ROUGJAN AISLINN ALLEJO
Nang magkamalay ako ay nakita ko na lang ang sarili kong nakahiga sa kama, nasa dorm ako. Wala akong ibang naramdaman kung hindi ang panghihina ng buong katawan ko.
“Kadiri!” humahagulgol na sigaw ko saka malakas na binato ang unan sa pinto.
“Rouge!” Kita ko ang alalang mukha ni Alec nang pumasok ito sa kwarto. Kaagad akong nagtalukbong ng kumot at tumalikod.
Hindi ko naramdamang lumubog ang kama kaya alam kong hindi siya naupo sa roon. Rinig ko ang mahinang paghikbi niya kasabay ng pigil ding paghikbi ko.
“I’m sorry…we failed to protect you…” Sa pagkakataong iyon ay napamaang ang labi ko. “Rouge, sorry…” Mula kanina ay mas lumakas ang iyak niya. Dahan-dahan kong inangat ang kumot para tingnan siya.
Mga apat na hakbang
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“Si Louise nawawala.” Nagitla ako nang marinig ang mga salitang ‘yon kay Aillard.“Bakit? ‘Di ba nasa klase siya? Paanong nawawala?” sunod-sunod kong tanong dahil hindi pa rin makapaniwala.“I don’t know. Nagulat na lang ako nung biglang nakita ko si Dieosh na tumatakbo. Sinubukan kong humingi ng tulong sa mga under sa akin pero walang sumunod,” may bahid na inis sa tono ng boses niya.Malalim akong huminga saka pumasok sa kwarto at nagmamadaling isinuot ang itim na long sleeves bago lumabas ulit.“Saan ka pupunta?” takang tanong ni Alec.“Hanapin niyo si Louise. Pupunta ako sa office,” saad ko pero kita ko ang pagtutol sa tingin nila.“You need to quit, Rouge. Masyadong delikado,” saad ni Alec sa
ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Ms. Allejo, come with me,” utos ni Lord Lantis saka dire-diretsong naglakad kaya napatingin ako kay Ryker, nagtataka. “Uwi ka na pagkatapos, ingat ka,” nakangiting sambit ni Ryker bago pumasok sa office kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Lord Lantis. Hindi ko alam kung mabilis ba siyang maglakad o sadyang malalaki lang talaga ang hakbang niya kung ikukumpara sa akin dahil malayo na ang distansiya naming dalawa. Tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa Veil Graveyard. “What are we doing here?” tanong ko habang pilit na humahabol sa kaniya. “Black Knights were attacked by the Dark Tribe,” saad nito habang patuloy pa rin sa paglalakad. “Hindi ba nandito rin si Gen. Elivarra?” takang tanong ko, bahagyang kinakabahan dahil alam kong nandito rin si Aillard. “Walk faster and shut your mouth,” sambit nito kaya napagitla ako. Hindi na lang ako nagsalita pa saka binilisan ang paglalakad hanggang sa bigla ko siyang mabunggo dahil huminto siya.
ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Damn…” usal ni Aillard saka kami sabay na nagmamadaling lumapit kina Alec at Dieosh na walang malay na nakahandusay sa sahig. “Alec…Alec,” saad ko habang mahinang tinatapik ang pisngi ni Alec, gano’n din ang ginagawa ni Aillard kay Dieosh. “Anong nangyayari? Nasa’n si Louise?” tarantang tanong ko habang pilit pa ring ginigising si Alec. “Bro, wake up!” bahagyang sigaw ni Aillard habang mas lumalakas ang pagtapik niya kay Dieosh. “Hmm.” Napatingin ako kay Alec na unti-unting nagdilat ng mata niya. “Alec! What happened? Ayos ka lang ba?” kaagad na tanong ko. “Rouge…” Iniangat niya ang kamay niya para hawakan ang pisngi ko. “Ayos ka lang?” Marahan siyang tumango saka dahan-dahang bumangon kaya inalalayan ko siyang maupo. “Si Dieosh wala pa ring malay,” ani Aillard saka binuhat si Dieosh para ihiga sa couch. “Anong nangyari dito? Bakit wala kayong malay?” tanong ko. “Si Louise nasaan?” tanong ni Aillard. “Nagp-prepare si Dieosh ng pagkain namin tapos big
ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Are you just going to stand there?” Napalingon ako sa harapan ko nang marinig ang seryosong boses ni Lord Lantis. His both hands are on his pocket. “Ah…” Hindi ako nakasagot sa kaniya dahil lumingon ulit ako sa puno kung saan ko nakita ang babae pero wala na siya ro’n. “Proceed to the office,” sambit niya bago ako lagpasan kaya hindi ko na lang pinansin ang nakita kanina. “Oh, Ms. Allejo, you’re here.” Tumayo si Ryker nang pumasok ako sa office. Tambak na ng mga papel sa ibabaw ng table ko nang makita ko iyon. “Let’s go to the VSC, that’s our workplace for today,” nakangiting saad nito bago naunang sumakay sa elevator kaya sumunod ako. “Do you have an update about my friend’s case?” tanong ko habang nakatayo sa tabi niya, maliit lang ang distansiya naming dalawa dahil maliit lang ang elevator. “Don’t worry, the investigation is on-going, and I heard this morning that they are chasing the culprit.” Napatango ako dahil sa sinabi niya. It’s great, at least we
