Share

CHAPTER III

Author: itisarchaeous
last update Huling Na-update: 2022-04-01 16:39:37

ROUGJAN AISLINN ALLEJO

“You’ll die.” Natigilan ang mga Black Knight saka lumingon sa likuran nila. “Alis,” ma-awtoridad na sabi ng lalaki sa mga Black Knights bago ang mga ito nagsi-takbo.

"Duke," banggit ko sa lalaking nasa likuran paglingon ko. "Thank you."

"Are you okay?” Hahawakan niya sana ang braso ko pero kaagad akong umiwas. "You should take some rest," saad niya bago naglakad upang lagpasan ako.

Napabuntong hininga ako bago tuluyang napa-upo sa damuhan. Kanina pa nanghihina ang mga paa ko, at idagdag pa yung dalawang lalaki kanina.

"Rouge!" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko si Aillard na patakbong lumapit sa akin.

"What happened? Ayos ka lang?" Tumango ako saka pinilit ang sarili kong makatayo. "Oh," aniya saka kaagad na inalalayan ang kamay ko dahil muntikan akong ma-out of balance.

"Salamat," saad ko saka inalis ang kamay ko sa kaniya.

"You look pale. Kaya mo pang maglakad?" Nababakas ko sa boses niya ang pag-aalala.

"Maputla lang. Kaya kong maglakad," sagot ko.

"Samahan muna kita sa dorm."

"Okay lang ako, bumalik ka na. Papasok ako sa next subject."

"Nagugutom din ako," aniya pa kaya tumango na lang ako saka sabay kaming naglakad papunta sa blood camp. Siguradong hindi siya magpapaawat.

Pagdating namin sa Blood Camp ay kaagad akong sumalampak sa couch para ipahinga ang sarili ko.

"Kumain ka." Saglit kong idinilat ang mata ko, kumakain siya ngayon sa lamesa.

"Busog pa ako," sagot ko saka ipinikit muli ang mata.

"Kahit kaunti lang." Hindi na ako sumagot kaya tumahimik na siya hanggang sa dalawin na ako ng antok.

"Gising na." Iminulat ko ang mata ko nang maramdaman si Aillard na bahagyang tinapik ang balikat ko.

Nakatulog na pala ako sa couch. Pagtingin ko sa cellphone ay 2:50 na, sampung minuto na lang at magsisimula na ang next subject.

"Magpalit ka na ng damit mo, baka ma-late tayo sa next class."

"Mhm," tugon ko saka tumayo saka pumasok sa k'warto namin para magshower saglit at magpalit na rin ng uniform. "Tara na," saad ko paglabas ng k'warto. "Kilala mo ba yung tinatawag nilang Duke?"

Napaisip siya. "Ryker yata, hindi ko maalala yung surname. Bakit?"

"Wala, narinig ko lang kanina," tugon ko. Hindi ko na binanggit ang nangyari kanina dahil sigurado lang akong mag-aalala sila.

Pagpasok ko sa next subject ko ay kasama ko si Alec. Kinumusta niya pa ako kaya sinabi kong ayos lang. Mabilis lumipas ang oras hanggang sa matapos ang klase namin kay Ms. Alcaraz, ang professor namin sa Filipino. English na ang susunod kong klase kasama si Aillard.

"Ayos lang pakiramdam mo?" Tumango lang ako sa itinanong ni Aillard saka naupo sa tabi niya.

Matapos ang naging klase namin ni Aillard kay Ms. Adeline ay sabay na kaming bumaba mula sa fourth floor. Sa ground floor ay naabutan namin sina Dieosh, kami na lang palang dalawa ang nahuli.

"Tara na," saad ni Dieosh saka naunang naglakad pero natigilan kaming lahat nang tila lumiwanag ang Veil Tower.

"Ano ‘yan?" bulong ni Alec na ngayon ay nakahawak ulit sa braso ko kagaya ng nakasanayan. May mga hologram na lumabas mula sa itaas ng tower.

"Student's General Ranking," pagbabasa ko sa mga salitang nakabold ang font.

Isa iyong hologram kung saan nakalista ang napakaraming pangalan ngunit kapansin-pansin ang sampung naunang mga pangalan ay kulay gold ang font kumpara sa karaniwang itim.

"Yan siguro yung ranking sa sinasabi nila."

