Share

When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)
When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)
Author: Zxoul49

Prologue

Author: Zxoul49
last update Huling Na-update: 2021-06-07 15:38:12

NIYAKAP ko siya ng mahigpit para hindi tuluyang maka-alis. Pilit mang nanlalaban para makawala ay hindi ko siya hinayaang magtagumpay.

“Cathy, please, alam kong nagkamali ako. Hindi tama ang ginawa ko sa ’yo. Pero hindi ko kayang mawala ka sa ‘kin kaya ko nagawa ang bagay na ‘yon,” ang sabi sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at pinakatitigan ang nagngangalit niyang mga mata. “Mahal na mahal kita, ‘yon ang totoo.”

Tinabig niya ang kamay ko. “Pa’no pa ako maniniwala sa ’yo! Niloko mo ako!” ang sigaw niya at humagulgol sa harap ko.

“Cut!” ang sigaw ng director. “Good job, Aaron and Noreen! It’s a good take!” ang pahayag pa nito at pumalakpak.

Nakigaya na rin ang ibang staff at crew na naroon. Pumapalakpak rin sila habang nakatingin sa aming dalawa ni Noreen.

Ngumiti at masayang nagpasalamat ang katabi kong si Noreen. Inabutan pa ito ng tissue ng Personal Assistant para ipunas sa mga luha.

Lalapitan sana ako ni Gab, nang sinenyasan kong huwag na. Umalis ako sa harap ng camera at naupo sa mono-block chair na nakalaan para sa akin. Kinuha ang script sa mesa at binasa.

“May isa pa palang scene na gagawin,” ang komento ko.

“Wala na, last scene na raw ‘yong kanina,” ang sagot ni Gab matapos sumunod sa akin. “Nasaan na naman ba ‘yang utak mo at hindi ka nakikinig sa direktor.”

“Bakit daw?” ang tanong ko at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. Nagtataka dahil may last scene pa dapat na gagawin ngayong araw.

“Bigla kasing hindi na pwede ‘yong lugar na gagamitin para sa shoot.”

“If that’s the case, balik na lang tayo sa company.” Tumayo ako at nauna nang magpunta sa van na nakaparada sa hindi kalayuan. Pumasok ako sa loob at hinintay siyang matapos sa pakikipag-usap sa mga staff, malamang dumada-moves na naman sa mga babaeng staff.

Papaalis na sana kami ng may kumatok sa bintana ng van. Nagtataka kung bakit kumakatok sa bintana si Noreen. Kahit hindi ko pa ibinababa ang bintana ay nakangiti na ito. “Hi, Aaron, pwede bang makisabay?” ang tanong niya pagbukas ko ng pinto.

“Bakit? May problema ba ang van niyo?” ang tanong ko.

Biglang lumikot ang mga mata niya at iniwas ang tingin sa akin. “Nasira ang makina, eh.”

She’s lying.

Pero hindi ko na lang pinansin at lumipat ng pwesto para makasakay siya. “Ang P.A.?” ang tanong ko.

Hindi niya ba isasama?

“Magko-commute na lang daw siya,” ang tugon niya.

“Isama na natin dahil papunta rin naman kami sa company. Saka ang dami niyang dalang gamit baka mahirapan lang siya,” ang sabi ko.

Sandali siyang nagdalawang isip pero kalaunan ay tinawag din ang kasama. “Nakakahiya, naka-abala pa kami.”

“Ayos lang, kasiya naman tayong tatlo rito,” ang komento ko at tinulungan ang P.A. ni Noreen sa paglalagay ng mga gamit sa likod.

Matapos makasakay ni Gab ay lumarga na ang sasakyan.Nilabas ko ang cellphone sa bulsa para malibang naman habang nasa biyahe.

“Ang galing nga pala nang ginawa mo kanina Aaron,” ang sabi ni Noreen.

Nilingon ko siya na nasa kabilang upuan, nakangiti sa akin. Pinakatitigan ko muna ang mukha niya bago nagpasalamat sa sinabi niyang compliment tungkol sa pag-arte ko. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang malisiyosong tingin ni Gab at nakuha pa akong pandilatan.

