Home / Romance / White Lies / Kabanata 3

Share

Kabanata 3

Author: QueenVie
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Kabanata 3

Love

Wala akong ganang pumasok kinabukasan. Paano'y maaga palang ay naka tangap na ako ng tawag mula kay Menchie.

Binalita nitong tuloy na ang date nila ni Iverson bagay na nag bigay saakin ng matinding kirot sa puso.

Ito naman ang gusto ko diba? Ang mapa lapit sila sa isa't isa, so ano ang inaarte arte mo d'yan, Venice?! Parang gusto kong batukan ang sarili dahil tila mababaliw na ako sa pakikipag talo sa sarili tuwing pumapasok sa isip ang lalaking 'yon.

"Ano kayang susuotin ko mamaya?! Should I wear sexy dress or crop top? Baka kasi hindi niya ma gustohan kung mag susuot ako ng plain dress diba?!"

I lazily flipped up the pages of my book and act like I didn't hear anything.

"Dapat siguro yung medyo kita yung cleavage oh revealing tulad ni Antoinette? Sa tingin mo?"

Nag dikit ang mga labi ko at buong rahan kong isinara ang binabasang libro.

"Kahit anong suotin mo, it doesn't matter to him. Ang iniisip lang kasi nun ay kung paano niya yan huhubarin pagka tapos." Napupuno ko ng sinabi.

Nanlaki ang mata nito saakin. Agad naman akong na alarma dahil tila natakot ito sa tinuran ko. I'm well known Erson, and everyone knows his credibility, lalo na pag dating sa mga babaeng na i-de-date niya. Hindi kasi natatapos ang gabi na hindi niya naikakama ang mga babaeng nakaka date nito.

"Uh, hindi ko sinasadya–" Halos hindi ko natapos ang sasabihin dahil malakas itong tumili.

"Oh gosh! Iyon nga ang iniisip ko. Hindi na ako makapag hintay!!"

Umawang ang labi ko sa mga narinig. Mabilis kong na kuyom ang mga kamay ko sa lamesa at pa dabog na tumayo.

"Oh? Saan ang punta mo? Mamaya pa ang klase natin?" Takang tanong nito.

"Sa soccer field, mag papahangin lang. Gusto mong sumama?" I raised my brows at her.

"Oh no, ikaw nalang. Ayokong matusta sa init ng araw noh! Mamaya na ang date namin ni Iverson, gusto ko looking fresh ako mamaya." Pahayag nito na hindi na mawala ang malikot na ngiti sa labi.

I rolled up my eyes. I can't believe this! Hindi ko akalain na gusto niyang mapasama sa mga babaeng pina parausan ni Iverson. Parang gusto ko tuloy pag sisihan kung bakit nilakad ko pa kay Iverson ang date nilang ito.

"Look, he's too dangerous. Don't let your guard down to that asshole! Hindi pwede yang sinasabi mo!"

Malakas kong binagsak sa lamesa ang librong hawak ko. May ilang estudyanteng napa lingon saamin dahil sa ginawa ko.

She furrowed her brows at me. "Ayaw mo nun? Magiging mag pinsang buo na tayo?" aniya, ngumiti ito na abot hanggang tenga pagka tapos.

Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Hindi ako makapaniwalang masasabi niya ito saakin. She's willing to give up her virginity just so damn easily to Iverson? How could she even say that fucking thing in front of me?

Walang lingon lingon akong tumalikod dito. Kahit pa narinig ko ang pag tawag nito ay hindi ko siya pinansin. Nag pupuyos ang damdamin ko, hindi ko rin maintindihan kung bakit nag iinit ang dalawang mata ko habang palayo sa parke.

Hawak ang dibdib ay walang lakas akong na upo sa lilim ng puno. Doon ko hinayaan ilabas ang mabigat kong paghinga.

What happened to me? Hindi ko dapat iyakan ang simpleng bagay na 'yon. Wala naman dapat akong pakielam don dahil buhay nila 'yon. I couldn't help but to feel envy. Hindi dahil sa malaya niyang ibigay ang sarili kay Iverson kundi dahil may karapatan siya kung sino ang gustong mahalin at pag alayan ng pagmamahal na iyon.

At ako hindi pwede ganon? Bakit kailangan sakaniya ko pa maramdaman ang bagay na ito?

"Sitting here under the sun? Hindi kaya mag ka sakit ka niyan?"

Halos mapa lundag ako sa gulat dahil sa may biglang tumabi saakin. Tila nalunok ko ang dila ko dahil sa pag ka mangha. My breathing hitched more than It should. Pakiramdam ko rin ay lalabas ang puso ko sa sobrang kaba.

Umangat ang labi nito habang naka tanaw sa soccer field.

Mabilis kong binalik ang pustora at hinawi ang buhok na hinihipan ng tuyong hangin.

"Ano bang ginagawa mo dito?" I asked in irritation.

"I just came here to see you.." he then lowered his head down to look straight to my burning eyes.

Napa lunok ako at mabilis na nag iwas ng tingin. "Pwes hindi kita gustong makita!" I tried to speak with my full voice but I even up sounding like a distress one.

Nahimigan ko ang mahina nitong pag tawa. Sumandal ito sa puno, itinaas ang isang tuhod at doon nilapat ang isang braso. Sumulyap itong muli saakin bagay na iniwasan ko naman.

"So galit ka pa rin?" he said softly.

Hindi ako sumagot, hinayaan kong dumaan lang sa hangin ang sinabi niya. Pinirme ko ang mata sa soccer field at doon binaling ang mainit na tingin.

"Sa bahay ni Stefan kami didiretso pagka tapos namin mag dinner. Gusto mo sumama?"

Dahil wala pa rin sagot mula saakin ay narinig ko ang marahas nitong buntong hininga.

"Alright, kung ayaw mo hindi na kita pipilitin."

