Share

CHAPTER II

Author: itisarchaeous
last update Huling Na-update: 2022-04-01 16:39:18

ROUGJAN AISLINN ALLEJO

Kinaumagahan, matapos ang gabing ikinagulat naming lahat ay maaga kaming nagising dahil sa alarm ng cellphone ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ng lalaki kagabi sa bintana. Binuksan panandalian ni Aillard ang pinto saka tumambad sa amin ang mga bangkay na naliligo sa kanilang mga dugo, ang iba sa kanila'y nakadilat pa ang mata. Mabuti na lang at hindi nakita ni Alec dahil sigurado akong masusuka siya.

"Ganito rin uniform natin noon," saad ni Alec habang isinusuot ang uniform namin. Simpleng white blouse at skirt na kulay maroon, may logo lang ng ahas sa necktie. "Kumusta yung tulog mo?"

"Nakatulog naman, dahil sa pagod." Bahagya akong natawa, hanggang ngayon ay medyo masakit pa rin ang paa ko.

Pagkabihis ni Louise ay lumabas kami para kumain ng almusal. Sina Aillard at Dieosh ang naghanda ng pagkain namin almusal namin, bacon at fried rice.

"Ilan yung duplicate key natin?" tanong ni Louise nang makalabas kami ng dorm, papasok na sa una naming klase.

"Isa lang, si Dieosh na lang ang humawak, akin itong isa."

Paglabas namin sa k'warto ay may ilang mga students na ang nagsisilabasan. Ang ilan sa kanila ay napapatingin pa sa direksyon namin at nagbubulungan, marahil ay dahil bago lang kami.

Nasa fourth floor lang naman kami kaya naman gumamit na lang kami ng hagdan, nadaanan namin ang elevator at masasabi kong malaki iyon kumpara sa usual na nakikita ko. Pagbaba sa ground floor ay tanaw namin ang mga students na nagkalat, padiretso ang direksiyong pupuntahan nila, mula sa malawak na grassfield, sa kabila no’n ay makikita ulit ang tatlong matataas na building. Nagkatinginan pa kaming lahat bago lumakad. Nakakalula talaga ang malaking clock tower sa gitna.

"Ang lawak," ani Louise.

"Saan sa tatlong building diyan yung papasukan natin?" tanong ni Alec.

"Ewan, magtanong na lang tayo kung saan ang Serpent Campus Building," tugon ni Dieosh na nagpauna ng maglakad.

Nang makarating kami malapit sa tatlong malalaking gusali ay saka lang namin natanaw mula sa itaas ang iba't-ibang banner. Sa una ay kulay abong asong lobo, sa ikalawa ay isang asul na ibon, at ikatlo ang isang kulay maroon na ahas.

"Doon tayo, Kaparehas nitong nasa logo ng necktie," puna ni Alec.

"Mukha nga, tara na."

Habang naglalakad kami papunta sa building namin ay may nakakasalubong kaming iba ang kulay ng uniform, marahil ay dahil base iyon sa kung anong blood kami nabibilang. Pagdating namin sa Serpent Campus Building ay kaniya-kaniya na kaming lakad dahil hiwa-hiwalay kami ng subject pero kasama ko si Dieosh sa unang subject, ang General Mathematics. Sa ground floor ang room namin sa Mathematics kaya hindi na kami umakyat pa pero sina Aillard ay kinakailangan pang umakyat dahil sa itaas pa sila.

"Una na kami, dito na lang tayo magkita-kita mamaya," saad ni Aillard nang maisara niya ang locker niya. Mayroong locker room sa bawat floor at magkakatabi lang ang amin.

"Bye, goodluck!" pahabol na sabi ni Alec bago umakyat.

"Tara, sa room S-071." Sumunod lang ako kay Dieosh habang bitbit ang libro sa Mathematics.

Bahagyang maingay ang nadaraanan namin dahil sa mga students na nasa loob na ng kani-kanilang mga room, mukhang magkakakilala sila, ang ilan ay nasa hallway pa. Binilisan ko ang lakad ko dahil nakita kong medyo malayo na si Dieosh, masakit pa rin kasi ang paa ko hanggang ngayon.

"Oh." Bahagya akong napapikit nang makaramdam ako ng pagkirot sa paa ko nang muntikan akong matapilok, mabuti't may isang taong humawak sa balikat ko upang umalalay sa akin. "Are you okay?"

"Yes, thank you." Bahagya akong lumayo sa kaniya dahil malapit ang mukha niya nang lingunin ko siya. "I'll go ahead." Kaagad ko siyang tinalikuran pero napahinto ako nang magsalita siya.

"Is that how you greet your Blood Camp's Chief Officer?"

"Pardon?" Humarap ako sa kaniya.

"I am Rezon Llzara, Serpent's Blood Camp Chief Officer.” Inilahad niya ang kamay niya.

"Oh, nice to meet you, Mr. Llzara, Serpent's Blood Camp Chief Officer. Good morning. I have to go." Hindi ko na hinintay pang magsalita siya.

"Sino 'yon?" tanong ni Dieosh na naghihintay pala sa likuran ko.

Napatingin ako sa ilang students na nakatingin sa akin kaya naman naglakad na lang ako at hindi sinagot ni Dieosh. Pagpasok ko sa room S-071 ay sa bandang dulo ako umupo, may ilang students na ang nasa loob ng k'warto.

"Anong nangyari?"

"He helped me. Nagpasalamat na ako sa kaniya pero parang gusto niya pa yatang yakapin ko siya habang nagpapasalamat," paliwanag ko.

"Pft, ang init na ng ulo mo," natatawa niyang sagot sa akin, inismiran ko lang siya.

"Good morning, new students. I am Ms. Paris, your geometry teacher." Ang lahat ay tumayo nang pumasok ang isang professor. Kung tama ang pagkakatanda ko sa mukha niya ay siya yung babaeng naghatid sa amin sa administration building kahapon.