May kung ano-ano pang sinasabi si Noreen na hindi ko na pinansin. Kinuha ko ang earphone sa bag at saka nakinig ng music.

I don’t want to waste my time listening to her.

Matapos kong gawin iyon ay natahimik siya at tila naramdaman ang kawalang-interes ko sa kung ano mang sinasabi niya. Hindi na muli itong nag-attempt na kausapin ako.

Isang oras ang biyahe bago nakarating sa company. Ilang sandali matapos mai-park ang sasakyan ay agad nagdagsaan ang mga tao na gustong makalapit. Ang iba sa kanila ay pamilyar sa akin at marahil ay mga fans.

Mabuti at agad kumilos ang mga security guard na nagbabantay sa labas ng building at humarang sa mga taong gustong makalapit sa van.

Lumabas ng kotse si Gab at binuksan ang pinto ng van. Agad akong nakarinig nang malakas na sigawan galing sa mga fans.

Nang lumabas si Noreen ay biglang tumahimik. Pero kalaunan ay nagsigawan uli nang kumaway.

Nang bumaba ako ay agad nagkagulo. Ang daming nagtitilian at sinisigaw ang pangalan ko.

Mabilis na kumapit sa braso ko si Noreen, kaya mas lalong nagtilian ang mga fans.

May mga nakikita pa akong sign na suportado ang love-team namin.

Kahit naiinis ay ngumiti na lang ako at kumaway sa mga fans. Nagpasalamat sa walang sawang pagsuporta sa akin.

Nang makapasok sa loob ng building ay nilayo ko ang braso sa kanya at dinala siya sa lugar na walang masiyadong tao na dumaraan.

“Ano ‘yong nasa labas? Ba’t ang daming tao at fans?” ang tanong ko.

“I don’t know,” ang sagot niya na hindi makatingin sa akin.

“Plano mo ba ‘to?” puno ng pagdududa.

“Anong sinasabi mo?” muling lumikot ang mga mata. “Anong plano ang tinutukoy mo?” ang pagmamaang-maangan pa niya.

“I know you, Noreen. Kaya hindi mo ako madadaan sa pagkukunwari mo.”

Sa isang-iglap ay nagbago ang tingin niya. Hindi ko matukoy kung ano… Galit? Lungkot? Hindi ako sigurado.

Lumapit siya sa akin at isinandal ang ulo sa dibdib ko. Ipinulupot ang dalawang kamay sa aking bewang.

“Ba’t gan’yan ka sa ‘kin? Gusto lang naman kitang makasama,” ang bulong niya at ramdam ko ang sakit sa tono ng boses.

Napabuga na lang ako ng hangin dahil pagod na akong makipagtalo sa kanya. Hahayaan na lang sana siyang yumakap sandali nang biglang napadaan si Chris. Kunot-noo itong nakatingin sa aming dalawa ni Noreen kaya bahagya ko siyang inilayo.

Nang mawala na sa paningin ko si Chris ay saka ako nagsalita, “Matagal na tayong tapos, Noreen.”

Mariin niyang nakagat ang labi upang pigilan ang maiyak. “Pero ako naman ang mahal mo,” niyakap niya akong muli. “Please, Aaron tayo na lang uli,” ang bulong niya na bahagyang gumaralgal ang boses. Tumulo ang luha niya sa mata. Nasasaktan.

Inalis ko ang kamay niyang nakayakap sa akin. “I’m sorry,” ang sagot ko at iniwan siya roon.

MATAPOS mag-shower ay nagpunta ako sa kusina. Kumuha ng maiinom.

Binalikan ko ang cellphone sa kuwarto at tinawagan si Gab.

“Ibili mo ako ng dinner,” agad kong utos pagkasagot niya sa tawag. Hindi ko na hinintay pang makasagot at pinatay agad ang tawag.

Sigurado akong manggagalaiti na naman iyon sa galit dahil inutusan ko na naman.

