UMIINOM ako ng kape habang hinihintay ang producer na makapag-decide sa final set-up ng new show na pinaplano ng management.
Mahigit isang oras ng nagdi-discuss pero hindi pa rin sila makahanap ng ipapalit sa isa sa mga judges na ni-reject ang offer dahil sa schedule conflict.
Isa ako sa mga napili nila at agad ko namang tinanggap ang offer. Kahit dito man lang, connected pa rin ako sa propesiyon na hindi ko na mababalikan.
Ilang sandali lang ay naayos na nila ang problema at may papalit ng judge. Binaba ko ang iniinom na malapit ng maubos at pinakinggan ang sinasabi ng isa sa mga staff.
"Ito ang mga list ng contestants na magpa-participate sa competition." Isa-isa nitong binigay ang list at saka kami pinapanuod ng mga audition videos.
Tinignan ko ang list at saka nagtanong, "50 lahat?"
"Sila lahat ang mga male trainees natin. Pero pipili lang kayo ng 25 na papasok sa elimination round."
Muli kong tinignan ang list na may picture at information. Mula rito sa mga trainees na ito ang bubuo sa pinaplanong boygroup ng company.
Binalik ko ang tingin sa TV screen kung saan makikita ang performance ng mga trainees. May mga magagaling at meron namang kailangan pang hasain nang mabuti.
Mayroong magaling sa pagkanta at pagsayaw. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang isang trainee na kinanta ang debut song ko.
Sobrang stable ng pag-deliver niya lalo na sa high notes. Mas mataas pa nga ata ang boses niya kay sa sa akin noong kaya ko pa.
Agad kong hinanap ang information nito. "Christian Tan?" Bahagya pang nanlaki ang mata ko ng makitang 2 months pa lang siya sa company.
"Okay lang ba kung pumili na ako?" ang tanong ko. Hindi pa kasi kompleto ang mga judges, pero gusto ko ng piliin itong Christian na ito.
Baka makuha pa ng iba lalo na at kami ring mga judges ang magiging mentor sa competition. Gusto kong i-handle ang trainee na ito.
Dahil para sa akin ay hindi dapat pinapakawalan ang ganito ka talented na tao.
PINAG-AARALAN ko pa ang mga napili kong trainee nang pumasok si Gab. Lumapit ito sa staff at may kung anong binulong.
Nang tumingin sa akin ay nagtanong ako pero ang walangh*ya, hindi man lang ako pinakinggan at sumenyas lang sa labas.
"May taping ka pa," ang sagot nito kalaunan nang hindi ako kumilos.
Sumunod ako sa kanya sa labas. Mukhang nagmamadali siya dahil hinila niya ako papasok sa elevator.
"Ba't biglang may taping ako?"
"Gag* kasi 'yong isang staff... hindi pinaalam sa 'tin. Kahit 'yong manager ni Kim hindi rin alam na may taping pala."
Hindi na lang ako nagsalita kahit nakakainis nga. Ayokong sabayan ang yamot ni Gab.
Napatingala na lang tuloy ako... sayang, akala ko ay wala na akong trabaho after ng meeting.
"Ay, putek! Naiwan ko pa 'yong gamit mo sa taas... bw*sit talaga 'yong staff na 'yon! Kasalanan niya pero tayo pinupurwesiyo."
Muling sumakay si Gab sa elevator para kunin ang gamit ko.
Habang naghihintay ay napansin ko si Thalia sa labas ng studio kung saan nagti-training ang mga trainees.
In-obserbahan ko lang siya. Hanggang sa may lumabas na lalake sa studio. Namukhaan ko agad kung sino ito.
Christian Tan.
Lumapit ito kay Thalia at ginulo ang buhok. Napataas ang kilay ko sa closeness nila. Baka ito na iyong bagong crush niya. Hindi na kasi nahihiya kapag nagkikita kami.
Pinagmasdan ko lang silang dalawa habang nagkukulitan. Napangisi pa ako ng pinunas nito ang pawis sa damit ni Thalia.
Bagay silang dalawa. Ang cute nilang tignan.
MAGANA kong kinakain ang lunch nang maupo si Kim sa harap ko.
"Pa-share ng table," ang sabi niya at nilapag ang pagkain.