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“It’s been a while.” He’s wearing a black leather suit, and a mask covering his whole face except some part of his left eye.“Who are you?” tanong ko saka bahagyang napaatras. Nakaharang ang kamay niya sa pinto ng elevator para hindi iyon sumara.“I know that you’ve met L.A last time.”“L.A?”“Lady Archer,” sagot niya saka matamang tiningnan ako. “I need you to come with me,” saad nito na ikinakunot ng noo ko.“What do you need?”“Look, I’m not here to harm you, I just need you to come with me.” Umiling ako.“I don’t trust you.”“I’m not asking your trust—I mean, yeah, kind of.” Itinaas niya ang dal
ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Hindi ko na kaya!” sigaw ko habang pilit na binibilisan ang pagtakbo ko habang nasa treadmill. Masyadong mabilis iyon kaya halos mapugto na ang hininga ko. Hindi ko naman inakalang ito ang training na tinutukoy niya kanina. “Okay. Rest for 5 minutes.” Unti-unting bumagal ang takbo ko kasabay ng paghinto ng treadmill. “You need to get used to it. You need to run faster than usual to escape.” Habang hinahabol ko pa rin ang hangin ay siya namang pagpupunas ko sa mukha ko na puro pawis na. I’m wearing my suit pero hindi ang mask ko. Nasa level 2 raw kami ng hideout, sa ibaba ng hideout kung saan kami unang nagpunta kanina. Seriously, gaano ba kalalim ‘to? “You need to be fast. Beat your own record.” Napairap na lang ako saka uminom ng tubig. “Anong oras na? Kailangan ko pang bumalik sa office.” “Okay. Just rest
ROUGJAN AISLINN ALLEJOMatapos makita ni Lord Lantis ang papel na ‘yon ay kaagad niya akong inutusan para sumunod sa kanya papunta sa kung saan, nagmamadali.“Where are we going?” tarantang tanong ko habang mabilis na humahabol sa kaniya.Mas matangkad siya sa akin kaya mas mahaba ang biyas niya kung ikukumpara sa akin kaya kailangan ko pang doblehin ang bilis ko para lang maabutan siya.“Just follow.” Napailing na lang ako sa isinagot niya habang patuloy na sumusunod sa kanya. Papuntang Black Knight’s Headquarter ang tinatahak namin.“Lord Lantis…” saad ni Bronimir nang makarating kami sa harapan ng building nila.Lantis handed the message to Bronimir. Bakas ang gulat sa ekspesyon ni Bronimir. Anong mayro’n sa kuko na yon?“Gagawa kami kaagad ng paraan para mapigilan sila.” Isang tango m
ALECIUS SANCHEARES“Good morning, students. I am Mr. Aravilla, I will be the facilitator for today’s examination.” Isang matangkad na lalaki ang pumasok sa room namin habang ang mga Black Knights ay nakabantay sa labas ng room.Simula pa lang kanina ay nagkalat na ang mga Black Knights sa paligid at panay ang pagmamasid sa paligid. Base na rin sa kwento ni Aillard ay maghihigpit daw sila dahil may nangyaring pagsabog kahapon malapit sa headquarters nila.“Excuse me, you have a sit-in student.” Duke knocked the door.“Yes, he may come in,” tugon ng professor namin saka pumasok si Dieosh na ikinagulat ko. Nakangiti siyang nakatingin sa akin saka tumabi sa bakanteng upuan na katabi ko. Hindi niya naman nabanggit na ililipat siya kaya hindi ako nag-eexpect.“Goodluck,” saad niya saka itinapat sa akin ang kamao niy
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“What’s happening here?” Napalingon ako sa tabi ko nang makitang lumabas na si Ms. Quihado sa library at napaatras nang makita si Francie na nakahandusay. “Oh my gosh!”“We just did our job, Ms. Librarian,” giit ng isang lalaki saka tumingin sa akin. “Do you know her?” Kaagad akong umiling sa lalaki at pinilit na huwag iwasan ang nanunuring tingin niya. Paghihinalaan niya ako kung magkataon.“Ikaw? Napansin mo ba ang babaeng ‘to sa loob?” tanong ng isa pang lalaki.“No, hindi ko siya nakita, makikita ko naman siya agad kung pumasok siya sa loob. Nakita ko lang siya no’ng lumabas na bago niyo barilin,” pagkukwento ni Ms. Quihado saka lumingon sa akin. “Hindi mo rin siya napansin?”“No. I was busy with my paperworks,” pagsisinunga
