Share

CHAPTER 61

Author: jeeenxx
last update Last Updated: 2025-02-15 20:32:20

Alora's POV

Sobrang saya ng naramdaman ko sa pagpunta namin sa Boracay. Sumakay kami ng bangka at naglibot-libot sa dagat nang matapos ay hindi pa sila nakontento at gusto pang sumakay sa kayak. "Hindi ka sasama wife?" tanong sa akin ni Azrael habang hinihila ang kayak papunta sa dagat, umiling naman ako. "Ayoko nahihilo at nasusuka ako, dahil siguro 'to sa pagsakay kanina sa bangka."

Naramdaman ko na kase iyon ilang minuto simula noong umandar ang bangka. Nasusuka ako at nahihilo rin, mabuti nga at nakaya kong hindi masuka pero ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko. "Ayos ka lang?" Lumapit siya sa akin ng may pag-aalala sa mata niya. Tumango naman ako kahit ang sama talaga ng pakiramdam ko.

"Anak kayo lang muna ni Uncle Calem mo ang sumakay, sasamahan ko lang si Mama dito kase masama ang pakiramdam niya." Tumango naman si Rail at humalik muna sa akin bago tumakbo kay Uncle Calem niya. "Pahinga ka po muna Mama."

Isinandal ko sa balikat ni Azrael ang ulo ko at pumikit. "Maha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 62

    Alora's POV Nasa gitna na ako ng pagsisilid ng mga damit sa bag ng may yumugyug sa katawan. "Wife nananaginip ka," sabi ni Azrael, nang imulat ko ang mga mata ko idinampi niya ang daliri niya sa pisngi ko na para bang may pinapahiran doon, nang hawakan ko ang pisngi ko ay napagtanto kong luha iyon. "Ayos ka lang nananaginip ka. Humihikbi ka pa ng malakas." Tumingin lang ako sa kanya. Panaginip lang iyon pero bakit sa pakiramdam ko ay parang totoo? Yung sakit na naramdaman ko sa panaginip na iyon ay para bang nararamdaman ko pa ngayon kaya hindi ko maiiwas ang tingin ko kay Azrael. Kaya niya bang sabihin talaga iyon? Ginagamit niya lang ba talaga kami ng anak niya? Ano ba ang ibig sabihin ng panaginip na iyon? "Wife." Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tawag niya sa akin, ngumiti ako ng tipid. "Masamang panaginip lang pero ayos lang ako." Hindi ko na lang sasabihin sa kanya kung anong klaseng panaginip iyon dahil wala naman atang masamang meaning iyon dahil kahit ngayon

    Last Updated : 2025-02-15
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 63

    Alora's POVNagpatuloy ang masayang pamumuhay ng pamilya namin, bumalik na rin si Azrael sa trabaho niya at minsan ay isinasama niya si Rail doon. "Huwag kang malikot doon Rail ha," bilin ko kay Rail saka hinalikan ang noo niya. "Sure ka bang hindi ka sasama wife?" Tumayo ako at umiling kay Azrael. "Hindi na dito na lang ako sa bahay dahil wala rin naman akong gagawin doon." "Okay, alis na kami." Ngumiti ako saka humalik din sa labi niya. Tinanaw kong lumabas ng gate ang sasakyan na ginamit nila saka bumalik sa loob ng bahay. Walang ibang tao doon maliban sa mga katulong kaya medyo tahimik, binuksan ko na lang ang TV saka nagpa-sound. Nagsimula na rin akong maglinis ng bahay, kapag sumasama si Rail sa trabaho ni Azrael ay iyon palagi ang ginagawa ko. Tumutulong ako sa mga kasambahay sa paglilinis sa buong bahay. Hindi lang din sa loob ng bahay kundi pati rin sa garden at sa swimming pool kahit sa bakuran. Mas maganda na iyon kaysa umupo lang ako sa sofa buong araw habang naghihinta

    Last Updated : 2025-02-16
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 64

