Share

Chapter 9

Author: Zxoul49
last update Huling Na-update: 2021-06-16 19:00:00

NAKATULALA at iniisip si Noreen. Kanina ay nagkasalubong kami sa elevator pero hindi namin makuhang mag-usap dahil may ibang tao.

"May problema?" ang tanong ni Gab matapos tapikin ang balikat ko.

Umiling ako bilang sagot.

"Oh, by the way, gusto ng management na gawan ka ng documentary project for your 10th year anniversary."

"Documentary?"

"Yup, your life before and now."

"I don't like it," mauungkat na naman ang buhay ko noon. "Pwedeng pass na lang? Pwede namang i-celebrate ang 10th year anniversary ko ng walang ganyan."

"Pero nakarating na sa taas at pumayag si Mr. Ben."

Of course, dahil sa tulong nito ay hindi ako magiging si Aaron ngayon.

"Yeah, gustong-gusto pa naman ni Mr. Ben na nakikita sa camera," ang komento ko at natawa.

"Laging nagri-replay sa utak ko ang boses niya kapag sinasabi niyang pinangarap niyang maging artista dati kaya tinayo niya ang T. R. Entertainment Company," ang komento naman ni Gab.

Napabuntong-hininga ako ilang sandali. Ayoko man sa idea na tungkol sa buhay ko ang project celebration ay hindi na ako kumuntra. Hindi naman naging sikreto ang buhay ko bago nanalo sa singing contest. Kung paano kami iniwan at pinagpalit... alam iyon ng halos lahat ng nakakakilala sa akin.

"O siya, tapos ng break time mo kaya bumalik ka na do'n at may last shoot ka pang tatapusin," ang paalala ni Gab matapos muli akong tapikin sa balikat.

"Sa'n punta mo?"

Pero tinging kakaiba lang ang binigay niyang sagot matapos ay lumabas na.

May nakita na naman sigurong type niya kaya magpapa-pogi na naman iyon. "Tsk, tsk, tsk."

NAGULAT ako ng makita si Thalia kasama ng team na kukuha sa akin. Ito ang unang shoot ko para sa documentary project.

Ka-text ko lang siya kagabi pero hindi man lang nagsabi na magkikita pala kami ngayon. Ang nakwento lang ay nag-umpisa na two weeks ago ang On-the-Job Training niya.

"Ayusin ko lang po ang mic niyo," ang sabi ng isang staff sa team. Napansin ko pa ang I.D. niya.

"Regular employee ka nila, April?" ang tanong ko.

"A-ah, hindi po. Nag-o-OJT," ang sagot niya. Gulat ang mata pero bumalik din sa natural ilang sandali.

"Bakit?" nagtatakang tanong. "Nagulat ba kita?"

"A-ah, na-shock lang kasi kinausap niyo po ako."

Ngumiti ako para hindi na siya mailang. "Ilan kayong nag-OJT?"

"P-po? A-ah... dalawa lang po pero—" bigla siyang nahinto at tila may naalala.

"Pero?" na curious na tuloy ako.

Umiling siya saka nagpaalam. Bago ko pa siya mapigilan ay nakaalis na ito.

Ilang sandali ay nag-umpisa na ang shoot. May mga nakahanda silang tanong na sinagot ko naman.

Inabot ng isang oras o higit pa ang shoot dahil sa dami ng tanong at next week ay pupuntahan naman namin ang mga lugar kung saan ako lumaki at nag-aral.

Paalis na sana kami ni Gab nang makita si Thalia na hirap na hirap sa binubuhat na box. May nahulog pa siyang gamit mula sa box.

"Ano ba! Hindi ka nag-iingat. Alam mo ba kung magkano 'yang nahulog mo?!" sigaw ng isa sa kasamahan. Malaki ang pangangatawan ng lalake pero bakit sa babae pa pinapabuhat ang pagkabigat-bigat na bagay?

Tinitigan ko si Thalia. Nakayuko ito at namumula na ang tenga— dalawa lang ang ibig sabihin nito. Kung hindi galit, tiyak naluluha na ito.

Mabilis akong lumapit sa kanya at inagaw ang box. Tulad nga nang akala ko, mabigat ang box. Humarang ako sa harap niya para hindi siya makita ng lalake at para na rin punasan ang tumulong luha sa mga mata niya.