Kumuha ako ng damit at nagbihis. Pagkatapos ay nagpunta sa sala habang hinihintay si Gab nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Agad akong napangiti ng makita ang pangalan niya sa screen.

“Hello?” ang sagot ko sa kabilang linya.

“Aaron, where are you now?” ang tanong niya.

Pumikit muna ako at dinama ang pagkakasabi niya ng pangalan ko. “Sa bahay,” ang sagot ko pagkatapos.

“Okay,” ang sagot niya. “Sige, ibababa ko na ‘to.”—no, wait!

Gusto ko pa siyang kausapin ng matagal pero binaba na niya ang tawag.

Balak ko sana siyang tawagan nang bumukas ang pinto at pumasok si Gab, dala ang pagkain ko.

“Sir, ito na po, ang dinner niyo,” ang sabi ni Gab at pagkatapos ay inambahan akong sasakalin na mabilis ko namang napigilan. “Tar*ntado ka! Ilang beses ko ng sinabi sa ‘yong ‘wag mo kong mautos-utusan. Manager mo ako, manager!”

Pilit akong gustong sakalin ni Gab pero hindi ko siya hinayaan. Nagpambuno kami sa sala.

Nasa ganoon kaming sitwasiyon ng bumukas ang pinto at narinig ang matinis nilang boses.

“Daddy!”

***<[°o°]>***

Kaugnay na kabanata

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 1

    ILANG minuto ko ng tinititigan ang mukha ni Noreen habang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ilang beses ko na siyang hinalikan sa pisngi at labi pero hindi pa rin magising-gising. Mukhang napagod talaga siya kagabi.Napapangiti ako habang iniisip kung gaano ka swerte dahil kasama ko siya at katabi. Ang babaeng ilang taon ko ng pinapangarap...[Past]LUMABAS ako ng bahay para maglaro sa may malapit na court. Dala ko ang laruang bola at patakbong nagtungo roon nang mapahinto.May nakaagaw kasi ng aking pansin. Isang batang babae na malusog at mas matangkad pa sa akin.Sa tabi nito ang isang pink na bike. Pero sa halip na sakyan ay hila-hila niya lang ito. Tinitigan ko ito pero ilang sandali ay hindi rin nakatiis at lumapit na."Sa 'yo 'yan?" ang tanong ko."Oo, bakit?" ang sagot nito."Ba't hindi mo sinasakyan?" ang tanong ko at nag-dribble nang isang

    Huling Na-update : 2021-06-07
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 2

    PAGKABABA sa kotse ay si Gab agad ang bumungad sa akin. Halatang galit na galit at gusto na akong saktan.Tinignan ko ang oras sa suot na relo. “Hindi ako late,” ang sabi ko sa kanya.“Tang*na mo!” isang malutong na mura ang sinagot niya sa akin. Buti na lang at pabulong niya iyong sinabi dahil baka marinig siya ng staff na nasa paligid.“Bakit na naman?!” ang reklamo mo.Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko na kulang na lang ay baliin. “Ngumiti ka,” ang utos niya sa akin.Kahit gustong-gusto ko ng mapaaray sa sakit ng pagkakahawak niya ay sumunod ako. “Masakit, gag*!” ang pabulong kong reklamo. Gusto nang tanggalin ang kamay niya.“’Di ba sabi ko sa ‘yo ‘wag mo munang puntahan ‘yang babae mo… putulan kita ng ano r’yan, eh, makita mo.”“May

    Huling Na-update : 2021-06-07
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 3

    PATAPOS na ang pag-aayos sa akin nang pumasok sa dressing room si Jackson—my co-artist in T. R. Entertainment. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit mainit ang dugo niya sa akin. Para siyang si Gab. “Kumusta?” ang bati nito at naupo sa tabi ko. Pasimpleng inaayos ang buhok sa harap ng salamin. “Ayos lang.” “Galingan natin mamaya sa show,” ang sabi niya at naupo pakaliwa para ibigay sa akin ang buong atensiyon. “Tapos na po,” ang singit ng make-up artist kaya agad kong sinenyasan na maari na itong umalis. Hinintay ko lang na maisara nito ang pinto at saka ko hinarap si Jackson. “Ano na naman ang trip mo?” “Wala, gusto lang kitang kausapin.” Habang may ngiting nakakaloko. “’Wag na tayong maglokohan… anong kailangan mo?” Hindi ko gusto ang pinapakita niyang ngiti. Umismid siya at kalaunan ay natawa. “