Agad kong napansin na wala siya sa mood. Hindi naman siya ganito kanina habang nagsu-shoot kami.
Baka may nangyaring masama.
"An'yare sa 'yo?" ang tanong ko.
Nahinto siya sa pagsubo at tinignan ako. "Ba't ganyan kayong mga lalake? Nagkukunwari kayong hindi niyo alam na may mali kayong nagawa."
Agad akong nag-react sa sinabi niya. "Oh, ba't nadamay ako?"
Nanliit ang mata niya saka tila may na-realize. "Ay, tama, good boy ka nga pala. Nasaan na si Manager Gab? Siya na lang ang tatanungin ko." Sabay lingon sa paligid. Hinahanap si Gab.
"'Wag mo nang subukan kung ayaw mong makatikim. Kanina pa mainit ang ulo no'n."
"Nakakainis kasi, eh," ang reklamo niya. "We've been in this relationship since college days. Last year nakalimutan niya 'yong anniversary namin. Tapos nakalimutan niya ulit this year. Nagpaparinig ako sa kanya, pero hindi niya nagi-gets 'yong sinasabi ko. I think, hindi na niya ako mahal."
"Nasa utak mo lang 'yan. Sa dami ng ginagawa ng boyfriend mo? Lawyer siya kaya hindi malabong may makalimutan siyang special occasion."
"Pero nagbibigay naman ako ng hints sa kanya last month pa lang."
"Dapat sinabi mo ng diretso, hindi 'yong papahulaan mo pa siya kung anong tinutukoy mo. Hindi siya manghuhula... Lawyer siya, lawyer."
"You're not helping at all. Dapat suportahan mo man lang ako."
"I do support you... but not this."
Sinamaan niya ako ng tingin saka hinampas ang braso pero tumawa lang ako sa ginawa niya.
"Sana mag-suffer ka rin tulad ko," ang banta niya.
Pero malabong mangyari iyon. Noreen and I treasure every little things. Ni minsan ay wala siyang nakalimutan na mahahalagang bagay o okasiyon tungkol sa relasiyon namin.
She's the best girlfriend I ever had. And soon... my other-half.
"'Wag kang panira sa love life ko."
Napangisi siya sa sinabi ko. "Ipakilala mo naman kasi sa 'kin. Curious na curious na akong ma-meet ang girlfriend mo."
"Soon."
Napatili siya at hinampas ang braso ko. Ilang beses na niyang ni-request sa akin na ipakilala ko si Noreen after kong sabihin ang tungkol dito. Pero hindi ko lang matiyempuhan. Parehong hectic ang mga schedule kaya walang oras para mag-set ng meet-up.
"Excited na akong makilala siya personally."
Ako rin... excited na akong ipakilala siya sa lahat. At sisiguraduhin kong mangyayari iyon.
PABAGSAK akong naupo sa sofa. Sinulyapan ko si Gab na binababa ang iba kong gamit.
Nang lumingon siya sa akin ay pumikit ako at nagkunwaring inaantok.
"Matulog ka na kung inaantok ka," ang bilin niya. "Uuwi na rin ako pagkatapos ko rito."
Tumango lang ako at pagod na pumasok sa kwarto. Pagkasara ng pinto ay umayos ako ng tayo at dinikit ang ulo sa may pinto. Pinakikinggan kung nakaalis na ba si Gab.
Ilang sandali lang ay wala na akong naririnig mula sa labas kaya sumilip ako. Nang makumpermang wala na nga siya ay agad kong kinuha ang susi ng kotse.
Pupuntahan ko si Noreen. Namimiss ko na siya.
Ilang weeks ko na kasi siyang hindi nakikita. Hindi sapat ang tawag at chat lang, gustong-gusto ko na talaga siyang makita at mayakap.
Iniwasan kong magmadali at baka hindi pa tuluyang nakakaalis ang van at mahuli ako ni Gab.
Pasilip-silip ako mula sa pwesto kung saan ay nakita kong sumakay na siya sa van. At ilang sandali nga lang ay umalis na ito.
Hudyat ko na iyon para pumunta sa naka-park kong kotse at umalis para puntahan si Noreen.
Habang nasa daan ay biglang tumawag si Gab. Agad akong nataranta at biglang napa-preno.