"Ako ng magbubuhat nito," saka humarap sa lalake. "Grabe! Ang bigat naman nito!" In-emphasize ko pa ang salitang 'bigat'.

"A-ay, Sir, ako na lang ang magbubuhat n'yan kasi mabigat," ang sabi ng lalake at saka tinangkang kunin sa akin ang box.

Pero agad ko itong iniwas. "Hindi, 'wag na... baka iutos mo pa sa iba," saka muling hinarap si Thalia. "Sa'n 'to ilalagay?"

"S-sa van."

Wow! Napaigting ang panga ko. Sa may van pa?! Nasa 4th floor kami ngayon at malayo-layo pa ang parking lot ng mga visitors sa company. Kung hindi pa ako nakialam... bubuhatin niya to hanggang doon?!

"Samahan mo na lang ako," ang sabi ko sa kanya pero muling sumabat ang lalake.

"Ako na lang, Sir."

Tumingin ako kay Gab na nasa malapit lang at tinitignan kami. Sumenyas akong siya na ang bahala sa lalake na ginawa naman niya.

Matapos dalhin sa ibang side ng studio ang lalake ay umalis na kami ni Thalia.

"Ayos ka lang?" ang tanong ko pagka-sakay sa elevator.

"Hmm, thanks."

"Gano'n ba talaga 'yung lalakeng 'yon? Hindi ko gusto ang ginawa niya kanina." At binaba sa may paanan ang box.

"Anong gagawin mo pagkatapos?" ang pag-iiba niya ng topic.

Sumulyap ako sa mukha niya. Ito na naman siya. "Iniba mo na naman ang topic. Bakit mo hinahayaan? Eh, ang sama naman ng ugali no'n."

"Hindi naman, medyo stress lang siya sa trabaho kaya niya ako nasigawan."

Humarap ako sa kanya at namewang. "Hindi ka naman ganito ka bait dati, pero ngayon... iba na. Ano? Magmamadre ka na ba?"

Hinampas niya ang balikat ko pero mahina lang. "Ikaw kaya ang nagsabi sa akin dati... Na 'don't judge a book by it's cover'."

"Sinabi ko nga 'yun... pero hindi ko naman sinabi na 'don't judge a book after you open it'. Kita mo naman ang ugali no'n ni minsan hindi kita nakitang nagbuhat ng mabibigat."

Nag-pout siya at hinawakan ang braso ko. "'Wag mong sasabihin kay Daddy, ha?"

Napabuntong-hininga ako. "Lagi naman, secret diary mo nga ako 'di ba?" —Kapag may problema o nalulungkot ka. Sa akin mo sinasabi ang lahat. Ako ang takbuhan mo kapag nahihirapan ka sa school o sa ibang bagay.

MATAPOS mailagay sa likod ng van ang box ay nag-usap pa kami saglit ni Thalia.

"Sino nga pala 'yung trainee na kausap mo last time?" ang tanong ko.

Nagtaka siya at sandaling nag-isip. "Si Christian ba?"

"Hindi ko sigurado ang pangalan, eh, basta trainee siya sa company."

"Si Christian nga, pinsan ko."

"Siya ba 'yung sinasabi mo sa 'king pinsan sa probinsiya? 'Yung lagi mong binibida na magaling kumanta?"

"Siya nga... ang galing niya, 'no?"

Tumaas ang kilay ko. "Talaga? Eh, magaling din naman ako."

Naalala ko tuloy kung paano niya ipagmalaki ang pinsan niya kaya minsan ay naiinis ako kasi ni minsan ay hindi man lang siya nagalingan sa akin.

Tumingin siya sa akin nang kakaiba. "Selos ka na n'yan?"

"Oo, nagseselos ang ego ko. Ni minsan hindi mo man lang na-appreciate ang ganda ng boses ko... dati."

"Na-appreciate ko naman... ayaw ko lang aminin. Kasi nga 'di ba sabi mo sa 'kin no'n na hindi maganda sa artista 'pag lumaki ang ulo... kaya never kitang pinuri."

Ngumiti ako at bahagyang ginulo ang buhok niya. "Sa wakas inamin mo rin. So, crush mo pa rin ba ako?" ang biro ko.

