Alora's POV Hindi ko na namalayan kung ilang buwan na ba ang lumipas simula noong away namin ni Azrael na ang dahilan ay si Alora. Dumadalaw pa rin daw si Alora sa kompanya at hindi pa rin sumusuko pero palagi pa rin itong pinapaalis ni Azrael. Sa sobrang inis nga niya ay naglagay siya ng napakaraming security sa labas ng building para siguraduhing hindi na makakapasok si Alora doon. Habang tumatagal din ay napapansin ko na ang paglaki ni Rail. Palagi kaming magkasama pero hindi ko maiwasang hindi mapansin ang mga kunting bagay na hindi naman niya kayang gawin noon pero ngayon ay kayang-kaya na niya kahit walang tulong na natatanggap mula sa iba. Isa na roon ang paglilinis ng kinainan niya, paglilinis sa mga laruan niya at ang pagtulong sa mga simpleng gawain. Masaya ako dahil doon kase hindi na ako ma-i-stress masyado sa kakasaway sa kanya pero nakakalungkot din na parang ang dali niyang lumaki, parang kailan nga lang ay tinakasan ko pa ang Daddy niya at itinira siya sa Sta. Rosa.
Alora's POV Dahil sa pagkadulas ko ay nagpalit ulit kami ng pwesto, siya na ngayon ang nasa taas habang inaabutan siya ng mga Christmas balls na kailangan niya. Hindi rin ako nakatakas sa sermon niya sa akin dahil sa nangyari. "You need to be careful wife. Paano na lang kung hindi kita nasalo?" Kanina pa yan siya sa paano na lang kung hindi niya ako nasalo. "No. It was my fault, dapat in the first place hindi ako pumayag na umakyat ka dito." Tapos ganyan, sinisisi niya ang sarili niya. Paulit-ulit na ganon ang punto niya kaya ang ginawa ko ay nakikinig ako sa kanang taenga ko at inilalabas din ang narinig ko sa aking kaliwang taenga.Ipinagpatuloy namin ang pagde-decorate ng Christmas tree hanggang sa matapos namin iyon at ngayon ay nakatayo na kami sa harap nito. Ang ganda, paano pa kaya kung buksan ang ilaw na nakapalibot sa Christmas tree edi dagdag sa kaganda niya yun!"Mag-picture tayo diyan mamayang alas tres. Ready na ang isusuot nating damit." Tumango ako. Ngayong araw na r
Alora's POV Matapos ang ribbon cutting nila para sa pagbubukas ng bahay ampunan na tinawag ni Azrael na Dream Care ay nagkanya-kanya na ang mga bisita sa pagkuha ng pagkain. May catering din kase para sa celebration at napakaraming tao ang nandito. Ang iba ay ang mga nakita ko sa litrato na nakasabit sa opisina ni Azrael at ang iba ay hindi ko kilala kaya medyo nakakahiya. Si Rail naman ay pinabantayan ko muna kay Mika dahil kasama ko si Azrael sa paglilibot at pagbati sa mga bisita. "Thank you for accepting my invitation Mr. Gonzales." Tumango naman ang lalaking nilapitan namin ni Azrael. Aabot na ata ng sampu ang binati namin at mukhang marami pa pero todo ngiti pa rin ako sa tuwing may lalapitan kami na bago. "Of course. You know I love kids and I am thankful to people who help them through this kind of projects." Malamlam ang mata niyang nakatingin sa asawa ko bago niya inilipat sa akin ang tingin. "This must be your wife." Awtomatikong lumapad ang ngiti ko at binati siya. "Go
