“HINDI mo ako pinsan! Hindi ba't pinutol mo na ang koneksyon sa amin? Bakit sinasabi mo pa rin 'yan!” sigaw ni Jessa noong marinig ang sinabi ni Serena. Inalis ni Serena ang tingin sa lalaking kaharap at imbes, bumaling kay Jessa. “Sumama ka sa akin.”Hinawakan niya sa braso si Jessa at hinatak ito paalis para masiguro na ligtas ito. Sa tingin kasi ni Serena, oras na iwan niya si Jessa rito, ikapapahamak nito iyon. Lalo pa't nagawa na itong saktan ng lalaking kaharap nila ngayon. Pero hindi iyon na-appreciate ni Jessa. Hinila nito ang braso palayo kay Serena at gustong lumapit pa sa lalaking nanakit dito. Halos umusok ang bunbunan ni Serena sa umakyat na dugo sa ulo! Galit na galit siya!Sinaktan na nga ito ng lalaki, doon pa mas gustong sumama ni Jessa? Hindi siya pwedeng pumayag! “Sasama ka sa akin!”Hinatak niyang muli si Jessa at dahil mukhang galit na galit si Serena, hindi kaagad nakakibo si Jessa. Nagulat ang babae dahil parang maling galaw lang nito, sapok ni Serena ang sas
HALOS hindi mabuhat ni Serena ang katawan pero dahil may pasok sa trabaho, uminom siya ng gamot na pangtanggal ng sakit ng katawan at nagpahatid sa opisina. Si Kevin, nagsabi sa kanya na may aasikasuhin ito kaya hindi na siya nagtaka na wala ito noong gumising siya. May note naman itong iniwan sa tabi niya at tulad ng dati, palihim na kinolekta ni Serena iyon. Hindi dahil kinikilig siya, ha? Kinokolekta niya iyon dahil nagagandahan siya sa penmanship ni Kevin. Neat at vibrant ang nakikita niya sa sulat nito na kung titingnan, iyon din ang personalidad ni Kevin. Bumaba na si Serena ng sasakyan dahil nandoon na pala siya nang hindi niya namamalayan. “Serena!”Napalingon kaagad si Serena nang makarinig ng boses na tumatawag sa kanya. Pagtingin, tiyahin niya ito na kinapagtaka niya.Hindi ba't pinutol na nito ang koneksyon sa kanya? Ano ang kailangan nito sa kanya? Ayaw siya nitong makita kaya kakaiba na narito 'to ngayon sa harap niya. “Anong ginagawa mo rito?”Tumikwas ang labi ni
PAGKA-OUT ni Serena sa trabaho, agad siyang dumiretso sa bilihan ng wine at tobacco pipe dahil iyon ang hilig ng ama. Bago naman siya pumunta, nagsabi na siya kay Kevin kaya alam nitong hindi siya kailangang sunduin. Tinanong din ng lalaki kung kailangan niya ng funds para pambili ng regalo pero nagsabi siya na sapat na ang perang meron siya. Nasa kanya rin naman ang black card nito kaya tumigil din si Kevin sa pag-alok sa kanya. Tumuloy si Serena sa bahay nila at sinalubong siya ni Mirasol. Tuwang-tuwa pa nitong kinuha ang wine at tobacco pipe na bitbit niya. Nang makapasok sa loob ng bahay, pag-irap ni Jessa ang unang bumungad sa kanya. Doon siya nakahinga nang maluwag. Kung bigla ring babait sa kanya 'tong si Jessa, mag-iisip talaga siya na may balak sa kanyang masama ang mga taong 'to. “Serena, halika rito at papakilala kita sa isa pa naming bisita.”Hinatak siya ni Mirasol sa hapag at doon nakita niya ang lalaking nanampal kay Jessa. Nagsalubong ang kilay niya. “Serena, siya
