ALECIUS SANCHEARES
"Lieutenant General Aldeirro Salcedo, tell your sister to shut her f*cking mouth."
"Ha! Napakagaling mo naman yata masyado, Ryker. I am part of this Council kaya may karapatan pa rin akong magsalita, besides, you don't deserve to be respected." Tumayo ito saka naglakad palapit kay Ryker ngunit kaagad siyang pinigilan ni Aldeirro at tila may ibinulong dito.
Ang lahat ay napalingon nang tumunog ang elevator. Kaagad nagliwanag ang mukha ko nang makita si Rouge na bahagya pang humahangos.
"Rouge," saad ko rito at akma sanang tatayo ngunit hinawakan ng isang Black Knight ang balikat ko.
"I am Rougjan Aislinn Allejo. I'm accepting the power of Supreme Student Council's Secretary. I request you, Empress to get out of this court." Naglakad si Rouge palapit sa akin saka niyakap ako kaya naman lumayo ang Black Knight sa amin.
<
ROUGJAN AISLINN ALLEJOIlang minuto ang lumipas ay nilamon ako ng pagkabagot mula sa pakikinig sa lesson na itinuturo ng Professor naming si Mr. Vega. Halos nakakatrenta minuto pa lang yata ang pagsasalita niya sa harapan pero wala lang talaga siguro ako sa mood na mag-aral. Isa pa, iniisip ko pa rin ang nangyari sa party. Bakit ako ang pinili nila?"Hindi maikakaila sa ating lahat na dito sa Pilipinas ay wala halos pag-unlad pagdating sa technology at patuloy lang na nag-aadapt sa--" Natigilan si Mr. Vega sa pagtuturo nang tumunog ang bell. Breaktime na. "Bring books next time," pahabol nito nang magsilabasan na ang ilan kong kaklase."Tara na," ani Aillard nang tumayo ito kaya naman kaagad kong niligpit ang gamit ko.Nang makapagligpit ay sabay na kaming lumabas ni Aillard. Pababa na sana kami nang tumunog ang bell pero iba ang interval nito kaysa karaniwan. Nagsimula
ROUGJAN AISLINN ALLEJOKinabukasan ay maaga akong bumangon dahil sa alarm sa phone ko, mabuti na lang at hindi pa rin low battery. Nauna na akong maligo at magbihis dahil nakalimutan kong banggitin sa kanila kagabi na kailangang maaga akong pumasok."Dieosh, aalis na 'ko," paalam ko kay Dieosh na saktong kalalabas lang ng kwarto."Maaga pa ah?" tanong ni Dieosh."Pinapapunta ako ng office. Sa cafeteria na lang ako kukuha ng pagkain. Pakisabi na lang sa kanila.""Okay, ingat ka." Bahagya lang akong tumango saka lumabas.Tahimik at walang tao sa labas maliban na lang sa ilang Black Knights na nag-iikot, nang mapunta ang atensiyon nila sa akin ay kaagad silang lumapit sa akin kaya naman natigilan ako."It's too early. Saan ka pupunta?" tanong ng isang lalaking nakasuot ng uniform ng Black Knight, nasa likuran niya ang dalawa
AILLARD LLZALDE"Good afternoon. I am Ms. Almira. Before we start our discussion, gusto kong iparating sa inyo na simula na ng Battle of the Knight Blood," paliwanag ng professor namin sa Business Management."Miss, ano po 'yan? Bago po ako rito," tanong ng classmate ko na naka-upo sa bandang unahan ko."Ang Battle of the Knight's Blood ay isang pinakamadaling paraan para mailuklok ka sa itaas. Everyone is allowed to join, but you should be brave enough to conquer death. Ang lahat ng miyembro ng Black Knights ay inaasahan sa labas ng Blood Camps para sa isang pagsubok. Ang bawat kalahok ay kinakailangang makuha ang badge ng isang miyembro ng Black Knight para mapabilang siya rito. Kung ano man ang ranggo ng makukuhanan mo ng Black Knight ay mapupunta sa 'yo, you just have to keep it until the sun rise," mahabang paliwanag ni Ms. Almira na humila sa atensyon ko."Hoy, anong iniisip mo