"Take your seats." Umupo kami matapos namin siya batiin pabalik. "For the first half of our meeting for today, I'll be informing you about the things you need to know inside this university." Naglakad siya sa kanang bahagi ng harapan ng room saka pinindot ang isang remote na kanina niya pa hawak.

"First of all, we're going to talk about the buildings that you'll see around. There are newbies so let's say na orientation ito para sa kanila, sa mga alam na, manahimik na lang." Pinindot ang remote saka lumabas ang isang hologram sa harapan namin. Imahe iyon ng building kung nasaan kami ngayon.

"This is the Serpent's Campus Building. Dito pumapasok at nag-aaral ang mga kabilang sa Serpent Blood, kayo iyon. All of you are part of the Serpent blood because you are all belong to the bottom ranking. Ang dalawa pa ay ang Wolf Campus Building, and the Falcon Campus building. The Wolf bloods are consisting of the high ranked students while the Falcon bloods are the middle-ranked students."

Matapos magsalita ni Ms. Paris ay naglakad-lakad siya patungo sa gitna saka sinuri kami. Nagtama ang paningin namin saka siya ngumisi.

"Veil Tower, this serves as our university’s bulletin, dito rin ipinapakita ang general ranking sa tuwing matatapos ang lahat ng klase, ‘yon ang nakita niyong clock tower sa harapan kanina." Muli siya gumilid matapos pindutin ang remote. Ipinapakita ngayon ng hologram ang higanteng clock tower. "All of your points gathered for the whole week are listed and tabulated by the AI machines. Once you are the lowest ranked student among all the students, goodluck kung masisilayan mo pa ang araw kinabukasan." Nagkatinginan kami ni Dieosh, nangangamba sa maaaring kahantungan namin sa lugar na ito. “Ang Veil Tower ay matatagpuan sa gitna ng Veil Circle o ang malaking field na nakikita niyo sa labas. Blood Arch is also part of Veil Circle, this arch is just for Wolf bloods, sa oras na pumasok sila sa loob ng Veil Circle using the Blood Arch ay hindi sila pwedeng galawin ng ibang blood bukod sa kapwa nila Wolf blood sa tuwing sumasapit ang Las Noches de Matanza, that’s their privilege.”

"Next, the Serpent Blood Camp." Lumabas mula sa imahe ng hologram ang building kung saan kami nagpalipas ng gabi. "This is the right term for your dormitory building. Kagaya ng kung paano kayo magkahiwalay sa pag-aaral ay gano'n din sa kung paano kayo mabubuhay. The blood camps are leaded by the Blood Camp’s Chief Officer, ang highest rank achiever sa loob ng bawat Blood Camps." Naglakad siya patungo sa gitna bago mawala ang imahe mula sa hologram.

She stopped for a while when someone yawned. "Mr. Santos, get out of my class if you're just going to sleep."

"Sorry, Miss." Umirap lang si Ms. Paris sa lalaking nakaupo sa bandang gitna bago nagpatuloy sa pagdidiscuss.

"Veil University has its own version of CAT officer, but we called it as Black Knights. They are leaded by the other department, the Black Knights Department. There are departments inside this university, the Supreme Student Council Department, the Red Blood Ribbon Committee, the Blood Camp Department, and lastly, itong Black Knights."

"Now, let's talk about some activities that can add a big point to your ranking." Isang clip ang ipinipakita ngayon ng hologram. Mayroong tatlong tao ang nasa gitna ng Veil Circle. Lahat sila ay may hawak na patalim sa kanilang mga kamay at naglalaban. "This is the Blood War. It starts at 7:30 pm, tutunog ang clock tower sa oras na sumapit ang blood war."

"The Blood Camps needs to have a representative to fight for the Blood war, but there will be few changes about this. The winning camp will get 60% of the losing representative's current points that will be distributed to all the blood camps’ members, the 40% will be added to the representative of the winning camp. Aside from getting all your points if you lose, your Blood Camp’s Chief Officer will give you a punishment. The losing Blood Camp will lose 10% points each member." Habang patuloy siya sa pagdidiscuss ay naglalakad siya patungo sa direksyon namin, sa likuran.

"Habang nagaganap ang Blood War ay siya ring pagsapit ng Las Noches de Matanza, gabi ng pagpatay, o kahit anong bagay na pwede niyong gawin. Hindi pwedeng lumabas ang tatlong players sa Veil Circle at hindi pwedeng pumasok ang sino man sa loob ng Veil Circle hanggat walang natitirang isang nakatayo sa loob ng Veil Circle. Ang Black Knights Department ang nangunguna sa mga bagay na ‘yon." Huminto ito at hinablot ang notebook sa ibabaw ng armchair ko kaya tumingala ako sa direksyon niya.

"Mukhang maganda siguro 'tong panggising." Matalas ang tingin niyang ipinukol sa lalaking pinagalitan niya kanina bago ibato ang notebook ko na tumama sa eksaktong ulo ng lalaki. Tawanan ang namayani sa buong classroom.

"Get out of my class now, Mr. Santos, we don't need you here." Sinamaan lang siya ng tingin ng lalaki bago padabog na lumabas ng room.

"I don't need to explain all of the things you need to know inside this campus, just let your curiosity eats you." Pinindot niya ang hawak niyang remote saka lumabas sa imahe ng hologram ang iba't-ibang polygons. "Let's start the real discussion. Get your books."

Kasabay ng pagtunog ng bell ay ang pagsisimula ni Ms. Paris sa pagtuturo ng subject niya. Kahit mukha siyang bata ay mapapansin mong bihasa siya sa pagtuturo. May naganap ding recitation mula sa mga idiniscuss niya tungkol sa university kanina.

