ROUGJAN AISLINN ALLEJO
Busy ako sa paghahanap ng enrollment form sa loob ng bag ko nang magvibrate ang cellphone ko."Hello, may problema?" kaagad na sagot ko sa tawag ni Kuya Allerick."Sa tuwing tatawag ba ako ay problema sinasabi ko?" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya"I'm in a hurry, Kuya baka nando'n na sina Louise.""Umuwi ka kaagad.""Yeah, I know. I gotta go. Nakita ko na si Alec," saad ko nang matanaw si Alec sa 'di kalayuan. "See you," huling sabi ko bago ibaba ang tawag."Rouge!" Patakbong lumapit sa akin si Alec nang makita ako kaya naman may ilang students ang napalingon sa direksyon namin."Wala pa sila?" Umiling lang siya saka kumapit sa braso ko."May free taste ro'n, ginawa ng mga senior high school students." Napapikit na lang ako nang hilahin ako ni Alec papunta sa isang stall na marahil ay itinayo rin ng mga senior high students."Hi! Good afternoon po, you can have this," saad ng babae saka iniabot sa akin ang maliit na cup, ice cream ang laman no'n."Thank you!" Nagulat na lang ako nang hilahin ulit ako ni Alec paalis sa stall. Kahit kailan talaga."Ano yan? Patikim.” Nagulat ako nang sumulpot sina Aillard sa harapan namin, kasama niya sina Dieosh at Luminous pero Louise ang nickname niya. Ibinigay ko kay Aillard ang cup. Ayoko naman talaga, hinila lang ako ni Alec."Ayaw mo na?" Tumango lang ako saka hinanap ulit ang enrollment form, kailangan ko iyon dahil enrollment ngayon for second year college."Ano bang hinahanap mo r'yan?" Napatingin ako kay Louise, hindi siya nakauniform ngayon."Yung enrollment form. Bakit hindi ka nakauniform?" tanong ko."Sira ka talaga, p'wede raw ang hindi naka-uniform saka ipinasa kahapon yung form, 'di ba?""Huh? Hindi ko naipasa yung akin.""Pumunta ka muna sa registrar office para humingi ng kopya ulit, kanina pa kami rito. Bakit ngayon lang kayo?" ani Dieosh."Late na akong nagising. Naka-enroll na kayo?" Lahat sila ay tumango."Tara na, samahan ka namin sa office," saad ni Dieosh na nauna maglakad kaya sumunod kami. Bakit nga ba hindi ko naipasa kahapon yung form?"Saan tayo after nito? Gusto ko sana sa Starbucks," ani Aillard na nauunang naglalakad sa amin ni Louise."Sa restaurant na lang, 'di ba may bagong bukas na restaurant yung pinsan mo, Louise?" tanong ni Dieosh."Meron, hindi ko lang sure kung bukas sila, Saturday ngayon eh.""Nandito na. Rouge, ikaw na lang pumasok, ang sungit ni Mrs. Elrado," pabulong na sabi ni Alec kaya bahagya akong natawa."Saglit lang," saad ko bago pumasok ng office."Good afternoon po," bati ko kay Mrs. Elrado na pinagtaasan lang ako ng kilay. "Can I request for a new copy of enrollment form for incoming second year college?""It was given and passed yesterday. Why are you requesting for a copy?""Ma'am I forgot—." She cut my sentence as she drops a bundle of paper in front of me."I don't need your excuse, get one and get out," Itinago ko na lang ang inis ko saka kumuha ng isang papel."Thank you, Ma'am, lalabas po ako kahit hindi niyo po ako utusan." I plastered a smile before stepping outside."Pinagalitan ka?" Umiling lang ako saka ipinakita ang form na kinuha ko. Matapos kong magfill-up ng form ay pumunta naman kami sa admin's office para mag-enroll."Wait, punta lang muna akong C.R," saad ko pagkalabas ko ng office."Ako rin," ani Louise kaya tumungo kaming dalawa sa banyo, sumunod din si Alec sa amin habang sina Aillard ay naghintay sa labas."May extra kayong sanitary pads? Nakakainis, meron pala ako ngayon," ani Alec kaya kaagad akong kumuha ng dala kong napkin sa bag."Salamat," aniya saka pumasok sa isang cubicle. "Rouge, patulong nga rito." Napakunot ako nang marinig ko ang boses ni Luminous mula sa loob ng cubicle."Bakit?" Binuksan ko ang pinto saka bumungad sa akin ang nakatalikod na si Louise. "Ayaw maisara?" pagtutukoy ko sa zipper ng skirt niya."Oo, nakalimutan ko kasing papalitan ng zippe—." Napahinto kaming dalawa nang maitukod ni Louise ang kamay niya sa pader ng cubicle."Ano 'yon?" nagtatakang tanong ko dahil iba ang reaksiyon ng mukha niya."Gumalaw yung pader.""Huh? What do you mean?" Itinaas ko ang zipper niya saka hinawakan ang pader at itinulak iyon dahilan para tila unti-unting umusog ang pader na hinawakan ko. "Mukhang may pinto rito.""Eh bakit naman may pintuan dito sa loob ng cubicle?""Malay ko," sagot ko."Parang dito." Itinulak niya ang pader hanggang sa naramdaman kong tila gumagalaw ang inaapakan namin."What the heck." Kaagad kaming napahawak sa isa't-isa nang malaglag kami mula sa inaapakan namin kanina.Pagbagsak namin ay dilim ang bumalot sa paligid namin."Rouge." Nagulat na lang ako nang marinig din si Alec na narito. "Ang dilim.""Hello? May tao r'yan?""Aillard?""Rouge? Nandito rin kayo." Ilang segundo lang ay may