"Hindi na!" ang sagot matapos alisin ang kamay ko sa ulo niya. "S-sige na, balik na ako sa team ko at baka hinahanap na nila ako. Bye!" At mabilis na tumakbo paalis.

Ang bilis niyang nakatakas kaya hindi ko na nagawang pigilan.

Nagpunta na lang ako sa van at saka t-in-ext si Gab para bumaba na.

Ilang sandali lang ay sumakay na siya sa van.

Habang nasa biyahe ay nagsalita siya, "Naisip ko lang... baka oras na para kumuha tayo ng stylist mo?"

Agad kumunot ang noo ko sa narinig. "Ayoko."

"Aaron, matagal na 'yung nangyari... saka hindi naman lahat tulad no'ng last—"

"Basta ayoko. Alam mo namang hindi ako sanay sa ibang tao."

"Ikaw lang ata ang kilala kong artistang unsociable."

"Kasi wala ka namang pakialam sa iba, maliban na lang kung babae."

Agad siyang nag-deny. "Hindi, ah!"

"Ah, basta, ayoko... baka dumaldal na naman tulad no'ng huling stylist ko. Tanda mo pa ang ginawa no'n?"

"Siyempre! Muntik ko na ngang masakal 'yun kung hindi lang babae. Grabe talaga... kung ano-anong kinukwento kaya kung ano-anong issue tuloy ang kumalat tungkol sa 'yo."

Kumalat pa na bakla ako at may secret relationship kami ni Gab. Porket nakita lang kaming natutulog ng magkasama sa loob ng van.

At muntik pang palitan ng management si Gab bilang manager ko.

"Hindi ko na kailangan ng stylist. Nand'yan ka naman, mas maalam ka pa kaysa sa iba."

Si Gab ang manager ko na may alam din pagdating sa fashion. Pareho kami ng taste pagdating sa damit at magka-size pa. Kaya mas may tiwala ako sa kanya kaysa sa professional stylist.

Hindi lang siya isang manager... kundi kaibigan din— mainitin nga lang ang ulo.

***<[°o°]>***

Kaugnay na kabanata

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 10

    MALAMIG sa loob ng venue kung saan sinu-shoot ang first episode ng 'Fly, Aim High' para sa mga trainees na napili namin. Komportable rin ang pagkakaupo ko habang pinapanuod mag-perform ang bawat isa sa stage.Hindi ito ang unang beses na nag-judge ako sa mga shows pero hindi ko alam kung bakit parang kabado ako.First round pa lang ay nagpakitang gilas na ang mga trainees at talagang ang intense ng atmosphere.Masiyadong ginalingan na tipong kaming mga judge ay nahihirapan kung sino ang pipiliin at kung sino ang mai-eliminate."Maganda 'yung pinakita niyang performance pero nakulangan ako sa vocals. Medyo unstable ang boses niya," ang komento ko. Nag-uusap kaming limang judges kung sino-sino ang mga napili namin para mag-level up sa 2nd round."Kinapos na siya ng hininga dahil masiyadong maraming movements ang ginawa niya," ang komento naman ni Mr. Jake— mentor sa dance unit.

    Huling Na-update : 2021-06-18
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 11

    DALAWANG ORAS na akong nandito sa resort na aking pagmamay-ari. Dahil wala naman akong trabahong naka-schedule ngayon hanggang bukas ay naisipan kong pumunta rito at para na rin makasama si Noreen.Namimiss ko na siya.Kahapon ay tinawagan ko siya at sinabi ang plano na agad namang nitong nagustuhan. Mas nauna nga lang ako rito para ayusin ang resthouse. Walang ibang tao rito maliban sa caretaker na linggo-linggo kung pumunta at maglinis.Malinis naman ang kwarto pero pinalitan ko ang bedsheet para makasiguradong walang alikabok. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng ugong. May paparating na bangga.Dali-dali kong kinuha ang shades at saka lumabas para abangan si Noreen.Sigurado akong siya na ang dumating dahil wala namang magpupunta rito ng walang approval ko.Malayo pa lang ay tanaw ko na ang papahintong bangga. Dumaong ito at saka tinulungan ng bangkero na makababa si