ROUGJAN AISLINN ALLEJOLumipas ang ilang mga araw ay naging busy ako sa office dahil sa bundok-bundok na mga papeles na itinatambak nila sa table ko."I'm buying lunch, what do you like?" tanong ni Ryker nang tumayo ito. Lunch time na."I'm going out with my friends, sorry," sagot ko rito."Oh, we can go together to the cafeteria.""Grab me some coffee, I want it now," utos ni Lord Lantis sa kaniya."Okay, mauna na pala ako sa 'yo, Ms. Allejo." Kaagad siyang lumabas ng office.Matapos kong ayusin ang mga papel sa lamesa ko ay tumayo na rin ako para pumunta ng cafeteria at maglunch kasama sina Alec."Ms. Secretary, dito!" tawag sa akin ni Dieosh na bahagya pang tumatawa, parang timang."Wala si Aillard, nag-iikot daw sila," saad ni Louise."Kain na tayo, nagugu
ROUGJAN AISLINN ALLEJOtrigger warning: sexual harassment“Someone’s getting laid tonight,” bulong ng isang lalaki sa tenga ko na nagpatindig sa buong balahibo ko."Miss sexy, pa'no ka na niyan?" Nakakikilabot na mga pagngisi nila ang nangibabaw sa pandinig ko dahilan para unti-unting manlambot ang tuhod ko.Hindi ko na halos maapuhap kung saan ako kukuha ng hangin dahil sa tindi nang paninikip ng dibdib ko. Pinipilit kong igalaw ang mga kamay ko para pigilin ang mga kamay nilang unti-unting humahaplos sa katawan ko pero hindi ko magawa, mahina ako."T-Tulong," sigaw ko pero tila hangin lang iyon dahil hindi ko na halos marinig ang sarili ko.Sa pangalawang pagkakataon ay unti-unti na naman akong nilalamon ng panghihina at pagkatakot habang unti-unting sumasariwa sa isipan ako ang isang bangungot na
ROUGJAN AISLINN ALLEJONang magkamalay ako ay nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga sa kama, nasa dorm ako. Wala akong ibang naramdaman kung hindi ang panghihina ng buong katawan ko.“Kadiri!” humahagulgol na sigaw ko saka malakas na binato ang unan sa pinto.“Rouge!” Kita ko ang alalang mukha ni Alec nang pumasok ito sa kwarto. Kaagad akong nagtalukbong ng kumot at tumalikod.Hindi ko naramdamang lumubog ang kama kaya alam kong hindi siya naupo sa roon. Rinig ko ang mahinang paghikbi niya kasabay ng pigil ding paghikbi ko.“I’m sorry…we failed to protect you…” Sa pagkakataong iyon ay napamaang ang labi ko. “Rouge, sorry…” Mula kanina ay mas lumakas ang iyak niya. Dahan-dahan kong inangat ang kumot para tingnan siya.Mga apat na hakbang
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“Si Louise nawawala.” Nagitla ako nang marinig ang mga salitang ‘yon kay Aillard.“Bakit? ‘Di ba nasa klase siya? Paanong nawawala?” sunod-sunod kong tanong dahil hindi pa rin makapaniwala.“I don’t know. Nagulat na lang ako nung biglang nakita ko si Dieosh na tumatakbo. Sinubukan kong humingi ng tulong sa mga under sa akin pero walang sumunod,” may bahid na inis sa tono ng boses niya.Malalim akong huminga saka pumasok sa kwarto at nagmamadaling isinuot ang itim na long sleeves bago lumabas ulit.“Saan ka pupunta?” takang tanong ni Alec.“Hanapin niyo si Louise. Pupunta ako sa office,” saad ko pero kita ko ang pagtutol sa tingin nila.“You need to quit, Rouge. Masyadong delikado,” saad ni Alec sa
ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Ms. Allejo, come with me,” utos ni Lord Lantis saka dire-diretsong naglakad kaya napatingin ako kay Ryker, nagtataka. “Uwi ka na pagkatapos, ingat ka,” nakangiting sambit ni Ryker bago pumasok sa office kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Lord Lantis. Hindi ko alam kung mabilis ba siyang maglakad o sadyang malalaki lang talaga ang hakbang niya kung ikukumpara sa akin dahil malayo na ang distansiya naming dalawa. Tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa Veil Graveyard. “What are we doing here?” tanong ko habang pilit na humahabol sa kaniya. “Black Knights were attacked by the Dark Tribe,” saad nito habang patuloy pa rin sa paglalakad. “Hindi ba nandito rin si Gen. Elivarra?” takang tanong ko, bahagyang kinakabahan dahil alam kong nandito rin si Aillard. “Walk faster and shut your mouth,” sambit nito kaya napagitla ako. Hindi na lang ako nagsalita pa saka binilisan ang paglalakad hanggang sa bigla ko siyang mabunggo dahil huminto siya.