"Nasaan yung atin?" tanong ulit ni Louise.

Sinuri kong mabuti ang buong image na ipinapakita ng hologram at sa bandang dulo ng listahan ay nakita ko ang mga pangalan naming anim. May isang pulang linya ang humahati sa limang pangalan na nasa pinakadulo.

"5358, iyon yung ranking ni Louise, sumunod si Aillard, Rouge, ako, at Dieosh," saad ni Alec.

"Ilan ang total number of students?" tanong ni Louise.

"5370," tugon ko.

"Teka, nasa'n na yung ibang students?" Paglingon namin sa paligid ay iilang students na lang ang nasa paligid namin at ang ilan sa kanila ay nakatingin pa sa amin.

"Sh*t. Las Noches de Matanza," ani Aillard kaya naman nagmadali kaming tumakbo patungo sa blood camp ngunit natigilan kami nang makita namin ang isang lalaking nakatayo sa harap ng hagdanan, si Rezon.

"Who's Dieosh Cua?" tanong niya saka tumingin sa akin.

"Ako," sagot ni Dieosh na binalingan ng tingin ni Rezon.

"You are the representative," saad ni Rezon na ikinagulat naming lahat.

"Bakit siya?" tanong ko.

"Bakit hindi siya?" sarkastiko nitong sagot kaya napakuyom ako sa kamao ko. Namumuro na sa'kin ang lalaking 'to. "Kung gusto niyong malaman ang resulta ng botohan, sumunod kayo." Muli niya akong tinapunan ng tingin saka naglakad patungo sa likuran ng building.

Sa likuran ng building ay makikita ang isang pinto, kagaya ng sa Cafeteria. Tahimik sa loob at walang tao. May isang malaking bilog na lamesa sa gitna ng silid at may labing tatlong upuan ang nakapalibot doon. Sa gitna ng lamesa ay makikita ang isang maliit na tila kahon at sa palibot no'n ay mga linyang umiilaw sa lamesa na nakatapat sa bawat upuan sa paligid.

Tumayo sa Rezon sa harap ng nag-iisang itim na upuan saka pinindot ang isang bilog na nasa ibabaw ng lamesa kaharap ng itim na upuan.

"Alam kong hindi niyo alam ang bagay na 'to kaya hayaan niyong ipaliwanag ko sa inyong anim ang mga patakaran sa Serpent Blood Camp. Ang nakikita niyo ngayon sa hologram ay mga listahan ng pangalan na kabilang sa Serpents." Kagaya ng hologram na nakita namin sa harap ng Veil tower ay gano'n din ang itsura ng nasa harapan namin ngayon.

"Ang Serpent Blood Camp ay mayroong Blood Council. Binubuo ng labing tatlong miyembro na pinamumunuan ko. Ang nakikita niyong nakapalibot na mga upuan sa lamesang ito ay sumisimbolo sa bawat miyembro ng blood council. Ang bawat isang miyembro ay pipindot sa bawat bilog na nasa harapan nila kung iboboto nilang representative ang napili ng randomizer ng hologram." Iniusog ni Rezon ang upuan saka umupo roon at ipinatong ang isang kamay niya sa lamesa. "10 over 13 ang nakuhang boto."

"Refusing is equal to death." Ngumisi siya saka sumandal sa upuan at bumaling kay Dieosh. "Mr. Cua, are you choosing death?"

"Who told you that I'm refusing?"

Matapos ang naging pag-uusap nina Dieosh at Rezon ay naiwan sila sa Training Camp para maghanda para sa larong sinasabi nila.

"Delikado yung larong iyon," alalang sambit ni Alec habang kumakain kaming apat. Tahimik lang si Louise na nakatingin sa pagkain niya.

"Don't worry, Dieosh can handle himself," saad ni Aillard saka tiningnan si Louise, marahil ay tinitingnan niya ang reaksyon nito.

Makalipas ang ilan pang minuto pagkatapos naming kumain ay siya namang pagtunog ng hudyat. Sumilip kami sa bintana pero hindi rin namin masyadong tanaw ang loob ng Blood Arch dahil medyo malayo ang distansiya no'n sa Blood Camp.

"Pwede ba tayong lumabas?" tanong ni Alec na ikinalingon ko.

"Delikado," sagot ko saka bumalik na lang sa couch, hindi ko rin naman sila makita.