Sandaling natigilan at nang matauhan ay itinabi saglit ang sasakyan.
Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tawag.
"Ang tagal mo atang sagutin... nagising ba kita?"
"A-ah... oo, nakatulog na ako, ba't ka nga pala napatawag?"
"Sinungaling! Naka-on ang GPS mo. Sa'n ka na naman pupunta?!"
"N-nasa condo ako, oy!"
"Condo?! Eh, kung bumalik kaya ako?"
Agad akong nataranta at nasabi sa kanya ang totoo. "Miss ko na siya, Gab!"
"Wala akong pake! Basta bumalik ka!"
"Bahala ka basta pupuntahan ko siya ngayon."
"Subukan mo lang!"
"Sige, bye~" at in-end na ang call sabay off sa cellphone.
Ilang beses na niya akong pinagbantaan pero buhay pa rin naman ako hanggang ngayon. Wala ring nabaling buto at gasgas sa balat. Kaya hindi na uubra mga banta niya.
Alam kong pinag-iingat niya lang ako. Dahil marami talagang paparazzi sa paligid.
Pero si Noreen kasi pinag-uusapan dito! Kahit pa ata bumagyo ay walang makakapigil sa akin para makita ito.
Malapit na ako sa apartment, mga limang kalye na lang nang mapansin na may nakasunod na kotse sa akin.
Pinakatitigan ko ito sa rearview mirror. Itim na kotse... at sa tingin ko ay kinukuhanan ako ng picture. May napapansin kasi akong nagpa-flash.
Kaya imbis na magpatuloy ay agad akong lumiko sa ibang direksiyon.
Kailangan ko munang iligaw ang isang ito. Nagawan ko ng paraan ang kay Gab, kaya hindi ako makakapayag na dahil lang sa isang asungot na bubuntot-buntot ay hindi ko makita ang girlfriend ko!
Ilang beses akong nagpaliko-liko sa mga kalye. Mabuti na lang at kabisado ko ang lugar.
At nang masigurong nailigaw ko na ang kotseng sumusunod ay saka ko in-on ang cellphone. Sunod-sunod ang pag-beep, mga messages ni Gab.
P-in-ark ko ang kotse sa bakanteng lote at saka tinakpan para walang makakilala kung sakaling tinandaan man ng sumusunod sa akin ang sasakyan ko.
Lagi kong pina-park ang kotse rito at saka nilalakad ang papunta sa apartment. Suot ang jacket at round cap ay nakayuko akong naglakad.
Muling nag-beep ang cellphone pero hindi ko na lang pinansin... puro mura lang naman ang first word sa mga message niya.
D-in-ail ko ang number ni Noreen.
"Aaron," ang lambing nang pagkakasabi niya.
"I miss you, papunta nga pala ako d'yan," ang sabi ko at lumiko kung saan ay isang kalye na lang ang layo ko sa kanya.
"I miss you too, sige, hihintayin kita."
Kahit hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko naman sa boses na excited siyang parating na ako.
Ako rin Noreen, excited na akong makita ka at mayakap.
***<[°o°]>***
BIGLA akong napabangon nang makaramdam ang sakit sa likod. Agad kong nilingon kung sino mang walangh*yang sumuntok sa akin."Tang—""Oo! Ina mo rin!""Anong problema mo?!" ang tanong ko sa kanya.Kinuha niya ang unan sa tabi at hinampas sa ulo ko. "Hindi ka nagtatanda!" hampas ulit. "May nakakita sa 'yo kagabi!" hampas ulit pero this time sinalag ko na.Nag-agawan pa kami ng subukan kong kunin sa kanya ang hawak."Ano ba! Ang sakit-sakit na!" ang reklamo ko at nagawang maagaw ang unan at mabilis na hinagis sa labas ng bintana. Wala sanang matamaang tao sa ibaba.Napatalikod si Gab sa akin at may kung ano-anong binubulong sa sarili. Tumitingala pa at parang nagdadasal.Bahagya akong lumapit para marinig siya pero agad ring napaatras nang marinig ang binubulong."Pumangit sana siya, umitim at bumaho, para iwan siya."