"Newbies, before stepping outside of this class, please get one of this Serpent Badge for your identification. Class dismiss." Lumabas na si Ms. Paris sa loob ng room kaya naman isa-isa ng nagsitayuan ang classmates namin bago kumuha ng badge na iniwan ni Ms. Paris sa ibabaw ng table kaya kumuha na rin kami.

"Mauna na 'ko," paalam ko kay Dieosh bago umakyat.

Matapos ang naging unang klase namin ni Dieosh kay Ms. Paris ay nagkahiwalay na rin kami ng susunod na klase. Nauna na ako kay Dieosh dahil nananatiling sa ground floor ang room niya habang ako naman ay kailangan pang umakyat sa second floor, ang Robotics and technology class.

"Rouge." Napatingin ako sa gawing kanan ko pagpasok sa room nang marinig ko si Louise. Naka-upo na siya at may bakanteng upuan sa tabi niya kaya naman doon na ako naupo.

"Kumusta yung class niyo?" tanong niya nang makaupo ako.

"Ayos lang, nagdiscuss about sa lugar na 'to. Ikaw?"

"Gano'n lang din." Tumango lang ako bago ilabas ang notebook sa bag ko.

Ilang minuto lang ay nagsi-ayos na kami ng upo nang dumating ang isang matangkad, bahagyang mataba ang pangangatawan, at kapansin-pansin nitong asul na mga mata.

"Mukhang duduguin ako sa english nito," bulong ni Louise.

"Good morning, I am Mr. Luther your teacher for robotics and technology. Don't worry, I can speak and understand tagalog if you are not fluent in english." Bahagya itong natawa ng makahinga ng maluwag ang ilang students na nasa unahan.

"I will be discussing the futuristic technology na unti-unti ng dinidevelop ng ibang mga bansa ngayon sa kasalukuyan na ang iba ay makikita niyo sa loob ng university na 'to." Base sa pananalita niya ay mukhang bihasa na nga siya sa pagsasalita ng tagalog dahil hindi balu-baluktot ang pananalita niya.

Makalipas ang dalawang oras na discussion ni Mr. Luther ay tumunog muli ng bell, hudyat ng pagtatapos ng klase at ng breaktime.

"See you next time," ani Mr. Luther bago lumabas.

"Tara na." Tumango lang ako kay Louise bago tumayo at sumunod sa kaniya.

Pagbaba namin ni Louise sa ground floor ay saktong naabutan namin si Dieosh na kalalabas lang ng room nila.

"Kumpleto na? Tara, nagugutom na 'ko," saad ni Aillard na kadarating lang saka tumabi sa akin, magkausap ngayon si Dieosh at Louise.

"Hoy, love birds tara na," sita ni Alec sa kanila.

Naglakad kami palabas ng building saka namin nakita ang isang malaking pinto, ito ang daan pababa sa underground Cafeteria. Marami na ang students sa loob pero hindi naman siksikan, maluwang pa nga kung tutuusin. Modern ang design ng interior ng Cafeteria, maganda ang mga tables at upuan. Kaniya-kaniyang pwesto ang mga students, ang ilang mga lamesa ay bakante pa kaya naman pumili kami ng table. Sa bandang dulo kami pumuwesto, malayo sa counter.

"Kami na lang ang o-order," suhestyon ni Alec kaya wala na rin akong nagawa dahil hinila niya na ako palayo sa table namin. Masakit pa naman ang paa ko.

"Iisang menu lang yata ang meron sila," puna Alec habang dumadaan kami sa ilang table.

Pagdating namin sa pinaka counter ng cafeteria ay medyo mahaba ang pila kahit tatlong lane ang mayro'n. Sa lane 3 kami pumila dahil iyon ang pinakamaiksing pila sa lahat.

"Ang daming twist ng school na 'to." Bahagya lang akong tumango kay Alec dahil sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naa-absorb ng utak ko ang nangyayari.

Makalipas ang ilang minuto ay umusad na ang pila, isang student na lang ang nasa unahan namin.

"Oh my gosh, why is she here?"

"Oh, the Empress." Napakunot ang noo ko nang marinig ang mga bulungan ng nasa likuran namin.

"Set D." Napaangat ako ng tingin nang dumating sa unahan ng pila ang isang babae.

Nakasuot siya ng katulad ng uniform namin ngunit gray ang kulay ng skirt nito, kabilang siya sa Wolf Blood base sa nakikita ko sa necktie niya. May isa pa siyang kasama mula sa likuran habang ang babaeng dapat na nasa unahan namin ay napa-atras mula sa kinatatayuan niya.

"Excuse me, p'wede naman siguro kayong pumila," saad ko. Kanina pa nangangalay ang paa ko dahil sa pagpila at idagdag mo pa ang kaunting pagkirot nito dahil sa paglalakad namin kahapon.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya bago ibaling ang paningin nito sa amin. "Who do you think you are?"

"Just being fair. Pumila kami at sana kayo rin."

"Uhuh." Ipinagkrus niya ang mga braso niya saka naglakad palapit sa akin.

Naramdaman ko ang pag hawak ni Alec sa laylayan ng uniform ko kaya napatingin ako sa kaniya, bahagya siyang umatras at sinesenyasan akong 'wag ng patulan.

"Don't you know me?" Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa.

"I don't want to waste my time to know you, miss," kalmadong sabi ko.  

"You don't know what I can do, so watch your words," banta niya nang ilapit niya ang mukha niya sa tenga ko.

"You don't know me either," sagot ko bago humakbang para lagpasan siya pero kaagad siyang humawak nang mariin sa braso ko.

"You don't know how to respect? I'll teach you." Marahas niyang akong hinila pabalik sa harapan niya.

"Teach yourself first before teaching me how to respect you, miss. Get off your hands on me, ayoko ng gulo."

"Gusto ko ng gulo." Ngumisi siya kaya napairap ako bago marahas na inalis ang kamay niya sa braso ko.

"Ang kulit mo," mariin kong sabi bago bitawan ang kamay niya.

