Kabanata 9Teddy BearKinabukasn ay naabutan ko sila Manang Gloria sa may hardin kausap si Issay."Kayo nalang ang pumunta ni Allan, kung gusto n'yo ay isama n'yo si Venice iyon ay kung papayagan ni Ellwood."Umalis na ho ba si kuya?""Hindi pa natutulog pa yata." sagot ni Manang Gloria."Good morning po.." Tahimik akong naupo sa high chair at ngumiti sa mga ito."Gusto mo bang sumama sa perya mamaya? Ipagpapaalam ka namin kay Kuya Ellwood," ani Issay sa'kin.Bigla kong naisip si Dolfo, baka nakarating na sa kanya ang impormasyon na nadito ako kaya sunod-sunod akong umiling."Hindi ho ako makakasama. Dito nalang po muna ako." sagot ko.Kumunot ang noo sa 'kin ni Issay kaya umayos ako ng upo."May tinataguan kaba? May mga naghahanap ba saiyo?" tanong nito.Umakyat ang nerbyos sa buo kong katawan. Dapat ko na bang sabihin sa kanila ang totoo? Baka kapag sinabi ko'y hindi nila ako paniwalaan."Saan n'yo ba inaaya si Venice?" Agad na sumulpot sa tabi ko si Ellwood at tinukod pa ang dalawa
Kabanata 10NightmaresMalalakas na sigaw ang pumukaw sa'kin habang mahimbing na natutulog.Mabilis akong bumangon at sumilip sa may bintana. Mula dito ay tanaw kong bukas ang ilaw sa kamalig. Maingay din ang mga kabayo kaya tiyak na may tao doon.Napakislot ako nang makarinig na may nabasag na kung ano sa ibaba. Agad na gumana ang utak ko, baka may magnanakaw.Ginawa ko ay hinila ko ang roba para suotin at mabilis na bumaba sa hagdanan."Dad?" tawag ko.Ngunit patay ang ilaw sa buong salas kaya minabuti kong tukuyin kung saan nanggagaling ang ingay.Sa opisina ni Daddy ako dinala ng mga paa ko. I stood still on my feet because of fear. Baka nga may magnanakaw."Pagkatapos ng ginawa ko saiyo, ganito ang igaganti mo sa'kin?!" Narinig kong sigaw ni Daddy."Alam mo kung bakit? Dahil sawa na akong maging sunud-sunuran sa mga gusto mo! Pati si Celeste ay sawa na rin sa pagiging sakim mo!"Natutop ko ang bibig nang makilala ang boses ni Dolfo."Ano gusto mong gawin ko? Ibigay sainyo ang par
Kabanata 11DrunkBuong akala ko'y sa opisina lamang kami mag-uusap ngunit lumabas kami at inutusan niya akong sumakay sa kaniyang kotse.Tahimik lamang ako habang daan. Magkasalikop din ang aking mga palad sa ibabaw ng aking mga hita.My heart beat so fast, katulad ng mabilis nitong pagpapatakbo. I knew he's drunk, bakas kasi ang pamumula sa leeg at pisngi nito."Saan ba tayo pupunta?" I finally had the courage to speak.Nasagot ang mga tanong ko nang tumigil kami sa gilid ng kalsada. Ilang hakbang nalang ay mararating mo na ang dalampasigan.Umangat bigla ang likod ko sa car chair at sinilip ang tahimik na dagat. Ito yung dagat na nasa likod ng Villa. Pantaha ko'y isa itong private resort dahil isolated ang buong lugar."Dito makakapag-usap tayo ng tahimik at walang istorbo," aniya bago patayin ang makina.Istorbo? Sino naman ang sinasabi niyang istorbo?"Si Pia? Hindi kaba n'ya hahanapin?" Puno ng kuryosidad kong tanong."Uuwi iyon kapag nalamang umalis ako." Binuksan na nito ang
Kabanata 12SchoolAfter that heated incident happened at the beach ay hindi na muli kami nagka-usap ni Ellwood.Marahil siguro ay umiiwas siya, o talaga lang na busy ito sa trabaho.Madalang na rin itong umuwi sa Villa. Mas madalas raw ito sa City sa Queensland. Kung minsan pa nga ay nasa laot at patungo namang Maynila."Next week na ang simula ng school year, ah? Hindi kaba talaga dito mag-aaral?" tanong sa'kin ni Issay.Pinapanood ko ito habang nagbabalat ng kamote na gagawin naming kamote-cue para sa miryenda. Umuwi si Manang Gloria sa bahay nila para dalhin dito ang iba niyang damit at para mamili na rin sa palengke."Hindi muna siguro, baka sa susunod na school year nalang. Wala rin kasi akong maipapakitang mga documents kung sakali."Tumaas ang tingin nito sa'kin na tila labis na ang pagtataka kung bakit tila may inililihim ako."Diba nga lumayas ako sa amin? Nandoon lahat ng mga importanteng gamit ko.""Bakit kaba talaga naglayas? Inaabuso kaba ng magulang mo? Sinasaktan?" wal