ROUGJAN AISLINN ALLEJOPinilit kong tumakbo palayo kahit na sobrang sakit ng likod at braso ko maging ang likuran ng tuhod ko na sinipa ng kasama ni Louise. Natigil lang ako sa pagtakbo nang matanaw si Lantis na nakasuot naman ng pulang jacket at itim na cap. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko saka maingat na hinawakan ang kamay ko.“You fought with them?” kaagad nitong tanong. “Ano pang masakit?”“Wala na,” sagot ko sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kahit na nakasuot siya ng facemask.“I’ll carry you. I know you can’t walk properly.” Nabigla ako nang buhatin niya ako paharap.“Kaya ko pa naman maglakad...” Baba sana ako pero bigla kong naigalaw ang kaliwang braso ko kaya sumakit lalo ‘yon.“Rouge, huwag na makulit,” seryoso siyang tumingin sa akin.Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tumango kaya naglakad na siya. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa akin kaya naman itinago ko ang mukha ko sa bandang balikat niya para hind ko na rin makita ang mukha n
ROUGJAN AISLINN ALLEJOAfter we saw the smoke outside, hindi ako masyadong mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Pagpasok namin ni Alec sa kwarto ay napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang malakas na pagsabog.“Ano ‘yon?” Gulat din si Alec kaya lumabas ulit kami sa kwarto at naabutan si Aillard na nakatayo at nakatunghay na rin sa bintana.“Anong nangyayari?” tanong ko saka lumapit sa kaniya para sumilip din.“Oh my gosh.” Parehas kaming nagulat ni Alec nang matanaw ang Serpent Blood Camp na nasusunog ang ibabang parte.“Nagkakagulo na sila sa labas,” ani Aillard. “Let’s go. Silipin natin sa labas. Magsuot na lang tayo ng mask.” Tumango ako saka umalis para humanap ng mask saka binigyan sila.Nauna si Aillard na lumabas kasunod kami. Pagkatingin namin sa Veil Circle ay nakita namin ang nagkalat na mga students. I can hear some screams.“Sino na naman kaya ang may gawa niyan?” tanong ni Alec.“I don’t know...” sagot ko. Nilingon ako ni Alec kaya napatingin ako sa kaniya.“Ma
ROUGJAN AISLINN ALLEJOI've been avoiding my traumatic past for years, but now it's coming back to haunt me. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makaharap ang isa sa mga lalaking kinamumuhian k. Si Eris Sandiego. Alam kong nakita ko na siya kanina bago pa lang kami pumasok sa loob ng room pero hindi ko siya nakilala kaagad dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang kalimutan ang mga mukha nila. At sana nga lang talaga ay hindi ko na naalala pa ang itsura niya.“Love…” I heard Lantis’ voice trying to talk to me. Nagpatangay na ako sa kaniya kanina palabas sa room na ‘yon, tulala lang ako habang nakatitig sa kawalan. Parang nagsasarado ang mga tenga ko at unti-unting humihina ang pandinig ko. “I’m here.” Naramdaman ko ang mainit na yakap niya.Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa harapan niya habang nakayakap nang mahigpit sa kaniya at nakakapit ang kamay ko sa likuran ng damit niya. I don't know why, but in his arms, I feel secure. This genuine sense of safety seems
AILLARD LLZALDENang makaalis si Rouge kasama ang isang Black Knight na naghatid sa kaniya ay nagbihis lang ako saglit bago lumabas ng dorm papunta sa headquarters dahil nga may urgent matter daw. Pagkarating ko sa office ay kaunti lang ang Black Knights sa loob kaya dumiretso ako sa office ni Bronimir. May mga papeles sa ibabaw ng table niya at isang maliit na sticky note sa ibabaw.‘We’ll capture her and then you will kill her.’Kaagad na napakunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa papel na ‘yon. Kinuha ko iyon saka lumapit sa drawer niya at naghalungkat ng mga gamit. I didn’t saw any strange things except for one thing. Nang kapain ko ang isang coat na nakasabit sa pader ay nalaglag ang isang papel. Nakalukot na pabilog ang papel na iyon kaya dinampot ko saka nabasa ang nakasulat.‘Kill the members of the council’Lalong napakunot ang noo ko nang mabasa ang sulat na ‘yon. Hindi kaya ito yung note na nakita ni Rouge noon kaya siya idiniin sa kaso sa muntikang pagpatay kay Lord