biglang bumukas na ilaw mula sa 'di kalayuan. Sa ngayon ay kahit papaano ay naaaninag ko na ang paligid."Anong nangyari?" tanong ni Dieosh nang lumapit sila sa amin."Tingnan niyo." Lahat kami at napatingin sa itinuro ni Alec. Isang tren."Silipin natin." Naunang naglakad si Aillard habang kami ay nasa likuran niya. Maya-maya'y sunod-sunod na bumukas ang ilaw mula sa loob ng tren, may ilang mga estudyante ang nakasakay roon."Good afternoon, students of A****n University. Welcome to Veil Subway," saad ng isang matangkad na lalaking nakasuot ng corporate attire at may maskarang tumatakip sa mata niya."Ano po ang mayro'n dito?" tanong ko."You can come inside. I will discuss later," aniya saka inilabas ang isang baril kaya bahagyang napalunok ako. Tumingin si Aillard sa amin bago naunang pumasok."Tabi tayo," ani Alec saka humawak sa braso ko.Sa bandang likuran kami magkakasunod na umupo. Magkatabi sina Aillard at Dieosh sa unahan sa bandang kaliwa habang sa kanan naman si Luminous. Sa tingin ko ay kaparehas lang naming mga grade 11 ang mga nasa loob ng tren dahil medyo pamilyar ang ilan sa kanila."Please wear your seatbelts for your safety. I know all of you have a question, but you'll get your answers later." Kaniya-kaniyang kabit ng seatbelt ang iba kaya naman ikinabit ko na rin ang akin. Nakita kong parang nanginginig pa si Alec kaya hinawakan ko ang kamay niya."Calm down.""As we invade this queer Veil University. Where the law is in your possession. The start of the thrill adventure will now begin." Maya-maya'y muling binalot ng kadiliman ang buong paligid hanggang sa maramdaman kong umaandar na ang tren na sinasakyan namin."Ayos ka lang?" tanong ko kay Alec dahil ramdam kong bahagyang humihigpit ang hawak niya sa kamay ko."Medyo nahihilo ako. Ang bilis ng tren." Pinisil-pisil ko ang kamay niya upang kahit papaano'y kumalma siya, kahit ako ay medyo nahihilo rin sa bilis ng andar ng tren."Bzzk. Bzzk." Nagulat ako dahil sa pagvibrate ng cellphone ko kaya naman kinuha ko iyon sa bulsa saka yumuko para hindi makita ang liwanag mula sa phone ko. Kailangan kong magmessage kay Kuya dahil iba ang pakiramdam ko rito."Kahit anong gawin mo ay hindi gagana ang cellphone mo sa lugar na 'to." Napa-aray ako nang may humila sa buhok ko paitaas, mahigpit iyon. "Mabuting sumunod ka na lang," bulong niya sa tenga ko bago bitawan ang buhok ko."Ayos ka lang?" rinig kong tanong ni Aillard mula sa harapan namin."Oo," sagot ko habang bahagyang inaayos ang buhok ko. Makalipas ang ilang minutong nakabibinging katahimikan na nangibabaw sa aming lahat ay unti-unting natanaw namin ang liwanag sa unahan."Woah," rinig kong sabi ng karamihan.Natatanaw namin ngayon sa unahan ang napakataas na pader kung saan may nakasulat na ‘Veil University’. Paglingon ko sa bintana ay isang bangin lang ang nakita ko, parang dati itong iisang lupa pero marahil ay dahil sa mga lindol kaya naghiwalay, tanging riles lang ng tren ang nagdudugtong sa mga ito."We are now on Dark Labyrinth. You need to pass through the labyrinth for you to survive. If you want to die because of starving, it's your choice. You may now unbuckle your seatbelts. Goodluck on your journey, students." Maliwanag na ang paligid namin, puro puno at matataas na pader. Isa-isang bumaba ang mga estudyante sa tren kaya naman sumunod na rin kaming bumaba dahil mukhang wala kaming choice kung hindi ang sumunod."Ano na ang gagawin natin?" tanong ni Louise.Inilibot ko ang paningin ko sa paligid pero halos wala na ring daanan pabalik, maging ang dinaanan ng tren kanina ay unti-unting naglaho dahil nawala na ang riles doon. Ang ibang mga students ay nakikita kong pumapasok na sa loob ng tinawag ng lalaki na Dark Labyrinth."Papasok tayo r'yan?" tanong ni Dieosh."Ayoko, hindi natin alam ang mayro'n diyan," natatakot na sabi ni Alec."Pero ano ang gagawin natin dito?" tanong naman ni Louise."Wala tayong ibang choice kung hindi pumasok sa loob niyan." Ilang sandali lang matapos magsalita ni Aillard ay naramdaman namin ang tila paglindol."Sh*t. Tingnan niyo, sumasara na!" gulat na sabi ni Dieosh kaya naman kaagad kaming tumakbo."Bilis!" sigaw ko habang tumatakbo sa papasarang higanteng pinto ng Dark Labyrinth."Muntik na tayo ro'n," ani Louise na hinihingal pa."May ballpen kayo? Ilabas niyo para kung sakaling may umatake sa atin ay handa tayo," saad ni Aillard."P'wede na ba 'to?""Bakit ka may ganiyan?" tanong ni Alec nang makita ang maliit na kutsilyo na hawak ni Louise."Lagi akong may dala nito for self-defense, late kasi tayo umuuwi," paliwanag niya."Ako na ang hahawak niyan," ani Dieosh saka kinuha ang kutsilyo kay Louise. Tahimik at tanging mga tunog lang ng pag-apak namin sa mga tuyong dahon ang maririnig sa paligid."Mag-ingat