"What's happening here?" Mula sa 'di kalayuan ay isang lalaking naka-gray na uniform din ang dumating.

"Babe, look at this stupid girl. Sinasagot-sagot ba naman ako." Kaagad lumingkis ang babae sa lalaking kadarating lang.

"Hindi mo ba kami kilala?" mayabang na tanong ng lalaki ngunit tinapunan ko lang siya ng tingin. "Bingi ka?"

"I don't know you."

"Well, let me introduce myself." Humakbang sa palapit sa akin kaya naman napa-atras ako. Kaagad akong napa-iwas ng tingin nang magtama ang paningin namin.

"Please, I'm sorry for this." Nakita ko si Alec na tumayo sa harapan ko saka yumuko sa harapan nila.

"Oh. I don't need your apology. I don't have any business with you," saad ng lalaki kay Alec saka tumingin sa akin. Malalim akong huminga habang pinipigilan ang panginginig ng kamay ko.

"In behalf, please accept my apology. She's not feeling well."

"Ha!" singhal ng babae kanina. "Ang lakas ng loob mo kanina, ngayon titiklop ka."

"Are you alright? Tara na, bumalik na muna tayo sa table," alalang tanong ni Alec saka iniangat ang ulo ko.

"Walang babalik," kaagad na tutol ng lalaki.

"I am Adara Salcedo, the Empress of this university, te castigo bajo el poder imperial!" Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi ng babae. Empress?

"What's her punishment?"

"I want her to clean this whole cafeteria for three days," nakangisi niyang sambit.

"Rouge…" Paglingon ko sa kanan ay nakita ko na sina Aillard na palapit sana ngunit hinarang sila ng mga lalaking nakasuot ng blue camouflage uniform.

"The Black Knights will monitor you, at kung sakaling hindi ka sumunod, brace yourself to face death," huling sabi ng lalaki bago sila umalis sa harapan namin. Napahawak ako sa table para panatilihin ang balanse ko.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Aillard nang makalapit sila sa amin kaya tumango lang ako.

"Uminom kang tubig." Iniabot sa akin ni Louise ang isang baso ng tubig kaya tinanggap ko yon.

"Salamat," maiksing tugon ko. "Bumalik na tayo ro'n," saad ko saka tumayo habang nakahawak kay Alec na ngayon ay nakapinta sa mukha ang pag-aalala.

"Nakakahinga ka ba ng maayos?" Lumingon ako sa kaniya saka ngumiti at tumango para naman kahit papaano ay hindi na siya mag-alala pa.

"Rouge, I'm sorry, hindi na dapat kita sinama kanina," saad ni Alec na nanghihingi ng tawad.

"Ayos lang ako, don't blame yourself."

"Hindi nabanggit sa inyo ng teacher niyo kung sino yung babaeng 'yon?" tanong ni Aillard kaya umiling ako.

"Kagaya ng narinig mo kanina, Adara is the Empress of this university at yung lalaki kanina, si Zui, yung Emperor, kasama sila sa Supreme Student Council Department,'' paliwanag ni Louise.

"Hindi sa amin nabanggit kanina ni Ms. Paris."

"Binigyan ka ng punishment. Tutulungan ka na lang namin."

"Anong punishment hindi ko narinig?" tanong ni Dieosh.

"Siya raw ang maglilinis ng buong Cafeteria ng tatlong araw," sagot ni Louise sa kaniya

"Huh? Grabe naman yon, napakalaki nito e. Ang sama ng ugali."

Pagbalik namin sa table ay naupo lang ako sa tabi ni Louise, sina Aillard na ang kumuha ng pagkain kaya kami lang nina Alec ang naiwan.

"Power matters, 'yan ang motto nila," saad ni Louise sa gitna ng katahimikan sa aming tatlo.

Wala ng nagsalita pa hanggang sa dumating sina Aillard na may dala-dalang tray kung saan nakalagay ang mga pagkain namin, fried chicken, regular rice, at tea.

"Kain na," saad ni Aillard saka inilagay ang plato sa harapan ko.

“Saan kayo kumuha ng pambili?” tanong ni Louise.

“Libre raw lahat dito.”

Nang ma-i-ayos ang pagkain namin ay nagsimula na kaming sabay-sabay na kumain. Nang magtama ang paningin namin ni Aillard ay nag-iwas siya ng tingin. Anong meron?

"Magkasama pala tayo sa next subject nina Rouge," saad ni Alec habang nginunguya ang pagkain niya.

"Tulungan muna natin si Rouge maglinis," ani Louise.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami sa pagkain. Nanatili lang muna kami ro'n dahil halos may 30 minutes pang natitira sa breaktime.

"Maglakad-lakad kaya muna tayo sa field? Hindi naman masyadong mainit," tanong ni Alec sa akin kaya tumango lang ako, gusto ko ring magpahangin.

Pagtayo namin ay sumunod naman sila. May mangilan-ngilang students ang nakaupo ngayon sa bench habang kumakain ng ice cream.

"Uy, may ice cream vendor do’n. Tara, dessert." Hinila ako ni Alec kaya nagpatianod na lang ako.

"Kuya, ice cream sandwich nga po sa akin. Sa 'yo, Rouge?"

"Yung nasa cone na lang."

"Dalawa na pong nasa cone," saad naman ni Louise sa isang lalaking may katandaan na rin ang edad.

"Kuya, lagi po kayong nandito?" tanong ni Louise na busy na sa pagkain ng ice cream niya.

"Oo, madalas ako rito nag-iikot ikot kapag breaktime."

"Ibig sabihin hindi ka na rin nakakalabas?" Natawa ang lalaki sa tanong ni Alec.

"Oo, halos dito na ako nagbinata."

"Alam niyo po ang ibang daan palabas?" tanong ni Alec habang ako ay nakikinig lang.

