1/2 mamaya po uli ~ please let me know your thoughts for this chapter. kauuwi lang din po pala kaya mabilisang type ito. hoping na walang lapses huhu. —Twinkle ×
HINDI kilala ni Kevin ang dalawa ngunit ramdam niyang ayaw sa kanya dahil sa tinging binibigay sa gawi niya. Umawang ang bibig ni Kevin noong buksan ng isa ang gate at hatakin siya papasok. Ang mga tauhan naman na dala ni Kevin ay nakasunod kay Kevin kaya nakita nila ang nangyari. “Bitiwan mo ang boss namin!” sigaw ng isa sa kanila. Hindi pinagtuonan ng pansin ng dalawang lalaki ang sigaw ng tauhan ni Kevin kaya ang ginawa nila, nagpumilit din pumasok habang hawak ang kani-kanilang baril. Mabuti at wala namang pumipindot ng gatilyo dahil nasa loob pa rin sila ng bakuran ng ibang tao. “You're Kevin? Matagal ka na naming gustong makilala,” pero sa tono naman ng lalaking nagsalita na si Thanatos, ramdam ang pinipigil na galit. Pagkatapos sabihin 'yon, hinarap nito at ng isa pa nitong kasama ang mga tauhan ni Kevin at wala pa sigurong minuto, bagsak ang pitong guards ni Kevin habang ang mga baril nila, nasa gilid. Ngayon, hinarap ng dalawang lalaki si Kevin at ang isa sa kanila, hina
NAKALAYO na si Cinder at Kevin. Pumasok na ang dalawa sa kotse nang lumabas mula sa pinagtataguan si Hyan. Tinanaw niya ang kotse kung saan sakay ang kasamang si Cinder. Noong dumating si Kevin, nanatili si Hyan sa loob ng first floor at binantayan niya lang ang kilos ng lalaki hanggang sa makita nga ito ni Cinder at sumama ang babae rito. Pagkatapos nilang umalis, tinungo ni Hyan si Eros at Thanatos na ngayon ay nagsisikuhan. “Bakit hindi mo pinigil si Cinder? She went with that motherfúcker!” anas ni Than. “Do you think Cinder will like that if we stop her? Alam mong 'pag pinigil siya sa gusto, mas malakas pa ang tantrums niya kesa sa anak niya. Remember when she splashed us with ice water just because we refused to buy her things? She can be a brat sometimes,” naiiling na ani Eros. Kung tutuusin ay kaya naman talaga nilang pigilan si Cinder pero mas takot sila na sumama ang loob nito kaya sa huli, hinayaan na lang nila na sumama ito kay Kevin.Sinilip naman ni Hyan ang mga tao
DAHIL sa naging tanong ni Antigone, hindi mapigil ni Hanni na magbalik tanaw sa kung paano nga ba naging parte ng buhay niya si Yves at kung bakit niya ito iniiwasan ngayon. . . Ulilang lubos na si Hanni. Kinagisnan niyang tahanan ang kalye at ang mga kasama niya ay katulad niyang mga bata na sa kalye na rin pumalit at nagkaisip. Kung tatanungin kung may magulang ba siya o wala, hindi niya alam. Usap-usapan na nakita lang siya sa basurahan ng isa sa mga basurero at dahil naawa, kinupkop siya. Pero noong tatlong taon daw siya, dinapuan ng sakit iyong basurero na iyon at namatày sa kalsada kaya wala ring ala-ala si Hanni sa taong iyon. Kasama ang mga batang kalye, namamalimos siya mula umaga hanggang gabi. Dahil din doon ay natuto si Hanni na mangholdap kahit na alam niya na masama iyon. Ang nasa isip niya, mas kailangan na magkalaman at mabusog ang kanyang tiyan kesa isipin kung mabuti ba o masama ang ginagawa. Ngunit hindi alam ng batang si Hanni kung malas ba siya o swerte dahil