Tangka na sana itong tatayo ng bigla kong hilahin ang dulo ng suot niyang polo.

Yumuko ito para lingonin ako. And a devilish smile appear on his lips. Bumitiw ako at humalukipkip ng tingin sa field.

"Wag mong gagawin kay Menchie ang mga ginagawa mo sa mga babae mo!" Sabi ko dito.

I heard a splintering laugh all over the place. Sunod-sunod din itong umiling saakin at muling binalik ang likod sa puno.

"She is not my type of girl, kaya wag kang mag alala." he said. Sumulyap ito saakin na tila binabasa ang magiging reaksyon ko.

Humarap ako dito pero bigla ay parang gusto kong bawiin ang mga mata ko dahil sa nakakapaso niyang mga titig.

Agad na nag init ang dalawang pisngi ko. Base sa ngiti nito tiyak kong iniisip niyang nag seselos ako kaya ko 'yon sinabi.

"I-I was just concerned about Menchie. Hindi siya kagaya ng mga babae mo!"

"Really huh?"

Yumuko pa ito para silipin ako. Dahilan para dumikit ang balikat nito saakin.

Napa singhap ako dahil sa tila kuryenteng dumaloy sa aking katawan. It was just his shoulder, ano pa kaya kung ibang parte ng katawan nito ang dumikit saakin?

Pumikit ako ng mariin at pilit na kinakalma ang puso. Gusto kong balewalain ang pinupukaw nitong damdamin. Pero hindi ko mapigilan kaya mabilis akong tumayo.

Agad na bumaba ang tingin ko dito na ngayo'y naka tingala saakin ng tingin.

"Daanan mo ako mamaya sa bahay!" Sabi ko bago ito tinalikuran.

Hindi ito tungkol kay Iverson oh kahit pa saakin. It is about Menchie, ayokong maka gawa siya ng isang bagay na alam kong pag sisihan niya sa huli.

Paikot-ikot ako sa loob ng aking kwarto habang hinihintay pumatak ang alas-otso ng gabi. Ganitong oras daw ako susunduin ni Erson pagka tapos nilang mag date ni Menchie. Nag suot lamang ako ng simpleng bestida na binagayan ng flat shoes. Hindi ko alam kung ano ang meron kila Stephan pero ayos na siguro itong suot ko.

"Venice nariyan na si Iverson sa baba!" Sunod-sunod na katok ni Aling Lusing.

"S-Susunod na po!"

Mabilis akong humarap sa salamin at inayos ang pagkaka pusod ng buhok bago hilahin ang aking sling bag.

Inaasahan ko ng kasama nito si Menchie pero labis akong nag taka nang hindi ito makita sa salas.

Tumayo ito mula sa couch at tiningala ako habang pababa ng hagdanan. Hindi ko mapigilang higitin ang pag hinga habang tinatangap kung paano ako nito hagudin ng tingin.

Sa puntong ito, nagka roon ako ng pagkakataong pasadahan ang kabuoan nito. In his height and broad shoulders, bumagay dito ang suot na blue button down longsleeves that's folded to his forearm, black pants and black leather shoes.

"S-Si Menchie?"

Nag likot bigla ang mata ko para ibaling sa iba ang direksyon ang pansin. Tuluyan na rin akong naka baba at tumayo hindi malayo sakaniya. Pero kahit ganoon ay ramdam ko pa rin ang init at intensidad nito sa harap ko.

"Hinatid ko na kila Stephan." aniya, hahakbang sana ito palapit saakin ng bigla namin na rinig ang boses ni Dad.

"Iverson, hijo! Mag-iingat kayo at wag mag pa gabi sa daan."

Sabay kaming tumango kay Dad bago ko ito iwan ng halik sa pisngi. Tinapik naman nito si Iverson na siya ng nag pa una palabas ng Mansyon.

"Bye, Dad!"

Hindi na ako tumahi pa ng paliwanag dito kung bakit ako pupunta sa bahay ng lalaki. Pag kasi si Iverson ang nag paalam kay Dad ay wala itong tutol. Alam kong malaki ang tiwala nito kay Iverson, kaya kahit late night man oh out of town, basta kasama siya hindi iyon tututolan ni Daddy.

"Bakit ganyan ang suot mo? Dapat ng jeans ka nalang." Puna nito habang naka tuon ang pansin sa daan.

Lumingon ako dito na may pagtataka. Bakit ano naman masama sa pag susuot ng dress? Besides it's just a plain dress, hindi bongga oh engarbo ang yari nito. Ankop lang sa edad ko ang ganitong yari na hindi lalampas sa aking tuhod. Although, it shows off my thin shoulders bukod doon ay wala na.

"Ano bang masama sa suot ko?" Hindi ko napigilang itanong.

Hindi ito sumagot, but I heard his cursed under his breath bago iliko ang manubela.

Hindi ko na iyon pinag tuonan ng pansin. Gusto kong mag himutok, I'm sure, Menchie wore her sexy dress. Sinend nito saakin sa group chat namin ang dress na susuotin niya sa date nila ni Iverson.

Ngumuso ako at piniling ituon nalang ang pansin sa daan. Kung palalakihin ko pa ang issue tungkol sa suot ko ay siguradong masisira lang ang gabi ko.

'Tsaka mukang wala naman siyang interes na kausapin ako habang nasa daan kaya minabuti kong itikom nalang ang bibig at pag sawain ang mata sa labas.

After a long dying moment narating na namin ang lugar ni Stephan. Gaya ng inaasahan ko, malakas ang tugtog ng mobile ang bumati saamin.

Pag pasok palang ng bakuran ay dagsa na ang tao. Halos mga college level ang bisitang narito. Madalang lang akong mamakita ng high school level tulad ko.

"Don't let go out of my sight. Just stay with me.." Hinuli nito ang siko ko para igiya papasok sa loob ng Mansyon.