“KEVIN... naiinitan ako...”Kevin's face went grim when he heard his wife say that. Mas lalo niyang niyakap ang asawa at si Serena naman ay panay ang kiskis ng mukha nito sa dibdíb niya; parang naghahanap ng komportableng posisyon pero hindi magtagumpay. “I'll bring you to the hospital so be patient, Rin.”Iyon ang plano ni Kevin ngunit noong nakita niyang unti-unting nagtatanggal ng suot si Serena, nagbago ang isip niya. “Change the plan. Go to the nearest hotel, Marlon.”Hinubad niya ang coat na suot, tinabon kay Serena at mas lalo itong niyakap. Sinara niya rin ang partition ng kotse para hindi makita ng driver ang ginagawa ni Serena. Bumaba ang tingin ni Kevin sa asawa at kumuyom ang kamao niya. Serena drank a spiked drink, he's sure of that. Hindi siya bobo para hindi malaman na may nilagay silang kung ano sa iniinom ni Serena. Paano pala kung hindi siya dumating? Anong mangyayari kay Serena? Kevin cursed under his breath and hugged Serena tightly. Mas lalo namang kumakawala
MAINIT. Pakiramdam ni Serena ay tinutupok ang buong katawan niya ng apoy. Gustuhin man niyang idilat ang mga mata, hindi niya magawa dahil pakiramdam niya ay may batong nakaharang sa talukap ng mga mata. Para maibsan ang init na nadarama, pilit niyang hinuhubad ang nasa katawan.She shook her head to drive away her drowsiness and clenched her teeth in pain. Her heart felt tight and she remembered what happened to her. She had been drugged! But why... why did they do this to her? “Kevin...”Kahit nawawala na sa huwisyo, ito ang pangalang tinatawag ni Serena dahil ito ang taong pinagkakatiwalaan niya. “Kevin... saan ka..?”Naramdaman ni Serena na may tumabi sa kanya at dahil nalanghap niya ang pamilyar na amoy ni Kevin, napanatag ang loob niya sa kabila ng hindi komportableng pakiramdam. Kevin picked Serena again because she almost fall from the bed. He lay her down and parted her soft white thighs, pushing himself between them. “Kevin... mainit... please, naiinitan ako...” daing ni
PAGKATAPOS mangako kay Kevin na maayos na talaga siya, pumasok sa trabaho si Serena ngunit napapansin niya na pinagtitinginan siya habang papunta sa department nila. Hindi kaya may nakaalam ng ginawa ng pamilya niya sa kanya? Pero imposible iyon! Napansin ni Leah na nagtataka si Serena at noong nakita nito na nawala sandali ang atensyon kay Serena dahil nagbaba si Miss Wendy ng gawain sa kanila, hinila nito si Serena palabas sa department. “Leah?” tanong ni Serena. “Huwag mo na lang pansinin iyong mga naririnig mong chismis, ha? Kung papatol ka, sa tingin nila guilty ka. Marami lang talaga sa katrabaho natin ang chismosa.”Chismis? Anong chismis na naman ang sangkot siya?“Anong ibig mong sabihin?”Si Leah ang nagtaka ngayon. “Hindi mo pa alam? Sabi-sabi na babae ka raw ni Mr. Alejo. May nakakita raw sa inyo na naghahalíkan sa utility room, maging si Mr. Nathan Sanchez ay boyfriend mo rin daw dahil si Mr. Sanchez ang naglakad na makapasok ka rito sa upper floor.”Nanlaki ang mga ma
TAPOS na ang trabaho ni Serena at ngayon ay napapaisip siya sa pakikitungo ng mga katrabaho niya, parang may kakaiba pero hindi niya ma-pinpoint. Bakit parang mas bumait sila sa kanya? Nahinto ang ganoong pag-iisip ni Serena nang may humintong Red Ferrari sa harapan niya. Rumolyo ang bintana pababa at nakita niya ang magandang mukha ni Mae. “Mae!”“Looks like you're waiting for a ride home. Why don't you go with me?”Nahihiyang humindi si Serena. Ngumiting muli si Maeve. “Kung ayaw mong ma-ticket-an ako dahil bawal mag-park dito, sakay na. Don't worry, I'll keep you safe. You can also call your husband to inform him that I picked you up.”Sumakay si Serena at agad nag-text kay Kevin noong makaupo sa backseat. Hindi niya alam na nakita siya ni Kevin na sumakay sa kotse ni Maeve dahil nasa likuran ang kotse nito. From: Kevin HubbyOkay. Take careMabilis na nakita ni Maeve sa side mirror ang kotse ni Kevin. Tumaas ang sulok ng labi nito, tinapakan ang accelerator para patakbuhin nang
