“DAHIL HAPON na, sarado na ang HR. Bukas na kita ie-enroll sa biometrics pati na rin ang entry procedures mo.”Tumango-tango si Serena kay Ma'am Wendy. Dinala siya nito sa table na para sa kanya ngunit wala na itong sinabi kahit na naghihintay siya ng instructions mula rito. Ang tanging ginawa na lang si Serena ay umupo sa upuan na mayroon ang cubicle niya at saka nilibot ang paningin. Mas malaki ang department na ito kumpara sa pinanggalingan niya na lower floor. Isa rin sa napansin niya ang kaibahan ng mga empleyado ngayon. Kita niya na kumikilos lahat at madalang na madalang siyang makakita ng nag-uusap. Puro pagtipa sa PC nila ang naririnig ni Serena. Kaya kahit gustuhin man niyang magtanong, umuurong ang dila niya dahil alam niyang hindi rin siya papansinin ng mga ito. Nakailang punas na si Serena sa desk niya dahil wala nga siyang ginagawa. Naipon na tuloy ang tissue sa trashbin na nasa ilalim ng table niya. Nang dumating ang oras ng pag-out, akala ni Serena ay lalabas na ang
HINAYAAN lang ni Serena si Leila dahil sa tingin niya ay bata pa ito. Hindi niya tuloy maisip na pinagselosan niya ito, e sa totoo lang, mukhang baby pa itong si Leila lalo na sa inaakto nito. Dahil hindi ni Leila nakuha ang reaksyon na gusto niya kay Serena mas lalo yatang umusok ang ilong nito. “How did you and my cousin know each other?”Sandaling nag-alinlangan si Serena. Sasabihin niya ba ang totoo na dahil pareho silang niloko at nangangailangan siya ng groom, nagpakasal silang dalawa kahit 'di pa namang lubusang kilala ang isa't-isa? Pero pakiramdam niya ay mapapahiya siya o kaya naman ay si Kevin. “Nagkakilala lang kami at iyon... nagpakasal.”Mas lalong kumunot ang noo ni Leila at tinaas ang kilay, sinusuri kung totoo ba ang sinasabi ni Serena. “Maraming babaeng umaaligid sa pinsan ko. Heck, he also met them by chance. What makes you special that made you his wife?” Pinasadahan siya nito ng tingin. “Don't tell me you pikot him? Are you pregnant?”Nanlaki ang mga mata ni
“YOU NEED to go with me!”Katatapos lang kumain ni Serena at balak niya sanang tumingin-tingin ng gagawin sa netbook para bukas ay handa siya sa kahit anong iuutos nang makita niya si Leila na walang anu-anong pumasok sa loob ng malaking pinto. Noong makita siya nito ay agad itong lumapit at hinatak siya palabas. “Teka, saan mo ako dadalhin! Sandali lang!”Leila turned around and threw her a haughty look. “Aren't you curious on what my cousin does when he's not with you?”Hinatak ni Serena ang kamay at pinilit kumawala. “Hindi ko kailangang malaman iyon dahil privacy ni Kevin iyon.”“No, you need to know so you know where to place yourself. You're going with me whether you like it or not.”Dahil tingin ni Serena ay hindi rin mapipigilan si Leila, nagpatianod na lang siya. Susunod at pipigilan sana sila ni Butler Gregory nang umiling siya rito bago tumango na ibig-sabihin ay siya nang bahala. “Leila, sasama na ako hindi dahil gusto kong malaman ang tungkol sa ginagawa ni Kevin kundi