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 12

    BAHAGYA kong minulat ang mga mata matapos marinig ang ringtone ng cellphone. Dumaing nang maistorbo dahil sa tunog. Kahit inaantok pa ay kinuha ko ang cellphone para saguting kong sino mang tumatawag.Biglang nawala ang antok ko ng makita ang caller ID. Si Noreen.Nakangiti akong sinagot ang tawag, "Good morning.""A-aaron..."Nahalata ko agad ang kaba sa boses niya. "Bakit? Anong problema?"Napalingon ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Gab. Halata ang inis sa mukha."Sinong kausap mo?" ang tanong niya at mabilis na kinuha ang cellphone ko. "Bawal kang sumagot ng kahit na anong tawag.""Ano bang problema? Kausap ko lang si Noreen." Tumayo ako at kinuha sa kanya ang cellphone pero na-end na niya ang call. Kainis!"May idea ka ba sa nangyayari ngayon?"Marahas akong napakamot sa ulo. "Kagigising ko lang okay? Nagising ng

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 13

    HINAGIS ko sa kama ang cellphone matapos mabasa ang comment ng netizen sa post ng company tungkol sa issue. Pinaliwanag na roon sa post ang dahilan kung bakit kami na-picture-an ng magkasama.Hindi na importante sa akin kung maniwala sila o hindi. Ang sa akin lang ay bakit kailangan pa nilang magsalita ng hindi magagandang bagay tungkol kay Noreen?'Ang kapal ng mukhang dumikit kay Aaron!''Halata sa mukhang malandi talaga.''Gustong sumikat agad kaya ginagamit si Aaron!''Tang*na! Halata namang retokada!'"Mga walang kwenta. Ba't hindi na lang mga sarili nila ang pakialaman?!" ang nasabi ko nang maalala ang mga comment kay Noreen.Ilang sandali ay nag-ring ang cellphone kaya kinuha ko ito. "Hello?""Nakapag-ayos ka na ba? May taping ka ngayon," ang sabi ni Gab."Yup, hinihintay na lang kitang dumating," ang sagot ko kahit

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 14

    Chapter 14 HUMARAP ako sa salamin at inayos ang button-down collar at 2-button cuffs na suot. Matapos ay kinuha ang white english-cut suit. Matapos mabutones ay hinagod ko ang shawl-style lapels. "Perfect," ang komento ko sa sarili. Bahagya kong tinignan ang suot na black oxford shoes at saka lumabas ng condo. Bumaba ako hanggang sa parking lot kung saan naghihintay si Gab. Pagbukas sa kotse kong siya muna ang gumagamit ay natigilan ako. "Wow, ibang-iba ang dating natin, a," ang komento ko sa kanya nang makitang suot ang gray american-cut suit. "Ayos ba?" Sumakay ako sa passenger. "Oo naman, parang ikaw nga ang may-ari nitong kotse, e." "Matagal-tagal na rin nu'ng huli akong nakapagsuot ng ganitong damit kaya—" bahagya siyang gumalaw-galaw. "hindi na ako sanay." Tumingin ako sa suot na relo. "Tara na, ayokong mahuli sa debut ni Thalia." Kahit maaga pa ay kailangan naming magmadali dahil malayo-layo ang venue. Ma-traffic

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 15

    NASA pier at pasakay na sa yateng inarkila para makarating sa private island na sinasabi ni Mr. Ben.Nilibot ko ang paningin at hinanap si Noreen. Ang sabi niya sa text ay nandito na siya kanina pa pero hindi ko naman makita. Kahit maraming tao ay kabisado ko naman ang hugis ng kanyang katawan kaya hindi mahirap sa aking makita siya kahit sa malayuan pa."Tara na," ang kalabit sa akin ni Gab. "Sumakay na ang iba, kaya sumakay na rin tayo para makahanap ng pupwestuhan.""Okay," ang sagot ko at dinampot ang dalang bag. Muli kong nilibot ang paningin bago sumakay."Sa'n mo gusto, sa loob o sa labas?""Sa labas na lang para mahangin," ang sagot ko."Sige, akin nang bag mo at du'n ako sa loob." Kinuha niya ang bag ko at akmang papasok sa loob nang pigilan ko."Napansin mo ba siya kanina?""Sino?"Tumingin muna ako sa paligid ba

    Huling Na-update : 2021-07-05
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 16