I held my breath as he softly caress my elbow. Hindi ko matandaang hinawakan niya ako sa parteng ito noon? Ngayon palang at halos matunaw ako sa mainit na hatid ng palad nito saakin.

Ngunit hindi pa man kami nakakapasok ay may ilang mga babae na ang sumalubong dito.

"Hi, Iverson? Wanna join us?"

Isang matangkad na babae ang humarang saamin. May dalawa pa itong kasama na tiyak kong ka school mate niya. Hindi ko napigilang pasadahan ng tingin ang mga ito na ang tanging suot lang ay shorts at crop top na halos kita na ang dibdib.

"No, thanks. I already have a company.." he said softly. Matapos ay niyuko ako ng tingin.

"Oh hi, Venice?!" Halos sabay-sabay na bati ng tatlo saakin.

Kumurap ako. Hindi ko pa sila nakita noon kaya nag tataka ako kung bakit nila ako kilala.

"Oh, you're with your cousin naman pala!" Sabi pa nung isa.

"Yes, I'm with her.."

Lumunok ako, pakiramdam ko ay sinadya niyang ibulong saakin ang mga katagang iyon. His breath was already scorching my sensitive skin. Kinailangan kong yumuko para iwasan ang nakaka manghang pakiramdam na iyon.

"Ay may chaperone ka pala! "Paano, just see you around, captain!" Halos sabay-sabay nilang tawa bago kami iwan.

Nakagat ko ng mariin ang labi ko dahil sa kahihiyang natamo.

Me? Chaperone?! Nagbibiro ba sila?!

"So, gagawin mo lang pala akong chaperone kaya mo ako sinama dito, ganon?!"

"Of course not! Hindi kita dinala dito para maging chaperone ko lang. I just want you to enjoy and have some fun."

Naningkit ang mga mata ko dito. "Ang sabihin mo, ginamit mo lang ako para maka iwas sa mga babae mo!"

Marahas kong hinila ang braso ko dito at mag isa papasok ng Mansyon.

"Venice!"

Narinig ko ang pag tawag nito ngunit dirediretso lang akong naglakad papasok sa loob at nakipag siksikan sa mga taong sumasayaw dahil sa malakas na tugtog.

Nang mapansin kong hindi na ito naka sunod saakin ay saka lamang ako huminto at nilibot ng mata ang buong paligid.

The lights and smoke are everywhere, pati na rin ang amoy ng samo't saring alak at pawis ay nanunuot sa ilong ko.

Lumunok ako ng mapakla at nag sisi kung bakit iniwan ko sa labas si Iverson.

Dahil din sa hindi ako katangkaran ay halos lumubog ako sa dami ng tao. Sinubukan ko ulit ihakbang ang mga paa ko ngunit may mga kamay na humigit saakin.

"Hi, Miss bakit nag iisa ka? Gusto mo bang sumayaw ha?"

Dahil sa sobrang gulat ay hindi ako agad naka pag salita. Naging daan iyon para hapitin nito ang balakang ko at hilahin ako patungo sa siksikan ng tao.

"Let me go!" Pa asik kong sinabi.

Pilit akong kumakalas mula sa kaniyang pagkakahawak ngunit hindi ko magawa dahil sa angkin nitong tangkad. Idadag mo pa ang matipuno nitong pangangatawan na tila batak sa pag gi-gym.

"Hindi ka naman pupunta dito na ganyan ang suot kung hindi mo gustong sumayaw. 'Tsaka ilibot mo ang mga mata mo. Everyone is dancing, except you! So what are we waiting for? Come on let's dance!"

Mas hinapit pa nito ang balakang ko dahilan para mag dikit ang mga katawan namin. Nan laki ang mata ko dahil halos ma amoy ko ang mainit na alak na binubuga ng hininga nito.

"Fucking let go off me!!" Marahas ko itong tinulak. Dahil medyo may tama na ito ay madali itong napa atras. Isang malakas na sampal din ang ginawad ko sa pisngi niya na tiyak kong nagpawala ng lasing nito.

Doon na rin kami naka kuha ng pansin ng ilang bisita na natigil sa pag sasayaw.

Sapo ang kaniyang pisngi'y nanlilisik itong tumingin saakin. Marahas nitong hinablot ang braso ko, halos lamunin na din nito ang espasyong meron kami dahil sa pag higit niya saakin.

"You fucking bitch! What have you done to me?!" He said angrily.

"Bastos!" I shot back.

Isang halakhak ang pinakawalan nito bago ko maramdaman ang mahigpit nitong kamay saakin.

"Hindi ako pumapatol sa babae pero dahil sa ginawa mo. Parang gusto ko na!" He said with a glare.

I could feel the fear in my chest as I watched how his jaw working so hard. Eyes blazing with fire as if he wanted to swallow me down.

Buong akala ko'y sasapakin ako nito pero laking gulat ko ng dumampi ang dulo ng daliri nito sa aking pisngi.

My body begun to froze. I've have never been touched by anyone like this before except for the people I've loved the most.

Isang malaking kapararaan kung ikatutuwa ko ang ginawa niya. Nais kong masuka at himatayin dahil sa nakaka sulasok nitong hiningang pumapatay sa aking diwa.

"Hmm, hindi ka naman pala ganoon ka bangis tulad ng inaasahan ko.." he whispered huskily.

Umatras ako dahil sa pangamba sa mga susunod nitong hakbang. But his hand firmly clasped my whole midriff body. And then he slowly lowered his head down.

Tila na paralisa ang buo kong katawan at hindi maka galaw. The people around watching us are also stood 20"feet under the ground. Wala ni isang balak umawat sa balak na gawin saakin ng lalaking ito.

Until someone held my hand tight and swirled me around to his chest. Sa sobrang bilis ng pang yayari ay hindi ko namalayan na naka tayo na ako mag isa at pinanonood kung paano nito pag susuntokin ang lalaking kanina lang ay nambastos saakin.