kayo sa inaapakan niyo, baka may mga trap dito," paalala ni Dieosh."Ano ba kasi ang trip nila at bakit may ganito?" reklamo ni Louise."Dead end," saad ko nang makitang walang dadaanan."Teka, baka may secret door din dito," saad ni Louise saka dahan-dahang lumapit sa pader kaya sumunod ako para hawakan at tingnan din ang mga pader."Meron dito," saad ko saka dahan-dahang pinindot ang nakausling bato dahilan para unti-unting bumukas ang pader na nasa harapan naming lahat."Mukhang mas madilim na rito. Rouge, pahiram ng phone mo," ani Aillard. Inilabas ko ang phone ko saka binuksan ang flashlight. Pagtapak ni Aillard sa loob ng nabuksang pinto ay unti-unti na namang gumalaw ang lupa at sumara ang pader na pinanggalingan namin kanina."Mag-ingat kayo," paalala ni Aillard.Isa-isa naming tiningnan ang mga posibleng daraanan namin para makalabas sa labyrinth. Makailang ulit kaming nagpaikot-ikot sa loob dahil mahirap tandaan ang mga daang dinaanan na namin kaya naman nagpunit kami ng mga papel bilang tanda na dinaanan na namin ang lugar na 'yon. Sa paghahanap namin ng daan palabas ay may mga kalansay pa ng tao ang nakita namin dahilan para mas lalong matakot si Alec, hindi siya sanay sa madilim. Medyo mabaho rin kaya napatakip kami ng ilong."Mukhang ito na ang daan palabas," saad ni Dieosh na nasa unahan. Mula sa 'di kalayuan ay may naaaninag kaming liwanag, mukhang iyon na nga ang dulo."Tara, napapagod na 'ko, gusto ko na magpahinga," saad ni Louise, kahit ang mga paa ko ay nanlalambot na rin dahil sa pagod, hindi ko na matandaan kung gaano kami katagal sa paghahanap ng daan sa labas."Kaunting tiis lang, makakalabas na tayo rito."Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay naaninag na namin ang papalubog na araw, kasabay no'n ay ang realization na pare-parehas naming hindi alam kung nasaan ba talaga kami."P'wede bang magpahinga muna tayo saglit?" ani Alec na napaupo na sa damuhan."Magpahinga muna tayo ng kaunti rito," segunda ni Louise saka umupo sa tabi ni Alec kaya tumabi na rin ako.As I rested my body because of weariness, I felt someone keeping an eye to us. I nonchalantly open my eyes and directly move my gaze straight up. I wandered my sight while keeping my head at its own pace. My peripheral vision caught someone. Sa kanan, isang babae ang napansin kong nagkukubli sa mga puno."Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Itinagilid ko ang katawan ko sa direksiyong kanan para tanungin si Alec."Ayos na," sagot niya. Sa pwesto ko ay medyo nakikita ko ang itsura niya. Hindi ko mai-describe ang suot niya dahil nakatago ang katawan niya. Kaagad na napukaw ng atensyon ko ang nasa likuran niya, mga palaso. Nakasuot din siya ng isang maskara na tumatakip sa buong mukha niya."May taong nagmamasid sa atin," bulong ko kay Alec. Kaagad siyang lumingon sa likuran niya dahilan para magtago ang babae."Tara na, lumakad na tayo. Mahirap na gabihin tayo dito sa gubat," saad ko nang tumayo ako para pagpagan ang sarili."Halika na, baka malayo pa yung lalakarin natin." Nauna nang naglakad sina Aillard habang ako ay nagpahuli.Muli kong ibinalik ang tingin sa lugar kung ng saan ko nakita ang babae. Sa pagkakataong ito, nagtama na ang paningin namin ng babae."Rouge, may problema?" tanong ni Aillard saka lumapit sa akin.Umiling lang ako kay Aillard saka sumabay na sa paglalakad nila. Tahimik na tahimik pa rin ang buong paligid, mga huni ng ibon at ihip ng hangin na humahampas sa dahon ng mga puno ang namumutawing tunog. Nang lumingon ulit ako sa likuran ay hindi ko na nakita pa ang babae.Ilang minutong paglalakad ang iginugol namin sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng isang arko kung saan nakaukit ang 'Veil University', mukhang may kalumaan na ang arkong iyon dahil pansin ko ang ilang lumot at masangsang na amoy.“Welcome, new students. Welcome to Veil University." Matangkad na babae ang bumungad sa amin. She was wearing a classy white dress. Kitang-kita na hindi siya Pilipino dahil sa tindig nito. "I will guide you to Administration Building, please follow me," magiliw na saad niya saka naunang naglakad."Where are we?" tanong ni Louise sa babae habang naglalakad kami."No questions please. Ms. Fhairry will discuss later." Nanatili lang kaming walang imik habang naglalakad, pinapakiramdaman ang buong paligid. Masyadong tahimik kaya nakakapagtaka."Sobrang laki dito," puna ni Alec.Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa harap ng isang gusaling may tatlong palapag, sa itaas nito ay may nakasulat na 'Administration Building'May sinabi pa ito pero hindi ko naintindihan hanggang sa tuluyan niya na kaming iwan kaya nauna si Aillard na buksan ang pinto."Good afternoon, miss," bati ni Aillard nang buksan niya ang pinto, lumingon siya sa direksyon namin at sumenyas na pumasok."Good afternoon, welcome to Veil University. I am Ms. Fhairry." Tumayo ang isang matandang babae. "Please take your seats, children." Bahagyang napakunot ang noo ko. Mukha ba kaming grade 1 sa paningin niya?"Ma'am, what’s this place? Kailangan na po naming umuwi," saad ni Louise."It is your new school with a twist," nakangising sambit nito na lalong ikinakunot ng noo ko. "Here in Veil University, you will take all of the available general subjects for college. Your program doesn't matter here. Dito kayo mag-aaral.""What do you mean? For sure hinahanap na kami ng mga pamilya namin that’s why we need to go home," alma ni Alec."Maybe, once you're six feet under the ground," sagot nito na ikinainis ko na."Seriously, miss?" sabat ko. Tumingin siya sa akin saka umirap."There's no way out, if you want to escape, wait for the right time." Yumuko siya at binuksan ang drawer sa ilalim ng table. "Here's your key, 3 rooms, 3 bathrooms. Serpent Blood Camp. Get out.""Are you serious, Ma'am? We're staying here?" reklamo ni Louise."You’re not just staying here, you’ll live here.""Saan namin makikita ang k'warto namin?" tanong ni Aillard saka kinuha ang susi na nasa ibabaw ng lamesa.“Seryoso ka ba sa tinatanong mo?” ani Louise na mukhang nagalit sa itinanong ni Aillard. “Gusto kong umuwi ngayon.”“We have no choice for now, Louise.” Hinawakan ni Dieosh ang kamay ni Louise saka binulungan."Your friend is right, living here is your only option,” nakangiting turan ng babae. “Anyway, diretsuhin niyo ang likuran ng building na ito at may makikita kayong arch, sa kaliwang side ay makikita niyo ang tatlong building, sa pangatlo.”"Thank you po, we're going now," paalam ni Dieosh kaya nauna na akong lumabas habang nakasunod si Alec."Nananaginip ba ako?" tanong ni Alec na nasa tabi ko."I hope so," tugon ko rito habang sinusuri ang paligid.Napapalibutan ng puno ang daanan, mula sa likuran ng Administration Building ay naglakad kami hanggang sa natanaw namin ang isang arko, gawa ‘yon sa bato at medyo mataas, kulay pula iyon. Mula naman sa malayo ay natanaw ko ang malalaking gusali sa bandang kaliwa at kanan. Sa harapan namin ay isang matayog na tower ang nasa gitna ng grassfield, may malaking orasan ito at isang pendulum, dambuhalang pendulum."Ang ganda…" komento ni Louise na akala mo’y hindi nagreklamo kanina sa office."Tara na, wala tayong choice sa ngayon," saad ni Aillard kaya naman sumunod kami, tama siya.Nang makarating kami sa harapan ng tatlong building sa kaliwa ay nakita namin ang tatlong matataas na building na kanina ay natanaw ko na, sa pinakatuktok no’n ay may malaking banner, isang gray, blue, at maroon sa dulo. Sa ikatlong gusali ang Serpent Blood Camp ayon kay Ms. Fhairry kanina kaya pumunta kami ro’n. Room 164 ang room number namin pero inikot namin ang second floor para makita ang itsura. May sampung room ang second floor, marahil ay gano'n din sa iba. Maganda at elegante ang disenyo ng paligid at may elevator sa pagitan ng 5th and 6th room. Tahimik at nakakatakot ang pakiramdam habang binabaybay namin ang ikaapat na palapag."Wala bang tao—." Natigilan si Dieosh nang bumukas ang katabing pinto ng room 164, yung 163."Hi," bati ni Alec sa babaeng sumilip pero tiningnan lang siya nito saka isinarang muli ang pinto."Para tayong nasa hotel," saad ni Aillard nang buksan niya ang pinto."Mukhang komportable rito," ani Dieosh habang inililibot ang paningin sa loob ng silid. Isang mini table ang bumungad pagkabukas ng pinto, may vase sa ibabaw no’n.Kulay puti ang pader, may mga appliances na mukhang mamahalin, mukhang kumpleto ang mga gamit."May pagkain yung ref," saad ni Aillard habang hawak ang isang tumbler na may lamang tubig. "Uhaw na uhaw na 'ko.""Pahingi." Lumapit sa kaniya si Alec na sinundan naman ni Louise."Ayos ka lang? Parang may tinitingnan ka kanina ro'n sa gubat," tanong ni Dieosh na tumayo sa tabi ko."Ayos lang ako. May nakita lang akong babae kanina.""Anong itsura?""Nakamaskara," sagot ko habang tinitingnan pa rin ang paligid."Rouge, tingnan mo 'to." Napalingon ako sa likuran ko, may hawak na gummy candies si Louise kaya kaagad akong kumuha ng isa."I-check natin yung mga kwarto," saad ni Dieosh saka umalis sa tabi ko."Tabi tayo matutulog. King size naman yung kama rito," ani Alec nang buksan niya ang pangalawang kwarto."Kakasya tayo," tugon ko."Kumpleto ang gamit rito," saad ni Aillard, mukhang nalibot niya na ang buong kwarto, nasa unahan ‘yon. "Sama-sama na lang kayo sa isang k'warto? Tabi na lang din kami Dieosh, may isa pang bakante sa dulo kung gusto niyo," saad ni Aillard sa tabi ko."Ayos na kami sa isang k'warto, may nakita kang mga damit?""Mayro'n, mabuti siguro kung