    KINAUMAGAHAN ay sabay-sabay ang lahat na nag-breakfast. Kasama ko sa table si Kim, Gab at Jackson.Kulang na lang ay umirap ako kapag napapatingin rito. Bakit ba siya biglang naki-seat in sa amin? Masiyado akong pagod para makipagsabayan sa kanya, kung may binabalak nga na hindi maganda.Napatingin ako kay Kim na kanina pa papalit-palit ang tingin sa aming dalawa. Umiling pa siya para paalalahanin akong huwag awayin si Jackson.Pinanlakihan ko nga ng mata. "Ba't ako?" —ito kaya ang laging nag-uumpisa ng away.Hindi na lang ako kumibo hanggang sa ma-serve na ang pagkain. Mabuti na lang at wala itong ginawang kakaiba at kumain lang din.Patapos na akong kumain nang magsalita ito, "Ba't hindi mo kasama ang babae mo?"Nagpanting ang tenga ko at mabilis na tumingin nang masama. "Anong sinabi mo?"Hawak ang tinidor ay tinuro niya kung saan nakapuwesto si N

    Huling Na-update : 2021-07-16
  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 17

    MATAPOS lumabas ni Gab sa suite ay dali-dali akong nagpadala ng message kay Noreen."Nagpa-reserve na ako ng room katabi ng akin."Naghintay akong mag-reply siya pero bumalik na lang si Gab ay wala akong natanggap."Tara na, naghihintay na sa baba ang rented car," ang sabi niya at kinuha ang mga gamit ko for the photoshoot.Tumingin muna ako sa balcony ng suite kung saan ay makikita ang lugar sa labas. Ang ganda ng city rito sa Toulouse. Sigurado akong magugustuhan rito ni Noreen kapag nandito na siya.Sandali pa lang ako rito pero parang gusto ko ng magtagal. Mabuti na lang talaga at ako ang kinuha ng isang kilalang fashion brand para gawing model.One-day shoot lang ang gagawin at magtatagal pa kami ng isa pang araw pagkatapos para ma-enjoy naman namin ang lugar.Lumabas ako sa suite at sinundan si Gab. Naabutan ko siyang naghihintay na sa akin. Napansin

    Huling Na-update : 2021-07-20

Pinakabagong kabanata

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Epilogue

    [Thalia’s Pov] UNANG HAKBANG, hingang malalim. Pangalawang hakbang, humigpit ang hawak ko sa bulaklak at sa pangatlo ay halos tumulo na ang luha ko. Ganito pala ang feeling kapag naglalakad na sa aisle tapos nasa dulo ang taong minamahal mo, naghihintay. Marami ang nakatingin sa akin pero nasa kanya lang ang atensiyon, hindi inaalis ang tingin kay Aaron. Nang nasa tapat na niya ako ay hinarap ko si Daddy na kanina pa iyak nang iyak. Kailan ko nga unang nakitang umiyak si Daddy? Ah, no’ng nalaman niyang buntis ako sa kambal. Umiyak siya dahil hindi niya akalaing maaga siyang magkakaroon ng apo. Pareho silang umiyak ni Mommy no’ng time na iyon. Ramdam na ramdam ko ang init nang yakap niya. “Masaya ako para sa ‘yo Thalia.” “Thank you Dad.” Pagkatapos ay hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko saka pinasa kay Aaron. “Ilang beses ko nang sinabi ‘to, pero nagpapasalamat ako kasi ikaw ang magiging katuwang ni Thalia.

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 60

    MAHIGPIT na yakap ang natanggap ko matapos yakapin ni Noreen si Thalia. Nang matapos kasi kaming mag-usap ay lumipat kami sa office ni Mr. Ben at sandali niyang kinausap si Thalia o tamang sabihin na humingi ng tawad.“So, pa’no, kailangan ko nang umalis bago pa bumalik ang mga employee from lunch,” aniya.“Mag-iingat ka.”“Thank you, and congratulations—“ humugot muna siya nang malalim na hininga. “Sa kasal mo,” ang pigil hininga niyang patuloy. “Sorry, medyo mahirap pa rin kasing tanggapin na ikakasal ka na sa i—ba.” At bahagyang napatingin kay Thalia.Pero sa halip na mailang ay muli lang yumakap si Thalia sa kanya. “Sorry talaga Ate Noreen.”“Okay lang, matatanggap ko rin paunti-unti saka alam ko namang nasa mabuting kamay si Aaron, sasaya siya nang sobra sa ‘yo,” bahagya siyang lumayo kay Thalia. “Sige, aalis na ‘ko, maraming

