BAHAGYA kong minulat ang mga mata matapos marinig ang ringtone ng cellphone. Dumaing nang maistorbo dahil sa tunog. Kahit inaantok pa ay kinuha ko ang cellphone para saguting kong sino mang tumatawag.
Biglang nawala ang antok ko ng makita ang caller ID. Si Noreen.
Nakangiti akong sinagot ang tawag, "Good morning."
"A-aaron..."
Nahalata ko agad ang kaba sa boses niya. "Bakit? Anong problema?"
Napalingon ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Gab. Halata ang inis sa mukha.
"Sinong kausap mo?" ang tanong niya at mabilis na kinuha ang cellphone ko. "Bawal kang sumagot ng kahit na anong tawag."
"Ano bang problema? Kausap ko lang si Noreen." Tumayo ako at kinuha sa kanya ang cellphone pero na-end na niya ang call. Kainis!
"May idea ka ba sa nangyayari ngayon?"
Marahas akong napakamot sa ulo. "Kagigising ko lang okay? Nagising ng
HINAGIS ko sa kama ang cellphone matapos mabasa ang comment ng netizen sa post ng company tungkol sa issue. Pinaliwanag na roon sa post ang dahilan kung bakit kami na-picture-an ng magkasama.Hindi na importante sa akin kung maniwala sila o hindi. Ang sa akin lang ay bakit kailangan pa nilang magsalita ng hindi magagandang bagay tungkol kay Noreen?'Ang kapal ng mukhang dumikit kay Aaron!''Halata sa mukhang malandi talaga.''Gustong sumikat agad kaya ginagamit si Aaron!''Tang*na! Halata namang retokada!'"Mga walang kwenta. Ba't hindi na lang mga sarili nila ang pakialaman?!" ang nasabi ko nang maalala ang mga comment kay Noreen.Ilang sandali ay nag-ring ang cellphone kaya kinuha ko ito. "Hello?""Nakapag-ayos ka na ba? May taping ka ngayon," ang sabi ni Gab."Yup, hinihintay na lang kitang dumating," ang sagot ko kahit
Chapter 14 HUMARAP ako sa salamin at inayos ang button-down collar at 2-button cuffs na suot. Matapos ay kinuha ang white english-cut suit. Matapos mabutones ay hinagod ko ang shawl-style lapels. "Perfect," ang komento ko sa sarili. Bahagya kong tinignan ang suot na black oxford shoes at saka lumabas ng condo. Bumaba ako hanggang sa parking lot kung saan naghihintay si Gab. Pagbukas sa kotse kong siya muna ang gumagamit ay natigilan ako. "Wow, ibang-iba ang dating natin, a," ang komento ko sa kanya nang makitang suot ang gray american-cut suit. "Ayos ba?" Sumakay ako sa passenger. "Oo naman, parang ikaw nga ang may-ari nitong kotse, e." "Matagal-tagal na rin nu'ng huli akong nakapagsuot ng ganitong damit kaya—" bahagya siyang gumalaw-galaw. "hindi na ako sanay." Tumingin ako sa suot na relo. "Tara na, ayokong mahuli sa debut ni Thalia." Kahit maaga pa ay kailangan naming magmadali dahil malayo-layo ang venue. Ma-traffic