San MarcelinoMaaga palang ay bihis na bihis na ako. lNakahanda na rin ang sarili sa pag-alis.Kagabi ay nagpaalam na ako kina Manang Gloria, Issay at Allan na uuwi na nang Geneya sa San Marcelino. Mahigpit man ang pagtanggi ng mga ito ay hindi na ako nagpapigil. Para na rin ito sa kanila, kaya lang naman sila nag ti-tiyaga mamalagi dito ay dahil sa akin."Sigurado ka na ba talaga? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" tanong sa'kin ni Issay. Tulad ko ay maaga rin itong nagising para ihatid ako paalis.Magkakaharap kami sa hapag, kasama sina Manang at Allan. Sabay-sabay kaming nag-almusal dahil mamaya lang din at uuwi na sila sa kani-kanilang bahay. Si Issay at Allan ay didiretso sa Villa nila Ellwood kung saan talaga sila nag ta-trabaho habang si Manang Gloria ay babalik sa kanilang bahay kasama ang mga apo't anak."Babalik naman ako kapag okay na ang lahat. Bibisita ako dito ng madalas pangako." mahina kong sagot.Doon pumasok si Ellwood na bihis na bihis. Gaya ng dati simpleng white
So coldPasado alas-otso na ng gabi nang pumasok kami sa lungsod ng Geneya.Malayo palang ay tanaw ko na ang mataas na bakuran ng aming hacienda. Hindi na nawala pa ang matinding kaba at takot dito sa puso ko. Lalo pa noong huminto na ang sasakyan nito sa tapat ng aming gate.I clasped my both hands over my lap and shut my eyes firmly. Parang biglang ayoko nang tumuloy at tumakbo nalang pabalik kung saan tiyak kong ligtas ako.But this the only battle I know. Ito nalang ang' kaisa-isang paraan para makamit ko ang hustisya na nararapat kila mommy at daddy at hindi ako pwedeng basta-basta nalang umatras.My eyes raised as Ellwood gentle caressed my hands."You'll ready for this?"Sumulyap ako sa bintana at huminga ng malalim bago sumagot."I guess so..."Ngunit yumukod ito at bahagyang hinila ang aking baba dahilan upang tumingala ako ng tingin sa kanya."Huwag kang matakot nandito ako." His lips curved a bit. Malalim din ang mga titig nito habang nakayuko sa'kin.May kaba man sa dibdib
HaciendaHindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ellwood kung bakit niya pinasyang dito magpalipas ng gabi.Oo nandoon na ako sa nag-aalala siya sa kalagayan ko. Pero wala ito sa napagusapan namin."Dito ka muna ang magiging silid mo ngayong gabi." Tinulak ko ang pinto ng isa sa mga guest room at pumasok.Katabi lamang ito ng aking silid at pinalinis ko na sa mga kasambahay bago kami umakyat."Your house is neat and clean. I am more fascinated by this kind of place. Peaceful and quiet," anito at naglakad para buksan ang bintana.Ang malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa amin. Tumayo ito doon at bahagyang binisita ang likod bahay kung saan tanaw mula rito ang malawak naming lupain."Kahit sino, magkaka-interes kung ganito kaganda at kalaki ang ari-arian naiwan saiyo," aniya bago humarap sa'kin.Umiling ako. Wala nang saysay pa ang mga ito kung nawalan naman sa'kin si daddy dahil lang dito."Kung may kailangan ka tawagin mo lang ang mga kasambahay." sagot ko."Aalis din na