NAKATULALA at iniisip si Noreen. Kanina ay nagkasalubong kami sa elevator pero hindi namin makuhang mag-usap dahil may ibang tao."May problema?" ang tanong ni Gab matapos tapikin ang balikat ko.Umiling ako bilang sagot."Oh, by the way, gusto ng management na gawan ka ng documentary project for your 10th year anniversary.""Documentary?""Yup, your life before and now.""I don't like it," mauungkat na naman ang buhay ko noon. "Pwedeng pass na lang? Pwede namang i-celebrate ang 10th year anniversary ko ng walang ganyan.""Pero nakarating na sa taas at pumayag si Mr. Ben."Of course, dahil sa tulong nito ay hindi ako magiging si Aaron ngayon."Yeah, gustong-gusto pa naman ni Mr. Ben na nakikita sa camera," ang komento ko at natawa."Laging nagri-replay sa utak ko ang boses niya kapag sinasabi niyang pinang
MALAMIG sa loob ng venue kung saan sinu-shoot ang first episode ng 'Fly, Aim High' para sa mga trainees na napili namin. Komportable rin ang pagkakaupo ko habang pinapanuod mag-perform ang bawat isa sa stage.Hindi ito ang unang beses na nag-judge ako sa mga shows pero hindi ko alam kung bakit parang kabado ako.First round pa lang ay nagpakitang gilas na ang mga trainees at talagang ang intense ng atmosphere.Masiyadong ginalingan na tipong kaming mga judge ay nahihirapan kung sino ang pipiliin at kung sino ang mai-eliminate."Maganda 'yung pinakita niyang performance pero nakulangan ako sa vocals. Medyo unstable ang boses niya," ang komento ko. Nag-uusap kaming limang judges kung sino-sino ang mga napili namin para mag-level up sa 2nd round."Kinapos na siya ng hininga dahil masiyadong maraming movements ang ginawa niya," ang komento naman ni Mr. Jake— mentor sa dance unit.
DALAWANG ORAS na akong nandito sa resort na aking pagmamay-ari. Dahil wala naman akong trabahong naka-schedule ngayon hanggang bukas ay naisipan kong pumunta rito at para na rin makasama si Noreen.Namimiss ko na siya.Kahapon ay tinawagan ko siya at sinabi ang plano na agad namang nitong nagustuhan. Mas nauna nga lang ako rito para ayusin ang resthouse. Walang ibang tao rito maliban sa caretaker na linggo-linggo kung pumunta at maglinis.Malinis naman ang kwarto pero pinalitan ko ang bedsheet para makasiguradong walang alikabok. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng ugong. May paparating na bangga.Dali-dali kong kinuha ang shades at saka lumabas para abangan si Noreen.Sigurado akong siya na ang dumating dahil wala namang magpupunta rito ng walang approval ko.Malayo pa lang ay tanaw ko na ang papahintong bangga. Dumaong ito at saka tinulungan ng bangkero na makababa si
BAHAGYA kong minulat ang mga mata matapos marinig ang ringtone ng cellphone. Dumaing nang maistorbo dahil sa tunog. Kahit inaantok pa ay kinuha ko ang cellphone para saguting kong sino mang tumatawag.Biglang nawala ang antok ko ng makita ang caller ID. Si Noreen.Nakangiti akong sinagot ang tawag, "Good morning.""A-aaron..."Nahalata ko agad ang kaba sa boses niya. "Bakit? Anong problema?"Napalingon ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Gab. Halata ang inis sa mukha."Sinong kausap mo?" ang tanong niya at mabilis na kinuha ang cellphone ko. "Bawal kang sumagot ng kahit na anong tawag.""Ano bang problema? Kausap ko lang si Noreen." Tumayo ako at kinuha sa kanya ang cellphone pero na-end na niya ang call. Kainis!"May idea ka ba sa nangyayari ngayon?"Marahas akong napakamot sa ulo. "Kagigising ko lang okay? Nagising ng