magpalit muna tayo," tugon ni Aillard kay Louise.Kagaya ng sinabi ni Aillard ay nagpalit kami ng damit sa kaniya-kaniyang k'warto, Mabuti na lang at may maaayos na damit ang laman ng closet kaya may nagamit kaming pamalit, isa-isa kaming nagpalit nina Alec at Louise sa loob ng mini dressing room."Gusto ko na umuwi," saad ni Alec na sumalampak sa kama."Wala talagang signal dito," saad ko habang sinusubukang i-dial ang number ni Kuya."Mabuti nadala mo yung phone mo pero siguradong wala talagang signal dito dahil doon pa lang sa subway station ay wala ng signal," saad ni Louise habang nagbibihis pa sa mini dressing room."Magpahinga muna tayo, inaantok na ako." Nahiga ako sa tabi ni Alec saka niyakap ang isang unan hanggang sa tuluyan akong lamunin ng antok.Kinagabihan ay isang nakakikilabot na tunog ang gumising sa akin. Kaagad akong tumayo upang sumilip sa bintana. Nagliliparan ang mga ibon dahil na rin siguro sa pagkabulabog sa kanila."Rouge, gising ka na pala, kain na tayo. Nagluto sina Dieosh," saad ni Louise nang pumasok sa k'warto."Ang lakas ng tunog na 'yon." Nagkibit-balikat lang siya saka pumasok sa banyo.Paglabas ko ay naabutan ko sina Aillard na naghahanda ng pagkain habang sina Dieosh at Alec ay nakaupo na."Nakita ko yung magazines nila, updated yung mga 'yon," ani Alec nang umupo ako sa tabi niya."Mabuti okay yung mga pagkain sa ref?" saad ko."Oo, malinis naman saka mukhang bagong lagay lang."Matapos nilang maghanda ay isa-isa silang umupo, lumabas na rin si Louise sa kwarto kaya naman nagsimula na kaming kumain. Hindi ito ang unang beses na nagsama-sama kami sa isang k'warto pero iba ngayon ang pakiramdam ko."Sa tingin niyo, makakalabas tayo?" saad ni Alec."Sana," tugon ko."Sa sinabi ng babae kanina, mukhang seryoso siya," sabi naman ni Dieosh na kumukuha ng kanin."Hindi naman nila tayo mapapanatili sa lugar na 'to ng matagal.""Unless may pera sila," tugon ni Louise kay Aillard. "Siguradong ang nagpapatakbo ng university natin noon ang nagpapatakbo ng university na 'to.""Pero, ano kayang twist ang sinasabi ng babae kanina?" tanong ni Dieosh."Naalala niyo ba yung sinabi ng lalaki kanina sa tren?" tanong ni Louise."Where the law is in your possession," sambit ko mula sa mga sinabi ng lalaking nakamaskara kanina sa tren."Hindi ko nagets." Mahinang natawa si Alec."Baka wala silang rules…" tugon ni Louise, nagkibit-balikat na lang kami."8 o'clock ang first class natin, nakita niyo na ba yung schedules natin kanina? May mga pangalan tayo ro’n," ani Dieosh."Huh? Paano nila nalaman ang pangalan natin?" takang tanong ni Louise."Hindi ko rin alam.""Kumain na lang muna tayo para makapagpahinga na ulit," saad ni Aillard saka tumuloy sa pagkain.Matapos naming kumain ay si Dieosh na ang nagligpit ng pinagkainan, rotation na lang siguro ang gagawin namin para fair. Naupo ako sa couch para magpababa ng kinain pero nagulat ako nang makarinig ng isang kalabog mula sa pinto, lahat kami ay napatingin sa pinto, pinakikiramdaman ang nangyayari. Dahil sa curiosity ay tumayo ako upang lumapit sa sliding window para silipin ang pinto."Sh*t." Paghawi ko ng kurtina ay halos bumaliktad ang sikmura ko ng bumungad ang isang lalaking puno ng dugo ang nakaharap sa bintana kaya kaagad kong isinara ang kurtina."I got a terrible feeling about this university.”ROUGJAN AISLINN ALLEJOKinaumagahan, matapos ang gabing ikinagulat naming lahat ay maaga kaming nagising dahil sa alarm ng cellphone ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ng lalaki kagabi sa bintana. Binuksan panandalian ni Aillard ang pinto saka tumambad sa amin ang mga bangkay na naliligo sa kanilang mga dugo, ang iba sa kanila'y nakadilat pa ang mata. Mabuti na lang at hindi nakita ni Alec dahil sigurado akong masusuka siya."Ganito rin uniform natin noon," saad ni Alec habang isinusuot ang uniform namin. Simpleng white blouse at skirt na kulay maroon, may logo lang ng ahas sa necktie. "Kumusta yung tulog mo?""Nakatulog naman, dahil sa pagod." Bahagya akong natawa, hanggang ngayon ay medyo masakit pa rin ang paa ko.Pagkabihis ni Louise ay lumabas kami para kumain ng almusal. Sina Aillard at Dieosh ang naghanda ng pagkain namin almusal namin, bacon at f
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“You’ll die.” Natigilan ang mga Black Knight saka lumingon sa likuran nila. “Alis,” ma-awtoridad na sabi ng lalaki sa mga Black Knights bago ang mga ito nagsi-takbo."Duke," banggit ko sa lalaking nasa likuran paglingon ko. "Thank you.""Are you okay?” Hahawakan niya sana ang braso ko pero kaagad akong umiwas. "You should take some rest," saad niya bago naglakad upang lagpasan ako.Napabuntong hininga ako bago tuluyang napa-upo sa damuhan. Kanina pa nanghihina ang mga paa ko, at idagdag pa yung dalawang lalaki kanina."Rouge!" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko si Aillard na patakbong lumapit sa akin."What happened? Ayos ka lang?" Tumango ako saka pinilit ang sarili kong makatayo. "Oh," aniya saka kaagad na inalalayan ang kamay ko dahil muntikan akong ma-out of balance.&nb