    Huling Na-update : 2021-06-07
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 4

    MAINGAY ang gabi at puro mga sasakyan ang nakikita ko sa labas ng van. May kasama ako pero bakit tila hindi ko marinig ang lahat na tila napakatahimik… pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Tumatakbo naman ang oras pero bakit tila nakahinto ang lahat.“Sa bahay tayo,” ang utos ko sa driver. Gusto ko munang umuwi kay Mama ngayong gabi. Gusto ko siyang makita at makasama.“Masiyado ng gabi para umuwi ka pa sa inyo. Maaga pa tayo bukas,” ang sabi ni Gab.“Sunduin mo na lang ako bukas.”“Ang layo-layo kaya—“ nahinto siya nang tignan ko… at mukhang naintindihan naman niya ang pinahihiwatig ko. “Bahala ka na nga, basta maaga kang gumising bukas para hindi mo na ako maabala pa ng husto.”Tumango ako at pagkatapos ay pumikit. Hindi ko napansin na nakatulog ako sa biyahe kung hindi lang ako ginising ni Gab.&l

    Huling Na-update : 2021-06-07
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 5

    (Past)SOBRANG saya ko pauwi. Tumambay kasi ako sa bahay ng classmate ko para makinuod ng anime movie na ibinida niya kanina sa school.“’Ma! Andito na ako… may kwento ako sa ‘yo,” ang sigaw ko pagpasok sa bahay. “Alam mo kanina nanuod ako nang—“ bigla akong nahinto nang may maapakan.Pinulot ang naapakan na damit ni Papa sa sahig. “’Ma?” ang tawag ko. “’Pa?” pero nahinto ako nang makita si Mama na umiiyak sa may sahig.Lumapit ako at tinanong siya kung anong nangyari pero tanging mga hikbi niya lang ang naisagot.Wala akong nagawa kundi ang umiyak rin kahit hindi ko naman alam kung ano ang nangyayari. Umiiyak si Mama sa dahilang hindi ko alam… at umiiyak rin ako dahil nakakaiyak ang mga hagulgol niya.Matapos niyang umiyak ay tumayo siya at nagluto ng pagkain para sa akin. Pagkatap

    Huling Na-update : 2021-06-07
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 6

    (Past)HINDI nagtagal ay naging desperado ako sa buhay. Sa kagustuhan kong magkaroon ng pera para matulungan si Mama ay pumasok ako sa masamang gawain.Marahas akong hinila ng kasama ko. “Hoy, baguhan… alam kong first time mo ‘to pero bawal ang bahag ang buntot dito kaya ayusin mo,” ang bulong nito sa akin. Marahas ako nitong kinuwelyuhan sabay turo sa isang lalake. “Nakikita mo ‘yong lalakeng ‘yon?... ‘Yong mataba at nakasuot ng amerikano. Mukhang mayaman kaya gusto ko kunin mo ‘yong wallet niya,” ang utos nito sabay tulak sa akin paabante. “Ayusin mo, ha. Hihintayin kita sa kabila.”Lumingon ako sa kasama ko. Kahit na training na kami para rito ay hindi ko maiwasang kabahan.Tinapik niya lang ang balikat ko saka lumayo sa akin para hintayin ako sa kabilang kalsada.Huminga ako ng malalim para lakasan ang loob sa gagawin. Wala n