AFTER what happened between Hanni and Yves, Hanni could say that Yves treated her as his girlfriend. Wala naman siyang problema dahil mahal niya ang lalaki. Kulang na lang siguro ay ang salita niyang "oo" para maging opisyal na silang maging mag-boyfriend/girlfriend.Napapansin na rin ng mga katrabaho nila ang kakaibang treatment ni Yves sa kanya dahil madalas itong magdala ng pagkain kaya hindi na niya kailangan pang lumabas tuwing lunch break. Isa pa, nakasimangot ang mukha nito o kaya naman ay blangko pero kapag si Hanni ang kaharap, ngiting-ngiti si Yves. Kinikilig si Hanni sa loob-loob niya pero sinusupil niya iyon dahil nasa trabaho sila. Akala ni Hanni ay magtutuloy ang ganoon nilang sitwasyon ngunit isang araw, natagpuan na lang niya ang sarili na kaharap ang ama ni Yves na si Mr. Magalona. Parang pinatandang Yves ito ngunit siguro ay hindi palangiti, kita ang bagsik at pagiging masungit nito - parang iyong isang maling galaw lang ng kausap ng matanda ay makakatikim ng kal
DAHIL malapit na si Hanni sa apartment niya, kinuha niya ang motor na nakatago sa likuran ng apartment. Napakadalang niyang magamit iyon dahil umiiwas siyang balikan ang nakaraan ngunit ngayon, gagamitin niya iyon para iligtas si Serena. Pinatong niya ang cellphone sa phone stand na nakakabït sa motor at sinundan niya ang tinuturo na lugar kung saan si Serena. Patuloy na gumagalaw ang location ni Serena kaya kailangan niyang dalian. She was driving the motor when she received a message from a number she never thought she would see again. HQ number. Napalunok si Hanni at pinilit na iwaksi ang nakita at pinatuloy ang pagtingin sa location ni Serena. Namatay ang tawag na nagkokonekta sa kanila ni Serena at kahit na nakuha niya ang latest location nito, hindi niya alam kung saan ito patungo. Wala nang panahon si Hanni para magmatigas kaya hininto niya ang motor, nanginginig ang kamay na dinampot ang cellphone at tinawagan ang number na nag-text sa kanya. “Hello?”[“Agent Hyacinth, it
CINDER is looking through the files she received early in the morning. Iyon ay ang mga impormasyon tungkol kay Helia Tatiana Alejandro.Sa papel na hawak niya, nalaman ni Cinder na pamangkin si Helia Tatiana ng patriarch ng Alejandro Clan. Malayong pinsan ng lalaki ang ina ni Helia at dahil nawawala ang anak ng lalaki sa asawa nito na kaedad ni Helia, para punan ang pagka-miss sa anak nito, kinupkop nila si Helia kasama ang ina nito kaya kahit mula sa branch family ang babae, umaasta ito bilang anak ng matandang lalaki. Sa nahukay ni Cinder, makapangyarihan ang Alejandro Clan sa Spain at maging dito sa Pilipinas pero lowkey lang kaya hindi gaanong matunog ang pangalan. Ngunit sanga-sanga ang mga businesses ng pamilya nito hindi lang sa Pilipinas kundi sa Asya mismo at may businesses din sa Europe at United States. Mula sa shipping lines, garments, food business, at iba pa, may ganoong business ang Alejandro Clan. “Kaya pala matapang ang babaeng iyon gumawa nang masama dahil kakaiba
LIKE WHAT happened from a few days ago, Kevin couldn't reach Cinder again. Yes, she's replying on his messages but when he tried to call her, the call was not pick up. Kung hindi lang nagsabi si Cinder sa kanya na busy ito at hindi agad makakauwi ngunit safe naman daw ito at may inaasikaso lang na importante sa office, baka hinanap na naman ito ni Kevin. Hindi na niya sinubok pang i-track ang cellphone nito dahil ginagalang niya ang privacy ni Cinder. Now that he knows she's safe, it's all good. But there's a nagging feeling inside him that tells him that something is going to happen. Kung ano man iyon, wala siyang ideya. Dahil hindi siya mapakali, hindi na tumuloy si Kevin sa company at nag-work from home. Pina-send niya sa secretary via email ang mga kailangan na i-review habang naghihintay sa mga messages ni Cinder. Maya't maya ang tingin ni Kevin sa cellphone kung may update ba si Cinder ngunit bukod sa sinabi nito na busy ito kaya hindi makakapagbigay ng update sa kanya, wala