Alora's POV"Alis na po kami," pagpapaalam ko kay Manang Karla. Katatapos lang ng selebrasyon, nakatulog na rin si Rail kaya buhat-buhat ito ngayon ng ama niya. "Balik ulit kayo ate ha." Tumango ako sa sinabi ni Mika, wala dito si Kalo kase exam daw sa paaralan kaya siya lang ang nagbantay kay Rail buong araw. "Oo naman. Babalik talaga ako rito lalo na kung may gawin na namang kabulastugan itong kuya Azrael niyo," natatawa kong sabi, pati na rin si Mika ay natawa na. "Hinding-hindi ako gagawa ng kabulastugan pero sure ako na babalik ulit sila dito kahit kailan na gusto nila. Pwede rin naman kayong pumunta sa bahay kahit kailan niyo gusto para makita ang ate niyo." Masayang nagtatalon ang mga bata habang malapad naman ang ngiti ni Mika dahil sa sinabi ni Azrael."Babye na, gagabihin na kami sa daan eh." Yumakap pa muna ako kay Manang Karla at kumaway sa mga bata bago pumasok sa kotse. Katulad ng pinangako namin sa kanila ay nagpabalik-balik nga kami sa pagbisita sa Dream Care, kada
Alora's POV "Wife gusto mo bang pumunta sa ibang bansa?" Napatingin ako kay Azrael sa biglaan niyang tanong. "Bakit mo naman natanong?" Nasa sofa kami nakaupo habang nanonood ng balita tapos bigla-bigla na lang magtatanong nang may makitang airplaine sa TV. "Punta tayo sa Korea," pag-aaya niya. "Magbakasyon tayo doon ng isang linggo tapos sakto lang iyon dahil pag-uwi natin pasko na." Dalawang linggo na lang bago ang pasko, gusto kong pumayag sa plano niya pero nakakatakot sumakay sa eroplano. "Pag-iisipan ko." Kita ko siyang napangiti dahil sa sagot ko. Balita ko ay may snow din sa Korea, gusto kong makaranas ng ganon pero kaya ko bang malampasan ang takot ko?"Ipapahanda ko na ang private plane namin." Isang linggo pa ang dadaan at hindi pa nga ako nagsasabi ng oo pero naghahanda na siya. Hayaan ko na lang, kung doon siya masaya sa sobrang excited niya sige. Narinig ko ang pagbaba ni Rail sa hagdan— hindi ako sure kung hagdan ba ang itatawag ko doon dahil ang totoo ay escalator
Alora's POV Pagkababa namin sa eroplano ay deritso kami sa bahay na tutuluyan daw namin. Hindi ko alam kung ilang oras ba kaming nasa himpapawid pero napagod ako kaya siguro nakatulog ako byahe pati rin si Rail dahil paggising ko ay saka rin naman ang paggising niya. Nagulat pa ako dahil akala ko sa isang hotel kami tutuloy pero literal na buong bahay ang bumungad sa akin. "May bahay kayo dito?" tanong ko kay Azrael, ang inaasahan ko kase talaga ay sa hotel kami matutulog dahil wala rin naman siyang sinabi sa akin. "Wala, inupahan ko lang ito." Tumango ako. Ang taray naman pala dito sa Korea pinapaupahan nila ang buong bahay. May ganito rin kaya sa Pilipinas? Nakita ko pang sa kabilang bahay pumasok ang mga tauhan niya pati na rin si Calem."Pati ba iyang isang bahay inupahan din?" Tumango siya kaya mas lalo akong namangha. Ngayon lang ako nakarinig ng ganito. Pagpasok namin sa bahay ay sobrang linis. Puti ang kulay ng lahat ng pader at maganda rin ang pagkakaayos sa mga furniture
Alora's POV Matapos ang nangyari sa amin kagabi ni Azrael ay sinimulan na namin ang pamamasyal. "Saan tayo pupunta?" tanong ko habang inaalalayan si Rail na makapasok sa kotse. "Sa Insadong," sagot ni Azrael bago binuksan ang pinto ng kotse at pinapasok ako. Inantay ko pang makasakay siya driver's seat para magtanong. "Ano yun?" "It's a neighborhood wife. It has traditional korean and modern vibe." Tumango na lang ako. Hindi ko siya maintindihan ng lubos pero dahil pupuntahan din naman namin ang lugar na iyon at malalaman ko rin naman ang sinasabi niya at hindi na ako nagtanong pa.Kotse ang sinasakyan namin kaya malaya akong tumingin sa labas at ganon din ang ginagawa ng anak ko sa likod. Ang sarap sa mata tingnan ng mga bahay at building dahil hindi nagkakalat at siguro ay dahil din sa bago iyon sa mata ko. Ang ikinagulat ko pa ay walang masyadong traffic dito, hindi katulad sa Pilipinas na masyado ang traffic, ang sampung minutos na byahe ay nagiging isang oras pero dito sa Kor