Black VeilGumising ako kinabukasan na maingay sa ibaba. Mabilis akong bumangon at naghanda sa pagligo. Bumaba ako at inusisa kung ano ang meron at ganoon na lang kumunot ang aking noo sa nadatnan. "Ano pong meron?" tanong ko kay Manang Lusing nang madaan ako nito sa may bulwagan. "Birthday ni Auntie Celeste mo ngayon. Hindi ba n'ya nabanggit saiyo?" Umiling ako. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga inaalam kung kailan ba ang kaarawan nito. Kahit noon pa man ay hindi na ako nakiki-usisa sa mga ganap n'ya sa buhay. I remembered last time. Nagkaroon din ng pagtitipon noong kaarawan n'ya dito rin mismo sa Villa. Pero dahil hindi ako nakikipag-socialize masyado sa mga bisita lalo na kung puro mga kilalang politiko at business man. Mas pinipili kong magkulong na lang sa silid. Lumalabas lang ako kapag si dad na ang tumawag sa'kin para ipakilala sa mga kasosyo nito sa negosyo. Lumabas ako ng bulwagan at dumiretso sa may balkonahe kung saan sa harapan mismo ng bakuran namin gaganapi
Tree HousePasado alas dose ng tanghali nang mapagpasyahan namin na ilatag ang dala naming banig na padala ni Aling Lusing sa ilalim ng malaking puno. Dito na lang namin piniling kumain kesa ang pumasok pa sa loob ng bungalow.Dito kasi ay sariwa ang hangin at hindi naman masyadong kainitan. Nakapagbanlaw na rin kami matapos namin lumusong kanina sa tubig. Plano naman namin manungkit ng mangga kapagtapos kumain saka ulit maliligo."Wow! Mukhang mapaparami ang kain ko nito, ah!" bulalas ni Allan na siyang pumwesto na sa tabi ni Issay.Ngumiti ako matapos ay binisita ang mga pabaon sa aming pagkain nina Aling Lusing at Manang Gloria. Halos paborito ang mga 'yon lalo na ang fried chicken.Ngunit kahit kagatan ay hindi ko 'yon magawa dahil ukupado pa rin ng utak ko ang mga sinabi kanina ni Ellwood. Nasa loob sila ngayon ng bungalow at doon napiling kumain kasama si Paraoah.Kumibot ang aking mga labi. E 'di sana ay hindi na lang siya sumama dito kung mag-iinarte lang siya," bulong habang
Kabanata 35SpringNaghanda na nga kami para sa planong picnic sa may batis. Hinanda na rin nina Aling Lusing at Manang Gloria ang mga kailangan namin habang si Tata Teban naman ang maghahatid sa amin sa bukana patungong batis."Sabihan n'yo na lang ho kung pauwi na kayo para masundo ko kayo," ani Tata Teban sa'kin."Sige ho, salamat." Tumango ako dito at hinatid na ng tingin ang palayong sasakyan."Grabe ang ganda pala dito, parang hindi na rin nalalayo sa Queensland island!" bulalas ni Issay."Pero sa tingin ko mas malawak ito kesa sa hacienda na meron sina Sir Ellwood," wika naman ni Allan habang bitbit ang ilan naming gamit."Ang mabuti pa umpisahan na natin maglakad. Malayo layo pa ang batis dito." Agad naman tumabi sa'kin si Iverson at inagaw sa'kin ang dala kong shoulder bag.Hinayaan ko lang siya sa ginawa n'ya tutal ay pabor sa'kin 'yon maging ang pagtabi n'ya sa'kin habang naglalakad kami papasok sa loob ng kagubatan.Mapait akong ngumiti habang iniiwan ng tingin ang pamily
Kabanata 34Make-upMaaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko na rin tinapos pa ang pagtitipon dahil tiyaka na kokomprontahin lang ako ni Auntie Celeste tungkol sa mga sinabi ko kagabi.Hindi ko na rin nagawa pang makapag paalam kay Ellwood na minsan ko pang sinulyapan na kausap si Paroah.Kung meron lang sana kaming pagkakataon na mag-solo pa kagabi ay gagawin ko, ngunit tila kapit tuko dito ang babae na 'yon kaya pinasya ko na lang na matulog.Dahil doon ay maaga rin akong nagising kinabukasan. Maagan ang mga kilos kong naligo at nagbihis. Humarap ako sa salamin at sinipat ang suot na dress na suot. Ngunit sumilay ang mga ngiti sa aking labi matapos ay bumalik sa aking walking closet upang pumili ng ibang dapat na suotin.Mas lumuwang ang mga ngiti ko sa labi nang damputin ko ang isang crop top sleeveless na tinernuhan ko ng high waist denim short na kulay puti. Halos umangat ang huog ng katawan ko nang malantad ang aking bewang. Idagdag mo pa na may ilalabanan na sa mga katulad