HINAGIS ko sa kama ang cellphone matapos mabasa ang comment ng netizen sa post ng company tungkol sa issue. Pinaliwanag na roon sa post ang dahilan kung bakit kami na-picture-an ng magkasama.Hindi na importante sa akin kung maniwala sila o hindi. Ang sa akin lang ay bakit kailangan pa nilang magsalita ng hindi magagandang bagay tungkol kay Noreen?'Ang kapal ng mukhang dumikit kay Aaron!''Halata sa mukhang malandi talaga.''Gustong sumikat agad kaya ginagamit si Aaron!''Tang*na! Halata namang retokada!'"Mga walang kwenta. Ba't hindi na lang mga sarili nila ang pakialaman?!" ang nasabi ko nang maalala ang mga comment kay Noreen.Ilang sandali ay nag-ring ang cellphone kaya kinuha ko ito. "Hello?""Nakapag-ayos ka na ba? May taping ka ngayon," ang sabi ni Gab."Yup, hinihintay na lang kitang dumating," ang sagot ko kahit
Chapter 14 HUMARAP ako sa salamin at inayos ang button-down collar at 2-button cuffs na suot. Matapos ay kinuha ang white english-cut suit. Matapos mabutones ay hinagod ko ang shawl-style lapels. "Perfect," ang komento ko sa sarili. Bahagya kong tinignan ang suot na black oxford shoes at saka lumabas ng condo. Bumaba ako hanggang sa parking lot kung saan naghihintay si Gab. Pagbukas sa kotse kong siya muna ang gumagamit ay natigilan ako. "Wow, ibang-iba ang dating natin, a," ang komento ko sa kanya nang makitang suot ang gray american-cut suit. "Ayos ba?" Sumakay ako sa passenger. "Oo naman, parang ikaw nga ang may-ari nitong kotse, e." "Matagal-tagal na rin nu'ng huli akong nakapagsuot ng ganitong damit kaya—" bahagya siyang gumalaw-galaw. "hindi na ako sanay." Tumingin ako sa suot na relo. "Tara na, ayokong mahuli sa debut ni Thalia." Kahit maaga pa ay kailangan naming magmadali dahil malayo-layo ang venue. Ma-traffic
NASA pier at pasakay na sa yateng inarkila para makarating sa private island na sinasabi ni Mr. Ben.Nilibot ko ang paningin at hinanap si Noreen. Ang sabi niya sa text ay nandito na siya kanina pa pero hindi ko naman makita. Kahit maraming tao ay kabisado ko naman ang hugis ng kanyang katawan kaya hindi mahirap sa aking makita siya kahit sa malayuan pa."Tara na," ang kalabit sa akin ni Gab. "Sumakay na ang iba, kaya sumakay na rin tayo para makahanap ng pupwestuhan.""Okay," ang sagot ko at dinampot ang dalang bag. Muli kong nilibot ang paningin bago sumakay."Sa'n mo gusto, sa loob o sa labas?""Sa labas na lang para mahangin," ang sagot ko."Sige, akin nang bag mo at du'n ako sa loob." Kinuha niya ang bag ko at akmang papasok sa loob nang pigilan ko."Napansin mo ba siya kanina?""Sino?"Tumingin muna ako sa paligid ba
[Thalia’s Pov] UNANG HAKBANG, hingang malalim. Pangalawang hakbang, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at sa pangatlo ay halos tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang feeling kapag naglalakad na sa aisle tapos nasa dulo ang taong minamahal mo, naghihintay. Marami ang nakatingin sa akin pero nasa kanya lang ang atensiyon, hindi inaalis ang tingin kay Aaron. Nang nasa tapat na niya ako ay hinarap ko si Daddy na kanina pa iyak nang iyak. Kailan ko nga unang nakitang umiyak si Daddy? Ah, no’ng nalaman niyang buntis ako sa kambal. Umiyak siya dahil hindi niya akalaing maaga siyang magkakaroon ng apo. Pareho silang umiyak ni Mommy no’ng time na iyon. Ramdam na ramdam ko ang init nang yakap niya. “Masaya ako para sa ‘yo Thalia.” “Thank you Dad.” Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka pinasa kay Aaron. “Ilang beses ko nang sinabi ‘to, pero nagpapasalamat ako kasi ikaw ang magiging katuwang ni Thalia.