UMALIS si Serena sa harap ni Leila dahil hindi niya makayanan ang mga sinasabi nito lalo pa't nakita niyang may kasamang babae si Kevin. Hindi ba't sinabi nito na gusto siya nito? Pero bakit may iba itong kasamang babae? Dapat lang talaga na hindi siya magtiwala rito kahit na sinasabi nitong gusto siya nito. Paulit-ulit na sinasabi ng isip niya na tinulungan lang nila ang isa't-isa, siya para makawala kay Alex at ito naman, para makaganti sa ex-girlfriend. Hindi na dapat siya umasa na may uusbong na pagmamahal sa pagitan nilang dalawa. She shouldn't raise her hopes up and in the end, she'll get disappointed. Pero kahit anong sabi niya n'on sa utak, taliwas ang puso niya. Makulit ito at nahulog na rin kay Kevin kahit na itinatanggi niya iyon. Kevin right now, holds a special place inside her heart and even if she wants to erase it, her feelings for him are hard to forget. Dahil sa malalim na pag-iisip at paglalakad sa kawalan, may taong nabunggo si Serena. “Hey, be careful!”Inan
PAGLABAS ni Kevin ay nakita niya si Leila na naroon. Halos magbuhol ang kilay niya dahil hindi ito ang lugar na dapat pinupuntahan nito. She's barely eighteen for Pete's sake! Kevin went to her and Leila was petrified when she saw his cousin that her face went ghastly pale! “What are you doing here?” Nabasa ni Kevin ang guilt sa mukha ng pinsan na napaisip siya kung anong kalokohan na naman ba ang ginawa nito. “I'm giving you a chance to tell me the truth, Leila. Otherwise, don't blame me if I get mad. And I can easily find it if you're lying to me.”Mas lalong natakot si Leila sa narinig. Kaya ito lumabas ay dahil hindi nito makita si Serena sa loob ng club at wala itong magawa kundi ang hanapin ang babae. “Leila Margo,” mariing ani Kevin. “I-I was looking for your wife! You don't know her at all, Kuya! She's a bítch! Pumunta ako sa inyo and since you're not there, she insisted on accompanying me to look for you! She even threatened me, don't you know!”Mas nanginig si Leila noo
HINDI AKALAIN ni Serena na dahil nagkaayos sila ni Kevin kagabi ay mahuhuli siyang pumasok sa trabaho ngayon! Paano ba naman ay napagod siyang sobra dahil sa mga ginawa ni Kevin at pareho silang hindi nagising sa tunog ng alarm clock. Pagdating, agad siyang humingi ng dispensa kay Miss Wendy dahil mukhang hinihintay siya nito.“Aren't you trained that you need to arrive at the office at least thirty minutes before the time of work? That's the proper work etiquette, Miss Garcia. Ganito ba ang mga empleyado na galing sa lower floor?”“Sorry, Miss Wendy. Aagahan ko na po simula bukas,” aniya. Kung magpapaliwanag pa kasi siya, mas iisipin lang ng babae na gumagawa siya ng dahilan at mas lalo siyang kaiinisan nito. “You were parachuted here by General Manager Sanchez, right?”Tumango si Serena. Umiling-iling naman si Miss Wendy. “I knew it. That guy couldn't complete a good project and instead ruined several projects under his management and he got the guts to vouch for someone? If I k
NGITING-NGITI si Serena habang hawak ang papeles na may pirma na ni Mr. Alejo. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang posisyon nito sa SGC pero kita naman na importanteng tao ito. “Salamat, Sir!” pasasalamat niya sabay paalam dahil kailangan na niyang bumalik sa department. Nang makalagpas si Serena, doon lang nakahinga nang maluwang si Dylan. Hindi nito inaasahan na pauwi na ay makakatanggap pa uto ng rawag mula kay boss na si Xavier. Hindi pa nakakapagbigay ng greeting, narinig na kaagad nito ang utos na kailangan nitong bumaba at salubungin ang asawa ni Xavier dahil may bitbit daw ang babae na dokumento na kailangan ng pirma ni Dylan. Dahil boss si Xavier at hamak na empleyado lang ito, walang nagawa si Dylan kundi ang sundin si Xavier. Napabuntong-hininga na lang si Dylan. Nakabalik naman si Serena sa department nila at nang makita ni Candy na nakangiti si Serena, iba ang naging kutob nito. “Napapirmahan mo? No, you're kidding,” hindi makapaniwalang anito. Ngiting tagumpay
