanga lang akong nakatingin kay Azrael na ngayon ay nasa harap ko. Mas lalo pa akong hindi nakakilos nang tumakbo siya sa akin at yakapin ako. Ang sarap sana sa pakiramdam pero ayokong namnamin dahil kay Alora, ang totoong Alora. "I miss you and Rail." Tinulak ko siya mula sa pagkakayakap sa akin. Lalapit sana siya pero pinigilan ko siya. "Huwag kang lumapit Azrael." Iniwan ko siya sa kinatatayuan ko at bumalik sa alkansya. Kukunin ko na lang iyon at doon na bibilangin sa bahay ni Manang Karla at baka gising na rin si Rail. "Nanganak na si Alora." Napatigil ako sa pagpulot ng mga pera na nasa sahig. Pumunta lang ba siya dito para ibalita sa akin iyon? Sa tingin niya ba matutuwa ako? Potangina, sana talaga inisip ko muna ang lahat bago ako pumayag na maging stand-in wife niya eh, ngayon tuloy para akong pinupunit sa bawat nangyayari sa amin. "Nanganak na siya at may maipapakita na akong patunay sayo na hindi ako ang ama ng bata. Pina-DNA test ko ang anak niya at ang
Azrael's POV FLASBACKAlora Hazel Valezka, she was my first love kaya naman sobrang saya ko noong sabihin sa akin na ipinagkasundo kaming ikasal. Kahit arrange marriage lang iyon ay sobrang saya ng puso ko ngunit ang sayang iyon ay panandalian lang pala. Matapos ang kasal namin ay tumira kami sa bahay ko. Masaya naman ang pagsasama namin dahil mabait siya sa akin at maalaga taliwas sa akala kong baka galit siya at hindi ako pansinin dahil hindi naman namin mahal ang isa't-isa at kinasal kami— hindi namin mahal ang isa't-isa pero sigurado akong mahal ko siya. Sa mga kinikilos niya at sa pag-aalaga sa akin ay hindi ko maiwasang isipin na baka mahal niya rin ako. Umasa akong mahal niya rin ako kahit hindi naman niya binibigkas ang tatlong salita na iyon ngunit sadya atang mapagbiro ang tadhana at kanyang itinalaga na ang tanging role ko sa buhay ni Alora ay taga-asa. I caught her having sex with a man in our own house. Sa sobrang sakit ay kinaladkad ko silang dalawa palabas ng bahay k
Azrael's POV FLASHBACKMabilis na natapos ang araw kaya andito na naman ako sa restaurant, nag-aantay sa babaeng nakausap ko noong isang araw. Hindi ko alam ang pangalan niya at kung sino siya basta ang alam ko lang ay baka tauhan siya ni Koen o baka isa siya sa mga minamaltrato ni Koen sa lagay pa lang ng katawan niya. Katulad nang dati ay inutusan ko ulit si Calem at ang mga tauhan ko na papikitin ang mga mata sa paligid pati na rin ang tatlong sniper na nasa kaharap na building. Nalaman siguro ni Keon na ako ang kinikita ng babae niya. Bumukas ang pinto at pumasok ulit ang isang babae. Nakasuot na naman siya ng dress ngayon at maikli ito. Maputi ang hita niya kaya hindi nakatakas sa akin ang pasang nagkakalat doon. Fuck, ginagawa pa ata ni Koen ang gawain nila. I guess their human trafficking business continued? Binantaan ko na sila pero mukhang gusto ata talaga nilang magkagulo ang lahat. They usually torture the girls first and then sold it to foreigners. Is this girl one of t