MAHIGPIT na yakap ang natanggap ko matapos yakapin ni Noreen si Thalia. Nang matapos kasi kaming mag-usap ay lumipat kami sa office ni Mr. Ben at sandali niyang kinausap si Thalia o tamang sabihin na humingi ng tawad.“So, pa’no, kailangan ko nang umalis bago pa bumalik ang mga employee from lunch,” aniya.“Mag-iingat ka.”“Thank you, and congratulations—“ humugot muna siya nang malalim na hininga. “Sa kasal mo,” ang pigil hininga niyang patuloy. “Sorry, medyo mahirap pa rin kasing tanggapin na ikakasal ka na sa i—ba.” At bahagyang napatingin kay Thalia.Pero sa halip na mailang ay muli lang yumakap si Thalia sa kanya. “Sorry talaga Ate Noreen.”“Okay lang, matatanggap ko rin paunti-unti saka alam ko namang nasa mabuting kamay si Aaron, sasaya siya nang sobra sa ‘yo,” bahagya siyang lumayo kay Thalia. “Sige, aalis na ‘ko, maraming
ISANG LINGGO ang nakalipas at halos hindi na ako gaanong pinag-uusapan ng lahat. Nakakalabas na ako kasama si Thalia at ang mga bata. Paminsan-minsan ay pinagtitinginan pero hindi ko na iyon pinapansin. Ang mahalaga ay nakakasama ko na sila na walang inaalala na baka may makakita. Sa trabaho naman ay medyo nabawasan ang mga project dahil sa issue pero ayos lang, sulit naman dahil kapag free time ay agad akong pumupunta sa mga bata para makipaglaro. Sana pala ay matagal ko nang inamin sa publiko ito para hindi nasasayang ang mga oras na pwede ko pala silang makasama nang hindi nagtatago. Hawak sa magkabilang kamay sina Theo at Timothy ay pinuntahan namin si Thalia. Gusto kasi ng dalawa na makasamang mag-lunch ang ina. Dahil sa trabaho ay hindi na sila nagkakasamang mananghalian at namimiss na nila ito. “Maghintay na lang muna tayo sa office ni Lolo habang wala pang-LUNCH break, ‘kay?” ang sabi ko sa kanila habang nasa elevator. Pero mabilis ang
PARANG BULA na nakalimutan ng mga tao ang pag-alis ni Noreen sa showbiz at napalitan ng panibagong nakakagulat na balita. Sa loob lang ng ilang oras matapos kong sabihin sa buong mundo na may relasiyon kami ni Thalia at may mga anak kami ay nag-trending agad ako. Nag-top rin sa most search celebrities at pati pangalan ni Thalia ay most search rin. Ang daming curious kung paano nangyaring naging kami ng ganoon katagal ng hindi alam ng publiko. Sa pagsikat ng araw ay dumagsa pang lalo ang mga reporter sa labas ng subdivision. Nahirapan ngang makalusot si Gab kahit sobrang aga niyang nagpunta. “Coffee lang ang ma-i-o-offer ko,” ang sabi ko sa kanya sabay lapag ng kape sa table dahil kagigising rin lang ng mga katulong. “Kalmado ka ata ngayon? Ibang-iba sa labas bago ako makarating rito. Halos dumugin ang kotse ko para makakuha ng interview.” “Ewan ko ba, gan’to siguro talaga kapag walang inililihim,” ang tugon ko at hindi maawat ang sarili sa pag
KAUNTING gasgas sa kamay at tuhod ang tinamo ni Thalia matapos ko siyang maitayo. Walang tigil rin ang pasasalamat ko sa driver ng kotse na mabilis nakapreno. Kung hindi lang naging mabilis ang reflexes nito ay hindi ko na alam ang gagawin. Maingat kong inalalayan papunta sa tabi ng kalsada si Thalia na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Sobra siyang na-shock kaya niyakap ko siya nang mahigpit. “Okay lang, 'wag ka ng matakot. Nandito na ako,” ang bulong. Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Tanging si Thalia lang ang inaalala ko. Pero parang mahirap hindi pansinin ang mga taong nakapalibot lalo na sa mga kumukuha sa amin ng walang paalam. “Please! Kunting respeto naman, ‘wag niyo kaming kunan!” ang sigaw ko habang pilit tinatakpan ang ulo ni Thalia para hindi makunan. Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang boses ni Mr. Ben, “Aaron, anong nangyari?” mabilis itong nakalapit sa amin at tiningnan si Thalia na mabilis umiyak nang makita ang ama
