Azrael's POV FLASHBACKMatapos ang nangyari at ang nasabi ko sa asawa ko ay ipinokus ko na talaga ang sarili sa pagsolba sa problema namin. Pinigilan kong pumunta ulit sa bahay ni Dad para guluhin at humingi sa kanya ng tawad, saka ko na gagawin iyon kapag may patunay na akong hindi ako ang ama ng dinadala ni Alora. Hinanap ko kung saan naroroon si Alora, I was desperate to end all of this kaya noong nahanap ko siya sa isang condo niya sa Manila ay pinuntahan ko na agad siya. "Listem Azrael, huwag mo siyang sasaktan kahit gaano ang galit mo dahil buntis pa rin siya." Kanina pa ako pinapaalalahanan ni Calem, sumama din siya sa akin para pigilan niyang mangyari iyon. Hindi ko na siya pinigilan kase kahit maski ako ay hindi ako sigurado kong mapipigilan ko bang hindi siya saktan. Mabilis pa sa mabilis ang ginawa kong mga hakbang para marating ang unit ni Alora at malakas na katok ang inabot ng pinto niya noong nasa harap na ako nito, kung may pakiramdam nga lang ang pinto niya ay baka
Azrael's POV I rushed everything para lang mapatunayan ko na hindi ko anak iyon pero wala akong nahanap na ebedensya. "Mahihirapan tayo lalo dahil hindi nakikita ang mukha ng lalaking ito sa video." Kinuyom ko ang kamao ko sa sinabi ni Calem. Umagang-umaga at ito ang bubungad sa akin. "I don't care just find that asshole!" His also one of the reasons kung bakit siguro naniwala ang asawa ko na ako ang lalaking iyon."Azrael kumalma ka. Sasabihin ko sa kanila na ipagpatuloy ang paghahanap sa lalaking iyon pero for now let's find another evidence." Tama si Calem. Hindi ako dapat umupo lang dito na walang ginagawa. Kinalikot ko ang utak ko kung anong pwede kong magamit na ebedensya. Pumunta ako sa bar na iyon para sana humingi ng copy sa cctv nila pero wala akong napala dahil deleted na raw. Isang buwan lang daw kase nilang kine-keep ang mga videos at dalawang buwan na ang nagdaan simula noong aksidente.Bigo ako at wala nang maisip na posibleng patunay, noong gabi kaseng iyon ay wala ak
Alora's POVBumalik kami sa dating daily life namin. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayong nakikita ko ulit ang mag-ama kong naglalaro sa sala. Hindi pumasok sa trabaho si Azrael dahil gusto niya nga raw bumawi dahil sa nangyari. Ako rin naman gusto kong bumawi pero paano naman ang trabaho niya? "Mahal maapektuhan niyan ang trabaho mo." Kanina ko pa ipinapaliwanag sa kanya ang point ko pero ayaw pa rin niya. "Ako naman ang boss doon wife." Hinarap ko na siya dahil nakayakap siya sa likod ko. "Kahit na mahal, kailangan ka pa rin doon." Sumimangot siya kaya natawa ako. "Sige na magbihis ka na doon." Tumango siya pero napasigaw ako nang bigla niya akong buhatin at naglakad patungo sa taas. "Hoy anong ginagawa mo?! Ibaba mo ako Azrael." Kahit anong sigaw ko sa kanya ay hindi niya ako pinansin. "Rail, go change your clothes. Sasama ka kay Mama at Papa sa trabaho." Gulat akong tumingin sa kanya, anong sasama sa trabaho? "Sama kayo sa akin, na-miss ko kayo eh. In that way
Alora's POV Hawak-hawak ko ang kamay ni Azrael habang nakasunod sa tauhan niya na papunta kung nasaan si Alora, nakasunod lang din sa akin si Azrael. Nang pumasok kami sa opisina na kinaroroonan ni Alora ay tumayo agad siya. "Bakit mo siya kasama?" tanong niya habang nakatingin sa amin ni Azrael nang makita niya ang kamay naming magkahawak ay napako ang tingin niya doon."Because she is my wife and she has the right to be here." Naramdaman kong hinigpitan ni Azrael ang pagkakahawak sa kamay ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti. "I am your wife Azrael," madiing sabi ni Alora. Asawa ka nga sa papel pero ikaw ba ang mahal?"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" matapang kong tanong sa kanya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya tiningnan ko rin siya ng ganon. "I should be the one to ask you that. Bakit ka nandito? Ang kapal ng mukha mong pumunta sa kompanya ng asawa ko." Sasagot na sana ako sa sinabi niya pero naunahan ako ni Azrael."Hindi mo ako asawa. Matagal na tayong ta
Alora's POV"Hindi ko na kailangang pumili. Dahil una pa lang hindi ka na kasali sa choices dahil wala naman talagang choices. From the very beginning I choose my wife at hindi ikaw iyon Alora." Ang kabang nararamdaman ko na baka hindi ako ang piliin ni Azrael ay dahan-dahang nawala nang lumipat ang tingin niya sa akin at hawakan ang kamay ko. "This is the last time I will allow you to set foot inside my company and my life kaya huwag ka nang bumalik pa," sabi ni Azrael bago kami lumabas sa opisina na iyon at naglakad na papunta sa opisina niya. "Ang galing mo naman palang makipagsagutan wife," sabi niya na para bang kamangha-mangha iyon."Sanay lang hindi magaling. Ang dami kaseng matataray noong nasa puder pa ako ni Manang Karla kaya ayon." Tumawa ako nang maalala ang mga pinagsasabi ko dati sa mga nang-aaway sa ibang mga bata. Nakaka-guilty pero totoo naman ang mga sinabi ko noon kaya hindi ko na problema kung nasaktan sila sa mga salita ko kase nagsasabi lang naman ako ng totoo.