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“What’s happening here?” Napalingon ako sa tabi ko nang makitang lumabas na si Ms. Quihado sa library at napaatras nang makita si Francie na nakahandusay. “Oh my gosh!”“We just did our job, Ms. Librarian,” giit ng isang lalaki saka tumingin sa akin. “Do you know her?” Kaagad akong umiling sa lalaki at pinilit na huwag iwasan ang nanunuring tingin niya. Paghihinalaan niya ako kung magkataon.“Ikaw? Napansin mo ba ang babaeng ‘to sa loob?” tanong ng isa pang lalaki.“No, hindi ko siya nakita, makikita ko naman siya agad kung pumasok siya sa loob. Nakita ko lang siya no’ng lumabas na bago niyo barilin,” pagkukwento ni Ms. Quihado saka lumingon sa akin. “Hindi mo rin siya napansin?”“No. I was busy with my paperworks,” pagsisinunga
ROUGJAN AISLINN ALLEJOPinilit kong tumakbo palayo kahit na sobrang sakit ng likod at braso ko maging ang likuran ng tuhod ko na sinipa ng kasama ni Louise. Natigil lang ako sa pagtakbo nang matanaw si Lantis na nakasuot naman ng pulang jacket at itim na cap. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko saka maingat na hinawakan ang kamay ko.“You fought with them?” kaagad nitong tanong. “Ano pang masakit?”“Wala na,” sagot ko sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kahit na nakasuot siya ng facemask.“I’ll carry you. I know you can’t walk properly.” Nabigla ako nang buhatin niya ako paharap.“Kaya ko pa naman maglakad...” Baba sana ako pero bigla kong naigalaw ang kaliwang braso ko kaya sumakit lalo ‘yon.“Rouge, huwag na makulit,” seryoso siyang tumingin sa akin.Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tumango kaya naglakad na siya. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa akin kaya naman itinago ko ang mukha ko sa bandang balikat niya para hind ko na rin makita ang mukha n
ROUGJAN AISLINN ALLEJOAfter we saw the smoke outside, hindi ako masyadong mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Pagpasok namin ni Alec sa kwarto ay napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang malakas na pagsabog.“Ano ‘yon?” Gulat din si Alec kaya lumabas ulit kami sa kwarto at naabutan si Aillard na nakatayo at nakatunghay na rin sa bintana.“Anong nangyayari?” tanong ko saka lumapit sa kaniya para sumilip din.“Oh my gosh.” Parehas kaming nagulat ni Alec nang matanaw ang Serpent Blood Camp na nasusunog ang ibabang parte.“Nagkakagulo na sila sa labas,” ani Aillard. “Let’s go. Silipin natin sa labas. Magsuot na lang tayo ng mask.” Tumango ako saka umalis para humanap ng mask saka binigyan sila.Nauna si Aillard na lumabas kasunod kami. Pagkatingin namin sa Veil Circle ay nakita namin ang nagkalat na mga students. I can hear some screams.“Sino na naman kaya ang may gawa niyan?” tanong ni Alec.“I don’t know...” sagot ko. Nilingon ako ni Alec kaya napatingin ako sa kaniya.“Ma
ROUGJAN AISLINN ALLEJOI've been avoiding my traumatic past for years, but now it's coming back to haunt me. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makaharap ang isa sa mga lalaking kinamumuhian k. Si Eris Sandiego. Alam kong nakita ko na siya kanina bago pa lang kami pumasok sa loob ng room pero hindi ko siya nakilala kaagad dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang kalimutan ang mga mukha nila. At sana nga lang talaga ay hindi ko na naalala pa ang itsura niya.“Love…” I heard Lantis’ voice trying to talk to me. Nagpatangay na ako sa kaniya kanina palabas sa room na ‘yon, tulala lang ako habang nakatitig sa kawalan. Parang nagsasarado ang mga tenga ko at unti-unting humihina ang pandinig ko. “I’m here.” Naramdaman ko ang mainit na yakap niya.Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa harapan niya habang nakayakap nang mahigpit sa kaniya at nakakapit ang kamay ko sa likuran ng damit niya. I don't know why, but in his arms, I feel secure. This genuine sense of safety seems
AILLARD LLZALDENang makaalis si Rouge kasama ang isang Black Knight na naghatid sa kaniya ay nagbihis lang ako saglit bago lumabas ng dorm papunta sa headquarters dahil nga may urgent matter daw. Pagkarating ko sa office ay kaunti lang ang Black Knights sa loob kaya dumiretso ako sa office ni Bronimir. May mga papeles sa ibabaw ng table niya at isang maliit na sticky note sa ibabaw.‘We’ll capture her and then you will kill her.’Kaagad na napakunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa papel na ‘yon. Kinuha ko iyon saka lumapit sa drawer niya at naghalungkat ng mga gamit. I didn’t saw any strange things except for one thing. Nang kapain ko ang isang coat na nakasabit sa pader ay nalaglag ang isang papel. Nakalukot na pabilog ang papel na iyon kaya dinampot ko saka nabasa ang nakasulat.‘Kill the members of the council’Lalong napakunot ang noo ko nang mabasa ang sulat na ‘yon. Hindi kaya ito yung note na nakita ni Rouge noon kaya siya idiniin sa kaso sa muntikang pagpatay kay Lord
