See you po sa next chapter!!! Thank you!
Angel“Are you sure balewala lang sayo kahit mas bata siya sa akin?” ang paulit ulit na tanong ni Salvatore. Nakahiga na kami ngayon sa kama matapos niya akong pasarapin lang sa kanyang paghalik at paglamas pero hindi naman itinuloy.“Mukha pa rin naman malaki ang agwat ng edad namin kaya parang wala namang pinag-iba sa iyo,” sabi ko.“Talaga?” seryoso niyang tanong na tinanguan at nginitian ko.“Aray!” bulalas ko sabay hawak sa aking noo dahil pinitik niya ako doon.“Para mo na ring sinabi na matanda na nga ako.” Napatingin ako sa kanya, iniisip kaya niya ang agwat ng edad namin or talaga lang conscious siya tungkol doon?“Kahit naman malaki ang agwat ng edad natin ay hindi ka pa rin naman mukhang 40.”“What?” gulat na sabi niya kaya naman ngumiti at tumango ako. Ngunit pinitik niya lang ako ulit sa noo. “Hindi talaga ako magmumukhang 40 dahil hindi pa naman ako kwarenta!”“Eh ilang taon ka na ba kasi?” tanong ko naman habang himas himas ko na ulit ang noo ko. Masakit kaya ang pitik n
Salvatore“You really did punch me, asshole!” galit na galit na sabi ni Sandicho ngunit hindi ko pinansin. Kulang pa iyong inabot niya ng dahil sa lumabas sa kanyang bibig ng nagdaang gabi. Nagngangalit na nga ang bagang ko sa inis sa kanya dahil sa sinabi niya kay Angel na matanda na ako at mas bagay sila ay dinagdagan pa talaga niya.Si Sandicho ay nakababata kong kapatid sa ama at nalaman ko lang ito ng makulong ako at piyansahan ng isa din sa mga tauhan nila na nanggaling pa ng Italy ilang taon na ang nakalillipas. “Why don’t you answer?”“Manahimik ka Sandicho. Pasalamat ka at iyon lang ang inabot mo dahil higit pa doon ang gusto kong gawin sayo kung naiba-iba ka lang.”“So, that girl is really important to you huh?” tanong niya ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagbabasa sa report ng naatasan kong mamahala ng aking finances sa mga negosyong may share ako. “Brother!” sigaw na niya dahil sa inis.“Why are you still here? Hindi ba dapat ay nakabalik ka na sa tatay m
AngelHindi ako makapaniwala sa ginawa ni Salvatore sa kapatid niya. Oo nga at isang sapak lang ang binigay niya pero alam kong malakas at masakit iyon dahil na rin sa pagkakabagsak sa sahig ng lalaki.Pagkatapos ay hinila na ako ni Salvatore paakyat sa aming silid at wala naman na syempre akong magagawa non. Bakit kasi ganun ang sinabi ni Sandicho? Gulat na gulat talaga ako dahil pati ang p**e ko na nananahimik ay nadamay. Nawalan na tuloy ng gana sa akin si Salvatore dahil matapos kaming makapaglinis ng katawan ay diretso na itong matulog.“Hoy!” Napaigtad ako sa gulat. “Ano bang iniisip mo at tila wala ka sa sarili mo?” tanong ni Cecil. Nasa trabaho ako at kasalukuyang naghihintay sa order ng customer ko.“Ha? Wala naman.”“Sus, naku huwag ka ng maglihim. Ito ay payo lang ha?” sabi niya na tinanguan ko na lang kahit na alam kong wala siyang ideya sa nilalaman ng utak ko. “Ang pera kikitain yan, kung talagang hindi kaya eh di wala. Kaysa naman mabaliw ka na sa kakaisip tapos wala pa
SalvatoreDis-oras na ng gabi ng ako’y makauwi galing sa pakikipag-usap kay De Silva. Gusto ko kasing magsimula ng negosyong masasabi kong akin. Ang lahat kasi ng mga negosyong kinabibilangan ko ay hindi naman talaga sa akin at wala akong ganong kapangyarihan to decide. Isa lang ako sa mga shareholders at kahit na gustuhin kong magkaroon ng controlling share ay hindi naman pumapayag ang iba dahil nga sa hindi pa nila ako nakikita.Ako si Salvatore Ravalli at kilala sa underground sa pangalang Tore. Ang mga kaibigan kong sila De Silva, Sandejas at Roman ay mga kagaya ko rin. Sa aming apat, kami ni Sandejas ang matuturing na walang awa at walang puso para sa iba, lalo na sa mga babae, habang ang dalawa naman ay numero unong babaero.Hindi ko sinasabing hindi ako babaero, pero iba ako, kami ni Sandejas sa kanila dahil para sa amin ay hanggang kama lang sila. Samantalang kila De Silva at Roman ay may halong pag-aalala at pagkalinga kahit na hindi naman nila sineseryoso ang mga babae nakapa