Alora's POVNoong sumunod na mga araw ay hindi na kami sumama sa trabaho ni Azrael dahil mas lalo lang siyang walang magagawa. Nanatili kami sa bahay pero minsan ay lumalabas din kami ni Rail. Pumupunta kami sa mall minsan naman ay doon kami napapalagi ng anak ko sa parke ng village. Naging close na rin naman kami sa mga tao doon dahil palagi na kami doon. Naging kaibigan na ni Rail ang ibang mga bata na palagi rin doon habang ako naman ay naging malapit na rin ng kunti sa mga ina ng mga batang kalaro ng anak ko. "Napapadalas na ata kayo rito," sabi sa akin ni Kate, isa siya sa ina ng mga batang kalaro ni Rail. Tumango ako sa kanya. "Oo busy kase ang asawa ko at palagi ring gusto ng anak ko na pumunta rito. Masyadong nasasayahan sa pakikipaglaro." Saglit akong tumingin kay Rail na kay lapad ng ngiti. "Ay Kate, kilala mo ba yung manghuhula dito?" tanong ko naman. Gusto ko kaseng magpasalamat sa kanya kase kahit hindi man namin napigilan ang nangyari at least binantaan niya kami. Um
Alora's POV "Po?" Ang pagkakarinig ko kase ay tinawag akong anak ni Manang Helen. "Pasensya na namali ako ng dinig." Ngumiti siya ng tipid sa akin kaya ginawa ko rin iyon. Natural lang naman na mangyari iyon dahil may katandaan na rin siya. "May kailangan ka ba hija?" "Gusto ko lang po sanang magpasalamat." Tumingin siya sa akin ng nagtataka, nakalimutan niya na ba na hinulaan niya kami bigla sa daan? "Hinulaan mo po kami dati habang naglalakad kami sa daan. Hindi man po namin napigilan ang nahulaan mong mangyayari pero gusto ko pa rin pong magpasalamat sa inyo." Tumatango-tango siya, naalala na niya na siguro. "Wala iyon." Nagpasalamat pa ulit ako bago bumalik na sa kotse para makauwi na kami. Pagpasok ko pa lang ay tinanong ako agad ni Azrael kung sino iyong kinausap ko. "Si Manang Helen, yung nanghula sa atin bigla sa daan habang pauwi tayo." "Nagpahula ka ulit?" tanong niya pero umiling ako. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa hula sadyang kung bibigyan man ulit ako ng is
Alora's POV Hindi ko na namalayan kung ilang buwan na ba ang lumipas simula noong away namin ni Azrael na ang dahilan ay si Alora. Dumadalaw pa rin daw si Alora sa kompanya at hindi pa rin sumusuko pero palagi pa rin itong pinapaalis ni Azrael. Sa sobrang inis nga niya ay naglagay siya ng napakaraming security sa labas ng building para siguraduhing hindi na makakapasok si Alora doon. Habang tumatagal din ay napapansin ko na ang paglaki ni Rail. Palagi kaming magkasama pero hindi ko maiwasang hindi mapansin ang mga kunting bagay na hindi naman niya kayang gawin noon pero ngayon ay kayang-kaya na niya kahit walang tulong na natatanggap mula sa iba. Isa na roon ang paglilinis ng kinainan niya, paglilinis sa mga laruan niya at ang pagtulong sa mga simpleng gawain. Masaya ako dahil doon kase hindi na ako ma-i-stress masyado sa kakasaway sa kanya pero nakakalungkot din na parang ang dali niyang lumaki, parang kailan nga lang ay tinakasan ko pa ang Daddy niya at itinira siya sa Sta. Rosa.
Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo
Alora's POV Tinuruan ako ni Mr. Yakamoto kung paano ang tamang pagtayo sa training, ang tamang pagbagsak at kung-ano-ano pa. Hindi naman siya mahirap dahil kailangan ko lang i-inat ang kamay ko sa tuwing babagsak ako sa sahig dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka masaktan ang tagiliran ko. Ang nahirapan lang ako ay ang takot sa pagbagsak pero dahil wala ako sa lugar para mag-inarte ay ginawa ko pa rin iyon, nandito rin naman ako para matuto. Matapos akong turuan ni Mr. Yakamoto ay tinawag naman niya ang mga classmate ko, nakita ko pa ang paghagis ng babaeng kausap ko kanina sa isa pang babae. Iyan ang kahihinatnan ko sa paglipas ng araw na andito ako. "I know all of you already learned it but because we have Alora we will learn it again." Curios akong napatingin lalo na dahil pinagitna niya ang babaeng nakausap ko kanina at gumitna sila kaya wala sa sarili akong napaatras ganon din ang iba. Tumayo silang dalawa ng pagkahatap. "Halimbawa, naglalakad ka sa daan tapos may biglang
Alora's POVNgayon ang unang araw na kinakabahan ako sa paghatid kay Rail sa training center dahil ngayon din ang araw ng simula ng training ko. Hinatid kami ni Azrael sa training center dahil aalis din agad siya papuntang trabaho. Ilang araw na lang din bago siya lumipad papuntang Thailand. "Sunduin ko kayo maya katapos ng training niyo." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin naman siya sa anak namin pinantayan naman ito. "Enjoy the training anak, don't strain yourself too much." Magiliw naman na umuo ang anak namin saka siya tumayo at humarap sa akin. "If you change your mind tawagan mo lang ako." Ngumiti lang ako sa kanya. Bago pa kami lumabas ng bahay ay sinasabi na niya sa akin iyon. "Kakausapin ko si Mr. Yakamoto kung sakali man."Umiling ako. "Siguro na ako mahal." Ilang minuto niya pa akong tiningnan, parang sinusuri kong may kaunting pagiging hindi sigurado ba siyang makikita sa mukha ko. "Okay. Huwag mo ring i-push ang sarili mo masyado." Katulad ng ginawa ng anak namin
Alora's POV Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon kay Dad ay sinabi niya agad sa akin na kausapin ko muna si Azrael para siya na rin naman ang mag-ayos at mag-enroll sa akin sa klase. Pauwi na kami ngayon, kakatapos lang ng training ni Rail at sinundo kami ni Azrael doon matapos niya sa trabaho. Napagod siguro si Rail dahil knock-out na ito sa likod. "Gusto kong mag-aral ng self defense." Saglit na napatingin sa akin si Azrael pero agad rin namang ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Sure ka na ba?" Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita dahil nasa kalsada ang buong atensyon niya. "I will contact Mr. Yakamoto, the owner of that training center and Dad's previous butler para ma-enroll ka." Sa totoo lang ay hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari sa desisyon kong ito pero dahil gusto ko rin namang matuto ng mga bagay na makakapag-protekta sa akin at sa anak ko ay kailangan ko lang magtiwala sa magiging teacher ko at kay Azrael. Pagdating nga namin sa bahay ay hi
Alora's POV"No. I will handle that matter," rinig kong sabi ni Azrael habang nakatayo sa may bintana ng kwarto namin at may kausap sa telepono. Kakapasok ko lang sa kwarto namin dahil nilinisan ko pa ang pinagkainan namin. Ika-limang araw na rin ngayon ng training ni Rail. Kung minsan ay kaming dalawa ang sumusundo sa anak namin pero palaging ako dahil nga busy siya sa trabaho. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sabi ni Dad na mag-aral rin ako ng self-defense. Hindi naman niya ako pinipilit pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya dahil alam kong kapag nag-aral nga ako nun ay mapro-protektahan ko ang anak ko at ang sarili ko. Ang tanong nga lang ay kung kaya ko ba? Kakayanin ba ng isip ko kapag dumating na ako sa puntong nasa harap ko na ang isang bagay na magtri-trigger para bumalik ako sa nakaraan? "Kumusta?" tanong ko nang humiga na rin siya sa kama. Yumakap naman siya sa akin at isiniksik ang sarili sa katawan ko. "Hindi pa rin okay. Hindi pa rin tumitigil ang mga taong umaay
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na
Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?
Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga
Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b