“AKO na ang magbabayad,” ani Serena at tumayo. Nakamasid pa rin si Maeve kay Serena. Tumalikod si Serena at pasimpleng kinuha ang card niya. Ayaw niyang gamitin ang card ni Kevin dahil sabi nga niya, pera niya ang gagamitin. Isa pa, nakakahiya naman na ang panlibre niya sa pinsan nito ay galing din kay Kevin. Dumating si Kevin sa restaurant na iyon dahil nakita nito na nakaparada sa parking area ang sasakyan ni Maeve, nasiguro nito na narito ang asawa at pinsan. “Ate,” bati ni Kevin noong makapasok sa loob ng resto at makita si Maeve na nakaupo sa isa sa mga table. “Where's Serena?”“She paid the bill.”Napalingon si Kevin sa tinurong direksyon ni Maeve at bahagya itong nagulat noong sa palapit na si Serena dumapo ang mata nito. “Bakit ka andito?”Hindi kaagad nakapagsalita si Kevin, nag-iisip ng sasabihin. Napailing si Serena at napabuga ng hangin. Si Maeve ang nagsalita. “She already knows I'm your cousin.”Nanlaki ang mga mata ni Kevin at nagpapalit-palit ang tingin kay Serena
Ang restaurant sa unang palapag ng main family ay pansamantalang ginawang meeting room. Halos lahat ng Elders ng pamilya ay nandoon at iba’t ibang klaseng tao ang nakapalibot sa mahabang mesa. Halos lahat ng matatanda roon ay galing sa madugong mundo ng underground, kaya lahat sila ay may mabigat na presensya na parang may bahid ng kamatayan.Parang nagyeyelo ang hangin sa buong restaurant at ang mga tingin ng bawat isa ay matalim na parang agila, kaya mahirap basahin ang iniisip nila.Nasa gitnang upuan si Jester at kahit nasa harap siya ng mga halimaw ng Beltran family, kalmado pa rin ang itsura niya. Nang makita niyang kumpleto na ang mga tao, pinalakpak niya ang kanyang kamay ng dalawang beses, tinawag ang tauhan niya, may bumulong siya sa kanila, tapos umalis na ang mga ito sa restaurant.Wala masyadong nagsalita habang nangyayari ‘yon at lahat ay nanatiling tahimik.Sa tatlong anak ni Jester, si Chase lang ang nandoon. Si Chastain ay nakakulong sa bahay at si Chester naman ay na
Chapter 75HINDI agad nakasagot si Patricia. Masyadong diretso ang tanong ni Jester, parang kutsilyong walang takip na dumiretso sa pinaka-masakit na bahagi ng puso niya, pinapaalala ang katotohanang matagal na niyang iniiwasan.Possible ba talaga?Parang tinanong mo ang isang hari kung kaya niyang isuko ang trono para lang maglakbay kasama ang isang babae. Paano mangyayari ‘yon?Nang mapansin ni Jester na tinamaan niya si Patricia sa punto, medyo lumambot ang ngiti niya. “Miss Patricia, dahil alam mo na rin naman na imposibleng maging kayo ni Daemon, bakit hindi ka na lang makisama at manatili sa Beltran family? Ibibigay namin lahat ng gusto mo at hindi ka na gagambalain ng Alejandro Patriarch. Panalo ka na, panalo rin kami. Ano sa tingin mo?”Hindi sumagot si Patricia, pero halatang lalong tumindi ang pagkakunot ng noo niya. Kahit hindi na sila ni Daemon, anong kinalaman nun sa gusto nilang ipakasal siya kay Chester? Kaya mariin pa rin siyang tumanggi. “Pakawalan n’yo na ako!”Nang