Kabanata 33Birthday Gift"Are you sure you really want to do it right now?" Ellwood asked me with furrowed brows.Mabilis na lumipad ang tingin ko sa lamesa nina Auntie Celeste, kasama nito ang asawang si Dolfo na siyang abala sa pakikipag-usap sa mga negosyanteng bisita.Kung pwede ko lang sanang komprontahin ang mga ito ay ginawa ko na ngunit wala pa akong kongkretong ibidensya na magtuturo na sila nga ang pumatay kay daddy.Pumikit ako nang mariin at yumuko dahilan upang humilig ako sa balikat ni Ellwood. Huli na para umiwas dahil hinapit niya ang likod ko palapit pa sa kaniya.Tumingala ako sa kanya at sinalubong ang seryoso niyang mga titig. Ellwood stroke my flushed cheek, causing my body to flinch."Can we instead have a good time? I want you to enjoy your birthday," he whispered softly.Because of his intense gaze, my eyes sparkled and my heart thumped hard. Tila nawala saglit sa isipan ko ang tungkol kina Auntie Celeste at Dolfo.I smiled and nod. Mas mabuti ngang huwag muna
Kabanata 3218th RosesHinigit ko ang paghinga buhat nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng aking silid. Agad iyong bumukas at sumilip ang maamong mukha ni Aling Lusing.Humakbang ito at tuluyan nang pumasok sa loob. Hindi mapalis ang mga ngiti niya sa labi habang nakatitig sa aking ayos."Napakaganda mo apo," aniya sa basag na boses.Alam kong pinipigilan lamang niya ang emosyon habang nakatanghod sa'kin, kaya ngumiti ako."Salamat ho." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa aking balikat at tinitigan ito buhat sa salamin."K-kung nabubuhay lamang ang iyong daddy... ay magiging proud 'yon saiyo," hindi na nito napigilang sabihin.I bit my inner lip and tried to paint a smile. HInaplos ko ang ibabaw ng kaniyang kamay bago magsalita."I know, and he will be more proud of me kapag napagbayad ko na ang lahat ng may kagagawan ng pagkamatay nila."Pansin kong kumunot ang noo ng matanda ngunit sa huli ay ngumiti sa'kin. "Mag-enjoy ho kayo sa party, at hayaan n'yo na ang mga inatas
Kabanata 31BirthdayMaaga pa lang ay abala na ang lahat sa gaganaping pagdiriwang sa malawak na bakuran ng mansyon para sa aking kaarawan. Sumilip ako sa may bintana at nakita ko ang dami nang katulong na hindi magkamayaw sa dami nang trabaho.Naroon na rin ang inatasan ni Auntie Celeste para mag-ayos at siyang maghanda sa pagdiriwang mamayang gabi. Sunod-sunod na rin ang dating ng mga regalo na nilalagay nila sa isang mahabang lamesa. Tiyak naman na sa mga amiga ni Auntie at ilang business partners ng kompanya na tiyak kong imbitado ni Auntie.Bumalik akong muli mula sa pagkakahiga sa aking kama at dinampot sa aking side table ang aking cell phone. Pagbukas ko pa lang niyon ay sunod-sunod na ang dating ng mga mensahe mula sa aking malalapit na kaiabigan at ka-eskwela. Isa na ang mensahe ni Menchie na una kong binabasa.Ilang beses akong umiling pagkat puro tungkol sa love life ang wish niya sa'kin para sa aking kaarawan. Gayon din ang ilang mensahe na natanggap ko mula sa kaibigan.
