Share

Kabanata 36

Tree House

Pasado alas dose ng tanghali nang mapagpasyahan namin na ilatag ang dala naming banig na padala ni Aling Lusing sa ilalim ng malaking puno. Dito na lang namin piniling kumain kesa ang pumasok pa sa loob ng bungalow.

Dito kasi ay sariwa ang hangin at hindi naman masyadong kainitan. Nakapagbanlaw na rin kami matapos namin lumusong kanina sa tubig. Plano naman namin manungkit ng mangga kapagtapos kumain saka ulit maliligo.

"Wow! Mukhang mapaparami ang kain ko nito, ah!" bulalas ni Allan na siyang pumwesto na sa tabi ni Issay.

Ngumiti ako matapos ay binisita ang mga pabaon sa aming pagkain nina Aling Lusing at Manang Gloria. Halos paborito ang mga 'yon lalo na ang fried chicken.

Ngunit kahit kagatan ay hindi ko 'yon magawa dahil ukupado pa rin ng utak ko ang mga sinabi kanina ni Ellwood. Nasa loob sila ngayon ng bungalow at doon napiling kumain kasama si Paraoah.

Kumibot ang aking mga labi. E 'di sana ay hindi na lang siya sumama dito kung mag-iinarte lang siya," bulong habang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status