Share

CHAPTER IV

Author: itisarchaeous
last update Last Updated: 2022-04-01 16:42:07

ROUGJAN AISLINN ALLEJO

"Good morning students, I am Mr. Selca, Social Science professor." Isang lalaki ang pumasok sa loob ng room, mid 30's at may itsura. Panibagong araw sa bagong lugar para sa amin. "Ms. Ocampo announced this morning that the Welcome party will be held tomorrow. Your outfits will be delivered to you tomorrow so be ready." Inilapag niya ang isang libro sa teacher's table saka binuksan ang hologram sa gitna saka nagsimulang magdiscuss.

Matapos ang klase namin ni Aillard kay Mr. Selca ay susunod na ang klase namin kay Mr. Vega sa History and Literature pero laging may five minutes na pagitan ang bawat subject namin kaya naman nagsabi ako kay Aillard na magpupunta muna ako ng CR kaya sinabi niya na iihi rin siya kaya sumabay na siya sa akin.

Pagpasok ko sa CR ay ako lang yata ang tao dahil tahimik. Pagkatapos kong umihi ay lumabas na rin ako sa cubicle pero natigilan ako nang makita ko si Adara.

"Oh, look who's here." Ngumisi siya saka naglakad palapit sa akin, tiningnan ko lang siya. "Ang tapang mo talaga 'no? Tingnan na lang natin kung hanggang saan 'yang tapang mo," aniya saka biglang hinila ang buhok ko mula sa likuran kaya mariin kong hinawakan ang palapulsuhan niya para pigilan ang pagsabunot niya sa buhok ko ngunit habang humihigpit ang kamay ko sa kamay niya ay humihigpit din ang pagsabunot niya sa kamay ko.

"Tigilan mo 'ko," mariin kong sabi sa kaniya pero napamaang ako nang itutok niya ang isang malamig at matulis na bagay sa leeg ko.

"Who are you to command me?" nakangisi niyang sambit saka inilapit pa ang kutsilyo sa leeg ko. "Naiirita ako sa presensiya mo, alam mo ba 'yon?"

"Nayayamot ako sa pagmumukha mo, alam mo rin ba 'yon?" sagot ko rito saka hinigpitan ang paghawak sa kamay niya.

"Let go," mariin niyang sambit habang ramdam ko ang kutsilyong iginuguhit niya sa leeg ko dahilan para tumayo ang balahibo ko.

"Get off your knife, coward," pang-iinis ko rito saka mabilis na hinawakan ang kamay niyang may hawak na kutsilyo para pigilan sa balak nito.

"Kinakalaban mo talaga ako, huh?" Kahit pigilin ko man ang kamay niya ay sadyang mas malakas siya kumpara sa akin kaya naman nagawa niyang mas laliman ang pagguhit ng kutsilyo mula sa leeg ko kaya naman ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa leeg ko.

"Adara." Pag-angat ko ng tingin ay isang lalaki ang nakatayo sa hindi kalayuan.

"Duke Ryker...” Matalas akong tiningnan ni Adara bago inalis ang kamay niya sa pagsabunot sa akin at ang kutsilyo niyang unti-unti nang ibinabaon niya kanina lang.

"Follow me," utos nito.

Sumunod si Adara kay Ryker kaya naman humakbang ako para sumunod.

Habang naglalakad kami sa isang bahagi ng gubat ay pilit kong inaalala kung saan kami papunta. Medyo malayo ang nilakad namin bago kami makarating sa harap ng isang building na may dalawang palapag.

Pagpasok nila sa loob ng pinto ay kaagad akong nagmadaling sumunod habang unti-unting sumisibol ang kaba sa dibdib ko. Isang babae ang naka-upo sa nag-iisang table sa loob ng silid at napamaang pa siya nang makita ako. Dumiretso sila sa second-floor kaya naman umakyat din ako.

Mayroong tatlong lamesa sa loob ng silid, ang sa kanan ay kay Ryker habang ang nasa gitna at kaliwa ay bakante.

"What happened?" Ibinaling ni Ryker ang tingin niya sa akin.

"Duke, siya yung nagsimula nito," litanya ni Adara ngunit tiningnan lang siya ni Ryker.

"Miss, explain to me."

"Hinarang niya ‘ko nang magkita kami sa banyo."

"Liar! Ikaw ang nauna doon pa lang sa Cafeteria kahapon kaya nga pinarusahan kita." Tinapunan ko lang si Adara ng tingin.