ROUGJAN AISLINN ALLEJO"Good morning students, I am Mr. Selca, Social Science professor." Isang lalaki ang pumasok sa loob ng room, mid 30's at may itsura. Panibagong araw sa bagong lugar para sa amin. "Ms. Ocampo announced this morning that the Welcome party will be held tomorrow. Your outfits will be delivered to you tomorrow so be ready." Inilapag niya ang isang libro sa teacher's table saka binuksan ang hologram sa gitna saka nagsimulang magdiscuss.Matapos ang klase namin ni Aillard kay Mr. Selca ay susunod na ang klase namin kay Mr. Vega sa History and Literature pero laging may five minutes na pagitan ang bawat subject namin kaya naman nagsabi ako kay Aillard na magpupunta muna ako ng CR kaya sinabi niya na iihi rin siya kaya sumabay na siya sa akin.Pagpasok ko sa CR ay ako lang yata ang tao dahil tahimik. Pagkatapos kong umihi ay lumabas na rin ako sa cubicle pero natigilan ako nang makita ko si
ROUGJAN AISLINN ALLEJO "I am the great lady fang." Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng pagkatok mula sa pinto kaya unti-unting tinanggal niya ang pagkakabaon ng kuko niya sa braso ko. "Subukan mong magsalita tungkol sa akin, luluhod ka mismo sa harapan ko para lang magmakaawa," sambit niya pa bago buksan ang pinto. Napahawak ako sa braso ko kung saan bumaon ang kuko niya, ramdam ko ang pagbigat ng pakiramdam sa banda ro'n. "Are you done?" tanong ni Ryker na kakapasok lang. "What happened here?" "Yung babae ang nagkalat. I'm done, thank you." Lalabas na sana ako nang magsalita siya. "Your name?" "Aislinn," sagot ko nang lingunin siya. "You don't need to clean the cafeteria, Adara is suspended." "Okay," tugon ko bago lumabas. Pagbaba ko ay wala akong naabu
ROUGJAN AISLINN ALLEJO Kinabukasan ay halos ang lahat ay bukambibig ang darating na Welcome party. Nasa room kami ngayon ni Louise sa klase ni Mr. Luther nang tumunog ang bell. "Hindi pa naman tapos ang klase 'di ba?" puna ni Louise. "Good morning students, this is Lady Ariza. I am happy to announce that your suits and gowns are already delivered to your dorms. Tonight, 6 o'clock, we will be having our first ever corporate party. The Black Knights will assist you to the venue, enjoy!" tinig ng isang babae na umalingawngaw mula sa speaker. "Class dismissed. Wala ng next classes," saad ni Mr. Luther bago lumabas ng room. "Sa camp na tayo kakain?" "Ewan," sagot ko habang inaayos ang gamit ko. "Tara na." Pagbaba namin sa ground floor ay naabutan na namin ang tatlo ro'n. "Sa'n tayo kakain?"
ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Let's all hail down to the Supreme Student Council's President, Lord Lantis Riendejas." Natahimik ang lahat nang naglakad ang isang matangkad na lalaki galing sa likuran. He was wearing an elegant white suit. "Hala," sambit ni Louise ng isa-isang lumuhod ang lahat. "Pst, bakit nakatayo ka pa?" Natauhan ako nang bahagyang hilahin ni Alec ang laylayan ng suot ko. Nang ituon ko ang paningin ko sa harapan ay ang mga mata ng lalaking iyon ay nakatingin sa akin kaya naman unti-unti rin akong lumuhod kagaya ng iba. "Levantarse," sambit ng lalaki bago nagsitayuan ang lahat. Bahagyang yumuko ang emcee nang i-abot nito ang microphone kay Ryker. "Good evening, Veil University. Ms. Vanadey Ruimas is already dethroned as the Supreme Student Council's Secretary, and now, let us all welcome the new
ROUGJAN AISLINN ALLEJO "Sh*t. Alec, sinong may gawa nito?" Nang makita ko si Alec ay nakaupo na siya sa sahig habang may isang kutsilyong nakatusok sa tiyan nito. Hindi na nakasagot si Alec kaya naman kaagad siyang binuhat ni Aillard nang pumikit ito. "Dadalhin ka namin sa clinic, tiisin mo muna." Bahagya na kaming nakakaagaw ng atensyon sa paligid pero ilang saglit lang ay may ilan pang students ang unti-unting bumagsak. "Kailangan naming pumunta sa clinic!" inis na sambit ni Louise sa Black Knight pero hindi ito nagpatinag. "Siraulo pala kayo e!" Isang malakas na suntok mula kay Dieosh ang tumama sa isang Black Knight kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Aillard na makalusot. "Doon yung clinic!" turo ni Louise sa kanan. Tumatakbo kaming apat papuntang clinic habang ang ilan rin ay