Bago pa man makapagsalita si Chase, pinigilan na siya ni Jester. "Bilang pinuno, hindi ka dapat nakikipagtalo sa taong mas mababa sa’yo."Sa sinabi niyang ito, natahimik si Chase at sinulyapan din si Juano na iisa ang mata. Medyo nanliit ang mga mata ni Juano. Kahit kalmado pa rin siya sa labas, halatang medyo nainis siya base sa ekspresyon niya.Parang wala namang pakialam si Jester kung nakasakit man ang sinabi niya. Tumalikod siya at ngumiti nang "magalang" sa lalaki. "Natutuwa akong makita na ganyan ka katapat kay Chastain. Pero sa tingin ko hindi mo na kailangang dumaan pa sa pagbabanta. Anak ko siya, sa tingin mo ba may masama akong gagawin sa kanya?"Hindi sumagot si Juano. Napangiti lang siya nang may halong pang-aasar.May kasabihan na kahit ang tigre, hindi kinakain ang sarili nitong anak. Pero si Chastain, mula pa noon, ang pinaka-rebelde sa tatlong anak ni Jester. Katulad ng mga emperor na may takot din sa sariling anak, ganoon din si Jester. Minsan, ang meron lang sa isa
Chapter 74“NAISIP mo na ba kung anong mangyayari kapag nalaman ni Daemon na tayo ang may gawa nito? Matagal nang gustong makipag-alyansa ng young master sa kanya, pero sinisira mo ang plano niya sa ginagawa mo.”“Hindi niya malalaman.” Ngumiti ang lalaking iisa ang mata, kumpiyansa. “May mga tao na ako sa intelligence network niya. Yung private detective na in-assign niya kay Patricia, pinalitan na namin. Kaya ang sasabihin lang nun, yung dapat niyang sabihin…”Napahinto sandali si Lia. Sa totoo lang, wala na siyang dahilan para tutulan ang desisyon na ibigay si Patricia.Napakunot ang noo niya nang makita si Patricia na wala pa ring malay at nakasalampak sa likod ng kotse. Hindi naman talaga niya kinamumuhian ang babae, pero may konting panghihinayang pa rin siyang nararamdaman sa ideya na ipapasa niya ito sa mga halimaw.Siya lang ang nag-iisang babae sa grupo ni Chastain, kaya iniisip ng ibang lalaki na sobrang lambot niya.Hindi naman siya nagpapakita ng awa sa mga kalaban, pero
"Bakit, ayaw mo ba?" Nakita ni Witch Lia ang nahihiyang itsura ni Patricia kaya bahagya siyang ngumiti ng may pangungutya.Akala ni Lia, may magagawa si Patricia. Pero sa totoo lang, para lang siyang langgam sa harap ng mga tao sa Beltran family at Alejandro. Si Daemon, sa totoo lang, hindi rin siya makikinig. Matigas ang ulo at sanay sa sariling diskarte.Mukhang napansin ni Lia na matagal na siyang hindi kumikibo kaya inisip siguro nitong wala siyang maitutulong kay Chastain. Tiningnan siya nito na para bang wala siyang silbi. "So ganyan ka pala."Napakunot-noo si Patricia at seryosong tumingin sa kanya. "Talaga bang iniisip mong kaya kong gawin 'yung dalawang bagay na ‘yon? Sa tingin mo ba magso-sorry si Daemon kay Chastain? O papayag ang Alejandro family na ipakasal ang isa sa kanila kay Chester?"Pinaglaruan ni Lia ang kutsilyo sa kamay niya habang matalim ang tingin. "Depende. Malapit ka kay Daemon eh."Alam ni Patricia na kahit ano pang paliwanag niya, ang dating lang kay Lia a
Chapter 73NANG makita ni Andrei na masama ang mukha ni Patricia, ngumiti lang siya ng bahagya at sinabing, “Okay na, nagbibiro lang ako. Wala naman akong kakaibang bisyo.”Medyo nakahinga ng maluwag si Patricia, pero nakakunot pa rin ang noo niya. “Andrei, pag seryoso ang usapan, pwede bang seryoso ka rin?”“Hindi pwede.” sabay labas ng dila ni Andrei, parang batang pasaway.Napailing na lang si Patricia. “Hay naku, bata ka pa kaya hindi na lang kita papatulan. Pero ha, huwag kang gagawa ng kalokohan. Okay?”“Ok.” sagot ni Andrei habang tamad na tumango at nag-unat. Wala talaga siyang pakialam kahit pinagsasabihan siya.Napailing ulit si Patricia at dahil hindi na niya makontrol, sabi niya, “Kakanta ka sa show na ire-record natin mamaya, ‘di ba? Napraktis mo na ba ‘yung kanta mo? Nakausap mo na ba ‘yung vocal coach?”Tumango si Andrei. “Hindi ko na kailangang mag-practice.”Napangiwi si Patricia. “So, ibig sabihin, hindi ka pa handa?”Tumango ulit si Andrei. Halos manginig si Patrici