"Ops." Napatingin ako sa pinto nang pumasok ang isang babaeng nakabraid ang buhok. Dumiretso siya sa kaliwang bakanteng upuan.

"What punishment suits to you?" diretsong tanong ng ni Ryker kay Adara matapos ilapag ang folder sa lamesa.

"C-Cleaning the Cafeteria," nandidiring saad nito. Ang arte.

"You think so?"

"Y-Yes," sagot ni Adara saka yumuko.

"You are suspended for one week." Kaagad na napaangat ang tingin ni Adara kay Ryker.

"Duke, I don't deserve this," pagmamakaawa niya.

"Think before you act," saad ni Ryker saka tumingin sa babaeng pumasok kanina. "Vanadey, give me the reports." Tumingin sa akin ang babaeng nakabraid saka ngumisi kaya bigla akong kinabahan, para siyang demonyo.

"Come here, ito ang gagawin mo." Iminuwestra niya ang kinauupuan niya kanina kaya tiningnan ko siya bago alanganing lumapit doon.

"Papaupuin mo siya r'yan?!" Bigla akong napatingin kay Vanadey dahil napalakas ang boses niya.

"Can you just shut up?" inis na sambit ni Ryker bago ibalik ang atensyon sa akin. "Take your seat, don't mind her."

Pagkaupo ko sa swivel chair niya ay ini-usog ko na kaagad ang upuan palayo sa kaniya kaya naman bahagya siyang natawa saka lumayo rin. Binuklat niya ang isang folder saka kinuha ang folder na nasa kanang bahagi ng table ng lalaki kanina. "Ayusin mo lang yung mga files up to latest date."

"Ano pa?" tanong ko rito saka kinuha ang papel na iniabot niya.

"You can go back to your class after that," nakangiti niyang saad bago naglakad palayo sa akin at umupo sa couch.

"Tss. Lakas ng loob kalabanin si Adara, akala mo may ibubuga," sambit ni Vanadey na mukhang pilit ipinaparinig ang sinasabi niya sa akin.

"Ang lakas ng loob magsalita, takot nga magsalita sa harap ko," saad ko pabalik. Narinig ko ang pagtawa ni Ryker habang si Vanadey ay masama ang tinging ipinukol sa akin saka tumayo at naglakad palabas.

"Pikon," natatawang saad ni Ryker. "Sa baba muna ako, you look like uncomfortable," saad niya bago lumabas. Mabuti naman at naisipan niya dahil hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniyang lumabas siya.

"Veil University, March Monthly Expenses," pagbabasa ko sa nakasulat sa unahan ng papel. Iniusog ko ang upuan palapit sa table saka sinimulan ang pag-aayos ng mga papel, sa tingin ko ay matatapos ko 'to after 30 minutes dahil medyo makapal ang mga papel.

Ilang sandali ay bumukas ang pinto, si Vanadey ang pumasok. Masama ang tingin niya sa akin saka lumapit sa harapan ng table na kinauupuan ko.

"Gawin mo." Pabagsak niyang inilagay ang isang bunton ng mga papel dahilan para hanginin ang ilang papel sa sahig.

"Damputin mo," sambit ko rito nang tingnan ko siya.

"Sino ka ba?" nakangising niyang saad.

"Oh, sorry, secretary ka nga pala?" tanong ko rito saka iniusog ang bunton ng papel na inilagay niya sa table hanggang sa magkalat iyon sa sahig. "Trabaho mo 'yan, 'di ba?" Ngumisi ako bago tumayo at talikuran siya.

"You don't know me." Napatigil ako nang hilahin niya ang braso ko. Sa peripheral view ay kita ko ang nanggagalaiti niyang itsura kaya bahagya akong tumawa.

"Wala akong interes sa pagkatao mo," seryoso kong sambit dito.

"Oh, let me introduce myself." Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang matalim na bagay na nakatutok sa leeg ko, doon din ang sugat na idinulot ni Adara sa akin kanina. "Tatapusin ko ang bagay na hindi nagawa ng babaeng yon." Pilit kong inilayo ang kamay niya sa leeg ko ngunit unti-unting nanghihina ang katawan ko sa hindi ko malamang dahilan. "I am the great lady fang."