Alora's POV Tanghali na nang umalis kami dahil plano naming makita ang sunset sa pagpunta namin doon. Hindi pa rin nawala ang excitement ni Rail, walang sawa siyang nagtatanong sa ama niya kung katulad ba iyon ng Boracay at madami pang tanong. Sinasaway ko naman siya kadalasan dahil delikado iyon kase nahahati ang atensyon ni Azrael, siya pa naman ang nagda-drive. "Anak tama na ang pagtatanong kase malapit na rin naman tayo at nagda-drive rin si Papa," malumanay kong saway kay Rail, sumimangot ito pero hindi ko pinansin. Mawawala rin naman ang pagtatampo niyang iyan sa oras na mapalitan ng excitement kapag nakita na niya ang dagat at buhangin at hindi nga ako nagkamali. Pagbaba na pagbaba namin ng kotse ay hinawakan niya agad ang kamay naming dalawa ng Papa niya at hinila kami papunta mismong beach. Nagtatakbo agad siya sa oras na tumapak siya sa buhangin kaya naman ay hinabol namin siya. Tawang-tawa siyang tumatakbo palayo sa amin at ang habulan na iyon ay bigla na lang naging lar
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na
Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?
Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga
Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b
Azrael's POV Our first walk down the aisle as a married couple while everyone was cheering for us was full of emotions. Paglabas namin sa pinto ng simbahan ay sumakay na kami sa kalesa papunta aa reception namin sa La Castellana. "Papa, I want to ride kalesa!" sigaw ni Rail nang tuluyan na kaming makasakay ng mama niya. Natatawa naman akong binuhat siya pasakay. "Iiwan niyo pa ako," dagdag pa nito nang ayusin ko ang pagkakaupo niya sa hita ko. Nagsimula na ribg umandar ang kalesa. "Hindi ka namin iiwan, diba nga sabi mo kahapon gusto mong sumakay dito?" Tumango lang ang anak namin dahil nawili na siya sa pagpansin sa kabayo. Alora's POV Sa pangalawang pagkakataon ay sabay ulit kaming naglakad ni Azrael papunta sa harap ng mga bisita namin pero ngayon ay kasama na namin si Rail. Isang toast din ang ginawa naming lahat para sa pag-celebrate ng kasal namin at pagkatapos. Hindi rin nagtagal ay sabay naming hiniwa ang cake namin. "Mama hindi ko abot." Kasama namin si Rail sa paghiwa
Azrael's POV Sa bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa altar ay para bang bumabalik ang mga alaala ko kasama ang asawa ko at ang anak namin. I can't even explain this emotion right now pero all I know is that this is something new, the excitement I am feeling and the eagerness to see my wife walking on the aisle, the thought that after this day were are finally married, everything is overwhelming but I like it. Hanggang sa tumayo ako sa gilid ng altar, inaantay na matapos ang pagpasok ng mga bridesmaid, best man, ring bearer at flower girls upang sa wakas ay makita ko na siya. "Congrats papa!" I hugged my son and kissed him on the forehead with a smile. "Thanks buddy."The entourage continued hanggang sa dumating na nga ang inaantay ko. The song 'Don't know what to say' by Ric Segreto started playing on the background when the door slowly opened, revealing a little glimpse of her. With a smile on her face she started walking towards me, kahit overwhelmed sa emotion hindi ko pa r