MASAYANG pumasok si Serena sa office dahil akala niya ay tapos na ang problema ngunit iba ang sumalubong sa kanya. “Miss Garcia, see me at my office.”Pinatawag siya ni Miss Wendy. Halata sa mukha nito ang pagkainis kaya iniisip niya kung may nagawa ba siyang mali sa trabaho. “Miss Wendy?” Binaba nito ang portfolio sa harap niya at nang makita, naalala ni Serena na ito 'yong portfolio na naglalaman ng pinapirmahan niya kay Mr. Alejo, hindi ba? “This document was just a draft and deemed to be invalid. If that's the document we're sending the customer, do you think about the loss it will cause to us if this draft's the one that pushed through, huh, Miss Garcia? Answer me.”Mali ang portfolio na dala niya? Pumasok sa isip niya si Candy! Huminga nang malalim si Serena at kinalma ang sarili. “Miss Wendy, may mali po ako na hindi ko sinipat ang document na 'yan pero 'yan po ang inutos sa akin ni Candy kaya sa kanya galing ang document na 'yan.”Dahil sa sinabi niya, pinatawag din si Ca
Chapter 35: Remember, Yves, she hurt SamanthaYVES was wide awake while staring at the ceiling. Ang nangyari kanina ay hindi pa rin mawaglit sa isip niya.Naalala niya ang mukha ni Hanni kanina - bakas ang pagsuko sa mukha nito. Sa mga sinabi niya ay sigurado siyang nasaktan ito. Lalo na noong akusahan niya ito bilang kriminal. Ngunit kahit mabigat ang loob, ang nasa isip ni Yves ay totoo naman ang sinabi niya. From the investigation he got from the private investigator that he hired, Hanni is a paid killer. She killed the person she was tasked to kill for. There's also a surveillance video that was given to him and he saw that Hanni really killed someone. Hindi man lang makitaan ng pagsisisi sa mukha si Hanni at imbes, paulit-ulit ang ginawa nitong pagbaril sa taong kaharap nito. Yves would be honest, he felt afraid when he saw that video. Hindi niya maipagkapareho ang Hanni na humaharap sa kanya sa Hanni na nakita niya sa video. …She's like a reaper sent down to hunt those peopl
Chapter 34: I won't choose someone like you“WHAT do you mean by that?” Malamig ang boses ni Yves noong nagtanong siya. “Kahit litrato ba, kaya nilang mag-provide para mapatunayan na asawa ka talaga ng babaeng iyon? Ako, Yves, I can prove you the truth. I have tons of pictures, videos, and even documents that say you're my husband. Pero alam mo, nakakapagod palang ipamukha sa 'yo ang totoo kasi kahit yata ibigay ko sa 'yo iyon at ipakita, mas pipiliin mo pa ring maniwala sa ibang tao kahit ilang ulit na akong nagsasabi ng totoo sa 'yo. Para na akong sirang plaka rito pero ikaw, ayaw mong paniwalaan ako. Dahil ba hindi mo ako maalala?”Tulad kanina, hindi na naman nakahanap si Yves ng magiging sagot sa maaanghang na salita ni Hanni. Sandali siyang nakaramdam ng pagkalito. Saka niya naisip na tama naman ang sinabi nito. Wala silang wedding photo ni Samantha. Kahit ang mga iilang photo albums na mayroon sa bahay ay limitado at wala siya sa mga iyon. Tanging si Yael lang ang nasa mga li