Kabanata 30PartyDagsa na ang mga tao nang dumating kami sa lugar. The party is simple yet elegant. Halos puro ka-school mate namin ang bisita at iilan lang may edad na naroon."Pasok kayo, huwag kayong mahihiya. Kain lang kayo, ha." Giniya kami ni Maxine patungo sa may buffet section.Nagpahuli naman kami ni Ellwood. Ayoko ko kasing putaktihin nila ng tanong si Ellwood. Isa pa napansin ko na rin na iba ang tingin sa kanya ng ilang babae sa pagtitipon.Matapos namin makakuha ng pagkain ay humanap na kami ng pwesto. Mabuti ay nakakita agad itong si Menchie sa bandang sulok habang katabi naman namin ang lamesa nina Jonas."Grabe may kaya din pala itong pamilya ni Maxine, no?" Puna ni Menchie habang tila sarap na sarap sa kinakain.Tumango naman ako sa bagay na 'yon. Malaki nga ang bahay nila't halos mga naka politiko at businessman ang mga bisita. Bagaman ay ayaw daw ni Maxine magpa-kutilyon ay hindi pa rin maiwasan ng iba na magsayaw sa gitna ng dance floor.Binilisan ko na ang pagka
"So, you're with Jonas awhile ago?" Simula nito matapos ibigay sa waiter ang menu na hawak. Ganoon din ang ginawa ko at bahagyang tumango."And that boy is still waiting for you to comeback on your seat?"Bahagyang gumawi ang tingin ko sa banda ni Jonas. He still eating his food, bagaman ay hindi ito nakatingin sa amin ay alam kong nakita n'ya ang eksena namin kanina nina Antoinette."Nagsabi naman ako sa kaniya na magkikita tayo," I murmured. Ramdam ko ang pamumula ng aking dalawang pisngi dahil sa ginawa."And you tell him not to wait?"Hindi ako makatango. Pinangako ko kasing babalikan ko siya at mukhang hindi na iyon mangyayari. Ayoko naman i-compromised ang pagsadya dito ni Ellwood. Susubukan ko na alang bumawi kay Jonas sa ibang araw."No, I told him I will going to meet you today."Hindi na rin ito nagsalita pero naroon pa rin ang madilim na tingin at pagkaseryoso ng mukha mula pa nang makapasok kami ng restaurant. Sa tingin ko ay hindi nagustohan ang ginawa kong pakikipagkita
Kabanata 28LunchDala ng sobarng excitement ay hindi na ako nakatulog pa. Nanatili akong gising hanggang sumapit ang alas singko ng umaga.Naligo na ako at bumaba sa kusina. Naabutan ko doon si Manang Lusing na siyang abala sa nilulutong almusal. Katuwang nito ang kasambahay namin na si Gail."Good morning, senorita!" Bati nito sa'kin."Morning, ano hong niluto n'yo para sa almusal?" tanong ko sa mga ito nang maupo ako sa granite table. Dito ko mas pinipiling mag almusal kesa sa dining area. Madalas kong maka-kwentuhan sina Gail at manang kapag nag-aalmusal kami ng sabay-sabay."Pritong hotdog, itlog, tocino at fried rice ho. May sliced mango fresh po galing sa farm at syempre ang mainit niyong gatas!" Masigla niyang sambit."Wow, mukhang mapapasarap ang kain ko nito. Tara na ho, sabay-sabay na tayo."Hindi naman nag-atubili ang dalawa. Halos araw-araw ay sila ang kasama ko sa umaga. Marami na rin kaming napapagkwentuhan tungkol sa kani-kaniyang buhay.Nalaman ko na bread winner pal