    Alora's POVHindi nga sinama ni Azrael si Rail sa trabaho niya, pinaliwanag din naman niya sa akin na hindi siya pupunta sa kompanya ngayon kundi sa isang operasyon kaya hindi niya pwedeng isama ang anak namin dahil baka mapahamak lang ito na sinang-ayunan ko naman. Illegal na trabaho at operasyon ang pupuntahan ni Azrael at ayokong makita o ma-involve ang anak ko doon.Sunod-sunod din iyon na hindi sinasama ni Azrael si Rail pero hindi lumala ang tampo ni Rail dahil kada pag-uwi ng ama niya ay mayroon itong pasalubong na laruan para sa kanya. Halos araw-araw ring wala si Azrael sa bahay kaya naman halos araw-araw ring may pasalubong si Rail at syempre bilang bata ay iyon ang paborito niya. Ilang araw din ang lumipas na ganoon ang pangyayari, nasa trabaho si Azrael at ako naman ay inaalagaan ang anak namin. Pag-uwi naman niya ay maliligo siya, makikipaglaro kay Rail saka magpapahinga. Naging daily happenings na namin iyon at medyo nasasanay na rin kahit naman kase kunting oras lang a

    Last Updated : 2025-02-16
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 65

    Alora's POV"Anak snack time!" tawag ko kay Rail na nakikipaglaro pa rin sa Lolo Dad niya, inilagay ko ang dala kong prutas, toasted bread at saka juice sa mesa. "Baka may gusto po kayong kainin Sir sabihin niyo na lang po sa akin." Napako ako sa kinatatayuan ko nang tingnan ako nito ng masama na para bang may nasabi at nagawa akong mali. "Call me Dad." Dahan-dahan akong tumango, "Opo." Sinamahan ko na rin silang mag meryenda, tahimik lang ako habang ang anak ko at lolo niya ay ang sayang naghaharutan. Masaya naman akong tinitingnan sila, hindi ko kailanman naranasan ang pag-aalaga ng isang Lolo at sobrang saya kong naranasan iyon ng anak ko. Kung nanatili lang siguro kami sa bundok ng Sta. Rosa at hindi kami nahanap ni Azrael ay baka hindi ko nakikita itong saya sa mukha ni Rail ngayon baka ang pagmamahal lang ng isang lola ang naranasan niya dahil nandoon naman si Manang Karla. Pagsapit ng alas singko ay nagpaalam na si Dad na uuwi na siya. "Ingat po kayo. Say babye to Lolo Dad an

    Last Updated : 2025-02-16
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 66

    Alora's POV"Rail ready ka na ba?" tanong ko saka sinilip ang dadalhin niyang bag. Lalabas kase sila ngayon ng Lolo Dad niya, pupunta daw sila sa parke dito sa village. "Nasa baba na ang Lolo Dad mo," sabi ko pa, dahil siguro sa excitement ng anak ko ay tumakbo agad iyon pababa sumunod na lang ako sa kanya habang dala-dala ang bag na naiwan niya. "It's good talaga na escalator ang meron kayo hindi hagdan dahil baka nahulog na itong apo ko sa pagmamadali." Sumang-ayon ako kay Dad habang tumatawa saka isinukbit kay Rail ang bag na dadalhin niya. Inihatid ko rin sila palabas ng bahay saka kumaway. "Huwag kang magpapasaway kay Lolo Dad mo ha?" bilin ko pa kay Rail. "Pupunta po ako mamaya para magdala ng snacks." Tumango naman ang Daddy ni Azrael bago umalis. Bumalik na rin ako sa bahay at inayos ang playroom at kwarto ni Rail saka sinimulan nang magluto ng snacks na dadalhin ko sa kanila mamaya. Mas naging solid ang bonding ng anak ko at ng Lolo niya kaya naman ay halos hindi na sila m

    Last Updated : 2025-02-17
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 67

    Alora's POVKinabukasan ay dala ko pa rin ang sinabi sa akin ng matandang babae na iyon pero agad namang nawala noong umuwi si Azrael. Sobrang saya ng puso ko pati na rin ng anak ko. "Sinabi pala sa akin ni Rail na nami-miss na raw niya ang ate Mika niya kaya magpapaalam sana kami na bumisita sa Sta. Rosa para makita na rin si Manang Karla," sabi ko habang nasa hapag kainan kami. Ito ulit ang unang pagkakataon na nagsalo-salo kami sa lamesa simula noong hindi siya napalagi dito sa bahay. "No. Papapuntahin ko na lang sila dito," sagot niya, hindi niya pa naman nakita si Mika at Manang Karla kaya paano niya sila mapapunta dito? "Nakausap ko naman sila noong nakaraang araw dahil nagpasalamat ako sa pag-aalaga nila sayo at pwede naman akong pumunta doon ngayon bago magpunta sa trabaho." Tumango ako, kaya pala confident siya sa sinabi niyang papapuntahin na lang niya sila Mika dito. "Paano mo sila nahana—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Hina