ROUGJAN AISLINN ALLEJO Natapos din ang usapan namin kagabi ni Lantis dahil minabuti kong pumasok na sa kwarto matapos tawagan ulit si Alec para kumustahin. Pinili ko na lang din na putulin ang usapan namin dahil sa titig pa lang niya ay nanghihina na akong harapin lalo ang katotohanan sa nararamdaman ko at sa magulong sitwasyong nangyari sa akin. Kinabukasan ay nagising na lang ako nang may kumatok sa pinto, si Alec. Nang makita ko si Alec ay kaagad akong yumakap sa kaniya. “Ayos ka lang? Sinong kasama mo?” tanong ko sa kaniya saka sinuri siya. “I’m fine.” Saglit siyang yumakap sa akin kaya iginiya ko siya sa sala para makaupo siya sa couch. Pumunta naman si Lantis sa pinto para sumilip doon at isinara rin pagkatapos. “Ikaw lang ang pumunta rito mag-isa?” Tumango si Alec sa akin. “Mabuti na nga lang at nawala na yung usok. Ang daming mga nakahandusay sa labas.” Napayuko siya. “Nasaan si Aillard? Wala pa rin siya?” Kaagad akong umiling sa kaniya bilang pagsagot. “Maybe we should
ROUGJAN AISLINN ALLEJO I woke up because of Lantis’ voice knocking on the door. Mukhang medyo napahaba ang naitulog ko dahil pagtingin ko sa wall clock ay alas otso na. “Lalabas na.” Huminto naman na siya sa pagkatok kaya bumangon na ako saka nag-ayos ng sarili bago lumabas. Pagtingin ko sa kusina ay nakahanda na ang pagkain. Nakita kong nakasuot pa ng apron si Lantis habang naghuhugas ng kamay niya sa lababo. “Nag-abala ka pa talaga…” saad ko nang makaupo ako. Nagluto siya ng kare-kare. Tinanggal niya ang apron saka sinaluhan ako sa mesa. “Of course, my pleasure.” Natawa siya. “Ako na ang kukuha,” kaagad na sabi ko nang akma niyang kukunin ang plato ko para lagyan ng pagkain. Napatango lang siya saka kinuha na lang ang plato niya. “How are you feeling? May masakit ba sa ‘yo?” Umiling ako sa kaniya habang kumukuha ng ulam ko. “Pampatulog siguro ang itinurok sa akin kanina. Grabe rin kasi yung antok ko,” tugon ko saka nagsimulang kumain. Nakakuha na rin siya ng pagkain niya pero
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“Sana sinabi mong wala ka palang fridge sa kwarto para sinabay ka naming kumain. Would you like me to cook?” tanong ni Aillard nang pumasok siya sa loob. Naabutan niya kasing kumakain si Lantis at nabanggit naman ng lalaking ‘to na wala siyang pagkain sa kwarto niya.“No, thank you. I’m full.” sagot ni Lantis. Dahan-dahan lang na napatango si Aillard saka tumayo sa tabi ko. Huminto na rin si Lantis sa pagnguya ng sandwich saka tumayo at pinagpagan ang sarili. “I’ll go ahead. Thanks for the food.” Bahagya siyang ngumiti nang tumingin sa amin saka naunang naglakad.“Just knock if you want to join us for the food,” saad ni Aillard bago tuluyang makalabas si Lantis.“Tapos na duty mo?” tanong ko sa kaniya nang maupo ako sa couch sa sala.“Yeah, medyo may kaunting gulo lang sa Headquarters. May dalawang Black Knights kaming nakita na nakahandusay na lang sa loob ng office.”“Sino naman ang may gawa?”“Hindi ko alam. Sinabihan kasi kami ni Bronimir na unahin namin yun
ROUGJAN AISLINN ALLEJO I was stunned and my heart was beating fast. The guy was not facing me so I couldn’t see his face. After that kiss, he ran away. Lumihis ng direksiyon si Aendrina kaya naman ‘di ko na kinailangang magtago pa. Nilingon ko pa ang lalaki na unti-unting nawala sa paningin ko. I wasn’t sure if my hunch is true. Was he lying? Napailing na lang ako saka nag-isip ng ibang bagay saka tumakbo hanggang makarating ako sa Serpent Blood Camp. Nagpalit kaagad ako ng buhok saka inayos ang buhok ko bago lumabas ng room na iyon at sumakay ng elevator para bumalik sa dorm namin. “Rouge,” ani Alec nang pagbuksan niya ako ng pinto. “Nakita mo si Aillard?” Umiling ako. “Hindi ko alam kung nasaan siya, wala sa headquarters nila.” “Nasaan naman kaya siya?” Nagkibit balikat lang ako saka kami naupo sa couch matapos isara ang pinto. Maybe he’s still reporting the incident to Bronimir. “Magbibihis muna ako,” paalam ko sa kaniya saka pumasok sa kwarto namin. I immediately called Blac