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 59

    ISANG LINGGO ang nakalipas at halos hindi na ako gaanong pinag-uusapan ng lahat. Nakakalabas na ako kasama si Thalia at ang mga bata. Paminsan-minsan ay pinagtitinginan pero hindi ko na iyon pinapansin. Ang mahalaga ay nakakasama ko na sila na walang inaalala na baka may makakita. Sa trabaho naman ay medyo nabawasan ang mga project dahil sa issue pero ayos lang, sulit naman dahil kapag free time ay agad akong pumupunta sa mga bata para makipaglaro. Sana pala ay matagal ko nang inamin sa publiko ito para hindi nasasayang ang mga oras na pwede ko pala silang makasama nang hindi nagtatago. Hawak sa magkabilang kamay sina Theo at Timothy ay pinuntahan namin si Thalia. Gusto kasi ng dalawa na makasamang mag-lunch ang ina. Dahil sa trabaho ay hindi na sila nagkakasamang mananghalian at namimiss na nila ito. “Maghintay na lang muna tayo sa office ni Lolo habang wala pang-LUNCH break, ‘kay?” ang sabi ko sa kanila habang nasa elevator. Pero mabilis ang

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 58

    PARANG BULA na nakalimutan ng mga tao ang pag-alis ni Noreen sa showbiz at napalitan ng panibagong nakakagulat na balita. Sa loob lang ng ilang oras matapos kong sabihin sa buong mundo na may relasiyon kami ni Thalia at may mga anak kami ay nag-trending agad ako. Nag-top rin sa most search celebrities at pati pangalan ni Thalia ay most search rin. Ang daming curious kung paano nangyaring naging kami ng ganoon katagal ng hindi alam ng publiko. Sa pagsikat ng araw ay dumagsa pang lalo ang mga reporter sa labas ng subdivision. Nahirapan ngang makalusot si Gab kahit sobrang aga niyang nagpunta. “Coffee lang ang ma-i-o-offer ko,” ang sabi ko sa kanya sabay lapag ng kape sa table dahil kagigising rin lang ng mga katulong. “Kalmado ka ata ngayon? Ibang-iba sa labas bago ako makarating rito. Halos dumugin ang kotse ko para makakuha ng interview.” “Ewan ko ba, gan’to siguro talaga kapag walang inililihim,” ang tugon ko at hindi maawat ang sarili sa pag

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 57

    KAUNTING gasgas sa kamay at tuhod ang tinamo ni Thalia matapos ko siyang maitayo. Walang tigil rin ang pasasalamat ko sa driver ng kotse na mabilis nakapreno. Kung hindi lang naging mabilis ang reflexes nito ay hindi ko na alam ang gagawin. Maingat kong inalalayan papunta sa tabi ng kalsada si Thalia na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Sobra siyang na-shock kaya niyakap ko siya nang mahigpit. “Okay lang, 'wag ka ng matakot. Nandito na ako,” ang bulong. Hindi ko na alintana ang mga matang nakatingin sa amin. Tanging si Thalia lang ang inaalala ko. Pero parang mahirap hindi pansinin ang mga taong nakapalibot lalo na sa mga kumukuha sa amin ng walang paalam. “Please! Kunting respeto naman, ‘wag niyo kaming kunan!” ang sigaw ko habang pilit tinatakpan ang ulo ni Thalia para hindi makunan. Hanggang sa bigla ko na lang narinig ang boses ni Mr. Ben, “Aaron, anong nangyari?” mabilis itong nakalapit sa amin at tiningnan si Thalia na mabilis umiyak nang makita ang ama