    Last Updated : 2025-02-17
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 68

    Alora's POVNagpatuloy ang araw, ganoon pa rin ang sitwasyon at walang pinagbago. Patuloy ko pa ring inintindi at ipinaintindi kay Rail ang sitwasyon ng ama niya ngayon. Halos mag-iisang buwan at kalahati na ata kaming ganito pero ayokong sumuko kase alam kong matatapos din 'to at sa oras na mangyari iyon ay babalik ulit kami sa dati. Mas lalong naging malapit din ang anak ko sa Lolo Dad niya na palaging bumibisita sa bahay para makipag-bonding sa kanya at nawala na rin ang takot ko sa ama ni Azrael. Komportable na ako sa kanya at nakakabiruan ko na siya, masasabi ko ring close na kami. "Dad naisip ko nga po na what if, yung mga picture niyo doon sa bahay niyo kasama si Rail at si Mom at iyong mga picture namin ay ipagsama natin sa iisang kwarto," suhestyon ko. Nakita niya kase sa isang kwarto ang mga picture namin na naka-frame at naalala ko rin ang pinag-usapan namin ni Azrael noong pinakita niya sa akin ang mini museum ng bahay ng Dad niya. "It's not a bad what if pero to do th

    Last Updated : 2025-02-17
  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 69

    Alora's POV "I am Alora Hazel Valezka, his wife." Dumagundong sa taenga ko ang sinabi niya at parang nabingi ako. Kaharap ko ngayon ang tunay na asawa ng asawa ko, ang babaeng hiniraman ko ng pangalan ng walang paalam at pakiramdam ko ay talo na ako agad kahit wala pa namang sinasabi na magsisimula na ang laban. "You seem shock, hindi mo ba alam na may asawa ang tinatawag mong asawa?" tanong niya, ngayon ay may kakaiba na sa dati ay inosente niyang boses. "A-alam ko," nauutal kong sabi sa hindi malamang kadahilanan. "Mabuti naman dahil hindi na ako mahihirapang ipaintindi iyon sayo." Ang kaninang inosenteng babae na kaharap ko ay parang nagbabagong anyo na sa kada bigkas niya ng salita. "Since wala siya dito at you are claiming him as your husband, hindi siguro masama kung sasabihin ko na lang sayo ang pakay ko dito," pagpapatuloy niya saka hinawakan ang tiyan niya. Sa simpleng kilos na iyon ay para kinabayo ang puso ko tila ba ay isa iyong drum na nilalaro sa isang magarbo at mai

    Last Updated : 2025-02-18

Latest chapter

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 135

    Alora's POV Sa loob ng ilang araw na pagpasok ko sa training ay mayroon talaga akong natutunan iyon nga lang ay ang sakit talaga sa katawan. Sinabi na sa akin ito ni Azrael bago pa man pero hindi ko naman alam na ganito pala kasakit ang mararamdaman ko sa mga joints ko. Sinabihan rin ako ng mga kaklase ko na sa una lang daw ganito kaya sana talaga hindi lang nila ako niloloko. Naging malapit na rin ako sa mga classmates ko roon. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan nila dahil ayaw nilang sabihin sa akin sa hindi ko malamang dahilan dahil kahit ang rason kung bakit itinatago nila ang pangalan nila sa akin ay hindi rin nila sinasabi. Huling araw na lang pala ngayon dahil bukas ay luluwas na papuntang Thailand si Azrael para ayusin ang problema ng business nila. Balak sana naming maglaan ng oras sa pamilya kaso may training kami ni Rail at siya naman ay may trabaho. "See you this afternoon anak." Hinalikan niya ang noo ng anak namin katapos ay ginawa niya rin sa akin iyon. "See yo