Related chapters

  • Where Lie Lies   CHAPTER V

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO "I am the great lady fang." Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng pagkatok mula sa pinto kaya unti-unting tinanggal niya ang pagkakabaon ng kuko niya sa braso ko. "Subukan mong magsalita tungkol sa akin, luluhod ka mismo sa harapan ko para lang magmakaawa," sambit niya pa bago buksan ang pinto. Napahawak ako sa braso ko kung saan bumaon ang kuko niya, ramdam ko ang pagbigat ng pakiramdam sa banda ro'n. "Are you done?" tanong ni Ryker na kakapasok lang. "What happened here?" "Yung babae ang nagkalat. I'm done, thank you." Lalabas na sana ako nang magsalita siya. "Your name?" "Aislinn," sagot ko nang lingunin siya. "You don't need to clean the cafeteria, Adara is suspended." "Okay," tugon ko bago lumabas. Pagbaba ko ay wala akong naabu

    Last Updated : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER VI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO Kinabukasan ay halos ang lahat ay bukambibig ang darating na Welcome party. Nasa room kami ngayon ni Louise sa klase ni Mr. Luther nang tumunog ang bell. "Hindi pa naman tapos ang klase 'di ba?" puna ni Louise. "Good morning students, this is Lady Ariza. I am happy to announce that your suits and gowns are already delivered to your dorms. Tonight, 6 o'clock, we will be having our first ever corporate party. The Black Knights will assist you to the venue, enjoy!" tinig ng isang babae na umalingawngaw mula sa speaker. "Class dismissed. Wala ng next classes," saad ni Mr. Luther bago lumabas ng room. "Sa camp na tayo kakain?" "Ewan," sagot ko habang inaayos ang gamit ko. "Tara na." Pagbaba namin sa ground floor ay naabutan na namin ang tatlo ro'n. "Sa'n tayo kakain?"

    Last Updated : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER VII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Let's all hail down to the Supreme Student Council's President, Lord Lantis Riendejas." Natahimik ang lahat nang naglakad ang isang matangkad na lalaki galing sa likuran. He was wearing an elegant white suit. "Hala," sambit ni Louise ng isa-isang lumuhod ang lahat. "Pst, bakit nakatayo ka pa?" Natauhan ako nang bahagyang hilahin ni Alec ang laylayan ng suot ko. Nang ituon ko ang paningin ko sa harapan ay ang mga mata ng lalaking iyon ay nakatingin sa akin kaya naman unti-unti rin akong lumuhod kagaya ng iba. "Levantarse," sambit ng lalaki bago nagsitayuan ang lahat. Bahagyang yumuko ang emcee nang i-abot nito ang microphone kay Ryker. "Good evening, Veil University. Ms. Vanadey Ruimas is already dethroned as the Supreme Student Council's Secretary, and now, let us all welcome the new

    Last Updated : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER VIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO "Sh*t. Alec, sinong may gawa nito?" Nang makita ko si Alec ay nakaupo na siya sa sahig habang may isang kutsilyong nakatusok sa tiyan nito. Hindi na nakasagot si Alec kaya naman kaagad siyang binuhat ni Aillard nang pumikit ito. "Dadalhin ka namin sa clinic, tiisin mo muna." Bahagya na kaming nakakaagaw ng atensyon sa paligid pero ilang saglit lang ay may ilan pang students ang unti-unting bumagsak. "Kailangan naming pumunta sa clinic!" inis na sambit ni Louise sa Black Knight pero hindi ito nagpatinag. "Siraulo pala kayo e!" Isang malakas na suntok mula kay Dieosh ang tumama sa isang Black Knight kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Aillard na makalusot. "Doon yung clinic!" turo ni Louise sa kanan. Tumatakbo kaming apat papuntang clinic habang ang ilan rin ay

    Last Updated : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER IX

    ALECIUS SANCHEARES P.E class na namin kaya pinapupunta kami ng professor namin sa loob ng Veil Circle. I was currently passing the Blood Arch when I saw someone rushing directly on my side. "Hey, listen..." Hinihingal siyang huminto sa harapan ko. Sa bihis niya ay alam kong miyembro siya ng Black Knights. "Ms. Ocampo is related with—." Natigil siya sa pagsasalita saka bumagsak sa paanan ko. Gulat akong nakita ang isang kutsilyong nakatarak sa leeg ng lalaki. Naramdaman ko na lang ang mga paa kong tumatakbo palayo sa lalaki dahil sa takot. Sino siya?! "Ayos ka lang?" Humahangos akong tumango sa tanong ng isa kong kaklase. "Oo hehe," sagot ko rito habang pilit na iwinawaglit sa isip ko ang nakita kanina. Pa'no ko ‘yon sasabihin sa iba? "Panyo," saad niya saka iniabot ang panyo. Muli sa 'di kalayuan ay natanaw