"Venice, anong nangyayare dito?" Naramdaman ko ang palad ni Menchie sa aking balikat.

I swallowed the last drop of my fear as I watched his disoriented face. Duguan ito ng bitiwan ni Iverson. Kung hindi pa umawat si Stephan at si Samuel ay hindi niya ito lulubayan.

Wala sa loob na nasapo ko ang bibig dahil halos wala na itong buhay ng lumagapak sa sahig.

"Pipiliin mo kung sino ang babastosin mo, gago!" Duro nito sa lalaki.

"Pre tama na! I already called the police!" Pigil dito ni Stephan. Ngunit hindi niya ito pinansin, marahas nitong hinila ang braso kay Samuel at Stephan bago bumaling saakin.

Higit ko ang paghinga ng mag tama ang mga mata namin. Those chocolate orbs switch to a onyx-black that sunk deep into his head. His features darkened, rough and mercilessly ruthless. Ramdam ko ang bagsik ng galit nito habang humahakbang palapit saakin.

"I told you, not to go out of my sight.." he said lowly but firmly, enough to shivered my whole body.

Hindi ako nito binigyan ng pagkakataong makapag salita. Dahil hinila na nito ang braso ko palabas ng Mansyon at walang pa sabing sinakay sa kaniyang kotse.

Napa pikit ako dahil sa mabilis nitong pag papatakbo. I felt my chest are already at my back. Hindi ko rin ma ibuka ang mga labi ko sa takot na ibalik lamang din niya saakin ang galit ko.

"That fucking bastard!" he keep on mention it while his whole attention was on the road.

Huminga ako ng malalim at pinanood kung paano mag tangis ang bagang nito habang nag mamaneho. Ganon pa man hindi pa rin nawawala ang pagka mangha ko habang naka tingala dito.

His brows creased together, jaw clenched hard. Panay rin ang mura nito habang palayo kami sa lugar.

Bumaba ang tingin ko sa kamao nito. I bit my lower lip. I know he's hurt, base sa pamumula ng kamao nito at ilang bahid ng dugo na tiyak kong galing mismo ito sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago mag salita. "H-hindi mo na dapat ginawa iyon. Look what happened to you? I don't think na palalampasin nun ang ginawa mo sakaniya!" Klaro kong sinabi.

Gustohin ko man alohin ito dahil sa mga natamo niyang sugat ay hindi ko magawa. I'm afraid he might refuse my help, because of his anger.

"Pasalamat siya at iyon lang ang natamo niya. I will file a case against him and I'll make sure na hihimas ng rehas ang gagong 'yon bukas!"

Pumikit ako, hindi ko gusto ang sunod nitong sinabi. "Please, Erson! Ayokong palakihin pa ito. Lalo na ayokong makarating pa ito kay Dad!"

"Tsk"

Iyon lamang ang tangi nitong sinagot sa mga sinabi ko. Alam kong hindi ito makikinig saakin. Gaya ni Auntie Celeste hindi ito nag papa daig at nagpapa agrabyado kahit na kanino.

"Please, wag na natin palakihin ito.." I whispered softly. Marahan kong inangat ang kamay ko para dampian ang kamao nitong nasaktan.

Noong una'y nag atubile pa ako, pero sa huli ay marahan ko 'yon hinaplos. Kahit pa rinig ko ang pag igting ng panga nito at mas mahigpit na hawak sa manubela ay hindi ako nag pa tinag.

I slowly caress his knuckle bones. Hinuli ko ang kanang kamay nito at hinila palapit saakin. He's now driving using his left hand, dahilan para bumagal ang takbo namin.

"You're hurt.." I whispered gently.

Hindi na ako nag dalawang isip, kinuha ko sa bag ang baon kong tissue paper at dinampian ang kumalat na dugo sa kaniyang kamay.

Habang ginagawa iyon ay rinig ko ang mabibigat nitong paghinga sa tabi ko. Ilang beses din nitong pilit na hinihila ang kamay ngunit hindi ko binigay.

"Nasaktan ka tuloy.." Hindi ko na napigilang sabihin. Gusto kong maiyak dahil kinailangan pa niyang gawin 'yon para lang iligtas ako sa lalaking nambastos saakin kanina.

I only hear those heavy breaths coming from his chest. Imbes na matakot sa pwede nitong isagot ay lakas loob kong dinala sa aking pisngi ang kamay nito.

I close my eyes and feel his warmth under my skin. This is the least I can do to ease the pain..

Dumilat ako nang maramdamang hindi na umuusad ang aming sasakyan.

"What actually you were doing, huh?" he said in low voice. Nakaharap ito saakin at titig na titig sa mga mata ko.

"Ha? Wala..." I cleared my throat, bigla kong binitiwan ang kamay nito at nag yuko.

Muli itong nag pakawala ng malalim na paghinga na sadyang tumatama saakin. Nanatili ito sa aking harapan habang ako'y halos hindi na maka ahon sa matinding hiya.

"Venice.."

I bit my lip harder, anong lakas din ng kaba sa puso ko habang nakayuko.

"Venizensa.." he called my name again in a deep but smooth voice.

He reach up his hand and softly caressed my chin. Ilang beses nag talo ang puso at isip kung dapat ko bang salubongin ang mga titig nito. And lastly, I let my heart decide for myself.

I look up at him slowly at diretsong sinalubong ang mga titig nito. His face hardened, eyes were hard and fixed. Hindi mababanaagan ng pag dadalawang isip habang naka titig saakin.

"Please, don't fall hard for me. I'm not the right man for you.." aniya sa mababang boses.

Lumunok ako ngunit tila hindi ko iyon ma arok. Unti-unti kong nararamdaman ang panginginig ng labi ko sa pinipigilang emosyon.