"Masyadong malaki ang lugar na 'to, hija. Kung tatangkain mong lumabas, wala ring kasiguraduhan kung buhay ka nga pagkalabas mo."  Luminga-linga siya sa paligid bago tumuloy. "Malayo tayo sa kabihasnan at nasa gitna tayo ng malaking kagubatan. Ang pagtakas sa lugar na 'to ay parang paghuhukay mo sa sarili mong libingan,” sagot nito na ipinagtaka ko. Hindi ba masyado siyang nananakot?

"Sige po, salamat," sagot na lang ni Alec.

"Upo tayo ro'n," ani Louise saka itinuro ang katabing bench kung saan nakaupo sina Aillard.

"Ang tahimik mo lalo, ayos ka lang ba talaga?" Bahagya akong natawa sa tono ng pananalita ni Alec. "Sorry."

"Ayos nga lang," sagot ko saka umupo sa tabi niya.

Makalipas ang ilang minutong pagpapalipas namin ng oras, mula sa panonood ng mga students na dumadaan, mga ibong lumilipad ay tumunog na ang bell mula sa malaking clock tower na nasa harapan namin. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa laki nito, nakakalula ang taas. Mula sa 'di kalayuan ay nakita ko ang mga kalalakihang kasama ni Zui kanina, talagang sinundan nila kami.

"Tara na, wala na sigurong students sa loob." Sabay-sabay kaming tumayo para bumalik sana sa cafeteria pero hinarang kami ng tatlong lalaking naka-camouflage na damit.

"As the Emperor said, siya lang ang maglilinis," saad ng lalaking nasa gitna na tumingin sa akin.

"Huh? Hindi ba namin pwedeng tulungan?" tanong ni Louise pero umiling ang lalaki.

"Baka naman pwedeng tumulong kami," saad ni Aillard pero bahagya kong hinila ang laylayan ng uniform niya.

"Kaya ko na, may klase pa kayo." Tiningnan lang ako ni Aillard saka tumango.

"Magpahinga ka 'pag natapos ka."

"Oo, pumasok na kayo." Nang makaalis sila ay naglakad na ako papasok sa cafeteria.

"H'wag na lang kayong sumunod," saad ko sa mga lalaki habang naglalakad.

"We're just going to wait outside."

Pagpasok ko sa cafeteria ay tumambad sa akin ang puro kalat na mga basura sa sahig, maputik na tiles. Napamura na lang ako sa isip ko dahil sa dami ng kalat sa loob. Gusto talaga akong pahirapan ng babaeng iyon.

"Oh." Natigilan ako sa pagliligpit ng mga plato sa table ng marinig ko ang boses ng isang lalaki.

"Sino ka?" tanong ko rito saka hinawakan ang tinidor na nililigpit ko.

"Easy." Bahagya siyang tumawa saka humakbang ng isa. "I'm the Duke. Bago ka siguro?” Tiningnan ko lang siya kaya nagsalita ulit siya. “May kukunin lang ako sa loob," aniya saka isinenyas ang isang pintuan. "See you."

Pagpasok ng lalaki sa pinto ay ipinagpatuloy ko na ang paglilinis ko.

"The Empress punished you?" Nagulat ako ng biglang sumulpot ang nagpakilalang Duke sa likuran ko kaya kaagad akong umatras palayo sa kaniya.

"Ano sa tingin mo?" pabalik kong tanong sa kaniya saka tumalikod upang ipagpatuloy ang paglilinis ko.

"Goodluck," sambit niya bago lumabas ng cafeteria. Nagkibit-balikat lang ako saka nagpatuloy.

Makalipas ang halos isa't kalahating oras ay nakatapos ako sa paglilinis ng buong cafeteria at paghuhugas ng napakaraming pinggan.

"You're finished?" Saglit ko lang na tinapunan ng tingin ang isang Black Knight na tumayo nang lumabas ako ng cafeteria.

"Oo."

"Follow us." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit ako susunod sa inyo?" tanong ko saka humarap sa kaniya. Kaya lang naman ako sumunod sa paglilinis ng cafeteria dahil utos yon ng mataas.

"Hmm." Ngumisi siya saka inihakbang ang mga paa palapit sa akin kaya naman nagsimula rin akong humakbang paatras.

"Stop acting like you're strong, miss sexy. Kitang-kita ko 'yang mga kamay mong nanginginig." Nag-iwas lang ako ng tingin saka itinago ang kamay ko. "Palaban ka siguro sa kama?" nakangising tanong niya na nagpatindig sa mga balahibo ko.

"Don't you dare come close to me." He raised his eyebrow.

"Uhuh, what if I did?" Ngumisi siya saka humakbang pa.

"You'll die." Nagulat ako ng biglang may isang lalaki ang nagsalita mula sa likuran ko.

Kaugnay na kabanata

  • Where Lie Lies   CHAPTER III

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO“You’ll die.” Natigilan ang mga Black Knight saka lumingon sa likuran nila. “Alis,” ma-awtoridad na sabi ng lalaki sa mga Black Knights bago ang mga ito nagsi-takbo."Duke," banggit ko sa lalaking nasa likuran paglingon ko. "Thank you.""Are you okay?” Hahawakan niya sana ang braso ko pero kaagad akong umiwas. "You should take some rest," saad niya bago naglakad upang lagpasan ako.Napabuntong hininga ako bago tuluyang napa-upo sa damuhan. Kanina pa nanghihina ang mga paa ko, at idagdag pa yung dalawang lalaki kanina."Rouge!" Napaangat ako ng tingin ng marinig ko si Aillard na patakbong lumapit sa akin."What happened? Ayos ka lang?" Tumango ako saka pinilit ang sarili kong makatayo. "Oh," aniya saka kaagad na inalalayan ang kamay ko dahil muntikan akong ma-out of balance.&nb