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 7

    UMIINOM ako ng kape habang hinihintay ang producer na makapag-decide sa final set-up ng new show na pinaplano ng management.Mahigit isang oras ng nagdi-discuss pero hindi pa rin sila makahanap ng ipapalit sa isa sa mga judges na ni-reject ang offer dahil sa schedule conflict.Isa ako sa mga napili nila at agad ko namang tinanggap ang offer. Kahit dito man lang, connected pa rin ako sa propesiyon na hindi ko na mababalikan.Ilang sandali lang ay naayos na nila ang problema at may papalit ng judge. Binaba ko ang iniinom na malapit ng maubos at pinakinggan ang sinasabi ng isa sa mga staff."Ito ang mga list ng contestants na magpa-participate sa competition." Isa-isa nitong binigay ang list at saka kami pinapanuod ng mga audition videos.Tinignan ko ang list at saka nagtanong, "50 lahat?""Sila lahat ang mga male trainees natin. Pero pipili lang kayo ng 25 na papasok sa elim

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 8

    BIGLA akong napabangon nang makaramdam ang sakit sa likod. Agad kong nilingon kung sino mang walangh*yang sumuntok sa akin."Tang—""Oo! Ina mo rin!""Anong problema mo?!" ang tanong ko sa kanya.Kinuha niya ang unan sa tabi at hinampas sa ulo ko. "Hindi ka nagtatanda!" hampas ulit. "May nakakita sa 'yo kagabi!" hampas ulit pero this time sinalag ko na.Nag-agawan pa kami ng subukan kong kunin sa kanya ang hawak."Ano ba! Ang sakit-sakit na!" ang reklamo ko at nagawang maagaw ang unan at mabilis na hinagis sa labas ng bintana. Wala sanang matamaang tao sa ibaba.Napatalikod si Gab sa akin at may kung ano-anong binubulong sa sarili. Tumitingala pa at parang nagdadasal.Bahagya akong lumapit para marinig siya pero agad ring napaatras nang marinig ang binubulong."Pumangit sana siya, umitim at bumaho, para iwan siya."

    Huling Na-update : 2021-06-14

Pinakabagong kabanata

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Epilogue

    [Thalia’s Pov] UNANG HAKBANG, hingang malalim. Pangalawang hakbang, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at sa pangatlo ay halos tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang feeling kapag naglalakad na sa aisle tapos nasa dulo ang taong minamahal mo, naghihintay. Marami ang nakatingin sa akin pero nasa kanya lang ang atensiyon, hindi inaalis ang tingin kay Aaron. Nang nasa tapat na niya ako ay hinarap ko si Daddy na kanina pa iyak nang iyak. Kailan ko nga unang nakitang umiyak si Daddy? Ah, no’ng nalaman niyang buntis ako sa kambal. Umiyak siya dahil hindi niya akalaing maaga siyang magkakaroon ng apo. Pareho silang umiyak ni Mommy no’ng time na iyon. Ramdam na ramdam ko ang init nang yakap niya. “Masaya ako para sa ‘yo Thalia.” “Thank you Dad.” Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka pinasa kay Aaron. “Ilang beses ko nang sinabi ‘to, pero nagpapasalamat ako kasi ikaw ang magiging katuwang ni Thalia.

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 60

    MAHIGPIT na yakap ang natanggap ko matapos yakapin ni Noreen si Thalia. Nang matapos kasi kaming mag-usap ay lumipat kami sa office ni Mr. Ben at sandali niyang kinausap si Thalia o tamang sabihin na humingi ng tawad.“So, pa’no, kailangan ko nang umalis bago pa bumalik ang mga employee from lunch,” aniya.“Mag-iingat ka.”“Thank you, and congratulations—“ humugot muna siya nang malalim na hininga. “Sa kasal mo,” ang pigil hininga niyang patuloy. “Sorry, medyo mahirap pa rin kasing tanggapin na ikakasal ka na sa i—ba.” At bahagyang napatingin kay Thalia.Pero sa halip na mailang ay muli lang yumakap si Thalia sa kanya. “Sorry talaga Ate Noreen.”“Okay lang, matatanggap ko rin paunti-unti saka alam ko namang nasa mabuting kamay si Aaron, sasaya siya nang sobra sa ‘yo,” bahagya siyang lumayo kay Thalia. “Sige, aalis na ‘ko, maraming