Kapag naging matigas siya ngayon, baka magalit si Andrei. E siya pa naman ang inaasahan ni Patricia para makapanatili siya sa posisyon niya. Pero kung masyado siyang magpapakumbaba, baka hindi na siya seryosohin ng ibang assistants.Tahimik lang si Patricia saglit, tapos binuklat ang ilang scripts sa lamesa habang kunwaring seryoso siyang nag-iisip. "Okay lang kung ayaw mo ng spy drama. Meron din namang supporting role sa isang idol drama. Hindi siya namatay sa aksidente, pero nawalan siya ng memory at parang naging siraulo. Tapos meron din horror movie, gusto ka nilang gumanap na sidekick ng kontrabida. Naghahabol kayo ng mga babae tapos kinukuha n’yo 'yung puso nila para kainin nang hilaw…”Habang tumatagal, padilim nang padilim ang mukha ni Andrei… Saan ba kinuha ni Patricia ‘tong mga kakaibang roles? Lahat parang nakakakilabot. Sa huli, napilitang sumigaw si Andrei. "Ayoko ng kahit alin diyan! Gusto ko yung mga normal lang!"Binagsak ni Patricia ang mga scripts sa mesa. "Yung norm
Chapter 72NAKITA rin ni Patricia ang iritadong itsura ni Manager Wenceslao. Alam niya kung bakit ito galit, pero dahil nirerespeto pa rin niya ito bilang nakatataas sa kumpanya, iniwasan na lang niya ang gulo at binati ito tulad ng dati, “Hi, Manager Wenceslao.”Pero dumaan lang ito sa harap niya kasama ang dalawang assistant, walang emosyon sa mukha at hindi man lang siya binati pabalik.Hindi naman ito pinansin ni Patricia. Nag-shrug lang siya ng balikat at inilabas ang dila. Pagpasok niya sa opisina, nandoon na ang pitong assistant ni Andrei, pero ang lalaki mismo ay wala pa.Pitong assistant; tatlong lalaki, apat na babae. Kahapon pa lang ay tiningnan na ni Patricia ang background ng mga ito habang naghahanda siya. Yung tatlo ay matagal nang kasama ni Andrei mula pa noong nagsimula siya at sumama pa ito nang lumipat siya ng agency. Yung apat naman ay mga bagong hire ng WG. Hindi pa sanay sa trabaho, pero sunod-sunuran.Alam ni Patricia na hindi magiging madali para sa kanya na pa
Habang tulala pa rin ang tatlo, tumingin si Daemon sa relo at napansing gabi na. Kaya tumalikod siya at binigyan si Patricia ng tingin na parang utos. "Tapos na ang training mo ngayon. Uwi na tayo."Nakatunganga lang si Patricia, hindi gumalaw. Pinanghahawakan pa naman niya kanina na magpapapayat siya para maging bagay sila ni Daemon, pero ilang salita lang nito, parang nadurog na ang desisyon niya. Pero sa totoo lang, gumaan ang pakiramdam niya, parang tinunaw ng araw ang yelo sa puso niya.Matagal na niyang pinangarap na may lalaki sanang magsasabi sa kanya na hindi niya kailangang magpapayat o pahirapan ang sarili niya at sapat na siya. Na kahit hindi siya perpekto, mahal pa rin siya.Yung tipong pag namimili siya ng damit at walang kasya sa kanya, may magsasabing kahit ano isuot niya, maganda pa rin siya.Kahit hindi sinabi ni Daemon nang diretso ang ganitong klaseng matatamis na salita, sa ginagawa nito ngayon, malinaw ang sinasabi. hindi ni Daemon iniintindi ang itsura ni Patric