"Ssh... Please baby.." aniya sa na aalarmang boses.

Umakyat ang halpos nito patungo sa aking pisngi. Mas lumapit pa ito na halos hinihila ang enerhiyang natitira pa saakin.

"You're only fifteen, madami ka pang makikilala na mas higit pa saakin. Masyado pang maaga para malaman mo ang kaibahan ng pagmamahal at pag hanga.."

Muli itong nag pakawala ng mabigat na buntong hininga. He lowered down his head para hulihin ang mga titig ko. Napapaso naman akong nag iwas ng tingin. Pero hindi nito hinayaang makawala ako mula sa kaniya.

"Hindi kita gustong saktan, you were my baby–my sister.." he said lowly. Yumuko ito para idiin ang noo saakin, mas ramdam ko ang mabigat nitong paghinga na may halong alak.

Hindi mapigilan na hindi gagapin ang dalawang kamay nito na ngayo'y sapo pa rin ang dalawa kong pisngi.

"But I–I'm in love with you..." I whimpered. Unti-unti ng namumuo ang luha sa aking dalawang mata.

Pumikit ito at bahagyang tumingala. He bit down his lip, ginawa niya iyon ng paulit-ulit hangga't hindi ito namumula.

"I'm in love with you, Iverson!" Ulit ko sa basag ng boses.

"I love you..." I utter again.

Hindi na ako nag hintay pa ng sagot. Dahil ako na mismo ang humanap ng kasagutan nang tawirin ko ang pagitang meron kami para ito halikan.

Noong una'y naramdaman kong na nigas ito sa labis na ka biglaan. Tulad ko, I didn't move, I just close my eyes tight. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. I'm new to this at wala akong Idea kung ano ang susunod na hakbang.

Naramdaman ko ang mahigpit na pag hawak nito sa mag kabila kong balikat at marahas nitong pag kabig saakin palayo.

"Fuck!"

Sinalubong nito ang titig ko na may intensidad. While his jaw clamped so tight and teeth grinding so hard.

"Minsan ko lang sasabihin ito, Venice. Sana maging malinaw saiyo ang lahat–"

"Hindi kita gusto!"

Related chapters

  • White Lies   Kabanata 4

    Kabanata 4Present Day"Who are you? Paano ka nakapasok dito?" aniya habang gagap pa rin ng mahigpit ang leeg ko."Hindi po ako masamang tao! I need a help, please help me.." Sumungaw ang luha sa gilid ng mata ko."I don't believe you!" Naningkit na ang mga mata nito sa akin."No, please.. wag n'yo po akong ibibigay sakanila.." Lakas loob kong ginagap ang isa nitong braso.Bumaba ang tingin nito sa kaniyang braso na aking hawak-hawak."Please..." I utter shakily. Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.Sandali itong natigilan at pinagmasdan kung paano ako tahimik na umiyak.Doon kami nakarinig ng sunud-sunod na katok sa pinto. Mas naging mahigpit ang pagkapit ko sa braso nito habang wala nang ampat sa pag-iyak.I saw his jaw start working and looked at me darkly."Sino yan!" His voice thundered making my whole body flinch."May mga police ho sa ibaba. Gusto daw po kayong maka-usap," wika ng boses sa labas.Doon na nanginig ang buo kong katawan. Siguradong sila Dolfo ang mga 'yon. Marahi

  • White Lies   Kabanata 5

    Kabanata 5Queensland IslandNagising ako sa sariwang hangin na dumarampi sa aking pisngi pati ang mabangong amoy na nanunuot sa aking ilong.Bumangon ako at napansin kong nasa mesita na ang hinubad kong nighties and underwear's kagabi. Uminit ang dalawang pisngi ko sa isiping nahawakan ito ni Ellwood bukod sa akin.Bumaba ang tingin ko sa suot kong lose T-shirt matapos ay napabuntong hininga. Sa huli ay pinili kong isuot ang underware ko at ang parehong lose white shirt. Ngayon ako mas nakaramdam ng hiya higit pa kagabi kung saan nilagyan niya ng gamot ang mismong sugat ko sa binti.Mabilis kong binatukan ang sarili dahil parang hinain ko pala ang katawan ko nang lumapit at tumabi ako dito kagabi.If he's like the bad guy that I've had watched in a thriller movies. Pwedeng pwede niya akong pagsamantalahan na walang kalaban-laban.Pero hindi niya ginawa.I pursed my lips, muling pinagalitan ang sarili. Hindi paba sapat na pinatuloy ka niya dito at itinago kila Dolfo para pag-isipan si

  • White Lies   Kabanata 6

    Kabanata 6Safe HavenSakay ng kaniyang sasakyan ay tahimik lamang akong nakamasid sa nadaraanan naming siyudad. Umayos lamang ako ng upo nang pumasok kami sa isang tila liblib na lugar.Matapos madaanan ang hilera ng mga bukirin at tubo ay tumambad na sa amin ang beach. Umangat na ng tuluyan ang likod ko sa backrest at nilapat ang mga kamay sa tinted na bintana.May dagat din sa San Marcelino pero kakaiba ang isang ito. Madalang lang ang tao at halos mag kulay gatas na sa puti ang buhangin. May mga rock formation din sa malayo."Isn't beautiful, right?" he cracked the silence between us."Wonderful," I uttered."Malapit lang dito ang bahay na titirhan mo pansamantala. Don't worry mababait ang mga tao dito."Bumalik akong muli sa pagsandal at sinulyapan ito habang nagmamaneho. Hindi ko mapigilang tanongin sa sarili kung bakit niya ba ako tinulongan? Hindi biro na idamay ang sarili niya sa sitwasyon ko. Kahit pa sabihin kong wala akong kasalanan ay hindi pa rin iyon sapat para tulungan