WHAT HAPPENED YESTERDAY. . . Akala ni Cinder ay nagbibiro lang si Zephyr sa sinabi nitong ilalayo siya. O kaya naman, kahit sabihin nito iyon, hindi niya naman alam na agaran ang gusto nitong mangyari. Noong gusto na niyang umalis, pinigil siya ni Zephyr at hinawakan pa siya nang mahigpit sa braso. Humingi siya ng tulong kay Chlyrus ngunit ang ginawa ng pinsan, binuhat nito si Chiles paalis doon at hinayaan sila ni Zephyr sa loob ng opisina na iyon. “Zephyr, let me go! Alam mong hindi ako pwedeng malayo sa subject ko.”Magkasalubong ang kilay ni Zephyr, hindi nagustuhan ang sinabi ni Cinder. “Hindi pwedeng lumayo o ayaw mong lumayo? Cinder, I already talked to you, right? I told you to stay away from him! That morón is not good for you!”“Bakit ba ayaw mo sa kanya?! Hindi ko maintindihan 'yang galit mo sa kanya? Isa pa, pwede bang isantabi mo ang galit mo sa kanya? Someone's after his life and I'm protecting him. You know that I don't like to fail my assignment.”Humugot nang m
Ang restaurant sa unang palapag ng main family ay pansamantalang ginawang meeting room. Halos lahat ng Elders ng pamilya ay nandoon at iba’t ibang klaseng tao ang nakapalibot sa mahabang mesa. Halos lahat ng matatanda roon ay galing sa madugong mundo ng underground, kaya lahat sila ay may mabigat na presensya na parang may bahid ng kamatayan.Parang nagyeyelo ang hangin sa buong restaurant at ang mga tingin ng bawat isa ay matalim na parang agila, kaya mahirap basahin ang iniisip nila.Nasa gitnang upuan si Jester at kahit nasa harap siya ng mga halimaw ng Beltran family, kalmado pa rin ang itsura niya. Nang makita niyang kumpleto na ang mga tao, pinalakpak niya ang kanyang kamay ng dalawang beses, tinawag ang tauhan niya, may bumulong siya sa kanila, tapos umalis na ang mga ito sa restaurant.Wala masyadong nagsalita habang nangyayari ‘yon at lahat ay nanatiling tahimik.Sa tatlong anak ni Jester, si Chase lang ang nandoon. Si Chastain ay nakakulong sa bahay at si Chester naman ay na
Chapter 75HINDI agad nakasagot si Patricia. Masyadong diretso ang tanong ni Jester, parang kutsilyong walang takip na dumiretso sa pinaka-masakit na bahagi ng puso niya, pinapaalala ang katotohanang matagal na niyang iniiwasan.Possible ba talaga?Parang tinanong mo ang isang hari kung kaya niyang isuko ang trono para lang maglakbay kasama ang isang babae. Paano mangyayari ‘yon?Nang mapansin ni Jester na tinamaan niya si Patricia sa punto, medyo lumambot ang ngiti niya. “Miss Patricia, dahil alam mo na rin naman na imposibleng maging kayo ni Daemon, bakit hindi ka na lang makisama at manatili sa Beltran family? Ibibigay namin lahat ng gusto mo at hindi ka na gagambalain ng Alejandro Patriarch. Panalo ka na, panalo rin kami. Ano sa tingin mo?”Hindi sumagot si Patricia, pero halatang lalong tumindi ang pagkakunot ng noo niya. Kahit hindi na sila ni Daemon, anong kinalaman nun sa gusto nilang ipakasal siya kay Chester? Kaya mariin pa rin siyang tumanggi. “Pakawalan n’yo na ako!”Nang