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 56

    MATAPOS ang pag-uusap namin ni Gab sa cellphone ay si Thalia naman ang sunod na tumawag. Puno ng pag-aalala ang boses niya at sa tingin ko ay naiiyak siya kahit hindi ko naman nakikita. Garalgal at sumisinghot-singhot na kasi siya.“I’m must be there with you.”“Mas lalo lang akong mahihirapan kung nandito ka dahil si Mama pa lang ay hirap na ako. Iyak nang iyak, ‘di ko nga alam kung nakatulog na nga ba ‘yun sa kwarto,” ang sagot ko.“Natatakot ako para sa ‘yo Aaron. What if dito ka muna sa bahay? Mas secured rito, isaman mo na rin si Tita at mga katulong niyo sa bahay.”“May nagbabantay na sa amin ditong pulis kaya ayos lang talaga, ang mga bata?”“Natutulog na, mabuti na nga lang at tulog na ang mga ito nang ibalita sa TV ang nangyari, kundi ay magpupumilit ang mga ‘yun na puntahan ka.”Mariin akong napapikit nang sumagi sa isip ko sina Theo at Timoth

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 55

    SA ILANG ARAW na nagdaan ay sunod-sunod ang mga issue kong pilit inaayos ng company. Ang management, lalo na si Miss Kaye ay problemado dahil sa biglaang pag-terminate ni Noreen ng contract. Pati ang mga guesting namin na magkasama sa TV show at pag-promote ay apektado. Sa pagkakaalam ko ay nakiusap ang management kay Noreen na huwag muna nitong i-terminate ang kontrata. Pero buo na raw ang desisiyon ni Noreen kahit magbayad pa ito ng penalty dahil sa breach of contract.Hindi lang iyon, dahil kahapon lang ay nag-post si Noreen sa social media na magku-quit na siya sa pag-aartista. At dahil dito ay maraming nagkalat na speculation tungkol sa biglaan niyang pag-alis. Marami raw Journalist ang gusto siyang kausapin dahil dito.Idagdag pa na hinahanda rin ng management ang dapat gawin sa oras na may lumabas na balitang involve ang pangalan ko kay Noreen.“Wala ka bang ganang kumain?” ang tanong ni Mama. Narito kami ngayon sa dining area, nag-aalmusal.

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 54

    DIRETSO ang tingin ko kay Miss Kaye na gulat na gulat sa sinabi ko. Ang alam lang kasi niya ay may relasiyon kami ni Thalia. Hindi niya akalaing magpapakasal na kami. Nang matauhan sa pagkabigla ay saka naman siya naupo.Ilang sandaling natahimik ang buong paligid at wala man lang naglakas-loob na magsalita.“Kaya sana, 'wag niyo ng ipagawa sa 'kin ang gan'to,” ako na ang kusang pumutol ng katahimikan.“Okay, hindi ko na ipagpipilitan ang plano. Pero sana, gawin niyo ang dapat gawin para i-promote ang drama at loveteam niyo,” ani Miss Kaye. “’Yun lang, pwede na kayong umalis.”Matapos niya itong sabihin ay agad na akong lumabas ng office. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay naharang ako ni Noreen. “Totoo b-ba?” may nginig sa boses at namumuo na ang luha sa mga mata.Hindi man eksakto ang tanong niya pero alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. “Oo.”Mariin siyang napapikit a

  • When Our Stars Collide (Entertainment Series #1)   Chapter 53

    HABANG yakap siya ay bigla na lang bumukas ang pinto at patakbong pumasok ang mga bata kasunod si Mr. Ben, tita Lea at pati na rin si Mama.Pumasok sila sa kwarto nang makita sa CCTV na nag-yes na si Thalia.Pero akala ko ay sila lang pero sunod na lang na pumasok ay sina Gab, Kim, Jackson pati si Papa at Jimson. Mukhang pinaalam ni Mr. Ben at Mama ang gagawin ko ngayon kaya sila narito.“Congratulations,” ani Kim at saka ako niyakap.“Thank you,” ang tugon ko pagkatapos ay kay Jackson naman ibinaling ang tingin. Nakipag-apir ako sabay tapik sa likod niya. “Nakapunta ka.”“Congrats, uunahan mo pa 'ko.”“Ang hina mo kasi, e,” ang biro ko sa kanya. Pagkatapos ay napatingin sa ibaba nang mapansin si Theo na nakatingala sa akin. Tumaas ang dalawang kilay ko, tinatanong kung anong kailangan niya.“Mommy cried,” ang sumbong ni Theo.“Tears of joy 'yun,” ang tugon ko

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status