    Last Updated : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER X

    ALECIUS SANCHEARES"Lieutenant General Aldeirro Salcedo, tell your sister to shut her f*cking mouth.""Ha! Napakagaling mo naman yata masyado, Ryker. I am part of this Council kaya may karapatan pa rin akong magsalita, besides, you don't deserve to be respected." Tumayo ito saka naglakad palapit kay Ryker ngunit kaagad siyang pinigilan ni Aldeirro at tila may ibinulong dito.Ang lahat ay napalingon nang tumunog ang elevator. Kaagad nagliwanag ang mukha ko nang makita si Rouge na bahagya pang humahangos."Rouge," saad ko rito at akma sanang tatayo ngunit hinawakan ng isang Black Knight ang balikat ko."I am Rougjan Aislinn Allejo. I'm accepting the power of Supreme Student Council's Secretary. I request you, Empress to get out of this court." Naglakad si Rouge palapit sa akin saka niyakap ako kaya naman lumayo ang Black Knight sa amin.

    Last Updated : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER XI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOIlang minuto ang lumipas ay nilamon ako ng pagkabagot mula sa pakikinig sa lesson na itinuturo ng Professor naming si Mr. Vega. Halos nakakatrenta minuto pa lang yata ang pagsasalita niya sa harapan pero wala lang talaga siguro ako sa mood na mag-aral. Isa pa, iniisip ko pa rin ang nangyari sa party. Bakit ako ang pinili nila?"Hindi maikakaila sa ating lahat na dito sa Pilipinas ay wala halos pag-unlad pagdating sa technology at patuloy lang na nag-aadapt sa--" Natigilan si Mr. Vega sa pagtuturo nang tumunog ang bell. Breaktime na. "Bring books next time," pahabol nito nang magsilabasan na ang ilan kong kaklase."Tara na," ani Aillard nang tumayo ito kaya naman kaagad kong niligpit ang gamit ko.Nang makapagligpit ay sabay na kaming lumabas ni Aillard. Pababa na sana kami nang tumunog ang bell pero iba ang interval nito kaysa karaniwan. Nagsimula

    Last Updated : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER XII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOKinabukasan ay maaga akong bumangon dahil sa alarm sa phone ko, mabuti na lang at hindi pa rin low battery. Nauna na akong maligo at magbihis dahil nakalimutan kong banggitin sa kanila kagabi na kailangang maaga akong pumasok."Dieosh, aalis na 'ko," paalam ko kay Dieosh na saktong kalalabas lang ng kwarto."Maaga pa ah?" tanong ni Dieosh."Pinapapunta ako ng office. Sa cafeteria na lang ako kukuha ng pagkain. Pakisabi na lang sa kanila.""Okay, ingat ka." Bahagya lang akong tumango saka lumabas.Tahimik at walang tao sa labas maliban na lang sa ilang Black Knights na nag-iikot, nang mapunta ang atensiyon nila sa akin ay kaagad silang lumapit sa akin kaya naman natigilan ako."It's too early. Saan ka pupunta?" tanong ng isang lalaking nakasuot ng uniform ng Black Knight, nasa likuran niya ang dalawa

    Last Updated : 2022-04-02

Latest chapter

  • Where Lie Lies   CHAPTER LIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO“What’s happening here?” Napalingon ako sa tabi ko nang makitang lumabas na si Ms. Quihado sa library at napaatras nang makita si Francie na nakahandusay. “Oh my gosh!”“We just did our job, Ms. Librarian,” giit ng isang lalaki saka tumingin sa akin. “Do you know her?” Kaagad akong umiling sa lalaki at pinilit na huwag iwasan ang nanunuring tingin niya. Paghihinalaan niya ako kung magkataon.“Ikaw? Napansin mo ba ang babaeng ‘to sa loob?” tanong ng isa pang lalaki.“No, hindi ko siya nakita, makikita ko naman siya agad kung pumasok siya sa loob. Nakita ko lang siya no’ng lumabas na bago niyo barilin,” pagkukwento ni Ms. Quihado saka lumingon sa akin. “Hindi mo rin siya napansin?”“No. I was busy with my paperworks,” pagsisinunga