Azrael's POV FLASHBACKDalawang taon. Dalawang taon ko ring hinanap ang asawa ko— hindi si Alora kundi ang nagpapanggap bilang Alora. Pagsisi lang ang naramadaman ko sa loob ng dalawang taon na iyon. Hindi ko man lang naitanong sa kanya kung ano ang pangalan niya. Hindi man lang ako nakabawi sa kanya pero ngayong nahanap ko na siya ay sisiguraduhin kong gagawin ko lahat ng pinagsisihan ko. Dumiretso kami sa Sta. Cruz. Doon siya na-trace ng mga tauhan ko at nakatira daw sa isang bundok kaya iyon ang tinungo namin. Mas mabilis pa ata sa cheetah ang naging takbo ko papunta sa sinasabi nilang lokasyon at napakaraming lalaki ang naabutan ko doon kaya dumaan bigla ang kaba sa dibdib ko. Hinayaan ko sila Calem na dumispatsa sa mga lalaking nasa labas at dali-dali akong pumasok sa loog ng bahay. My wife was there at may nakapaibabaw sa kanya na lalaki. Walang pag-aatubili kong sinugod ang lalaking iyon at sinuntok para matanggal siya sa ibabaw ng asawa kong nagmamakaawa na. Isang suntok ul
Azrael's POV FLASHBACKAng una kong hinanap ay kung sinong babae ang nagsabi na ako ang ama ng dinadala niya at nang malaman kong si Alora iyon— ang babaeng nangloko sa akin ay mas lalo lang akong nagalit. Sinugod ko ang bahay nila, masaya akong sinalubong ng Mom at Dad niya pero deri-deritso lang ako sa kwarto ng hinahanap ko. "Nasaan si Alora?" galit kong tanong. Nagtaka ang mga magulang niya pero wala akong oras para magpaliwanag gayong mukhang kasali rin naman ata sila sa plano ng anak nila. Inilabas ko ang baril ko nang walang sumagot sa kanila. Itinutok ko iyon sa mga magulang ni Alora. "Answer me kung ayaw mong maligo sa sarili mong dugo." Her Dad's face was still emotionless pero ang mukha ng ina niya ay takot na takot. "Nababaliw ka na ba? Alam mo kung anong mangyayari sa oras na kinalabit mo yan," sabi pa nito pero tinawanan ko lang siya."Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako dahil sa ka-potanginahan ng anak niyo!" Mas lalo ko pang inilapit ang baril sa noo ng ama ni Alor
Azrael's POV FLASHBACKMatapos ang nangyari at ang nasabi ko sa asawa ko ay ipinokus ko na talaga ang sarili sa pagsolba sa problema namin. Pinigilan kong pumunta ulit sa bahay ni Dad para guluhin at humingi sa kanya ng tawad, saka ko na gagawin iyon kapag may patunay na akong hindi ako ang ama ng dinadala ni Alora. Hinanap ko kung saan naroroon si Alora, I was desperate to end all of this kaya noong nahanap ko siya sa isang condo niya sa Manila ay pinuntahan ko na agad siya. "Listem Azrael, huwag mo siyang sasaktan kahit gaano ang galit mo dahil buntis pa rin siya." Kanina pa ako pinapaalalahanan ni Calem, sumama din siya sa akin para pigilan niyang mangyari iyon. Hindi ko na siya pinigilan kase kahit maski ako ay hindi ako sigurado kong mapipigilan ko bang hindi siya saktan. Mabilis pa sa mabilis ang ginawa kong mga hakbang para marating ang unit ni Alora at malakas na katok ang inabot ng pinto niya noong nasa harap na ako nito, kung may pakiramdam nga lang ang pinto niya ay baka
Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo
Alora's POV Tinuruan ako ni Mr. Yakamoto kung paano ang tamang pagtayo sa training, ang tamang pagbagsak at kung-ano-ano pa. Hindi naman siya mahirap dahil kailangan ko lang i-inat ang kamay ko sa tuwing babagsak ako sa sahig dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka masaktan ang tagiliran ko. Ang nahirapan lang ako ay ang takot sa pagbagsak pero dahil wala ako sa lugar para mag-inarte ay ginawa ko pa rin iyon, nandito rin naman ako para matuto. Matapos akong turuan ni Mr. Yakamoto ay tinawag naman niya ang mga classmate ko, nakita ko pa ang paghagis ng babaeng kausap ko kanina sa isa pang babae. Iyan ang kahihinatnan ko sa paglipas ng araw na andito ako. "I know all of you already learned it but because we have Alora we will learn it again." Curios akong napatingin lalo na dahil pinagitna niya ang babaeng nakausap ko kanina at gumitna sila kaya wala sa sarili akong napaatras ganon din ang iba. Tumayo silang dalawa ng pagkahatap. "Halimbawa, naglalakad ka sa daan tapos may biglang