"After 15 minutes bababa ako," saad ni Aillard.

"Bakit? Delikado sa labas," kaagad na tutol ni Alec.

"Kailangan ko lang abangan si Dieosh. Hindi natin alam kung anong nangyayari sa field." Marahang tumango si Alec saka naupo na rin sa tabi ko. Si Louise na lang ang naiwang nanonood sa bintana.

Ilang minuto kaming naghintay nang sumunod na si Aillard sa baba. Pinagdala na namin siya ng kutsilyo dahil siguradong hindi ligtas lumabas.

"Buksan niyo!" rinig kong kalabog mula sa pinto kaya naman patakbong lumapit si Louise para buksan ang pintuan.

"Dieosh! Bakit ang daming dugo?!" Mula sa pintuan ay tanaw ko si Dieosh na puno ng bahid ng dugo mula sa damit niya.

"Ayos ka lang?" kaagad na tanong ko kay Alec. Alam kong madalas siyang nasusuka kapag nakakakita ng dugo. Tumango siya saka lumapit sa kanila kaya sumunod ako.

"Anong nangyari sayo?" tarantang sagot ni Louise kay Dieosh nang makaupo ito sa dining chair.

May ilang galos ang mukha ni Dieosh pero maliit lang iyon, hindi ko lang sigurado kung may tama siya dahil bukod sa may mantsa ng dugo ang uniform niya, may kaunting mga punit ang naroon.

"Okay lang ako," natatawa pang tugon nito saka mabilis na h*****k sa pisngi ni Louise na inis siyang itinulak.

"Uminom kang tubig! Magbihis ka na para makapagpahinga ka," saad nito saka inilapag sa table ang isang basong tubig.

"Kumusta yung laban?" tanong ni Aillard na nakaupo sa harap na upuan habang kaming tatlo ay nakatayo lang sa likuran ni Dieosh.

"Muntikan ng matalo, ang galing lumaban nung Rezon," pagkukwento nito.

"Ano naman 'to?" puna ni Louise nang makita ang isang maliit na pin sa balikat ni Dieosh.

"SCF#09," basa ko sa nakasulat dito.

"Sinama na nila ako bilang Serpent Camp Fighter."

"Ano? Bakit hindi ka tumanggi?!" inis na sabi ni Louise saka mahinang hinila ang buhok ni Dieosh.

"Bawal tumanggi eh, saka magsisimula na raw bukas yung pagbabago ng set up ng bawat Blood Camp. Dati raw kasi ay idinadaan sa botohan ang magiging representative ng Blood Camps, ngayon hindi na. Kailangan na nila ng official na representative."

"Kung gano’n, edi lagi kang lalaban?" tanong ni Alec.

"Sabi ni Rezon hindi naman daw. Since may sampung official fighter yung Serpents, rotation lang bawat gabi."

"Tss. Kumain ka na, inaantok na 'ko," Louise saka tumungo na sa kwarto kaya kaming apat ang natira sa kusina.

"Maligo ka na," saad ko saka sumunod kay Louise habang si Alec ay sumunod na rin.

Kaugnay na kabanata

  • Where Lie Lies   CHAPTER IV

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO"Good morning students, I am Mr. Selca, Social Science professor." Isang lalaki ang pumasok sa loob ng room, mid 30's at may itsura. Panibagong araw sa bagong lugar para sa amin. "Ms. Ocampo announced this morning that the Welcome party will be held tomorrow. Your outfits will be delivered to you tomorrow so be ready." Inilapag niya ang isang libro sa teacher's table saka binuksan ang hologram sa gitna saka nagsimulang magdiscuss.Matapos ang klase namin ni Aillard kay Mr. Selca ay susunod na ang klase namin kay Mr. Vega sa History and Literature pero laging may five minutes na pagitan ang bawat subject namin kaya naman nagsabi ako kay Aillard na magpupunta muna ako ng CR kaya sinabi niya na iihi rin siya kaya sumabay na siya sa akin.Pagpasok ko sa CR ay ako lang yata ang tao dahil tahimik. Pagkatapos kong umihi ay lumabas na rin ako sa cubicle pero natigilan ako nang makita ko si