NASA pier at pasakay na sa yateng inarkila para makarating sa private island na sinasabi ni Mr. Ben.Nilibot ko ang paningin at hinanap si Noreen. Ang sabi niya sa text ay nandito na siya kanina pa pero hindi ko naman makita. Kahit maraming tao ay kabisado ko naman ang hugis ng kanyang katawan kaya hindi mahirap sa aking makita siya kahit sa malayuan pa."Tara na," ang kalabit sa akin ni Gab. "Sumakay na ang iba, kaya sumakay na rin tayo para makahanap ng pupwestuhan.""Okay," ang sagot ko at dinampot ang dalang bag. Muli kong nilibot ang paningin bago sumakay."Sa'n mo gusto, sa loob o sa labas?""Sa labas na lang para mahangin," ang sagot ko."Sige, akin nang bag mo at du'n ako sa loob." Kinuha niya ang bag ko at akmang papasok sa loob nang pigilan ko."Napansin mo ba siya kanina?""Sino?"Tumingin muna ako sa paligid ba
KINAUMAGAHAN ay sabay-sabay ang lahat na nag-breakfast. Kasama ko sa table si Kim, Gab at Jackson.Kulang na lang ay umirap ako kapag napapatingin rito. Bakit ba siya biglang naki-seat in sa amin? Masiyado akong pagod para makipagsabayan sa kanya, kung may binabalak nga na hindi maganda.Napatingin ako kay Kim na kanina pa papalit-palit ang tingin sa aming dalawa. Umiling pa siya para paalalahanin akong huwag awayin si Jackson.Pinanlakihan ko nga ng mata. "Ba't ako?" —ito kaya ang laging nag-uumpisa ng away.Hindi na lang ako kumibo hanggang sa ma-serve na ang pagkain. Mabuti na lang at wala itong ginawang kakaiba at kumain lang din.Patapos na akong kumain nang magsalita ito, "Ba't hindi mo kasama ang babae mo?"Nagpanting ang tenga ko at mabilis na tumingin nang masama. "Anong sinabi mo?"Hawak ang tinidor ay tinuro niya kung saan nakapuwesto si N
MATAPOS lumabas ni Gab sa suite ay dali-dali akong nagpadala ng message kay Noreen."Nagpa-reserve na ako ng room katabi ng akin."Naghintay akong mag-reply siya pero bumalik na lang si Gab ay wala akong natanggap."Tara na, naghihintay na sa baba ang rented car," ang sabi niya at kinuha ang mga gamit ko for the photoshoot.Tumingin muna ako sa balcony ng suite kung saan ay makikita ang lugar sa labas. Ang ganda ng city rito sa Toulouse. Sigurado akong magugustuhan rito ni Noreen kapag nandito na siya.Sandali pa lang ako rito pero parang gusto ko ng magtagal. Mabuti na lang talaga at ako ang kinuha ng isang kilalang fashion brand para gawing model.One-day shoot lang ang gagawin at magtatagal pa kami ng isa pang araw pagkatapos para ma-enjoy naman namin ang lugar.Lumabas ako sa suite at sinundan si Gab. Naabutan ko siyang naghihintay na sa akin. Napansin
DUMATING kami sa restaurant na sinasabi ng photographer na si Mr. Leonardo at kasama nito ang asawa."Hello, ako nga pala si Pia," ang bati agad sa amin ng asawa ni Mr. Leonardo."Hello, salamat sa pag-imbita sa amin," ang sagot ko at nilahad ang kamay para makipag-shake hands."No'ng nalaman ko na ikaw ang isa sa makakatrabaho ng asawa ko ay agad akong nag-request sa kanya na mag-dinner kasama kayo. By the way, 'yung bunso kong kapatid ay fan mo.""Oh, talaga... naku, nakakatuwa naman," ang sagot ko. Matapos ay naupo katabi ni Gab.Nilibot ko ang paningin. Kami pa lang apat ang nandito. Hindi pa dumarating ang iba.Napansin ko naman ang baby bump niya nang mapatingin sa kanyang tiyan. At mukhang napansin niya kung saang direksiyon ako nakatingin kaya napahawak siya rito."Ilang months na?" Hindi rin kasi masiyadong halata dahil sa suot niyang jacket.
