“AKO na ang magbabayad,” ani Serena at tumayo. Nakamasid pa rin si Maeve kay Serena. Tumalikod si Serena at pasimpleng kinuha ang card niya. Ayaw niyang gamitin ang card ni Kevin dahil sabi nga niya, pera niya ang gagamitin. Isa pa, nakakahiya naman na ang panlibre niya sa pinsan nito ay galing din kay Kevin. Dumating si Kevin sa restaurant na iyon dahil nakita nito na nakaparada sa parking area ang sasakyan ni Maeve, nasiguro nito na narito ang asawa at pinsan. “Ate,” bati ni Kevin noong makapasok sa loob ng resto at makita si Maeve na nakaupo sa isa sa mga table. “Where's Serena?”“She paid the bill.”Napalingon si Kevin sa tinurong direksyon ni Maeve at bahagya itong nagulat noong sa palapit na si Serena dumapo ang mata nito. “Bakit ka andito?”Hindi kaagad nakapagsalita si Kevin, nag-iisip ng sasabihin. Napailing si Serena at napabuga ng hangin. Si Maeve ang nagsalita. “She already knows I'm your cousin.”Nanlaki ang mga mata ni Kevin at nagpapalit-palit ang tingin kay Serena
KAUSAP ngayon ni Serena sa cellphone si Hanni dahil mag-isa lang siya sa kwarto ngayon. Si Kevin ay paniguradong nasa study room ito at may inaasikaso. Alam kasi ni Serena na kahit wala itong trabaho, may mga business itong mina-manage. Kaya siya tumawag kay Hanni ay para may makausap dahil alam niyang maiintindihan siya ng kaibigan. “You mean, may taong hindi makalimutan ang asawa mo at dahil nabanggit sa harap niya, nasira ang mood niya? At yung ex ng asawa mo, kapatid noong nagligtas sa'yo?”Serena bit her lips and hummed as a yes. Napabuga rin ng hangin si Hanni sa narinig. “Anong gagawin mo ngayon n'yan? Hindi naman nag-cheat ang asawa mo pero bilang asawa niya, kilala kita at alam kong nagdamdam ka.”Lumunok muna ng laway si Serena bago hirap na nagsalita. “Hindi ko alam. Pero bakit ba ako magtataka? Nakilala ko siya dahil sa taong nanloko sa kanya at nagpakasal kami kasi ayaw niyang lumabas na talunan. Dapat alam ko na doon pa lang na may tao siyang hindi makalimutan.”“Pero
AKALA ng pamilya ni Serena ay nagyayabang lang ang nagligtas kay Serena kaya kampante sila kahit na nasa police station. Ngunit noong dumating nga ang attorney na sinasabi ng lalaki, kapwa napalunok sila Sendo. Dahil ang attorney na 'to ang nagre-represent kay Serena at Zephyr, ito ang kumausap sa pamilya ni Serena. Nagsabi siya sa attorney na gusto niyang mag mag-file ng Temporary Restraining Order kila Sendo at tumango ang kausap nito na ito na ang bahala. Tinatawag pa si Serena ng ama at tiyahin ngunit umalis na sila ni Zephyr. Sinabi rin ng mga pulis na dahil may CCTV footage na binigay ang ospital, evidence na iyon na balak siyang kidnap-in ng ama. Kahit gustuhin man nilang umalis, hindi maaari dahil suspect sila. Mas lalo tuloy nagalit ang pamilya ni Serena sa kanya at ramdam naman ni Serena iyon. Tinawagan ni Serena ang staff sa ospital at kinumusta ang lola. Nang sinabi na hindi naman ito nagising noong nagkakagulo sila, nakahinga siya nang maluwag. Pero para siguro gawing
WHEN Kevin calmed himself down, he went out of the study room and looked for Serena. Hindi niya sinasadya ang ginawa kanina. Nabubwisit lang siyang makita ang mukha ng Zephyr na iyon dahil halatado sa mukha nito na may gusto ito kay Serena. Masyado pa itong bata para gustuhin ang asawa niya at isa pa, kahit kaedad man niya ito, hindi niya ito bibigyan ng dahilan na makuha sa kanya si Serena. She's his wife and no one can take her away from him. But now, he needs to make up with her. Alam niyang gutom ang asawa dahil kita naman sa mata nito. Pero dahil galit siya nang mga oras na iyon, hindi niya alintana. Now, he's regretting his impulsive action. She shouldn't do that to Serena and he almost scowls at her when she asks him about ‘her’, for Pete's sake. Huminga nang malalim si Kevin at hinanap si Butler Gregory dahil hindi niya nakita si Serena sa kwarto nila. Dahil sa tanong niya, nagulat ang matanda. “Madamé didn't notify you that she left?”Now, it's his turn to get surprised.