    Huling Na-update : 2022-04-01
  • Where Lie Lies   CHAPTER V

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO "I am the great lady fang." Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng pagkatok mula sa pinto kaya unti-unting tinanggal niya ang pagkakabaon ng kuko niya sa braso ko. "Subukan mong magsalita tungkol sa akin, luluhod ka mismo sa harapan ko para lang magmakaawa," sambit niya pa bago buksan ang pinto. Napahawak ako sa braso ko kung saan bumaon ang kuko niya, ramdam ko ang pagbigat ng pakiramdam sa banda ro'n. "Are you done?" tanong ni Ryker na kakapasok lang. "What happened here?" "Yung babae ang nagkalat. I'm done, thank you." Lalabas na sana ako nang magsalita siya. "Your name?" "Aislinn," sagot ko nang lingunin siya. "You don't need to clean the cafeteria, Adara is suspended." "Okay," tugon ko bago lumabas. Pagbaba ko ay wala akong naabu

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER VI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO Kinabukasan ay halos ang lahat ay bukambibig ang darating na Welcome party. Nasa room kami ngayon ni Louise sa klase ni Mr. Luther nang tumunog ang bell. "Hindi pa naman tapos ang klase 'di ba?" puna ni Louise. "Good morning students, this is Lady Ariza. I am happy to announce that your suits and gowns are already delivered to your dorms. Tonight, 6 o'clock, we will be having our first ever corporate party. The Black Knights will assist you to the venue, enjoy!" tinig ng isang babae na umalingawngaw mula sa speaker. "Class dismissed. Wala ng next classes," saad ni Mr. Luther bago lumabas ng room. "Sa camp na tayo kakain?" "Ewan," sagot ko habang inaayos ang gamit ko. "Tara na." Pagbaba namin sa ground floor ay naabutan na namin ang tatlo ro'n. "Sa'n tayo kakain?"

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER VII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Let's all hail down to the Supreme Student Council's President, Lord Lantis Riendejas." Natahimik ang lahat nang naglakad ang isang matangkad na lalaki galing sa likuran. He was wearing an elegant white suit. "Hala," sambit ni Louise ng isa-isang lumuhod ang lahat. "Pst, bakit nakatayo ka pa?" Natauhan ako nang bahagyang hilahin ni Alec ang laylayan ng suot ko. Nang ituon ko ang paningin ko sa harapan ay ang mga mata ng lalaking iyon ay nakatingin sa akin kaya naman unti-unti rin akong lumuhod kagaya ng iba. "Levantarse," sambit ng lalaki bago nagsitayuan ang lahat. Bahagyang yumuko ang emcee nang i-abot nito ang microphone kay Ryker. "Good evening, Veil University. Ms. Vanadey Ruimas is already dethroned as the Supreme Student Council's Secretary, and now, let us all welcome the new

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER VIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO "Sh*t. Alec, sinong may gawa nito?" Nang makita ko si Alec ay nakaupo na siya sa sahig habang may isang kutsilyong nakatusok sa tiyan nito. Hindi na nakasagot si Alec kaya naman kaagad siyang binuhat ni Aillard nang pumikit ito. "Dadalhin ka namin sa clinic, tiisin mo muna." Bahagya na kaming nakakaagaw ng atensyon sa paligid pero ilang saglit lang ay may ilan pang students ang unti-unting bumagsak. "Kailangan naming pumunta sa clinic!" inis na sambit ni Louise sa Black Knight pero hindi ito nagpatinag. "Siraulo pala kayo e!" Isang malakas na suntok mula kay Dieosh ang tumama sa isang Black Knight kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Aillard na makalusot. "Doon yung clinic!" turo ni Louise sa kanan. Tumatakbo kaming apat papuntang clinic habang ang ilan rin ay

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER IX

    ALECIUS SANCHEARES P.E class na namin kaya pinapupunta kami ng professor namin sa loob ng Veil Circle. I was currently passing the Blood Arch when I saw someone rushing directly on my side. "Hey, listen..." Hinihingal siyang huminto sa harapan ko. Sa bihis niya ay alam kong miyembro siya ng Black Knights. "Ms. Ocampo is related with—." Natigil siya sa pagsasalita saka bumagsak sa paanan ko. Gulat akong nakita ang isang kutsilyong nakatarak sa leeg ng lalaki. Naramdaman ko na lang ang mga paa kong tumatakbo palayo sa lalaki dahil sa takot. Sino siya?! "Ayos ka lang?" Humahangos akong tumango sa tanong ng isa kong kaklase. "Oo hehe," sagot ko rito habang pilit na iwinawaglit sa isip ko ang nakita kanina. Pa'no ko ‘yon sasabihin sa iba? "Panyo," saad niya saka iniabot ang panyo. Muli sa 'di kalayuan ay natanaw