ROUGJAN AISLINN ALLEJO Natapos din ang usapan namin kagabi ni Lantis dahil minabuti kong pumasok na sa kwarto matapos tawagan ulit si Alec para kumustahin. Pinili ko na lang din na putulin ang usapan namin dahil sa titig pa lang niya ay nanghihina na akong harapin lalo ang katotohanan sa nararamdaman ko at sa magulong sitwasyong nangyari sa akin. Kinabukasan ay nagising na lang ako nang may kumatok sa pinto, si Alec. Nang makita ko si Alec ay kaagad akong yumakap sa kaniya. “Ayos ka lang? Sinong kasama mo?” tanong ko sa kaniya saka sinuri siya. “I’m fine.” Saglit siyang yumakap sa akin kaya iginiya ko siya sa sala para makaupo siya sa couch. Pumunta naman si Lantis sa pinto para sumilip doon at isinara rin pagkatapos. “Ikaw lang ang pumunta rito mag-isa?” Tumango si Alec sa akin. “Mabuti na nga lang at nawala na yung usok. Ang daming mga nakahandusay sa labas.” Napayuko siya. “Nasaan si Aillard? Wala pa rin siya?” Kaagad akong umiling sa kaniya bilang pagsagot. “Maybe we should
ROUGJAN AISLINN ALLEJO I woke up because of Lantis’ voice knocking on the door. Mukhang medyo napahaba ang naitulog ko dahil pagtingin ko sa wall clock ay alas otso na. “Lalabas na.” Huminto naman na siya sa pagkatok kaya bumangon na ako saka nag-ayos ng sarili bago lumabas. Pagtingin ko sa kusina ay nakahanda na ang pagkain. Nakita kong nakasuot pa ng apron si Lantis habang naghuhugas ng kamay niya sa lababo. “Nag-abala ka pa talaga…” saad ko nang makaupo ako. Nagluto siya ng kare-kare. Tinanggal niya ang apron saka sinaluhan ako sa mesa. “Of course, my pleasure.” Natawa siya. “Ako na ang kukuha,” kaagad na sabi ko nang akma niyang kukunin ang plato ko para lagyan ng pagkain. Napatango lang siya saka kinuha na lang ang plato niya. “How are you feeling? May masakit ba sa ‘yo?” Umiling ako sa kaniya habang kumukuha ng ulam ko. “Pampatulog siguro ang itinurok sa akin kanina. Grabe rin kasi yung antok ko,” tugon ko saka nagsimulang kumain. Nakakuha na rin siya ng pagkain niya pero
ROUGJAN AISLINN ALLEJO“Sana sinabi mong wala ka palang fridge sa kwarto para sinabay ka naming kumain. Would you like me to cook?” tanong ni Aillard nang pumasok siya sa loob. Naabutan niya kasing kumakain si Lantis at nabanggit naman ng lalaking ‘to na wala siyang pagkain sa kwarto niya.“No, thank you. I’m full.” sagot ni Lantis. Dahan-dahan lang na napatango si Aillard saka tumayo sa tabi ko. Huminto na rin si Lantis sa pagnguya ng sandwich saka tumayo at pinagpagan ang sarili. “I’ll go ahead. Thanks for the food.” Bahagya siyang ngumiti nang tumingin sa amin saka naunang naglakad.“Just knock if you want to join us for the food,” saad ni Aillard bago tuluyang makalabas si Lantis.“Tapos na duty mo?” tanong ko sa kaniya nang maupo ako sa couch sa sala.“Yeah, medyo may kaunting gulo lang sa Headquarters. May dalawang Black Knights kaming nakita na nakahandusay na lang sa loob ng office.”“Sino naman ang may gawa?”“Hindi ko alam. Sinabihan kasi kami ni Bronimir na unahin namin yun
ROUGJAN AISLINN ALLEJO I was stunned and my heart was beating fast. The guy was not facing me so I couldn’t see his face. After that kiss, he ran away. Lumihis ng direksiyon si Aendrina kaya naman ‘di ko na kinailangang magtago pa. Nilingon ko pa ang lalaki na unti-unting nawala sa paningin ko. I wasn’t sure if my hunch is true. Was he lying? Napailing na lang ako saka nag-isip ng ibang bagay saka tumakbo hanggang makarating ako sa Serpent Blood Camp. Nagpalit kaagad ako ng buhok saka inayos ang buhok ko bago lumabas ng room na iyon at sumakay ng elevator para bumalik sa dorm namin. “Rouge,” ani Alec nang pagbuksan niya ako ng pinto. “Nakita mo si Aillard?” Umiling ako. “Hindi ko alam kung nasaan siya, wala sa headquarters nila.” “Nasaan naman kaya siya?” Nagkibit balikat lang ako saka kami naupo sa couch matapos isara ang pinto. Maybe he’s still reporting the incident to Bronimir. “Magbibihis muna ako,” paalam ko sa kaniya saka pumasok sa kwarto namin. I immediately called Blac