Bago pa man makapagsalita si Chase, pinigilan na siya ni Jester. "Bilang pinuno, hindi ka dapat nakikipagtalo sa taong mas mababa sa’yo."Sa sinabi niyang ito, natahimik si Chase at sinulyapan din si Juano na iisa ang mata. Medyo nanliit ang mga mata ni Juano. Kahit kalmado pa rin siya sa labas, halatang medyo nainis siya base sa ekspresyon niya.Parang wala namang pakialam si Jester kung nakasakit man ang sinabi niya. Tumalikod siya at ngumiti nang "magalang" sa lalaki. "Natutuwa akong makita na ganyan ka katapat kay Chastain. Pero sa tingin ko hindi mo na kailangang dumaan pa sa pagbabanta. Anak ko siya, sa tingin mo ba may masama akong gagawin sa kanya?"Hindi sumagot si Juano. Napangiti lang siya nang may halong pang-aasar.May kasabihan na kahit ang tigre, hindi kinakain ang sarili nitong anak. Pero si Chastain, mula pa noon, ang pinaka-rebelde sa tatlong anak ni Jester. Katulad ng mga emperor na may takot din sa sariling anak, ganoon din si Jester. Minsan, ang meron lang sa isa
Chapter 74“NAISIP mo na ba kung anong mangyayari kapag nalaman ni Daemon na tayo ang may gawa nito? Matagal nang gustong makipag-alyansa ng young master sa kanya, pero sinisira mo ang plano niya sa ginagawa mo.”“Hindi niya malalaman.” Ngumiti ang lalaking iisa ang mata, kumpiyansa. “May mga tao na ako sa intelligence network niya. Yung private detective na in-assign niya kay Patricia, pinalitan na namin. Kaya ang sasabihin lang nun, yung dapat niyang sabihin…”Napahinto sandali si Lia. Sa totoo lang, wala na siyang dahilan para tutulan ang desisyon na ibigay si Patricia.Napakunot ang noo niya nang makita si Patricia na wala pa ring malay at nakasalampak sa likod ng kotse. Hindi naman talaga niya kinamumuhian ang babae, pero may konting panghihinayang pa rin siyang nararamdaman sa ideya na ipapasa niya ito sa mga halimaw.Siya lang ang nag-iisang babae sa grupo ni Chastain, kaya iniisip ng ibang lalaki na sobrang lambot niya.Hindi naman siya nagpapakita ng awa sa mga kalaban, pero
"Bakit, ayaw mo ba?" Nakita ni Witch Lia ang nahihiyang itsura ni Patricia kaya bahagya siyang ngumiti ng may pangungutya.Akala ni Lia, may magagawa si Patricia. Pero sa totoo lang, para lang siyang langgam sa harap ng mga tao sa Beltran family at Alejandro. Si Daemon, sa totoo lang, hindi rin siya makikinig. Matigas ang ulo at sanay sa sariling diskarte.Mukhang napansin ni Lia na matagal na siyang hindi kumikibo kaya inisip siguro nitong wala siyang maitutulong kay Chastain. Tiningnan siya nito na para bang wala siyang silbi. "So ganyan ka pala."Napakunot-noo si Patricia at seryosong tumingin sa kanya. "Talaga bang iniisip mong kaya kong gawin 'yung dalawang bagay na ‘yon? Sa tingin mo ba magso-sorry si Daemon kay Chastain? O papayag ang Alejandro family na ipakasal ang isa sa kanila kay Chester?"Pinaglaruan ni Lia ang kutsilyo sa kamay niya habang matalim ang tingin. "Depende. Malapit ka kay Daemon eh."Alam ni Patricia na kahit ano pang paliwanag niya, ang dating lang kay Lia a
Chapter 73NANG makita ni Andrei na masama ang mukha ni Patricia, ngumiti lang siya ng bahagya at sinabing, “Okay na, nagbibiro lang ako. Wala naman akong kakaibang bisyo.”Medyo nakahinga ng maluwag si Patricia, pero nakakunot pa rin ang noo niya. “Andrei, pag seryoso ang usapan, pwede bang seryoso ka rin?”“Hindi pwede.” sabay labas ng dila ni Andrei, parang batang pasaway.Napailing na lang si Patricia. “Hay naku, bata ka pa kaya hindi na lang kita papatulan. Pero ha, huwag kang gagawa ng kalokohan. Okay?”“Ok.” sagot ni Andrei habang tamad na tumango at nag-unat. Wala talaga siyang pakialam kahit pinagsasabihan siya.Napailing ulit si Patricia at dahil hindi na niya makontrol, sabi niya, “Kakanta ka sa show na ire-record natin mamaya, ‘di ba? Napraktis mo na ba ‘yung kanta mo? Nakausap mo na ba ‘yung vocal coach?”Tumango si Andrei. “Hindi ko na kailangang mag-practice.”Napangiwi si Patricia. “So, ibig sabihin, hindi ka pa handa?”Tumango ulit si Andrei. Halos manginig si Patrici