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER X

    ALECIUS SANCHEARES"Lieutenant General Aldeirro Salcedo, tell your sister to shut her f*cking mouth.""Ha! Napakagaling mo naman yata masyado, Ryker. I am part of this Council kaya may karapatan pa rin akong magsalita, besides, you don't deserve to be respected." Tumayo ito saka naglakad palapit kay Ryker ngunit kaagad siyang pinigilan ni Aldeirro at tila may ibinulong dito.Ang lahat ay napalingon nang tumunog ang elevator. Kaagad nagliwanag ang mukha ko nang makita si Rouge na bahagya pang humahangos."Rouge," saad ko rito at akma sanang tatayo ngunit hinawakan ng isang Black Knight ang balikat ko."I am Rougjan Aislinn Allejo. I'm accepting the power of Supreme Student Council's Secretary. I request you, Empress to get out of this court." Naglakad si Rouge palapit sa akin saka niyakap ako kaya naman lumayo ang Black Knight sa amin.

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER XI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOIlang minuto ang lumipas ay nilamon ako ng pagkabagot mula sa pakikinig sa lesson na itinuturo ng Professor naming si Mr. Vega. Halos nakakatrenta minuto pa lang yata ang pagsasalita niya sa harapan pero wala lang talaga siguro ako sa mood na mag-aral. Isa pa, iniisip ko pa rin ang nangyari sa party. Bakit ako ang pinili nila?"Hindi maikakaila sa ating lahat na dito sa Pilipinas ay wala halos pag-unlad pagdating sa technology at patuloy lang na nag-aadapt sa--" Natigilan si Mr. Vega sa pagtuturo nang tumunog ang bell. Breaktime na. "Bring books next time," pahabol nito nang magsilabasan na ang ilan kong kaklase."Tara na," ani Aillard nang tumayo ito kaya naman kaagad kong niligpit ang gamit ko.Nang makapagligpit ay sabay na kaming lumabas ni Aillard. Pababa na sana kami nang tumunog ang bell pero iba ang interval nito kaysa karaniwan. Nagsimula

    Huling Na-update : 2022-04-02

Pinakabagong kabanata

  • Where Lie Lies   CHAPTER LIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO“What’s happening here?” Napalingon ako sa tabi ko nang makitang lumabas na si Ms. Quihado sa library at napaatras nang makita si Francie na nakahandusay. “Oh my gosh!”“We just did our job, Ms. Librarian,” giit ng isang lalaki saka tumingin sa akin. “Do you know her?” Kaagad akong umiling sa lalaki at pinilit na huwag iwasan ang nanunuring tingin niya. Paghihinalaan niya ako kung magkataon.“Ikaw? Napansin mo ba ang babaeng ‘to sa loob?” tanong ng isa pang lalaki.“No, hindi ko siya nakita, makikita ko naman siya agad kung pumasok siya sa loob. Nakita ko lang siya no’ng lumabas na bago niyo barilin,” pagkukwento ni Ms. Quihado saka lumingon sa akin. “Hindi mo rin siya napansin?”“No. I was busy with my paperworks,” pagsisinunga

  • Where Lie Lies   CHAPTER LII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOPinilit kong tumakbo palayo kahit na sobrang sakit ng likod at braso ko maging ang likuran ng tuhod ko na sinipa ng kasama ni Louise. Natigil lang ako sa pagtakbo nang matanaw si Lantis na nakasuot naman ng pulang jacket at itim na cap. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko saka maingat na hinawakan ang kamay ko.“You fought with them?” kaagad nitong tanong. “Ano pang masakit?”“Wala na,” sagot ko sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kahit na nakasuot siya ng facemask.“I’ll carry you. I know you can’t walk properly.” Nabigla ako nang buhatin niya ako paharap.“Kaya ko pa naman maglakad...” Baba sana ako pero bigla kong naigalaw ang kaliwang braso ko kaya sumakit lalo ‘yon.“Rouge, huwag na makulit,” seryoso siyang tumingin sa akin.Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tumango kaya naglakad na siya. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa akin kaya naman itinago ko ang mukha ko sa bandang balikat niya para hind ko na rin makita ang mukha n