Alora's POVNgayon ang unang araw na kinakabahan ako sa paghatid kay Rail sa training center dahil ngayon din ang araw ng simula ng training ko. Hinatid kami ni Azrael sa training center dahil aalis din agad siya papuntang trabaho. Ilang araw na lang din bago siya lumipad papuntang Thailand. "Sunduin ko kayo maya katapos ng training niyo." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin naman siya sa anak namin pinantayan naman ito. "Enjoy the training anak, don't strain yourself too much." Magiliw naman na umuo ang anak namin saka siya tumayo at humarap sa akin. "If you change your mind tawagan mo lang ako." Ngumiti lang ako sa kanya. Bago pa kami lumabas ng bahay ay sinasabi na niya sa akin iyon. "Kakausapin ko si Mr. Yakamoto kung sakali man."Umiling ako. "Siguro na ako mahal." Ilang minuto niya pa akong tiningnan, parang sinusuri kong may kaunting pagiging hindi sigurado ba siyang makikita sa mukha ko. "Okay. Huwag mo ring i-push ang sarili mo masyado." Katulad ng ginawa ng anak namin
Alora's POV Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon kay Dad ay sinabi niya agad sa akin na kausapin ko muna si Azrael para siya na rin naman ang mag-ayos at mag-enroll sa akin sa klase. Pauwi na kami ngayon, kakatapos lang ng training ni Rail at sinundo kami ni Azrael doon matapos niya sa trabaho. Napagod siguro si Rail dahil knock-out na ito sa likod. "Gusto kong mag-aral ng self defense." Saglit na napatingin sa akin si Azrael pero agad rin namang ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Sure ka na ba?" Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita dahil nasa kalsada ang buong atensyon niya. "I will contact Mr. Yakamoto, the owner of that training center and Dad's previous butler para ma-enroll ka." Sa totoo lang ay hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari sa desisyon kong ito pero dahil gusto ko rin namang matuto ng mga bagay na makakapag-protekta sa akin at sa anak ko ay kailangan ko lang magtiwala sa magiging teacher ko at kay Azrael. Pagdating nga namin sa bahay ay hi
Alora's POV"No. I will handle that matter," rinig kong sabi ni Azrael habang nakatayo sa may bintana ng kwarto namin at may kausap sa telepono. Kakapasok ko lang sa kwarto namin dahil nilinisan ko pa ang pinagkainan namin. Ika-limang araw na rin ngayon ng training ni Rail. Kung minsan ay kaming dalawa ang sumusundo sa anak namin pero palaging ako dahil nga busy siya sa trabaho. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sabi ni Dad na mag-aral rin ako ng self-defense. Hindi naman niya ako pinipilit pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya dahil alam kong kapag nag-aral nga ako nun ay mapro-protektahan ko ang anak ko at ang sarili ko. Ang tanong nga lang ay kung kaya ko ba? Kakayanin ba ng isip ko kapag dumating na ako sa puntong nasa harap ko na ang isang bagay na magtri-trigger para bumalik ako sa nakaraan? "Kumusta?" tanong ko nang humiga na rin siya sa kama. Yumakap naman siya sa akin at isiniksik ang sarili sa katawan ko. "Hindi pa rin okay. Hindi pa rin tumitigil ang mga taong umaay
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na
Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?
Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga
Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b