  • Where Lie Lies   CHAPTER LII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOPinilit kong tumakbo palayo kahit na sobrang sakit ng likod at braso ko maging ang likuran ng tuhod ko na sinipa ng kasama ni Louise. Natigil lang ako sa pagtakbo nang matanaw si Lantis na nakasuot naman ng pulang jacket at itim na cap. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko saka maingat na hinawakan ang kamay ko.“You fought with them?” kaagad nitong tanong. “Ano pang masakit?”“Wala na,” sagot ko sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kahit na nakasuot siya ng facemask.“I’ll carry you. I know you can’t walk properly.” Nabigla ako nang buhatin niya ako paharap.“Kaya ko pa naman maglakad...” Baba sana ako pero bigla kong naigalaw ang kaliwang braso ko kaya sumakit lalo ‘yon.“Rouge, huwag na makulit,” seryoso siyang tumingin sa akin.Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tumango kaya naglakad na siya. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa akin kaya naman itinago ko ang mukha ko sa bandang balikat niya para hind ko na rin makita ang mukha n

  • Where Lie Lies   CHAPTER LI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOAfter we saw the smoke outside, hindi ako masyadong mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Pagpasok namin ni Alec sa kwarto ay napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang malakas na pagsabog.“Ano ‘yon?” Gulat din si Alec kaya lumabas ulit kami sa kwarto at naabutan si Aillard na nakatayo at nakatunghay na rin sa bintana.“Anong nangyayari?” tanong ko saka lumapit sa kaniya para sumilip din.“Oh my gosh.” Parehas kaming nagulat ni Alec nang matanaw ang Serpent Blood Camp na nasusunog ang ibabang parte.“Nagkakagulo na sila sa labas,” ani Aillard. “Let’s go. Silipin natin sa labas. Magsuot na lang tayo ng mask.” Tumango ako saka umalis para humanap ng mask saka binigyan sila.Nauna si Aillard na lumabas kasunod kami. Pagkatingin namin sa Veil Circle ay nakita namin ang nagkalat na mga students. I can hear some screams.“Sino na naman kaya ang may gawa niyan?” tanong ni Alec.“I don’t know...” sagot ko. Nilingon ako ni Alec kaya napatingin ako sa kaniya.“Ma

  • Where Lie Lies   CHAPTER L

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOI've been avoiding my traumatic past for years, but now it's coming back to haunt me. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makaharap ang isa sa mga lalaking kinamumuhian k. Si Eris Sandiego. Alam kong nakita ko na siya kanina bago pa lang kami pumasok sa loob ng room pero hindi ko siya nakilala kaagad dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang kalimutan ang mga mukha nila. At sana nga lang talaga ay hindi ko na naalala pa ang itsura niya.“Love…” I heard Lantis’ voice trying to talk to me. Nagpatangay na ako sa kaniya kanina palabas sa room na ‘yon, tulala lang ako habang nakatitig sa kawalan. Parang nagsasarado ang mga tenga ko at unti-unting humihina ang pandinig ko. “I’m here.” Naramdaman ko ang mainit na yakap niya.Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa harapan niya habang nakayakap nang mahigpit sa kaniya at nakakapit ang kamay ko sa likuran ng damit niya. I don't know why, but in his arms, I feel secure. This genuine sense of safety seems

  • Where Lie Lies   CHAPTTER XLIX

    AILLARD LLZALDENang makaalis si Rouge kasama ang isang Black Knight na naghatid sa kaniya ay nagbihis lang ako saglit bago lumabas ng dorm papunta sa headquarters dahil nga may urgent matter daw. Pagkarating ko sa office ay kaunti lang ang Black Knights sa loob kaya dumiretso ako sa office ni Bronimir. May mga papeles sa ibabaw ng table niya at isang maliit na sticky note sa ibabaw.‘We’ll capture her and then you will kill her.’Kaagad na napakunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa papel na ‘yon. Kinuha ko iyon saka lumapit sa drawer niya at naghalungkat ng mga gamit. I didn’t saw any strange things except for one thing. Nang kapain ko ang isang coat na nakasabit sa pader ay nalaglag ang isang papel. Nakalukot na pabilog ang papel na iyon kaya dinampot ko saka nabasa ang nakasulat.‘Kill the members of the council’Lalong napakunot ang noo ko nang mabasa ang sulat na ‘yon. Hindi kaya ito yung note na nakita ni Rouge noon kaya siya idiniin sa kaso sa muntikang pagpatay kay Lord