Alora's POV April 11, araw ng kasal namin. Pareho kaming maaga na nagising upang maghanda. Alas dos ng hapon pa ang kasal pero dahil mag-aayos pa lalo na sa make-up ay kailangan namin ng malaking oras. Magkaiba kami ng kwartong pinag-aayusan habang ang anak naman namin ay nandoon kay Dad. "Ano pong feeling ng ikakasal?" Nandito ngayon sila Sheila at Stella, kakarating lang nila ngayong araw para tulungan ako sa damit kasama ang mga make-up artist. "Kinakabahan ako." Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa para maramdaman nila ang panginginig ng kamay ko."Na-rehearse mo na po ba yung sasabihin mo mamaya?" tanong ulit nila.Memorisado ko na ang sasabihin ko pero kinakabahan lang ako dahil baka biglaan kong makalimutan dahil sa kaba ko kapag andoon na ako mamaya sa harap ng altar kasama si Azrael. "Pasabi na lang po kung masakit." Tumango ako, inaayos kase ang buhok ko ngayon at nilalagyan ng kaunting kulot."Paano kung magdala na lang kaya ako ng kodigo? Baka makalimutan ko kase," sab
Alora's POV Isang araw na lang bago ang kasal, gumising na naman ako ng may halong excitement at kaba sa puso ko. "Anong oras ba tayo magkikita-kita?" Plano naming kumain sa isang restaurant dito. "Mamayang eleven." Napatingin ako sa relo ko. Alas nwebe na kaya sinimulan ko ng maligo, katapos ay sinundo ko si Rail sa kwarto nila Calem at Kalo at dumaan na rin ako sa kwarto ni Manang Karla at ni Mika para ipaaalam sa kanila ang oras ng pag-alis namin. Pagdating namin sa restaurant ay kami lang ang tao doon maliban na lang sa mga tauhan ni Dad, Owen at ni Azrael na nakabantay sa labas at loob. Nagbatian din kami at sa una ay medyo naiilang pa sila Mika at Kalo pero nawala rin naman iyon agad dahil kinausap sila ni Law, siguro ay dahil na rin hindi nagkakalayo ang edad nila at mas matanda lang ng isang taon si Mika sa dalawa at agad silang naging komportable."Si Tito Gavin at Tita Ivy?" iyon din sana ang itatanong ko sana pero naunahan ako ni Azrael. Ang sabi kase kaninang umaga ay b
Alora's POV Ang sunod naming pinuntahan ay ang Casa Manila. Doon nag-aantay si Calem at ang iba pang tauhan ni Azrael sa amin, doon din kase ang hotel na na-book ni Azrael. Sumakay kami sa pedicab papunta sa tutuluyan namin. Dalawang pedicab ang kinuha namin dahil hindi kami kakasya sa isa. Kahit naman sa pedicab kami ay hindi ko mapigilang makaramdam ng antok dahil sa kabusugan. Hindi ko rin alam kung ilang minuto ba ang byahe papunta sa Casa Manila. Kahit din naman gustuhin kong matulog ay hindi ko magawa dahil sa bangayan nila Kalo, Mika at Rail sa likod. "Andito na tayo." Isa-isa kaming bumaba at lahat kami ay namangha.Parang kastilyo ang desenyo! Sa pagpasok namin ay mas lalo lang nadagdagan ang paghanga namin sa lugar. Hindi lang ang desenyo ng lugar ang nagpahanga sa akin lalo na sa anak ko kundi pati rin ang fountain na nasa gitna ng malaking space at sa paligid nito ay mga upuan. Sobrang ganda ng lugar at hindi ko alam kung paano pa iyon ipapaliwanag. "May mga stores, r