  • White Lies   Kabanata 7

    Kabanata 7JuiceDala ng matinding pagod sa byahe ay mabilis akong hinila ng antok. Naalimpungatan lang ako nang mahipan ng malamig na hangin ang pisngi."Madilim na pala."Kusot ang matang sumilip ako sa labas matapos ay bumangon na at dahan-dahang bumaba sa hagdanan.Nakarinig ako ng mga ingay at tawanan sa kusina kaya lakas loob akong sumilip doon.Si Manang Gloria at si Ellwood ang naabutan kong nagku-kwentuhan. Pero hindi lang silang dalawa ang naroon, may tatlo pang naroon, isang babae at lalaki na tiyak kong matanda lamang sa akin ng ilang taon. At ang babaeng katabi ni Ellwood.Kumunot ang noo ko, hindi kasi ito ang babae sa litratong nakita ko sa barko."Oh? Gising na pala si Venice!" ani Manang Gloria nang malingunan ako.Lumingon silang lahat sa akin ngunit kay Ellwood lamang napako ang aking tingin. Hindi ko mapigilang pag-initan ng dalawang pisngi nang maalala ang eksena kanina.Stupid Venice!Kung pwede ko lang takpan ang mukha ko ay ginawa ko na dahil sa matinding kahih

  • White Lies   Kabanata 8

    Kabanata 8Wishing wellMaaga akong nagising kinabukasan at bumaba ako para tumulong kay Manang Gloria na maghanda ng almusal.Subalit ang totoo ay hindi ako nakatulog. Hindi kasi mawala sa isip ko ang esksenang nangyari kagabi.I saw Ellwood in his half naked body last night. Hindi lang isang beses, kundi dalawa pa. And it's because of my stupidity. Dalawang beses na rin akong pumapasok sa silid niya na walang paalam. Baka isipin niya ay talagang gawain ko iyon, kaya kahit gustohin ko nang matulog ay hindi ko magawa."Venice, kumukulo na 'yang mainit na tubig!"Napalundag ako nang marininig ang boses na iyon ni manang."Pasesnya na po." Nagmamadali kong pinatay ang kalan."Ayos ka lang? Ako na nga d'yan. Baka kung mapano kapang bata ka." Ito na ang humila ng takure para isalin sa thermos.Nahihiyang umatras ako at piniling maupo sa silyang naroon."May problema ba? Kanina ko pa napapansin na tahimik ka?" Nilapagan ako nito ng mainit na tsokolate at pancake."Wala po manang, medyo nan

  • White Lies   Kabanata 9

    Kabanata 9Teddy BearKinabukasn ay naabutan ko sila Manang Gloria sa may hardin kausap si Issay."Kayo nalang ang pumunta ni Allan, kung gusto n'yo ay isama n'yo si Venice iyon ay kung papayagan ni Ellwood."Umalis na ho ba si kuya?""Hindi pa natutulog pa yata." sagot ni Manang Gloria."Good morning po.." Tahimik akong naupo sa high chair at ngumiti sa mga ito."Gusto mo bang sumama sa perya mamaya? Ipagpapaalam ka namin kay Kuya Ellwood," ani Issay sa'kin.Bigla kong naisip si Dolfo, baka nakarating na sa kanya ang impormasyon na nadito ako kaya sunod-sunod akong umiling."Hindi ho ako makakasama. Dito nalang po muna ako." sagot ko.Kumunot ang noo sa 'kin ni Issay kaya umayos ako ng upo."May tinataguan kaba? May mga naghahanap ba saiyo?" tanong nito.Umakyat ang nerbyos sa buo kong katawan. Dapat ko na bang sabihin sa kanila ang totoo? Baka kapag sinabi ko'y hindi nila ako paniwalaan."Saan n'yo ba inaaya si Venice?" Agad na sumulpot sa tabi ko si Ellwood at tinukod pa ang dalawa

  • White Lies   Kabanata 10

    Kabanata 10NightmaresMalalakas na sigaw ang pumukaw sa'kin habang mahimbing na natutulog.Mabilis akong bumangon at sumilip sa may bintana. Mula dito ay tanaw kong bukas ang ilaw sa kamalig. Maingay din ang mga kabayo kaya tiyak na may tao doon.Napakislot ako nang makarinig na may nabasag na kung ano sa ibaba. Agad na gumana ang utak ko, baka may magnanakaw.Ginawa ko ay hinila ko ang roba para suotin at mabilis na bumaba sa hagdanan."Dad?" tawag ko.Ngunit patay ang ilaw sa buong salas kaya minabuti kong tukuyin kung saan nanggagaling ang ingay.Sa opisina ni Daddy ako dinala ng mga paa ko. I stood still on my feet because of fear. Baka nga may magnanakaw."Pagkatapos ng ginawa ko saiyo, ganito ang igaganti mo sa'kin?!" Narinig kong sigaw ni Daddy."Alam mo kung bakit? Dahil sawa na akong maging sunud-sunuran sa mga gusto mo! Pati si Celeste ay sawa na rin sa pagiging sakim mo!"Natutop ko ang bibig nang makilala ang boses ni Dolfo."Ano gusto mong gawin ko? Ibigay sainyo ang par

  • White Lies   Kabanata 11

    Kabanata 11DrunkBuong akala ko'y sa opisina lamang kami mag-uusap ngunit lumabas kami at inutusan niya akong sumakay sa kaniyang kotse.Tahimik lamang ako habang daan. Magkasalikop din ang aking mga palad sa ibabaw ng aking mga hita.My heart beat so fast, katulad ng mabilis nitong pagpapatakbo. I knew he's drunk, bakas kasi ang pamumula sa leeg at pisngi nito."Saan ba tayo pupunta?" I finally had the courage to speak.Nasagot ang mga tanong ko nang tumigil kami sa gilid ng kalsada. Ilang hakbang nalang ay mararating mo na ang dalampasigan.Umangat bigla ang likod ko sa car chair at sinilip ang tahimik na dagat. Ito yung dagat na nasa likod ng Villa. Pantaha ko'y isa itong private resort dahil isolated ang buong lugar."Dito makakapag-usap tayo ng tahimik at walang istorbo," aniya bago patayin ang makina.Istorbo? Sino naman ang sinasabi niyang istorbo?"Si Pia? Hindi kaba n'ya hahanapin?" Puno ng kuryosidad kong tanong."Uuwi iyon kapag nalamang umalis ako." Binuksan na nito ang