    Huling Na-update : 2022-04-01
  • Where Lie Lies   CHAPTER IV

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO"Good morning students, I am Mr. Selca, Social Science professor." Isang lalaki ang pumasok sa loob ng room, mid 30's at may itsura. Panibagong araw sa bagong lugar para sa amin. "Ms. Ocampo announced this morning that the Welcome party will be held tomorrow. Your outfits will be delivered to you tomorrow so be ready." Inilapag niya ang isang libro sa teacher's table saka binuksan ang hologram sa gitna saka nagsimulang magdiscuss.Matapos ang klase namin ni Aillard kay Mr. Selca ay susunod na ang klase namin kay Mr. Vega sa History and Literature pero laging may five minutes na pagitan ang bawat subject namin kaya naman nagsabi ako kay Aillard na magpupunta muna ako ng CR kaya sinabi niya na iihi rin siya kaya sumabay na siya sa akin.Pagpasok ko sa CR ay ako lang yata ang tao dahil tahimik. Pagkatapos kong umihi ay lumabas na rin ako sa cubicle pero natigilan ako nang makita ko si

    Huling Na-update : 2022-04-01
  • Where Lie Lies   CHAPTER V

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO "I am the great lady fang." Ilang saglit lang ay nakarinig kami ng pagkatok mula sa pinto kaya unti-unting tinanggal niya ang pagkakabaon ng kuko niya sa braso ko. "Subukan mong magsalita tungkol sa akin, luluhod ka mismo sa harapan ko para lang magmakaawa," sambit niya pa bago buksan ang pinto. Napahawak ako sa braso ko kung saan bumaon ang kuko niya, ramdam ko ang pagbigat ng pakiramdam sa banda ro'n. "Are you done?" tanong ni Ryker na kakapasok lang. "What happened here?" "Yung babae ang nagkalat. I'm done, thank you." Lalabas na sana ako nang magsalita siya. "Your name?" "Aislinn," sagot ko nang lingunin siya. "You don't need to clean the cafeteria, Adara is suspended." "Okay," tugon ko bago lumabas. Pagbaba ko ay wala akong naabu

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER VI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO Kinabukasan ay halos ang lahat ay bukambibig ang darating na Welcome party. Nasa room kami ngayon ni Louise sa klase ni Mr. Luther nang tumunog ang bell. "Hindi pa naman tapos ang klase 'di ba?" puna ni Louise. "Good morning students, this is Lady Ariza. I am happy to announce that your suits and gowns are already delivered to your dorms. Tonight, 6 o'clock, we will be having our first ever corporate party. The Black Knights will assist you to the venue, enjoy!" tinig ng isang babae na umalingawngaw mula sa speaker. "Class dismissed. Wala ng next classes," saad ni Mr. Luther bago lumabas ng room. "Sa camp na tayo kakain?" "Ewan," sagot ko habang inaayos ang gamit ko. "Tara na." Pagbaba namin sa ground floor ay naabutan na namin ang tatlo ro'n. "Sa'n tayo kakain?"

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER VII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO “Let's all hail down to the Supreme Student Council's President, Lord Lantis Riendejas." Natahimik ang lahat nang naglakad ang isang matangkad na lalaki galing sa likuran. He was wearing an elegant white suit. "Hala," sambit ni Louise ng isa-isang lumuhod ang lahat. "Pst, bakit nakatayo ka pa?" Natauhan ako nang bahagyang hilahin ni Alec ang laylayan ng suot ko. Nang ituon ko ang paningin ko sa harapan ay ang mga mata ng lalaking iyon ay nakatingin sa akin kaya naman unti-unti rin akong lumuhod kagaya ng iba. "Levantarse," sambit ng lalaki bago nagsitayuan ang lahat. Bahagyang yumuko ang emcee nang i-abot nito ang microphone kay Ryker. "Good evening, Veil University. Ms. Vanadey Ruimas is already dethroned as the Supreme Student Council's Secretary, and now, let us all welcome the new

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER VIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO "Sh*t. Alec, sinong may gawa nito?" Nang makita ko si Alec ay nakaupo na siya sa sahig habang may isang kutsilyong nakatusok sa tiyan nito. Hindi na nakasagot si Alec kaya naman kaagad siyang binuhat ni Aillard nang pumikit ito. "Dadalhin ka namin sa clinic, tiisin mo muna." Bahagya na kaming nakakaagaw ng atensyon sa paligid pero ilang saglit lang ay may ilan pang students ang unti-unting bumagsak. "Kailangan naming pumunta sa clinic!" inis na sambit ni Louise sa Black Knight pero hindi ito nagpatinag. "Siraulo pala kayo e!" Isang malakas na suntok mula kay Dieosh ang tumama sa isang Black Knight kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Aillard na makalusot. "Doon yung clinic!" turo ni Louise sa kanan. Tumatakbo kaming apat papuntang clinic habang ang ilan rin ay

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER IX

    ALECIUS SANCHEARES P.E class na namin kaya pinapupunta kami ng professor namin sa loob ng Veil Circle. I was currently passing the Blood Arch when I saw someone rushing directly on my side. "Hey, listen..." Hinihingal siyang huminto sa harapan ko. Sa bihis niya ay alam kong miyembro siya ng Black Knights. "Ms. Ocampo is related with—." Natigil siya sa pagsasalita saka bumagsak sa paanan ko. Gulat akong nakita ang isang kutsilyong nakatarak sa leeg ng lalaki. Naramdaman ko na lang ang mga paa kong tumatakbo palayo sa lalaki dahil sa takot. Sino siya?! "Ayos ka lang?" Humahangos akong tumango sa tanong ng isa kong kaklase. "Oo hehe," sagot ko rito habang pilit na iwinawaglit sa isip ko ang nakita kanina. Pa'no ko ‘yon sasabihin sa iba? "Panyo," saad niya saka iniabot ang panyo. Muli sa 'di kalayuan ay natanaw