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 134

    Alora's POV Tinuruan ako ni Mr. Yakamoto kung paano ang tamang pagtayo sa training, ang tamang pagbagsak at kung-ano-ano pa. Hindi naman siya mahirap dahil kailangan ko lang i-inat ang kamay ko sa tuwing babagsak ako sa sahig dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka masaktan ang tagiliran ko. Ang nahirapan lang ako ay ang takot sa pagbagsak pero dahil wala ako sa lugar para mag-inarte ay ginawa ko pa rin iyon, nandito rin naman ako para matuto. Matapos akong turuan ni Mr. Yakamoto ay tinawag naman niya ang mga classmate ko, nakita ko pa ang paghagis ng babaeng kausap ko kanina sa isa pang babae. Iyan ang kahihinatnan ko sa paglipas ng araw na andito ako. "I know all of you already learned it but because we have Alora we will learn it again." Curios akong napatingin lalo na dahil pinagitna niya ang babaeng nakausap ko kanina at gumitna sila kaya wala sa sarili akong napaatras ganon din ang iba. Tumayo silang dalawa ng pagkahatap. "Halimbawa, naglalakad ka sa daan tapos may biglang

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 133

    Alora's POVNgayon ang unang araw na kinakabahan ako sa paghatid kay Rail sa training center dahil ngayon din ang araw ng simula ng training ko. Hinatid kami ni Azrael sa training center dahil aalis din agad siya papuntang trabaho. Ilang araw na lang din bago siya lumipad papuntang Thailand. "Sunduin ko kayo maya katapos ng training niyo." Tumango ako sa sinabi niya at tumingin naman siya sa anak namin pinantayan naman ito. "Enjoy the training anak, don't strain yourself too much." Magiliw naman na umuo ang anak namin saka siya tumayo at humarap sa akin. "If you change your mind tawagan mo lang ako." Ngumiti lang ako sa kanya. Bago pa kami lumabas ng bahay ay sinasabi na niya sa akin iyon. "Kakausapin ko si Mr. Yakamoto kung sakali man."Umiling ako. "Siguro na ako mahal." Ilang minuto niya pa akong tiningnan, parang sinusuri kong may kaunting pagiging hindi sigurado ba siyang makikita sa mukha ko. "Okay. Huwag mo ring i-push ang sarili mo masyado." Katulad ng ginawa ng anak namin

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 132

    Alora's POV Matapos kong sabihin ang mga salitang iyon kay Dad ay sinabi niya agad sa akin na kausapin ko muna si Azrael para siya na rin naman ang mag-ayos at mag-enroll sa akin sa klase. Pauwi na kami ngayon, kakatapos lang ng training ni Rail at sinundo kami ni Azrael doon matapos niya sa trabaho. Napagod siguro si Rail dahil knock-out na ito sa likod. "Gusto kong mag-aral ng self defense." Saglit na napatingin sa akin si Azrael pero agad rin namang ibinalik ang atensyon sa kalsada. "Sure ka na ba?" Tumango ako kahit hindi niya naman iyon makikita dahil nasa kalsada ang buong atensyon niya. "I will contact Mr. Yakamoto, the owner of that training center and Dad's previous butler para ma-enroll ka." Sa totoo lang ay hindi ko nga rin alam kung ano ang mangyayari sa desisyon kong ito pero dahil gusto ko rin namang matuto ng mga bagay na makakapag-protekta sa akin at sa anak ko ay kailangan ko lang magtiwala sa magiging teacher ko at kay Azrael. Pagdating nga namin sa bahay ay hi

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 131

    Alora's POV"No. I will handle that matter," rinig kong sabi ni Azrael habang nakatayo sa may bintana ng kwarto namin at may kausap sa telepono. Kakapasok ko lang sa kwarto namin dahil nilinisan ko pa ang pinagkainan namin. Ika-limang araw na rin ngayon ng training ni Rail. Kung minsan ay kaming dalawa ang sumusundo sa anak namin pero palaging ako dahil nga busy siya sa trabaho. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sabi ni Dad na mag-aral rin ako ng self-defense. Hindi naman niya ako pinipilit pero tumatak sa isip ko ang sinabi niya dahil alam kong kapag nag-aral nga ako nun ay mapro-protektahan ko ang anak ko at ang sarili ko. Ang tanong nga lang ay kung kaya ko ba? Kakayanin ba ng isip ko kapag dumating na ako sa puntong nasa harap ko na ang isang bagay na magtri-trigger para bumalik ako sa nakaraan? "Kumusta?" tanong ko nang humiga na rin siya sa kama. Yumakap naman siya sa akin at isiniksik ang sarili sa katawan ko. "Hindi pa rin okay. Hindi pa rin tumitigil ang mga taong umaay

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 130

    Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 129

    Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 128

    Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga

  • Wife of Mr. Azrael Alcazar    CHAPTER 127

    Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status