Chapter 33: Where did you get that photo? HINATID muli ni Yves si Yael sa kindergarten at maaga muli silang nakarating doon, mga kalahating oras pa bago magsimula ang klase ng mga bata. Umupo si Yves kasama si Yael sa may bench na ginawa para mga batang gustong magpahinga pagkatapos nilang mag-playtime. Yves even saw some people with their children like him leading them inside the kindergarten premises. “Dad, I have some friends now. But you know, Yvette still doesn't want to talk to me. I wonder why. I tried to tell her that I'm willing to share you with her but she cried after I said that. Then the teacher thought I was bullying her. I felt bad again,” marahang sumbong ni Yael sa kanya. Yves lightly tapped Yael's head. “You did good. But don't push it if she doesn't want to be friends with you. It all depends on fate, hmm?”Tumango si Yael at nilabas na lang nito ang stress ball na nasa small bag nito. Yael played quietly while Yves is observing the whole place. Mayamaya lang di
Chapter 32: This is an illegal drúgMATINDI PA rin ang kirot ng ulo ni Yves at ilang sandali pa bago iyon humupa. Hindi naman siya iniwan ni Kevin hanggat hindi nito nasisiguro na hindi maayos ang lagay niya. Nang kaya na ni Yves tumayo nang diretso, gumilid na si Kevin at hindi na siya inalalayan pa. “Are you feeling alright? If you're okay, then I'm going to leave…”Bago pa ito makaalis, hinawakan ni Yves ang braso ni Kevin at nakakunot ang noo na nagsalita. “You took away my medicine. Give it back.”“Oh.”Humugot si Kevin sa bulsa nito ngunit walang laman ang nakalahad nitong palad noong buksan sa harap niya. “I think I dropped it when I grabbed it from you.”Napailing na lang si Yves at dahil wala na siyang lakas makipagtalo at ipagpilit na kuhanin ang gamot, nagpaalam na siya rito. Ang hindi alam ni Yves ay nakamasid pala sa kanya si Kevin. Pinanood siya nitong umalis at nang hindi na matanaw si Yves, kunot ang noo na nilabas ni Kevin ang tinagong gamot na nasa bulsa naman talag
Chapter 31: She's your wife“THERE'S something sketchy about Yves' pretend wife.”Hanni was with Serena and Kevin once again. Nasa bahay siya ng mag-asawa dahil pakiramdam niya masu-suffocate siya sa bahay na walang kasama. Nababaliw siya sa tahimik na paligid at para malibang, dito siya sa bahay ng dalawa. Mabuti na lang din at accomodating sila Serena at Kevin dahil kahit paano, nalilibang siya. Mula sa pag-aayos ng bulaklak na pinitas nila ni Serena sa garden nito, nag-angat ng tingin si Hanni sa ginagawa at nalipat ang atensyon kay Kevin na nagsalita. Binaba niya ang mga tangkay ng rose na nalinis na at natuon ang buong atensyon dito. “Anong ibig mong sabihin, Kevin? May problema ba sa kanya?”Umupo si Kevin sa bakanteng upuan at saka tinuloy ang sasabihin nito. “I found out that she's been close to Yves' father. Siya ang matagal nang pinagkakasundo ni Don Juan kay Yves at nang mawala si Yves, lumitaw si Samantha Mirabeles sa tabi ni Yves.”“Ibig mong sabihin, kasabwat siya ng
Chapter 30: Meds are running low“PAUBOS NA ang medicines ni Yves.” Binuhat ni Samantha ang canister ng gamot na binibigay nila kay Yves at nang itaas niya iyon, nakita niya ang anino ng iilang pirasong gamot. Tatlo na lang ang naroon. Ibig sabihin noon ay tatlong araw na lang makakainom ng gamot si Yves at sa mga susunod na araw ay wala na siyang maibibigay rito. Hindi maaaring ganoon ang mangyari dahil magkakandaletse-letse ang lahat oras na hindi na nila kontrolado ang lahat. Hindi pwedeng makaalala si Yves. Oras na ganoon ang mangyari, saan sila ni Yael pupulutin? Maganda na ang kalagayan nilang mag-ina sa piling ni Yves at hindi hahayaan ni Samantha na maalis pa sila roon. Kung kinakailangan na habambuhay si Yves uminom ng gamot na ito, ganoon ang gagawin ni Samantha. Sa kanya lang si Yves. Asawa niya ito at ama ni Yael, wala nang iba. “What? He ran out of meds again? Kahihingi mo lang sa akin ng rasyon ng gamot noong nakaraang dalawang linggo, Sam.”Samantha gritted her tee