    Huling Na-update : 2022-04-02
  • Where Lie Lies   CHAPTER X

    ALECIUS SANCHEARES"Lieutenant General Aldeirro Salcedo, tell your sister to shut her f*cking mouth.""Ha! Napakagaling mo naman yata masyado, Ryker. I am part of this Council kaya may karapatan pa rin akong magsalita, besides, you don't deserve to be respected." Tumayo ito saka naglakad palapit kay Ryker ngunit kaagad siyang pinigilan ni Aldeirro at tila may ibinulong dito.Ang lahat ay napalingon nang tumunog ang elevator. Kaagad nagliwanag ang mukha ko nang makita si Rouge na bahagya pang humahangos."Rouge," saad ko rito at akma sanang tatayo ngunit hinawakan ng isang Black Knight ang balikat ko."I am Rougjan Aislinn Allejo. I'm accepting the power of Supreme Student Council's Secretary. I request you, Empress to get out of this court." Naglakad si Rouge palapit sa akin saka niyakap ako kaya naman lumayo ang Black Knight sa amin.

    Huling Na-update : 2022-04-02

Pinakabagong kabanata

  • Where Lie Lies   CHAPTER LIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO“What’s happening here?” Napalingon ako sa tabi ko nang makitang lumabas na si Ms. Quihado sa library at napaatras nang makita si Francie na nakahandusay. “Oh my gosh!”“We just did our job, Ms. Librarian,” giit ng isang lalaki saka tumingin sa akin. “Do you know her?” Kaagad akong umiling sa lalaki at pinilit na huwag iwasan ang nanunuring tingin niya. Paghihinalaan niya ako kung magkataon.“Ikaw? Napansin mo ba ang babaeng ‘to sa loob?” tanong ng isa pang lalaki.“No, hindi ko siya nakita, makikita ko naman siya agad kung pumasok siya sa loob. Nakita ko lang siya no’ng lumabas na bago niyo barilin,” pagkukwento ni Ms. Quihado saka lumingon sa akin. “Hindi mo rin siya napansin?”“No. I was busy with my paperworks,” pagsisinunga

  • Where Lie Lies   CHAPTER LII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOPinilit kong tumakbo palayo kahit na sobrang sakit ng likod at braso ko maging ang likuran ng tuhod ko na sinipa ng kasama ni Louise. Natigil lang ako sa pagtakbo nang matanaw si Lantis na nakasuot naman ng pulang jacket at itim na cap. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ko saka maingat na hinawakan ang kamay ko.“You fought with them?” kaagad nitong tanong. “Ano pang masakit?”“Wala na,” sagot ko sa kaniya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito kahit na nakasuot siya ng facemask.“I’ll carry you. I know you can’t walk properly.” Nabigla ako nang buhatin niya ako paharap.“Kaya ko pa naman maglakad...” Baba sana ako pero bigla kong naigalaw ang kaliwang braso ko kaya sumakit lalo ‘yon.“Rouge, huwag na makulit,” seryoso siyang tumingin sa akin.Nag-iwas na lang ako ng tingin saka tumango kaya naglakad na siya. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa akin kaya naman itinago ko ang mukha ko sa bandang balikat niya para hind ko na rin makita ang mukha n

  • Where Lie Lies   CHAPTER LI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOAfter we saw the smoke outside, hindi ako masyadong mapakali. Hindi ko alam kung bakit. Pagpasok namin ni Alec sa kwarto ay napahigpit ang hawak ko sa doorknob nang marinig ang malakas na pagsabog.“Ano ‘yon?” Gulat din si Alec kaya lumabas ulit kami sa kwarto at naabutan si Aillard na nakatayo at nakatunghay na rin sa bintana.“Anong nangyayari?” tanong ko saka lumapit sa kaniya para sumilip din.“Oh my gosh.” Parehas kaming nagulat ni Alec nang matanaw ang Serpent Blood Camp na nasusunog ang ibabang parte.“Nagkakagulo na sila sa labas,” ani Aillard. “Let’s go. Silipin natin sa labas. Magsuot na lang tayo ng mask.” Tumango ako saka umalis para humanap ng mask saka binigyan sila.Nauna si Aillard na lumabas kasunod kami. Pagkatingin namin sa Veil Circle ay nakita namin ang nagkalat na mga students. I can hear some screams.“Sino na naman kaya ang may gawa niyan?” tanong ni Alec.“I don’t know...” sagot ko. Nilingon ako ni Alec kaya napatingin ako sa kaniya.“Ma

  • Where Lie Lies   CHAPTER L

    ROUGJAN AISLINN ALLEJOI've been avoiding my traumatic past for years, but now it's coming back to haunt me. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makaharap ang isa sa mga lalaking kinamumuhian k. Si Eris Sandiego. Alam kong nakita ko na siya kanina bago pa lang kami pumasok sa loob ng room pero hindi ko siya nakilala kaagad dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang kalimutan ang mga mukha nila. At sana nga lang talaga ay hindi ko na naalala pa ang itsura niya.“Love…” I heard Lantis’ voice trying to talk to me. Nagpatangay na ako sa kaniya kanina palabas sa room na ‘yon, tulala lang ako habang nakatitig sa kawalan. Parang nagsasarado ang mga tenga ko at unti-unting humihina ang pandinig ko. “I’m here.” Naramdaman ko ang mainit na yakap niya.Namalayan ko na lang ang sarili kong umiiyak sa harapan niya habang nakayakap nang mahigpit sa kaniya at nakakapit ang kamay ko sa likuran ng damit niya. I don't know why, but in his arms, I feel secure. This genuine sense of safety seems