Kapag naging matigas siya ngayon, baka magalit si Andrei. E siya pa naman ang inaasahan ni Patricia para makapanatili siya sa posisyon niya. Pero kung masyado siyang magpapakumbaba, baka hindi na siya seryosohin ng ibang assistants.Tahimik lang si Patricia saglit, tapos binuklat ang ilang scripts sa lamesa habang kunwaring seryoso siyang nag-iisip. "Okay lang kung ayaw mo ng spy drama. Meron din namang supporting role sa isang idol drama. Hindi siya namatay sa aksidente, pero nawalan siya ng memory at parang naging siraulo. Tapos meron din horror movie, gusto ka nilang gumanap na sidekick ng kontrabida. Naghahabol kayo ng mga babae tapos kinukuha n’yo 'yung puso nila para kainin nang hilaw…”Habang tumatagal, padilim nang padilim ang mukha ni Andrei… Saan ba kinuha ni Patricia ‘tong mga kakaibang roles? Lahat parang nakakakilabot. Sa huli, napilitang sumigaw si Andrei. "Ayoko ng kahit alin diyan! Gusto ko yung mga normal lang!"Binagsak ni Patricia ang mga scripts sa mesa. "Yung norm
Chapter 72NAKITA rin ni Patricia ang iritadong itsura ni Manager Wenceslao. Alam niya kung bakit ito galit, pero dahil nirerespeto pa rin niya ito bilang nakatataas sa kumpanya, iniwasan na lang niya ang gulo at binati ito tulad ng dati, “Hi, Manager Wenceslao.”Pero dumaan lang ito sa harap niya kasama ang dalawang assistant, walang emosyon sa mukha at hindi man lang siya binati pabalik.Hindi naman ito pinansin ni Patricia. Nag-shrug lang siya ng balikat at inilabas ang dila. Pagpasok niya sa opisina, nandoon na ang pitong assistant ni Andrei, pero ang lalaki mismo ay wala pa.Pitong assistant; tatlong lalaki, apat na babae. Kahapon pa lang ay tiningnan na ni Patricia ang background ng mga ito habang naghahanda siya. Yung tatlo ay matagal nang kasama ni Andrei mula pa noong nagsimula siya at sumama pa ito nang lumipat siya ng agency. Yung apat naman ay mga bagong hire ng WG. Hindi pa sanay sa trabaho, pero sunod-sunuran.Alam ni Patricia na hindi magiging madali para sa kanya na pa
Habang tulala pa rin ang tatlo, tumingin si Daemon sa relo at napansing gabi na. Kaya tumalikod siya at binigyan si Patricia ng tingin na parang utos. "Tapos na ang training mo ngayon. Uwi na tayo."Nakatunganga lang si Patricia, hindi gumalaw. Pinanghahawakan pa naman niya kanina na magpapapayat siya para maging bagay sila ni Daemon, pero ilang salita lang nito, parang nadurog na ang desisyon niya. Pero sa totoo lang, gumaan ang pakiramdam niya, parang tinunaw ng araw ang yelo sa puso niya.Matagal na niyang pinangarap na may lalaki sanang magsasabi sa kanya na hindi niya kailangang magpapayat o pahirapan ang sarili niya at sapat na siya. Na kahit hindi siya perpekto, mahal pa rin siya.Yung tipong pag namimili siya ng damit at walang kasya sa kanya, may magsasabing kahit ano isuot niya, maganda pa rin siya.Kahit hindi sinabi ni Daemon nang diretso ang ganitong klaseng matatamis na salita, sa ginagawa nito ngayon, malinaw ang sinasabi. hindi ni Daemon iniintindi ang itsura ni Patric