Chapter 29: You're stupid so I hate you! DUMATING din si Yves at Yael sa kindergarten school at mabuti na lang may twenty minutes pa bago magsimula ang klase nila Yael. Nag-stay doon si Yves para samahan sandali si Yael. Masayang nagkukwentuhan si Yael at Yves nang nakita ni Yves na may pumaradang sasakyan. Bumaba roon ang batang babae na pamilyar sa kanya.Si Yvette iyon at may lalaking bumuhat dito. Kumunot ang noo ni Yves sa nakita. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit nang makita ito, mabigat na kaagad ang loob ni Yves sa lalaking ito. “Is that Yvette's father, Daddy? Then I don't have to share you with her?” nagtatakang ani Yael. Hindi nakapagsalita si Yves dahil ang mga mata niya ay nakapako rin pa rin kay Yvette na buhat ng lalaki. Naka-shades ito at may suot na windbreaker. Mukhang mayabang, tss. Tingin ni Yves ay kasingtakad niya rin ang lalaki.Nairita si Yves sa lalaki at hindi niya malaman kung gusto niya bang puntahan si Yvette at agawin ito sa lalaking may karga dito.
Chapter 28: Yvette is pitiful“HANNI, what's bothering you?”Napakurap si Hanni mula sa pagkatulala sa basong nasa harapan niya at nalipat ang tingin niya kay Serena na nasa kabilang side ng table na pumapagitan sa kanila. Nasa bahay siya ngayon ng mag-asawang sila Serena at Kevin dahil dito siya dumiretso pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Yves. Narito rin kasi si Yvette. Sa mag-asawa niya iniwan ang anak dahil alam niyang komportable si Yvette kila Serena. Nilayo na nila ang mga bata sa HQ dahil bumitiw na sila sa kanilang tungkulin. Kaya kung kinakailangan na may bantay ng mga bata, kila Serena niya iniiwan ang anak. “Ayos lang ako, bebs,” sagot niya para hindi ito mag-alala.Hangga't maaari ayaw iparating ni Hanni ang bigat na nararamdaman niya noong iwanan siya ni Yves kanina dahil mag-iisip lang si Serena. Alam niyang hanggang ngayon ay iniisip nito na nagkulang ito dahil nakuha ni Don Juan si Yves sa kanila. “Nakausap mo na ba si Yves? Napaliwanag mo na ang totoo? Isang tao
Chapter 27: Take good care of themYVES punched the wall repeatedly and cursed under his breath. Hindi niya matanggap ang nangyari sa kanila ng babaeng iyon. Yes, he would be honest, he felt it was right. But his conscience is whispering to him that what he did was wrong! He fúcking cheated on his wife and even if he was hit by remorse, he knew that that girl bewitched him and he's crazy for her! Hindi niya sigurado kung kaya niya pang panindigan ang bulong ng utak dahil kahit pinatitigas niya ang kalooban, labag sa loob niya ang mga ginagawi niya na hindi niya alam kung bakit! Nahahalina siya at nababaliw sa babaeng iyon kahit na may pamilya na siya at nagagalit siya sa sarili dahil sa nadarama! Simula noong makita ni Yves ang babaeng iyon, ito na ang laman ng isip niya sa tuwina. Pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman dahil alam niyang mali iyon! He promised to himself that he won't do the same mistake. He will straighten himself. Kung kinakailangan na umiwas sa babaeng iyon,