PAGMULAT ng mata ay likod agad ng babae ang nakita ko. Ang mahaba at itim nitong buhok ang tumatakip sa hubad niyang katawan.Napatingin ako sa orasan sa tabi ng kama. 7: 06 am pa lang... napa-aga ang dating niya.Pero hindi na iyon mahalaga. Ang importante ay nandito na siya... kasama ko.Hinawi ko ang mahaba niyang buhok saka siya niyakap nang patalikod. Hindi pa ako nakuntento at pinagsalikop ang kamay naming dalawa.Hinalik-halikan ko ang balikat niya pero hindi man lang siya magising. Mukhang may jet lag pa siya.Sa dami nang nangyari kagabi... reward ko na itong nandito siya at yakap-yakap ko."Noreen... I'm glad you're here." Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mukha niya saka siya sinilip. "A-anong..."Nagmulat siya ng mata at napatingin sa akin. Tulad ko ay gulat na gulat rin.Agad akong napalayo sa kanya sabay hila ng kumot. Tuma
HINDI MAKAPANIWALA si Gab matapos makita si Thalia sa room. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa. Kinusot niya pa ang mata pagkatapos."A-anong nangyayari? Ba't nandito ka?" ang tanong niya kay Thalia.Napabuntong-hininga na lang ako. Paano ko sasabihin sa kanya lahat kung pareho kami ni Thalia na walang maalala.Tumingala ako habang mariing napapikit. Nakakabaliw ang mga nangyari pero kailangan namin itong pag-usapan at mabigyan ng solution bago pa dumating si Noreen dito at mas lalong magkagulo."Okay, do'n tayong tatlo sa sala. Kailangan nating pag-usapan ang nangyari," ang utos ko at nauna na sa kanila.Pero ilang sandali na kaming nakaupo at magkaharap ay wala ni isang nagsasalita. Hindi ko rin kasi sigurado kung saan mag-uumpisa."Walang gustong magsalita sa inyong dalawa?" ang tanong ni Gab. "O sige, ganito na lang... magtatanong ako, tapos gusto kong
[Thalia’s Pov] UNANG HAKBANG, hingang malalim. Pangalawang hakbang, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at sa pangatlo ay halos tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang feeling kapag naglalakad na sa aisle tapos nasa dulo ang taong minamahal mo, naghihintay. Marami ang nakatingin sa akin pero nasa kanya lang ang atensiyon, hindi inaalis ang tingin kay Aaron. Nang nasa tapat na niya ako ay hinarap ko si Daddy na kanina pa iyak nang iyak. Kailan ko nga unang nakitang umiyak si Daddy? Ah, no’ng nalaman niyang buntis ako sa kambal. Umiyak siya dahil hindi niya akalaing maaga siyang magkakaroon ng apo. Pareho silang umiyak ni Mommy no’ng time na iyon. Ramdam na ramdam ko ang init nang yakap niya. “Masaya ako para sa ‘yo Thalia.” “Thank you Dad.” Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka pinasa kay Aaron. “Ilang beses ko nang sinabi ‘to, pero nagpapasalamat ako kasi ikaw ang magiging katuwang ni Thalia.