  • Where Lie Lies   CHAPTTER XLIX

    AILLARD LLZALDENang makaalis si Rouge kasama ang isang Black Knight na naghatid sa kaniya ay nagbihis lang ako saglit bago lumabas ng dorm papunta sa headquarters dahil nga may urgent matter daw. Pagkarating ko sa office ay kaunti lang ang Black Knights sa loob kaya dumiretso ako sa office ni Bronimir. May mga papeles sa ibabaw ng table niya at isang maliit na sticky note sa ibabaw.‘We’ll capture her and then you will kill her.’Kaagad na napakunot ang noo ko nang mabasa ang nakasulat sa papel na ‘yon. Kinuha ko iyon saka lumapit sa drawer niya at naghalungkat ng mga gamit. I didn’t saw any strange things except for one thing. Nang kapain ko ang isang coat na nakasabit sa pader ay nalaglag ang isang papel. Nakalukot na pabilog ang papel na iyon kaya dinampot ko saka nabasa ang nakasulat.‘Kill the members of the council’Lalong napakunot ang noo ko nang mabasa ang sulat na ‘yon. Hindi kaya ito yung note na nakita ni Rouge noon kaya siya idiniin sa kaso sa muntikang pagpatay kay Lord

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVIII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO Natapos din ang usapan namin kagabi ni Lantis dahil minabuti kong pumasok na sa kwarto matapos tawagan ulit si Alec para kumustahin. Pinili ko na lang din na putulin ang usapan namin dahil sa titig pa lang niya ay nanghihina na akong harapin lalo ang katotohanan sa nararamdaman ko at sa magulong sitwasyong nangyari sa akin. Kinabukasan ay nagising na lang ako nang may kumatok sa pinto, si Alec. Nang makita ko si Alec ay kaagad akong yumakap sa kaniya. “Ayos ka lang? Sinong kasama mo?” tanong ko sa kaniya saka sinuri siya. “I’m fine.” Saglit siyang yumakap sa akin kaya iginiya ko siya sa sala para makaupo siya sa couch. Pumunta naman si Lantis sa pinto para sumilip doon at isinara rin pagkatapos. “Ikaw lang ang pumunta rito mag-isa?” Tumango si Alec sa akin. “Mabuti na nga lang at nawala na yung usok. Ang daming mga nakahandusay sa labas.” Napayuko siya. “Nasaan si Aillard? Wala pa rin siya?” Kaagad akong umiling sa kaniya bilang pagsagot. “Maybe we should

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVII [ADJUSTED]

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO I woke up because of Lantis’ voice knocking on the door. Mukhang medyo napahaba ang naitulog ko dahil pagtingin ko sa wall clock ay alas otso na. “Lalabas na.” Huminto naman na siya sa pagkatok kaya bumangon na ako saka nag-ayos ng sarili bago lumabas. Pagtingin ko sa kusina ay nakahanda na ang pagkain. Nakita kong nakasuot pa ng apron si Lantis habang naghuhugas ng kamay niya sa lababo. “Nag-abala ka pa talaga…” saad ko nang makaupo ako. Nagluto siya ng kare-kare. Tinanggal niya ang apron saka sinaluhan ako sa mesa. “Of course, my pleasure.” Natawa siya. “Ako na ang kukuha,” kaagad na sabi ko nang akma niyang kukunin ang plato ko para lagyan ng pagkain. Napatango lang siya saka kinuha na lang ang plato niya. “How are you feeling? May masakit ba sa ‘yo?” Umiling ako sa kaniya habang kumukuha ng ulam ko. “Pampatulog siguro ang itinurok sa akin kanina. Grabe rin kasi yung antok ko,” tugon ko saka nagsimulang kumain. Nakakuha na rin siya ng pagkain niya pero

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVII

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO“Sana sinabi mong wala ka palang fridge sa kwarto para sinabay ka naming kumain. Would you like me to cook?” tanong ni Aillard nang pumasok siya sa loob. Naabutan niya kasing kumakain si Lantis at nabanggit naman ng lalaking ‘to na wala siyang pagkain sa kwarto niya.“No, thank you. I’m full.” sagot ni Lantis. Dahan-dahan lang na napatango si Aillard saka tumayo sa tabi ko. Huminto na rin si Lantis sa pagnguya ng sandwich saka tumayo at pinagpagan ang sarili. “I’ll go ahead. Thanks for the food.” Bahagya siyang ngumiti nang tumingin sa amin saka naunang naglakad.“Just knock if you want to join us for the food,” saad ni Aillard bago tuluyang makalabas si Lantis.“Tapos na duty mo?” tanong ko sa kaniya nang maupo ako sa couch sa sala.“Yeah, medyo may kaunting gulo lang sa Headquarters. May dalawang Black Knights kaming nakita na nakahandusay na lang sa loob ng office.”“Sino naman ang may gawa?”“Hindi ko alam. Sinabihan kasi kami ni Bronimir na unahin namin yun

  • Where Lie Lies   CHAPTER XLVI

    ROUGJAN AISLINN ALLEJO I was stunned and my heart was beating fast. The guy was not facing me so I couldn’t see his face. After that kiss, he ran away. Lumihis ng direksiyon si Aendrina kaya naman ‘di ko na kinailangang magtago pa. Nilingon ko pa ang lalaki na unti-unting nawala sa paningin ko. I wasn’t sure if my hunch is true. Was he lying? Napailing na lang ako saka nag-isip ng ibang bagay saka tumakbo hanggang makarating ako sa Serpent Blood Camp. Nagpalit kaagad ako ng buhok saka inayos ang buhok ko bago lumabas ng room na iyon at sumakay ng elevator para bumalik sa dorm namin. “Rouge,” ani Alec nang pagbuksan niya ako ng pinto. “Nakita mo si Aillard?” Umiling ako. “Hindi ko alam kung nasaan siya, wala sa headquarters nila.” “Nasaan naman kaya siya?” Nagkibit balikat lang ako saka kami naupo sa couch matapos isara ang pinto. Maybe he’s still reporting the incident to Bronimir. “Magbibihis muna ako,” paalam ko sa kaniya saka pumasok sa kwarto namin. I immediately called Blac

DMCA.com Protection Status