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 59

    ISANG LINGGO ang nakalipas at halos hindi na ako gaanong pinag-uusapan ng lahat. Nakakalabas na ako kasama si Thalia at ang mga bata. Paminsan-minsan ay pinagtitinginan pero hindi ko na iyon pinapansin. Ang mahalaga ay nakakasama ko na sila na walang inaalala na baka may makakita. Sa trabaho naman ay medyo nabawasan ang mga project dahil sa issue pero ayos lang, sulit naman dahil kapag free time ay agad akong pumupunta sa mga bata para makipaglaro. Sana pala ay matagal ko nang inamin sa publiko ito para hindi nasasayang ang mga oras na pwede ko pala silang makasama nang hindi nagtatago. Hawak sa magkabilang kamay sina Theo at Timothy ay pinuntahan namin si Thalia. Gusto kasi ng dalawa na makasamang mag-lunch ang ina. Dahil sa trabaho ay hindi na sila nagkakasamang mananghalian at namimiss na nila ito. “Maghintay na lang muna tayo sa office ni Lolo habang wala pang-LUNCH break, ‘kay?” ang sabi ko sa kanila habang nasa elevator. Pero mabilis ang

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 58

    PARANG BULA na nakalimutan ng mga tao ang pag-alis ni Noreen sa showbiz at napalitan ng panibagong nakakagulat na balita. Sa loob lang ng ilang oras matapos kong sabihin sa buong mundo na may relasiyon kami ni Thalia at may mga anak kami ay nag-trending agad ako. Nag-top rin sa most search celebrities at pati pangalan ni Thalia ay most search rin. Ang daming curious kung paano nangyaring naging kami ng ganoon katagal ng hindi alam ng publiko. Sa pagsikat ng araw ay dumagsa pang lalo ang mga reporter sa labas ng subdivision. Nahirapan ngang makalusot si Gab kahit sobrang aga niyang nagpunta. “Coffee lang ang ma-i-o-offer ko,” ang sabi ko sa kanya sabay lapag ng kape sa table dahil kagigising rin lang ng mga katulong. “Kalmado ka ata ngayon? Ibang-iba sa labas bago ako makarating rito. Halos dumugin ang kotse ko para makakuha ng interview.” “Ewan ko ba, gan’to siguro talaga kapag walang inililihim,” ang tugon ko at hindi maawat ang sarili sa pag

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 57

    KAUNTING gasgas sa kamay at tuhod ang tinamo ni Thalia matapos ko siyang maitayo. Walang tigil rin ang pasasalamat ko sa driver ng kotse na mabilis nakapreno. Kung hindi lang naging mabilis ang reflexes nito ay hindi ko na alam ang gagawin. Maingat kong inalalayan papunta sa tabi ng kalsada si Thalia na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Sobra siyang na-shock kaya niyakap ko siya nang mahigpit. “Okay lang, 'wag ka ng matakot. Nandito na ako,” ang bulong. Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Tanging si Thalia lang ang inaalala ko. Pero parang mahirap hindi pansinin ang mga taong nakapalibot lalo na sa mga kumukuha sa amin ng walang paalam. “Please! Kunting respeto naman, ‘wag niyo kaming kunan!” ang sigaw ko habang pilit tinatakpan ang ulo ni Thalia para hindi makunan. Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang boses ni Mr. Ben, “Aaron, anong nangyari?” mabilis itong nakalapit sa amin at tiningnan si Thalia na mabilis umiyak nang makita ang ama