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO Natapos din ang usapan namin kagabi ni Lantis dahil minabuti kong pumasok na sa kwarto matapos tawagan ulit si Alec para kumustahin. Pinili ko na lang din na putulin ang usapan namin dahil sa titig pa lang niya ay nanghihina na akong harapin lalo ang katotohanan sa nararamdaman ko at sa magulong sitwasyong nangyari sa akin. Kinabukasan ay nagising na lang ako nang may kumatok sa pinto, si Alec. Nang makita ko si Alec ay kaagad akong yumakap sa kaniya. “Ayos ka lang? Sinong kasama mo?” tanong ko sa kaniya saka sinuri siya. “I’m fine.” Saglit siyang yumakap sa akin kaya iginiya ko siya sa sala para makaupo siya sa couch. Pumunta naman si Lantis sa pinto para sumilip doon at isinara rin pagkatapos. “Ikaw lang ang pumunta rito mag-isa?” Tumango si Alec sa akin. “Mabuti na nga lang at nawala na yung usok. Ang daming mga nakahandusay sa labas.” Napayuko siya. “Nasaan si Aillard? Wala pa rin siya?” Kaagad akong umiling sa kaniya bilang pagsagot. “Maybe we should

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVII [ADJUSTED]

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO I woke up because of Lantis’ voice knocking on the door. Mukhang medyo napahaba ang naitulog ko dahil pagtingin ko sa wall clock ay alas otso na. “Lalabas na.” Huminto naman na siya sa pagkatok kaya bumangon na ako saka nag-ayos ng sarili bago lumabas. Pagtingin ko sa kusina ay nakahanda na ang pagkain. Nakita kong nakasuot pa ng apron si Lantis habang naghuhugas ng kamay niya sa lababo. “Nag-abala ka pa talaga…” saad ko nang makaupo ako. Nagluto siya ng kare-kare. Tinanggal niya ang apron saka sinaluhan ako sa mesa. “Of course, my pleasure.” Natawa siya. “Ako na ang kukuha,” kaagad na sabi ko nang akma niyang kukunin ang plato ko para lagyan ng pagkain. Napatango lang siya saka kinuha na lang ang plato niya. “How are you feeling? May masakit ba sa ‘yo?” Umiling ako sa kaniya habang kumukuha ng ulam ko. “Pampatulog siguro ang itinurok sa akin kanina. Grabe rin kasi yung antok ko,” tugon ko saka nagsimulang kumain. Nakakuha na rin siya ng pagkain niya pero

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO“Sana sinabi mong wala ka palang fridge sa kwarto para sinabay ka naming kumain. Would you like me to cook?” tanong ni Aillard nang pumasok siya sa loob. Naabutan niya kasing kumakain si Lantis at nabanggit naman ng lalaking ‘to na wala siyang pagkain sa kwarto niya.“No, thank you. I’m full.” sagot ni Lantis. Dahan-dahan lang na napatango si Aillard saka tumayo sa tabi ko. Huminto na rin si Lantis sa pagnguya ng sandwich saka tumayo at pinagpagan ang sarili. “I’ll go ahead. Thanks for the food.” Bahagya siyang ngumiti nang tumingin sa amin saka naunang naglakad.“Just knock if you want to join us for the food,” saad ni Aillard bago tuluyang makalabas si Lantis.“Tapos na duty mo?” tanong ko sa kaniya nang maupo ako sa couch sa sala.“Yeah, medyo may kaunting gulo lang sa Headquarters. May dalawang Black Knights kaming nakita na nakahandusay na lang sa loob ng office.”“Sino naman ang may gawa?”“Hindi ko alam. Sinabihan kasi kami ni Bronimir na unahin namin yun

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO I was stunned and my heart was beating fast. The guy was not facing me so I couldn’t see his face. After that kiss, he ran away. Lumihis ng direksiyon si Aendrina kaya naman ‘di ko na kinailangang magtago pa. Nilingon ko pa ang lalaki na unti-unting nawala sa paningin ko. I wasn’t sure if my hunch is true. Was he lying? Napailing na lang ako saka nag-isip ng ibang bagay saka tumakbo hanggang makarating ako sa Serpent Blood Camp. Nagpalit kaagad ako ng buhok saka inayos ang buhok ko bago lumabas ng room na iyon at sumakay ng elevator para bumalik sa dorm namin. “Rouge,” ani Alec nang pagbuksan niya ako ng pinto. “Nakita mo si Aillard?” Umiling ako. “Hindi ko alam kung nasaan siya, wala sa headquarters nila.” “Nasaan naman kaya siya?” Nagkibit balikat lang ako saka kami naupo sa couch matapos isara ang pinto. Maybe he’s still reporting the incident to Bronimir. “Magbibihis muna ako,” paalam ko sa kaniya saka pumasok sa kwarto namin. I immediately called Blac

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status