AngelPagmulat ko ng aking mga mata ay ang tabi ko agad ang tinignan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala na doon si Salvatore. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maligo.Napatingin ako sa salamin ng mapadaan ako sa harap non at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng galit ng maalala ko ang nangyari kagabi. Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking pisngi, pati na rin sa aking anit at likod.Humanda lang talaga sa akin ang matandang spoiled na yon. Kapag yumaman ako ay sisiguraduhin kong mas lalo akong maganda at sexy kaysa sa kanya para mamatay siya sa inggit at insecurity.Mabilis akong kumilos para makakain ako ng almusal at ng masiguro kong maayos na ang itsura ko pagkatapos ay tsaka lang ako bumaba. Ngunit pagdating ko sa dining hall ay wala naman si Salvatore. Medyo nalungkot ako pero okay lang iyon at baka magtanong pa ng tungkol sa trabaho ko ay mahirap na.Pinaghainan ako ni Naty ng pagkain na ngayon ay nakangiti na. Nagkaroon na kami ng improvement dahil nakakausap ko
Salvatore“You know the woman?” tanong ni Sandejas na tinanguan ko naman. Tinignan niya ako ng malalim na tila hindi makapaniwala, sa buong panahon ng pagkakaibigan namin ay hindi ako ni minsan nagtanong sa kanya ng kahit na anong tungkol sa kahit na sino lalo na isang babae.“You’re telling me na ikaw ang may-ari ng restaurant na yan?” tanong ko din at tumango din naman siya.“Although hindi ko iyon ipinagkakalat and only a few knew about it. The previous owner left the country for good kahit na sobrang lakas ng restaurant nila so I bought it.”“Are you sure the owner left the country for good?” tanong kong punong puno ng pagdududa, making him laugh. Sobrang lakas.“At ano naman ang akala mo, pinatay ko? You can investigate if you want.” sabi naman niyang iiling iling. Ni hindi siya nagdamdam or nagalit man lang sa tanong and mukhang wala lang iyon sa kanya. “But I do want to investigate about that woman.”“Tumigil ka Sandejas,” sabi ko naman at tumawa ito ng malakas.“So, iba siya sa
“Maraming salamat,” sabi ni Victoria ng tuluyan ng nagtakbuhan ang mga nangharang sa kanya matapos mangako sa akin na hindi na sila uulit. Hindi sa pagmamayabang pero kahit na katorse pa lang ako ay malaki naman akong tao. Isa pa, batak ako sa trabaho kaya naman kung sa lakas at lakas rin lang ay napaka laki ng lamang ko sa kanila lalo na at mga high na nga sila sa solvent.“Walang anuman. Sa susunod, huwag kang maglalakad mag-isa.” Paano kung wala ako? Paano kung hindi ko siya nakita at sinundan? Ano na kaya ang nangyari sa kanya ngayon?“Ako nga pala si Victoria,” mahinang sabi niya na tila nahihiya pa dahil bahagya pa itong nakayuko.“Alam ko.” Bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin, “kilala ang tatay mo dito sa bayan natin kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ko alam.” Tumangotango siya na tila nalungkot. “May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?”“Ha? Wala na naman.” Nakangiti siya ng sabihin niya iyon ngunit may halong lungkot pa rin sa kanyang mga mata.“May problema ka ba? Pw
Victoria“Hija, where have you been last night?” tanong ng aking Dad matapos kong maupo sa hapagkainan. Tanghali na nga ako gumising para hindi ko siya makita ay mukhang inabangan pa niya talaga ako dahil lagpas na ang oras ng tanghalian ay ngayon pa lang din siya kumakain.“Eat with friends Dad, why?” mahinahon kong sagot sa pinaka hate kong tao sa mundo , ang aking ama na si Arturo Caloia ang kinikilalang pinakamabait na government official ng bansa.“Are you sure?” tanong niya at nakita kong nakataas ang kanyang mga kilay ng bumaling ako sa kanya ng tingin. Ayaw kasi nito na hindi nakatingin sa kanya kapag kinakausap.“Yes, Dad. Why? Did something happen?” takang tanong ko pa.“You have to be careful dahil ang kaibigan mong si Odette ay napagtrip-an ng mga kabataan, ayun nasa ospital at bugbog sarado.”“What?” Kagabi lang ay kasama ko pa siya sa pang gugulpi sa malanding waitress na yon. “Sino daw po ang gumulpi?”“Nakikinig ka ba? Sinabi ko nga mga kabataang tambay. Babae at lalaki