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 56

    MATAPOS ang pag-uusap namin ni Gab sa cellphone ay si Thalia naman ang sunod na tumawag. Puno ng pag-aalala ang boses niya at sa tingin ko ay naiiyak siya kahit hindi ko naman nakikita. Garalgal at sumisinghot-singhot na kasi siya.“I’m must be there with you.”“Mas lalo lang akong mahihirapan kung nandito ka dahil si Mama pa lang ay hirap na ako. Iyak nang iyak, ‘di ko nga alam kung nakatulog na nga ba ‘yun sa kwarto,” ang sagot ko.“Natatakot ako para sa ‘yo Aaron. What if dito ka muna sa bahay? Mas secured rito, isaman mo na rin si Tita at mga katulong niyo sa bahay.”“May nagbabantay na sa amin ditong pulis kaya ayos lang talaga, ang mga bata?”“Natutulog na, mabuti na nga lang at tulog na ang mga ito nang ibalita sa TV ang nangyari, kundi ay magpupumilit ang mga ‘yun na puntahan ka.”Mariin akong napapikit nang sumagi sa isip ko sina Theo at Timoth

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 55

    SA ILANG ARAW na nagdaan ay sunod-sunod ang mga issue kong pilit inaayos ng company. Ang management, lalo na si Miss Kaye ay problemado dahil sa biglaang pag-terminate ni Noreen ng contract. Pati ang mga guesting namin na magkasama sa TV show at pag-promote ay apektado. Sa pagkakaalam ko ay nakiusap ang management kay Noreen na huwag muna nitong i-terminate ang kontrata. Pero buo na raw ang desisiyon ni Noreen kahit magbayad pa ito ng penalty dahil sa breach of contract.Hindi lang iyon, dahil kahapon lang ay nag-post si Noreen sa social media na magku-quit na siya sa pag-aartista. At dahil dito ay maraming nagkalat na speculation tungkol sa biglaan niyang pag-alis. Marami raw Journalist ang gusto siyang kausapin dahil dito.Idagdag pa na hinahanda rin ng management ang dapat gawin sa oras na may lumabas na balitang involve ang pangalan ko kay Noreen.“Wala ka bang ganang kumain?” ang tanong ni Mama. Narito kami ngayon sa dining area, nag-aalmusal.

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 54

    DIRETSO ang tingin ko kay Miss Kaye na gulat na gulat sa sinabi ko. Ang alam lang kasi niya ay may relasiyon kami ni Thalia. Hindi niya akalaing magpapakasal na kami. Nang matauhan sa pagkabigla ay saka naman siya naupo.Ilang sandaling natahimik ang buong paligid at wala man lang naglakas-loob na magsalita.“Kaya sana, 'wag niyo ng ipagawa sa 'kin ang gan'to,” ako na ang kusang pumutol ng katahimikan.“Okay, hindi ko na ipagpipilitan ang plano. Pero sana, gawin niyo ang dapat gawin para i-promote ang drama at loveteam niyo,” ani Miss Kaye. “’Yun lang, pwede na kayong umalis.”Matapos niya itong sabihin ay agad na akong lumabas ng office. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naharang ako ni Noreen. “Totoo b-ba?” may nginig sa boses at namumuo na ang luha sa mga mata.Hindi man eksakto ang tanong niya pero alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Oo.”Mariin siyang napapikit a

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 53

    HABANG yakap siya ay bigla na lang bumukas ang pinto at patakbong pumasok ang mga bata kasunod si Mr. Ben, tita Lea at pati na rin si Mama.Pumasok sila sa kwarto nang makita sa CCTV na nag-yes na si Thalia.Pero akala ko ay sila lang pero sunod na lang na pumasok ay sina Gab, Kim, Jackson pati si Papa at Jimson. Mukhang pinaalam ni Mr. Ben at Mama ang gagawin ko ngayon kaya sila narito.“Congratulations,” ani Kim at saka ako niyakap.“Thank you,” ang tugon ko pagkatapos ay kay Jackson naman ibinaling ang tingin. Nakipag-apir ako sabay tapik sa likod niya. “Nakapunta ka.”“Congrats, uunahan mo pa 'ko.”“Ang hina mo kasi, e,” ang biro ko sa kanya. Pagkatapos ay napatingin sa ibaba nang mapansin si Theo na nakatingala sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko, tinatanong kung anong kailangan niya.“Mommy cried,” ang sumbong ni Theo.“Tears of joy 'yun,” ang tugon ko

DMCA.com Protection Status