ALECIUS SANCHEARES P.E class na namin kaya pinapupunta kami ng professor namin sa loob ng Veil Circle. I was currently passing the Blood Arch when I saw someone rushing directly on my side. "Hey, listen..." Hinihingal siyang huminto sa harapan ko. Sa bihis niya ay alam kong miyembro siya ng Black Knights. "Ms. Ocampo is related with—." Natigil siya sa pagsasalita saka bumagsak sa paanan ko. Gulat akong nakita ang isang kutsilyong nakatarak sa leeg ng lalaki. Naramdaman ko na lang ang mga paa kong tumatakbo palayo sa lalaki dahil sa takot. Sino siya?! "Ayos ka lang?" Humahangos akong tumango sa tanong ng isa kong kaklase. "Oo hehe," sagot ko rito habang pilit na iwinawaglit sa isip ko ang nakita kanina. Pa'no ko ‘yon sasabihin sa iba? "Panyo," saad niya saka iniabot ang panyo. Muli sa 'di kalayuan ay natanaw
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“What’s happening here?” Napalingon ako sa tabi ko nang makitang lumabas na si Ms. Quihado sa library at napaatras nang makita si Francie na nakahandusay. “Oh my gosh!”“We just did our job, Ms. Librarian,” giit ng isang lalaki saka tumingin sa akin. “Do you know her?” Kaagad akong umiling sa lalaki at pinilit na huwag iwasan ang nanunuring tingin niya. Paghihinalaan niya ako kung magkataon.“Ikaw? Napansin mo ba ang babaeng ‘to sa loob?” tanong ng isa pang lalaki.“No, hindi ko siya nakita, makikita ko naman siya agad kung pumasok siya sa loob. Nakita ko lang siya no’ng lumabas na bago niyo barilin,” pagkukwento ni Ms. Quihado saka lumingon sa akin. “Hindi mo rin siya napansin?”“No. I was busy with my paperworks,” pagsisinunga
ROUGJAN AISLINN ALLEJOPinilit kong tumakbo palayo kahit na sobrang sakit ng likod at braso ko maging ang likuran ng tuhod ko na sinipa ng kasama ni Louise. Natigil lang ako sa pagtakbo nang matanaw si Lantis na nakasuot naman ng pulang jacket at itim na cap. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko saka maingat na hinawakan ang kamay ko.“You fought with them?” kaagad nitong tanong. “Ano pang masakit?”“Wala na,” sagot ko sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kahit na nakasuot siya ng facemask.“I’ll carry you. I know you can’t walk properly.” Nabigla ako nang buhatin niya ako paharap.“Kaya ko pa naman maglakad...” Baba sana ako pero bigla kong naigalaw ang kaliwang braso ko kaya sumakit lalo ‘yon.“Rouge, huwag na makulit,” seryoso siyang tumingin sa akin.Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tumango kaya naglakad na siya. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa akin kaya naman itinago ko ang mukha ko sa bandang balikat niya para hind ko na rin makita ang mukha n
ROUGJAN AISLINN ALLEJOAfter we saw the smoke outside, hindi ako masyadong mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Pagpasok namin ni Alec sa kwarto ay napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang malakas na pagsabog.“Ano ‘yon?” Gulat din si Alec kaya lumabas ulit kami sa kwarto at naabutan si Aillard na nakatayo at nakatunghay na rin sa bintana.“Anong nangyayari?” tanong ko saka lumapit sa kaniya para sumilip din.“Oh my gosh.” Parehas kaming nagulat ni Alec nang matanaw ang Serpent Blood Camp na nasusunog ang ibabang parte.“Nagkakagulo na sila sa labas,” ani Aillard. “Let’s go. Silipin natin sa labas. Magsuot na lang tayo ng mask.” Tumango ako saka umalis para humanap ng mask saka binigyan sila.Nauna si Aillard na lumabas kasunod kami. Pagkatingin namin sa Veil Circle ay nakita namin ang nagkalat na mga students. I can hear some screams.“Sino na naman kaya ang may gawa niyan?” tanong ni Alec.“I don’t know...” sagot ko. Nilingon ako ni Alec kaya napatingin ako sa kaniya.“Ma
ROUGJAN AISLINN ALLEJOI've been avoiding my traumatic past for years, but now it's coming back to haunt me. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makaharap ang isa sa mga lalaking kinamumuhian k. Si Eris Sandiego. Alam kong nakita ko na siya kanina bago pa lang kami pumasok sa loob ng room pero hindi ko siya nakilala kaagad dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang kalimutan ang mga mukha nila. At sana nga lang talaga ay hindi ko na naalala pa ang itsura niya.“Love…” I heard Lantis’ voice trying to talk to me. Nagpatangay na ako sa kaniya kanina palabas sa room na ‘yon, tulala lang ako habang nakatitig sa kawalan. Parang nagsasarado ang mga tenga ko at unti-unting humihina ang pandinig ko. “I’m here.” Naramdaman ko ang mainit na yakap niya.Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa harapan niya habang nakayakap nang mahigpit sa kaniya at nakakapit ang kamay ko sa likuran ng damit niya. I don't know why, but in his arms, I feel secure. This genuine sense of safety seems