Latest chapter

  • White Lies   Kabanata 36

    Tree HousePasado alas dose ng tanghali nang mapagpasyahan namin na ilatag ang dala naming banig na padala ni Aling Lusing sa ilalim ng malaking puno. Dito na lang namin piniling kumain kesa ang pumasok pa sa loob ng bungalow.Dito kasi ay sariwa ang hangin at hindi naman masyadong kainitan. Nakapagbanlaw na rin kami matapos namin lumusong kanina sa tubig. Plano naman namin manungkit ng mangga kapagtapos kumain saka ulit maliligo."Wow! Mukhang mapaparami ang kain ko nito, ah!" bulalas ni Allan na siyang pumwesto na sa tabi ni Issay.Ngumiti ako matapos ay binisita ang mga pabaon sa aming pagkain nina Aling Lusing at Manang Gloria. Halos paborito ang mga 'yon lalo na ang fried chicken.Ngunit kahit kagatan ay hindi ko 'yon magawa dahil ukupado pa rin ng utak ko ang mga sinabi kanina ni Ellwood. Nasa loob sila ngayon ng bungalow at doon napiling kumain kasama si Paraoah.Kumibot ang aking mga labi. E 'di sana ay hindi na lang siya sumama dito kung mag-iinarte lang siya," bulong habang

  • White Lies   Kabanata 35

    Kabanata 35SpringNaghanda na nga kami para sa planong picnic sa may batis. Hinanda na rin nina Aling Lusing at Manang Gloria ang mga kailangan namin habang si Tata Teban naman ang maghahatid sa amin sa bukana patungong batis."Sabihan n'yo na lang ho kung pauwi na kayo para masundo ko kayo," ani Tata Teban sa'kin."Sige ho, salamat." Tumango ako dito at hinatid na ng tingin ang palayong sasakyan."Grabe ang ganda pala dito, parang hindi na rin nalalayo sa Queensland island!" bulalas ni Issay."Pero sa tingin ko mas malawak ito kesa sa hacienda na meron sina Sir Ellwood," wika naman ni Allan habang bitbit ang ilan naming gamit."Ang mabuti pa umpisahan na natin maglakad. Malayo layo pa ang batis dito." Agad naman tumabi sa'kin si Iverson at inagaw sa'kin ang dala kong shoulder bag.Hinayaan ko lang siya sa ginawa n'ya tutal ay pabor sa'kin 'yon maging ang pagtabi n'ya sa'kin habang naglalakad kami papasok sa loob ng kagubatan.Mapait akong ngumiti habang iniiwan ng tingin ang pamily

  • White Lies   Kabanata 34

    Kabanata 34Make-upMaaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko na rin tinapos pa ang pagtitipon dahil tiyaka na kokomprontahin lang ako ni Auntie Celeste tungkol sa mga sinabi ko kagabi.Hindi ko na rin nagawa pang makapag paalam kay Ellwood na minsan ko pang sinulyapan na kausap si Paroah.Kung meron lang sana kaming pagkakataon na mag-solo pa kagabi ay gagawin ko, ngunit tila kapit tuko dito ang babae na 'yon kaya pinasya ko na lang na matulog.Dahil doon ay maaga rin akong nagising kinabukasan. Maagan ang mga kilos kong naligo at nagbihis. Humarap ako sa salamin at sinipat ang suot na dress na suot. Ngunit sumilay ang mga ngiti sa aking labi matapos ay bumalik sa aking walking closet upang pumili ng ibang dapat na suotin.Mas lumuwang ang mga ngiti ko sa labi nang damputin ko ang isang crop top sleeveless na tinernuhan ko ng high waist denim short na kulay puti. Halos umangat ang huog ng katawan ko nang malantad ang aking bewang. Idagdag mo pa na may ilalabanan na sa mga katulad

  • White Lies   Kabanata 33

    Kabanata 33Birthday Gift"Are you sure you really want to do it right now?" Ellwood asked me with furrowed brows.Mabilis na lumipad ang tingin ko sa lamesa nina Auntie Celeste, kasama nito ang asawang si Dolfo na siyang abala sa pakikipag-usap sa mga negosyanteng bisita.Kung pwede ko lang sanang komprontahin ang mga ito ay ginawa ko na ngunit wala pa akong kongkretong ibidensya na magtuturo na sila nga ang pumatay kay daddy.Pumikit ako nang mariin at yumuko dahilan upang humilig ako sa balikat ni Ellwood. Huli na para umiwas dahil hinapit niya ang likod ko palapit pa sa kaniya.Tumingala ako sa kanya at sinalubong ang seryoso niyang mga titig. Ellwood stroke my flushed cheek, causing my body to flinch."Can we instead have a good time? I want you to enjoy your birthday," he whispered softly.Because of his intense gaze, my eyes sparkled and my heart thumped hard. Tila nawala saglit sa isipan ko ang tungkol kina Auntie Celeste at Dolfo.I smiled and nod. Mas mabuti ngang huwag muna