  • Where Lie Lies   CHAPTER LI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOAfter we saw the smoke outside, hindi ako masyadong mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Pagpasok namin ni Alec sa kwarto ay napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang malakas na pagsabog.“Ano ‘yon?” Gulat din si Alec kaya lumabas ulit kami sa kwarto at naabutan si Aillard na nakatayo at nakatunghay na rin sa bintana.“Anong nangyayari?” tanong ko saka lumapit sa kaniya para sumilip din.“Oh my gosh.” Parehas kaming nagulat ni Alec nang matanaw ang Serpent Blood Camp na nasusunog ang ibabang parte.“Nagkakagulo na sila sa labas,” ani Aillard. “Let’s go. Silipin natin sa labas. Magsuot na lang tayo ng mask.” Tumango ako saka umalis para humanap ng mask saka binigyan sila.Nauna si Aillard na lumabas kasunod kami. Pagkatingin namin sa Veil Circle ay nakita namin ang nagkalat na mga students. I can hear some screams.“Sino na naman kaya ang may gawa niyan?” tanong ni Alec.“I don’t know...” sagot ko. Nilingon ako ni Alec kaya napatingin ako sa kaniya.“Ma

  • Where Lie Lies   CHAPTER L

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOI've been avoiding my traumatic past for years, but now it's coming back to haunt me. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makaharap ang isa sa mga lalaking kinamumuhian k. Si Eris Sandiego. Alam kong nakita ko na siya kanina bago pa lang kami pumasok sa loob ng room pero hindi ko siya nakilala kaagad dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang kalimutan ang mga mukha nila. At sana nga lang talaga ay hindi ko na naalala pa ang itsura niya.“Love…” I heard Lantis’ voice trying to talk to me. Nagpatangay na ako sa kaniya kanina palabas sa room na ‘yon, tulala lang ako habang nakatitig sa kawalan. Parang nagsasarado ang mga tenga ko at unti-unting humihina ang pandinig ko. “I’m here.” Naramdaman ko ang mainit na yakap niya.Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa harapan niya habang nakayakap nang mahigpit sa kaniya at nakakapit ang kamay ko sa likuran ng damit niya. I don't know why, but in his arms, I feel secure. This genuine sense of safety seems

  • Where Lie Lies   CHAPTTER XLIX

    AILLARD LLZALDENang makaalis si Rouge kasama ang isang Black Knight na naghatid sa kaniya ay nagbihis lang ako saglit bago lumabas ng dorm papunta sa headquarters dahil nga may urgent matter daw. Pagkarating ko sa office ay kaunti lang ang Black Knights sa loob kaya dumiretso ako sa office ni Bronimir. May mga papeles sa ibabaw ng table niya at isang maliit na sticky note sa ibabaw.‘We’ll capture her and then you will kill her.’Kaagad na napakunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa papel na ‘yon. Kinuha ko iyon saka lumapit sa drawer niya at naghalungkat ng mga gamit. I didn’t saw any strange things except for one thing. Nang kapain ko ang isang coat na nakasabit sa pader ay nalaglag ang isang papel. Nakalukot na pabilog ang papel na iyon kaya dinampot ko saka nabasa ang nakasulat.‘Kill the members of the council’Lalong napakunot ang noo ko nang mabasa ang sulat na ‘yon. Hindi kaya ito yung note na nakita ni Rouge noon kaya siya idiniin sa kaso sa muntikang pagpatay kay Lord