“SINABI ko naman kasi sa'yong ayusin mo ang kilos mo! Tingnan mo ang nangyari, imbes na nakuha natin si Serena, tayo pa ang ni-report sa mga pulis! Bwiset na babaeng iyon! Kapag talaga nahawàkan ko siya, kalbo ang abot niya sa akin! Iyon na lang ang kwenta niya, hindi pa mapakinabangan!”Mahaba ang litanya ni Mirasol habang pauwi sila ngayon ni Sendo pagkatapos magpiyansa. Maraming papeles pa ang pinapirmahan sa kanila at kailangan nilang um-attend ng hearing kung mayroon man kung hindi, dadamputin muli sila ng pulis! Pahamak talaga ang babaeng iyon! Kahit kailan, puro kamalasan ang dala sa kanya tulad ng ina nitong walang kwenta!“H-Hindi kaya... magalit sa atin si Chad dahil hindi natin kasama si Serena? Paano kung si Jessa ang saktan niya?” tanong ni Sendo. Masamang tingin ang tinapon ni Mirasol dito. “Ngayon mo lang naisip 'yan? Tonto. Talagang mapapahamak ang anak natin dahil hindi natin nakuha si Serena! Alam mo naman na kapalit ng maalwan na buhay natin, si Serena ang gusto n
“SERENA, sumama ka sa akin ngayon din!”Weekend ngayon at nagpapahinga si Serena noong nagulat siya sa lakas ng boses ni Leila noong makapasok ito sa loob ng bahay nila. Wala si Kevin dahil tulad ng dati, may inaasikaso raw itong importante. Kaya siguro malakas ang loob ni Leila na pumunta rito dahil wala ang pinsang lalaki. “Saan tayo pupunta?”Hindi niya malimot na noong huling beses na sumama siya rito ay sa club siya dinala. Ano na naman kaya ang plano nitong pinsan ni Kevin? “Saan mo ako dadalhin?” Tiningala ni Serena si Leila na nasa harapan niya huminto. Nakahalukipkip naman ito at nakatitig sa kanya pabalik. “Birthday ng kaibigan ko at gusto kong samahan mo ako.”Binaba ni Serena ang hawak na iPad at umiling kay Leila. “Hindi ako sasama. Hindi ko rin naman kilala ang mga kaibigan mo kaya magiging out of place lang ako roon.”“Magagalit ako kung hindi mo ako sasamahan!” Nagpapapadyak na ani Leila. Ngumiwi si Serena.“Sige magalit ka.”Napasinghap sa bigla si Leila. “...What
“WIFE?! You have a wife, Xavier? Why didn't we know about her? What about the wedding? When did you get married?” Iyon ang tanong ng babaeng kanina lang ay nakaangkla ang kamay sa braso ni Kevin. Bakas sa mukha nito ang kalituhan at pagpinta ng sakit dahil mukhang nasaktan ito sa hinayag ni Kevin na kasal na ito. “Do I have to inform you that I married my wife?” supladong ani Kevin. “B-But—” Nangilid ang luha sa mga mata ng babae. “I-I heard my father mentioned to your grandpa that you're going to be engaged with me. You're supposed to be my fiancé!”Lumakas ang bulong-bulungan dahil doon. Instead of answering her, Kevin turned to Serena who was still silent. She seemed shocked by what he did. Ngunit naiintindihan iyon ni Kevin dahil ngayon lang nito nalaman ang tungkol sa kanya. “You okay, wife?”Tumingala si Serena at nagtagpo ang mga mata nila. Kalituhan din ang nakikita ni Kevin sa mukha ni Serena. Mabuti na lang at hindi niya nababasa ang galit sa ekspresyon nito dahil kung
HABANG binabagtas ng sasakyan ang daan patungo sa pupuntahan nila na sinasabi ni Kevin, kakaibang kaba ang sumasalakay sa dibdíb ni Serena na pakiramdam niya, ang sikip para huminga. Namamawis na rin ang kamay niya dahil doon. ...Paano kung hindi siya magustuhan ng pamilya ni Kevin? Lalo pa ngayong nalaman niya na ito pala ang tagapagmana na pinag-uusapan nila ni Hanni. Wala sa hinagap niya na iyong pinaniniwalaan niyang Xander ay Xavier pala! Maybe Hanni mistakenly thought that the Sanchez heir's name is Xander but it's really Xavier. Ngayon, may paliwanag na kung bakit ang tao sa paligid niya ay Xavier ay tawag kay Kevin. Dahil iyon pala ang nakasanayan nila. Bukod tanging siya ang Kevin ang tawag dito. Sa ngayon, hindi niya alam kung paano pakikisamahan si Kevin dahil magkaiba ang estado nila. Mas lalo itong lumayo sa kanya samantalang siya ay nananatili sa ibaba. Paano niya tatawirin ang pagitan nila kung una pa lang ay malayong-malayo na ang distansya nila sa isa't-isa? Mapai