MAHIGPIT na yakap ang natanggap ko matapos yakapin ni Noreen si Thalia. Nang matapos kasi kaming mag-usap ay lumipat kami sa office ni Mr. Ben at sandali niyang kinausap si Thalia o tamang sabihin na humingi ng tawad.“So, pa’no, kailangan ko nang umalis bago pa bumalik ang mga employee from lunch,” aniya.“Mag-iingat ka.”“Thank you, and congratulations—“ humugot muna siya nang malalim na hininga. “Sa kasal mo,” ang pigil hininga niyang patuloy. “Sorry, medyo mahirap pa rin kasing tanggapin na ikakasal ka na sa i—ba.” At bahagyang napatingin kay Thalia.Pero sa halip na mailang ay muli lang yumakap si Thalia sa kanya. “Sorry talaga Ate Noreen.”“Okay lang, matatanggap ko rin paunti-unti saka alam ko namang nasa mabuting kamay si Aaron, sasaya siya nang sobra sa ‘yo,” bahagya siyang lumayo kay Thalia. “Sige, aalis na ‘ko, maraming
ISANG LINGGO ang nakalipas at halos hindi na ako gaanong pinag-uusapan ng lahat. Nakakalabas na ako kasama si Thalia at ang mga bata. Paminsan-minsan ay pinagtitinginan pero hindi ko na iyon pinapansin. Ang mahalaga ay nakakasama ko na sila na walang inaalala na baka may makakita. Sa trabaho naman ay medyo nabawasan ang mga project dahil sa issue pero ayos lang, sulit naman dahil kapag free time ay agad akong pumupunta sa mga bata para makipaglaro. Sana pala ay matagal ko nang inamin sa publiko ito para hindi nasasayang ang mga oras na pwede ko pala silang makasama nang hindi nagtatago. Hawak sa magkabilang kamay sina Theo at Timothy ay pinuntahan namin si Thalia. Gusto kasi ng dalawa na makasamang mag-lunch ang ina. Dahil sa trabaho ay hindi na sila nagkakasamang mananghalian at namimiss na nila ito. “Maghintay na lang muna tayo sa office ni Lolo habang wala pang-LUNCH break, ‘kay?” ang sabi ko sa kanila habang nasa elevator. Pero mabilis ang
PARANG BULA na nakalimutan ng mga tao ang pag-alis ni Noreen sa showbiz at napalitan ng panibagong nakakagulat na balita. Sa loob lang ng ilang oras matapos kong sabihin sa buong mundo na may relasiyon kami ni Thalia at may mga anak kami ay nag-trending agad ako. Nag-top rin sa most search celebrities at pati pangalan ni Thalia ay most search rin. Ang daming curious kung paano nangyaring naging kami ng ganoon katagal ng hindi alam ng publiko. Sa pagsikat ng araw ay dumagsa pang lalo ang mga reporter sa labas ng subdivision. Nahirapan ngang makalusot si Gab kahit sobrang aga niyang nagpunta. “Coffee lang ang ma-i-o-offer ko,” ang sabi ko sa kanya sabay lapag ng kape sa table dahil kagigising rin lang ng mga katulong. “Kalmado ka ata ngayon? Ibang-iba sa labas bago ako makarating rito. Halos dumugin ang kotse ko para makakuha ng interview.” “Ewan ko ba, gan’to siguro talaga kapag walang inililihim,” ang tugon ko at hindi maawat ang sarili sa pag
KAUNTING gasgas sa kamay at tuhod ang tinamo ni Thalia matapos ko siyang maitayo. Walang tigil rin ang pasasalamat ko sa driver ng kotse na mabilis nakapreno. Kung hindi lang naging mabilis ang reflexes nito ay hindi ko na alam ang gagawin. Maingat kong inalalayan papunta sa tabi ng kalsada si Thalia na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Sobra siyang na-shock kaya niyakap ko siya nang mahigpit. “Okay lang, 'wag ka ng matakot. Nandito na ako,” ang bulong. Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Tanging si Thalia lang ang inaalala ko. Pero parang mahirap hindi pansinin ang mga taong nakapalibot lalo na sa mga kumukuha sa amin ng walang paalam. “Please! Kunting respeto naman, ‘wag niyo kaming kunan!” ang sigaw ko habang pilit tinatakpan ang ulo ni Thalia para hindi makunan. Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang boses ni Mr. Ben, “Aaron, anong nangyari?” mabilis itong nakalapit sa amin at tiningnan si Thalia na mabilis umiyak nang makita ang ama