MATAPOS ang pag-uusap namin ni Gab sa cellphone ay si Thalia naman ang sunod na tumawag. Puno ng pag-aalala ang boses niya at sa tingin ko ay naiiyak siya kahit hindi ko naman nakikita. Garalgal at sumisinghot-singhot na kasi siya.“I’m must be there with you.”“Mas lalo lang akong mahihirapan kung nandito ka dahil si Mama pa lang ay hirap na ako. Iyak nang iyak, ‘di ko nga alam kung nakatulog na nga ba ‘yun sa kwarto,” ang sagot ko.“Natatakot ako para sa ‘yo Aaron. What if dito ka muna sa bahay? Mas secured rito, isaman mo na rin si Tita at mga katulong niyo sa bahay.”“May nagbabantay na sa amin ditong pulis kaya ayos lang talaga, ang mga bata?”“Natutulog na, mabuti na nga lang at tulog na ang mga ito nang ibalita sa TV ang nangyari, kundi ay magpupumilit ang mga ‘yun na puntahan ka.”Mariin akong napapikit nang sumagi sa isip ko sina Theo at Timoth
SA ILANG ARAW na nagdaan ay sunod-sunod ang mga issue kong pilit inaayos ng company. Ang management, lalo na si Miss Kaye ay problemado dahil sa biglaang pag-terminate ni Noreen ng contract. Pati ang mga guesting namin na magkasama sa TV show at pag-promote ay apektado. Sa pagkakaalam ko ay nakiusap ang management kay Noreen na huwag muna nitong i-terminate ang kontrata. Pero buo na raw ang desisiyon ni Noreen kahit magbayad pa ito ng penalty dahil sa breach of contract.Hindi lang iyon, dahil kahapon lang ay nag-post si Noreen sa social media na magku-quit na siya sa pag-aartista. At dahil dito ay maraming nagkalat na speculation tungkol sa biglaan niyang pag-alis. Marami raw Journalist ang gusto siyang kausapin dahil dito.Idagdag pa na hinahanda rin ng management ang dapat gawin sa oras na may lumabas na balitang involve ang pangalan ko kay Noreen.“Wala ka bang ganang kumain?” ang tanong ni Mama. Narito kami ngayon sa dining area, nag-aalmusal.
DIRETSO ang tingin ko kay Miss Kaye na gulat na gulat sa sinabi ko. Ang alam lang kasi niya ay may relasiyon kami ni Thalia. Hindi niya akalaing magpapakasal na kami. Nang matauhan sa pagkabigla ay saka naman siya naupo.Ilang sandaling natahimik ang buong paligid at wala man lang naglakas-loob na magsalita.“Kaya sana, 'wag niyo ng ipagawa sa 'kin ang gan'to,” ako na ang kusang pumutol ng katahimikan.“Okay, hindi ko na ipagpipilitan ang plano. Pero sana, gawin niyo ang dapat gawin para i-promote ang drama at loveteam niyo,” ani Miss Kaye. “’Yun lang, pwede na kayong umalis.”Matapos niya itong sabihin ay agad na akong lumabas ng office. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naharang ako ni Noreen. “Totoo b-ba?” may nginig sa boses at namumuo na ang luha sa mga mata.Hindi man eksakto ang tanong niya pero alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Oo.”Mariin siyang napapikit a
HABANG yakap siya ay bigla na lang bumukas ang pinto at patakbong pumasok ang mga bata kasunod si Mr. Ben, tita Lea at pati na rin si Mama.Pumasok sila sa kwarto nang makita sa CCTV na nag-yes na si Thalia.Pero akala ko ay sila lang pero sunod na lang na pumasok ay sina Gab, Kim, Jackson pati si Papa at Jimson. Mukhang pinaalam ni Mr. Ben at Mama ang gagawin ko ngayon kaya sila narito.“Congratulations,” ani Kim at saka ako niyakap.“Thank you,” ang tugon ko pagkatapos ay kay Jackson naman ibinaling ang tingin. Nakipag-apir ako sabay tapik sa likod niya. “Nakapunta ka.”“Congrats, uunahan mo pa 'ko.”“Ang hina mo kasi, e,” ang biro ko sa kanya. Pagkatapos ay napatingin sa ibaba nang mapansin si Theo na nakatingala sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko, tinatanong kung anong kailangan niya.“Mommy cried,” ang sumbong ni Theo.“Tears of joy 'yun,” ang tugon ko