  • White Lies   Kabanata 32

    Kabanata 3218th RosesHinigit ko ang paghinga buhat nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng aking silid. Agad iyong bumukas at sumilip ang maamong mukha ni Aling Lusing.Humakbang ito at tuluyan nang pumasok sa loob. Hindi mapalis ang mga ngiti niya sa labi habang nakatitig sa aking ayos."Napakaganda mo apo," aniya sa basag na boses.Alam kong pinipigilan lamang niya ang emosyon habang nakatanghod sa'kin, kaya ngumiti ako."Salamat ho." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa aking balikat at tinitigan ito buhat sa salamin."K-kung nabubuhay lamang ang iyong daddy... ay magiging proud 'yon saiyo," hindi na nito napigilang sabihin.I bit my inner lip and tried to paint a smile. HInaplos ko ang ibabaw ng kaniyang kamay bago magsalita."I know, and he will be more proud of me kapag napagbayad ko na ang lahat ng may kagagawan ng pagkamatay nila."Pansin kong kumunot ang noo ng matanda ngunit sa huli ay ngumiti sa'kin. "Mag-enjoy ho kayo sa party, at hayaan n'yo na ang mga inatas

  • White Lies   Kabanata 31

    Kabanata 31BirthdayMaaga pa lang ay abala na ang lahat sa gaganaping pagdiriwang sa malawak na bakuran ng mansyon para sa aking kaarawan. Sumilip ako sa may bintana at nakita ko ang dami nang katulong na hindi magkamayaw sa dami nang trabaho.Naroon na rin ang inatasan ni Auntie Celeste para mag-ayos at siyang maghanda sa pagdiriwang mamayang gabi. Sunod-sunod na rin ang dating ng mga regalo na nilalagay nila sa isang mahabang lamesa. Tiyak naman na sa mga amiga ni Auntie at ilang business partners ng kompanya na tiyak kong imbitado ni Auntie.Bumalik akong muli mula sa pagkakahiga sa aking kama at dinampot sa aking side table ang aking cell phone. Pagbukas ko pa lang niyon ay sunod-sunod na ang dating ng mga mensahe mula sa aking malalapit na kaiabigan at ka-eskwela. Isa na ang mensahe ni Menchie na una kong binabasa.Ilang beses akong umiling pagkat puro tungkol sa love life ang wish niya sa'kin para sa aking kaarawan. Gayon din ang ilang mensahe na natanggap ko mula sa kaibigan.

  • White Lies   Kabanata 30

    Kabanata 30PartyDagsa na ang mga tao nang dumating kami sa lugar. The party is simple yet elegant. Halos puro ka-school mate namin ang bisita at iilan lang may edad na naroon."Pasok kayo, huwag kayong mahihiya. Kain lang kayo, ha." Giniya kami ni Maxine patungo sa may buffet section.Nagpahuli naman kami ni Ellwood. Ayoko ko kasing putaktihin nila ng tanong si Ellwood. Isa pa napansin ko na rin na iba ang tingin sa kanya ng ilang babae sa pagtitipon.Matapos namin makakuha ng pagkain ay humanap na kami ng pwesto. Mabuti ay nakakita agad itong si Menchie sa bandang sulok habang katabi naman namin ang lamesa nina Jonas."Grabe may kaya din pala itong pamilya ni Maxine, no?" Puna ni Menchie habang tila sarap na sarap sa kinakain.Tumango naman ako sa bagay na 'yon. Malaki nga ang bahay nila't halos mga naka politiko at businessman ang mga bisita. Bagaman ay ayaw daw ni Maxine magpa-kutilyon ay hindi pa rin maiwasan ng iba na magsayaw sa gitna ng dance floor.Binilisan ko na ang pagka

  • White Lies   Kabanata 29

    "So, you're with Jonas awhile ago?" Simula nito matapos ibigay sa waiter ang menu na hawak. Ganoon din ang ginawa ko at bahagyang tumango."And that boy is still waiting for you to comeback on your seat?"Bahagyang gumawi ang tingin ko sa banda ni Jonas. He still eating his food, bagaman ay hindi ito nakatingin sa amin ay alam kong nakita n'ya ang eksena namin kanina nina Antoinette."Nagsabi naman ako sa kaniya na magkikita tayo," I murmured. Ramdam ko ang pamumula ng aking dalawang pisngi dahil sa ginawa."And you tell him not to wait?"Hindi ako makatango. Pinangako ko kasing babalikan ko siya at mukhang hindi na iyon mangyayari. Ayoko naman i-compromised ang pagsadya dito ni Ellwood. Susubukan ko na alang bumawi kay Jonas sa ibang araw."No, I told him I will going to meet you today."Hindi na rin ito nagsalita pero naroon pa rin ang madilim na tingin at pagkaseryoso ng mukha mula pa nang makapasok kami ng restaurant. Sa tingin ko ay hindi nagustohan ang ginawa kong pakikipagkita

  • White Lies   Kabanata 28

    Kabanata 28LunchDala ng sobarng excitement ay hindi na ako nakatulog pa. Nanatili akong gising hanggang sumapit ang alas singko ng umaga.Naligo na ako at bumaba sa kusina. Naabutan ko doon si Manang Lusing na siyang abala sa nilulutong almusal. Katuwang nito ang kasambahay namin na si Gail."Good morning, senorita!" Bati nito sa'kin."Morning, ano hong niluto n'yo para sa almusal?" tanong ko sa mga ito nang maupo ako sa granite table. Dito ko mas pinipiling mag almusal kesa sa dining area. Madalas kong maka-kwentuhan sina Gail at manang kapag nag-aalmusal kami ng sabay-sabay."Pritong hotdog, itlog, tocino at fried rice ho. May sliced mango fresh po galing sa farm at syempre ang mainit niyong gatas!" Masigla niyang sambit."Wow, mukhang mapapasarap ang kain ko nito. Tara na ho, sabay-sabay na tayo."Hindi naman nag-atubili ang dalawa. Halos araw-araw ay sila ang kasama ko sa umaga. Marami na rin kaming napapagkwentuhan tungkol sa kani-kaniyang buhay.Nalaman ko na bread winner pal

DMCA.com Protection Status