MATAPOS ang pag-uusap namin ni Gab sa cellphone ay si Thalia naman ang sunod na tumawag. Puno ng pag-aalala ang boses niya at sa tingin ko ay naiiyak siya kahit hindi ko naman nakikita. Garalgal at sumisinghot-singhot na kasi siya.“I’m must be there with you.”“Mas lalo lang akong mahihirapan kung nandito ka dahil si Mama pa lang ay hirap na ako. Iyak nang iyak, ‘di ko nga alam kung nakatulog na nga ba ‘yun sa kwarto,” ang sagot ko.“Natatakot ako para sa ‘yo Aaron. What if dito ka muna sa bahay? Mas secured rito, isaman mo na rin si Tita at mga katulong niyo sa bahay.”“May nagbabantay na sa amin ditong pulis kaya ayos lang talaga, ang mga bata?”“Natutulog na, mabuti na nga lang at tulog na ang mga ito nang ibalita sa TV ang nangyari, kundi ay magpupumilit ang mga ‘yun na puntahan ka.”Mariin akong napapikit nang sumagi sa isip ko sina Theo at Timoth
SA ILANG ARAW na nagdaan ay sunod-sunod ang mga issue kong pilit inaayos ng company. Ang management, lalo na si Miss Kaye ay problemado dahil sa biglaang pag-terminate ni Noreen ng contract. Pati ang mga guesting namin na magkasama sa TV show at pag-promote ay apektado. Sa pagkakaalam ko ay nakiusap ang management kay Noreen na huwag muna nitong i-terminate ang kontrata. Pero buo na raw ang desisiyon ni Noreen kahit magbayad pa ito ng penalty dahil sa breach of contract.Hindi lang iyon, dahil kahapon lang ay nag-post si Noreen sa social media na magku-quit na siya sa pag-aartista. At dahil dito ay maraming nagkalat na speculation tungkol sa biglaan niyang pag-alis. Marami raw Journalist ang gusto siyang kausapin dahil dito.Idagdag pa na hinahanda rin ng management ang dapat gawin sa oras na may lumabas na balitang involve ang pangalan ko kay Noreen.“Wala ka bang ganang kumain?” ang tanong ni Mama. Narito kami ngayon sa dining area, nag-aalmusal.
DIRETSO ang tingin ko kay Miss Kaye na gulat na gulat sa sinabi ko. Ang alam lang kasi niya ay may relasiyon kami ni Thalia. Hindi niya akalaing magpapakasal na kami. Nang matauhan sa pagkabigla ay saka naman siya naupo.Ilang sandaling natahimik ang buong paligid at wala man lang naglakas-loob na magsalita.“Kaya sana, 'wag niyo ng ipagawa sa 'kin ang gan'to,” ako na ang kusang pumutol ng katahimikan.“Okay, hindi ko na ipagpipilitan ang plano. Pero sana, gawin niyo ang dapat gawin para i-promote ang drama at loveteam niyo,” ani Miss Kaye. “’Yun lang, pwede na kayong umalis.”Matapos niya itong sabihin ay agad na akong lumabas ng office. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naharang ako ni Noreen. “Totoo b-ba?” may nginig sa boses at namumuo na ang luha sa mga mata.Hindi man eksakto ang tanong niya pero alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Oo.”Mariin siyang napapikit a
HABANG yakap siya ay bigla na lang bumukas ang pinto at patakbong pumasok ang mga bata kasunod si Mr. Ben, tita Lea at pati na rin si Mama.Pumasok sila sa kwarto nang makita sa CCTV na nag-yes na si Thalia.Pero akala ko ay sila lang pero sunod na lang na pumasok ay sina Gab, Kim, Jackson pati si Papa at Jimson. Mukhang pinaalam ni Mr. Ben at Mama ang gagawin ko ngayon kaya sila narito.“Congratulations,” ani Kim at saka ako niyakap.“Thank you,” ang tugon ko pagkatapos ay kay Jackson naman ibinaling ang tingin. Nakipag-apir ako sabay tapik sa likod niya. “Nakapunta ka.”“Congrats, uunahan mo pa 'ko.”“Ang hina mo kasi, e,” ang biro ko sa kanya. Pagkatapos ay napatingin sa ibaba nang mapansin si Theo na nakatingala sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko, tinatanong kung anong kailangan niya.“Mommy cried,” ang sumbong ni Theo.“Tears of joy 'yun,” ang tugon ko