AILLARD LLZALDENang makaalis si Rouge kasama ang isang Black Knight na naghatid sa kaniya ay nagbihis lang ako saglit bago lumabas ng dorm papunta sa headquarters dahil nga may urgent matter daw. Pagkarating ko sa office ay kaunti lang ang Black Knights sa loob kaya dumiretso ako sa office ni Bronimir. May mga papeles sa ibabaw ng table niya at isang maliit na sticky note sa ibabaw.‘We’ll capture her and then you will kill her.’Kaagad na napakunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa papel na ‘yon. Kinuha ko iyon saka lumapit sa drawer niya at naghalungkat ng mga gamit. I didn’t saw any strange things except for one thing. Nang kapain ko ang isang coat na nakasabit sa pader ay nalaglag ang isang papel. Nakalukot na pabilog ang papel na iyon kaya dinampot ko saka nabasa ang nakasulat.‘Kill the members of the council’Lalong napakunot ang noo ko nang mabasa ang sulat na ‘yon. Hindi kaya ito yung note na nakita ni Rouge noon kaya siya idiniin sa kaso sa muntikang pagpatay kay Lord
ROUGJAN AISLINN ALLEJO Natapos din ang usapan namin kagabi ni Lantis dahil minabuti kong pumasok na sa kwarto matapos tawagan ulit si Alec para kumustahin. Pinili ko na lang din na putulin ang usapan namin dahil sa titig pa lang niya ay nanghihina na akong harapin lalo ang katotohanan sa nararamdaman ko at sa magulong sitwasyong nangyari sa akin. Kinabukasan ay nagising na lang ako nang may kumatok sa pinto, si Alec. Nang makita ko si Alec ay kaagad akong yumakap sa kaniya. “Ayos ka lang? Sinong kasama mo?” tanong ko sa kaniya saka sinuri siya. “I’m fine.” Saglit siyang yumakap sa akin kaya iginiya ko siya sa sala para makaupo siya sa couch. Pumunta naman si Lantis sa pinto para sumilip doon at isinara rin pagkatapos. “Ikaw lang ang pumunta rito mag-isa?” Tumango si Alec sa akin. “Mabuti na nga lang at nawala na yung usok. Ang daming mga nakahandusay sa labas.” Napayuko siya. “Nasaan si Aillard? Wala pa rin siya?” Kaagad akong umiling sa kaniya bilang pagsagot. “Maybe we should
ROUGJAN AISLINN ALLEJO I woke up because of Lantis’ voice knocking on the door. Mukhang medyo napahaba ang naitulog ko dahil pagtingin ko sa wall clock ay alas otso na. “Lalabas na.” Huminto naman na siya sa pagkatok kaya bumangon na ako saka nag-ayos ng sarili bago lumabas. Pagtingin ko sa kusina ay nakahanda na ang pagkain. Nakita kong nakasuot pa ng apron si Lantis habang naghuhugas ng kamay niya sa lababo. “Nag-abala ka pa talaga…” saad ko nang makaupo ako. Nagluto siya ng kare-kare. Tinanggal niya ang apron saka sinaluhan ako sa mesa. “Of course, my pleasure.” Natawa siya. “Ako na ang kukuha,” kaagad na sabi ko nang akma niyang kukunin ang plato ko para lagyan ng pagkain. Napatango lang siya saka kinuha na lang ang plato niya. “How are you feeling? May masakit ba sa ‘yo?” Umiling ako sa kaniya habang kumukuha ng ulam ko. “Pampatulog siguro ang itinurok sa akin kanina. Grabe rin kasi yung antok ko,” tugon ko saka nagsimulang kumain. Nakakuha na rin siya ng pagkain niya pero
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“Sana sinabi mong wala ka palang fridge sa kwarto para sinabay ka naming kumain. Would you like me to cook?” tanong ni Aillard nang pumasok siya sa loob. Naabutan niya kasing kumakain si Lantis at nabanggit naman ng lalaking ‘to na wala siyang pagkain sa kwarto niya.“No, thank you. I’m full.” sagot ni Lantis. Dahan-dahan lang na napatango si Aillard saka tumayo sa tabi ko. Huminto na rin si Lantis sa pagnguya ng sandwich saka tumayo at pinagpagan ang sarili. “I’ll go ahead. Thanks for the food.” Bahagya siyang ngumiti nang tumingin sa amin saka naunang naglakad.“Just knock if you want to join us for the food,” saad ni Aillard bago tuluyang makalabas si Lantis.“Tapos na duty mo?” tanong ko sa kaniya nang maupo ako sa couch sa sala.“Yeah, medyo may kaunting gulo lang sa Headquarters. May dalawang Black Knights kaming nakita na nakahandusay na lang sa loob ng office.”“Sino naman ang may gawa?”“Hindi ko alam. Sinabihan kasi kami ni Bronimir na unahin namin yun
ROUGJAN AISLINN ALLEJO I was stunned and my heart was beating fast. The guy was not facing me so I couldn’t see his face. After that kiss, he ran away. Lumihis ng direksiyon si Aendrina kaya naman ‘di ko na kinailangang magtago pa. Nilingon ko pa ang lalaki na unti-unting nawala sa paningin ko. I wasn’t sure if my hunch is true. Was he lying? Napailing na lang ako saka nag-isip ng ibang bagay saka tumakbo hanggang makarating ako sa Serpent Blood Camp. Nagpalit kaagad ako ng buhok saka inayos ang buhok ko bago lumabas ng room na iyon at sumakay ng elevator para bumalik sa dorm namin. “Rouge,” ani Alec nang pagbuksan niya ako ng pinto. “Nakita mo si Aillard?” Umiling ako. “Hindi ko alam kung nasaan siya, wala sa headquarters nila.” “Nasaan naman kaya siya?” Nagkibit balikat lang ako saka kami naupo sa couch matapos isara ang pinto. Maybe he’s still reporting the incident to Bronimir. “Magbibihis muna ako,” paalam ko sa kaniya saka pumasok sa kwarto namin. I immediately called Blac