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO Natapos din ang usapan namin kagabi ni Lantis dahil minabuti kong pumasok na sa kwarto matapos tawagan ulit si Alec para kumustahin. Pinili ko na lang din na putulin ang usapan namin dahil sa titig pa lang niya ay nanghihina na akong harapin lalo ang katotohanan sa nararamdaman ko at sa magulong sitwasyong nangyari sa akin. Kinabukasan ay nagising na lang ako nang may kumatok sa pinto, si Alec. Nang makita ko si Alec ay kaagad akong yumakap sa kaniya. “Ayos ka lang? Sinong kasama mo?” tanong ko sa kaniya saka sinuri siya. “I’m fine.” Saglit siyang yumakap sa akin kaya iginiya ko siya sa sala para makaupo siya sa couch. Pumunta naman si Lantis sa pinto para sumilip doon at isinara rin pagkatapos. “Ikaw lang ang pumunta rito mag-isa?” Tumango si Alec sa akin. “Mabuti na nga lang at nawala na yung usok. Ang daming mga nakahandusay sa labas.” Napayuko siya. “Nasaan si Aillard? Wala pa rin siya?” Kaagad akong umiling sa kaniya bilang pagsagot. “Maybe we should

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVII [ADJUSTED]

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO I woke up because of Lantis’ voice knocking on the door. Mukhang medyo napahaba ang naitulog ko dahil pagtingin ko sa wall clock ay alas otso na. “Lalabas na.” Huminto naman na siya sa pagkatok kaya bumangon na ako saka nag-ayos ng sarili bago lumabas. Pagtingin ko sa kusina ay nakahanda na ang pagkain. Nakita kong nakasuot pa ng apron si Lantis habang naghuhugas ng kamay niya sa lababo. “Nag-abala ka pa talaga…” saad ko nang makaupo ako. Nagluto siya ng kare-kare. Tinanggal niya ang apron saka sinaluhan ako sa mesa. “Of course, my pleasure.” Natawa siya. “Ako na ang kukuha,” kaagad na sabi ko nang akma niyang kukunin ang plato ko para lagyan ng pagkain. Napatango lang siya saka kinuha na lang ang plato niya. “How are you feeling? May masakit ba sa ‘yo?” Umiling ako sa kaniya habang kumukuha ng ulam ko. “Pampatulog siguro ang itinurok sa akin kanina. Grabe rin kasi yung antok ko,” tugon ko saka nagsimulang kumain. Nakakuha na rin siya ng pagkain niya pero

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO“Sana sinabi mong wala ka palang fridge sa kwarto para sinabay ka naming kumain. Would you like me to cook?” tanong ni Aillard nang pumasok siya sa loob. Naabutan niya kasing kumakain si Lantis at nabanggit naman ng lalaking ‘to na wala siyang pagkain sa kwarto niya.“No, thank you. I’m full.” sagot ni Lantis. Dahan-dahan lang na napatango si Aillard saka tumayo sa tabi ko. Huminto na rin si Lantis sa pagnguya ng sandwich saka tumayo at pinagpagan ang sarili. “I’ll go ahead. Thanks for the food.” Bahagya siyang ngumiti nang tumingin sa amin saka naunang naglakad.“Just knock if you want to join us for the food,” saad ni Aillard bago tuluyang makalabas si Lantis.“Tapos na duty mo?” tanong ko sa kaniya nang maupo ako sa couch sa sala.“Yeah, medyo may kaunting gulo lang sa Headquarters. May dalawang Black Knights kaming nakita na nakahandusay na lang sa loob ng office.”“Sino naman ang may gawa?”“Hindi ko alam. Sinabihan kasi kami ni Bronimir na unahin namin yun

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO I was stunned and my heart was beating fast. The guy was not facing me so I couldn’t see his face. After that kiss, he ran away. Lumihis ng direksiyon si Aendrina kaya naman ‘di ko na kinailangang magtago pa. Nilingon ko pa ang lalaki na unti-unting nawala sa paningin ko. I wasn’t sure if my hunch is true. Was he lying? Napailing na lang ako saka nag-isip ng ibang bagay saka tumakbo hanggang makarating ako sa Serpent Blood Camp. Nagpalit kaagad ako ng buhok saka inayos ang buhok ko bago lumabas ng room na iyon at sumakay ng elevator para bumalik sa dorm namin. “Rouge,” ani Alec nang pagbuksan niya ako ng pinto. “Nakita mo si Aillard?” Umiling ako. “Hindi ko alam kung nasaan siya, wala sa headquarters nila.” “Nasaan naman kaya siya?” Nagkibit balikat lang ako saka kami naupo sa couch matapos isara ang pinto. Maybe he’s still reporting the incident to Bronimir. “Magbibihis muna ako,” paalam ko sa kaniya saka pumasok sa kwarto namin. I immediately called Blac

DMCA.com Protection Status